Kabanata 11
NAKABUSANGOT ang drawing ni Faye ngunit siya na gumuguhit ay nakangiti. Baka kaunti na lang lumabas na ang kamay ng kaniyang drawing at hilahin ang kaniyang labi sa kakangiti. Paano ba naman kasi, hindi mawala-wala sa isipan niya ang pagbisita kahapon ni Corin.
Lalo na no'ng napagpasyahan nilang maglaro ng video game.
She laughed as she remembered how terrible Corin played the game. The game that they played had two characters which was the fire boy and the water girl. But they didn't even last ten levels because Corin kept messing up.
"Argh. Lord, ba't 'di ko siya matanggal sa isipan ko?" Gamit ang kaniyang stylus, kinamot niya ito sa ulo ngunit mabilis ding napatigil nang ma-realize ang sinabi.
Napamura siya.
Why am I talking to Him? Fuck it, Faye! He's not real!
Umirap siya at muling binaling ang atensyon sa ginuguhit. Corin's image was still playing inside her head and the thought of the Being that the man believed true was invading his mind as well.
Whenever she was with Corin, there wasn't a single moment she couldn't think about Him.
Napabuntonghininga siya.
Tinapos niya na ang pangatlong commission ngayong araw at pagkatapos, napagpasyahang tumambay sa kaniyang social media account.
Umabot na pala ng 50,000 ang kaniyang followers.
Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi habang naaalala kung paano siya nagsimula. No'ng araw na 'yon masaya siya dahil kasama niya ang kaniyang pamilya, suportado siya at higit sa lahat, ramdam na ramdam niya ang Kaniyang presensya.
She was once a believer. She was once a girl who depended on Him. She was once His child. But not anymore.
Humiga siya sa kaniyang bagong laba na kutson. Habang hawak-hawak pa rin ang cellphone, hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
Paggising niya, gabi na. Kumukulo na rin ang kaniyang tiyan sa gutom. Tinignan niya ang oras at 6:37 P.M. na.
Nagtungo siya sa kusina habang humihikab. May mga natira pang mga ingredients na dinala ni Corin kahapon pero dahil hindi siya marunong magluto, wala rin 'tong silbi. Sa food delivery na lang palagi ang bagsak niya.
She was about to order food when she remembered the newly opened karinderya beside her apartment building. Kanina pang umaga itong nagbukas at sana naman bukas pa ito ngayon. Dali-dali niyang kinuha ang wallet sa kaniyang kuwarto bago nagtungo palabas.
Sinuot niya ang hood sa kaniyang hoodie nang maramdaman ang lamig sa mga tainga.
Pagkarating niya, napangiti siya.
Bukas pa.
"Aling Tita's," basa niya sa karatula na nasa ibabaw at saka naglakad papasok ng karinderya.
Medyo marami din ang mga kumakain, may mga estudyante pa nga, e.
"Ate, apat nga po nito." Turo niya sa Adobong Baboy. "At saka 'yon din po." Tinuro niya ang katabi nitong Pinakbet.
Bumili din siya ng dalawang cup ng rice. She's going to eat a lot today. Lately, she had been thinking about her weight. She was too thin. Hindi naman siya ganito dati pero dahil nga pinabayaan niya ang sarili, mukha na siyang walking skeleton.
"Salamat po."
Inabot niya ang supot at saka nagbayad.
Yakap-yakap niya ang biniling pagkain. Napangiti siya dahil damang-dama niya pa ang init. Handa na siyang umakyat pabalik sa kaniyang apartment pero napatigil siya.
Sa hindi malamang dahilan, napatingin siya sa kaniyang kanan, sa direksyon kung saan ang ilog. Biglang sumagi sa isipan niya ang Black River. Nagkibit-balikat siya at imbes na umakyat, napagpasyahan niyang pumunta at doon na lang kumain sa Black River.
Huli niyang punta ro'n ay no'ng muntikan na siyang mamatay.
"Putanginang professor 'yan, nasa isip ko na naman," saad niya pero agad ding tinampal ang bibig nang ma-realize na nagmura na naman siya.
Pagkarating niya sa playground, patakbo siyang pumunta sa tumagilid na puno, hinawi ang mga nakaharang na dahon at sanga. As she expected, natisod na naman siya sa maumbok na lupa.
Muntik pang malaglag ang pagkain niya.
"Long time no see," bati niya nang sumalubong sa kaniya ang tahimik at mapayang tanawin ng Black River.
The sound of the crickets and frogs greeted her while the fireflies gave her light. It was enchanting. She really loved the Black River.
A sound of splashing water made her looked at the exact location of the river. Napasingkit ang kaniyang mga mata nang may makitang gumagalaw sa tubig. Isang pigura ng lalaki ang iniluwa roon dahilan para mapalaki ang kaniyang mga mata.
Kita niya ang tindig ng katawan nito hanggang sa baywang. Nakalubog pa ang ibabang parte ng katawan nito. The guy was busy brushing his hair out of his face, making her failed to realize that she had been staring at him.
"Fu--" Muntikan nang mapamura ulit si Faye pero napigilan niya ang sarili.
Napalunok siya nang makilala kung sino ang lalaki.
It was Corin.
Nabato siya sa kinatatayuan habang nakatingin pa rin sa naka-side view na si Corin. Buti na lang madilim kaya 'di niya masiyadong makita ang katawan nito, pero ang hulma at ang tindig, kitang-kita niya.
Nagsimulang gumalaw ang lalaki kaya nataranta si Faye. Humarap ito sa kaniyang direksyon at mukhang aahon na ito.
Shit! Shit! Shit!
Napapikit siya at mabilis na napasigaw.
"Huwag kang umahon!" pigil niya sa lalaki. Baka may makita pa siyang hindi niya dapat makita.
Isa ring sigaw ang narinig niya mula sa lalaki, sumunod no'n ang malakas na pagtalsik ng tubig.
"F-faye? What are you doing here?" Halata sa boses nito ang pagkataranta.
Binuksan niya ang mga mata at nakita ang lalaking nakalubog na ang buong katawan sa ilog bukod sa ulo nito.
"Bawal ba ako rito? Malay ko bang mag-n-night swimming ka pala ngayon." Napaiwas siyang tingin.
"Kanina ka pa ba r'yan?" Humina ang boses nito na para bang nahihiya. "W-wala ka namang nakita, 'no?"
"Wala, ah!" kaagad niyang sagot sabay iling. She did see the upper part of his body but it wasn't clear, so she might as well deny it.
Hindi naman sumagot si Corin at napaiwas ng tingin.
Isang minutong katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa kaya napakamot na lang siya sa kaniyang ulo. Kaya pala mukhang pamilyar ang kotse na nakita niya kanina sa gilid ng playground. Kay Corin pala iyon. Tsk.
"Kakain dapat ako ngayon, e."
Naglakad siya papalapit sa kinaroroonan ng lalaki at pinakita ang dinala niyang pagkain.
Inangat naman nito ang tingin. "Niluto mo ba 'yan?"
"Ang galing ko naman kung ganoon. Binili ko lang. Kita mo naman, oh, nakalagay sa supot." Umupo siya sa damuhan. Sumunod naman ang tingin ni Corin sa kaniya. Napangiti siya nang makita ang pagmumukha nito. "Para kang sirena r'yan. Gusto mong kumain, little mermaid?" tukso niya.
Napasimangot naman si Corin pero agad ding napalitan ng maliit na tawa.
"Can I? Hindi pa ako naghahapunan, e."
Tumango siya. Buti na lang madami ang binili niya.
Hinintay niyang umahon si Corin pero nanatili lang ito sa posisyon. Nagtaka naman siya.
"Akala ko ba kakain ka rin? Wala ka bang planong umahon d'yan?"
He scratched his neck while looking at the water. "Ahm . . . Can you t-turn around? I'm actually not wearing anything right now."
Wala pang isang segundo ay nakatalikod na siya.
"Turn over to the right side. My clothes are on the left."
Sinunod niya naman ang sinabi ng lalaki. Napakagat siya sa kaniyang labi dahil sa hiya. Naramdaman na niya itong umahon sa kaniyang likuran at gusto niyang sampalin ang sarili dahil sa naisip.
May kung anong nagsasabi sa isipan niyang lumingon.
"Demonyo." Umirap siya at yumuko. Tinuon na lang niya ang tingin sa kaniyang dala-dalang pagkain. Tinusuk-tusok ang supot ng kanin gamit ang mga daliri habang hinihintay na matapos magsuot ng damit si Corin.
"All done."
Lilingon na sana siya pero si Corin na mismo ang naglakad papunta sa harapan niya. Umupo rin ito sa damuhan kaharap niya habang naka-squat ang mga paa.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng kaniyang hoodie at in-on ang flashlight. Tinapat niya ito sa mukha ni Corin dahilan para mapapikit ito.
"Bakit?" tanong nito habang nakapikit.
Ewan niya rin kung bakit. Gusto niya lang makita nang malinaw ang mukha nito. Basang-basa pa ang buhok nito at tumutulo ang tubig papunta sa puting polo.
"Ang guwapo mo kasi," sabi niya at nilagay sa damuhan ang kaniyang phone upang magsilbing ilaw sa kanilang dalawa.
Nilagay niya rin sa damuhan ang mga pagkain at tinanggal ang pagkakatali ng supot.
Pansin niya ang pananahimik ng lalaki kaya napaangat ang kaniyang tingin. Nakayuko ito habang nakatingin sa mga pagkain. Namumula ang leeg pati na ang mga pisngi.
"Okay ka lang? Nilalamig ka ba?"
"No. I-I'm fine. It's just . . ." Sinulyapan siya nito pero agad ding umiwas. Tinuon ang tingin sa ilog habang napapakamot sa tainga. "Don't do that."
"Do what?"
"Saying that I'm handsome all of sudden."
"Why not? Guwapo ka naman talaga, ah."
Hindi ito sumagot at mas lalo pang iniwas ang tingin. Kaunti na lang para tumalikod ang lalaki sa kaniya.
Is he shy?
Napangisi siya. "Hala, ang cute mo naman mahiya, prof."
"Stop," inis siya nitong tinignan kaya napatawa siya.
Napailing na lang siya at nagsimula nang kumain. Nagkamay lang siya dahil hindi naman siya nagdala ng kutsara at tinidor.
"Should I pour the Pinakbet here? Sayang 'yong sabaw." Turo ni Corin sa kanin at um-oo naman siya.
Nagsimula na rin itong magkamay matapos ihalo ang pinakbet sa kanin.
"How's the orphanage?"
"The kids are still lively as usual." Inabot nito ang isang hiwa ng karne. "Oh, right. You remember the kid who is so good at drawing? He joined a drawing contest held in their baranggay and guess what? He won!"
"Well, that's not surprising. Super talented ng batang 'yon."
"Right?" nakangiting sagot ni Corin. His eyes were beaming with happiness. He looked like a proud father.
Pinagmasdan niya ito.
"Corin, sure ka na wala ka talagang asawa? O kaya girlfriend?"
"Wala nga."
"Weh?" Nilunok niya ang kinakain.
"Do I look like I'm lying? If I had a wife or a girlfriend, I would probably gonna talk about her 24/7."
"Sa guwapo mong 'yan? Wala kang jowa?"
Napatigil ito sa pagnguya pero mabilis ding nakabawi. "Ikaw? Sa ganda mong 'yan, ba't wala kang boyfriend?"
Siya naman ang natigilan. Hindi niya inaasahan na gagantihan siya ng lalaki.
Napangisi pa ito nang mapansing natigilan siya.
"So? Bakit wala kang boyfriend, Faye?" tukso ulit nito.
Napatikhim naman siya. Sinakyan ang biro nito. "May sinabi ba akong wala akong boyfriend?"
"Ha?! So, may boyfriend ka?!" Bahagya siyang napaigtad nang mapasigaw si Corin. Bigla itong tumayo kaya naman nagtaka siya.
"Saan ka pupunta?"
"I'm sorry. I thought you don't have a boyfriend. I should not be here spending time with you. I'm really sorry."
"Uy! Teka lang!" Kaagad niyang hinawakan ang kamay nito nang magsimulang maglakad paalis. "Teka nga!" sabi niya pa ulit dahil pilit nitong inaalis ang kamay niya. Hindi niya muna pinansin ang kamay niyang may halong laway, ulam at kanin at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng lalaki.
"Please, let go of me. Don't touch me."
"Teka sabi, e. Wala akong boyfriend."
Napatigil naman ito sa pag-alis ng kaniyang kamay.
"Wala?"
"Oo. Wala. Sinasabayan lang kita sa panunukso mo, lumayo ka naman kaagad."
"E, kasi naman, e. Natakot ako ro'n."
"Why?"
"What do you mean why?" Umupo ito ulit sa harapan niya. "I spend most of my time with you. I talked to you everyday. I even visited you yesterday. And now, we are eating here together. Ano na lang iisipin ng boyfriend mo kapag nalaman niyang may kinakausap ka pa lang ibang lalaki?"
Magkahawak pa rin ang kanilang kamay. Ramdam niya ang mga pisil ni Corin sa kaniyang palad habang nagsasalita ito.
"I don't want to be involved with people who are in a relationship. That's disrespectful. At saka, ayokong ano . . . mahulog sa . . ." Hindi niya marinig nang maigi ang huli nitong sinabi dahil biglang humina ang boses nito.
"Ano?"
"Nothing. Anyway, so wala ka talagang boyfriend?"
"Wala nga."
Huminga naman ito nang malalim. A sigh of relief. Tinignan siya nito nang may ngiti na sa mga labi.
Ayan na namang mga ngiting 'yan.
"Nginingiti-ngiti mo r'yan?" bulong niya pero mukhang narinig ni Corin dahil mahina itong tumawa.
"Faye, it's Sunday tomorrow." Nagulat siya nang marahan nitong nilapat ang isang kamay sa kaniyang palad. Napaligiran na ng init ang kanang kamay niya dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng mga palad ni Corin.
Sinalubong ng lalaki ang kaniyang tingin. Napalunok siya dahil nagsimulang tumibok nang mabilis ang kaniyang puso.
"Will you go with me to the church tomorrow?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro