Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35 - Girl Talk

KATE CHANDRIA'S POV

Nang makauwi ako sa bahay ay agad kong hinanap si Inay. Natutulog siya sa kwarto niya kaya hindi kona lamang siya ginising. Wala pa yung mga kapatid ko dahil may pasok sila ngayon at lunch break pa nila. Pumunta ako sa kusina para tingnan kung may makakain ba kami. Wala pa kaseng pagkain yung condo ko at kailangan ko pang mag-adjust doon, marami pang dapat ayusin. Dun ko rin iniwan yung mga bigay ni tita sa'kin, baka kase mapapadalas na ang pagtira ko sa condo ko.

Nagluto lang ako ng corned beef at itlog saka nagsaing ng kanin. Nauna na akong kumain kay Inay dahil baka mamaya pa 'yun gumising. Nang matapos ako ay umakyat ako sa kwarto ko at humiga. Dahil tapos na ang role ko bilang babysitter ay nabawasan na ang mga gagawin ko. Siguro marami na ang oras ko para magpahinga. Matutulog na sana ako ng magring ang phone ko kaya agad ko itong sinagot.

" Hello, Aika. Alam mo istorbo ka sa tulog ko." inis kong sambit sa kabilang linya.

[ Shut up! We're going to have a sleepover today until tomorrow since we don't have anything to do. No buts okay?! ]

Napakunot naman ang noo ko."Anong pinagsasasabi mo?! I won't go. I want to relax myself."

[ Nagmamatigas ka ghorl?! What do you want to say?! Stress lang kami sa'yo?! ]

Napangiwi ako ng marinig ang boses ni Doreen." Hindi, wala akong sinabing ganun. Teka..... bakit magkasama kayo ni Aika. Nasa'n ba kayo?!."

[ Just say yes, Katria. It's a girls bonding so we need to be complete ]

Narinig ko ang boses ni Lucy kaya mukhang nasa iisang lugar lang sila." Ha?! Saan naman tayo mags-sleepover?! Pinayagan ba kayo?!."

[ Yes, of course. Hmmm. Naisip namin na sa inyo nalang mag-sleepover, Kat. Gusto naming makita ang bahay niyo ]

Rinig ko ang excitement sa boses ni Jaimie."Ah..... hindi! May mga kapatid ako dito at napakakulit nila. At saka maliit lang ang bahay namin tapos makalat. Pasensya na, hindi pwede rito. Bakit ba hindi nalang sa inyo tutal mayaman naman kayo?!."

[ It's boring. We can't enjoy because we have a lot of maids. It really sucks ]

Bumuntong hininga naman ako sa sinabi ni Aira." Sa condo ko nalang, kaso wala pa akong mga gamit dun. Bago pa lang kase 'yun na binigay sa'kin ng mommy nila Daron kaya hindi pa ako nakakapag-adjust. Wala na akong maisip na ibang lugar na pwede tayong mag-sleepover."

[ Char, sanaol. Pero okay lang naman dun, makakapag-ayos pa din naman tayo at hindi aabutin ng bukas. We can do it together right now. So, game? ]

Napaisip naman ako sa sinabi ni Aika." Oh sige. Sunduin niyo ako dito sa'min, magpapaalam lang ako kay Inay." In-end kona ang tawag at agad na bumangon. Bumaba ako at nakita ko si Inay na kakatapos lang kumain kaya lumapit ako sa kanya.

" Anak, kanina kapa ba nakauwi?."

Tumango naman ako at umupo."Opo nay, ako narin po ang nagluto. Ah nay, tapos na po ako sa trabaho ko bilang babysitter sa mga anak ni tita Elizabeth. Wala na po akong trabaho sa ngayon."

Napatingin naman kaagad siya sa'kin." Ano kamo?! May problema ba, anak? Mabait naman yung tita mo ah, 'wag mong sabihing ikaw ang umalis."

" Opo, ganun na nga po. Kaya naman na nila ang sarili nila. Hindi naman sila mga bata. Like duh. College na kaya ang mga timawang 'yun. At saka ang dami nang naitulong ni tita sa'tin. Nahihiya na po ako sa kanya." sagot ko nalang.

" Sabagay, tama ka. Saan kana kukuha ng bagong trabaho ngayon?! Mahirap humanap ng trabaho lalo na't estudyante ka pa. Mas lalo ka lang mahihirapan. Ako nalang kaya ang magtrabaho." Pinunasan ni Inay ang kamay niya pagkatapos niyang maghugas sa pinagkainan niya.

" Ako na pong bahala ang gumawa ng paraan, Inay. Diba sabi ko sa inyo na hindi kayo pwedeng magtrabaho, mapapagod lang kayo ng husto. Responsibilidad kona ang bagay na ito. May pera pa naman tayo dahil binigyan ako ng panghuling sahod ni tita kaya walang problema." sambit ko rito.

" Sige, bahala ka. Basta 'wag mong kalimutang magpahinga, alaagan mo ang sarili mo anak. Bigyan morin ng oras ang sarili mo."

Bigla ko nalang naalala na magpapaalam pa pala ako sa kanya." Oo nga pala, nay. Binigyan rin ako ni tita kanina ng bagong condo malapit sa university. 'Yun bang parang bahay na maliit. Sabi ng mga kaibigan ko mag-sleepover raw kami roon. Okay lang ba, nay?."

" Oo naman, syempre. Mga kaibigan mo naman 'yun. Basta alam mo ang limitasyon, Katria. Kapag uminom ka konti lang, nasa tamang edad kana pero kailangan mo parin na mag-ingat. Naiintindihan mo ba?."

Tumango naman ako." Opo. Hindi rin naman po kami iinom. Magsasaya lang kami at wala nang iba. Hanggang bukas po 'yun kaya wala ako rito. Pakisabi nalang kapag hinanap ako ng mga kapatid ko."

Pagakatapos kong magpaalam ay kasabay ng pagdating ng van ni Lucy.'Yung ginamit namin kahapon nung nagmall kami. Sumakay ako sa backseat katabi ni Jaimie at Doreen. Si Lucy ang nagdrive habang si Aika naman sa passenger seat at si Aira naman sa kabilang gilid. Nagdala rin ako ng konting gamit na pang-bahay para may maisuot ako dun.

" Nasa'n yung mga gamit niyo?." Napansin kong wala silang dala rito sa loob ng van.

" Nasa likod dahil hindi magkakasya rito." Si Aika na ang sumagot habang nakatingin sa labas.

" Ano namang gagawin natin dun?! Wala pang kagamit-gamit yung condo ko dahil wala pa akong budget para dun." inis kong saad.

" Napagdesisyunan namin na mag-aambag para makabili ka ng gamit sa condo mo, ngayong araw natin 'to gagawin. But if we don't want to go home, we'll stay with you in your condo because we also have shares on it. Deal?!." Napailing nalang ako sa sinabi ni Doreen.

" Fine. Deal." Wala naman na akong magagawa.

Umiiling ako kapag pinapakita nila sa'kin ang furnitures na gusto nilang ilagay sa condo ko. Grabe naman kase makapili, 'yun pa talagang mahal. Jusko! Todo reklamo rin sila dahil maghahanap na naman sila ng iba na magugustuhan nila. Pero sa huli, sila narin ang nagdesisyon. Si Aika ang bahala na pumili ng id-design sa pader, painting raw 'kuno'. Si Lucy naman ang bahala sa mga vase at cabinets. Si Jaimie naman sa mga basic necessities gaya ng pagkain at mga damit namin. At sa iba naman ay sina Doreen at Aira.

" Tra na sa baba, magrocery tayo. Mamaya pa darating yung mga magd-deliver. Gutom na ako." saad ni Jaimie. May grocery store kase sa baba kaya malaya kaming makakabili.

" Ganito nalang, by pair tayong lahat. Twinny and I will buy important needs in the condo. Lucy and Jaimie will buy foods and Doreen and Katria will buy sweets. Gets?."

Tumango lang kami sa instructions ni Aira at naghiwa-hiwalay na. Puro lang mga matatamis ang nilalagay namin sa cart gaya ng candies, chocolates, marshmallows at iba pa. Nasa sweets section kase kami kaya nandito na lahat at kami nalang ang mamimili ng gusto namin. Sobrang dami nang nabili namin ni Doreen. Nang makita kaming lahat ay mas dumami lang. Kung hindi magkakasya ang lahat ng 'to sa ref. baka sa cabinets nalang yung iba. Bumili pa nga ng mga soda at iba pang maiinom si Lucy. Napaka-yaman talaga niya.

Saktong pagkabalik namin sa condo ay dumating mga mga inorder nila. Labasan talaga ng cash at parang balewala lang sa kanila. Nasa mga 50, 000 raw ang allowance nila every week. Nyeta! Pang-isang buwan na konsumo kona 'yan. Binayaran pa nila ulit yung nagdeliver dahil siya yung pina-arrange nila ng mga mabibigat na gamit. Babae kaya kami, alangan naman kami ang gumawa. Tsk. Pagod na pagod sila nung matapos lahat, hindi nga ako makapaniwalang nagkabuhay na ngayon ang condo ko. Salamat sa kanila.

May guest room naman dito pero gusto raw nilang sa kwarto ko matulog. Sama-sama daw dapat kami. Hinayaan ko lang sila na maglatag ng foam sa sahig, yung double decker para mas malambot. Siguro nagpapahinga muna sila ngayon dahil naging tahimik ang jwarto ko. Tumawag ako sa main ng jollibee para magpa-order ng isang set ng pagkain. Pagkatapos ay tumawag rin ako sa starbucks para mag-order ng isang malaking cake. Snacks lang naman na'min 'to samantalang noon, bihira lang ako makatikim ng ganito. Ibang-iba na talaga ang buhay ko kumpara noon. Haist.

" Guyss, gutom ba kayo?." Sumilip ako sa kwarto at hindi naman pala sila tulog. Kanya-kanyang tutok lang sa phone nila na parang may iba't-ibang business.

" Oo, actually kanina pa." Ngumuso si Doreen kaya sinenyasan ko silang tumayo at sumunod sa'kin na agad din naman nilang ginawa.

" OMG!l! Pagkain!." sabay na sigaw nila Aika at Jaimie at nauna pang kumain. Siniko naman ni Aira ang kambal niya pero hindi siya nito pinansin.

" Did you order all of this?." tanong ni Lucy kaya tumango ako.

" Kumain na kayo dyan. After this, you can do what you want." sabi ko at nagsimula naring kumain. Ako ang pinahiwa nila sa cake, celebration rin daw dahil sa bago kong condo. Mocha ang flavor nito at favorite ko kaya ito ang inorder ko.

" Let's have a girls party tonight. Since it's already 4:00, what if we'll prepare what we need for tonight. Who wants a food party?." tanong ni Aira kaya tinaas naming lahat ang kamay na'min.

" This would be really exciting. I'll prepare the games." suhestiyon naman ni Doreen.

" Ha?! Bakit may pa-games pa? Hindi naman na tayo mga bata." Kumunot ang noo ko. Kailangan pa ba 'yun?!

Umirap naman si Jaimie." 'Wag kang kj, Katria. Kapag may party hindi talaga mawawala ang games. Besides, you don't have a choice."

" Let's go and arrange the guest room. Mas malaki ang space dun kumpara sa kwarto ni Kat. The bigger, the better." Napatawa nalang kami sa sinabi ni Aika kaya nagsitayuan na sila. Nagpaiwan muna ako dahil liligpitin ko muna yung pinag-kainan namin at pagkatapos ay susunod rin ako sa kanila.

Nang makapasok ako sa guest room ay naglatag muna sila ng tatlong malalaking foam sa sahig. Naka-tiles naman at malinis kaya okay lang. Binuhat ng kambal yung ibang maliit na table at nilagay katabi ng hihigaan namin. Kinuha rin nila Jaimie at Doreen yung flat screen TV sa sala at nilagay dito dahil magm-movie marathon muna kami bago magstart sa mga pa-games. Mukhang ready nga si Lucy dahil may dala-dala siyang malaking speaker at spotlights sa van nila at inakyat niya rito. Kinabit nila yung spotlights sa ibabaw ng bintana dahil hindi nila abot ang kisame. Tumulong narin ako dahil may kataasan naman ako. Medyo excited narin ako mamayang gabi dahil tiyak na magiging masaya ang sleepover naming magkakaibigan. Sayang nga lang kase wala si Vera, may aasikasuhin dae ang gaga!

Nasa mga 7:00 na sa gabi nang hinanda na namin ang lahat. Nagtutulungan nalang kami na maghakot ng pagkain sa ref o di kaya ay sa cabinet. Hinahagis lang nila yung mga pagkain sa foam tapos babalik din para kumuha ulit. Mukhang uubusin namin lahat ng pinamili namin ah. Nang matapos na kami sa pagkuha ng pagkain ay dun na naman sa mga inumin. As usual, inubos rin namin lahat. Soda lang naman at tatlong wine. Hindi ko alam kung anong lasa nun pero pamiguradong makakatikim ako nun mamaya.

" So guys, what movie are we going to watch?." tanong ni Lucy habang hawak niya ang remote. Naka-upo kami sa foam at nakakumot hanggang bewang.

" Hmmm. Kahit ano basta comedy. 'Wag yung horror baka maihi ako dito." Pinaghahampas namin si Jaimie dahil sa sinabi niya.

" Yah. I agree. Comedy nalang, may mga CD naman akong dala dyan. Pumili lang kayo, hindi ko pa napapanood ang mga 'yan." singit naman ni Doreen habang ngumunguya ng chips. Kita mo toh, hindi pa nga nagsisimula kumakain na.

" Baka maubos mo lahat 'yan, Reen. Magtira ka naman sa'min." biro ko sa kanya at napairap lang siya.

Nakapili na sila ng papanoorin namin pero hindi ko alam yung title. Nanood lang kase ako habang kumakain ng chichirya. Sobrang daming pagkain sa paligid namin kaya nagdadalawang-isip ako kung ano ang unang kakainin ko. Kapag naman sa part na tatawa na kami dahil nagj-joke na yung bida naiinis ako dahil hinahampas ako ni Aika at nahuhulog yung kinakain ko. Sa galit ko ay hinampas ko siya ng sobrang lakas kaya nakahalik sa unan. Mabuti nga at dun siya nasubsob at hindi sa sahig.

" Nananadya ka ba, Kat?." Pinanliitan niya ako ng mata.

Nanlaki naman ang mata ko at nagkunwari na hindi alam ang sinasabi niya." Ha?! Wala naman akong ginagawa ah?!." Napatayo ako ng bigla siyang lumapit sa'kin kaya tumakbo ako. Ang ending, naghahabulan na kaming lahat at wala nang nanood sa movie kaya pinatay nalang nila ito.

" ITS PARTY TIME!." sigaw naming lahat at tumalon-talon na parang bata. Pinatugtog na ni Lucy yung speaker ng full volume, yung pang bar talaga ang dating ng sounds. Hindi na nga kami magkakarinigan at nagtatawanan nalang. Yung ibang mga chips binabato lang namin sa isa't-isa. Alam kong kasalanan 'to sa diyos dahil hindi pwedeng magsayang ng pagkain pero nagdasal naman ako. Okay na siguro 'yun.

" Guys! Inom tayo!." Natawa nalang kami at lumapit kay Aira nang gumamit pa talaga siya ng microphone para marinig namin.

Nag-squat kami sa harap ng table habang nagsasalin si Aika ng wine sa baso namin. Sabi nila hindi raw toh masyadong matapang dahil grapes lang naman daw ang flavor. Kung hindi masyado eh may pagka-matapang parin. May soda rin naman kami isa-isa at kapag naubusan ay pwede pa namang kumuha.  Nagbilang kami ng tatlo at sabay-sabay na nilagok ang wine. Kalahati lang sa baso ang isinasalin na'min para hindi kami mahirapang ilagok sa isahang inom lang. Uminom kaagad ako ng soda na lemon para mabawasan ang pagkamatapang. Gumuhit pa sa lalamunan ko ang lasa. Pakshet!

Kumakain muna kami ng chips dahil nakaubos na kami ng isang bote. Nagk-kwentuhan lang kami hanggang sa nahulog sa isang truth or dare. Nagpabilog kami at naglagay si Jaimie ng bote sa gitna, yung bote ng wine na naubos namin. Kung sino raw ang matatamaan ng ulo ay siyang tatanungin at ang matatamaan ng dulo ay siyang magtatanong. Sinimulan nang paikutin ni Jaimie at tumapat ang ulo kay Aira at ang dulo naman ay kay Doreen.

" Truth." Agad na sabi ni Aira kahit na hindi pa man nagtatanong sa kanya si Doreen.

" So Aira, ni minsan ba nag-away kayo ng bebe mong si Derrick?."

Umiling naman siya." Never. He didn't make any reason for us to have a quarrel."

Nagkantyawan naman kami dahil sa sobrang honest niya. Talaga namang ganun yung pinsan ko. Ideal man narin kahit papa'no. Inikot ulit nila yung bote at tumama naman ito kay Jaimie tapos si Aika ang magtatanong.

" Truth rin ako. Baka pagtripan niyo lang din ako." Agad na saad nito.

" Hmmm. Do you have a crush on Phillip?." nakangising tanong ni Aika na ikinatawa niya, dala narin siguro sa wine na ininom namin. Malakas ang tama nito sa kanya.

" He's handsome and.... uh kind? I think." Napahawak siya sa ulo niya dahil sa pagkahilo." Yeah. I like him."

Tumili ulit sila at niyuyugyog naman ni Doreen at Aira ang balikat ko. Ako lang naman ata ang hindi kinilig. Oo masaya ako pero kilig?! Duh, isang tao lang ang nakakagawa sa'kin nun.

" Truth." Hindi ko namalayan na si Doreen na pala.

" How much percent do you love Christophe?." Napangiwi naman ako sa tanong ni Lucy sa kanya.

" Nasa 95% lang dahil sa'kin yung natitirang 5%. Syempre may self-love din ako 'no." sagot niya naman.

Inikot ulit nila at tumama naman 'yun kay Aika pero this time, ako na ang magtatanong. Yay! It's my turn.

" Truth ako. I don't have anything to hide."

" Sinong first crush mo?." Kapag talaga sumagot siya sasabihin ko talaga kay Jeric kapag nagkita kami. Wala lang, pang-aasar ko lang sa kanya.

" It was back way in high school on Korea. It's Soobin."

" Nge! Anong klaseng pangalan 'yun. Ganun ba talaga sa Korea. Tangina, ang baduy!." Lait naman ni Jaimie dahil mukhang tinamaan na talaga siya. Binuksan niya na pala yung pangalawang bote at strawberry na naman ang flavor nun.

" Tsk. Atleast gwapo, bleh."

Nakailang ikot pa sila hanggang sa sa'kin na tumama ang bote. Umayos sila ng upo at umaktong nakikinig sa bawat sasabihin ko.

" Truth." Hindi ko alam kung bakit 'yun ang pinili ko.

" Do you love someone?." tanong sa'kin ni Jaimie.

Lumunok muna ako bago sumagot." I-I don't think if it is called love or like. Dunno. But I do really admire someone... someone I can't have." Humina ang boses ko sa huling sinabi ko kaya hindi ko alam kung narinig ba nila.

" We've notice about your changes in these few days but we didn't bother to ask you because you might get mad or what. Ayaw naman naming makialam kaya hinintay lang namin na magsalita ka ng kusa sa'min. Remember, we're friends and you can tell us your problems. We're so open for you." Hinawakan ni Lucy ang kamay ko kaya pilit akong ngumiti.

" I didn't even know how it started but it just turned out that I already found myself falling for him. You guys know him already, it's Daron." Nagkatinginan naman sila kaya napakagat ako sa labi ko bago nagpatuloy." Nung una magkaaway lang naman kami. Minsan nga hindi kami nagpapansinan sa mga bagay-bagay pero isang araw nagbago lahat ng 'yun. I didn't mind it because maybe it was just normal since the two of us we're close on each other. He's always talking to me and sometimes we're together since we lived in the same roof. I couldn't stop my feelings for him no matter how I've tried. Iniwasan ko siya at hindi siya kinakausap. Ni paglingon nga hindi ko ginawa pero takte! Ako lang yung nasasaktan sa ginagawa ko eh." Umangat ang tingin ko para pigilan ang pag-iyak. Argh. Kainis.

" Go on. We're listening, Katria." seryosong sabi ni Doreen.

" Mas dumoble lang yung sakit nung nalaman kong sila na ulit ng ex girlfriend niya, si Cheska. Remember that girl who transferred together with Ivan. Fiancee raw siya ni Ivan pero hindi niya ito mahal dahil kay Daron parin daw siya. Ivan loves her so much and he's hurt too. Pareho lang kami. Gusto lang naman yung nararamdaman ko para kay Daron pero bakit... b-bakit ganito ka sakit?! Masakit bang magkagusto?." Mapakla akong tumawa.

" Ang pagkagusto, madali lang mawala 'yan. Pero ang pagmamahal, aabutin ka siguro ng taon bago mawala. You won't be hurt like this if you don't love him. Sometimes you have to experience pain before happiness. Hindi ko pa naman na-experience 'yun pero alam tama ako. As what I've always witnessed." Kahit may tama na ng alak si Jaimie, nakuha niya paring bigyan ako ng advice. And she has a point on that.

" So what if I do really love him?! Wala naman yung sense dahil kahit kailan, hinding-hindi mangyayari na mahalin niya rin ako pabalik. Isa lang akong probinsyana na dumagsa sa kanila para alagaan sila. Hindi ko naman inisip na hahantong sa ganito. Na mahuhulog ako sa lalaking wala man lang ginawa pero nakuha ang loob ko. Isa pa, hindi rin naman ako kagandahan katulad ng iba. Kung matalino man, wala rin kaming kaya sa buhay at hindi rin kumpleto ang pamilya. Wala rin akong kaalam-alam tungkol sa mga fashion at hindi rin ako sikat. Walang wala ako kumpara sa babaeng mahal na mahal niya." Hindi kona napigilang mapaluha nalang. Bwisit na alak 'to, tinamaan na yata ako.

" Sige lang, ilabas mo lahat 'yan. Iiyak mo nalang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Wala namang masama." Hinagod ni Aika ang likod ko kaya napahikbi nalang ako." Don't you ever compare yourself to others, get it? You have your own flows and personality. You're the best among the rest. If he can't accept the way you are, then so be it. You deserve someone better. May makikilala ka pang iba na hinding-hindi ka sasaktan kaya tahan na." dagdag niya pa kaya mas lalo lang lumakas ang hikbi ko.

" B-But h-how could I forget him if he's the one who makes me feel comfortable. K-Kahit ganun yung ugali niya... at h-hindi niya rin ako mahal, siya parin talaga eh. P-Pano kona titiisin 'to kung kada tingin ko sa kanya ay nakatingin rin siya sa iba?!." Tinakpan ko ang mukha ko dahil ang panget konang tingnan. Baka may sipon pa na kasama ang luha ko.

" It's really hard knowing that you lived in the same house. Kahit anong pilit mong kalimutan siya, palagi mo naman siya nakikita." malungkot saad ni Aira.

Umiling naman ako." Hindi. Nag-resign na ako kahapon, wala na akong trabaho. Tapos naman na ang role ko dun at isa narin 'yun sa rason kung bakit ayaw ko munang pumunta dun. Para makaiwas sa lahat lahat kahit na sobrang hirap." Pinunasan ko ang luha ako ang kinalma ang sarili ko.

" Always remember that we're here for you no matter what." Nginitian ko naman si Lucy." Let's have a drink. Iinom mo nalang din 'yan. Mababawasan ang stress mo dito. We'll join you." Sinalinan niya lahat ng baso namin at ngayon punong-puno na. Nilakasan ulit nila ng sobra ang volume ng sounds kaya para na kaming baliw na sumasayaw. Ginawa nilang dance floor ang buong kwarto habang ako eto, tulala lang at nag-iisip ng malalim. Lagok ako ng lagok sa wine kahit na sobrang nahihilo na ako. Kinaya ko parin at uminom ng soda tapos pinaresan ko ng chichirya.

Hinila rin nila ako sa dance floor para sumama sa kanilang sumayaw. Hindi naman ako tumanggi dahil gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Kahit sa simpleng ganito man lang, mawala. Parang hindi kami napapagod at nawawalan ng lakas dahil kain lang din naman kami ng kain tapos iinom na naman at sasayaw. Mukhang wala kaming planong huminto. Maya-maya ay bumalik na ako sa table namin at umupo sa sahig. Abala silang lahat sa pagsasaya habang ako ay pagod na at nanghihina. Napatingin ako bigla sa phone ko ng bigla itong umilaw, senyales na may tumatawag kaya agad ko itong sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ito.

" Hello." sabi ko sa mahinang boses. Nawala na ata lahat ng lakas ko.

[ Katria, it's me Shael. What happened to you?! Ba't nanghihina ang boses mo?! ]

Napatawa naman ako at nagsimulang maglakad sa gitna kaso nahihilo na talaga ako."Hmmm. N-Nahihilo lang ako... p-pero okay lang n-naman."

[ What the heck is that sound?! Are you in a bar?! Uminom ka ba, Kat?! ]

Inilayo ko ng konti ang phone ko dahil sa sigaw ni Cohen." W-Wala... ako sa bar. P-Pero uminom ako ng k-konti." Napangiwi ako sa sakit ng ulo ko, masusuka na yata ako.

[ The fudge! Ate, nasa'n ka ba ngayon?! We'll go there. I think you're drunk ]

Tinawanan ko naman si Raizer."'Wag na. K-Kaya ko na ang sarili ko. At saka... h-hindi ako lasing." Napatakip ako sa bibig ko at tumakbo papuntang cr para dumuwal. Rinig ko pa ang mura nila sa kabilang linya.

[ Ate! Bakit ka naman kase uminom eh hindi mo naman pala kaya. We're worried about you, ate. Do you have any problem? ]

Umiling ako sa tanong ni Akken kahit hindi niya naman ako nakikita." O-Okay lang si ate, Akki. Don't worry. M-Mawawala rin 'to.... hindi ko nga lang alam kung kailan." Hininaan ko ang boses ko sa huli kong sinabi.

[ Where are you? I'll fetch you ]

Parang biglang nakuryente ang sistema ko kaya nabuhayan ulit ako. Y-Yung boses na 'yun. N-No. Hindi dapat ako magpadala sa kanya. Ayoko nang mahirapan pa.

" Hindi na kailangan. Hindi na ako bata para mag-alala kayo." Agad akong tumayo kaso nasagi ko yung floor mop at balde kaya nagkalat ito sa sahig. Mabuti nalang at nakahawak ako sa doornob ng pinto kundi baka napasubsob ako sa sahig.

[ Fuck! Katria! Just fucking tell me where are you! ]

Mukhang narinig ata nila yung kalabog dito." I told you I'm okay. H-Hindi mona kailangan pang makialam. D-Don't act like you care." Mapait akong ngumiti. Bakit ko ba sinabi 'yun?!

[ What are you talking about?! You're drunk, Katria. Are you in the condo?! ]

Sumandal ako sa pader dahil nakaramdam ako ng antok." I-I hate you, Daron. I really really do. B-But I couldn't do anything... Kahit anong gawin ko, mahal talaga kita." Napahikbi ako ng tumulo ulit ang mga luha ko. Lintik na alak 'to!

[ I'll be there in 10 mins. so don't drink again. Stay there ]

Hindi na ako nakasagot dahil nakatulog na ako. Bahala na kung dito ako sa cr, malinis naman dito. Wala na akong lakas para tumayo pa. Sumasakit narin ang ulo ko kaya hindi ako makagalaw. Argh. I swear. Hindi na talaga ako iinom ulit.




-----------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro