Epilogo
"HEY, you look so good in that white dress."
"Really?" she replied while wearing a smile on her face, turning and showing Solomon how wonderful the dress fitted perfectly on her.
Sumandal naman si Solomon sa pinto. "Yeah."
Inabot ni Faye ang phone niya sa sofa nang tumunog ang kaniyang cellphone. It was an alarm. It was already 9:30. They needed to go to the church.
Naglakad na siya papalapit sa lalaking nakasandal sa pinto. He offered his arms so she encircled her hand around his.
Ayaw niyang ma-late sa kasal ng kaniyang kaibigan, baka bigla siyang sakalin nito. Daldal nang daldal pa naman iyon kahapon kung gaano ito ka-excited sa wedding.
"Ikakasal na si Alexandra. Ikaw? Wala ka bang plano?" tanong ni Solomon at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse.
Nang makapasok din ang lalaki, doon lang siya sumagot. "Nah."
"You're already 30, right? Nako, Faye. Tatanda kang mag-isa n'yan."
Napatawa lang siya nang mahina habang nakikinig kay Solomon.
Limang taon na ang nakakalipas matapos siyang iwan ng kaisa-isang taong nagbigay ulit ng liwanag sa kaniyang buhay. Sa loob ng limang taong iyon, marami ang nangyari.
Hindi naging madali sa kaniya ang mga araw na mag-isa na naman siyang muli. Pero kahit papaano, nagagawa niyang lumaban dahil may pinanghahawakan siya. Si Neuro at Shima ang nagpapaalala sa kaniya na hindi siya puwedeng sumuko dahil may lumalaban pa para sa kaniya.
Natuto siyang tumayo at magpatuloy.
"Hindi 'yan," sagot niya. "May hinihintay ako, Solomon."
If she was 30, then he must be 32 right now.
Those moments of her life made her realize how she focused so much on the negativity. She failed to see what good things had come her way. She failed to see that despite her suffering, she was still provided in everything that she needed. Despite her hate towards Him, He was still there, waiting for her to return to Him.
As she tried to look back when her family was still with her, she realized how shallow her faith was. Naniniwala lang siya kapag magagandang bagay ang nangyari sa kaniya. And how she easily blamed Him for everything that goes wrong in her life.
Sinandal niya ang ulo sa bintana.
I'm sorry.
She truly regretted it. Instead of running towards Him, she distanced herself. Pero kahit na ganoon, lapit pa rin nang lapit ang Diyos sa kaniya.
And Corin was right. She never found Him, He found her.
Napansin ni Faye ang nakatagilid na maliit na teddy bear sa head board ng kotse. Kung ito nakita niya five years ago, for sure nabuwisit na siya.
She feared imperfection so much. The feeling of making a mistake and failing had taken control of her life. She feared to the point that it had became a burden. It prevented her from doing what she wanted to do. The struggle to get her life back together was getting worse back then, not until she decided to face it.
While she was building her faith back, she also became brave enough to reach out for help. She was diagnosed of Atelophobia. She developed the fear after all of the traumatic events she experienced, how she witnessed her losses made her feel that she had failed to make them stay. She had considered herself as a failure.
"Naks. Iba talaga 'pag umiibig," nakangiting saad ni Solomon. "I'll make sure to write your life story when that guy you're waiting for comes back."
"Ayusin mo description niya, ha?"
Tumawa naman ito. "Kabisadong-kabisado ko na. Kahit 'di ko pa nga nakikita parang close na agad kami niyan, e. Ikuwento ba naman sa akin araw-araw."
Napatawa naman siya.
Hindi aakalain ni Faye na magiging close sila ni Solomon. Two years ago, muli itong nag-message sa kaniya at nag-offer ng collaboration. Nais nitong gawing illustrated novel ang mga gawa, at gusto nito na siya ang magiging artist. Sobrang natuwa siya at laking pasasalamat niya sa Diyos dahil dumating sa kaniya ang isang napakalaking opportunity.
Nang dahil doon, mas lalo pa siyang nakilala bilang isang artist. Naging successful ang first illustrated novel, at ngayon naman, nasa ikatlong novel na ang ginagawa niya.
It was just also last week that she reached a million followers.
Nang makarating na sila sa simbahan, sakto rin na nagsimula na ang wedding. Ang wedding ni Alexandra at Kio. Si Kio ay ang dentist na natipuhan ni Alex no'ng nagpatanggal ito ng ngipin. Natatawa pa nga siya habang naalala ang mga kuwento nito sa kaniya. Si Alexandra ang nanligaw kay Kio kasi ang pabebe raw ng lalaki kaya siya na lang daw ang magfi-first move.
Malapit nang maggabi nang makauwi si Faye sa apartment niya. Sumalubong kaagad sa kaniya si Neuro. Kinarga niya naman ito habang pinanggigilan ang tiyan.
"Hindi ka naman pumayat, 'no? Baka sakalin ako ng amo mo kapag nakita kang payat." Hinalikan niya ito at nagtungo sa kuwarto para magbihis.
Pumunta siya sa kusina at saka nagluto ng kaniyang hapunan. One of the things she was so proud of was that she could cook now. Nag-enroll talaga siya ng cooking lessons para lang matuto. At salamat naman dahil nagbunga ang winaldas niyang pera.
Hindi na niya kailangan pang magpalipas ng gutom o um-order dahil kayang-kaya na niyang magluto kung ano man ang gusto niyang kainin.
Nagsaing muna siya bago magluto ng adobo. Pagkatapos ay nilagay niya ito sa tupperware upang dalhin sa Black River.
Gabi-gabi siyang pumupunta roon para lang kumain. Nagbabakasaling makita niya ulit ang blessing na binigay ni God sa kaniya dati.
Hindi niya alam kung ano na ang nangyari kay Corin. Tinitignan niya rin ang social media account nito pero kahit na isang beses, hindi ito nag-online. May mga pagkakataon na gusto na niyang sumuko subalit palagi naman siyang binibigyan ni God ng sign na maghintay. It was either makakakita siya ng mensahe mula sa ibang tao o kaya mismo sa binabasa niya.
"Oo na po. Maghihintay ako. Hanggang ngayon naghihintay pa rin." Naupo siya sa damuhan at nilapag ang mga tupperware na nilagyan ng kanin at adobo.
Pinagmasdan niya ang ilog. Naalala niya bigla no'ng muntikan na siyang malunod noon.
It was such a blessing in disguise. Little did she know, it was already a starting point to return to God. And she had indeed found her way back. She was happy to serve God again, and she would never going to do again the things she did when she lost herself.
She was finally home and she was only waiting for that person who showed her the beauty of life again. Her greatest blessing from God.
"Lord, can I have him back now?"
Tumayo siya at naglakad papalapit sa ilog.
Nilubog niya ang mga paa at in-enjoy ang lamig ng tubig. She was very careful to not go into the center because she didn't want to get drowned again.
Dala-dala niya sa kaniyang kamay ang phone habang naka-on ang flashlight. Pinapalibutan din siya ng mga alitaptap na nagsilbing bituin sa kaniyang paligid.
Napakaganda at tahimik. Wala siyang ibang marinig bukod sa unos ng ilog.
Aahon na sana siya pero bigla na lang nadulas ang kaniyang paa.
"Ah!" Napahiyaw siya nang mapaupo siya sa dulo ng ilog. Hindi siya napunta sa gitna ngunit sumakit naman ang kaniyang puwet sa pagkauntog sa matigas na lupa, ang mga paa ay nasa ilog pa rin.
"Aray ko." Dahan-dahan siyang tumayo.
"Are you okay?"
"Yeah. I'm fi--" Natigilan si Faye dahil sa boses.
It was so familiar. The soft yet firm voice reminded her of someone.
Hindi siya gumalaw dahil baka nagha-hallucinate lang siya. Matindi na nga siguro ang pagka-miss niya sa lalaki.
"Faye."
Napakagat siya sa kaniyang labi nang marinig itong muli.
Lumingon siya at inangat ang tingin. Muntik nang mahulog ang kaniyang puso. Hindi niya maaninag nang mabuti ang mukha nito dahil gabi na pero ang tindig nito ay kilalang-kilala niya. Kung paano nito dalhin ang sarili at kung paano ito manamit, kilalang-kilala niya.
Hindi siya puwedeng magkamali.
"C-corin?" Dali-dali siyang tumayo at umahon sa ilog. Muntik na ulit siyang madulas pero nahawakan siya ng lalaki.
Tinapat niya ang flashlight sa mukha nito para makasiguro. Napapikit pa ito dahil sa silaw.
Mabilis na namuo ang luha sa mga mata niya nang makita ito. "Corin, ikaw nga!" Nanginig ang kaniyang mga labi habang binibitawan ang mga katagang iyon.
Kaagad niya itong niyakap.
Her longing for him was easily eased when she felt his arms hugging her back. He came back. He finally came back.
"I'm sorry. It took me a while," bulong nito sa kaniyang tainga. Ilang sandali pa ay narinig niya itong humikbi. "I'm still not too late, am I?"
Humiwalay siya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Walang tigil ang pagtulo ng kaniyang mga luha habang nararamdaman ang init ng mga pisngi nito sa kaniyang palad.
She missed him. So much.
"Ako pa rin ba? Are you still waiting for me?" tanong nito habang nag-uunahan din ang mga luha sa mga mata.
"S'yempre, ikaw pa rin. Ikaw lang, Corinthians." She encircled her arms around his neck. "E, ikaw? Ako pa rin ba?"
He stared at her. The same way as how he looked at her five years ago. Pinahid nito ang mga luhang tumutulo sa kaniyang mga mata.
"It has always been you. Ever since that day," he said and caressed her cheek. He planted a kiss on her forehead.
Corin said those phrases long ago, but she finally understood what it really meant.
She closed her eyes as she felt his lips on the tip of her nose.
"I missed you."
Muli niyang minulat ang mga mata at nagtama ang kanilang tingin. Magsasalita pa sana si Corin ngunit hinila na niya ito palapit sa kaniya.
"Na-miss din kita nang sobra," she said before she completely closed the gap between them.
She once believed but lost. She fought but gave up. She tried ending everything but she was given a chance.
God not only found her way back home, but He also returned the greatest blessing she ever received from Him. Her found blessing in the Black River.
The End.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro