Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7 - The Babysitter

KATE CHANDRIA'S POV

[Ano? Sana nand'yan din ako para maiburol natin ng maaga ang babaitang 'yon. Argh. Nakakagigil!]

Napatawa naman ako sa inasta niya. Kahit kailan talaga ang VeraMundo na ito. Mabuti na lang at hindi ko siya sinama rito dahil baka wanted na siya sa buong Manila.

[Tapos anong nangyari do'n sa Daron? Totohanin niyo na ba daw 'yong pagiging syota niyo? ]

Nanlaki ang mata ko at hininaan ng konti ang volume ng phone ko. Punyeta talaga ang babaeng ito. Baka may makarinig sa kanya.

"Baliw ka bang gaga ka?! Syempre hindi 'no. Hinaan mo nga yang boses mo. Pati hininga mo naamoy ko na." Napairap naman ang gaga.

[Pasalamat ka because you is nat hir. Kundi baka pati ikaw binurol nang gaga ka]

"Hanggang ngayon ba naman mali parin ang grammar mo Vera? Mag-take ka kaya ng summer class tutal may kaya naman kayo kahit konti." Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa kagagahan niya.

['Wag na lang 'no. Si honeybunch ang matuturo sa'kin ]

Nakangiti pa siya sa screen at nagflip hair pa. Arte. At saka sinong honeybunch?

"Sino 'yon? Bagong baka niyo?." kunot noo kong tanong.

[Yowo! Hindi 'no! Boyfriend ko]

Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hanodaw? Boyfriend? Jowa? As in kasintahan? Pinagloloko niya ba ako.

"Nagpapatawa ka ba Vera? Ikaw? Magkaka-boyfriend? As if naman may papatol sa'yo," natatawa kong sagot.

[ Bwisit ka talagang Katria ka! Ang sabihin mo naiinggit ka lang sa'kin dahil may jowa na ako at ikaw wala. Tanggapin mo na lang kaseng mas maganda ako kesa sa'yo ]

Tumango tango lang ako sa sinabi niya. Kung ibang tao lang siguro ang nagsabi sa'kin ng gano'n, malamang papatol ako pero si Vera kilala ko na 'to kaya alam kong nagsasabi siya ng totoo. Excited na tuloy akong manlait sa kung sino man ang boyfriend na daw 'kuno'. Duh. Kilala ko kaya lahat ng lalake sa Santa Clara. Mga manliligaw ko halos lahat ng nando'n, hindi naman sa pagmamayabang pero totoo talaga.

"Sige nga sabihin mo kung sino. Siguraduhin mong matino at may itsura yang syota mo kundi baka ipabugbog ko 'yon kay Joel."

[Omaygad nahulaan mo girl! Si Joel nga. Siya ang boyfriend ko]

HUWATT!

"Ano kamo, si Joel?! 'Yong adik sa kantong kaibigan ko?! Syota mo?!" Napabangon tuloy ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. Nakahiga kase ako sa kama ko at ng marinig ko 'yon, nagulat ako kaya bumangon ako. Alangan naman gumulong diba? Chos.

[Oo. Sshh ka lang. Swekret relaychonsheep lang kami kaya hinaan mo ang boses mo. Baka marinig nina mommy at daddy]

Kung nasa tabi niya lang siguro ako ngayon baka nahampas ko na siya ng tabla. Lakas ng loob magsalita ng English eh hindi naman tama. Nakakahiya ang babaeng 'to.

"Secret relationship 'yon boba. At saka kailan pa naging kayo? Bakit sa lahat pa ng lalakeng nand'yan eh si Joel pa ang napili mo?! Pwede namang si Ramon kase may pagka-tsinoy 'yon o di kaya si Simon dahil may pagka-macho siya," gulat kong saad.

Wala atang taste pagdating sa mga lalake ang babaeng 'to. Kung kani-kanino lang papatol. At do'n pa talaga sa walang pinag-aralan. Wala namang problema 'yon si Joel eh kaso nga lang adik at palainom. Bad infulence kaya 'yon.

[Tse! Ayoko do'n sa mga 'yon. Wala naman akong pakialam kung mas gwapo at mas macho sila kesa sa honeybunch ko. Ang mahalaga, mabait at sweet siya sa'kin at mahal na mahal niya ako. 'Yon ang importanteng demonyo ka! ]

Ang ganda na sana ng explanation niya kaso panira yung panghuli. Sabihin ba namang demonyo ako eh wala naman akong sungay.

"At anong ituturo sa'yo ng syota mong 'yon ha?! Pag-inom? Paghithit ng shabu?! Naku! Baka bukas o sa makalawa malaman kong buntis kana VeraMundo ha!"

Jusko! Kapag nangyari 'yon kawawa 'yong bata. Magkakaroon siya ng malanding ina at adik na tatay. Iniisip ko palang 'yon naaawa na'ko sa bata.

[Shatap ghorl! Hinding hindi 'yon mangyayari 'no. At saka tigilan mo na nga ang kakatawag sa'kin ng VeraMundo. I'm Vera Fatima, okay?]

"Ewan ko sa'yo. Pero teka nga---"

Ngek! Naputol yung video call namin. Sayang naman. Kakamustahin ko sana 'yong pamilya ko kung okay lang ba sila. Kaso mukhang hindi na ulit tatawag ang gagang 'yon kase baka ubos na ang load. Matagal tagal pa bago 'yon magkaload ulit. Tumayo na lang ako sa kama ko at lumapit sa sliding door para buksan 'yon. Magpapahangin nalang muna ako bago matulog tutal hindi pa naman ako inaantok.

"Ano ba talagang gusto mo ha?! Bakit ba pati si Precious kinuha mo sa'kin? Marami namang ibang babae d'yan na may gusto sa'yo ah! Why don't you choos one of them?! 'Yong sa'kin pa talaga ang inagaw mo!"

Napakunot ang noo ko at napatingin sa baba ng may marinig ako sigawan. May nakita ako dalawang lalake na nakatayo sa may garden at parang nagsesermonan. Pilit ko inaninag ang mukha nila kahit sobrang dilim. Nakapatay na kase ang ilaw sa living room dahil pinatay kona bago ako umakyat dito sa kwarto ko.

"Cohen, I'm sorry. Hindi ko naman alam na----"

"Hindi mo alam?! Talaga lang ha! Ang sabihin mo wala ka nang mapaglaruan na babae dahil halos lahat na naging ex mo. Tapos ngayon, 'yong girlfriend ko naman?! Alam mo bang 5th monthsary namin bukas tapos hindi na matutuloy dahil sa'yo. Tangina Shael, nakipagbreak siya sa'kin kanina. Wanna know why?! It's all because of you!" Kitang kita ko ang galit ni Cohen dahil sa pananalita niya. Ramdam ko kung ga'no kasakit 'yon sa kanya.

"I'm sorry." Nakayuko na ngayon si Shael at hindi makatingin sa kapatid niya. Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari pero alam kong babae 'yon.

Ba't pa kase ang daming nag aaway dahil lang sa babae?!

"Sa tingin mo ba maibabalik ang sorry ang lahat ha?! Napakalaki mong gago! How I wish you're not my brother!" sigaw ulit ni Cohen bago pumasok.

Nagulat talaga ako sa sinabi niya. Dahil lang do'n, dahil lang sa babae? Nag-aaway sila nang dahil sa isang maliit na bagay? Sinabi niya ang masasakit na salitang 'yon sa sarili niyang kapatid?

Napatingin ako kay Shael ng umupo siya sa bermuda grass at tumingin sa kalangitan. Agad naman ako humakbang paatras para hindi niya ako makita. Baka sabihin niya pang tsismosa ako dahil nakikinig ako sa away nilang magkapatid.

Pumasok na lang ulit ako sa kwarto ko at sinara ang sliding door. Tinakpan ko ng puting kurtina bago humiga sa kama ko. Hahayaan ko na lang muna siyang mag-emote dun. Bukas ko nalang siya kakausapin, silang dalawa ni Cohen. Kailangan muna nilang magpalamig ng ulo.

Nagising ako dahil sa lakas ng tunog ng alarm clock ko. Kainis naman eh! Inaantok pa ako. Gustuhin ko mang matulog ulit pero hindi pwede dahil kailangan ko pang magluto. Inis akong bumangon at niligpit ang kama ko bago pumasok sa banyo para manghilamos at magtoothbrush. Pagkalabas ko ay kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng table katabi ng alarm clock bago lumabas.

Agad akong bumaba at nagtungo sa kusina para tingnan kung ano ang pwede kong lutuin. Hmm. Pwede naman siguro kahit simple lang ang lutuin ko. Alam ko namang hindi parin nila uubusin kaya okay lang. Ang lulutuin ko na lang ay ampalaya na may itlog, pritong talong, at ginisang broccoli.

Hinanda ko na lahat ng gagamitin at nag-unat ng konti para mas ganahan akong magluto. Pinagtugtog ko rin ang favorite song ko na 'Teenage Dream by: Katty Perry'. Idol ko kase siya at halos lahat ng songs niya ay nasa music list ko.

"Hmm, ang bango babysitter Katria ah." Agad akong napalingon ng biglang tumabi sa'kin si Akken at pinanood akong magluto.

"Oh, ang aga mo naman atang nagising. Akala ko ba ala sais pa kayo gigising," sambit ko habang pinagpatuloy ang paggigisa ng ampalaya."Pakiabot nga ng seasonings." Agad niya naman itong inabot kaya kinuha ko ito at tinimplahan ang niluluto ko.

"Nagpa-alarm kase ako ng 5:20 para mapanood kitang magluto. Ang galing mo pala talaga babysitter Kat. Sa'n mo natutunan 'yan?"

Abat! Nag-abala pa talaga siyang gumising ng maaga para lang mapanood akong magluto. Haist. Eto talagang batang 'to.

"Bakit mo naman gustong mapanood akong magluto? Gusto mo bang turuan kita? Maraming tinuro si Inay sa'kin nung 10 palang ako." Nilagyan ko ng itlog ang ampalaya pagkatapos ay hinalo ko ulit ito. Maya maya luto na ito.

"Talaga? Pwede mo'kong turuan? At saka ang dali mo naman pa lang matuto! 10 ka palang tapos nagluluto kana?" di makapaniwalang saad niya kaya ngumiti ako at tumango.

Hinain ko na ang ampalayang may itlog at pinalamig muna bago nagsaing ulit ng panibagong lulutuin.

"Oo naman. Gano'n kase do'n sa'min. Wala kase kaming maid sa probinsiya kaya kanya kanya kami ng kilos. Hindi naman kaya ni Inay magtrabaho mag-isa dahil may sakit ang Itay kaya bilang panganay na anak, kailangan kong tumulong." Naglagay ako ng konting mantika sa frying pan at kinuha ang mga talong na hinugasan ko kanina para prituhin.

"Ang sipag mo pala babysitter Kat. Kaya pala balewala lang sa'yo ang trabaho mo dito sa mansion. Sanay na sanay kana pala. You're really my idol." Napatawa naman ako sa inasta niya.

Para siyang bata na tuwang tuwa dahil binilhan ng candy. Ang kyut kyut niya pa naman.

"Oh sya, tumabi ka muna riyan dahil baka mapaso ka. Mag-gigisa muna ako ng broccoli. Baka mamaya dumating na ang mga kuya mo," sambit ko pagkahain ko sa mga pinrito kong talong.

"Sige babysitter, Kat. Uupo muna ako dito," sagot niya at umupo sa mesa kung saan ko nilagay ang mga niluto ko kanina.

Pinapanood niya lang akong magluto hanggang sa natapos ako na siya ring pagdating ng mga Kuya niya. Sakto din at kakahain ko lang sa niluto ko kaya makakakain na sila agad.

"Kumain na kayo. Sakto kakatapos ko lang magluto," sambit ko at isa isa silang binigyan ng plato, kutsara, at tinidor.

Alam naman nila na magdadasal pa kami kaya hindi muna sila kumuha ng pagkain. Ako na ang naglead dahil hindi naman nila alam kung paano magdasal. Si Akken lang ang sumasabay sa'kin habang 'yong apat ay tahimik lang. Nagtataka tuloy ako kung bakit pati si Shael eh hindi sumasabay. Palagi kase silang dalawa ni Akken ang sumasabay sa'kin kapag nagdadasal. Ewan ko kung bakit ang tahimik niya ngayon.

Kumain kami ng tahimik. Minsan nagsasalita si Akken o di kaya'y nagtatanong siya sa'kin tungkol sa mga kasanayan ko sa probinsiya. Feeling ko tuloy kami lang dalawa 'yong tao dito at 'yong ibang kasama namin ay hangin lang. Panay ang tingin ko kay Cohen na parang may nag-iba sa kanya na hindi ko masabi. Kakaiba ang awra niya ngayon kumpara sa dati. Si Shael naman, ang tahimik at parang pasan ang buong mundo. Bigla ko tuloy naalala 'yong kagabi kaya bigla akong nasamid.

"Oh dahan dahan lang babysitter Kat. Hindi ka naman mauubusan ng pagkain eh. Eto tubig, uminom ka muna." Tinanggap ko naman ang binigay na tubig ni Akken at agad itong ininom.

Pesteng kanin 'to! Nakatingin na tuloy silang lahat sa'kin.

"Okay ka lang?" Napatingin ako kay Shael ng bigla niya 'kong tanungin.

"Okay lang." Tumango naman siya at bumalik ulit sa pagkain.

'Yon na 'yon?! Hindi ba talaga siya mangungulit sa'kin o kahit magsalita man lang ng kahit ano?

Ibang klase! Hindi naman sa gusto kong mag-ingay siya kagaya ni Akken pero kase hindi ako sanay na tahimik siya. Si Cohen rin, naging gaya gaya narin sa Kuya niyang si Daron.

"Tapos na'ko," saad ni Cohen at tumayo. Napatingin ako sa plato niya at kalahati lang ang kinain niya.

"Teka Cohen, ubusin mo muna ang pagkain mo," pigil ko sa kanya pero bigla akong hinawakan ni Shael.

"Hayaan mo siya," sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Tss." Napalingon ulit ako kay Cohen nang tuluyan na siyang makalabas.

Bumuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Asta pa lang nila talagang hindi sila bati. Haist. Ano naman kayang magagawa ko para magkasundo sila eh talagang hindi naman talaga sila close simula pa lang. Mabuti pa sana 'yong gano'n kase kahit nag-aaway sila, para bang ramdam mo na gano'n lang talaga sila, na normal lang 'yon sa kanila. Pero iba yung ngayon eh, mas lumala pa.

Kaasar naman kase yang babaeng pinag-aagawan nila eh! Gano'n ba talaga siya kaganda? Mala Liza Soberano ba ang beauty niya? Mala Ivana Alawi ba ang kasexyhan niya? Mala Catriona Gray ba ang katalinuhan niya? Tsk.

"Hindi ka naman siguro galit sa talong diba?"

Natigil ang pag-ikot ng mundo ko..Charr..Bumalik ako sa katinuan ko ng biglang magsalita si Raizer. Napakunot ang noo ko at tumingin sa plato ko at napagtantong gutay gutay na ang talong pati ang mga broccoli.

"Aish. Ano ba 'tong pinaggagawa ko." Napasapo nalang ako sa noo ko at uminom nalang ng tubig, baka sakaling madigest ang mga kinain ko at mapunta ang nutrients sa utak ko para may maisip na'kong ideya kung pa'no pagkakasunduin 'yong dalawa.

"Tapos na ako," sambit ni Shael at agad na lumabas. Sinundan naman ni Daron na hindi man lang nagsalita. Baka napipi na 'yon. Mabuti nga sa kanya. Chos.

Napatingin naman ako kay Akken at inuubos niya pa ang pagkain niya. Ang bait na bata. Si Raizer naman parang hirap ubusin ang kinakain niya. Ang dami niyang kinuha tapos hindi niya uubusin. Kapengats.

"Oh Raizer, hindi kapa tapos?" tanong ko sa kanya. Mukhang wala kase siyang balak na kumain dahil pinaglalaruan niya lang ang mga pagkain sa plato niya

"Minamadali mo ba ako?" nakataas kilay niyang sagot. Tinatanong lang naman siya tapos ang highblood.

"Sinabi ko bang magmadali ka? Tinatanong lang naman kita ah." Parang inosente kong sabi. Napairap naman siya at binagsak ang kutsara't tinidor niya at tumayo.

"Tsk. Oh ayan na, tapos na." Napailing nalang ako ng magwalk-out siya. Ang sungit naman no'n. Magkaugali talaga sila ni Daron at Cohen. Tsk.

Nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas ng pinggan ng may marinig akong sigawan sa living room. Agad naman akong nagtaka kaya binilisan ko ang trabaho ko at patakbong tinungo ang lugar kung saan ang ingay. Napatakip ako sa bibig ko ng makitang nakahiga na si Shael sa sahig habang dumudugo ang gilid ng labi niya. Agad naman si pinatayo ni Raizer at Akken habang si Daron ay galit na pinipigilan si Cohen.

"Anong nangyayari dito?." naguguluhan kong tanong.

Gulat parin ako sa nakita ko. Bakit nag-aaway na naman sila? Tungkol na naman ba 'to sa kagabi?

"What the fuck! Why the hell are you fighting?!" galit na sigaw sa kanila ni Daron. Napakagat nalang ako sa labi ko dahil sa takot. Maiihi ata ako dahil sa panginginig.

"Tanungin mo yang gago mong kapatid, Kuya. Lahat na lang ng babae nakuha niya pati ba naman girlfriend ko. Ano?! Kating-kati ka na talaga ha?!" Nagulat silang lahat sa biglaang pagsigaw ni Cohen maliban lang kay Shael.

Weyt....'Wag nilang sabihin na hindi nila alam na may syota ang kapatid nila. Jusmeyo marimar!

"G-Girlfriend? May girlfriend ka, Kuya? Kailan pa?" sunod-sunod na tanong ni Raizer. Bakas ang pagkagulat at pagtataka sa boses niya.

"Remember Precious, Stella's bestfriend. She's my girlfriend. We've been together for almost 4 months, and today is our 5th monthsary. But because of that fucking asshole, we broke up yesterday." Akmang susugod ulit si Cohen pero mabilis siyang nahawakan ni Daron.

Pilit niyang kumawala sa pagkakahawak ni Daron sa kanya pero mas malakas ang kuya niya kaya wala siyang nagawa.

"What did you do, Kuya Shael?"tanong ni Akken habang nakatingin sa Kuya niyang katabi niya lang.

"I-I...d-didn't do anything..Precious just chatted me yesterday and ask me if I'm single. Of course I am, so I answered yes. Nagulat na lang ako ng bigla niyang si-net ang relationship status namin sa facebook. Sabi niya sa'kin single daw siya kaya pumayag na lang din ako. I don't have flings anyway so it wasn't bad to be with her. I swear, I didn't know that she's your girlfriend dude," pagpapaliwanag ni Shael.

"Holy shit!" Napapikit ako ng biglang binato ni Cohen ang flower vase at mabilis na umakyat sa taas habang nakayukom ang kamao.

Napabuntong hininga na lang kaming lahat. Hindi naman pala kasalanan ni Shael ang pagbi-break ni Cohen at ng girlfriend niya. Kasalanan 'yon ng malanding babaeng 'yon. Nakatali na nga sa isa, humanap pa ng iba. Anak ng malandi!

"Umalis na kayo dyan. Ako nang bahalang maglinis ng mga bubog. Shael, umupo ka muna dyan sa sofa. Gagamutin ko yang sugat mo pagkatapos ko dito." Agad naman sila sumunod sa utos ko.

Si Daron umakyat din sa taas, matutulog na naman siguro 'yon. Si Raizer pumunta sa music room, maglalaro ata ewan. Si Akken naman pumunta sa kusina, kakain na naman 'yon panigurado.

Lumapit ako sa nagkalat na bubog at dahan dahang pinulot ang mga malalaking paso na nabasag. 'Yong mga maliliit lang ang tinira ko para i-dustpan kasama ang mga lupa. Ang halaman naman ay tinanim ko kasama ang mga halaman sa garden nila. Pagkatapos ay pumunta akong kusina para maghugas ng kamay at kumuha ng first aid kit.

"Hindi ka pa nabusog do'n sa niluto ko, Akken?" Napatingin naman siya sa'kin habang puno 'yong bibig niya ng chocolate ice-cream.

Nilunok niya muna ang kinakain niya bago nagsalita. 'Yon ang turo ko sa kanila."Syempre nabusog, babysitter Kat. Ang sarap kaya ng luto mo. Pero masarap kumain ng dessert eh, hindi ko mapigilan." Napakamot siya sa batok niya at ngumiti ng maliit.

"Sige uy, kaon lang. Wala naman tayo sa crisis para magtipid ng pagkain.'Wag mo lang damihan, baka sumakit ang tiyan mo." Sinara ko ang cabinet na kinuhanan ko ng first aid kit at bumaling sa kanya."Oh sya maiwan na kita d'yan. Gagamutin ko muna ang sugat ng kapatid mo."

Hindi na siya sumagot dahil busy pa siya sa pagkain ng ice cream niya. Hala! Bahala siya do'n. 'Pag 'yong tiyan niya sumakit, takyanon jud nako siya palabas ng mansion.

"Ouch! Damn. It hurts." Rinig kong sambit ni Shael ng makalapit ako sa pwesto niya. Hindi niya pa ako nakikita dahil nasa likod niya ako.

"Kayo kase eh. Babae lang pinag-aawayan niyo. Tsk. Tingnan mong napala mo." Nagulat naman siya sa pagsulpot ko at umayos ng upo. Umupo ako sa harap niya at binuksan ang first aid kit.

"Kung alam ko lang na girlfriend niya pala si Precious, e 'di sana hindi ako pumatol do'n.'Yon kaseng babaeng 'yon eh, sinungaling. Nasuntok pa tuloy ako." Napabuntong hininga siya at yumuko pero inangat ko ang baba niya para magamot ang sugat niya.

"Ngayong alam na ni Cohen ang totoo, baka naman humingi siya ng sorry sa ginawa niya sa'yo. Alam naman nating yung malanding 'yon pala ang may kasalanan ng lahat," komento ko habang patuloy pa rin sa paggamot sa sugat niya.

"Aray!..Kat naman, dahan dahan lang oh...Shit! Ang hapdi," reklamo niya at lumayo ng konti pero hinila ko ulit 'yong baba niya para mapalapit sa'kin.'Yon nga lang nilakasan ng loko kaya malapit niya akong mahalikan.

"Ginagago mo ba ako Shael?! 'Pag ako nainis sa'yo titirisin ko talaga 'yang sugat mo sa labi. 'Wag mo'kong subukan!" Natawa naman siya sa sinabi ko kaya malakas kong hinampas ang braso niya.

Mabuti nga at braso niya ang hinampas ko at hindi ang labi niya. Baka maging pasa pa ang sugat niya at lumaki. Kawawa siya 'pag nangyari 'yon.

"Sana nga..." Napatigil ako sa paggagamot sa sugat niya ng magsalita siya."Sana nga hindi na siya galit sa'kin dahil sa narinig niya. Dahil alam kong mas paniniwalaan niya ang sasabihin ni Precious kung sakaling nag-uusap na sila ngayon." malungkot niyang sambit.

Napakunot naman ang noo ko pagkatapos kong marinig ang mga 'yon."Bakit naman? Ikaw ang kapatid niya kaya ikaw ang paniniwalaan niya. Ang tanga niya siguro kapag naniwala siya sa babaeng 'yon." Pagkatapos kong lagyan ng band aid ang sugat niya ay niligpit kona ang first aid kit at nilagay sa table.

"Tara sa garden. Do'n tayo mag-usap." Tumayo siya at naunang lumabas kaya sumunod rin ako sa kanya.

Umupo kami sa bermuda grass habang pinagmamasdan ang ibat-ibang klaseng bulaklak na nandito. Hindi na masyadong masakit ang araw kaya okay lang.

"Simula pa noong bata kami, sobrang malapit na kami sa isa't isa. Syempre, magkakapatid kami at pare-pareho kami ng mga hilig dahil nga lahat kami lalake. Palagi kaming nagkakasundo sa lahat ng bagay maliban lang sa'ming dalawa ni Cohen. Ayaw niya daw sa'kin kase attention seeker daw ako. Ewan ko kung anong ibig sabihin niya no'n kaya binalewala ko lang. Mga bata pa kase kami no'n at meron talagang hindi pagkakaunawaan sa mga bagay bagay," pagkukwento niya. Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya habang siya ay pinaglalaruan ang mga damo sa harap niya.

"Hanggang sa nag-highschool kami, gano'n pa rin. Para bang iniiwasan niya ako lagi at kapag gusto ko siyang kausapin, palagi siyang wala. Alam ko talagang may mali sa kanya kaya sinubukan kong tanungin siya pero ang sagot niya sa'kin, 'Bakit ikaw na lang palagi?'. Naguluhan talaga ako nang sobra no'n kaya napagdesisyunan kong magclub muna para makapagrelax. Iba't ibang babae ang kasama ko araw araw, oras oras, minu-minuto. Gano'n ako ka playboy," natatawa niyang dagdag.

"Sumapit ang InterHigh kaya ibat-ibang schools ang dumalo sa school namin. Sikat kase ang school na 'yon kaya do'n napagdesisyunan na isagawa ang IH. At dahil bored ako no'n dahil halos kabisado ko na ang mga babae sa school namin, naglibot libot ako para humanap ng ibang babae na taga ibang school. Nagulat ako ng may lumapit sa'kin na babae. Sobrang ganda niya, maputi, mataas ang ilong, cute, parang almost perfect siya. Tinanong niya ako kung may ka-date ba ako dahil kung wala kami daw ang partners. Natuwa naman ako dahil hindi na ako mahihirapan pang humanap dahil may nakabingwit na sa'kin. Feel ko jackpot ako sa lotto dahil mukhang goddess ang nakuha ko." Tumikhim muna siya bago nagpatuloy.

"Sinubukan namin lahat ng booths at isa na lang ang hindi pa, ang kissing booth. Sabi niya wala pa raw siyang first kiss kaya gusto niyang subukan sa'kin. Nashock naman ako pero pumayag din ako. Natigil lang kami ng may biglang tumawag sa kanya at halos mapanganga ako ng si Cohen 'yon at galit na galit na nakatingin sa'min. Mabilis siyang umalis at hinabol naman siya ni Erica, 'yong babaeng kadate ko. Hindi ko alam kung anong koneksyon nilang dalawa pero agad akong nakaramdam ng kaba." Tumingin sa'kin kaya sinenyasan ko siyang magpatuloy.

"Pagkauwi ko agad akong sinalubong ng suntok ni Cohen. Walang ibang tao no'n maliban sa'ming dalawa kaya malaya siyang gawin ang gusto niya nang walang nakikialam. Hindi ako nagalit sa kanya o nagtaas man lang ng boses. Tinanong ko siya kung bakit siya nando'n kanina at halos manlumo ako sa narinig ko. Nililigawan niya pala si Erica at 'yong araw na 'yon magda-date sana sila at sasabihin ni Erica ang desisyon niya kung sasagutin niya ba si Cohen o hindi. Nagsisisi ako no'n kase dahil sa'kin, nireject ni Erica si Cohen. Mas gusto daw ako ni Erica kesa sa kanya, 'yon ang sabi niya. Ilang suntok pa ang natamo ko galing sa kanya at ni isang beses, hindi ako pumatol sa kanya. Kahit anong paliwanag ko sa kanya na hindi ko alam na may nililigawan pala siya at mas lalong hindi ko alam na si Erica 'yon. Pero kahit anong gawin ko, galit parin siya sa'kin. Alam kong hanggang ngayon may natitirang galit pa rin sa puso niya dahil do'n. 'Yon daw kase 'yong first time na nanligaw siya at first time na nareject siya. At dahil sa katangahan ko, naulit na naman ang nangyari noon. Mas masaklap nga lang ngayon dahil girlfriend niya ang naging fling ko." Nakita kong may tumulong isang butil ng luha sa mata niya at agad niya naman iyong pinunasan.

Bigla tuloy akong naawa sa kanya. Bata pa lang sila hindi na sila nagkakasundo, at mas lalo pang lumala dahil sa nangyari. Sa totoo lang, wala namang kasalanan si Shael eh. Hindi niya naman alam ang lahat kaya nga gusto niyang magpaliwanag sa kapatid niya. Kaya lang masyadong mataas ang pride ni Cohen kaya ayaw niyang makinig at mas pinapairal niya ang galit niya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap niya. Para siyang nanigas dahil sa ginawa ko. Ako rin naman nagulat pero mas mabuti na rin 'to. Nang sa gano'n mabawasan ang sakit na nararamdaman niya kahit konti.

"Hindi mo naman kasalanan ang lahat. Sinubukan mo namang magkaayos kayo at si Cohen ang hindi nakikinig sayo, diba? Atleast nagawa mo na ang part mo at hindi ka na magsisisi dahil wala kang ginawa. Sa ngayon, hayaan muna nating lumamig ang ulo ni Cohen bago mo siya kausapin ulit. Kailangan niya pa ng oras para sa sarili niya," pagpapakalma ko sa kanya. Ramdam kong basa na ang balikat ko pero hinayaan ko lang 'yon.

Grabe naman pala ako mag-advice, napapaiyak ko siya at alam kong may halong sipon 'yon. 'Di bale, magbibihis na lang ako mamaya.

"Sabi ni Inay, okay lang daw umiyak kapag nasasaktan ka na talaga. Hindi naman sa lahat ng oras kaya mong kimkimin ang sakit, minsan kailangan mo rin itong ilabas. Gaya kapag natatae ka, hindi mo ito kayang tiisin ng magdamag kaya nga nilalabas diba?" Natawa naman siya sa sinabi ko kaya kumalas na ako sa yakapan namin.

"Oh diba, mas gwapo ka kapag nakangiti ka. Nagandahan ka sa'kin 'no." Mas lalo naman siyang natawa sa sinabi ko. Feel ko tuloy naging clown ako sa isang birthday party at si Shael ang birthday celebrant.

"Thank you Katria. Nang dahil sa'yo mas gumaan ang pakiramdam ko ngayon. Okay lang sa'kin kung sakaling galit parin siya sa'kin ngayon. Hindi ko naman kayang magalit sa mga kapatid ko lalong lalo na si Cohen," nakangiti niyang sambit. Ngayon, alam kong totoong ngiti na ang pinapakita niya.

Pinabilib niya talaga ako sa sinabi niya. Mabait siyang Kuya at kapatid. Sa kanya siguro nagmana si Akken kay sobrang blooming ng batang 'yon. Kahit pala babaero ang lalakeng 'to, may tinatago rin palang kabaitan sa puso niya.

"'Wag kang magpasalamat sa'kin. Ginawa ko lang 'yon dahil kailangan mo ng karamay sa problema mo. Kaibigan kita diba? At saka kapag may problema ka, 'wag kang mahihiyang magsabi sa'kin. Handa naman ako makinig kahit ano pa 'yan. Mabait kang kuya kaya alam kong di magtatagal 'yong galit ni Cohen sa'yo." Tumango tango naman siya sa sinabi ko.

"Alam mo, the best kang babysitter. Pwede na ring the best girlfrien---Ouch!..Just kidding." Napatawa naman ako sa reaksyon niya. Girlfriend daw 'kuno' kaya ayun, binatukan ko.

"Tse! Chansing kana ah! Diyan ka na nga. May gagawin pa'ko sa loob." Tinanguan ko muna siya bago pumasok. Sobrang tahimik naman dito, parang walang nakatira.

Napagdesisyunan kong pumunta na lang ng library para kumuha ng librong mababasa. Sabi kase ni tita Elizabeth, kung gusto ko raw magbasa ay pumunta lang daw ako ng library at tiyak na madali akong makakahanap ng gusto kong libro. Marami daw'ng genre ang nandito kaya exciting. Mabuti na rin 'to at hindi ako mabored kapag wala na akong gagawin.

Shems! May wattpad books din pala dito. Hmm, sino kaya sa kanila ang mahilig magbasa. Si Akken? Ay hindi. Pagkain lang ang alam no'n. Si Raizer? Ewan ko do'n. Palagi ko siyang nakikitang naghe-headset at may dalang phone tapos pumupunta ng music room. Lakas ng trip 'no. Si Cohen? Panlalait lang din siguro alam no'n. Chos. Si Shael? Pambababae lang siguro. Mamaya tatanungin ko siya. At saka si Daron? Palagi lang nagkukulong sa kwarto niya. Mala-Elsa ng frozen 1 lang ang peg. Pero baka may hilig rin 'yon sa pagbabasa.

"OMG! He's Into Her! Full season pa ang nandito! Maygad! Thankfully, makakabasa na din nito sa libro." Todo tili pa ako habang yakap yakap ang tatlong librong hawak ko.

Gosh! This is heaven!

"Aren't you aware the rules in the library?"

"ANAK NG PATING!" Napahawak ako sa dibdib ko ng may biglang magsalita sa likuran ko. Inis kong pinulot 'yong mga librong nahulog at lumingon sa kung sino mang antipakto na gumulat sa'kin.

Halos malaglag ang panga ko ng malaman kong si Daron pala 'yon. Takte! Ba't ba siya nandito? At saka ba't ba ako kinakabahan. Feel ko sasabog ang puso ko sa lakas ng heartbeat nito.

"B-Bat ka nandito?"

Shet lang! Nauutal din ako. Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Baliw na ata ako.

"Why? Am I not allowed to enter our library?"nakataas kilay niyang tanong.

Kahit kailan talaga ang lamig makitungo ng kupal na 'to. Kala mo ice cream 'yong kausap niya para makasabay ako sa pagiging malamig niya. At saka bakit naman ako makikisabay sa kanya? Hindi naman kami close. Aish. Nababaliw na talaga ako.

"Tsk. Crazy." Napatingin ako sa kanya ng bigla niyang sabihin 'yon." Tabi." dagdag niya pa.

Wala akong nagawa ng bigla siyang lumapit sa'kin."A-Anong g-ginagawa mo?."

Patuloy lang ako sa pag-atras at patuloy parin siya sa paglapit. Wala parin siyang reaksyon habang nakatayo sa harap ko. Nakasandal na ako ngayon sa bookshelf dahil wala na akong maatrasan. Kailangan ko pa tuloy tumingala para makita siya dahil mas matangkad siya ng konti kesa sa'kin.

"Ano ba kaseng kukunin mo ha?!" inis kong tanong sa kanya habang nakacross arms.

"A book, isn't it obvious? Umalis ka nga diyan. Hindi ko makuha ang libro dahil nakaharang ka." Dahil sa gulat ko ay tumabi na lang ako.

Wow ah! First time na nagtagalog siya. Pero infairness mga 'te! Ang husky ng boses niya...Wah!Nakakalaglag panty. Chareng.

"OMG! Bumabasa ka rin ng Montello High?" gulat kong sambit habang nakatingin sa hawak niyang libro. Bored niya lang akong tiningnan.

"Well, madali lang siguro sa'yong intindihin 'yan kase Englishero ka at---"

Putragis! Walang respeto talaga ang lalaking 'yon kahit kailan. Nakabwisit. Lagpasan ba naman ako habang nagsasalita ako. Hindi man lang ako pinatapos. Argh.

Fuck you Dale Fyron! Ay shet! Bastos!

At dahil wala na akong gagawin dito sa library dahil nakuha ko na rin ang gusto kong libro ay sumunod na lang ako sa kanya. Hindi naman sa sumusunod ako sa kanya na parang buntot. Mukha ngang may dadaan na baka sa laki ng distansya namin sa isa't isa. Duh. Ayoko kayang magdikit 'yong balat namin at ayoko ring maamoy 'yong pabango niya.

"Ouch! Ano ba?! Bakig ka ba---" Pilit kong inaalis ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. At ng maalis ko ay sinamaan ko siya ng tingin. Kaasar. Ang bango pa naman ng kamay niya. Amoy baby cologne...Erase..

Bago pa man ako makapagsalita ay tinuro niya ang isang sulok ng library at may nakita akong lalaking nakatayo do'n. Si Cohen. Base sa itsura ng katawan niya, alam kong siya 'yan. Pero ano namang ginagawa niya dyan? Nagrorosaryo?

Ano kaya kung mag-ingay ako? Ay! 'Wag na lang pala. Baka mamaya uminit na namang ulo niya Cohen at ako pa ang pagbuntungan. Kawawa naman ako no'n.

"Nagrorosaryo ba siya dyan?"mahina kong tanong sa kanya. Napatingin naman siya sa'kin at napakunot ang noo.

"What? Do you think he knows how to pray?! Asa. Engot ka talaga." Bigla naman napantig ang tenga ko sa huli niyang sinabi kaya kinurot ko siya ng mahina sa tagiliran.

"Ouch! What was that for?!"

Inirapan ko lang siya habang hinihimas himas niya ang tagiliran niya. Ang arte neto! Ang hina lang naman ng pagkakakurot ko tapos kung makareact parang kinagat ng libo libong langgam.

"Okay lang naman na magtagalog ka. Walang problema 'yon sa'kin. Pero ang tawagin akong engot, ibang usapan na 'yun kupal ka! Mukha ba 'kong engot ha?!" Medyo napalakas ata ang sigaw ko kaya napalingon sa'min si Cohen. Inirapan naman ako ni Daron dahil sa ginawa ko.

Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi ko ng lumapit si Cohen sa'min. Pansin ko ang namumugto niyang mga mata na halatang kagagaling niya lang sa pag-iyak. Kaya siguro siya nasa sulok at tulala dahil iniisip niya pa rin 'yong break up nila no'ng Precious daw. Hayst. Masakit siguro talaga 'yon.

"Anong ginagawa niyong dalawa dito?" seryoso niyang tanong sa'ming dalawa ni Daron.

Hindi naman ako sumagot. Bahala kang Daron ka dyan. Kasalanan mo kung bakit tayo nahuling dalawa. Kung hindi lang kase ako tinawag na engot, edi hindi ako sisigaw. Hmp.

"I just went here to get a book. I'm about to leave when I saw you. But this 'engot' beside me shouted that she wants you to move on from your ex so we got your attention." Literal akong napanga nga sa sinabi ni Daron."Excuse me, I have something to do." Tumalikod siya sa'kin pero kitang kita ko ang pagngisi ng kupal. Ako naman eto, hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Gustong gusto mo talagang nakikialam eh 'no?!" Napatingin ako kay Cohen at kitang kita ko ang inis sa mukha niya.

Bwisit kang kupal na antipatiko ka! Sana sumakit 'yang tiyan mo! Argh. Pahamak ka talaga. Mamaya ka sa'kin kapag nakalabas ako dito...KUNG MAKALABAS PA AKO..

"Maniwala ka sa'kin Cohen, hindi ko sinabi 'yon. Nagsisinungaling lang ang kapatid mo," pagpapaliwanag ko sa kanya.

"At bakit naman ako maniniwala sa'yo? Kaano-ano ba kita? Babysitter ka lang dito diba? Malay ko ba kung sinabi mo talaga 'yon dahil pakialamera ka at attention seeker. Pareho lang kayo ni Shael."

Aray ha! Grabe talaga magsalita ang isang 'to! Parang may kasamang kutsilyo kapag nagbitaw siya ng salita. At saka pakialamera? Duh. Kailan pa ako nakialam sa kanya? Kay Shael siguro kanina no'ng nagtanong ako.

"Naniniwala ka kay Daron kase kapatid mo siya pero kay Shael? Kapatid mo din naman siya ah. Eh pinaniwalaan mo ba?" seryoso kong tanong sa kanya.

Kita ko naman ang pagbabago ng reaksyon niya. Galit na siya.

"Pwede bang manahimik ka na lang?! Wala kang alam sa lahat. Bagong salta ka lang dito kaya 'wag kang umasta na parang kilalang kilala mo na kaming lahat. Eh ano naman kung hindi ako naniniwala do'n sa gagong 'yon?! Wala ka nang pakialam do'n. Kasama ba sa trabaho ng isang babysitter ang pangingialam sa buhay ng amo niya?" sigaw niya sa'kin.

Natahimik ako sa sinabi niya. Masyado na ba akong naging pakialamera sa kanila? Ngayon lang naman ako nakialam ah. At saka gusto ko lang malaman ang pinagdaanan nila para matulungan ko silang magkabati ulit. Ano bang masama dun?!

"Bakit ba galit na galit ka sa'kin ha?! Kung galit ka dahil kaka-break niyo lang ng babae mo, pwes 'wag mo'kong idamay! Nag-aalala lang naman ako sa inyo eh. Kase hindi ako sanay na hindi kayo magkabati," sagot ko naman sa kanya.

"Ah gano'n?! Pwes, hindi ko din kailangan ang pag-aalala mo! Sana kase umalis ka na lang dito nung una pa lang! Mahirap ba 'yon gawin o ayaw mo lang dahil habol mo ang pera ni mom? Balita ko kase malaki daw ang sahod mo every week. Ano? Ilang milyon ba ang kailangan mo at ibibigay k---"

Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya."Gano'n ba talaga ang tingin niyo sa'kin? Gold-digger? Ah oo nga pala. Lahat ng taga probinsya, mukhang pera, tatanga-tanga, mga panget, walang alam. 'Yon ang alam niyo diba? Palibhasa kase lumaki kayo sa marangyang pamilya at mala-senyorito kayo. Lahat na lang ng mga kagaya namin, nilalait niyo. Akala ko pa naman may respeto ang mga kagaya niyo kase may edukasyon kayo, hindi pala." Tinapunan ko siya ng nandidiring tingin at tinalikuran kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Mabilis akong naglakad patungo sa pinto at pagbukas ko nakita ko si Akken at pagkakita niya sa'kin, tumalikod agad siya at nagpapanggap na hindi nakikinig. Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta sa living room para kunin 'yung phone ko. Nakita ko si Raizer na kakalabas lang ng kusina at napakunot ang noo ng makita niya ako. Napansin niya siguro ang pula kong mata at tuyong luha sa pisnge ko. Agad akong umakyat at nakasalubong ko si Shael, kakausapin niya sana ako pero nilagpasan ko siya at pumasok sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama ko at napahilamos nalang sa mukha ko. Gano'n ba talaga ang ugali ni Cohen? Wala namang sinabi sa'kin si tita Elizabeth na masakit pala magsalita ang timawang 'yon. Okay lang naman sa'kin na laitin niya ako, pero ang masabihan ng gold-digger? Mukha ba akong pera? Oo, nagt-trabaho ako sa kanila dahil kailangan ko ng pera para sa pagpapagamot ni Itay at para narin sa pagpapaaral sa mga kapatid ko. Pero hindi naman ako nagsisipsip sa mom nila para lumaki yung sahod ko. Nagta-trabaho ako ng marangal dito sa kanila. Sa totoo lang, okay lang kahit 500 yung sahod ko every week. Kaso sadyang mabait lang si tita kaya nilakihan niya.

Hayst. Nakakastress naman sila. Haggard na tuloy ang beauty ko ngayon. Bahala sila, hindi ako lalabas ngayong gabi. Walang magluluto ng dinner sa kanila at hindi ko rin muna sila kakausapin.'Wag muna ngayon. Galit pa ako. Magbabasa na lang muna ako nitong librong dala ko baka sakaling mabawasan ang galit at stress ko.

Napatingin ako sa phone ko ng bigla itong nagvibrate. Nagpop-up sa messages ko ang text ni Shael at Akken. Langya! Pa'no nila nakuha ang number ko?!

From: AkkiroRenzKyut

Okay ka lang, babysitter Kat? Sorry do'n sa sinabi ni kuya Cohen sa'yo ah. Heart-broken kase eh. Iinom mo lang 'yan ng gas..Joke..Smile na.

To: Babysitter Katria

Napatawa naman ako sa tinext sa'kin ni Akken. Kahit kailan talaga joker ang batang 'yon. Feel ko friends na kami. Tanungin ko kaya bukas. Hindi pa ako okay ngayon.

From: ShawnAxcelBabaero

Hey Kat. How are you? Sinabi sa'kin ni Akken 'yong nangyari. Sorry kung nadamay ka.

To: BabyKate

Humagikhik ako at in-off ang phone ko dahil magcha-charge muna ako. Binuklat ko ang libro ng He's Into Her at sinimulan itong basahin. Jusmeyo! Babalik na naman ako sa simula neto. Ba't ba kase nakalimutan ko agad 'yong mga pangyayari?!

Lechugas!

------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro