Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Naglalakad ako pauwi sa'min dahil kagagaling ko lang kina Aling Marta upang bumili ng toyo at suka. Gagawin kase namin itong sawsawan ng ulam naming kamatis. Mahirap lang kase kami dito sa probinsya kaya wala kaming pambili nang kahit de lata man lang o instant noodles lang. Wala kaseng trabaho ang Inay at may sakit naman ang Itay kaya wala kaming pagkukunan ng pera. Mabuti na nga lang at may gulayan kami sa aming bakod kaya kahit papaano ay may pang ulam kami kahit konti.

"Uy Katria, I don't see you. You is not kapansin pansin kase."

Napakunot ang noo ko ng biglang sumulpot si Vera or should I call her VeraMundo, ang maarteng anak ng chismosa naming kapitbahay.

At saka ano daw? I don't see you? Baka I didn't notice you, jusmeyo. Mage-english na nga lang wrong grammar pa, buti naman pinapasa siya no'ng English teacher namin no'ng highschool. Palibhasa kase may gusto sa kanya 'yong si Sir Raul, na siraulo. Lol.

"Oh ano, you can't sey ebreyting? I know you is nat anderstanding me, eh." Muli akong napatingin sakanya at napairap.

Usong pronunciation sayo 'te?!

"Anything 'te, hindi ebreyting. Kung mage-english ka ayusin mo 'yong grammar, ako 'yong napapahiya kapag may nakarinig sayo eh," walang gana kong sagot pero tinaasan lang akong ng kilay ng echoserang palaka.

Ahitin ko kaya 'yang kilay, usto mo?!

"Pwedeng bang tumigil ka kaka-reaction sakin. Nakakainis kana ah."

Napatampal ako sa noo ko dahil sa sinabi niya."Correction 'yon VeraMundo! CORRECTION. Ewan ko sayo, nakakabaliw ka kausap," inis kong sagot at nilampasan siya pero nahigit niya ang braso ko pabalik, mabuti na lang at mahigpit ang pagkakahawak ko sa toyo kung hindi baka nahulog 'yong plastic, hindi pa naman nakalagay sa pouch.

"Wag ka ngang feeling matalino Kat. Baka nakakalimutan mong mahirap lang kayo at narinig ko ring sinabi ni mommy na nagkasakit daw ang tatay niyo kaya wala nang nagta-trabaho para sa inyo. Nakakaawa ka naman Kat, toyo at suka lang ang ulam niyo," maarte niyang sambit habang nakatingin sa dala ko kaya napakunot ano noo ko.

Kasali ba 'yon sa topic? Ba't parang ang layo naman ng narating nang sinabi niya.

Kung makapagsalita akala mo naman kayabang yabang ang trabaho ng tatay niya eh TANOD lang din naman, may pa mommy mommy pang nalalaman. At ano namang konek ng pagiging matalino ko sa pagkamahirap namin, aber. Akala mo sobrang yaman eh pareho lang naman kaming mahirap. Sarap inudnod 'yong mukha niya sa dumi ng alaga nilang baka.

"Ano bang pakialam mo sa buhay namin ha? Ikakaganda mo ba yan? Tatalino kana ba sa English? Hindi 'di ba? Kaya kung ako sayo, umuwi ka na lang at alagaan mo yung baka niyo."

Kita ko kung pano lumaki ang dalawang malalaking mata ni Vera. Lumapit siya sakin at hinead to foot pa ako. Akala mo naman ikinaganda niya 'yang ginagawa niya.

"Ang lakas din naman ng loob mong sigawan ako 'no? Bakit maganda ka ba ha? Maganda ka ba?! In your proclamation, ako lang ang pinakamaganda sa buong Santa Clara kaya don't me!" malakas niyang sigaw sa buong mukha ko kaya naamoy ko ang amoy dumi ng baka niyang hininga.

Wala ba silang toothbrush sa bahay nila?

"Jusmeyo VeraMundo! Wala akong sinabing maganda ako, okay? At saka 'For your information' 'yon kung marunong ka lang sanang mag-english. Isa pa, anong maganda ka ang pinagsasasabi mo?! Sino nagsabi tsaka san banda?" sigaw ko sa kanya.

Anak ng chismosa naman oh! Kung ano ano lang ang sinasabi. Kung hindi naman ako sabihan nang mahirap, sasabihin niya rin na feeling matalino daw ako, at lalaitin niya rin ako. Nakakatatlo na siya ah! Mabuti na lang at kalmado akong babae kundi 'yang balat niyang kasing itim ng budhi niya ay matagal ko nang binalatan.

Huminga ulit ako ng malalim ng mapansing nakanganga si VeraMundo sa harapan ko."Makinig ka, anak ng chismosa naming kapitbahay. Hindi ko alam kung anong problema mo sa buhay pero sana wag mo akong idadamay. Gutom na ang mga kapatid ko kaya kailangan ko ng umuwi. Kung may gusto kang awayin, pwede namang yung baka niyo ang kausapin mo at English-an mo para tapos na ang problema. Nagkakaintindihan ba tayo?!" mahinhin kong sambit sa kanya."Okay, bye," dagdag ko ng hindi siya sumagot sa sinabi ko kaya malaya akong nakaalis.

Bahala nga siya. Kung wala siyang magawang matino sa buhay niya e 'di bilangin niya yung buhok niya o di kaya'y habulin niya yung mga langaw sa bakod nila. Kainis. Palagi na lang mainit ang dugo ng babaeng 'yon sakin eh wala naman akong ginagawang masama sa kanya. No'ng high school naman kami, hinihila niya yung buhok ko kapag walang guro at minsan tinatago niya 'yong mga notebook ko. Kahit gustong gusto ko na siyang patulan, hindi ko naman magawa kase iniisip ko na kapag ginawa ko yun tiyak na sa principal's office agad ang abot namin at kapag nangyari 'yon... Syempre ipapatawag sina Inay at Itay na ayoko namang mangyari. Kaya nga hindi ko na lang pinapansin si Vera dahil nagsasayang lang ako ng oras.

"Katria! Ba't ba ang tagal mong umuwi? Akala mo naman sobrang layo ng tindahan ni Aling Marta eh kasunod lang ng bahay ng kapitbahay natin ang bahay nila," sermon sakin ni Inay ng makapasok ako sa munting bahay namin.

Take note, nakapameywang pa siya at nakataas ang isang kilay. Aba! Mukhang kontrabida si Inay ng pelikula ah.

"Eh kase Inay, nakasalubong ko na naman po si Vera. 'Yong maarteng anak ng chismosa nating kapitbahay." Nawalan na naman ako ng gana ng mabanggit ko yung pangalan no'ng VeraMundo na 'yon.

"Ay sus! At pinatulan mo naman? Diba sinabi ko sayo wag mo na lang siyang pansinin. Ang tigas din naman ng ulo mong bata ka," inis na sagot ni Inay habang salubong ang dalawang kilay. Magaya nga minsan sin Inay 'pag may time ako.

"Hindi ko naman talaga pinatulan, Inay. Pero hinablot ba naman ang makinis kong braso gamit ang madumi niyang kamay kaya ayun. Pinatulan ko na talaga." Kinuha ko 'yong kakapitas lang na kamatis at hinugasan ko. Pagkatapos ay hiniwa ko at nilagay sa plato.

"Haist, nakakaistress ka Kat. Ako na nga dyan! Tawagin mo nalang ang mga kapatid ko sa labas at kakain na tayo. Wag mo na lang tawagin ang Itay mo, paniguradong natutulog pa iyon," utos ni Inay kaya agad akong lumabas para tawagin ang mg kapatid ko.

"SASHA! CYD! KAKAIN NA TAYO. UMUWI NA KAYO DITO!" sigaw ko sa mga kapatid kong nakikipaglaro ng habulan sa mga anak ng kapitbahay namin. Agad naman silang tumakbo papunta sakin.

"Jusmeyo! Pawis na pawis na kayo oh. Hay naku! Mag bihis nga muna kayo bago pumunta sa hapagkainan," utos ko sa kanila na agad din naman nilang sinunod nang walang pasabi.

Masunurin kase sila, mana sa ate syempre. Alangan naman sa inyo. Lol.

Kumakain kami ng tahimik. Sabi kase ni Inay, masama daw magsalita sa harap ng pagkain kase nakakabwisit daw. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang tumunog 'yong telepono sa gilid ng aparador kaya agad tumayo si Inay at sinagot ang tawag.

"Oh Elizabeth, napatawag ka?" nakangiting sambit ni Inay.

Napakunot tuloy ang noo ko. Sino naman si Elizabeth? Kapatid ba ni Inay? Ay hindi, malabo 'yon. Wala namang sinabi samin si Inay na may kapatid siya. Pero sino nga siya, kaibigan niya ba? Aish! Ba't ka ako interesado. Nahawaan na tuloy ako ng kapitbahay naming chismosa. Lol.

Napatingin ulit ako kay Inay nang binalik niya na ang telepono at napansin kong ang lalim ng iniisip niya. Anyare? Anong sinabi ng Elizabeth na 'yon kay Inay at ang lalim ng iniisip niya. Hindi ko tuloy masisid sa sobrang lalim.

"Inay, Ate, tapos na kami." Napatingin ako kay Cyd ng tumayo siya pati narin si Sasha, pero si Inay parang wala sa sarili.

"Pasok lang po kami sa kwarto namin," dagdag naman ni Sasha kaya nakangiti akong tumango.

Nang makaalis na sila ay binalingan ko ng tingin si Inay. Tumabi ako sa kanya at mahina siyang tinapik pero wa epek. Para siyang nasa ilalim ng isang spell.

"Inay," tawag ko sa kanya at tinapik ulit siya.

"Inay," ulit ko pero nakatingin parin siya sa kawalan.

Kainis. Isa nalang ang paraan para bumalik siya sa katinuan. Tingnan natin kung hindi ba mababasag ang spell na nakapalibot sa kanya.

"INAY!"

"AY BUTIKING MAY PAKPAK!" sigaw niya kaya humagalpak ako ng tawa.

'Yong...'yong mukha ni Inay. Parang natatae na hindi ewan.

"Lechugas kang bata ka! Ba't mo ba ako sinigawan ha? Gusto mo ba akong mag ka heart retake?!"

Napangiwi ako sa lakas ng sigaw ni Inay. At anong heart retake?! Baka heart attack. Buhay nga naman, tsk. Ganito pala kapag may kapitbahay kayong chismosa at di marunong mag english 'no. Mahahawaan ka pala. Mabuti na lang at may pangontra ako sa masasamang spell na ipinapakalat nila kundi baka pati ako mahawaan din.

"Inay, heart attack po 'yon. Wag ka kase makikinig kay VeraMundo kapag kakausapin ka niya kase baka mas malala pa ang magiging resulta ng English mo," sagot ko habang si Inay naman ay pinanliitan ako ng mata.

Kita mo toh, siya na nga kinokorek ayaw pa. Tse! Malapit ko na talaga isipin na baka si VeraMundo ang tunay na anak niya at hindi ako.

"Eh kase naman Inay, sino ba kase yang Elizabeth na tumawag sayo? Ano bang sinabi niya sayo at mukhang ang lalim naman ng iniisip mo," pag-iiba ko ng topic.

Bumuntong hininga naman si Inay at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa mesa."Siya ang bestfriend ko noong kabataan ko pa. Sobrang bait niya kaya naging matalik ko siyang kaibigan. At ngayon, nakatira na siya sa Manila kasama ang sarili niyang pamilya," sagot ni Inay at parang inaalala yung mga panahon na iyon.

Nacurious tuloy ako kung bakit tumawag si Tita Elizabeth. Char. Maka-tita kala mo naman close.

"Mayaman ba siya, Inay?" Tumango siya."Eh bakit siya tumawag sayo? Anong sinabi niya? Bibigyan ka ba niya nang isang track ng pera? Bibigyan niya ba tayo ng house and lot?" sunod sunod kong tanong pero umiling lang si Inay.

Mukhang seryoso ata ang pinag usapan nila kase hindi man lang natawa si Inay sa sinabi ko. Pero wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah. Aish.

"Anak, inaalok ka niya ng trabaho sa Manila. Sinabi niya na gusto ka raw niyang pagtrabahuin sa kanila. Anak, papayag ka---"

"T-Teka. A-Ano nga ulit yun, Inay. Baka namali lang ako ng dinig, hehe," putol ko sa sinasabi ni Inay. Parang bigla tuloy akong kinabahan na hindi ko alam kung bakit.

Bumuntong hininga ulit siya."Inaalok ka niya ng trabaho sa Manila," mahinahon niyang sambit.

Parang pilit na pinoproseso sa utak ko ang sinabi ni Inay. Pero baka naman nagbibiro lang siya. Oo tama. Nagbibiro lang si Inay. Bakit niya naman ako pagt-trabuhin sa Manila eh ang layo no'n at saka alam ko namang hindi siya papayag kase ayaw niyang may malayo ni isa samin sa kanya.

Tumawa ako ng peke."Ito talagang si Inay eh mapagbiro, hehe. Pumasok kana po dun Inay at ako na lang ang maglilinis dito." Akmang tatayo ako ng hawakan ni Inay ang braso ko kaya napaharap ulit ako sa kanya. Ang seryoso ng mukha ni Inay at hindi ko mabasa ang reaksiyon niya.

"Katria, hindi ako nagbibiro. Totoong inalok ka ng tita Elizabeth mo ng trabaho sa Manila. No'ng una nagdadalawang isip ako syempre pero naisip ko rin ang mga kapatid mo kaya pumayag nalang ako," seryosong sabi niya.

"Pumayag kayo ng hindi man lang ako tinatanong kung gusto ko ba o hindi, Inay? Hindi niyo ba naisip ang magiging reaksiyon ko? Okay lang sana kung sa kabilang baranggay lang ang trabahong 'yan kase wala pang isang segundo, papayag agad ako. Pero kase Inay, Manila 'yon eh. Sobrang layo no'n dito satin. Sa tingin niyo ba makakaya ko ang gano'n ka layo para iwan kayo?"

Hindi ko mapigilang mainis sa sinabi ni Inay kaya medyo napataas ng konti ang boses ko. Masisisi niyo ba kung nabigla ako eh kahit sino naman talaga mabibigla diba?

"Anak, Kat, minsan lang may mag alok satin ng trabaho. Papalagpasin pa ba natin? Baka ito na ang chance para makaahon tayo sa hirap, mapapagamot pa natin ang tatay mo, at saka mabibili na natin ang mga gusto ng mga kapatid mo. At higit sa lahat, libre ang pamasahe mo papunta do'n," mahabang salaysay ni Inay.

Hindi ako nakapagsalita. Siguro dahil nabigla lang talaga ako o gulong gulo ako kung anong magiging sagot ko. Oo, baka nga totoo ang mga sinasabi ni Inay kapag pumayag ako pero paano kung maligaw ako do'n? Paano kung may masamang mangyari sa 'kin do'n? Paano kung hindi ko na alam ang daan pauwi? At saka ang pinakahuli, paano sila? Sinong mag-aalaga sa mga kapatid ko kapag may ginagawa si Inay? Sinong tutulong sa kanya sa mga gawaing bahay? Si Itay, baka hindi rin siya pumayag na mahiwalay ako sa kanila.

"Inay, maraming tanong ang nasa isip ko at kung sakaling masagot man lahat ng 'yon sigurado ako hindi ko kakayanin. Isa na rin sa mga tanong na bumabagabag sa isip ko ay kayo. Ayokong iwan kayo dito Inay, mamimiss ko kayo ng sobra sobra lalong lalo na ang mga kapatid ko at si Itay. Alam mo namang ang pinaka ayaw ko sa lahat ang iwan kayo, diba?" makahulugan kong sambit. Sana naman ay maliwanagan si Inay at hindi na ako pilitin pang pumunta ng Manila.

"Kat, wag mo kaming alalahanin ng mga kapatid mo. Okay lang kami dito. At saka, malaking oportunidad ito para satin. Libre ang pagpunta mo patungong Manila dahil sagot na ni tita Elizabeth mo ang lahat kapag pumayag ka. Masasayang lang ang lahat kapag hindi ka tumuloy, anak." Napailing ako sa sinabi ni Inay. Hindi niya talaga ako naiintindihan.

"Buo na ang desisyon ko, Inay. Hindi talaga ako papayag," sagot ko at nilampasan si Inay pero bago pa man ako makaalis ay may sinabi siya na mas lalong ikinagulo ng utak ko.

"Kahit para man lang sa mga kapatid mo, Kat. Pati na rin ang Itay mo, 'di ba gusto mo siyang mapagamot. Bibigyan kita hanggang ngayong gabi para makapag isip. Pupuntahan kita ng alas otso sa kwarto niyo ng kapatid mo bago kayo matulog. At sana sa pagpunta ko, nakapag isip kana sa desisyon mo. Isipin mong mabuti Katria."

Note : I was just 13 years old when I wrote this story so don't expect anything from this. If this isn't your type then get lost. Lol. For those who already read this story from the very start, I didn't change the scenes and their name. Ki-nombine ko lang 'yong names nila at in-edit ko lang 'yong ibang scenes pero wala akong binago. If ever that you still encounter some errors in this story, kindly remove it from your library and add it back. 'Yon lang, thank you...

              Copyright @yaradorable
             Alrights reserved @2020

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro