Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43 - When Destiny Plays

KATE CHANDRIA'S POV

Binuklat ko yung libro na hiniram ko sa library at kinuha yung notes ko para isulat dun yung mga kailangan kong i-review. Limang topics lahat ng 'yun kaya lahat ng oras ko ay ginugol ko sa pag-aaral. Kahit na lunch time konti lang ang kinakain ko dahil kailangan kong dumeretso agad dito sa library para mag-aral. Hindi na nga ako nakakauwi sa bahay dahil palagi na ako dito sa condo ko. At pagkauwi ko naman, sa study table agad ang punta ko. Minsan nga late na akong nakakakain dahil mas inuuna ko yung ang mga gawain ko.

Nung prelim kase namin, nasa pangatlo lang ako dahil nga na-late ako ng take sa dalawang subjects ko. Mabuti nga at walang minus dahil emergency yung na-lock ako sa stock room. Plano kong bumawi ngayong midterm namin kaya gusto kong pagpaguran ito. Dapat mas tumaas pa ang grades ko para mas malaki ang tyansa kong hindi matanggal sa scholar. Napatingin ako sa phone ko sa gilid ng study table ko ng bigla itong mag-vibrate. Nag-text pala sa'kin si Daron kaya agad ko itong binasa, busy rin siguro siya kaya sa text niya nalang dinaan ang gusto niyang sabihin.

From : Loveee

Hey, love. It's already 7:00, did you eat already? 'Wag kang magpapalipas ng gutom kagaya ng palaging sinasabi ko sa'yo.

To : Mylove

Agad naman akong mapangiti nang mabasa ko ang text niya. Simula ng naging kami, pinalitan kona yung pangalan niya sa contacts ko. Sobrang busy na kase naming dalawa kaya kung magkikita man kami sa university ay nasa isang oras lang o di kaya'y 30 mins. lang. Kailangan rin kase niyang i-maintain ang pagiging top 1 niya sa klase nila para maganda ang record niya hanggang sa makatapos siya. Hindi naman ako nagtatampo sa kanya dahil importante para sa'min ang pag-aaral, first priority namin 'yun. Nasa second priority namin ang pamilya namin bago ang relasyon namin. Nagkikita parin naman kami at nag-uusap minsan kaya walang problema.

From : Mylove

Nah. Mamaya nalang sigurong 9:00, love. Busy pa kase ako eh, tatapusin ko muna 'to bago ako kumain.

To : Loveee

Sinend kona sa kanya 'yun at nagpatuloy sa ginagawa ko. Hindi pa naman ako nakakapagsulat ay agad tumunong yung phone ko at pagtingin ko ay siya ang tumatawag. Hindi niya naman siguro ako papagalitan, diba?

[ You should eat at the right time, love. Remember what I told you. I'll be mad if you won't eat right now ]

Napakagat ako sa labi ko ng marinig ang naiinis niyang boses."I know, love. Pero kumain naman na ako ng snacks kani-kanina lang. Busog pa ako eh."

[ Snacks is different from dinner, love. Eat your dinner or else I'm going there to feed you ]

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya." Okay, fine. Kakain na ako ngayon din. Did you eat already? If not, then you should. Kilala mo ako kapag nagalit, love." Kahit hindi niya ako nakikita ngayon ay alam niyang nakataas nag kilay ko.

[ Hmmm. I've already eaten. Send pictures of your food before you eat. Got it, love? ]

Napanguso nalang ako." Kailangan pa ba 'yun? Aish. Sige kakain na ako para hindi kana magalit. Sleep early to gain more energy for tomorrow. I love you."

[ I'll sleep around 9:00 o'clock. I really need to finish my works, you should sleep early too. Don't stress yourself too much. I love you too ]

Sinabi niyang i-end kona daw yung tawag para makakain na raw ako kaya 'yun ang ginawa ko. Nag-take ako ng picture sa hinanda kong pagkain sa plato ko at sinend 'yun sa kanya. Luto ko 'to kaninang umaga at ininit ko lang dahil hindi ko naubos, sayang naman kung itatapon ko. Nagmamadali akong kumain para bumalik sa trabaho ko. Kinuha ko lang yung pmga importanteng detalye at sinulat 'yun sa notes ko saka hinighlight. Nilagay ko rin ang meaning para hindi ako malito at madali lang i-memorize. Hindi ko natapos lahat ng limang topic dahil 9:20 na at inaantok narin ako. Baka magalit si Daron sa'kin bukas dahil madali siyang makahalata kapag puyat ako o hindi.

" See you later, love. We'll eat lunch together. I'm going to your room right after my class, wait me there." Hinalikan niya ang noo ko bago siya tuluyang umalis kaya pumasok na agad ako sa room ko.

" Katria! Ilang topic na yung na-summarize mo? Gosh! Isa't kalahati palang yung sa'kin." bungad sa'kin ni Aika nang makaupo ako sa upuan ko.

Hinilot ko ang sintido ko bago sumagot." Tatlo lang, inantok ako kagabi kaya hindi ko natapos. At isa pa, magagalit sa'kin si Daron kapag nagpuyat ako."

" Edi ikaw na'ng may bebe. Dalawang topic pa nga lang natapos ko. Sipag mo ah." sambit naman ni Jaimie.

" Kailangan eh, gusto kong bumawi ngayong midterm. Alam niyo, gusto kong maunahan si Shin sa top. Secret lang natin 'yun ah." Nilabas ko ang notebook ko sa literature dahil may 50 items quiz kami. Hindi ako nakapag-review kagabi dahil nga mas inuna ko pa yung pang-midterm namin sa Miyerkules.

Lumingon naman si Doreen sa'min." Masipag rin 'yun si President kaya galingan mo. Pa-chill chill lang 'yan pero ang totoo marami nang laman ang utak niyan. I don't even know if I still remain on the top 7, it's so tiring."

" We can do it. Fighting!." pagpapalakas pa ni Lucy ng loob namin.

" I think we should review now, it's been 7:45 and Mrs. Dismal will be right here." singit pa ni Aira.

Pagkatapos ng tatlong subject namin ay nakahinga na kami ng maluwag. Ngayong week kase ay walang bagong topic na id-discuss at puro throwback nalang. Bukas na kase ang last day ng review namin kaya nagmamadali kaming humabol para ma-review lahat ng lessons. Palagi rin kaming may quiz kaya nakakapagod talaga, parang mapipiga yung utak mo sa kakaisip ng sagot. Yung ibang kaklase kong hindi pa naka-submit ng iba nilang projects, hindi na alam kung ano ang uunahin. Kailangan na kase 'yun i-pass bago mag-midterm at mabuti nalang tapos na ako.

" How's the review?." tanong niya sa'kin habang kumakain kami dito sa cafeteria.

" Okay naman, nakakapagod nga lang. We have so many quizzes and topics to review. It's giving me a headache. Kayo ba? Alam kong mas nakakapagod yung sa inyo dahil BSBA kayo." Napanguso ako kaya piningot niya ang ilong ko.

" Yeah. It's really hard when it comes to exams. But we should try our best to success. Don't worry, we'll going on a date right after the midterm. Is it okay?." Ginulo niya ang buhok ko kaya napatango nalang ako.

" Sige. Promise 'yan ah. I want to have a bonding with my family too. Namimiss kona rin sila kahit ilang araw lang akong hindi nakauwi." sagot ko naman at uminom ng juice. Tinapos ko agad ang kinakain ko at ganun rin siya bago kami nagpaalam sa isa't-isa.

Pagkatapos ng klase namin ay dumaan muna ako sa office ni Mrs. Salazar, yung adviser nila Daron. Hihingi lang ako ng copy sa mga ir-review nila para ibigay kay Stella, sa Miyerkules na ako makakakuha ng exams nila dahil kakagawa palang ng mga teachers ng items. Dadaan ako sa bahay niya mamaya pagkahatid ni Daron sa'kin sa condo ko. Hindi ko nga lang ipapaalam sa kanya dahil baka mag-away lang kami, galit parin kase siya kay Stella at sa boyfriend niya. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok at nakita ko siyang may binabasang folder pero nang makita niya ako ay binaba niya agad 'yun.

" It's you again, Ms. Lyntheria. Do you need something?."

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot." Can I have some copies of the reviewer on your class, maam? I just want to give it to Ms. Penelope because she couldn't take the midterm. She's 1 week suspended."

Sinenyasan niya naman akong umupo sa couch na ginawa ko naman." As what I've heard, that girl is really a brat. Even in my class, she didn't listen and participate. She's a bully too and she targeted you not just once or twice. I think she deserves what Mr. Helveryst did to her."

" I know, she didn't like me and we're not in good terms. But I want to help her, I felt pity on her when she pleaded in front of Daron because she wanted to take the midterm. Even if we always fight, I still cared for her." sincere kong sagot.

" You're a good-hearted person, Katria. And I admire you for that." May kinuha siya sa ilalim ng lamesa niya at inipon 'yun lahat."Here's the reviewers she needed, it has 4 topics in every subject. She needs to review all of it. Though, I'll give you the copy of the exams on Wednesday." dagdag niya pa.

Agad ko naman tinangggap lahat ng 'yun." Yes, maam. Sasabihan ko nalang po siya. Ibabalik ko nalang 'tong reviewer sa Miyerkules kasabay ng pagkuha ko sa exams niya. Thank you po."

" You're welcome, Kate. By the way, did you tell your boyfriend that you're going to help her?." Tukoy niya kay Daron.

Umiling naman ako." Hindi na po, magagalit lang 'yun. It's better if we won't tell him."

Tumango naman siya." Okay, I understand."

Pagkahatid sa'kin ni Daron sa condo ko ay nagpaalam na siyang aalis na. Gusto niya pa talagang mag-stay kaso marami pa raw talaga siyang gagawin. Babawi nalang daw talaga siya pagkatapos ng midterm namin. Napatawa nalang ako dahil hindi niya naman kailangan gawin 'yun. Magkausap at magkasama lang kami sa isang araw bawing-bawi na siya. Agad naman ako ng bihis ng jogger at gray t-shirt bago kinuha yung mga reviewers sa bag ko. Mabuti nalang at hindi nahalata ni Daron nung natagalan ako ng konti sa office ng adviser niya.

Pumara ako ng taxi at sinabi sa kanya yung address ng pupuntahan ko. Binigay rin kase ni maam yung address niya sa'kin para hindi na raw ako mahirapang maghanap. Bumaba ako sa harap ng bahay niya, nakasarado ang gate at parang walang tao sa loob. Pinindot ko yung doorbell mg dalawang beses at naghintay lamg saglit. Maya-maya ay biglang lumabas si Stella na nakapang-bahay at agad na binuksan yung gate.

Nagulat naman siya ng makita niya ako." Why are you here? How did you know my house?." nakataas-kilay niyang tanong sa'kin.

" Sinabi sa'kin ni Mrs. Salazar. Eto oh, reviewer mo." Agad kong nilahad sa kanya ang mga papel na binigay sa'kin ni maam.

Kumunot naman ang noo niya pero hindi niya pa iyon tinanggap."Why did she gave me reviewers? It's just nonsense, I couldn't even take the exam." Napairap naman siya.

" I get those reviewers in her office because I asked a copy on it. I talked with her so you can take the exam at home." sagot ko na ikinagulat niya.

" W-What?! How did.... Bakit mo 'to ginagawa?." Tiningnan niya ako ng nagtataka, parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Bumuntong hininga naman ako."Kase gusto kong maka-take ka ng exam, 'di ba 'yun ang gusto mo? Kaya gumawa ako ng paraan para makahabol ka. Kunin mona 'yan, babalik ako dito sa Miyerkules bago ako pumasok sa university para ibalik 'yan sa adviser mo at mapalitan ng testpapers."

" Why are doing this?! I always hate you not because you have Dale but because you're a friend of everyone. Naiinis ako kase marami kang kaibigan samantalang ako, inaayawan ng karamihan. Matalino ka rin kahit na minamaliit kita noon dahil probinsyana ka. Galit ka naman sa'kin, diba?! Then why are you still helping me?!." May tumulong luha galing sa mga mata niya at nakayukom rin ang kamao niya.

" Gaya ng sinabi ko, gusto kong maka-take ka ng exam dahil ayokong bumagsak ka. It's a big part of your grades and if you couldn't take the exam, there's a big possibility that you'll fail. Wala akong pakialam kung magkaaway man tayo o ayaw mo sa'kin basta gusto kong tulungan ka. At kung naiinis ka sa'kin dahil marami akong kaibigan at pakiramdam mo wala nang may gusto sa'yo, 'wag mong isipin 'yan. Hindi naman talaga ako gusto ng mga tao nung una palang ako dito. Many people hates me, and you're one of them. Wala pa akong kamuwang-muwang sa lugar na 'to noon kaya hindi ko alam kung paano ba mamuhay dito." Umupo ako sa semento sa labas ng gate ng bahay niya, bitbit parin yung testpapers dahil ayaw niyang tanggapin.

" Why did you come here? Wala bang ibang trabaho sa probinsya niyo?." Umupo rin siya sa tabi ko at nagpakalumbaba.

" Meron naman, konti lang. Kaso hindi rin sapat ang sahod dahil wala namang mayayaman talaga dun, kumbaga may kaya lang. Napilitan nga lang ako na lumuwas ng Manila dahil sa sakit ng Itay ko kaso wala na siya." Napayuko ako at tumulala nalang.

" What do you mean?."

" He died last month because of heart attack. Masakit lang dahil yung dahilan ng pagpunta ko rito ay wala na. 'Yun ang dahilan kung bakit nawala ako rito ng isang linggo." saad ko.

Bigla naman siyang natigilan." A-Ah.... I'm sorry to hear that. Hindi ko alam."

" Okay lang. Oh eto tanggapin mona, galingan mo ang pagr-review para makapasa ka." Tumayo naman ako at pinagpagan ang suot ko." Ang masasabi ko lang sa'yo ay magbago kana. Hindi pa naman huli ang lahat. Kapag ganoon, ako ang unang magiging kaibigan mo. Pangako 'yan." dagdag ko pa at ngumiti sa kanya.

Agad niya naman tinanggap ang reviewers at ngumiti rin." Thank you, Katria. Susubukan kong gawin ang sinabi mo. Ingat ka pauwi." Kumaway siya sa'kin at tumango lang ako bago pumara ulit ng taxi pauwi sa condo ko.

Natapos kong i-summarize yung natitirang dalawang topics na hindi ko natapos kahapon. Wala naman kaming quiz bukas dahil ibibigay ni maam lahat ng oras sa'min para mag-review. At dahil wala naman akong gagawin ngayon ay nag-review nalang ako para advance na ako sa mga kaklase ko. Hindi ko rin naman tatapusin lahat ng 'to, mga dalawang topics lang at matutulog na ako.

Kinaumagahan ay maaga akong gumising para maghanda. Nakaalis na ako ng condo ko ng 6:30 palang at agad na dumeretso sa bahay namin para bisitahin muna sila Inay. Hindi ko pa na-text si Daron pero alam ko naman na kakagising lang nun ngayon. Pwede naman mamaya nalang. Agad akong kumatok sa pinto at agad rin naman iyong binuksan ni Inay. Humalik ako sa pisnge niya bago ako pumasok sa loob.

" Narito ka ata, anak. Diba bukas na yung exam ninyo?."

Nilapag ko muna yung bag ko sa sofa bago sumunod sa kanya sa kusina para tumulong sa kayang magluto." Opo, dumaan muna ako rito kase namimiss ko kayo. Sila ba, gising na?."

" Naku! Yang mga kapatid mo ang titigas talaga ng mga ulo. Nanood ng TV kagabi kaya mga bandang 8:30 na nakatulog. Ayun, hindi pa nagising." Napailing nalang si Inay kaya napabuntong hininga ako.

" Pupuntahan ko muna sila, gigisingin ko."

Umakyat ako sa kwarto ni Cyd at binuksan ang pinto ng kwarto niya. Mabuti nalang at responsable na siyang bata kaya malinis at nakahilera lahat ng mga gamit niya sa tamang lalagyan. Niyugyog ko ang balikat niya kaya napagalaw siya at kinusot-kusot ang mga mata niya. Bumangon naman agad siya ng makita ako at umayos ng upo.

" Ate, you're here. Goodmorning." bati niya sa'kin.

" What did I told you before, Cyd? Hindi kayo pwedeng manood ng TV sa gabi kapag may pasok dahil male-late kayo. Hindi naman tatakbo yang TV dahil nandyan lang 'yan, makakapaghintay naman ang panonood. Hindi ko naman kayo pinagbabawalan manood kapag walang pasok, diba? Don't be so hard-headed, got it?." pangangaral ko sa kanya at dahan-dahan naman siyang tumango.

" I'm sorry, ate. We won't do it next time." nakayuko niyang sagot kaya ginulo ko ang buhol niya.

" It's okay. Everyone makes mistakes but you should learn from it. Oh sya, maligo kana dahil gigisingin ko pa si Sasha."

Sunod akong pumasok sa kwarto ni Sasha at nakita ko siyang nakabaluktot sa kumot niya. Mabuti nga rin at hindi rin makalat ang kwarto niya dahil alam niyang papagalitan siya ni Inay at papaluin ko talaga siya. Umupo naman ako sa kama niya at marahan siyang niyugyog. Makulit siyang bata kaya winaksi niya ang kamay ko at bumalik ulit sa pagtulog. Ang maldita talaga ng batang 'to, jusko! Pinalo ko siya sa pwet kaya agad siyang napabangon at nanlaki ang mata niya ng makita niya ako. May muta pa ang mga mata niya tapos tulog mantika pa siya. Kadiri.

" 'Wag kang mag-atok antukan sa harap ko, Sasha. Sinuway niyo ang sinabi ko sa inyo ng kuya mo. Alam mo ba ang ibig sabihin nun?!." Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko kase siya makiusapan ng dahan-dahan dahil iba ang ugali ng isang 'to, may pagkamaldita na ewan.

Pinagkrus niya naman ang dalawang braso niya." Mataas naman ang grado ko sa school namin ate, kaya pwede na akong manood ng TV kahit kailan ko gusto." Kita mona, bruha talaga!

" Gusto mong kurutin kita sa singit ha, Sasha?! Sinong may sabi sa'yong pwede kang manood. Kami ni Inay ang mas nakakatanda sainyo kaya dapat niyo kaming sundin!." sambit ko sa kanya.

Napanguso naman siya." Sorry na, ate. Hindi na namin uulitin. Ligo na ako, ktnxbye." Agad siyang tumakbo papasok sa cr kaya napailing nalang ako.

Tinext ko si Daron na nandito ako sa bahay namin at sabi niya naman na papunta na raw siya. Naghihintay lang ako sa gate ng bahay namin habang yung mga kapatid ko ay nasa loob pa at malapit naring matapos. Naunang dumating si Ri-Ri at nakaangkas sa kanya si Vera kaya kumunot ang noo ko. Bakit sa kanya sumabay ang isang toh at hindi dun sa apat?! Nag-away ba sila?!

" Uy gaga! Ba't ka sumama eh ihahatid pa ni Ri-Ri yung dalawa? Baka sa gulong kana sumakay niyan." Kumunot naman ang noo ko.

Agad naman siya bumaba pagkahinto ni Ri-Ri sa motor niya."Bruha ka! Sasamahan ko lang siyang ihatid yung mga kapatid mo. Nakakaasar kasama sina Shael at Cohen, sarap pag-untugin." inis niyang sagot. Sabi kona nga ba.

" Alam mo kase Cha-Cha, yung sinampay niyang bra sa bakuran nila eh nakita nung dalawa kaya pinagtripan. Ginuhitan ba naman ng marker kaya ayun, sumabog!." Tawang-tawa na singit ni Ri-Ri kaya piningot siya ni Vera sa tenga.

" Ay gagi! Bili ka nalang ng bago, Vera. May is-suggest ako sa'yong mga brand baka magustuhan mo. Luma na kase yang mga gamit mo eh, sa probinsya pa 'yan." natatawa ko ring saad kaya napairap siya.

" Ewan ko sa inyo."

May kotseng biglang pumarada sa harapan ko at alam kona agad kung sino 'yun. Lumabas siya at ngumiti ng makita niya ako kaya ngumiti din ako pabalik. Namimiss kona ang amoy niya, gad!

" Goodmorning, love. Did you sleep well?." tanong niya at hinalikan ang noo ko.

Tumango naman ako." Hmmm. Ikaw ba?."

" Yeah. I'll just go inside of your house. Bibisitahin ko si tita pati narin ang mga kapatid mo. I know they missed me." Kumindat pa siya bago pumasok sa loob kaya wala akong nagawa.

" Sakit niyo sa mata, grabe! Tara na nga Derrick, pasok na tayo." Sumunod naman pumasok si Vera at saka si Ri-Ri kay naiwan ako dito sa labas.

Pagkarating namin sa university ay hindi muna kami dumeretso sa room namin. Gusto niya raw munang masolo ako kaya hinila niya ako papunta sa garden. Sinabi ko sa kanyang malapit nang mag-bell pero wala raw siyang pakialam. Agad kami umupo sa damuhan at isinandal ko ang likod ko sa dibdib niya habang pinaglalaruan niya ang kamay naming magkahawak.

" Uh.... hi guys!."

Bigla kaming napalingon sa nagsalita at nakita namin si Cheska na nahihiyang nakatingin sa'min at katabi niya naman si Ivan na nakangisi. Nakaupo sila sa isang bench sa hindi kalayuan, medyo hindi rin kase sila napapansin dahil sa mga puno sa pwesto nila. Agad naman ako napalayo kay Daron at umayos ng upo.

" What are you two doing here?." kunot noong tanong ni Daron sa kanila.

Ngumisi pa lalo si Ivan." Bebe time, bro." sagot niya kaya pabiro siyang hinampas ni Cheska.

" Eh? Ngayon na flag ceremony?." Napangiwi ako dahil narinig kona ang kanta dun sa ground, sa lakas ba naman nun.

" Bakit? Kayo rin naman ah, at saka kami yung nauna dito kaya kayo yung lumipat ng lugar." reklamo pa ni Ivan.

Tumaas naman ang kilay ni Daron." But it's my place so you're the one who needs to find another place." Siniko ko naman si Daron dahil sa sinabi niya.

" You don't need to fight guys. We're both students here so it's just fair." saad naman ni Cheska na ikinatango ko.

" Tsk. Para kayong mga bata, 'pag tayo talaga nahuli dito pag-uuntugin ko kayong dalawa." Napairap naman ako sa bangayan nila.

Nang mag-lunch na ay napagkasunduan ng lima na isama ako sa labas ng gate dahil dun daw kami kakain. Bukas kase ang gate kapag lunch break kaya pwede kang pumunta kahit saan mo gusto, kahit na mag-mall ka pa. Dapat nga lang nakabalik kana bago magsara ang gate kundi pipirma ka talaga sa log book. Ang kinain namin ay street foods dahil naging paborito na nila 'yun simula ng matikman nila ito. May table naman sa kabila kaya dun kami nag-stay habang kumakain ng kanin at isaw. Hindi naman sila nagreklamo dahil sinanay ko silang kumain ng pagkaing hindi mamahalin. Bumili kami ng isaw at kare-kare para ipares sa kanin namin. May soda rin kaya talagang nakakabusog.

" Parang gusto kona ata araw-arawin ang pagkain nito. It's really delicious." Sumubo si Shael ng kanin at saka isaw, humingi rin siya ng sabaw ng manok dahil libre naman 'yun basta naka-order ka.

" Let's eat fishball after this." Sumipsip si Raizer sa soda niya at bumalik sa pagkain.

Gaya ng sinabi nila ay doon na naman kami sa katabi nito para bumili na naman ng gusto nila. Maraming fishball ang kinuha ni Raizer dahil 'yun talaga ang paborito nita. Kumuha naman ng tempura si Shael at kwek-kwek naman ang kay Cohen. Kikiam yung sa'min ni Daron dahil ginagaya niya kung anong gusto ko pero tumitikim din naman siya sa iba. Si Akken naman halos lahat kinuha, sana lang hindi sumakit yung tiyan niya sa mga kinakain niya.

" Magp-paload lang ako dun sa tapat, babalik din ako kaagad." paalam sa'min ni Akken at nagmamadaling inubos yung inorder niya.

Kumunot naman ang noo ni Cohen." Ha?! Eh may wifi naman tayo dun sa mansion."

" Kailangan ko kase para dun sa quiz namin mamaya. I have to research something." sagot niya naman.

Tumango lang si Daron." Fine. Just faster, time is running. We'll wait you here."

" Mag-ingat ka sa pagtawid, Akki." paalala ko sa kanya at ngumiti naman siya saka tumango.

Naubos kona yung kinakain ko habang sila ay wala pa. May balak ata silang ubusin yung buong tinda ni Manong. Hinayaan ko nalang sila at napatingin sa tapat para hintayin si Akken na hanggang ngayon ay kausap parin yung nagtitinda sa tapat. Babae kaya matagal nga, nagpapacute pa kase eh. Tumalikod na si Akken pagkatapos at may tiningnan sa phone niya, nagr-register ata. Kumunot ang noo ko ng bigla siyang naglakad patawid sa kalsada habang nasa phone niya parin ang tingin niya. Ano bang ginagawa niya?! Hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya.

Nanlaki ang mata ko ng may makita akong malaking truck na paparating sa kinaroroonan niya. Gumuhit ang kaba sa dibdib ko ng maisip na masasagasaan siya kapag hindi pa siya aalis sa kinatatayuan niya. Kapag naman sisigawan ko siya, wala na ring saysay dahil baka babangga na 'yun sa kanya. Napalingon ulit ako sa mga kapatid niyang walang kamalay-malay sa nangyayari. Ayoko rin na isa pa sa kanila ang mapahamak dahil napamahal na sila sa'kin. At mas ayaw ko na mapahamak si Akken dahil siya yung palaging sinasandalan ko sa problema ko nung mga oras na hindi pa kami close ng mga kapatid niya.

Huminga ako ng malalim at napakagat sa labi ko bago tumakbo sa pwesto niya Akken at malakas siyang tinulak dahil para mapahiga siya sa tabing gilid. Narinig ko ang malakas na busina ng truck sa gilid ko at sobrang lapit na nito sa'kin. Hindi ako makagalaw at ang tanging nagawa ko nalang ay lumingon sa kinaroroonan ng mga kapatid niya, ni Daron. Nagulat sila at nabitawan ang hawak nila pero huli na nag lahat. Tuluyan nang bumangga sa'kin ang malaking sasakyan at parang nawala lahat ng lakas ko sa isang iglap lang. Nakapikit ako at naramdaman ko may umaagos sa gilid ng ulo ko. Wala narin kong maramdamang kahit ano. Basta gusto ko lang ipikit ang mga mata ko dahil parang dinadalaw na ako ng antok.

Rinig ko pa ang sigawan ng mga tao at ang paglapit nila sa'kin. Pati boses nung lima pero hindi na ako makapagsalita pa. Siguro eto na ang katapusan ko. Magkikita na ba kami ni Itay? Kung oo, pa'no na ang pamilya ko?l? Yung lima? Pati yung lahat ng kaibigan na meron ako? Si Daron, na boyfriend ko?

" Damn it. Love please, hold on. I'll bring you to the hospital. Please, don't leave me." huling salitang narinig ko mula kay Daron bago ako tuluyang nawalan ng malay.

I'm sorry but I think it's better that the truck would hit me than your brother. He's important to all of you. I had a lot of fun with you guys and maybe, that was enough.

----------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro