Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49 - Reminiscing

KATE CHANDRIA'S POV

Binalik ko ang librong hiniram ko sa library nung nakaraang araw. Malapit na akong matapos sa lahat ng requirements na na-miss ko. Konting tiis nalang at makakahinga narin ako sa lahat ng mga schoolworks ko. Napatingin ako sa relo ko at nagulat ng makitang 9:10 na at ilang minuto nalang ay magsisimula na ang next subject ko. Dali dali kong inubos ang tubig na iniinom ko at agad tumakbo papunta sa elevator. Punyemas! Hindi ako pwedeng tumakbo sa hagdanan dahil kakatapos ko lang kumain. Baka sumakit ang tiyan ko dahil hindi pa nad-digest yung kinakain ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok ako sa elevator at walang tao. Sasara na sana 'yun kaso may kamay na humarang at pagtingin ko ay si Aika lang pala kasama si Aira. Akala ko ba nauna na sila dun sa room, nagpaalam na sila sa'kin kanina ah.

" Ba't nandito pa kayo? Diba nauna na kayo sa'kin kanina?." tanong ko sa kanila.

Napakamot naman si Aika sa batok niya." Ah, may pinuntahan pa kase kami eh. Akala nga din namin nauna kana sa'min, diba pumunta ka pang library?."

Tumango naman ako." May binalik lang naman akong libro at bumili ng tubig dun sa cafeteria. Kayo, sa'n kayo galing?."

" Ah.... k-kase dun... sa ano.... pumunta kaming auditorium. Oo tama, dun. I have something to tell to Derrick and I brought twinny with me." Ngumiti ng pilit si Aira kaya napangiwi lang ako. Ba't kailangan niya pang mautal.

Napailing nalang ako hanggang sa makalabas kami ng elevator. Naalala kong anong oras na pala kaya nagmamadali kaming tumakbo at hindi pinansin yung mga estudyanteng nasa classroom nila na napapatingin sa'min. Napapakapit pa nga yung dalawa sa'kin dahil takot daw silang mapagalitan ni Mr. Rivera kase nga late na kami ng 4 minutes.

" Katria, ikaw nang mauna. Tutal mas matapang ka naman at matalino, ikaw nang sumagot kay sir kung bakit nalate tayo." Pinagtutulakan ako ni Aika hanggang sa makatapat kami sa pinto ng classroom.

Napalingon sa'min si prof at binaba ang suot niyang salamin para makita kami. Muntik pa akong matawa dahil naalala kong kalbo pala siya. Tahimik lang ang mga kaklase naming palipat-lipat ng tingin sa'min. Napalunok tulot ako dahil ako pala yung mage-explain pati sa side ng dalawa.

" MS. LYNTHERIA, GALLA TWINS! WHY ARE YOU LATE?!." Dumadagundong sa lahat ng sulok ng classroom ang boses ni prof. Mukhang galit na talaga siya, ayaw niya kase sa mga late.

" Sorry sir, we won't do it again." Nagbow pa ako ng konti para ipakita na humihingi talaga kami ng despensa sa pagkalate namin.

" Fine, go to your seat. You'll have a punishment later."

Napanguso nalang kami at agad na dumeretso sa upuan namin. Like duh. And terror niya naman masyado, parang 4 minutes lang naman eh. Tsk. Nakinig nalang kami sa discussion niya at kahit na parang inaantok ako. Ang tagal ko kaseng nakatulog kagabi dahil nga marami akong ginawa kaya eto, parang mahuhulog na yung mga mata ko. Ewan ko pero bigla nalang may sumagi sa isip ko at parang tumaas lahat ng balahibo ko. It feels something.... w-weird.

" We'll just see each other later. Bye." Kumaway sa'kin si Aira at ngumiti naman si Aika bago sila nawala sa paningin ko.

Kakatapos lang kase naming linisin yung office ni Mr. Rivera dahil 'yun ang naging punishment namin. Nakakapagod nga eh, sobra. Nagvibrate bigla yung phone ko at nakita ko ang text ni Vera, magkita raw kami sa cafe dahil vacant nila. Agad naman ako tumayo sa bench na inuupuan ko at nilagay sa balikat ko ang bag ko. Nagugutom narin ako dahil wala namang pa-snacks yung pinagawa sa'min ni prof kase nga, punishment diba?!

" Aray!."

Nagulat ako ng makabangga ako ng babae kaya agad ko siyang tinulungan. Pagtingin ko naman sa kanya ay nanlaki ang mata ko ng mapagtantong si Cheska pala 'yun. Pinulot ko ang mga dala niyang papel na nagkalat sa lupa at agad 'yun na binigay sa kanya.

" Sorry talaga, hindi ko sinasadya." sambit ko pagkabigay ko ng mga papel sa kanya.

" Ah no, it's okay." Ngumiti siya sa'kin kaya napatitig ako saglit sa kanya. P-Parang nagkita na kami dati.... s-sa kung saan.

'I'm Cheska. Mary Cheska De Guzman'

Bigla akong napahawak sa ulo ko ng bigla itong kumirot kaya humigpit ang pagkakahawak ko sa buhok ko. Agad naman akong hinawakan ni Cheska kaya napadilat ako at binaba ang kamay ko.

" Are you okay?." tanong niya sa'kin ng may bahid na pag-aalala.

" A-Ah oo.... okay lang ako. May balak ka palang magtransfer ng kurso." pag-iiba ko ng topic. Nakita ko kase sa mga papel na dala niya ang requirements of transferring.

Ngumiti naman siya at tumango."Yeah. I don't really like businesses topics because I'm not into that. Hindi kase alam ni daddy na kumuha ako ng BSBA course ng pumunta ako dito kase kinuha ko lang naman 'yun para mapalapit kay Daron. But he knew already that's why I'm swapping my course into Hospitality Management. I'm dreaming of being a doctor someday."

" Goodluck. You can pass it, I'm counting on you." saad ko at ngumiti sa kanya.

" Thank you. Sure kana ba talagang okay ka?." paninigurado niya pa na ikinatango ko.

Nang makarating ako sa cafe na pagkikitaan namin ni Vera ay tulala lang ako. Naiisip ko parin kase yung mga nangyari kanina. Iba kase ang pakiramdam ko eh, parang may mali. Napabalik lang ako sa sarili ko ng bigla akong tapikin ni Vera kaya napaayos ako ng upo.

" Bakit ba ang tagal mo?! Ilang minuto na akong naghihintay dito tapos ngayon ka lang sumipot. Akala ko ba vacant ka rin, nagsisinungaling ka ata." Kumunot ang noo niya at binigay sa'kin ang chocolate chip frappe na inorder niya para sa'kin.

" Nagkabanggaan kase kami ni Cheska at nagkausap sandali." Parang wala ako sa sarili na iniikot yung straw sa loob ng cup.

" Oh, eh anong nangyari?! Bakit ganyan ka kung umasta, para kang sira." Umirap siya kaya napabuntong hininga ako.

" Kanina kase, nalate kami nung kambal sa second subject namin kaya ayun napagalitan kami ni Mr. Rivera at binigyan ng parusa. Pero iba yung feeling ko eh, parang.... p-parang nangyari na. H-Hindi ko alam." Napahilamos lang ako at sinipsip yung frappe ko. Nauuhaw kase talaga ako at parang kinakabahan.

" Baka naman nagkataon lang, alam mo na. Pero naalala kong nakwento mona rin sa'kin 'yan noon. Parang first day of school ata nang mangyari ang ganyan sa inyo at kayo parin yung magkasama. Coincidence ata 'yan." Nakibit balikat lang siya at inalok ako ng cake na agad ko namang tinanggap.

Pwede ba 'yun?! Na mangyari ulit yung mga nangyari noon? O baka senyales lang talaga 'to na kailangan ko nang maalala ang lahat. Ngayon na ba ang tamang oras para dito? P-Pero hindi pa ako handa sa magiging kalalabasan. Kung kaya ko bang tanggapin ang lahat lahat sa oras na bumalik na ako sa dati?

" Ano namang ibig sabihin nung kay Cheska? May bigla kase akong naalala eh kaso boses lang at parang pamilyar din sa'kin. Bigla nalang din sumakit ang ulo ko ng maalala ko 'yun. Sa tingin ko parte rin 'yun ng nawalang alaala ko." sabi ko habang nakatulala lang at malalim ang iniisip.

" Hindi lahat pwedeng maitago habang-buhay, Katria. Walang sekretong hindi naibubunyag, ika nga ng iba. Baka ito na ang tamang oras para malaman mo ang lahat. Kahit naman tumanggi ka, wala ka paring magagawa. Hindi mo matatakasan ang katotohanan, tandaan mo 'yan. Ang mga alaalang nawala sa'yo ay parte na ng buhay mo at kapag hindi mo iyon naalala, hindi na buo ang pagkatao mo. Subukan mong harapin ang lahat Kat, hindi ka naman nag-iisa eh. Nandito kaming lahat para sa'yo, hindi kami sumuko kahit pa pinagtabuyan mo kami at sinabihang tumigil. 'Wag mo ring kalimutan ang lalaking minsan naring nagpasaya sa'yo at minahal ka ng buong buo. Alam mona kung sino ang tinutukoy ko kaya sana pag-isipan mong mabuti ang magiging desisyon mo." mahabang sagot niya bago nagpaalam sa'king papasok na siya.

Hanggang matapos ang klase ay tumatak parin sa isipan ko ang mga sinabi ni Vera. Tama siya, walang mali sa mga sinabi niya. Pero ang tanong ay, kaya ko ba? Paano ko sisimulan na alalahanin ang lahat? Gusto kong ako mismo ang makaalala ng walang tumutulong sa'king iba. Buhay ko 'to at dapat ako lang ang gumawa ng bagay na 'to mag-isa. Hindi sila dapat madamay sa problema kong 'to dahil malaki na ang naitulong nila sa'kin at ayoko nang madagdagan pa. Malaki ang utang na loob ko sa kanilang lahat at sapat na 'yun para sa'kin.

" Ah! Ang init!." Napadaing ako sa hapdi ng mabuhusan ng kape ang damit ko. Sobrang init pa kaya alam kong bagong bili lang.

" Oh my gosh! Katria, I'm sorry. Shit. Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko eh. Lagot ako kay Daron nito." Parang nagp-panic si Stella at pinunasan ang damit ko. Nagmumura pa siya at halatang takot na takot talaga sa nagawa niya.

" Okay lang. Hindi rin naman ako tumitingin sa dinaraanan ko eh. Masyado kase akong lutang." Tiningnan ko ang uniform ko at basa na ito saka may mantsang damit." 'Wag mo nang punasan, okay na. Magbibihis nalang ako dahil may extra naman akong damit sa locker ko." dagdag ko pa at ngumiti sa kanya.

Agad akong nagtungo sa locker ko at nakitang isa nalang ang extrang damit na meron ako. Kulay gray 'yun at may nakasulat na letrang LOVE sa harap. Kaasar. Hindi pa naman pwedeng magsuot ng iba't ibang kulay ng damit kapag nasa loob ka ng university. Bahala na nga, kesa naman maglakad ako ng ganito ang suot kong pag-itaas eh bakat narin ang bra ko. Leche!

Pumasok na ako sa CR at sinampay muna yung tshirt na ipapalit ko sa gilid. Napatingin ako sa itsura ko sa salamin at tinanggal ang ipit ng buhok ko para makita ang tahi sa ulo ko. Kaya ako palaging nag-iipit ng buhok dahil ayokong makita itong iba kahit na hindi naman na masyadong halata. Naalala ko na naman yung nangyari kanina at napatingin sa uniform kong mukhang natuyo na ang kape. Napapikit ako ng mariin ng sumakit na naman ang ulo ko kaya mahigpit akong napahawak sa lababo. Huminga ako ng malalim, paulit-ulit lang hanggang sa medyo nahimasmasan na ako ng konti.

Bakit ba lagi nalang sumasakit ang ulo ko sa tuwing may iniisip akong mga bagay na parang gusto kong alalahanin. Minsan nahihilo pa ako at bigla nalang mawawalan ng malay. Napailing nalang ako at hinubad ang suot kong pang-itaas at ipinalit yung kinuha ko sa locker ko. Tinuck-in ko ang tshirt sa skirt ko at nilugay lang ang buhok ko, para tingnan kung okay lang ba sa'kin ang ganito. Hinawakan ko ang letrang nakasulat sa suot ko at ipinikit ang mga mata ko, nagbabakasakaling baka may maalala ako kung saan ko 'to binili.

'Wait. Bakit parehas tayo ng suot? P-Parang..... parang couple eh'

Argh. Ang sakit talaga, bwisit! Napaiyak nalang ako ng maramdaman kong parang pinipiga ang ulo ko. Paano ko maalala ang lahat kung palaging ganito ang mangyayari?! Umiinom naman ako ng gamot ah. At saka, bakit parang may kasama akong lalaki sa alaala ko? Pamilyar din ang boses niya eh.

Ngayon palang kailangan ko nang magdesisyon, kailangan kong maalala lahat kahit na ano pa ang mangyari. Hangga't hindi pa huli ang lahat gagawin ko dahil ayokong magsisi lang din sa huli. Kapag natapos ang klase ngayong araw, uuwi agad ako at pipilitin ko si Inay na sabihin ang lahat lahat. Ayokong may matira ni isa dahil gusto kong kapag humarap ulit ako sa kanila, buong buo na ako.

Pagkalabas ko sa cr ay hindi ako pumasok sa last subject ko. Baka mas lalo lang magulo ang utak ko kapag nasa loob ako ng klase. Naalala kong may sinabi pala sa'kin si Akken tungkol dun sa game nila dun sa covered court kaya napagdesisyunan kong pumunta nalang dahil wala naman akong gagawin. Nang makarating ako dun ay tunog ng hampas ng bola ang naririnig ko kaya alam ko nang nag-start na ang practice nila. Kumpleto silang lima at may kasama silang tatlong lalaki na hindi ko kilala. Basta ang naalala ko ay kasama sila ni Daron palagi.

Hindi nila ako napansin lahat dahil busy sila sa pagt-training kaya palihim akong umakyat sa mga bleachers at umupo. Sinigurado kong hindi nila ako makikita dahil nasa pinakadulo ako sobrang liit ko kung tingnan sa pwesto nila. Magaling silang lahat maglaro ng basketball, lalong lalo na si Daron. Napabuntong hininga lang ako ng mapagtantong dalawang araw niya na akong iniiwasan. Pati yung iba ay ganun rin ang ginagawa. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang din akong nalungkot at nakaramdam ng sakit. Dahil ba sa pagod na sila sa'kin kase ni katiting ay wala akong maalala tungkol sa kanila?! Wala nga din naman akong maalala tungkol sa sarili ko ah. Pero mas mabuti siguro 'yun para hindi na sila mahirapan pa.

Nang pauwi na ay nag-commute lang ako dahil alam ko naman ang daan pauwi. Hindi na ako sumakay pa kay Daron dahil nahihiya na ako kase hindi niya naman ako pinapansin, iniiwasan niya rin ako kumbaga. Nakakatawa lang isipin dahil palagi ko siyang tinataboy nung una pero ngayon hinahanap hanap kona. Masakit kase sa'kin eh, nasasaktan ako sa hindi malamang dahilan. Pero pangako ko namnag aayusin ko ang lahat sa oras na mabalik ang lahat ng alaalang nawala sa'kin.

" Inay, pwede ba tayong mag-usap?." Hinalikan ko siya sa pisngi pagka-uwi ko at lumingon sa likuran ko na tila may hinahanap." Wala siya ngayon, hindi ko siya kasama. Mukhang pagod na ata siya sa'kin kase ni pagtingin hindi niya kayang gawin. Pero okay lang din naman, kasalanan ko rin eh." Pilit akong ngumiti sa kanya at umupo sa sofa kaharap siya.

" Nagkakamali ka, anak. Hindi siya pagod sa'yo, sadyang binibigyan ka lang niya ng oras para makahinga at maalala ang lahat. Mahirap man sa kanya na layuan ka ay ginagawa niya 'yun para sa ikabubuti mo. Kahit kailan hindi siya napagod sa'yo, 'yan ang sinasabi niya sa'kin palagi." Lumipat siya ng upo sa tabi ko at niyakap ako.

" G-Gusto ko nang maalala lahat, nay." Ramdam ko ang pagkatigil niya at kumalas sa pagkakayakap sa'kin." Ayokong nahihirapan yung mga tao sa paligid ko, lalong lalo na ang taong mahal na mahal ako. Nahihirapan narin ako sa sitwasyong meron ako ngayon, parang hindi na ako makahinga sa mga pangyayari." Isang butil ng luha ang tumulo galing sa mga mata ko at sunod sunod na.

" Kaya mo na ba anak?." Napalingon naman ako sa kanya at tumango." Kung gayon ay pagmasdan mo ang kwarto mo, lahat ng mga bagay na nandun ay maraming alaala sa'yo. Kailangan ikaw mismo ang gumawa nito ng wala ang tulong ko. Kaya mo naman 'yan anak eh, kakayanin mo para sa kanila. Marami na silang naitulong para sa'yo, kahit pag-alala lang sa kanila ang maisukli mo." dagdag niya pa at hinaplos ang buhok ko.

Dahan dahan akong tumango at umakyat sa kwarto ko. Pinihit ko ang doornob bago pumasok at bumungad sa'kin ang maraming bagay na nakalagay sa iba't ibang sulok ng kwarto ko. Simula nang makauwi kami ay hindi ako tumitingin ni isa sa mga ito dahil sunasakit lang ang ulo ko kapag may naalala ako. Pero ngayon ay hindi na ako aatras pa, gagawin ko ang nararapat para sa ikabubuti ng lahat.

Agad akong dinala ng mga paa ko sa dingding na may nakadikit na maraming pictures. Mga pictures 'to ni Daron, karamihan dito ay mga stolen niya tapos yung sa kabila naman ay nakatingin na siya sa camera at nakangiti. Napako ang tingin ko sa sampung pictures na nakadikit sa baba, hinawakan ko ito at tinitigang maigi. Kami yung dalawa at nakasuot ng couple tshirt na gray kagaya ng suot ko ngayon. Napahigpit ang hawak ko rito at kasabay ng biglang pagbalik ng mga alaalang kasama ko siya. Yung kumain kami sa ice cream parlor, yung nag-arcades kami, yung nanood kami ng sine at marami pang iba.

Napaluhod ako bigla sa sahig ng bigla akong mawalan ng balanse. Parang biglang nag-flashback sa'kin ang nakaraan simula nung pumunta ako dito hanggang ngayon. Yung unang pagkikita naming lima, nung nag-aaway pa kami hanggang sa naging close ko sina Akken at Raizer. Pati narin yung unang kita namin ni Stella dun sa mansion, tapos nung first day of school, nung nabully ako sa grupo niya, lahat ng naranasan ko sa university. Kasama narin dun ang nangyari kay Itay at ang lahat ng sakit na naramdaman ko nang magkabalikan sina Daron at Cheska. Nung iniwasan ko siya para mawala ang nararamdaman ko sa kanya hanggang sa naging kami. Hindi ko aakalaing umabot lahat sa ganito.

Yung mga bagay na nangyari sa'min ay hindi ko dapat nakalimutan. Lahat ng 'yun ay kasama sa mga pinaka-importanteng alaala sa buong buhay ko. Tama si Vera, hindi ako buo kapag hindi ko 'yun naalala. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang sakit para sa'kin ang nangyari. Binalewala ko silang lahat at tinuring na parang hindi ko kilala. Kahit ilang beses nilang sinabi sa'kin na kaibigan ko sila ay hindi ako naniwala. Ang sama ko. Ang sama sama ko talaga. Ni hindi ko nga inisip ang mararamdaman nila nung sinabi ko ang mga 'yun. Alam kong sobrang nasaktan sila sa ginawa ko.

S-Si Akken..... nailigtas ko siya kahit ako ang naging kapalit. Masaya parin ako dahil okay lang siya at hindi siya nadamay sa aksidente. Pinipilit nilang maging malapit ulit sa'kin pero pinagtutulakan ko sila dahil itinatanggi kong hindi ko sila kilala. Hindi ko lubos maisip na nagawa ko ang lahat ng 'yun sa kanila. Lintik kase na amnesia 'to, akala ko ba temporary lang pero bakit tatlong linggo akong walang alam sa mga nangyayari?!

Nagising ako dahil kumakalam na ang sikmura ko kaya agad akong tumayo sa kama ko. Napatingin ako sa suot ko at ganito parin simula ng makauwi ako. Hindi pala ako nakapagbihis dahil atat akong maalala ang lahat. Suot ko parin ang uniform ko at yung tshirt na kapares ng kay Daron. S-Si Daron..... namimiss kona siya. Alam kong sobra ang hinanakit na dinadala niya ngayon. Pinaglaban niya parin ako hanggang sa makakaya niya, kahit pati siya ay hindi ko rin naalala. Gusto ko mang umiyak pero parang naiyak kona lahat kanina, namamaga natin ang mga mata ko at sinisinok narin ako kakahikbi.

Agad akong bumaba para kumain dahil parang mahihimatay ako sa gutom. Alas onse na pala ng gabi, grabe naman ang tulog ko. Kumuha lang ako ng kanin at fried egg saka spam. Nang makatapos akong kumain ay umakyat ako pabalik sa kwarto ko pero hindi na ako natulog pa ulit. Kahit kase anong pikit ko sa mata ko eh hindi ako dinadalaw ng antok. Naalala ko yung phone ko sa drawer na hindi ko pinapakialaman dahil nakalimutan ko ang password pero ngayon ay malinaw ko nang naalala. Agad ko itong kinuha at umupo sa kama ko para buksan.

Akala ko ubos na ang lahat ng luha at naiyak kona lahat pero nagkakamali ako. Nang makita ko ang lahat ng pictures namin ng mga kaibigan ko ay kusa silang nagsilabasan. Ang dami kong mga alaala kasama sila lalong lalo na yung lima. Parang ako yung nag-iisang kapatid nila sa mga pictures namin. Nang makita ko ang sumunod ay tuluyan na nga akong napahagulhol pero tinakpan ko ang bibig ko para hindi sila magising. Mahal na mahal niya talaga ako at ganun rin ako sa kanya. Pero bakit nagawa ko sa kanya ang lahat ng 'yun?! Tinupad niya yung pangako niya sa'king ipaglalaban niya ako kahit anong mangyari at hinding hindi niya ako susukuan.

" Anak, hindi ka ba papasok? Anong oras na, late kana oh."

Napaupo ako sa kama ko at ngumiti ng pilit."Hindi nalang po muna, nay. Wala akong mukhang maihaharap sa kanila dahil nagsisisi ako sa ginawa ko."

Napabuntong hininga naman siya at umupo sa tabi ko." Anak, wala kang dapat na pagsisihan. Hindi mo kasalanan ang mga nangyari dahil bunga lang 'yun ng aksidenteng nangyari. Sa totoo lang, si Akken ang pinaka-nagsisisi dahil hindi raw dapat nangyari sa'yo 'yun. Si Daron rin dahil hindi ka niya naprotektahan. Tahan na, namamaga na ang mga mata mo oh."

" Alam ko naman po 'yun eh. Kaso lang dapat naniwala ako sa kanila sa mga sinasabi nila sa'kin. Itinaboy ko sila nung mga panahong sila yung nandyan para tulungan akong maalala ang lahat. Nagsisisi ako sa ginawa ko, sobra. Nay, masakit 'yun para sa kanila eh lalo na kay Daron. Mahal na mahal ako nun pero pati siya binalewala ko." Hindi parin nahihimasmasan ang sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon pero alam kong wala lang 'to kumpara sa nararamdaman nila.

" Ssshh, tahan na. Hinding hindi nila magagawang magalit sa'yo dahil kaibigan ka nila. Para sa kanila, normal lang ang ginawa mo sa kanila dahil wala ka namang maalala. Kahit hindi ka magsorry sa kanila, malaman lang nilang naalala mo na sila ay sasaya na 'yun. Magtiwala ka sa'kin, anak." Hinahaplos ni Inay ang buhok ko kaya napayakap ako sa kanila at humikbi. Mabuti nalang at pumasok na ang mga kapatid ko kaya hindi nila ako makikitang umiyak. Iiyak din ang mga 'yun panigurado.

" Yung apat, nay? Sina Shael, Cohen, Raizer, at Akken? Hindi rin ba sila galit sa'kin dahil sa ginawa ko? Iyakin pa naman yung si Akki kaya baka nagtatampo na 'yun sa'kin." dagdag ko pa habang umiiyak parin.

" Kahit ano pang gawin mo hinding hindi sila magagalit sa'yo. Palagi ka nga nung kinakamusta sa'kin dahil hindi nila magawang lumapit sa'yo kase baka sumama ang pakiramdam mo. Nag-aalala sila sa kalagayan mo, anak." Kumalas si Inay sa pagkakayakap at hinawakan ang buong mukha ko."Kung tatanungin mo rin si Daron, hindi rin ang sagot ko. Nasasaktan lang siya pero hindi siya kailan man nagtampo o nagalit. Iniisip niya kase na wala kang kaalam-alam kaya ginagawa mo 'yun. Mahal na mahal ka niya, ikaw na nga ang nagsabi." sambit niya pa.

" Nung na ospital ba ako, nay? Nandun rin ba siya? Silang lahat?." Hindi kase naikwento ni Inay 'yun dahil hindi naman ako nagtanong. Wala kase akong pakialam nun.

Tumango naman siya." Kahit nung mga oras na naaksidente ka, yung lima ang palaging nasa tabi mo. Yung mga kaibigan mo dumadalaw rin araw araw para makita ka at malaman ang kalagayan mo. Si Daron, halos sa kwarto mona tumira para lang mabantayan ka buong magdamag."

" Ha? Hindi ba siya pumapasok, nay? Pa'no na nung mag-midterm na, hindi ba siya nagreview?!." gulat kong tanong.

" Hindi ko rin alam pero ang sabi niya naman sa'kin ay nakapasa siya. May dinadala naman siyang mga libro sa kwarto mo at doon na nagbabasa. Siya pa nga ang nakiusap sa mga guro mo para 'wag kang ibagsak dahil alam niyang babawi ka kapag nagising kana. Yung mga kaibigan mo nakisama rin kaya walang nagawa ang mga guro mo para pumayag." mahabang salaysay niya na ikinatigil ko.

G-Ginawa nila 'yun... p-para sa'kin?!

" K-Kaya pala may special reviewers at testpapers ako nung makapasok ulit ako. Sabi nung adviser ko, okay lang daw na mahuli ako dahil hindi naman 'yun problema. H-Hindi ko inaasahang gagawin nila 'yun para sa'kin." Napatakip ako sa bibig ko at pumikit, ang sakit lang.

" Ang magkakaibigan, hindi nag-iiwanan. At kapag tunay kang mahal ng isang tao, hinding hindi ka niya papabayaan kahit na sa mga panahong kinakailangan ka niya. Tandaan mo 'yan."

Ang dali niyang sumaya sa mga maliliit na bagay lalong lalo na kung ako ang dahilan nun. Para siyang patay na patay sa'kin na kahit simpleng galaw ko lang ay ikatutuwa na niya. Malaman niya lang na masaya ako, masaya rin siya. Magustuhan ko lang ang luto niya, ang laki na ng ngiti niya. Magkasama lang kami ng isang segundo, abot langit na ang tuwa niya. Magkausap lang kami kahit saglit lang, parang napuno na raw ang energy niya. At higit sa lahat, sabihin ko lang na mahal na mahal ko siya ay para na siyang hindi mapakali at paiyak na. Kaya sobrang swerte ko dahil nahanap ko ang lalaking kagaya niya, ang lalaking magpapasaya sa'kin ng sobra.

Ipinapangako ko, ibabalik ko ang lahat sa dati. Maghintay lang kayo.....


-----------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro