Chapter 37 - Confessions
KATE CHANDRIA'S POV
" Ako na dito, Katria. Magpahinga ka nalang dun."
Hinayaan ko nalang si Cohen na magligpit ng mga damit. Nandito kase siya sa'min, ewan ko ba kung palagi na yang nandito kahit hindi ko naman siya sinasabihan. Siya pa nga ang nag-iinsist na gumawa ng mga ibang gawain dito kahit hindi ko naman siya pinapayagan. Ilang linggo na yang ganyan.
" Ano pang pwedeng gawin dito, Kat? I'm willing to do anything since I don't have something to do."
Napaigtad naman ako ng biglang sumulpot si Shawn sa harap ko. Takte! Isa pang 'to. Kung hindi naman si Cohen ang nandito eh siya. Nag-aaway pa nga sila minsan kapag nauna ang isa sa kanila. Nalason ata ng kung anong pagkain at bigla nalang nagkaganito.
" Okay na nga. Marami na kayong nagawa dito, umuwi na kayo. Hapon na oh, may pasok pa bukas." sermon ko sa kanila.
Kada matatapos ang klase namin ay dito agad sila dumederetso. Kung hindi nila ako tutulungan sa mga gawaing bahay ay kukulitin niya ako. Meron ngang mga araw na binibigyan nila ako ng bulaklak at pagkain. Wala namang espesyal na mga pangyayari.
" Why are you like that?! Tinataboy mo ba ang gwapong nilalang sa harap mo, Katria?." Tumaas baba pa ang kilay ni Cohen kaya napangiwi ako.
" Tse! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Magsi-alis na nga kayo dito. Halos araw araw na nga kayong pumupunta dito tapos mukhang wala pa kayong balak umuwi." Tinulak ko sila palabas ng bahay. Ang bibigat pa ng mga timawa.
" Ikaw na nga lang ang pinaglalaanan ko ng atensyon, sugar cube eh. Hindi ka ba talaga tinamaan sa mga charms ko?!." Ngumuso pa si Shael kaya napaismid ako. Mabuti pa kung si Akken yung gumawa niyan kase mas bagay sa kanya kaso kapag siya, mukhang pwet ng baka. Jusme!
" Charms mong mukha mo! Lol, gwapo ka nga manyak ka naman. Iba nalang yung alukin mo, 'wag ako." Sinara ko ang gate namin at pinag-krus ang mga braso ko.
" I'll be back here tomorrow to fetch you. Be sure to sleep early." paalala ni Cohen sa'kin at ngumiti pa. Ilang linggo kona ring napapansin na palagi na siyang ngumingiti kapag kausap ako.
" Sama rin ako sa----."
" Shut up kuya! Umalis ka mag-isa mo. Kami lang dalawa ni Kat dahil may sasabihin rin ako sa kanya. You're just going to ruin the mood." Putol niya sa sasabihin ni Shael. Infairness, kuya na ang tawag niya.
" Ow dude. We're brothers." Inakbayan niya pa si Cohen na masama ang tingin sa kanya."Don't be selfish. I-share mo naman si Kat sa'kin, hindi pwedeng sa'yo lang." dagdag niya pa. Madalas kona rin siyang makitang walang kasamang babae pero minsan naman meron din.
" Anong akala niya sa'kin, pagkain na pwedeng ibahagi sa iba?! Luh asa kayo! May kasama na ako bukas, susunduin ako ni Shin." Tumaas ang kilay ko.
" Tell us the truth. Are you in a relationship with that fucking potato?!."
Sinamaan ko ng tingin si Cohen sa sinabi niya."'Wag mo ngang murahin yung tao, Cohen. Learn how to respect, he has a name and it's not fucking potato. And also, I'm not in relationship with someone."
" Kase naman eh! You're always with him everytime we saw you. Sinong hindi kayo mapagkakamalang mag-on." sambit naman ni Shael na hindi maipinta ang mukha.
" Magkaibigan lang talaga kami kaya umuwi na kayo. Next time nalang ulit, bye." Agad kona silang tinalikuran at pumasok sa loob dahil kanina pa ako nakukulitan dun sa dalawa. Buntot ng buntot sa'kin. Gad! Ganun na ba ako kaganda?! Chos! Yung lalaking gusto ko nga ayaw sa'kin. Psh.
Nagmamadali akong naglagay ng necktie bago patakbong bumaba. Late na ako ng gising at naghihintay na si Shin sa baba kausap yung mga kapatid ko. Baka naiinip na siya dun dahil sa kakadaldal ng mga kapatid ko, ang kulit kase.
" Sorry sa paghihintay. Ano tara na?."
Tinitigan niya ako saglit saka tumango." Baka may nakalimutan ka. The class isn't starting yet, we still have 45 mins. Malapit lang din naman yung university dito sa inyo."
Napailing naman ako." Okay lang. Ikaw? Okay lang ba sa'yo na hinintay mo'ko? Baka kase nakukulitan kana sa mga kapatid ko eh. Pasensya na ah."
" Nah. Nakakatuwa nga yung mga kapatid eh. No worries." Tumawa naman siya kaya nagiging kyut siya." So? Are you done so we can go now?."
Agad naman ako tumango." Mauna kana muna sa labas. Kakausapin ko lang sila." Nginitian niya naman ako at tumango bago siya lumabas.
" Ate, he's so gentleman and kind. I want him to be your boyfriend." Nanlaki naman ako sa sinabi ni Cyd at tinakpan ang bibig niya. Baka kase narinig 'yun ni Shin.
" Ano ba, Cyd?! Don't say anything like that. Baka narinig 'yun ng kuya Shin mo at iba pa ang isipin. We're just friends, okay?." sambit ko, hininaan ko ang boses ko dahil baka nakikinig 'yun sa labas.
" But that's where everyone started, right? Malay mo ate, kayo pala ang naka-tadhana para sa isa't-isa." Ngumisi pa siya kaya bigla akong kinilabutan. K-Kailan pa siya natuto ng ganun?!
" Cyd, ha! You're still a young boy. Hindi mo pa 'yan dapat iniisip dahil para lang 'yun sa mga matatanda. Naiintindihan mo?." Tumango lang siya kaya napabuntong hininga nalang ako.
" But I like kuya Daron instead of kuya Shin. He's so handsome and has a strong appeal." Humagikhik pa si Sasha kaya napanganga ako. A-Anong.... s-sa'n sila natuto ng mga ganyan?!
" My god, Sasha! Saan ka natuto niyan?! Kukurutin kita sa singit kapag inulit mo pa yang sinabi mo. Aba! Batang 'to!." Napasapo nalang ako sa noo ko dahil naiistress ako sa kanila." Just wait kuya Derrick here. Nandito na 'yun ngayon, kailangan nang umalis ni ate. Hindi na namin kayo maihahatid dahil marami pa kaming gagawin. Bye na." Hinalikan ko sila isa-isa sa pisngi bago nagpaalam kay Inay saka lumabas dahil baka naiinip na si Shin doon.
" Cha-Cha!." Napalingon ako ng marinig ko ang boses na 'yun."Aalis na ba kayo?!." tanong niya pa.
" Oo, Ri-Ri. Ang tagal mo ah. Sasabay lang ako dito kay Shin. Okay lang ba na ikaw ang maghatid sa kanila?." Tukoy ko sa mga kapatid ko.
Tumango naman siya at nag-thumbs up."Sure naman. Ako nalang lagi ang maghahatid at magsusundo sa kanila tutal wala naman akong masyadong ginagawa." Binaling niya naman ang tingin kay Shin." Alagaan mo yang pinsan ko, pare. Mahal ko 'yan."
Kahit kailan ang corny niya...
" Oo naman, pare. Sige alis na kami." sagot naman ni Shin sa kanya.
Minsan talaga may mga bagay na mga lalaki lang ang nakakaintindi. Para naman kaseng tanga yung si Ri-Ri, magkasama lang naman kaming pupunta ng university tapos sasabihing alagaan raw ako ni Shin. Diba parang may sayad?! Ano naman ako, 3 years old na kailangan pang bantayan?! Like duh. Nag-commute lang kami ni Shin dahil gusto niya raw na maglakad para raw exercise. Hindi naman 'yun ang unang sinabi niya pero hindi ko 'yun narinig kaya binago niya nalang. Ewan. Ang gulo niya rin minsan.
" Kung may sasabihin ako sa'yo, hindi ka ba magagalit sa'kin? Hindi mo ba ako lalayuan at iiwasan?."
Napatigil ako sa paglalakad at ganun rin siya."Ha? Depende sa sasabihin mo. Pero alam ko namang mabait ka at may respeto kaya hindi ako magagalit sa anumang sasabihin mo." sagot ko naman sa kanya.
Nakayuko siya at pinaglalaruan niya yung bato sa lupa." I-It's just that.... I-I like you Katria. I already knew it since the day we've been closer to each other. But it's okay if you'll not accept my confe----."
" Hey, it's not like that." Napailing naman ako at mahinang tumawa na ikinagulat niya." It's okay if you like me. Why did you think that I would get mad nor angry? At isa pa, hindi naman kita lalayuan. I'm not like an artist who has many admirers but never bothered to talk to them. Hindi ako ganun, Shin."
Pumiyok-piyok pa siya ng tatlong beses bago iniwas ang tingin sa'kin." Y-Yeah. I thought you would reject me because you already liked someone else."
" Who told you that? Kahit naman may gusto akong iba, tatanggap parin naman ako kung sakaling may umamin sa'kin. Minsan lang mangyari 'yun sa buhay ko kaya bakit ko naman sila tatanggihan, 'di ba?." Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko." Besides, I don't want to do it like what he did to me. Ayokong makasakit ng damdamin ng iba." dagdag ko pa.
Napalingon naman siya sa'kin at ganun rin ako s akanya." Did he rejected you? Did he hurt you?." Sunod-sunod niyang tanong na ikinailing ko.
" He never did rejected me. Binawi niya lang yung sinabi niyang gusto rin niya ako. 'Yun lang. He never did hurt me too. Ako lang naman kase yung umaasa at gustong mahalin niya rin ako pabalik. But know I've realized that I shouldn't focus my attention to him. Nagsasayang lang ako ng oras kapag ganun."
Nagulat ako ng bigla niyang ilagay sa likod ng tenga ko ang mga takas na buhok ko." Let me court you, then. I won't promise that I won't hurt you but I'll do my best no to do it. Will you let me enter your heart even if just for temporary?."
Natigilan naman ako saglit pero kalaunan ay ngumiti rin." Why not? Maybe it would work out and you'll be my reason to forget him? I trust you and I know that you won't hurt me."
Hindi ko maipagkakailang may konting pagkagusto rin ako sa kanya. 'Yun nga lang, mas lumamang ng sobra ang kay Daron. Mas malakas talaga ang tama ko sa kanya, punyeta! Pero wala naman dahilan para hindi ko siya makalimutan. Lalo na kung sa iba ko itutuon ang atensyon ko, malaki ang posibilidad na makakalimutan ko rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Wala namang masama kay Shin, actually nasa kanya na nga lahat. Baka nga sa kanya na ako mahulog ng tuluyan kapag hinayaan ko siyang ligawan ako.
Nagmamadali kaming pumunta sa classroom namin dahil 5 mins. nalang at magsisimula na ang klase namin. Nakahinga naman kami ng maluwag ng makitang wala pa si prof. namin kaya malaya kaming nakapasok. Napaangat ako ng tingin ng may biglang maglagay ng chocolate sa table ko. Dumeretso naman agad si Shin sa upuan niya ng wala man lang sinabi. Nahihiya ba siya?
Bigla naman akong siniko ni Aika."What was that, huh?! Kayo na ba tapos hindi niyo lang sinabi sa'min?!."
" Gaga ka! Binigyan lang ng chocolate tapos kami na agad?! Grabe ka naman." Nilagay ko sa bag yung chocolate dahil pumasok na si prof at baka kunin niya ito sa'kin dahil hindi kami pwedeng magdala ng pagkain sa loob ng room.
" Bakit sabay kayong pumunta dito? Don't tell me he fetch you on your house." Pinanlakihan ako ng mata ni Aira at sinundot niya pa ang tagiliran ko.
" Ano naman kung sabay kami? Dapat na akong masanay sa presensya niya simula ngayon."
Sabay naman silang napatingin sa'kin habang nakakunot ang noo."Aren't you used in his presence? Palagi kaya tayong magkakasama dahil nasa iisang circle of friends lang din naman tayo." Napairap naman si Aika.
" He's courting me right now."
" WHAT?! SERIOUSLY?." Nakuha nilang dalawa ang lahat ng atensyon ng mga kaklase namin, lalong lalo na si prof.
" GALLA TWINS! ARE YOU LISTENING TO ME?!." pasigaw na tanong ni prof sa kanila.
Napakagat nalang ako sa labi ko at lumingon sa kinaroroonan ng iba pa naming mga kaibigan. Nalilito sila kung anong nangyayari pero hindi ako makasenyas dahil baka pati ako idamay ni prof.
" W-We're so sorry, sir." sabay naman nilang sagot at yumuko.
" The two of you, write an essay with a maximum of 3000 words about our topic today. Pass it to me right after lunch." utos sa kanila ni prof kaya inis na kumuha si Aika ng papel at nakanguso naman si Aira na nagsimula nang magsulat.
" Oh ayan yung notes ko. 'Wag lang kayong magpahuli sa kanya." bulong ko sa kanila at binuklat ang notes ko sa table ko." Mamaya ko nalang sasabihin sa inyo kapag lunch break na." dagdag ko pa sa kanila.
Nang mag-lunch break na ay agad nagsilapitan yung mga kaibigan namin dala-dala yung bag nila. Si Jeric ay tinanong si Aika kung anong nangyari kanina at napasigaw sila. Mabuti nalang at hindi nila sinabi yung tungkol sa part na nanliligaw na si Shin sa'kin. Hindi naman sa ikinakahiya ko 'yun pero kase, ang sabi ko sa kanila eh study first muna ako. Baka sabihin nilang madaya ako dahil hindi ko sinunod yung sinabi ko.
" Something bothering on you?."
Agad naman ako napalingon kay Shin ng bigla siyang magtanong."Wala naman. Sinabi mo ba sa kanila na nanliligaw ka sa'kin? Kase ano.... n-nahihiya ako." Umiwas ako ng tingin. Mukha hindi naman nila kami narinig dahil ang ingay nila at nasa pinakalikuran kami.
Narinig ko naman ang mahinang tawa niya at naramdaman ko ang kamay niya na nakaakbay sa'kin." I haven't told them about that but I'm planning to. Remember, they shipped us from the very start so I know that they'd support us." kalmado niyang sagot.
Oo nga naman. Hindi ko nga alam na hahantong pala sa ganito. Kaibigan lang naman kase ang turing namin sa isa't-isa. Baka nga hindi ganun ang turing niya sa'kin nung una pa lang dahil dati pa lang gusto niya na raw ako. Ang selfish ko naman kung hindi ko siya bibigyan ng chance, diba? Tinutukso rin naman kami ng mga kaibigan namin dahil bagay raw kami. Ang sabi pa nila, sa tukso raw nahuhulog ang isa't-isa. Ang dami talaga nilang alam.
" Gosh!l! Ang bagal niyo namang maglakad dalawa. Wala na tayong maaabutang pagkain sa cafeteria." reklamo ni Doreen.
" Ba't hindi nalang kase kayo mauna. Hindi naman namin sinabing hintayin niyo kami ah." kontra ko pa.
" Smells something fishy." Ngumisi pa si Phillip kaya bigla akong kinabahan pero hindi ko lang pinahalata.
" I'm courting her." biglang sambit ni Shin kaya napanganga silang lahat, maliban sa kambal.
Nanlaki ang mata ko at tiningnan siya." Bakit naman padalos-dalos Shin? Nakakagulat ka naman." bulong ko sa kanya.
Napakamot naman siya sa ulo niya." Sorry, excited lang."
" Oh my god! Hindi na ata ako makahinga. Bakit pa pinapaligiran ako ng mga lovebirds. Nabuhay lang ata ako sa mundo para mag-sanaol." Pinapaypayan pa ni Jaimie ang sarili niya, O.A lang ang peg.
" Ligaw lang naman, anong masama dun?!." Tumaas naman ang kilay ko.
Bigla nalang tumawa si Christophe." Uso pa pala ang ligaw ngayon, pare? Kami nga ni Reen umamin lang sa isa't-isa tapos kami na agad. Ang weak mo naman."
Kinurot siya ni Doreen sa kiliran kaya ang lakas ng sigaw niya."Anong hindi?! Malapit nga kitang hindi sinagot, mokong ka! 'Wag kang lalapit sa'kin ngayong araw. Bwisit ka!." Padabog na umalis si Reen kaya hinabol naman siya ni Chris. Shunga talaga.
" Congrats, pare. Kaya mo naman sigurong magtiis kahit isang taon." Tumawa naman si Jeric.
" She's worth to wait, pare." Napailing nalang si Shin.
" Well, the best luck to you Shin." Tinap pa ni Lucy ang balikat niya at ngumiti.
Biglang nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong tiningnan. Nagtext sa'kin si Cohen na magkita raw kami sa court dahil may sasabihin raw siya sa'kin. Kumunot naman ang noo ko at ibinalik ang phone sa bulsa ng skirt ko.
" Kayo nalang muna guys. Pupuntahan ko muna si Cohen sa court. Baka may importanteng sasabihin. Bye."
Tinakbo ko ang buong ground kahit sobrang init. Hindi kase ako makadaan sa hallways dahil sobrang daming estudyante. Nang makarating ako sa loob ay napahawak ako sa tuhod ko at hingal ng hingal dahil sa kakatakbo. May narinig akong tunog ng bola kaya napaangat ang tingin ko. Nakasuot siya ng jersey at basketball shirt. May practice ba sila ngayon?
" Did you eat?."
Umiling naman ako." Not yet. Kakain na sana kami ng mga kaibigan ko ng mag-text ka. Anong kailangan mo."
" Come with me." Hinila niya ako sa isang sulok malapit sa stage at umupo kami dun. May binigay siya sa'kin na paperbag at pagtingin ko ay pagkain.
" Ikaw, kumain kana? Share nalang tayo neto, hindi ko naman mauubos lahat ng 'to." Ang dami niya kaseng inorder, para namang baboy ang pinapakain niya.
" Sa'yo nalang 'yan. Busog pa naman ako." Binaba niya ang bola at tumingin sa'kin." I'll tell you something but promise me you won't ignore me." Umayos siya ng upo habang seryosong nakatingin sa'kin.
Napatigil naman ako sa pagnguya ng burger at tumango." Kapag 'yan kalokohan talagang magagalit ako. But I think you've changed a little bit so spill it. Makikinig ako." sagot ko nalang.
" Fuck it. I-I like you." Napasabunot siya sa buhok niya pagkatapos niyang sabihin 'yun. Hindi pa siya makatingin ng diretso sa'kin dahil siguro ay iniisip niya na hindi ako naniniwala sa kanya.
" 'Yan lang naman pala ang sasabihin mo. Gad! Pinakaba mo ako, alam mo ba 'yun?." Napahawak pa ako sa dibdib ko at ininom yung shake na binili niya.
" W-What? 'Yan lang ang reaksyon mo sa sinabi ko? Aren't you mad or even angry?." Bakas ang gulat sa mukha niya ng sabihin niya 'yun.
Base naman sa ikinikilos nilang tatlo ni Shin at Shael ay alam ko nang parang may mali. Hindi naman kase sila magbabago ng ganun ganun lang ng walang dahilan. Kapag naman tinatanong ko sila ay hindi sila sumasagot at iniiba ang usapan. Hindi narin naman ako nangulit dahil ayaw rin naman nilang sabihin. Ngayon lang sila naglakas-loob na magtapat sa'kin.
Kumunot naman ang noo ko." Why would I? Alam ko namang kyut ako kaya hindi na ako magugulat kung mabihag ko ang mayabang na katulad mo."
Napailing naman siya at mahinang tumawa."You're really an amazing girl. No wonder you've caught my attention. So, tayo na?."
Binatukan ko naman siya kaya napadaing siya." Anong akala mo sa'kin, easy to get? Let's make it hard for you. Court me if you really want to get me."
Ano siya sinuswerte?! Si Shin nga nagrepresentang ligawan ako tapos siya parang ang dali pang para sa kanya. Luh! Asa siya! Ang sabi ng lolo ko sa'kin noon, dapat daw buong-puso na kunin ng lalaki ang loob ko. Dapat raw hindi ako bumigay agad at siguraduhin muna ang mga bagay bagay.
" It's just easy for me. Fine. I'll court you from now on." Lumapit naman siya sa'kin kaya nilayo ko ang mukha niya.
Aamin akong nagulat ako ng magtapat siya sa'kin. Sino ba namang hindi, diba? Ang isang mayabang na katulad niya, magkakagusto sa isang katulad ko?! Baka nga pinaglalaruan niya lang ako kaya pahihirapan ko siyang ligawan ako. Kung talagang aminado siya, edi makukuha niya ang tiwala ko. Pero sa tingin ko titigil rin siya. Nakikita ko kase na ibang babae ang nakalaan para sa kanya, yung naiiba rin. Wala lang, feel ko lang ba't ba?!
Shemay! Dalawa na ang manliligaw ko!
" Aalis na ako, Cohen. May gagawin pa kase ako eh. Kita nalang tayo mamaya."
" Sure. Take care." Kinindatan niya pa ako kaya napangiwi lang ako. Ewan ko pero hindi baka sa isang katulad niya ang ganun. Si Shael okay pa.
Hindi muna ako naglakad sa ground dahil mainit pa. Pawis na pawis kaya ako kanina nung makarating ako sa court at baka mangamoy ako pagkarating sa room. Mareklamo pa naman yung mga kaklase ko. Sumabay nalang ako sa mga estudyanteng naglalakad sa hallway pero nasa likuran ako. Ayokong makisabay sa kanila dahil baka pagchismisan lang ako.
" Katria! We need to talk."
" Ay manok na pula!." Napaigtad ako at agad na lumingon sa punyetang si Shael." Ano ba?! Bakit ba kung susulpot si Cohen ay susulpot ka rin?! Magnet ba kayong dalawa?!." inis kong saad sa kanya. Nanggugulat eh, peste! Mabuti nalang at walang nakarinig sa sinabi ko dahil nauna na yung ibang estudyante dito kanina.
" So he did tell you?! Damn. Naunahan niya ako." Napahilamos siya sa mukha dahil haggard na siya tingnan. Pero kahit ganun, ang hot parin niya.
Hindi ko narinig ang mga huling sinabi niya kaya tumaas ang kilay ko." Ano bang sinasabi mo? Bakit ka ba nandito?."
" May sasabihin rin ako sa'yo." Hindi pa man ako nakakasagot at hinila niya na ako papunta sa mga bench na walang tao at umupo kami dun. Lagi na lang ba nila ako kakausapin, akala mo naman importante talaga.
" Ano bang nangyayari sa'yo?! Hindi kita maintindihan." Ang gulo niya kase eh, parang nagmamadali na kinakabahan. Para lang tanga.
" I like you."
Pumiyok pa ako ng ilang beses bago napatawa." Are you kidding me? Dare ba 'yan o ano?." Pinagt-tripan ba nila ako?!
" I'm serious, Kat. Walang halong biro, gusto talaga kita." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Seryoso ang mukha niya kaya alam kong hindi nga siya nagbibiro.
" Oo na. Hindi ako tatanggi kung sabihin mong gusto mo ako. Pero sinasabi ko sa'yo, may mahahanap ka pang iba. Yung babaeng tatapat at sisira sa pagka-babaero mo." Ginulo ko ang buhok niya kaya napatulala siya. Kahit ang imposible ng sinabi niya, maniniwala nalang ako.
" Aren't you accepting my confession?!." Umiwas naman siya ng tingin." I just do flings but not relationships, Kat. Kaya imposibleng mangyari yang sinasabi mo. No one could let my guard down." pagmamatigas niya pa.
Napatawa naman ako at napailing nalang."Trust me, Shael. Mangyayari ang sinabi ko sa'yo. Hindi pa nga lang ngayon pero darating 'yun. Every person is destined to someone, it might be a stranger o someone you knows. Advice ko 'yan sa'yo kaya tandaan mo."
" How is it possible? I've never fall inlove to someone. Kung magkaka-crush man ako madali lang mawala na parang bula. It means that everything has a limit." Pagak naman siyang natawa.
Pinaharap ko siya sa'kin at ngumiti." Everything is possible. Cheer up. Alam kong mawawala rin yang pagkagusto mo sa'kin kaya ang ibig sabihin nun ay may nakalaan nga para sa'yo. It's either you'll hurt her or she'll hurt you. Pwede ring magkasakitan kayong dalawa."
" And if that time comes, maybe I'd taste hell. Sa lahat ba naman ng nasaktan kong babae, karma nalang siguro ang akin."
" Then stop what you're doing right now. Mas maaga mas maganda. Hindi nga lang madali kase ganyan kana simula palang. You can't change it by yourself. You need someone to help you and that's the right girl for you. I promise." Ngumiti ako ng totoo sa kanya at ganun rin siya.
" You always lighten up my mood, don't you?. Did you accepted my brother's confession?." Pag-iiba niya ng usapan.
Tumango naman ako." Yeah. I think he's sincere. Sabi niya liligawan niya rin daw ako." Nakibit-balikat lang ako.
" Sa sinabi mo mukha namang may manliligaw ka pa." saad niya.
" Bakit naman wala? May pinayagan na akong manligaw sa'kin. Mas mabuti nga rin 'yun at sa iba kona maituon ang atensyon ko at hindi na sa kuya niyo." sagot ko naman na ikinatahimik niya.
" You really love him? Ako, hindi ko alam kung ano ng aba ang definition nun kase hindi pa naman ako nakaranas. Pero sa pagkakaalam ko, mahirap raw makalimot kahit hindi naging kayo. Crush nga nasasaktan kang makita silang may kasamang iba, yung taong mahal mo pa kaya."
Saan niya naman napulot ang mga salitang 'yan?! Kung makapagsalita siya akala mo expert na. Pero sabagay, tama naman siya. Hanggang ngayon nandito parin siya sa puso ko. Kung pwede ko lang kaseng utusan yung puso ko na 'wag na siyang mahalin, ginawa kona. Kaso hindi eh, at 'yun ang mas masaklap.
" Atleast dalawa yung manliligaw ko. Ang kyut ko nalang." Nag-flip hair pa ako kaya napatawa siya. Happiness kase nila ako. Chos!
" Proud kana niyan?! Ako nga, halos bente ang babae sa isang araw." proud niya pang sabi kaya siniko ko siya.
" Tse!."
" Don't you want me to court you?." bigla niyang tanong.
" 'Wag na, mapapagod ka lang. At ayoko ring patayin ng mga titig ng mga babae mo. Nakakasira sa beauty ko ang pagka-stress." Umismid lang ako.
Ano kayang feeling na magkaroon ng mga manliligaw?l? Nakakakilig kaya o ano?! Aish. Ewan. Mararanasan ko din naman 'yun. Sana nga lang, mapalitan na si Dale sa puso ko para naman hindi na ulit ako masaktan. Nakakapagod na.
-------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro