Kabanata 1
Trigger warning: This chapter contains strong language, self-harm and suicide attempt.
WERE the lines good? Were they straight enough to look faultless? The colors didn't seem to blend well. It was messy like how her hair tied into a loop of swirling tornado as she continued to draw on her drawing tablet.
Commission. Commission.
She needed money to live. She needed money to eat. She needed money to pay the rent of her apartment. But why was she trying so hard to keep on breathing when all she wanted at this moment was to lose the ability to breathe?
"Shit." Her hand shook due to fatigue. She had been drawing non-stop since last night. Ni hindi pa nga siya nakakatulog.
Handa na siyang gumuhit ulit subalit nakita niya ang nalikhang linya dulot ng panginginig niya kanina.
Messy. So messy. It was annoying.
She looked at it with disgust as she threw her stylus on the screen.
"So fucking ugly!" nanginginig ang kaniyang mga labi habang hindi inaalis ang tingin sa guhit.
She could just erase it but her anxiety said no. Kinain na siya ng pagkataranta kaya napahawak siya sa kaniyang buhok. Yumuko siya at tinago ang mukha sa kaniyang mga tuhod. Huminga nang malalim at pilit na pinapakalma ang sarili.
It's okay. It's okay. It's okay. It's okay.
She wasn't okay.
Tumayo siya at pumunta sa kaniyang kuwarto. Kinuha niya sa drawing ang kaniyang gamot at tinungga ito. Pinili niyang humiga ngunit hindi siya mapakali kaya tumayo siyang muli. Nagtungo siya sa kusina at umupo sa ibabaw ng lamesa.
Fucking life. Fucking attack. Fucking perfection. Fucking expenses.
Why did she need to do all this? Why? What could be the reason?
Nakuha ng kaniyang tingin ang kutsilyo na nakasabit. Bumaba siya sa lamesa at mabilis itong inabot. Imbes na sa handle, ang blade ang kaniyang hinawakan. Hinigpitan niya ang pagkakahawak doon hanggang sa maramdaman ang metal na hinihiwa ang kaniyang palad.
Masakit. Ngunit gusto niya ang pakiramdam na ito. Hindi na ito bago sa kaniya, pero sa tuwing sinusubukan niyang kitilin ang buhay, palagi namang may mang-iisturbo.
"Mamatay ka na, please," she said, not to anyone, but to herself. "Fucking die, you piece of shit!"
Habang dinidiinan, minumura niya rin ang buo niyang pagkatao. Kung gaano siya ka walang kuwenta, na isa siyang bigo at may depekto. Bakit pa nga ba siya nandito? Dapat siya na lang ang nawala. Kung ganito lang naman pala ang aabutin niya, sana hindi na lang siya nabuhay.
She hated herself that she couldn't bear to look at her. To look at the fucking ugly thing she was.
Mamatay ka na, bilis!
Inalis niya ang pagkakahawak at itinuon ang matulis na bahagi sa kaniyang tiyan.
Maybe this time, no one would disturb her. This time, it might be a success.
Pumikit siya at handa nang itarak ito sa katawan nang walang pagdadalawang-isip subalit may biglang nag-door bell.
"Fuck."
Another failed attempt.
Napatigil siya sa ginagawa at marahas na tinapon ang kutsilyo sa sahig.
Nakasimangot siyang naglakad papunta sa pinto at binuksan kung sino 'yon.
"Good evening po, ma'am. Pizza delivery po," saad ng delivery boy.
Tinago niya ang kamay niyang dumudugo at inabot ito gamit ang isang kamay. Pagkatapos niyang magbayad, sinarado na niya ang pinto at pumunta sa salas. Umupo siya sa kutson kung saan naroroon din ang kaniyang tablet. Doon niya nilapag ang pizza at dali-dali itong nilamon.
Doon niya lang naramdaman ang gutom. Nang malasahan niya ang sarap at kung paano natunaw sa bibig niya ang keso, doon lang siya natauhan. Muli siyang bumalik sa reyalidad habang ang mga luhang hindi niya alam kung bakit tumutulo ay binabasa na ang kaniyang buong mukha.
I fucking hate this life. So fucking hate it.
Humihikbi siya habang tinapos nang mag-isa ang buong pizza.
"Putangina, ang sarap. Gusto ko pa."
Sana pala dalawa in-order niya. Gutom na gutom siya, kanina pa siyang umaga walang kain at nagkape lang siya kagabi.
"Diet 'yan? Putangina," mura niya ulit at niligpit ang kahon ng pizza. Hindi niligpit na tinapon sa basurahan kundi sinaboy niya lang ito sa gilid.
Paki niya ba? Siya lang naman mag-isa ang nakatira dito kaya wala siyang paki kung mukhang basurahan na ang kaniyang apartment. Para saan pa ang paglilinis kung madudumihan lang naman ulit?
Basura naman siya kaya bagay na bagay sa kaniya.
Ilang minuto siyang tumunganga, nag-aaway ang kaniyang utak kung mag-d-drawing ba siya ulit o matutulog. Sinulyapan niya ang kamay niyang dumudugo pa rin at wala siyang planong lagyan ito ng kung anong gamot.
Dumugo ka lang d'yan. Baka sakaling maubusan ako ng dugo tapos mamamatay ako, edi mabuti.
Tumayo siya at wala sa option ang napagpasyahan niya. Lumabas siya sa apartment upang magpahangin. Inalis niya ang mga natirang luha sa mata habang nakatingin sa tanawin sa labas.
Madilim na. Bukod sa maiingay na sasakyan, tahimik na rin ang Maranatha University kung saan siya gr-um-aduate. Isang malawak na kalsada na may apat na lane ang pagitan ng apartment na tinutuluyan niya at ng university.
Napatingin siya sa ibaba. Kung tumalon kaya siya rito? Nah. Masyadong agaw pansin. Ang pangit, baka umabot pa siya sa news. Baka magka-anxiety lang ang kaluluwa niya 'pag lumabas siya sa telebisyon.
Bumaba siya mula sa second floor at naglakad papunta ng plaza. Pinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng hoodie sa harapan habang sumisipol kahit hindi naman siya marunong. Naramdaman niya ang cellphone niya na hindi niya alam kung low battery na ba ito dahil hindi niya pa ito na-che-check mula kahapon.
Maraming mga tao ang nakatambay sa plaza kaya nilampasan niya lang ito. Ilang kanto ang kaniyang niliko hanggang sa makarating siya sa playground. Hindi siya maglalaro doon kundi para pumunta sa liblib na bahagi.
Sa umaga, punong-puno ng mga bata ang playground ngunit sa gabi, para itong ghost town sa tahimik.
Lumunok siya at naglakad papalapit sa higanteng puno na medyo nakatagilid. Hindi naman ito ganito dati ngunit dahil sa dumaang bagyo, tumagilid na. Tumatakip ang mga dahon nito sa daraanan kaya winaksi niya ito.
Yumuko pa siya para hindi matamaan ang kanyang ulo ng mga sanga.
"Aray!" Palagi talaga siyang napapatid sa maumbok na lupa kapag pumupunta siya rito.
Hindi niya rin alam kung bakit. Kahit alam niya nang maumbok sa parteng ito, napapatid pa rin talaga siya.
Napailing na lang siya at pinagmasdan ang tanawin sa kaniyang harapan.
Nagsilbing liwanag ang mga alitaptap upang makita niya ang mapayapang tubig sa ilog. Ang tunog ng mga palaka at iba pang mga hayop ang nagsisilbi niyang musika. Walang nang pumupunta rito matapos mangyari ang isang trahedya ilang taon na ang nakakaraan.
The place was an attraction before but after the incident, it had been abandoned. Naniniwala ang mga taong nakatira malapit sa lugar na ito na may hindi magandang maidudulot ang ilog na ito kapag nagtungo sila rito. They labeled the place a haunted one. A place of mischief. A place of fear. A place of darkness.
They called it the Black River.
Despite the rumors about this place, she was never been afraid to see it. Wala pa kasi siya rito matapos mangyari ang trahedya kaya hindi niya rin alam kung maniniwala siya sa mga pinagsasabi ng mga tao.
So what if something bad happened here? It wouldn't make this place automatically terrible, right?
She actually loved it. It was peaceful. And beautiful.
Naglakad siya sa maliit nitong bridge na medyo sira-sira na.
Tumingin siya sa ilog at kita niya mula roon ang buwan.
Napaisip siya. Puwede bang mawala na lang at manatili rito? Puwede bang talikuran na lang ang lahat? Bakit kasi kailangan niya pang makaramdam ng mga pakiramdam na maghuhulma sa kaniya na isa siyang tao?
Puwede bang hindi na lang siya makaramdam ng gutom? Puwede bang wala na lang siyang emosyon? Puwede bang mawala na lang siya bigla?
Hindi puwede.
Bakit? Iyan ang tanong na hindi niya masagot.
Wala na siyang kinakapitan pa pero bakit nandito pa rin siya? Bakit sa lahat ng pagkakataon parang may pumipigil sa kaniya na mawala siya?
Sumagi naman sa kanyang isip ang mga salita ng magulang.
Nand'yan ang Diyos, anak.
"Pfft." Napatawa siya.
Really? Sa panahon ngayon, they still believed on that? Gusto niyang magalit sa mga magulang dahil sa Diyos na sinasamba nila. Dahil sa Diyos na 'yan nawala ang mga magulang niya. Kahit na sa huling sandali, iyon pa rin ang lumalabas sa bibig nila. Na magtiwala sa Kaniya.
Ano bang ginawa ng Diyos na 'yan? Bakit siya magtitiwala sa bagay na hindi niya naman nakikita?
"Ikaw ba pumipigil sa 'kin, ha?" nayayamot niyang tanong pero agad ding siyang napatawa. "As if naman totoo Ka."
Bumaba siya sa bridge at lumapit sa gilid ng ilog. Hinugasan niya roon ang sugatan niyang kamay. Sumisipsip sa kaniyang balat ang hapdi pero tiniis niya iyon. Sino bang may kagagawan n'yan? E siya lang din naman kaya magdusa siya.
Winisiwas niya ang kamay na para bang may dala siyang espada upang alisin ang hapdi at ang tubig na kumapit. Sakto namang tumunog ang cellphone niya kaya inabot niya ito gamit ang isang kamay upang tingnan kung sino ang nag-text.
Five percent na lang pala siya.
Nagpunta siya sa messaging app at in-open ang unread message.
It's from one of her client.
From: Miss Anica
Hello, Nasta. I'm sorry if this is so sudden, but I would like to request to get my commissioned art not later than 2 A.M? Kindly deliver it to this address. Thank you.
"Damn fuck!" Binalik niya ang cellphone sa bulsa at inis na naglakad paalis sa Black River.
Hindi niya pa iyon nasisimulan. It was a traditional portrait. Muli niyang kinuha ang cellphone upang tignan ang oras and it was ten o'clock.
Puwede naman niya iyong tanggihan pero sayang naman ang kita niya. Kailangan niya iyon. Kahit 'di na siya natutuwa sa pagd-drawing, kailangan niya pa ring magpatuloy dahil ito ang bumubuhay sa kaniya.
Sinulyapan niya muna ang ilog bago tuluyang umalis.
Nang makabalik siya sa loob ng kaniyang apartment, para na naman siyang nasasakal. Nakaka-suffocate. Palagi na lang talagang ganito. Nakakapagod. Ano nga ba itong ginagawa niya?
Kahit buto't balat na lang siya, tuloy pa rin talaga ang buhay niya. Hindi na siya masaya. Ni hindi na nga niya maalala kung paano ba sumaya, e. 'Pag ngumiti ba siya, masaya na kaagad siya?
Fuck, no! I could fake my smile whenever I want.
Sabi nila ang buhay ay parang gulong ng palad, minsan nasa ibabaw ka, minsan naman nasa baba. Pero ang sa kaniya, hindi na yata umiikot at nanatili na lang siyang nasa baba.
Where did she get stuck? Or maybe it was just a flat tire? O baka sira na talaga at wala na talagang pag-asa na umikot ulit ang buhay niya.
Kinuha niya ang mga art material niya na nakakalat lang sahig. Inabot niya ang 16 x 24 inches canvas at nagsimula nang gumuhit.
Fucking life.
Hindi na naman siya makakatulog nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro