Chapter 9 - We're Not Close
KATE CHANDRIA'S POV
"Bwisit. Argh. 'Wag na 'wag ka talagang magpapakita sa'king kupal ka dahil hihilahin ko talaga yang bituka mo at pagpipira-pirasuhin ko yang small at large intestine mo. Nakakainis ka!" Inihagis ko 'yong nilukot na papel sa mismong pader ng kwarto ko.
Pang limang daan na siguro 'yon pero wala akong pakialam. Magparty man ng nilukot na papel sa buong kwarto ko. WALA AKONG PAKIALAM.
Sobrang badtrip ako ngayong araw na 'to at baka tumalon na ako sa balkonahe ng kwarto ko at bukas na bukas, mumultuhin ko si Daron. Mabuti sana kung tahimik lang siya kagaya no'ng una akong pumasok dito e 'di sana mas masaya. Kaso hindi eh, mas nakakaasar pa pala siya kesa kay Cohen. Malamang siya 'yong panganay kaya siya ang mastermind. Kahit kasing lamig siya ng yelo kung magsalita, sobrang nakakaasar naman ang pananalita niya.
Akala ko ba snob siya kagaya ng sinabi ni Akken sa'kin. Ba't sobrang daldal niya, at sa sobrang kadaldalan niya puro kasinungalingan ang lumalabas mula sa bibig niya.
'Yong sinabi niya kanina...'Yon 'yong hinding hindi ko inaasahang sasabihin niya.
FLASHBACK........
"Anong ginagawa niyo?"
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang may biglang magsalita sa likod ni Daron. Agad naman siya umalis sa harap ko kaya nakita ko 'yong apat na nakacross arms at nakakunot noong nakatingin sa'min. Syet! Anong gagawin ko?!
"She's seducing me."
A-Ano kamo? S-Seduce? As in landi? Anak ng----
"WHATT?!" biglang sigaw ng mga kapatid niya.
"Anong pinagsasasabi mo? Baliw kaba? Ba't ko naman gagawin 'yon?!."
Pigilan niyo ako! Masasampal ko ang kupal na 'to!PIGILAN NIYO AKO...
"Why? Didn't you touch my abs and dance sexily in front of me?"
"GINAGAGO MO BA AKO HA?!." Marahas kong hinawakan ang kwelyo ng tshirt niya at wala akong pakialam kung mapunit man o hindi. Galit ako. 'Yon ang alam ko.
"Ah....A-Ate K-Katria...C-Chill ka la---"
"So you're saying that I'm a liar? Na hindi ba 'ko nagsasabi ng totoo? Is that it?" nakataas kilay niyang sambit.
"OO. KAHIT KAILAN HINDI KO 'YON GINAWA! SABIHIN MO NGA. NAGDU-DRUGS KA BA?! KUNG GUSTO MO SAMAHAN KITANG MAGPATINGIN SA DOKTOR!" Pilit na inaalis ni Akken ang kamay kong nakahawak sa kwelyo ng tshirt ng kapatid niya. Si Shael naman ay hinihila ako palayo.
"Are you trying me 'engot'?!" nanghahamong tanong niya.
"Aba! Ikaw kaya 'yong naunang kupal ka!" Lalapit na sana siya sa'kin kaso mabilis na nakaharang si Raizer at nakahawak naman sa kanya si Cohen.
"Ano bang nangyayari sa inyo ha?!." Bumuntong hininga ako at inis na binalingan ng tingin si Cohen.
"Eh kase ganito 'yon, pupunta na sana ako ng kwarto ko kaso nabangga ko yang Kuya niyo eh hindi ko naman sinasadya---"
"Tsk. Just admit that you're really stupid. Tatanga tanga ka kase," putol sa'kin ni Daron at saka umirap.
Hinawi ko naman si Raizer na pumapagitna sa'min ni Daron at tinapunan siya ng masamang tingin. Nakakailan na siya sa pagtawag sa'kin na engot ah.
"I will just admit that I'm 'engot' when you also admit that you're a 'kupal'." Umigting naman ang panga niya na mas lalong nakapag-pagwapo---este panget pala. Lintek na utak ayaw makisama!
"I. WON'T. ADMIT. ANYTHING," pagdidiin niya sa bawat salita na binitawan niya.
"Ah anything. So kahit sabihin kong gwapo ka hindi mo aaminin?" Ngumisi naman siya at rinig ko rin ang pagpipigil na tawa ng nga kapatid niya.
Shocks! Ano nga ulit yung sinabi ko? 'Yong gwapo ba? ANO GWAPO?! Yowo!
"See. She said that I'm handsome so I'm telling the truth that she seduce me," nakangisi niyang saad.
Gusto ko nang sumabog sa galit mga 'te pero hindi ko kaya. Idadaan ko na lang siguro 'to sa page-english. Baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko.
"What's the use of being handsome if you're a liar. You know what, I felt so pity for those girls who admires you, because they don't know that the guy whom they admire has a nasty atittude." Inis kong inayos ang damit kong nagusot bago tumingin sa kanila."I don't care if you will believe him or me, as long as I'm telling the truth, it's fine with me." dagdag ko bago pumasok sa kwarto ko.
END OF FLASHBACK.......
Umiling ako nang ilang beses para hindi ko na maalala 'yong nangyari kanina. Paulit ulit ko lang kaseng iniisip kung bakit 'yon 'yong sinabi ni Daron kanina.
NILANDI KO RAW SIYA, TAKTE! Aminado naman akong mahilig akong sumayaw pero hindi ko alam kung pa'no sumayaw ng parang dancer sa isang bar. Ano ako pokpok? At higit sa lahat, hindi ako sumayaw sa harap niya o inakit man lang siya.
Jusko! Ayoko nang isipin masyado 'yon. Nakainom lang siguro ng zonrox 'yon at naapektuhan ang brain cells niya. Iintindihin ko na lang kase baka may punagdadaanan siya o baka may sakit. 'Yon na lang ang iisipin ko.
"Pasok." Bumukas naman ang pinto at iniluwa no'n si Shael at Akken. Umayos naman ako ng upo ng umupo sila sa kama ko."Anong kailangan niyo?" tanong ko sa kanila.
"Wala naman. Sinisigurado lang namin na okay ka na," nakangiting sagot ni Shael.
"Okay lang ako. Makakalabas na kayo." Nagkatinginan naman sila at nagsesenyasan sa kung ano man na hindi ko maintindihan. Duh. Nagbibiro lang kaya ako.
"Ano 'to? Naging pipi naba kayo at nagsi-sign language nalang kayo? Hello. Nandito ako oh. Hindi ako maka-relate sa ginagawa niyo." singit ko kaya agad naman silang napatingin sa'kin.
Sinenyasan naman ni Shael si Akken na siya na lang daw ang magsalita kaya walang nagawa ang bunso.
Gad! Kung ano man yang sasabihin nila bakit ba pinapatagal pa nila. Naiistress na ako.
"Ah kase sabi ni Kuya---"
"Wala akong panahon para pag-usapan 'yong nangyari kanina. Bumabalik lang ang inis ko kaya kung pwede----"
"Nagugutom na daw si kuya Cohen, pati kami," putol ni Shael sa sinabi ko.
Pumiyok pa ako ng dalawang beses bago marealize ang sinabi niya kaya dali dali akong tumingin sa alarm clock ko sa katabi na table.
Holy shet! Ilang oras ba akong nagmukmok dito sa kwarto ko at inabot ako ng alas syete. Mabilis pa sa kidlat akong kumilos at pinatayo ang dalawa sa kama ko para ayusin 'yon.
"Reyna ng mahabagin! Bakit ngayon niyo lang ako pinuntahan dito sa kwarto ko. Malapit nang mag-alas otso tapos hindi pa kayo kumakain. Malalagot ako sa mommy niyo eh." Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at kasunod ko naman silang dalawa.
"Eh kase sabi ni Kuya Raizer 'wag ka lang daw muna istorbohin kase baka mainit pa ang ulo mo. At sabi rin ni Kuya Daron ayaw ka raw niyang makita." Nang tingnan ko si Akkiro ay umiwas siya ng tingin kaya inis akong nagpatuloy sa paglalakad papuntang kusina.
Lecheng kupal na 'yon! Baka 'pag nalaman ni tita Elizabeth na malapit nang mag-alas otso at hindi pa nakakain ang mga anak niya, ako ang ituro ng kupal na Daron at kasinungalingan na naman ang sabihin niya. Do'n pa naman siya magaling.
"Akala ko hindi kana bababa para ipagluto kami," bungad kaagad sa'kin ni Cohen pagkapasok namin sa kusina.
Tinapunan ko siya saglit ng tingin bago kay Raizer at sa antipatikong kupal na kinaiinisan ko sa lahat.
Inirapan namin ang isa't isa bago ako dumeretso sa lababo para magluto ng pagkain nila. Simpleng ulam lang ang niluto ko dahil gabi naman na ngayon. Dalawang putahe lang at yung mas madaling lutuin, itlog at bacon. Marami pa namang kanin sa ricecooker kaya ininit ko na lang 'yon ng 15 mins. at tsaka tapos na.
"'Wag na lang tayo magdasal para madali. I'm hungry," biglang sambit ni Daron ng magsi-sign of cross na sana kami.
Tinaasan ko naman siya ng kilay."Bakit? Inaabot ba ng limang minuto ang pagdadasal? At saka hindi lang ikaw yung gutom, pati rin kami. Kaya 'wag kang umarte na parang ikaw lang yung walang dragon sa tiyan," irap kong sagot at binalik ang tingin sa pagkain.
"Then pray by yourself. I will eat whenever I want. No one can stop me on doing what I want." pagmamatigas niya pa.
Tsk. Palagi naman siyang sumasabay sa'min magdasal ah. Kahit hindi siya magsalita atleast nakiki-cooperate siya. Pero ngayon? Ah basta. Bahala siya sa buhay niya. Sana masamid siya sa kinakain niya.
Nagulat kami saglit nang mabilaukan nga siya. Grabe, ang lakas ko ata kay Lord.
"'Yan ang napapala sa mga taong walang respeto. Bagay nga sa'yo." Inirapan ko siya bago tumingin kay Shael at sinenyasan na magsimula na sa pagdadasal.
"In the name of the father, the son, and of the holy spirit. Amen," pagtatapos namin bago nagsimulang kumain.
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang ibinagsak ni Daron ang kutsara't tinidor ni bago tumayo at lumabas ng kusina. Walangya talaga ang kupal ka 'yon kahit kailan. Kitang kumakain kami dito eh. Argh.
"Tama na 'yan uy. Ako yung naaawa dyan sa itlog na nasa plato mo. Tinotorture mo kahit walang kasalanan," sambit ni Shael habang nakatingin sa plato ko.
"Kahit torturin ko pa ng ilang beses yang itlog, okay lang. Wala na rin naman silbi kase luto na 'yan." Inis akong tumayo at lumabas na rin ng kusina.
Wala eh. Nawalan na ako ng ganang kumain. Pa'no eh nabubwisit talaga ako sa kupal na 'yon. Aish.
"Gad! Naiistress na ang beauty ko." Ginulo ko ang buhok ko at pinaypayan ang sarili ko. Ba't ang init dito eh naka-aircon naman.
"Stress lang, wala kang beauty." Sinamaan ko ng tingin si Cohen na sumulpot sa harap ko. Tinaasan naman ako ng kilay ng loko bago ako nilagpasan.
MaderPader. Kailan ba ako makakalabas dito? Mukhang hindi ko na po kakayanin ang tumira pa nang matagal dito. Masakit na sa bangs kahit wala naman talaga akong bangs. Tutal pangalawang beses naman po akong nakapagpadala ng pera kina Inay, baka pwedeng makauwi na ako. Kasya naman po siguro 'yong sweldo ko hanggang sa makahanap ulit ako ng panibagong trabaho.
Nagising ako hindi dahil sa alarm clock ko kundi sa walanghiyang kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Bagot na bagot akong bumangon at tumingin sa alarm clock ko.
WATDAPAK! Alas kwarto y medya pa ng madaling araw. Sino namang baliw ang gigising ng ganitong oras?! Teka...baka magnanakaw...Diyos por santo 'wag naman po sana. Baka ako ang pagalitan ni tita Elizabeth 'pag nagkataon dahil nanakaw ang mga mamahaling gamit dito sa mansion niya.
Kung sino ka mang magnanakaw ka. 'Wag na 'wag mo akong susubukan. Marunong akong mangarate kaya hindi ako natatakot sa'yo. Kumuha ako ng dustpan at ipinwesto ang sarili ko para madali kong mahampas ang sino man ang nasa labas ng pintuan. Dahan dahan kong pinihit ang doornob habang nanginginig ang kamay ko.
"WAH."
"The fuck! What are you doi--Shit---Aray!"
Napatigil ako sa paghampas ng dustpan sa kung sino man ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Dahan dahan kong tiningnan ang taong pinaghahampas ko at nabitawan ko ang dustpan na hawak ko. Gosh! Ba't ang tanga tanga ko?! Sa tingin ko papatayin niya na ako dahil sa sama ng tingin niya sa'kin. Jusko! Lord, patawarin niyo po ako.
"I-Im s-so---"
"Follow me," malamig niyang sambit at agad akong tinalikuran kaya sumunod agad ako sa kanya.
Anong gagawin niya sa'kin? Ba't kailangan pa naming pumunta sa kwarto niya? Shocks! Kinakabahan na ako.
"Sit." Para akong tuta na sumusunod sa kung ano mang sasabihin ng amo ko.
Umupo naman siya sa kaharap kong couch at tiningnan ako na para bang may kasalanan ako. Meron naman talaga hehe.
"Sorry na oh," pagbabasag ko sa katahimikan.
Alam ko namang 'yon lang ang gusto niyang marinig mula sa'kin. Kahit na kasalanan ko dahil pinaghahampas ko siya ng dustpan eh may kasalanan rin siya, hindi kaya siya nagsalita at katok lang ng katok sa pintuan ko. Edi napagkamalan ko tuloy siyang magnanakaw. Psh.
"Sorry? Alam mo ba kung gaano kasakit 'yong hampas mo sa'kin kanina? Are you planning to kill me," nakakunot noo niyang sabi na ikinairap ko. As if naman wala rin siyang kasalanan.
"Lokaret kaba?! Malamang mapagkakamalan ko talagang magnanakaw ka. Sino ba namang matinong tao ang kakatok ng alas kwarto y medya ng madaling araw. Duh. Plus hindi ka pa nagsalita. Alam mo ba kung gaano ako kanerbyos no'n ha?!" sigaw ko naman sa kanya pero 'yong siya lang ang nakakarinig. Baka magising pa namin ang mga kapatid niya.
"Engot. How could a thief enter this mansion if the security gate is locked. And you also locked the glass doors before you slept. Sa tingin mo makakapasok pa ang magnanakaw dito?!" iritableng sagot niya at tumayo habang nakapamulsa.
Kahit na ang hot niya tingnan, naiinis pa rin ako sa kanya. Kailan pa ba nawala ang inis ko kay Daron eh hanggang pagtulog ko hindi nawala. Sabihin na nating nabawasan ng konti pero pinuno niya naman ulit. Tsk. At saka bakit pinatawag niya ako ng ganitong oras? Pinagt-tripan ba ako ng kupal na 'to?! Aba! Itutulak ko talaga siya sa hagdan 'pag nagkataon.
"Hoy kup---"
Napatigil ako maski si Daron ng may biglang kumatok sa pinto. Nanlaki ang mata ko at sinenyasan siyang siya na ang magbukas pero umiling siya. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya at binatukan siya.
"Ikaw na ang magbukas," bulong ko sa kanya at tinulak siya kaso bumalik siya agad sa tabi ko at sinamaan ako ng tingin.
"You're the babysitter. It's your job to keep me safe," bulong niya naman sa'kin pero mabilis akong umiling.
Ayoko kaya! Baka may nakapasok talagang magnanakaw. Hindi kakayanin ng beauty ko ang buksan ang pinto.
Mas lumakas pa ang katok kaya napakapit ako sa laylayan ng tshirt ni Daron. Punyeta. Kinakabahan na ako. Nagtago ako sa likod niya at mahina siyang tinulak palapit sa pinto pero ng nasa harap na kami ay bigla siyang tumakbo papunta sa likod ko. At dahil nininerbyos talaga ako ay bumalik ulit ako sa likod niya. Paulit-ulit lang ang ginagawa namin habang patuloy pa rin sa pagkatok ang kung sino man sa pinto.
"Ikaw na kase, Daron. Babae ako eh. Ang babae dapat hindi nagbubukas ng pinto kapag gabi."
"Holy Shit! Why me?!"
"Oh bakit 'Wag mong sabihing natatakot ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Fuck! No!" Sinamaan niya ako ng tingin at bagot na lumapit sa pinto. Pipihitin niya na sana ang doornob kaso hinawakan ko ang kamay niya.
Kumunot naman ang noo niya kaya binigay ko sa kanya ang lampshade na nakuha ko mula sa mini table malapit sa kama niya. Mas lalo pang kumunot ang noo niya at sinenyasan ako kung ano daw ang gagawin niya dito.
"Ipukpok mo sa ulo ng kumatok pagkabukas mo." Binigay ko naman sa kanya ang lampshade pero tinabig niya ito.
"Are you crazy? What if it's Shael or one of them? Gusto mo bang gawin sa kanila ang ginawa mo sa'kin kanina?" Bagot na bagot na siya kaya inilayo ko nalang 'yon sa kanya.
"Mabuti na 'yong nakakasigurado tayo. Kung ayaw mo edi ako na lang." Inirapan ko siya at mas lumapit pa sa kanya. Kahit na kinakabahan pa rin ako bahala na. Nandito naman si Daron, siya ang bahala.
"I'll count on 1,2,3."
" The heck! What are you two doing?!" Napatigil kaming dalawa ni Daron ng bumungad sa'min si Cohen.
Dahan dahan kong ibinaba ang hawak kong lampshade at si Daron naman nakahinga ng maluwag.
"Cohen naman eh. Alam mo bang aatakihin kami sa puso dahil sa ginawa mo?" Inis akong bumalik sa loob ng kwarto ni Daron at nilapag ulit sa mini table niya ang lampshade.
"What are you doing here?" rinig kong tanong ni Daron.
"Ako dapat ang magtanong niyan, Kuya. What are you two doing in your room? Bakit nand'yan siya? It's too early and I heard your loud voices so I decided to knock on your door. I didn't expect na eto ang maaabutan ko." Pumasok si Cohen sa kwarto at umupo sa couch na inuupuan ni Daron kanina.
Ako naman bumalik sa rin sa pwesto ko kanina na katapat lang ng sa kanya habang si Daron at nakapamulsang nakatayo sa gilid namin.
"Ano? Wala talagang balak mag-explain sa'kin?" tanong niya ulit at tumingin sa kuya niya bago sa'kin.
"'Wag ako ang tanungin mo dahil maski ako hindi ko alam kung bakit pinatawag ako ng kupal mong kapatid. Kainis. Inaantok pa naman ako." Pinagkrus ko ang mga braso ko at inihilig ang ulo ko sa sandalan ng couch.
Grabe! Lalabas ata ang mata ko.
"Why Kuya?"
" I just want her to clean my room." Napamulat ako ng wala sa oras dahil sa sagot niya.
Hinihila na sana ako ng antok kaso bigla nalang nawala ng parang bula. Jusme! Akala ko kung ano na ang rason niya.
"Seryoso ka ba d'yan? Ginising mo ako para lang linisin ang kwarto mo ng madaling araw? Ginagago mo ba ako?!" Feeling ko nagising ang diwa ko at fully charged na ako kahit 7 hours lang tulog ko.
Ba't ba!? Naiinis ako eh.
"Why so angry engot? Wala ka namang karapatang magreklamo. You must do your tasks here, hindi 'yong nagfe-feeling prinsesa ka dito na parang kagaya ka namin. As far as I know, your just a babysitter here and you're from a poor family." Nginisihan niya ako at ang nararamdaman ko lang ay galit.
Wala siyang karapatang sabihan ako ng gano'n. Alam ko kung ano ako ay kung saan ako lulugar. At saka araw araw naman ako nagt-trabaho dito sa mansion nila ah. Hindi niya lang nakikita dahil lagi siyang nagkukulong sa kwarto niya o sa library.
"Alam kong anak ka ng amo ko kaya malaki ang respeto ko sa'yo. Pero kahit gano'n, sasagot ako at magrereklamo kapag napupuno na talaga ako. Ngayon, para sabihin ko sa'yo hindi ako nagfe-feeling prinsesa dito sa mansion niyo. Palagi kong ginagawa ang trabaho ko kahit niyo niyo ko utusan. May sarili din naman akong utak at alam ko kung anong gagawin ko. At saka isa pa, alam kong babysitter lang ako dito. Hindi naman ako nagka-amnesia para makalimutan 'yon. At mas lalong hindi mo na kailangan pang ipaalala sa'kin na galing ako sa mahirap na pamilya. Kaya nga ako nandito ngayon diba, para magtrabaho. Hindi naman masamang itago yang panget mong ugali kahit minsan lang. Tsk." Binangga ko pa siya sa balikat at agad na lumabas sa pesteng kwarto niya. Nadatnan ko pa nga sina Shael, Raizer, at Akken na nakasilip sa kanya kanyang kwarto nila ng dumaan ako.
Pagkabalik ko sa kwarto ay tiningnan ko agad yung phone ko at may isang text galing kay VeraMundo. 'Goodmorning' lang din naman kaya ibinalik ko na lang din sa mini table ko at pabagsak na umupo sa kama ko. Walang good sa morning ko 'no. Una, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa pambubulabog sa'kin ng kupal na 'yon. Pangalawa, nagkasagutan kami kanina. Ano naman kaya ang pangatlo?!
Gusto ko mang matulog ulit dahil nasa 70% pa ang energy ko at hindi pa fully charged. Feel ko may eyebags na ako at mukha na akong zombie. Tumingin ako sa alarm clock ko at 5:35 na kaya agad akong bumangon at bumaba. Kaasar. Nakalimutan kong magluluto pa pala ako ng umagahan namin. Argh.
"Okay ka lang?" tanong sa'kin ni Shael habang hinahanda ko ang pagkain sa table kaya tumango lang ako.
Nang matapos ay umupo agad ako sa mesa at hinintay ang mga kapatid niya na pumunta dito. Bandang 6:10 na nang matapos akong magluto at mabuti naman hindi sila nagreklamo. Wala pa naman ako sa mood ngayon.
Nagsidatingan na ang mga kapatid niya at agad na umupo sa tapat namin ni Shael habang si Akken naman ay tumabi sa kabilang side ko na palagi niyang inuupuan. Tahimik lang ako hanggang sa matapos kaming magdasal. Gaya nga ng sinabi ko, wala ako sa mood.
"Matulog ka kaya muna mamaya Ate Kat. Ang laki ng eyebags mo at mukha kanang zombie." Napatingin ako kay Akken ng maramdaman kong nakatingin siya sa'kin kaso agad niyang iniwas ang tingin niya ng nilingon ko siya.
Eh? Natatakot ba siya sa itsura ko ngayon?! Takte kaseng kupal na Daron yan eh.
"Mamayang hapon na lang siguro kapag natapos na ako sa pinapalinis ng kupal na demonyo dyan. Baka mamali na naman ang pag-function ng utak niyan at kung ano ano na namang sabihin tungkol sa'kin." Lahat kami nagulat ng may biglang kumalabog kaya agad kaming napatingin sa gumawa.
Psh. Naging hobby niya na ba ang pangunguha ng atensyon?!
"Anong problema mo, Kuya?" tanong ni Raizer sa kanya.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain dahil wala naman akong pake. Alam ko namang natamaan siya do'n sa sinabi ko. Matalino siya kaya nagets niya agad kung sino 'yong tinutukoy ko.
"Nothing."
Napangisi ako ng palihim dahil sa sagot niya. Baka ayaw niyang mapagsabihan ulit ng mga kapatid niya kapag nauna siya. At saka wala din naman akong planong patulan siya. Duh. Galit pa ako sa kanya 'no.
"Tapos kana?" Nilingon ko si Shael at tinaasan ng kilay.
Kita niya naman sigurong palabas ako diba? Bakit nagtanong pa siya?!
"Diba obvious? Wala nang laman ang plato ko oh." Tinuro ko pa yung katabi niyang pinagkainan ko."Kaya malamang tapos na ako." Tumalikod agad ako dahil lilinisin ko pa 'yong bwisit na kwarto ni Daron pero tinawag na naman ako ni Cohen.
Anak ng----
"ANO NA NAMAN?!" Binigyan ko siya ng masamang tingin dahil sinasayang niya ang oras ko. Pagod na pagod na ako at gusto ko nang matulog kaya dapat makapagsimula na ako ngayon.
"Ba't mo'ko sinisigawan panget? Sino namang magliligpit dito kapag tapos na kami?."
"E 'di iwan----"
"Ako! Ako na lang ang magliligpit dahil may gagawin pa si Ate Katria." Lahat kami kumunot ang noo sa sinabi ni Akken. Alam ko namang mabait na bata siya pero trabaho ko 'yon eh.
"Kailan kapa natuto sa mga gawaing bahay Akken?" tanong ni Raizer sa kanya.
"Palagi kase akong nanunuod kay ate Kat kapag gumagawa siya ng mga gawaing bahay kaya may alam na rin ako kahit konti," proud niyang sagot.
"Naku! Hindi Akken. Ako na lang ang magliligpit dyan. Babalik ako dyan maya maya."
Inilingan niya ako."Okay lang, ate. Hindi naman ako marunong maghugas ng pinggan kaya ililigpit ko na lang sa lababo tapos ikaw na 'yong maghuhugas." Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. Sobrang swerte ko talaga sa batang 'to.
"Sige. Salamat."
" Palagi na lang ikaw ang nakaka-score kay Katria, dude. Inuunahan mo na ako eh." Napailing na lang ako ng marinig ko ang boses ni Shael bago ako makalayo sa kusina. Baliw talaga.
Agad ako pumasok sa kwarto ni Daron dala dala ang walis at dustpan. Hindi naman ako marunong gumamit ng vacuum cleaner kaya hindi ko na lang dinala. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto niya. Kasing laki lang din siya ng sa'kin pero mas marami siyang gamit kumpara sa'kin. Karamihan ay mga libro, hindi na ako nagulat dahil bookworm naman talaga siya. Meron ding mga papel na nagkalat sa study table niya at puro mga mathematical equations ang nakasulat. Ang aga niya namang nag-aral pero sabagay, malapit narin naman mag-July kaya baka naghahanda na siya.
Nagsimula na akong maglinis sa kwarto niya. Mukhang dobleng pagod ang mararamdaman ko kaya magpapahinga kaagad ako pagkatapos nito. Una kong niligpit ang gusot gusot niyang kama, pagkatapos 'yong mini table niya na may mga libro, pati na rin 'yong study table niyang punong puno ng mga papel. Ligpit dito, ligpit doon. Linis dito, linis doon. Punas dito, punas doon.
Hayst. Sa wakas, tapos na rin ako. Akmang lalabas ako ng mapansin ko ang isang picture frame na nakalimutan kong ayusin. Malaki laki rin ito at medyo may alikabok na. Nilapitan ko kaagad ito at pinagpagan para mawala ang mga alikabok. Tiningnan kong maigi ang nasa litrato. Picture ito ni Daron na black tuxedo habang nakangiti, mukha siyang nasa party. Inaamin kong ang gwapo niyang tingnan sa picture na 'to lalong lalo na dahil nakangiti siya. Sunod ko namang tiningnan ang babaeng katabi niya na nakapulupot sa braso niya. Nakalugay ang blonde nitong buhok na hanggang dibdib at nakamake up din siya. Masasabi kong sobrang ganda niya talaga. May kataasan siya ng konti sa'kin kaya magkasing tangkad sila at masasabi kong bagay na bagay talaga sila.
Happy 1 anniversary hon. Love you.
DalexCheska>(๑ơ ₃ ơ)♥
"What are you doing?" Dahil sa gulat ko ay naibalik ko kaagad sa table 'yong picture frame na hawak ko at gulat na napatingin kay Daron.
"A-Ah...K-Kakatapos ko lang maglinis ng kwarto mo." Tiningnan niya ako ng walang emosyon na nakapagpatindig ng balahibo ko.
Bakit ganyan siya makatingin? Galit ba siya dahil tiningnan ko 'yong picture frame niya?
"Then leave," malamig niyang sambit kaya walang sabi sabing nilagpasan ko siya pero bago ko paman mabuksan ang pinto ay nagsalita ulit siya."You're not allowed to enter my room again. And one more thing, don't tamper my things when I didn't say so." Dali dali akong lumabas at bumaba papunta sa kusina.
'Yong kaninang pagod ako at inaantok bigla nalang nawala. Shocks! Nakakatakot pala siya magalit. Hindi ko naman talaga 'yon pinakialaman eh. Inalis ko lang 'yong alikabok at tiningnan saglit 'yong picture. Ano namang masama do'n? Galit ba siya dahil nakita ko 'yong girlfriend niya? O dahil nakita ko siyang nakangiti do'n sa picture. Aish. Ewan ko sa kanya. Bigla bigla nalang magbabago ang mood. Hindi ko rin naman talaga maintindihan ang isang 'yon.
Pero sa totoo lang, nacurious ako do'n sa girlfriend niya. Cheska. Mukhang narinig kona ang pangalang 'yun pero nakalimutan ko lang kung saan at kailan.
-----------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro