Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20 - Streak Of Truths

ZEKIAH XYRIEL'S POV

"Don't shout at me. Hindi ako matinong kausap sa ngayon. I'm tired."

Tired, huh? Is it because of what he'd said earlier? Nag-overnight siya sa company nila para lang gawin 'yon? Even though he had classes today?

Kung ano man 'yon, wala na akong kasalanan do'n. I didn't tell him to interfere with my problems and it's his own choice.

"Then just go home and rest. I don't give a damn." Akmang tatayo ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at parang may kuryenteng dumaloy do'n kaya napaigtad ako.

He looked away after letting go of my hands."I'm sorry. I didn't mean to it. J-Just stay here and eat with me. Pipilitin kong kumain basta kasama kita."

"I came here to talk about what you did and not to eat with you. Tapos na tayong mag-usap tungkol sa ginawa mo. And thank you." Walang pasabi kong dinampot ang bag ko at tumalikod na.

"Gusto ko lang namang kumain kasama ka pero palagi mo naman akong inaayawan. But it's okay, you can go now."

Parang may konting kirot akong naramdaman sa dibdib ko at hindi ko 'yon gusto. What am I feeling like this towards this Cassanova?! Ugh! Palagi talagang nananaig ang konsensya ko kahit kailan.

"Bilisan mong kumain, pupunta pa akong library para mag-research." Umupo ulit ako sa pwesto ko kanina at parang natigilan siyang sumubo nang makita ako.

"Y-You came back. Kakain ka na kasama ako? Thank you ah. Pinagbigyan mo ako," he said happily and continued eating.

Eh? Ang babaw naman ng kaligayahan niya. Just because I agreed to eat with him, he seemed to be lively again. Wala na rin 'yong paawa effect at malungkot niyang boses. Tsk.

But I had this feeling that what I did is right. Like, I eat with him in exchange of what he did. Pinagbigyan ko siya sa gusto niya dahil tinulungan niya ako. Yes, I don't need his help but he insisted because he's part of the issue according to him. Siguro ginawa niya lang 'yon dahil ayaw niyang madumihan ang pangalan niya sa iba. That girls won't stop chasing after him.

If I'm going to decide, I won't freaking do this. Hindi ko naman ugaling tumanaw nang utang na loob sa iba lalong lalo na sa kanya. At isa pa, dito kami kumain sa cafeteria at kaming dalawa lang dito sa table. Maybe my issues were over but there will be a new one because of this guy...again.

What if there's another spy out there and secretly taking a video of us eating together? Idagdag mo pa ang mga estudyanteng kumakain dito na panay ang sulyap sa'min.

"Bakit ba ang laki ng galit mo kay Sophie? What did she do that makes you burst out of anger whenever you see each other?" he asked out of a sudden.

I stopped eating for a bit and wiped ny mouth with tissue."I'm done with this. Sana sa susunod na magka-problema ako, hindi ka na makikialam. Whatever happens to me, stays on me. Understand?"

"Bakit ba ayaw mong tulungan kita? I'm not asking for exchange. Ginagawa ko 'to dahil gusto ko at hindi ko kailangan ng permiso mo. Why can't you let me do this things for you? Hindi ba sapat ang dahilang gusto kita para tulungan ka?" makahulugan niyang sambit.

Natigilan ako saglit dahil sa pagka-straight forward niya."At hindi rin ba malinaw sa'yo na hindi kita gusto? Ayoko sa mga lalaki at mas lalong ayokong papasukin sila sa buhay ko? Guys nowadays aren't to be trusted, so as you."

"Alam ko naman 'yon at hindi naman kita pinipilit na gustuhin ako. Hayaan mo lang ako at okay na sa'kin 'yon. Matagal ko nang alam na galit ka sa mga lalaki pero pwede bang 'wag mo'kong isama sa kanila? You can trust me and I won't break it."

"How are you so sure? Narinig ko na rin ang mga katagang 'yan sa iba pero nabalewala lang naman. Kayong mga lalaki kase, gusto niyong kunin ang tiwala namin at kapag nakuha niyo na saka niyo kami lolokohin. It's proven and tested, Shael. So why do you think I could trust you? Kase gusto mo'ko at ginawa mo ang lahat para ma-solve ang issue ko? Just... stop it. You can't get anything from me."

"May pinaglalaruan man akong babae, kasalanan naman nila 'yon. They already know that I don't do relationships and just flings but they are still hoping. Ilang beses ko na silang sinabihan na laro lang ang ginagawa ko pero binibigyan nila ng malisya. Ang iba sa kanila napipilitan lang akong i-date kase nga gusto raw nila ako. And that's all. I stopped flirting with girls when I met you. Pwede bang kahit 'yan lang, paniwalaan mo?"

Hindi ako nagsalita at tuluyan nang naglakad paalis. I don't want to say anything to him because I might hit below the belt. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko pero bigla na lang sumikip ang dibdib ko. The last time I felt this was my father's last words to me before he totally left.

At ayoko sa ganito. Dahil kabisado ko na ang mga feelings na 'to. Is it possible that...I'm starting to like him?

No! I can't! As much as possible I don't want to like someone again. Alam ko kung saan 'to hahantong kaya mas mabuting pigilan ko ang sarili ko bago pa ako...tuluyang mahulog sa kanya. I'm just going to hurt myself again.

"You look like a walking zombie, Zeriel. Is there any problem?"

Nag-angat ako ng tingin at ngayon ko lang napansin si Alina sa harapan ko. She's holding a book and papers that were probably her researches. Galing na kaya siya sa library?

"I-I'm sorry, I didn't notice you. Pupunta sana ako ng library para gawin ang research ko. How about you?"

She shrugged her shoulders and walked beside me."I just went there but I can accompany you. Vacant namin hanggang 2:00 kaya libre akong gawin ang gusto ko. By the way, there are rumors that your issues have been resolved already. How's that?"

"It's because of Shael. He used his parents company and their connections to clean my mess. Pumayag din akong sumagot ng limang katanungan kasama siya do'n sa media. He also found out that there were 10 students who took that videos but he blackmailed them to admit everything to the reporters. 'Yong family background ko pinatago niya rin sa kilalang agency para walang makitang ebidensya. He's also the reason why I got more fans and all," I sighed in disbelief.

Nakita ko kung paano siya napanganga sa sinabi ko. Seems like she wanted to say something but she can't even form a sentence. Her eyes even widened in shock.

"S-So...siya ang gumawa no'n para sa'yo? Geez. Mukhag seryoso nga talaga siyang gusto ka niya," hindi niya makapaniwalang sambit.

"Nah. You're wrong. Walang lalaki na seryoso sa mundong 'to, Alina. If there is, maybe just 2% and the rest 98% are cheaters. And that Ignacio was the mastermind while Shael is his assistant." I rolled my eyes heavenwards.

Agad niya naman akong hinampas sa sinabi ko."If you don't like your father, just don't mention his name. Konting respeto para sa Daddy mo, Zeriel."

"Shael and I argued earlier in the cafeteria. Gusto niya akong tulungan sa mga problema ko at sa tingin ko pangingialam na 'yon kaya tumanggi talaga ako. Besides, weren't that close for me to trust him. You can call us acquaintances but not friends. Wala naman akong ibang tinuturing na kaibigan kundi ikaw lang," pag-iiba ko ng usapan.

"Sigurado ka ba talaga, couz? Ang taong nagkakagusto ay nagbibigay lang ng love letters, boquets of roses, o 'di kaya'y gifts. Did he gave those things to you?"

Umiling naman ako."No. Hindi rin naman ako nag-eexpect dahil hindi ko naman siya binigyan ng motive na may pag-asa siya sa'kin. And he's not the kind of person that do those things. Wala namang ibang alam 'yon kundi pambababae."

"Kung sabagay, tama ka. Baka isa ka na naman sa gusto niyang biktimahin o baka pinag-pupustahan ka lang ng mga kaibigan niya. I know his friends, Zeriel. Tatlo sila at isa lang do'n ang matino, ang boyfriend kong si Rynier na---"

"What the fuck?! Don't you dare to fool me, Alina. At mas lalong 'wag mong sabihin na nagpauto ka sa lalaking 'yon?!" Nahampas ko ang mesa dahil sa inis ko kaya lumapit sa kinaroroonan namin ang librarian at sinenyasan kaming tumahimik.

"I'm sorry, Zeriel. Hindi naman siya gano'ng lalaki, eh. Mabait naman siya at maalaga. My parents likes him beca---"

"At ako lang ang walang alam tungkol d'yan?! Kailan pa?" nagpipigil kong tanong.

She let out a sigh and looked away."Magtwo-two months na, couz. Actually I'm planning to tell you for too long but I always lead to fear. Afraid that you might get angry at me like what you feel to the people that surrounds you. Ilang beses na akong sinabihan ni Rynier na haharap siya sa'yo para magpaalam pero ako ang pumipigil na gawin niya 'yon dahil natatakot ako sa maaari mong gawin sa kanya. You hate guys and I don't want you to hate him. Pero kung ayaw mo sa kanya, ayawan mo na rin ako."

"What?! Are you insane?! Am I that heartless for you to think that I will disregard you just because of your boyfriend?! Kahit naiinis ako dahil ngayon mo lang pinaalam sa'kin, pinsan pa rin kita at mahal kita. So, if ever that he will hurt you, I'm going to break his leg for sure." Niyakap ko siya para iparamdam sa kanyang hindi ako galit.

"Sure? Mahal din naman kita eh. I know that you have problems that's why I'm hesitating to tell you."

I just nodded and fixed the tip of her hair."Enough explaining. It's alright. At least you let me know. You can see him if you want and tell him that he's going to face me next time. 'Wag muna ngayon dahil busy pa ako masyado."

"Sige, sasabihin ko sa kanya. Baka matuwa pa 'yon kase legal na talaga kami at hindi na nagtatago sa'yo."

I'm happy for her but at the same time afraid too. She's too important for me and my conscience couldn't take it if she got hurt. Gusto ko siyang malayo sa sakit na naranasan ko pero hindi rin naman pwedeng pigilan ko siya sa gusto niya. It's her decision so all I could do is to support her.

It's been two weeks since I run away from our house. Sa dalawang linggo na 'yon iniwasan kong makarinig ng balita tungkol kay Mom, not to mention the pests in our life. Gabi na ako umuuwi sa condo ko para hindi kami magkasalubong ni Shael dahil magkatapat lang naman ang room namin. Madalas nasa bahay ako ni Lolo para siya na lang ang paglaanan ko ng oras.

Kagaya ngayon, nanonood si Lolo ng TV habang ako ay inaayos ang maliit na guest room kung saan ako nagpapahinga kapag nananatili ako rito. It's been a year and months since I do the household chores. Simula kase nang sinubukan kong tumayo sa sarili kong mga paa ay itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagca-career ko. It's really fun after all.

"Dalawang linggo na ang lumipas, apo. Ayaw mo bang dalawin kahit saglit ang mga magulang mo?" biglang tanong ni Lolo nang nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas sa furnitures.

I gave him a small smile and put down the towel."Nah. I can't, Lolo. Hindi ko pa kayang harapin sila dahil ayoko rin naman. Seeing them is like I'm in a hell. At saka, mas magaan ang loob ko kapag nasa tabi ko kayo, Lolo."

"Alam mo ba, hindi ako nakapag-aral ng kolehiyo kaya konting English lang ang alam ko. Pero kahit na gano'n, masaya pa rin ako kase napag-aral ko ang tatlo kong anak at nakapagtapos sila ng kolehiyo." He closed his eyes, reminiscing those times when he's still with his children.

Umupo ako sa tabi niya para makinig sa kwento niya."Ilan po ang babae at saka lalaki?"

"Dalawang lalaki at saka isang babae. Panganay si Claudio, pangalawa si Ignacio, at pangatlo si Sarfina---"

"P-Po? Pakiulit po ng pangalawa niyong anak?" kinakabahan kong tanong.

He smiled at me widely and answered."Si Ignacio. Ang buo niyang pangalan ay Ramon Ignacio Knoxville. Isa akong Knoxvi---"

"No! It's impossible. T-This can't be!" Napatayo ako nang wala sa oras dahil sa gulat.

I can't believe it! How come he's alive? And I can't sense that he's lying to me. Totoo naman lahat ng pinapakita ni Lolo sa'kin at hindi siya magsisinungaling. So it's true?!

"Bakit ganyan ang reaksyon mo, apo? May masama ba sa sinabi ko? Galit ka rin ba sa mga Knoxville?" naguguluhan niyang tanong.

I suddenly cried and hugged him."E-Even if I want to, Lolo. I can't hate my own grandfather. I'm your granddaughter."

"T-Talaga ba? Hindi ko marinig nang masyado ang pangalan mo sa TV. Ano bang buong pangalan mo?"

"Zekiah Xyriel Knoxville. I'm Ignacio's only daughter." I wiped my tears away to see him clearly.

Is it the reason why I felt so comfortable when I'm with him? That I bought him a house in an instant without even thinking for it? Why I wanted to take care of him so bad? B-Because...he's my grandfather and I came from his bloodline.

"Hindi ko maipaliwanag ang saya ko ngayon, apo. Ang babaeng kumupkop sa'kin at tinuring akong pamilya ay isa pala sa mga apo ko. Kaya pala sobrang gaan ng loob ko sa'yo." Niyakap niya rin ako pabalik at saka ko lang naramdaman ang yakap ng isang Lolo na noon ko pa pinapangarap na magkaroon ako.

That bastard is a great liar! Humanda siya sa'kin. Ako mismo ang maggigilit sa kanya ng leeg.

"Ang sabi ng walanghiya kong ama ay...p-patay na kayo. Simula bata pa lang ako ay naghahanap na ako ng Lolo kase 'yong ibang mga kaklase ko meron at ako wala. Pero ang palaging sagot niya sa'kin ay wala na na raw kayo. How rude!"

Hinimas himas niya ang ulo ko at tumango."Dahil kasalanan ko rin naman kung bakit nila kami iniwan ng yumao mong Lola mo sa ere. Nagpumilit akong isama ng isa sa kanila kapag may kinasal na dahil gusto kong tumira kasama sila kahit na may mga anak na sila. Gusto rin naman namin ni Lola Lucia mo makasama pa rin sila at ang mga apo namin para hindi tahimik ang buhay naming dalawa. Pero ayaw nilang tatlo dahil pabigat lang daw kami ng Lola mo sa kanila kaya wala kaming nagawa nang hindi na sila bumalik pa at nagpakita. Kahit na tawag o text hindi sila nagparamdam. Wala ring pera na pinapadala para sa pagngangailangan namin araw-araw at hindi na kami makapag-trabaho dahil uugod-ugod na kami. Pero kahit gano'n, naiintindihan ko pa rin sila."

I was crying while he was telling his own story. Hindi ako makapaniwalang nagawa ng tatlo niyang anak na abandonahin ang sarili nilang mga magulang. Wherever they are, I just hope that karma will hit them. They deserve to experience more of it because of what they did.

"Lolo, 'wag na kayong umiyak. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan kagaya ng ginawa nila. At kahit anong mangyari, hinding hindi ko sasabihin sa kanilang sa'kin ka nakatira. Hindi ka nila pwedeng api-apihin ulit. Kung makaasta sila parang mga walang pinag-aralan." I gritted my teeth because I could throw this things beside me anytime from now.

But no, Lolo's here. Ayokong ipakita sa kanya kung gaano ako kasama.

"Zeriel, apo. Matagal ko nang hinihiling na makita ko ulit sila. Ni minsan hindi ako nakaramdam ng galit sa mga anak ko. Kahit na may kasalanan sila, matagal ko na silang pinatawad."

"But, Lolo! What they did was unforgivable! Kung napatawad niyo sila ako hinding hindi. Walang kapatawaran ang ginawa nilang pag-abandona sa inyo ni Lola kaya mananatili ang galit dito sa puso ko. Hindi pa nga ako nakaahon sa mga kasalanan at kahayupang ginawa ng magaling ko ama tapos malalaman kong meron pa pala. I would never ever forgive him!" I hissed, not minding what he's going to say.

"Apo, huminahon ka. Hindi maganda ang magtanim ng sama ng loob sa puso mo. Dahil hangga't nandyan 'yan, hindi ka na makakaramdam ulit ng pagmamahal. Ano man ang ginawa nilang kasalanan sa atin ay mapapatawad pa rin natin sila pagdating ng tamang panahon. 'Wag mong hintaying mahuli ang lahat bago mo sila patawarin."

I'm sorry, Lolo. Pero simula nang mabalot nang galit ang puso ko, nawalan na ako nang respeto sa lahat. For me, those who did unforgivable things doesn't deserve a second chance. For what?! Para lang naman 'yong binibigyan mo sila ng rason para ulitin ang ginawa nilang pagkakamali.

"Lolo, dito ka lang ah. Don't go anywhere. Saglit lang ako at babalik kaagad para sa hapunan natin. May dala na akong pagkain pagbalik ko, okay?"

Tumango naman siya."Basta tandaan mo lang ang sinabi ko, apo. Mahal ka ni Lolo."

"Mahal din kita, Lolo."

I drove faster to our house, hoping that Ignacio and my mother was there. Well, let's just pray that his bitchy daughter was there too so that they could witness the most interesting live show today. I immediately parked my car outside the house because I don't want to enter it inside. Ayokong pati sasakyan ko ay mabahiran ng mga masasamang budhi.

Nasa pintuan pa lang ako ay rinig ko na ang tawanan nila na nagmumula sa dining room. Nanggagalaiti na ako sa galit at umuusok na ang tenga ko. I can't take this anymore. Not now or never!

"What a nice view. The legal wife, the cheater husband, and we can't forget the illegitimate daughter. Masayang masaya kayo na wala ako, ah?" I fake my laugh even if I'm vomiting deep inside.

Wala nang mas nakakadiri kaysa sa kanila. So pathetic!

"Sweetie, Zeriel. Masaya akong binalikan mo'ko." Agad na yumapos sa'kin ang magaling kong ina pero marahas ko itong winaksi na muntik niya nang ikinatumba kung hindi lang siya nakahawak sa refrigerator.

"Zeriel! Don't be so disrespect---"

"You shut up dumbass! 'Wag mo'kong pangaralan dahil wala kang karapatan. Ama man kita sa papeles pero sa puso't isip ko isa ka lang estranghero sa paningin ko. Nakakasuka ka!" Tiningnan ko siya na para bang pinandidirian ko ang buong pagkatao niya.

"A-Ate...h-hindi naman kami nandito para manggulo eh," sambit pa ng salot sa grupong 'to.

Pagak akong natawa nang balingan ko siya ng tingin."Wala akong pakialam. Did you forget what I told you?! Never call me like that because you're not my sister! I don't have one! At mas lalo na ang anak sa labas. Bakit hindi ka na lang magpa-api do'n sa Brazil? Tutal, totoo naman ang sinasabi nila tungkol sa'yo. Why? Mahirap bang sikmurain ang salitang anak sa labas at salot sa lipunan?"

"Tama na! 'Wag mong tawagin ng ganyan ang anak ng ama mo. Sawa na siyang pagsalitaan ng masama sa lugar nila kaya sila pumunta rito. Yes, she's not your real sister. Pero dugo pa rin ng ama mo ang dumadaloy sa kanya. So, please. You can hate us but can you accept her? Kahit siya na lang, Zeriel?" pagmamakaawa pa ni mom sa'kin.

I couldn't believe that she's pleading to me because of that girl!

"Wala akong tatanggapin na kahit sino sa inyo. Besides, I'm here to tell something to this old hag. Gusto kong sabihin sa kanyang walang kwenta siyang anak at inabandona niya ang sarili niyang ama para sa walang kwentang dahilan!" Dinuro ko siya na para bang wala akong pakialam kung ama ko siya o hindi.

He was in the state of shock while looking at me."W-What...H-How...d-did you know? Did you see each other? Tell me, Zeriel. I want to see my fa---"

"And do you think I would let you see him? Lolo suffered a lot because of you and your siblings. Lola died because you didn't take care of them! Ni pagpadala ng pera na kakainin nila hindi niyo pa ginawa. You're heartless monsters! Hindi kayo marunong magsukli sa kabutihang binigay ng mga magulang niyo. And you know what's worst?! You never did let me see them when I was young but instead you lied to me! H-How could you do that?!"

"Ignacio, why didn't you tell me?! Bago tayo kinasal tinanong kita ng maayos kung naasan ang pamilya mo para naman makadalo sila. But all this time, you've been lying to me...and to your daughter. Maiintindihan ko kung bakit nangyayari 'to sa'tin at pareho natin 'tong hindi ginusto. But this...this is ridiculous!" Mom said in disbelief.

"No! I can explain. Wyna...let me---"

"You don't have to say that. Kase kahit hindi mo naman siya tanungin, makikinig naman 'yan sa'yo. Ganyan naman talaga ang mga tanga at uto-uto 'di ba? Well, feel free to explain your nonsense side to her. Dahil ako alam ko na kung ano ang totoo at kung ano ang paniniwalaan ko," I confidently answered.

"Tanga man ako pero marunong naman akong makinig sa dahilan ng iba, Zeriel. Why don't you try to listen to them so that you'll realize what's your mistake. And that's for not listening to someone's side."

Taas noo ko naman silang tiningnan."For what? Para sa iba na namang kasinungalingan? Not anymore. Nadala na ako sa sobrang pait at sakit na dinanas ko kaya hindi ko na dadagdagan pa 'yon. And a mistake? It's already a mistake for me if I'll let them fool me again!"

I walked out of that freaking house because it's burning hell inside me. Hindi ko kayang magtagal pa nang ilang minuto do'n sa loob dahil baka kung ano pang magawa ko. I ordered food through drive-thru because I'm not in the mood to cook for our dinner. Hindi na muna ako nagsalita hanggang sa nagsimula na kaming kumain. I might curse while eating and Lolo will surely get mad.

"Drink your vitamins before going to bed, Lolo. Hihintayin ko munang makahiga na kayo bago ako umuwi sa condo ko," I said in a monotone voice.

Lumingon naman siya sa'kin at tumango."Paano ka? Gabi na, apo. Baka anong mangyari sa'yo sa daan. Pwede ka namang matulog sa guest room."

"Kailangan may tao sa condo ko at para diretso na ako bukas sa University. May mga hinanda akong pagkain para makain mo bukas at nilagay ko lahat ng 'yon sa refrigerator. Baka sa hapon na naman ako makadalaw, Lolo." Nagsalin ako ng tubig sa baso at kinuhanan siya ng vitamins.

"Sige, apo. Naaintindihan ko. Mag-ingat ka."

Bago ako umakyat sa condo ko ay bumili ako ng Vodka at saka isang box ng cigarette. No one will notice me because I'm wearing a face mask and a hoodie. Napaatras ako ng konti nang biglang bumukas ang pinto ng condo ni Shael at nakasuot siya ng sweat pants saka jacket. He recognized me easily since I'm his only neighbor. Bumaba ang tingin niya sa dala ko at bago pa man siya makapagsalita ay pumasok na ako sa condo ko.

I let out a deep sigh and removed my mask together with my hoodie. I'm just wearing my white bralette and denim shorts when someone knocked on the door. Wala akong nagawa kundi buksan ang pinto at bumungad do'n si Shael na may dalang junk foods.

"Maglalasing ka 'di ba? Sama ako."

Umawang ang labi ko hanggang sa maisara ko ang pinto. Inis akong naglakad papasok sa mini-kitchen ko para sana paalisin siya pero nagsalin na siya ng Vodka sa dalawang baso. He even smiled at me when our eyes met.

"I'm planning to get drunk by myself. Kung gusto mo ring maglasing bumili ka ng sa'yo at do'n ka sa condo mo. I have a lot of prob---"

"I know. Palagi mo namang sinasabi 'yan, eh. Iniisip ko nga kung 'yan ang favorite line mo." He drink it with just one shot without even eating a lime.

Ang pait sa lalamunan n'yan tapos parang sanay naman siya. Nang hanapin ko ang cigarettes ko ay tinaas niya kaagad 'yon at saka binulsa.

The fuck! Ako ang bumili no'n!

"Ano ba talagang gusto mo at nandito ka? I won't carry you if you got drunk. At mas lalong ayokong mag-stay ka dito sa condo ko. At isa pa, akin na ang sigarilyo ko!"

"I'm here because I want to be with you. Now tell me, is it that bad? And about your cigarettes, it may sound rude but girls who smoked are called addicts."

My heart skipped a beat when he stared at me with his pleasing eyes. Wala akong pakialam do'n sa huli niyang sinabi. His eyes were hypnotizing me that I walked towards him and sat on the stool. Walang sabi-sabing nilagok ko ang lahat ng laman ng baso ko at kumain ng lime.

"Uminom ka lang, hindi kita gagalawin. I won't drink to much to watch over you. Don't worry, I won't take advantage of you. Just drink there if you want to forget your problems for a while. Nandito lang ako."

Is he doing this just because he like me or he felt pity on me? Nakakatawa. Guys were really hard to understand.

--------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro