Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5 - She's Back

AKKIRO RENZ POV

"Akin na nga 'yan."

Inagaw sa'kin ni Kuya Cohen ang hawak kong chips kaya napanguso ako."Kuya naman eh. Akin 'yan, kumuha ka ng sa'yo." Akmang aagawin ko ito sa kanya pero mabilis niya itong inilayo kaya hindi ko naabot.

"Asan na kaya ngayon si Katria."

Agad kaming napatingin kay kuya Shael ng magsalita siya. Pero agad din namang bumalik sa pinapanood naming action movie. Mukhang wala silang pakialam. Ako rin naman eh. Kaso bakit pakiramdam ko nag aalala ako.

"Hayaan niyo na 'yon. Ang mahalaga wala na siya rito. Wala nang problema diba?" sagot naman ni kuya Cohen.

Mula nang makabalik kami dito sa mansion ay hindi na talaga ako mapakali. Pagkapasok kase ni babysitter Katria kaninang umaga sa Mall ay inabangan namin siya kaya nang pumasok siya sa boutique ay agad kaming lumabas ng mall. Umalis na kami pagkatapos no'n kaya hindi na namin alam kung anong nangyari sa kanya at kung saan na siya napadpad. Naguilty tuloy ako sa ginawa ko, plano ko naman kase 'to.

"Pero diba parang sobra naman ata 'yong ginawa natin. Mukhang mabait naman yung tao sa'tin eh," pagtatanggol pa ni kuya Shael.

"Are saying that because you don't have another toy, kuya? Oh c'mon, mamili ka naman ng mas maayos." singit naman ni kuya Raizer.

Kahit naman cassanova si kuya Shael, mabait rin naman siya. Hindi nga lang masyado kase minsan natutukso rin 'yan sa babae eh. Pero alam kong may side siyang mabait.

"It's not because of that Raizer. Parang nakokonsensya lang ako sa ginawa natin. Baka 'pag nalaman 'to ni mom, magrounded tayo or something. Hindi niyo naman siguro gusto ang gano'n diba?" sagot pa ni kuya Shael.

"Really Shael? Dahil lang diyan kung bakit mas dinedepensahan mo 'yong walang kwentang babaeng 'yon kesa sa'ming mga kapatid mo?" Napailing na lang ako sa pagtataas ng boses ni kuya Cohen kay kuya Shael.

Kahit kailan talaga hindi niya nirerespeto bilang kuya niya si kuya Shael. Ang trato niya sa kanya parang kaseng edad niya lang o kababatang kapatid. Pero 'pag si kuya Daron ang nagsalita, tiklop agad. Palibhasa kase, nakakatakot magalit si kuya Daron habang si kuya Shael naman sobrang lambot lang.

"Stop arguing," malamig na boses na sabi ni kuya Daron kaya nanahimik sila kaagad.

See. Sabi ko sa inyo eh.

Napaisip rin ako. Baka hindi pa nakakain ngayon si babysitter Kat kase wala naman 'yong dalang pera, panigurado. Hindi niya naman talaga napaghandaan 'yong pagtakas namin kanina kaya wala na sa isip niya ang tumakbo pa pabalik sa kwarto niya para kumuha ng pampamasahe o ano. As if she's worried what might happen to us or she's just doing her job. Pero kung ano man 'yon, dapat hanapin namin siya.

"Oh Akken, sa'n ka pupunta?" tanong sa'kin ni kuya Cohen nang tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Nasa akin lahat ng atensyon nila.

"Kailangan kong hanapin si Ate Katria, Kuya."

Napakunot ang noo nilang tatlo maliban lang kay kuya Shael na tumayo at pumunta sa direksiyon ko.

"Pati ba naman ikaw Akken? Nag aalala ka rin sa babaeng iyon?" parang 'di makapaniwalang tanong sa'kin ni kuya Cohen.

"Oo kuya eh. Baka mapano siya lalo na't hindi niya pa kabisado dito," nag-aalala kong sagot.

"Tell me, why are guys so worried about that babysitter? Pangalawang araw niya pa lang dito sa'tin tapos kung makaasta kayo parang matagal niyo na siyang kaibigan na ayaw niyong mapahamak." Napatingin naman kami sa nakacross arms na si Kuya Raizer, si kuya Daron naman ay nakikinig lang sa'min.

"Ewan ko lang kuya. Basta feeling ko gusto ko siyang maiuwi pabalik," sagot ko at agad na lumabas. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila dahil alam kong mauuwi na naman kami sa away na lahat.

"Anong kotse ang gagamitin na'tin kuya?"

"Yong Lamborghini ko na lang, mas maganda gamitin 'yon kapag gabi."

"Huh? Pwede bang yung BMX mo na lang? Mas gusto ko 'yon gamitin kase mabilis tumakbo eh." Napakamot ako sa ulo ko sa kadahilanang baka ayaw niyang pumayag.

"Dude naman, baka magasgasan 'yong kotse kong 'yon. Wala na akong magagamit kapag pupunta ako ng club, wala ring chicks. 'Yan na lang kase."

Napailing nalang ako ng hinagis agad niya ang susi ng Lamborghini niya. Akmang papasok na kami nang bigla kong nakita yung tatlo ko pang kuya na papalapit sa'min. This will be really fun.

"Ano mga dude? Sasama kayo? Mangchi-chicks kami," nang aasar na sambit ni kuya Shael kaya nakatanggap siya ng isang malakas na sapak galing kay Cohen.

Tsk. Hindi talaga magkakasundo ang dalawang 'to.

"Ouch! Ang sakit mo naman manapak Cohen. Baka nabali na yung buto ko at hindi na well-shaped ang muscles ko. Wala nang ma-aatract sa'kin." Napatawa nalang ako ng masama ang tingin ng tatlo kay Kuya Shael.

Sa amin kaseng lima, kami ang palaging nagkakasundo. Siguro dahil pareho kaming makulit at masayahin. Magkasama kami palagi sa mga trip namin, maliban lang sa pambababae niya. Goodboy kaya ako.

"Hop in, before I'll change my mind."

Agad naman kami pumasok sa sinabi ni Kuya Daron. Sunod-sunuran kase kami, syempre kase siya 'yong pinaka-kuya sa'ming lahat. At saka wala pa siyang utos na hindi namin sinusunod.

Si Kuya Shael ang nagmamaneho habang si kuya Raizer naman ang nasa passenger seat. Nasa likod ako ni kuya Shael habang si Kuya Cohen naman ang nasa likod ni Kuya Raizer. At si Kuya Daron naman ang nag iisa sa likod dahil ang magiging katabi niya ay si babysitter Katria kapag naiuwi na namin siya.

"Sa'n natin unang hahanapin si babysitter Katria?" tanong ko.

"Sa'n ba natin siya iniwan diba sa Mall? Malamang do'n natin siya hahanapin," pamimilosopo naman ni Kuya Raizer kaya napailing na lang ako.

Sana hindi ko na lang tinanong. Kasama pala namin si kuya Raizer kaya paniguradong may pilosopohang magaganap.

"Pa'no kung wala na siya do'n?" tanong naman ni kuya Shael habang patuloy parin sa pagd-drive.

"Edi umuwi na tayo, alangan naman hanapin pa rin natin siya. Sobrang halaga niya naman ata para pag aksayahan ng oras at pawis," inis na sagot naman ni kuya Cohen.

Grabe talaga ang dalawang 'to. Pero sabagay, kung hindi talaga namin mahanap si babysitter Kat ngayon, wala kaming magagawa kundi umuwi. Alas syete na rin kase at gabi na kaya baka bukas na namin matutuloy ang paghahanap kung sakali.

"Teka mga dude, may nakikita ako."

Napatingin din ako sa tinitingnan ni kuya Shael pero hindi ko maaninag ng maayos kase madilim at medyo malayo kami.

"Malamang kase may mata ka kuya. Use your common sense, kuya," irap naman na sagot ni Kuya Raizer.

"Sshh. Mamaya kana mambara Raizer. Mukhang may di tama dito sa nakikita ko eh."

Ewan koba kung baliw na 'tong si kuya Shael o may nakikita siya hindi namin nakikita. Wala naman kase akong maaninag na kahit sino eh.

"What is that? Anong nakikita mo Akken?" tanong sa'kin ni Kuya Cohen dahil alam niyang ako 'yong nasa likod ni kuya Shael at tinitingnan ko rin 'yong tinitingnan niya.

"Hindi ko alam Kuya, eh. Kuya Shael ihinto mo nga 'yang sasakyan para makita natin ng maayos ang sinasabi mo." Dahil sa sinabi ko ay hininto niya ang kotse at halos magkauntog untog 'yong ulo namin ng bigla niyang tapakan yung break. Shit.

"Putek! Ano ba yan?! Ba't bigla mong tinapakan 'yong break. Gusto mo bang magasgasan 'tong napakagwapo kong mukha ha?!" sigaw ni Kuya Cohen at tumingin pa sa rear mirror ng kotse para siguraduhing maayos ang mukha niya.

Hayst. Ano bang nangyayari dito sa mga kapatid ko? Ba't ganito sila?

"Mamaya kana rin magmayabang Cohen. Bumaba muna tayo para tingnan yung nakikita ko," balewalang sagot ni Kuya Shael at nauna nang bumaba.

Ganito ba ang epekto ng gutom sa kanya? Hindi pa kase siya kumakain ng dinner eh. Actually, kaming lahat. Snacks lang 'yong kinain namin kanina habang nanonood ng movie. Pero seryoso, may saltik naba si kuya?

"Tsk. Just be sure that it is important Shael, or else I might kick you ass off." malamig na pagbabanta ni kuya Daron na ikinalunok naman ni kuya ng paulit ulit.

"Pakawalan niyo na ako, ano ba?! 'Pag talaga nagkagasgas 'yang maputi kong balat, tutuhurin ko talaga 'yang kinabukasan niyo."

Hindi ko alam pero bigla akong nabuhayan ng marinig ko ang boses na 'yon. I'm really really sure that it's babysitter Katria.

"Si babysitter Katria 'yon. Tara puntahan natin." Agad naman sila sumunod sa'kin ng mauna akong naglakad sa kanila. Hindi pa namin masyadong maaninag lahat dahil hindi pa kami masyadong malapit sa poste kung saan nakatayo ang ilaw.

"Pwede ba miss, tumahimik ka. Kapag kami nairita sa'yo papatayin ka namin."

Agad napakunot ang noo ko nang marinig ang boses ng isang lalaki. Anong nagyayari? Hinoholdap ba si babysitter Kat? Eh wala namang dala pera 'yon eh. Pwera na lang kung...

"Nadatnan siya ng mga tambay sa kanto. Mukhang mapapaaway tayo neto," mahinang tugon ni Kuya Shael habang naglalakad kami papalapit sa kanila.

Mas naaninag na namin ngayon ang limang bulto ng mga lalake na pilit hinihila si babysitter Kat na nagpupumiglas sa kanila.

"Shit. Masisira na naman ang mukha ko. Bwisitt na babae talaga 'yan oh," mura naman ni Kuya Cohen sa gilid ko.

"Diba pwedeng pabayaan na lang natin siya diyan?" biglang tanong naman ni kuya Raizer.

"Hindi pwede kuya," mabilis kong sagot.

"Be alert. Maybe they have weapons or something," pagpapaalala naman ni Kuya Daron kaya tumango kami at tuluyan nang lumapit sa kanila.

"ANO BA! Sabing bitawan niyo 'ko eh!."

"Narinig niyo naman ang sinabi ng babae, dude. Bitawan niyo siya." cool na sambit ni Kuya Shael.

Napatingin sa'min yong limang lalake and so babysitter Katria. Bakas ang gulat sa mukha niya ng makita niya kami. I just gave her a little smile.

"N-Nandito----"

"At bakit namin kayo susundin? 'Wag kayong makialam dito kung ayaw niyong masaktan," sagot naman nung sigang nakahawak sa kabilang braso ni babysitter Kat.

Takte! Ang laki ng katawan mga dude. Parang gusto ko tuloy umatras, kase baka 'pag sinabi ko 'yon sumunod agad si kuya Cohen. Ayaw pa naman niyang masira ang gwapo niyang mukha. Pero hindi pwede, baka pagsamantalahan ng mga 'to si babysitter Kat.

Bahala na. Si kuya Daron na lang ang itatapat namin sa isang 'yan.

"Ibigay niyo na sa'min 'yang panget na babaeng 'yan mga dude. Ayoko pa namang madumihan 'tong makinis kong kamao dahil lang sa mga walang ligong katulad niyo."

Parang nainis naman sila dahil sa sinabi ni Kuya Cohen kaya marahas nilang binitiwan si babysitter Kat sa tabi. Wala eh. Mayabang si kuya kaya ayan, may action movie talagang magaganap ngayon.

"Ang yabang mo ah. Sige, kapag natalo niyo kami sa inyo na 'yang babae. Pero kapag natalo namin kayo, sa'min na ang babae at babayaran niyo kami ng 50,000 isa isa."

Anak ng----Nakakalugi naman ang isang 'to. Mukhang pera. Kulang na lang pirmahan ng presidente ang noo niya at pwede nang gamiting pambili. Tsk.

"Tao kami dude, hindi bangko. Kung gusto niyong humingi ng pera 'wag sa'min."

Syempre, kung may yabangan meron ding pilosopohan. Asahan niyo narin na si Kuya Raizer ang sumagot sa kanila.

"Aba! Eh ang yayaman niyo nga tapos 50,000 lang hindi niyo maibigay. Ang kuripot niyo rin naman 'no."

"Eh kase dude, hindi naman namin alam na may kidnappan pa lang magaganap kaya hindi kami nagdala ng pera. Hayaan niyo sa susunod, magdadala kami ng milyon milyon." pang-uuto ko naman sa kanila.

"Magkasubukan na lang tayo. 'Wag na natin 'tong patagalin pa. Simulan na natin," utos ng malaking tao na nasa gitna, sa tingin ko siya ang leader nila.

Pumwesto nalang din kami kaya magkaharap na kaming lahat ngayon. Mabuti na lang at walang masyadong mga sasakyan ang dumadaan kundi masasagasaan talaga kami. Nasa may gitna ako syempre, ako 'yong bunso eh kaya ako ang nasa sentro.

"Hindi ba pwedeng itigil niyo na 'yan?" Napatingon kaming lahat nang sumigaw si babysitter Kat.

"Kung ititigil namin 'to, kukunin ka ng mga panget na 'yan. Gusto mo ba 'yon? Pasalamat ka nga't pumayag pa kaming makipaglaban para lang makuha ka eh. Tsk," sagot naman ni kuya Cohen sa kanya.

"Hayaan mo na kami babysitter Kat. Hindi naman nakakamatay 'tong gagawin namin eh," nakangiti kong saad.

Nagdadalawang isip pa siya kung ano ang sasabihin niya pero sa huli ay nanahimik nalang siya. Ngayon, tingnan natin kung kaninong grupo ang mananalo. Pustahan wala pang sampung minuto, tulog na ang mga 'to.

Nauna silang sumugod sa'min kaya humanda na kami para lumaban sa susunod nilang atake. Hindi ko na alam kung ano bang nangyayari kina kuya kase busy ako sa pakikipagsuntukan dito sa napaka-payat na kalaban ko.

Sa tingin ko siya yung pinakabunso sa kanila kase siya lang naman ang may maliit na katawan. Mas mabuti na nga ring siya yung naging katapat ko kesa do'n sa mga kasama niyang malalaki ang katawan. Kaya na 'yon ng mga kuya ko.

"Hoy! Ba't ba palagi mong iniiwasan ang mga suntok ko sa'yo? Lumaban ka nga. Naduduwag ka siguro 'no?!" maangas niyang tanong sa'kin.

Nagpapatawa ba siya? Eh ang liit nga ng katawan niya tapos gusto niyang labanan ko pa siya. Pasalamat nga siya't may natitira pa akong bait sa katawan at todo iwas lang ako sa atake niya.

"'Wag na. May awa pa naman ako sa'yo," nang aasar kong sagot.

Mukhang nainis naman siya sa sinabi ko dahil may nilakasan niya pa ang pagsipa at pagsuntok sa'kin kaya mabilis rin akong umiwas. Hindi pa ba 'to kumain? Wala kase siyang ka-energy energy eh. Ang hina kumilos.

"Iniinsulto mo ata ako bata. 'Pag sinabi kong lumaban ka, lumaban ka."

At dahil masunurin akong bata eh sinunod ko yung sinabi niya. Nakakarindi narin kase yung boses niya, parang naipit na daga. Laitero na rin ba ako katulad ni Kuya Cohen? Ah basta. Nagsasabi lang ako ng totoo.

"A-Aray..T-Tama n-na..S-Suko n-nako."

Tumigil naman na ako ng mamilipit na siya sa sakit. Nag-aaral kaya akong mag-taekwondo kaya 'yong ginamit kong atake ay yung pangpasakit lang ng katawan. Sinigurado ko namang walang nabaling buto sa kanya okay lang.

"Ano ba yan?! Ba't ang tagal niyong matapos Akken? Hindi ka na ba marunong mag-taekwondo?" inis na bungad sa'kin ni Kuya Cohen ng lumapit ako sa puwesto namin kanina.

Hast..'Di man lang ako pinagpawisan...

"Syempre naman hindi kuya. Binigyan ko lang siya ng time para umatake. Kawawa naman kung patulugin ko agad, diba?"

Sa limang nakaaway namin, 'yong nakaaway ko lang 'yong gising pa. Pinatulog kase ng mga brutal kong kuya 'yong apat kaya ayun, wala na silang nagawa nung kunin namin si babysitter Katria.

"Sa susunod, kilalanin niyo muna 'yong kinakalaban niyo." Nanginginig naman yung payat na nakaaway ko ng marinig niya ang napakalamig na boses ng kuya Daron.

"O-Opo..S-Sorry p-po.." nauutal nitong sagot habang nakaupo kasama yung mga kasama niyang tulog. Gigising na naman 'yon maya maya kaya dapat umalis na kami.

"Oh? Ano pang hinihintay mo dyan? Taon? Gusto mo bang maglakad pauwi sa mansion?" pamimilosopong tanong ni Kuya Raizer kay babysitter Kat na nakacross arms.

"Okay lang naman sa'kin na maglakad. Walang problema 'yon basta samahan niyo 'ko. Hindi ko pa kabisado ang daan papunta sa mansion niyo," kalmadong sagot niya naman kaya kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan na matawa sa reaksiyon ni kuya Raizer.

"May gana ka pang sumagot sagot d'yan. Eh kung pumasok ka na lang dyan sa kotse para matapos na. Pagod kami panget kaya kung ayaw mong kumulo ulit ang dugo ko----."

"Nye nye nye. Whatever," panggagaya ni babysitter Kat kay Kuya Cohen at padabog na sunakay sa likod katabi ni kuya Daron na wala man lang reaksiyon.

"Ano baby? Okay ka lang? Wala bang masakit sa'yo? Hindi kaba sinaktan ng mga 'yon?" sunod-sunod na tanong ni Kuya Shael sa kanya.

Alam naman ni babysitter Kat na nagbibiro lang si kuya pero hindi niya pa rin mapigilang umirap. Hindi pa siya sumasagot pero feel ko, matatawa ako sa sagot niya. Haha.

"Okay lang ako babaero. Hindi mo na kailangan mag alala. Buo pa naman ang parte ng katawan ko," mataray niyang sagot.

Sabi ko na nga ba eh. Kahit ano pang gawin niyang si kuya hindi siya papatulan ni babysitter Kat. Pwera lang siguro kung tumagal talaga siya sa mansion, baka sakaling mahulog siya kay kuya. Haha. Ang panget tingnan. Joke.

"Can you just shut up your stupid mouth? Engot."

Napatingin kami kay Kuya Daron ng magsalita siya. Lalo na no'ng tinawag niyang engot si babysitter Kate. Feeling ko tuloy may sasabog dito sa loob ng kotse. Ang init.

"Anong sinabi mo ha? Kupal?." nakataas kilang na tanong ni babysitter Kat kaya napatingin sa kanya si kuya.

"Did you just call me 'kupal'?."

"Oh bakit?! Aangal ka? No'ng tinawag mo ba 'kong engot, umangal ba ako?"

"Did I just say something?"

"Wala naman. Mabuti nang nagkakaliwanagan tayo."

"We're not close. How could you say that we're getting clear."

"Porket ba sinabi kong nagkakamabutihan, close agad?"

"Oh, just shut up. Engot."

"Tumahimik ka ring kupal ka."

Ako lang ba? O talagang nag aaway talaga sila? Kailan pa sila nagkasagutan ng ganito ka haba? Maasar nga.

"Uy tama na 'yan. Baka magkatuluyan kayo niyan." biro ko.

"SHUT UP AKKEN!" they shout in unison.

Mukhang pinagsisisihan kong sumingit pa ako sa away nila. Kapwa maiinit ang dugot nila eh. Wrong timing ata ang pang aasar ko. Di bale, may next time pa naman.



KATE CHANDRIA'S POV

Nang makauwi kami sa mansion ay nauna na akong pumasok kesa sa kanila. Hayst. Salamat sa diyos at nakauwi narin. Hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa kanila sa pagligtas sa'kin. Ah, mamaya na lang siguro pagtulog ko.

Napahawak ako sa tiyan ko ng kumalam ito. Syet na malagkit. Wala pa pala akong hapunan. Bwisit naman oh! Kailangan ko pa tuloy magluto para kumain. Pero teka? Kumain na ba ang limang timawa na 'to? Baka nagtake-out sila kanina para sa hapunan nila since hindi ako nakapagluto. Pero wala namang masama kung tanungin ko sila diba?

"Hoy! Kumain naba kayo?"

Napatingin silang lahat sa'kin. Si Akken napakamot sa batok niya habang si Shael ay napaiwas ng tingin. 'Yong tatlo naman, ewan ko. Hindi ko mabasa ang reaksiyon nila.

"Ah...Hindi pa kase kami kumakain ng dinner. Snacks lang 'yong kinain namin bago kami lumabas para hanapin ka," sagot naman ni Akken.

Bilib din ako sa batang 'to eh. Hindi pala-english kagaya ng mga Kuya niya. Siguro madali kaming magkakasundo neto. Pero ano nga kamo? Hindi pa sila kumakain ng hapunan?? Jusko! Alas otso y medya na!

"Hala! Eh kanina pa 'yon ah. E 'di kanina pa kayo gutom?! Naman oh!" Napasapo ako sa noo ko dahil sa naisip kong baka sumakit 'yong tiyan nila o baka himatayin sila.

Hindi naman sa OA ako pero hindi niyo naman talaga ako masisisi kung 'yon ang biglang pumasok na ideya sa utak ko. Haler! Mayayaman kaya ang mga alaga ko tapos hindi pa sanay na malipasan ng gutom. Ano na lang gagawin ko?

"Sumunod kayo sa'kin. Ipagluluto ko kayo ng hapunan." Akmang tatalikod sana ako ng biglang magsalita si Cohen.

"Kung gulay lang rin naman ang lulutuin mo, matutulog na lang ako." mayabang nitong sabi.

Abat! May gana pa siyang mamili ng pagkain kahit gutom na ang mga bulate sa tiyan niya. Sakit sa ulo naman ang isang 'to.

"Oo nga baby. Pwede bang iba muna ang lutuin mo, kahit ngayon lang. Ayaw kase talaga naming kumain ng gulay eh. Wala pa kaming maayos na kain simula umaga."

At ngayon ako na naman ang sisisihin nitong si Shael. Langya! Kung hindi lang talaga nila ako sinagip ngayong araw na 'to, hindi ko pagbibigyan ang mga timawang 'to.

"Oh sige na, sige na. Pasalamat kayo at sinagip niyo 'ko ngayong araw kaya susundin ko yung gusto niyo kahit na may kasalanan kayo sa'kin," sambit ko.

Lumiwanag naman ang mukha ni Akken at Shael habang 'yong tatlo ganoon parin ang reaksiyon. Ewan ko sa mga 'yan, mukhang walang pakiramdam. Pero sa huli sumunod naman sila sa'kin papuntang kusina.

"Bilisan mong magluto panget. Nagugutom na kami," utos ng napakagwapong santo na nasa harap ko.

Kasalukuyan ko kaseng hinahanda ang mga sangkap ng lulutuin kong beef steak, tinolang manok, at adobo.

"Wow! Ikaw kaya magluto dito zer tapos ikaw 'yong madaliin ko, okay lang sayo?" nakataas kilay kong sagot na ikinairap niya.

Tse! Kala mo naman ikina gwapo niya nag pag irap niya. Ulol. Nagmumukha lang siyang bakla.

"Ano ba 'yan babysitter Kat? Ba't nilagyan mo ng kulay green na halaman? Makakain ba 'yun?"

Konting konti na lang at ihahampas ko na sa mukha ni Akken 'tong hawak kong sandok. Eh kanina pa siya sunod nang sunod sa'kin habang nagluluto ako. Okay lang sana kung titingnan niya lang kung anong gagawin ko kaso tanong siya ng tanong. Nakakairita.

"Sibuyas dahon ang tawag dito Akken. At saka malamang makakain 'to. Sa tingin mo balak kong lasunin kayo?" Binuksan ko ang takip ng kaldero at kumuha ng sandok para tikman kung anong lasa."Tabi nga, baka mapaso ka." Tumabi naman siya pero dumungaw sa kumukulong tinola ng tikman ko iyon ng konti.

"Anong lasa babysitter Kat? Patikim nga."

Aagawin niya na sana yung sandok pero inilayo ko sa kanya. Baka mapaso pa ang makulit na 'to.

"Ako na. Baka ubusin mo." Nagsandok ako ng konti at hinipan para hindi siya mapaso. Mukha pa namang tanga ang isang 'to kase halatang gutom na.

"Ano, okay ba?" tanong ko pagkatapos niyang tikman ang luto ko.

"Oo. Ang sarap, sobra. Patikim nga ulit."

"Hoy! Hoy! 'Wag mong ubusin. Tirhan mo naman ang mga kapatid mong nagmumukha nang pating na kakain ng tao."

Ramdam ko ang sama ng tingin sa'kin ng tatlo habang 'yong isa naman ay pachil chill lang at sigurado akong si Shael 'yon. Binalewala ko lang sila at hinain na 'yong mga luto ko. Si Akken ang tumabi sa'kin sa kabilang gilid naman ay si Shael. Etong dalawang 'to lang naman ang naglalakas loob na tabihan ako.

"Ayos!! Gutom na ak----"

"Hep! Hep! Hep! Ibalik mo muna 'yan Shael."

"Bakit naman? Kanina pa'ko gutom eh. Mamaya na 'yang sasabihin mo."

"Anong mamaya na? Iba rin 'yong mamaya. Ibalik niyo muna 'yang kinuha niyo. Tokwa! Magdadasal muna tayo bago kumain. Ano ba kayo?!"

Nakakaloka. Kakain sila agad na hindi man lang nagdadasal. Mga walanghiya rin ang mga 'to, eh 'no.

" ?We're so hungry. And also, we don't do prayers," walang ganang saad ni Raizer.

Napataas ang isang kilay ko hanggang rooftop ng mansion. Anong hindi sila nagdadasal? Nagpapatawa ba sila?

"Ano? Hindi. Magdadasal muna tayo bago kumain. Aangal hindi makakakain." Tinabig ko ang mga kamay nilang nakahawak sa plato.

"Bakit? Ikaw ba bumili ng mga pagkain 'to? Hindi diba? Kaya kakain kami kung gusto namin," saad naman ni Raizer.

"Wala naman akong sinabing ako ang bumili. At saka, ako parin ang nagluto 'no. Pero kahit na, dapat magdasal parin tayo bago kumain."

Ang simple simple lang ng pagdadasal hindi pa magawa. Ganito ba kahirap sa kanila ang gawin 'yon. Juicemother!

"Ano ba panget? Nagugutom na kami oh. Hindi ba pwedeng bukas na lang tayo magdasal?" Tinaasan ko ng kilay si Colt.

"Oh sige tapos bukas narin kayo kumain." Akmang liligpitin ko 'yong mga plato nila ng bigla silang sumigaw.

"OO NA. MAGDADASAL NA."

Magdadasal rin pala pinapatagal pa.

Nagsimula na kaming magdasal at syempre ako 'yong leader. Sanay naman na ako kase do'n sa bahay namin sa probinsiya, ako 'yong palaging nangunguna kapag oras na ng kain. Hindi nga alam ng limang timawa kung pa'no magdasal pero sabi ko sa kanila eh 'repeat after me' na lang.

"In the name of the father, the son, and the holy spirit. Amen," page-end ko sa prayer namin kaya wala pang isang segundo ay nilantakan agad nila 'yong pagkain sa harap.

Napailing na lang ako. Nagw-wild na siguro 'yong mga dragon sa tiyan nila. Agad rin ako kumuha ng adobo at beef steak tsaka nagsimula nang kumain.

"Gwabe ang shalap mo pwalang maglwuto babyswitter Katweya." Nakapakunot ang noo ko at pinitik ang noo ni Akkiro kaya napa 'aww' siya.

"Mamaya ka na magsalita. Puno pa 'yang bibig mo oh. Konting respeto naman sa pagkain Akkiro Renz."

Tumayo na ako at niligpit 'yong pinagkainan ko nang matapos na akong kumain. Patapos na rin naman sila kaya sumandal muna ako sa sink at pinagmasdan silang kumain. Masaya rin pala tingnan kapag sama sama silang kumakain. Kaso nga lang, baka ngayon lang 'to. Duh. Gulay na kaya ang lulutuin ko para sa kanila bukas.

"Oh tapos na kami. Maghugas kana."

Napairap ako at kinuha ang mga pinagkainan nila. Alam ko namang babysitter nila ako at alam ko ang trabaho ko kaya hindi na kailangan pang ipaalala sa'kin ang susunod kong gagawin. Nakakainis talaga ang mayabang na 'to. Eh kung siya kaya 'yong pahugasin ko dito.

"Alam ko po ang gagawin ko master Colt Henry. May utak din naman po ako." Sinadya kong maging sarcastic ang tono ng pananalita ko ng sa gano'n ay magets niya.

"May utak ka pala? Sa'n banda?" pang-aasar niya pa.

Pigilan niyo ko! Nangangati na ang mga kamay kong ihampas 'tong mga pinggang hawak ko sa napakayabang na kaharap ko. Argh.

"Malamang sa ulo. Alangan naman sa pwet diba? Ikaw ata 'tong walang utak sa'ting dalawa eh."

At dahil mas magaling ako sumagot at maganda rin ako. Nainis ang lolo niyong mayabang. Akala niya ata maiisahan niya ang nag-iisang kyut na katulad ko.

"Oh, awat na. Cohen naman, 'wag mo namang awayin ang baby ko. Baka umiyak siya."

Okay na sana ang lahat kung hindi sumingit ang nag iisang babaero sa kanila. Bwisitt. And'yan na naman 'yang 'baby' niyang callsign. Kainis!

"Baka gusto mong ikaw ang paiyakin ko, ha? Shawn Axcel," pagbabanta ko na agad niya namang inilingan.

"Ano ba kayo! Chill lang okay? Maghuhugas pa si babysitter Kat kaya hayaan na muna natin siya dito. Sa living room na lang muna tayo."

Salamat naman at may mabait kahit isa sa kanila at iyon ay si Akkiro Renz. Nagtataka nga ako sa sarili ko dahil panay ang tawag ko sa kanila ng first at second name nila. Wala lang, trip ko lang. Bakit ba?

Nakahinga naman ako ng maluwag nang nagsilabasan na sila. Sa wakas, makakapaghugas narin. At pagkatapos nito, makakapagpahinga na ako.

Nang matapos akong maghugas ay pinunasan ko muna ang kamay ko gamit ang towel na isinabit sa gilid ng sink. At ng matapos ko nang linisin 'tong kusina ay napagpasyahan kong puntahan na sila sa living room. Nakita ko silang nanonood ng isang action movie sa flat screen TV nila.

OMG! Action movies! Favorite ko rin 'yan.

"Oh? Anong ginagawa mo rito? Sinabi ba naming pumunta ka rito pagkatapos mong manghugas?" masungit na bungad sa'kin ng hari ng pilosopo.

Hindi ko pinansin si Raizer dahil baka mag away na naman kami. Wala ako sa mood makipag away sa kanya dahil busy ako sa panonood ng pinapanood nila. Ewan ko kung anong title.

"Uy Akken. Anong title niyan?" tanong ko habang nakatuon parin ang atensyon sa pinapanood.

"Fast And Furious. Seems like your interesting babysitter Kat." Kahit na hindi ko siya tingnan ay alam kong nakangiti siya.

"Bakit? Hindi ba pwede?" Nakatuon parin ang atensyon ko sa pinapanood namin.

"Hindi naman. Kuya Cohen said that your watching a romantic kdrama earlier."

Dahil sa sinabi ni Akken ay napalingon ako kay Cohen na masama ang tingin sa kapatid niya at nang mapansing niyang nakatingin rin pala ako sa kanya at inirapan niya ako. Atittude lang ang peg?

"Romantic dramas and action movies are my favorites. Ba't ba?!" nakakunot noo kong sambit.

Ay. Ba't gano'n? Tapos na kaagad 'yong movie? Akala ko pa naman magtatagal sa panonood. Ang ganda pa naman. Hindi ko nga rin masyadong naintindihan kase panay ang daldal sa'kin nitong si Akkiro. Sobrang kulit.

Napatingin naman sila sa'kin ng bigla akong tumayo.

"Tumayo na kayo. Matutulog na," sabi ko sa kanila.

"What? It's too early baby, let's watch another movie."

Sinamaan ko ng tingin si Shael at pinameywangan."Alas nyebe y medya na Shael tapos sasabihin mong maaga pa? Try mong lumabas tapos tingnan mo kung may araw ba at kapag wala, sa cr ka matutulog ngayong gabi," sermon ko sa kanya.

"Ang lakas naman ng loob mong gawin 'yon. Baka nakakalimutan mo, babysitter lang ang role mo dito. Kung makaasta kala mo may ambag dito. Tsk," inis na saad ni Cohen at binangga ang balikat ko kaya malapit akong matumba.

Ang lakas niya kaya. Nag-ggym ata 'yon tuwing umaga. Pero infairness, tumagos 'yong sinabi niya sa'kin. Mukhang tama naman siya, baka lumagpas ako sa boarding line.

"Pagpasensyahan mona si kuya ah. Ganun talaga 'yon." Ngumiti lang ako at tumango sa inasta ni Akken sa'kin.

Sinadya niya talagang magpahuli na umakyat sa kwarto para makahingi ng pasensya sa ginawa ng Kuya niya sa'kin. Mabait talaga siyang bata.

"Sige, okay lang. Wala lang naman sa'kin 'yon. Matulog kana, lilinisin ko na muna 'tong mga kalat." Tinapik ko siya sa balikat kaya tumango siya at umakyat na.

Ako naman ay binilisan ang paglilinis ng kalat bago pumasok sa sarili kong kwarto. Pagkapasok ko, pumunta agad ako sa balkonahe ng kwarto ko at inamoy saglit ang malamig na hangin bago pumasok at sinara ang sliding door at tinakpan ng kurtina.

Nagshower muna ako saglit at nagtoothbrush bago humiga sa kama ko. Hayst. Ang daming nangyari ngayong araw. Putragis! Pangalawang araw ko pa lang nawala na ako sa mall at muntik na makidnapp ng mga lalake sa kanto. Pero swerte rin kase nameet ko si Ivan.

Ay, oo nga pala. May facebook ba siya? Shunga! Nakalimutan kong tanungin siya kanina. Aish. Wala rin pala akong oras no'n kase hinahanap ko pa 'yong limang timawa. Pero okay lang din. Sabi niya naman na magkikita daw kami sa susunod.

Kase destiny daw kami... Ayiiee... Pangalawang araw ko pa lang pero may crush agad ako. Sa sobrang gwapo at cute niya ba naman. Kaso baka may girlfriend na 'yon. Ouch. Charot. Sa kakaisip ko sa cute kong stalker ay nakatulog na ang maganda at kyut na si ako. Magt-travel na ang lola niyo papuntang Mars. Haha. May libreng ticket daw papunta do'n. Lol.

------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro