Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34 - Babysitter No More

KATE CHANDRIA'S POV

Niligpit ko ang mga gamit ko nang matapos na ang klase namin. Half-day lang daw kami ngayon kaya nagplano sila na lumabas raw kami para makapagbonding. Umoo lang din ako dahil wala rin naman akong gagawin sa mansion at kagagaling ko lang sa bahay namin kahapon. Lumapit sila sa pwesto namin at pinamamadali nila kami para daw mas malaki ang oras naming gumala. Kapag talaga sila nagpalibre kakaltukan ko sila.

" Oh Shin sa'n ka galing?." Kumunot ang noo ko ng makitang pawis na pawis siya." Ano yang dala mo?!."

" Tara samahan mo'ko sa court may pinabibigay si Mrs. Dismal kay Mr. Rivera." Agad niya akong hinila kaya wala akong nagawa at sumama nalang sa kanya. Rinig ko pa ang sigaw ng mga kaibigan namin na hihintayin nalang daw nila kami sa parking lot.

" Ano bang ibibigay?." tanong ko habang naglalakad kami sa ground. Alam ko naman papel 'yun dahil nilagay niya sa ibabaw ng ulo ko para hindi ako mainitan. Hindi ko nga lang alam kung anong laman nun. Chismosa na ba ako neto?!

" Ewan ko. Love letter ata." Tumawa naman siya kaya hinampas ko siya." Wuy joke lang. Hindi ko rin alam kase hindi ko naman binuksan." dagdag niya pa.

May mga basketball players sa loob nung pumasok kami. Nagulat nga ako ng bigla niya akong inakbayan pero hinayaan ko lang siya. Magkaibigan namin kami eh kaya okay lang. Hinanap namin si Mr. Rivera at nakita namin siyang nakikipag-usap sa limang lalaki.... hindi na ako nagulat na sila 'yun. Kadalasan kase may meeting sila dito para sa basketball competition. Hindi ko na lamang sila pinansin nang papalapit kami ni Shin sa kanila.

" Mr. Rivera! May pinapabigay po si Mrs. Dismal sa inyo." sigaw ni Shin kaya nakuha namin ang atensyon nila." Kailangan niyo na daw po na pirmahan yung divorce papers." Hindi ko napigilang matawa at siniko siya. Nakaakbay parin siya sa'kin ngayon at hindi niya rin naman tinatanggal 'yun.

" Are you kidding me, Mr. Harris?." Tumaas ang kilay ni prof. kaya napakagat labi siya at umiling.

" Just read it prof because we don't even know what was that." sagot niya nalang.

Ramdam ko ang mga titig nung lima sa'kin pero hindi ko pinansin. Baka dumako lang din ang tingin ko sa kanya at ayokong mangyari 'yun. Tulad nga ng sinabi ko, sinisimulan ko nang i-uncrush siya kahit medyo mahirap. Mukhang okay lang din naman dahil hindi niya rin naman ako pinapansin hanggang ngayon. Wala naman akong nagawa pero mas okay na siguro 'yun. Atleast mas magkakaroon ako ng chance na iwasan rin siya at matigil na 'tong nararamdaman ko para sa kanya.

" Are you guys together?."

Nabigla naman ako sa tanong ni prof." Po? Anong together po ang pinagsasasabi niyo?."

Tumawa naman si Shin at ginulo ang buhok ko." Hindi pa po siya pwede nun prof kaya hindi po. She's focus on her studies and her family."

" So what's the meaning of that?." Turo ni prof sa kamay ni Shin na nakaakbay sa'kin.

Ngumiti lang ako at hinawakan ang kamay niyang nakaakbay."Magkaibigan lang po kami. Eh mukhang nas jowang-jowa kapa nga kesa sa'min." Tinaasan ko siya ng kilay. Sanay naman na siya sa'kin. Sa araw-araw ba naman na nagtuturo siya sa'min at ako palagi ang tinatawag niya. Naiinis nga ako minsan kapag hindi ko alam ang sagot. Nananadya eh.

" Really? 'Wala akong plano sa mga ganyan Chandria. Kayo nalang dalawa dahil mukhang mas bata pa naman kayo kesa sa'kin."

Ngumiwi naman kami ni Shin sa sinabi niya."Eh? 'Wag po kami ang pagtripan niyo, hindi uso sa'min ang ganyan. Oh sya, mauna na po kami. Basahin niyo nalang yang pinadala ni maam. Bye po." Hinila kona siya palayo dun. Baka kase kung saan pa mapunta ang usapan naming 'yun.

" Saan mo gusto pumunta mamaya?." tanong niya.

Napaisip naman ako." Hmmm. Sa ice-cream parlor tapos sa arcade, manood rin tayo ng sine para mas masaya." masayang sambit ko.

" Sige ba. Sama ako ah."

" Oo naman bakit hindi." saad ko kaya napangiti siya hanggang sa makarating kami sa parking lot.

" What took you so long?! Gosh! Ano bang binigay niyo kay prof isang libong papel ba?!." Napatampal naman si Aika sa noo niya. Ba't ba palagi siyang nagmamadali?!

" Tuleg! Anong akala mo sa court, limang metro lang mula dito?! At saka nakipag-usap pa kami sandali kay prof kaya 'wag kang ano dyan." irap ko ding sagot.

" Oh awat na baka mag-away pa kayong dalawang gaga! Ano bang pinag-usapan niyo pwede paki-share?!." sabi naman ni Jaimie.

" About relationship lang naman 'yun. Napagkamalan ngang kami ni Shin kaya naman tumanggi kami kase hindi naman totoo 'yun." Nilingon ko si Shin na tahimik lang sa tabi ko." Diba?." tanong ko sa kanya.

" Ah.... oo t-tama." Ngumiti naman siya kaya napatingin ulit ako sa kanila. Nagtaka ako kase nakaiwas sila ng tingin lahat tapos tumitikhim pa minsan si Jeric tapos sunod naman si Christophe. Anong trip ng mga 'to?!

" Anong katangahan 'yan?! Sabog ba kayong lahat?! Pinaggagagawa niyo?!." Tinaasan ko sila ng kilay lahat." Mas malala pa sa inyo yung may virus! Diyan na nga kayo, tara sa loob Shin." Hinila ko siya pasakay sa loob ng van. Alam kong hindi toh sa'kin pero pakapalan lang 'to ng mukha. Kay Lucy din naman toh kaya okay lang, bigatin kase 'yun eh.

" Where are we going first? Sa restaurant muna tayo, I'm hungry." Ngumuso si Doreen kaya niyakap siya ng bebe niya. Nakakasakit sila sa mata pramis.

" Sige okay lang. Tapos date kami ng honey ko pagkatapos." suhestiyon naman ni Jeric kaya binatukan siya ni Phillip.

" Gago! Akala ko ba friends bonding 'to?! Saka na yang date niyo kapag kayo lang." reklamo naman ni Phillip sa kanya.

" Treat ko yung kain sa restaurant pagkarating natin." Napatingin kaming lahat kay Ri-Ri nang magsalita siya. Sinama kase siya ni Aika at gusto rin siyang kasama ni Phillip at Shin.

" Hala! Sure ka bhie?! Baka maubos pera mo niyan, mga dragon pa naman ang papakainin mo." Napanganga naman kami sa sinabi ni Aira. Pinapahiya niya ba kami sa harap ng bebe niya?!

" Ano ka ba bhie, okay lang 'yan." Inakbayan naman niya si Aira."Minsan lang naman at saka kaibigan din naman natin sila." dagdag niya pa.

Nang makarating kami sa mall ay isang squad kami sa dami namin. Dumeretso kami sa restaurant at pinagtitinginan kami ng mga tao dahil naka-uniform pa kami. Sobrang ingay pa naman nila dahil kung ano anong pinag-uusapan nila. Nang makapasok kami ay kanya-kanya kami ng order sa counter. Hindi naman marami ang inorder ko dahil baka malugi si Ri-Ri. Isang malaking table ang inupuan namin yung kasya talaga kaming lahat. Kain lang kami ng kain dahil nga libre ni pinsan. Feeling ko nasa mga 7000 or 8000 ang nagastos niya sa isang kainan lang naming lahat. Jussko!

" Manood muna tayo ng sine, hindi pa tayo pwedeng mag-arcade dahil kakakain lang natin." sambit ko kaya sumang-ayon naman sila.

" Anong genre yung papanoorin natin? Horror ba?." excited na tanong ni Jaimie.

" Mukha mo horror, sa comedy tayo para mas masaya." kontra naman ni Phillip.

" I think I prefer romance, it's my fave. Who wants to join, libre ko ang ticket sa sasama sa'kin." singit naman ni Lucy kaya napakamot nalang yung dalawa sa batok nila at tumango.

" Hindi ba kayo nagdala ng sarili niyong pera? I think you're just depending for a treat. C'mon guys, we can separate if we want to watch our favorite movie. Hindi naman tayong lahat pareho ng hilig." saad ni Shin.

Sumang-ayon naman ako at inakbayan siya."Mabuti pa si Shin may utak kayo wala. Tsk. Tara samahan mo'kong manood ng tragic." Hindi na siya nakapagsalita nang hilahin ko siya at bumili ako ng ticket para sa dalawa. Siya narin ang nagrepresentang bumili ng dalawang popcorn at juice para may snacks kami.

" Bakit ba kase namatay yung lalaki?! Okay naman sana sila eh! Bwisit." iyak ko sa kalagitnaan ng panonood namin. Todo punas ako sa luha ko dahil nadala na talaga ako sa daloy ng kwento.

" Hey, it's just a movie. Why are you crying so hard?." Inakbayan niya ako at hinahaplos ang likod ko.

" Eh kase masakit. Ikaw, hindi ka ba naiiyak sa story nila Rebecca at Lyle?." tanong ko naman sa kanya.

" Nakakalungkot pero hindi naman ako naiiyak. Lalaki ako at mas sensitive ang mga babae sa mga bagay-bagay kumpara sa'min." sagot niya naman.

Ewan ko kung bakit bigla niya nalang akong hinila at pinasubsob sa dibdib niya. Tinap niya pa ang balikat ko kaya alam kong pinapatahan niya ako. Bakit ba sobrang caring ni Shin? Marami rin namang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya pero ni isa wala siyang nagustuhan. Nasa kanya niya naman lahat eh. Minsang nga napapaisip ako, pa'no kung siya nalang yung nagustuhan ko. Wala siguro akong problema ngayon.

" Eh?! Anong nangyari sa mukha mo Katria at ba't pulang pula?! Ikaw rin Shin, ba't basa yang uniform mo?!." takang tanong ni Aika ng magkita na ulit kaming lahat dahil tapos na ang movie.

" She cried because of the movie we watched. Sa dibdib ko siya umiyak dahil walang tissue." sagot ni Shin sa kanya na ikinalaki ng mata nila. Problema ng mga 'to?!

" Char, ang sweet ah. Pang romantic lang ang peg." panunukso naman ni Doreen.

Akmang magsasalita sana ako ng mag-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha at tiningnan. Si Akken ang nagtext at mas nagulat ako sa sinabi niya. Nakarating na raw si tita sa bahay at sinundo raw nila. Hinanahap ako kaya pinapauwi na nila ako. Nanlaki ang mata ko at tiningnan si Ri-Ri.

" Ri-Ri, nakauwi na si tita. Tingnan mo nalang yang phone mo baka magtext siya. Pinapauwi na ako eh." sabi ko kaya agad niyang tiningnan ang phone niya.

" Hindi naman siya nagtext. Di bale, susunod ako dun mamaya." Binalik niya sa bulsa niya ang phone niya." Sinong maghahatid sa'yo?."

Umiling naman ako." Wala, kaya ko naman mag-isa. Mag-enjoy nalang kayo dito, sorry talaga kung kailangan ko nang umuwi." Nilingon ko naman si Shin." Next time nalang tayo mag-arcade, aayain kita yung tayong dalawa lang."

" Ay may ganun?! Ba't siya lang, sama rin ako." saad ni Phillip.

" Alam mo paepal ka talaga, hayaan mo nga sila." inis na sagot sa kanya ni Jaimie.

" Oh sya pa'no, alis na ako. Bye na." Kumaway pa ako sa kanilang lahat bago tumakbo at pumuntang parking lot para mag-abang ng taxi.

Kinakabahan ako habang nasa byahe. Baka tanungin ako ni tita kung bakit hindi ako kasama nung lima. Sana lang hindi niya ako mapagalitan. Pero infairness, namimiss ko talaga si tita. Isang buwan rin siyang nawala kaya hindi ko alam kung anong itsura niya ngayon. Maganda na siya nung dito pa siya, pa'no na kaya ngayon na sa ibang bansa siya tumira. Baka pumuti na siya lalo at gumanda.

Sito pa lang sa labas ng mansion ay rinig kona ang tawanan nilang lahat sa loob kaya kinabahan na ako. Inayos ko ang sarili ko at ginawa kong seryoso ang mukha ko na palagi ko namang ginagawa kapag sila yung kaharap ko, lalo na siya. Pagkapasok ko ay agad akong lumingon sa kanila, natigil sila sa ginagawa nila. Hindi ko alam kung bakit nainis ako nung makitang nandun rin si Cheska at katabi niya rin si tita na ngayo'y nakangiti sa'kin. Pilit lang akong ngumiti at lumapit sa kanya.

" Hi, tita. I miss you, po." Niyakap ko siya at binigyan ng halik sa pisngi.

Hinawakan niya naman ang pisngi ko at hinaplos iyon." Really? But do you don't look like one."

" I am, tita. Pagod lang po yata ako kaya ako ganito. By the way, how's your trip?." tanong ko. Paiba-iba raw kase ang bansang pinupuntahan niya every week.

" Hmmm. Good. Come here, we're going to talk for so many things. Binilhan rin kita ng maraming gamit." Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong hilahin kaya napalingon ako sa kanila bago nagpatiyanod kay tita papunta sa office niya.

" What is it, tita? Hindi niyo naman po kailangan gawin 'yun. Para namang anak niyo rin ako para bilhan niyo ng mga gamit."

Pinaupo niya ako sa katapat ng table niya at umupo naman siya sa swivel chair niya."What are you talking about? Anak narin ang turing ko sa'yo dahil kapatid narin ang turing mo sa mga anak ko. Besides, I do really like you."

Parang may biglang bumara sa lalamunan ko ng sabihin niya 'yun. Sa totoo lang tita hindi po, nagkagusto po ako sa panganay niyo at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano ito ititigil. 'Yan ang gusto kong sabihin sa kanya ngunit pinanghihinaan ako ng loob. Baka isipin niyang tinraydor ko siya at pinagnanasaan ang anak niya. Ayoko namang iisipin niya 'yun. At saka malaki ang utang na loob ko kay tita, sobra. Kaya ngayon buo na ang desisyon kong 'wag na talagang ipagpatuloy pa ito. At isa lang ang naiisip kong paraan para mangyari 'yun.

" Tita, I wanna tell you something." Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita."Magr-resign na po ako tita. Hindi naman sa pasaway parin po sila at maliit ang ang sweldong binibigay niyo. Hindi po ganun 'yun. Actually malaki narin ang pinagbago nilang lahat simula nung umalis kayo rito. Natuto na silang maging independent lalo na nung umuwi ako sa probinsya namin. Yung tungkol naman sa pera, marami po akong nagawa sa mga 'yun. Nakabili na ako ng sarili kong bahay para sa pamilya ko at napapaaral kona rin ang mga kapatid ko. Kaya sa tingin ko po ay hindi na nila ako kailangan pa. Masaya naman ako sa kanila ngayon."

Ngumiti ako ng malaki dahil totoo naman lahat ng mga sinabi ko, may isa nga lang rin akong rason kung bakit ko rin gagawin 'to pero ayoko lang sabihin.

" I'm so happy for you, Chandria. You really amazed me since I hired you as their babysitter. Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat sa'yo sa lahat ng ginawa mo. You've been patient, responsible, and tough for everything. How I wish I have a daughter like you." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at ngumiti." I won't force you to stay. I mean, you also have to spend your time with your family and friends. You also have siblings to take care of. Thank you so much for everything." dagdag niya pa.

" You don't have to thank me, tita. I'm also thankful because I've met them eventhough they're stubborn, still they befriended me not as a babysitter but as their real sister. I  treasured those jerks as my brothers also."

" Wait, here's the things that I've bought for you." Binigyan niya ako ng sampung paperbag na may iba't-ibang laman. Yung isa perfumes, tapos dresses, jeans, croptops, at marami pang iba." You should use all of that and of course, i'll give you this." Mas nagulat ako ng bigyan niya ako ng isang envelope na puno ng pera kaya agad akong umiling at ibibalik sa kanya 'yun.

" Hindi na po 'yan kailangan, tita. I have a money and you also gave me all of this. It's enough."

Agad naman siyang umiling." No. It's your last day as their babysitter so I'm going to give you this as a price. It's the full payment for the three months of serving them."

Wala akong nagawa kundi tanggapin nalang ang binigay niya." Thank you po, tita. I couldn't for more. I owe you a lot."

" There's one more. I'm going to give a condo so that you could use it whenever you're busy on your schoolworks. It's near the university so it would be better for you." sambit niya.

" Po?." Nanlaki ang mata ko." Pero tita diba sa----."

" No buts, Chandria. Ayaw mo naman sigurong magalit ako, diba?." Agad naman akong umiling." Good. I'll be giving it to you tomorrow because I'll stay here for two weeks to have a break. Is it clear?." Tumaas ang kilay niya.

" Yes po, tita."

Kumunot ang noo ko ng bigla siyang tumawa."No don't be scared, I was just kidding you. Here, sign this contract to end your role as a babysitter. For tomorrow you'll going to have your freedom."

Agad ko naman pinirmahan ang kontrata na pinirmahan ko nung una kong punta dito. Akalain mo 'yun, umabot ako ng tatlong buwan sa pagtitiis sa mga timawang 'yun. Tapos ngayon kaibigan ko na sila, pwera lang sa isa na nagustuhan ko talaga.

" Ah, tita." Napatingin naman siya sa'kin."Pwede parin po ba akong pumunta rito para ipagluto sila o di kaya'y linisin 'tong bahay?=Kahit hindi niyo na po ako bayaran. Gusto ko lang po kase silang makasama." Yumuko naman ako at pinaglaruan ang kamay ko.

" Gosh! Of course, why not?! You're still their older sister that they want to be. Welcome ka palagi dito sa mansion. As always." Napangiti naman ako sa sagot ni tita.

" Thank you, po."

Nang makabalik kami sa sala ay nag-uusap sila at napatigil nang makita nila kami ni tita na papalapit. Kalmado lang akong nakasunod sa kanya at seryoso parin ang mukha ko. Wala lang, trip ko lang ba't ba?! Para mas may thrill kase alam ko namang iiyak 'yun si Akken at maiinis sa'kin si Raizer. Mahal ako nung dalawang 'yun.

" Anong pinag-usapan niyo mommy?." inosenteng tanong ni Akki.

" Okay, listen." Napatingin naman silang lahat sa'min." Kate just resigned as your babysitter so from now on you have your freedom in everything. She's not going to live in the mansion but she can come whenever she want to. That's final, she already signed the contract." saad ni tita na nakapatigil sa kanila.

" Oh, ba't natameme kayo?! Aren't you happy for that?! You have your freedom that you want so far. Dapat masaya kayo ngayon diba?!." Napaiwas ako ng tingin ng mapansing paiyak na si Akken. Eto na nga bang sinasabi ko.

" Ate naman! Did I do something wrong? Why are you doing this? Ayokong umalis ka, ate."
Lumapit siya sa'kin at niyugyog ang balikat ko.

" Wala, wala kayong ginawa. Umalis lang ako kase hindi niyo na naman ako kailangan. You can stand on your own without me. Don't be so clingy Akki, you're growing." sagot ko naman sa kanya pero niyakap niya lang ako ng mahigpit at hindi nagsalita. Jusme! Dinaig niya pa talaga ang mga kapatid ko.

" Wuy! Tahan na, uuwi namin si ate dito kapag may oras ako. Magkikita parin naman tayo sa university eh. Hindi naman ako mawawala." dagdag ko pa at hinagod ang likod niya. Tumingala lang ako sa itaas kase mukhang paiyak narin ako. Lintik na 'to!

" Is there a need to leave, ate?." Tumayo naman si Raizer at lumapit sa'kin." Just stay here with us. We still need you." Niyakap niya rin ako kaya hindi ko napigilang yakapin rin siya.

" Hindi naman habang-buhay palagi akong nandito. Malaki na kayo, kaya niyo na ang sarili niyo. Si Akki nga may crush na pero isip-bata parin." Hinampas ako ni Akken kaya napatawa nalang ako.

" Sali ako dyan! Group hug 'yan eh." reklamo ni Shael at agad na lumapit sa'min kaya sumunod rin si Cohen sa kanya.

" Why aren't you inviting me to join?! Akala niyo kayo lang." Halos matumba ako ng niyakap ako ni Colt sa gilid tapos Shael naman sa kabila. Ayy tangek! Naiipit na ako rito.

" Go, Dale. Join them too. You guys look so cute together." rinig kong sabi ni Cheska kay Daron pero nagdadalawang isip pa siya.

Kahit 'wag na, hindi ko naman kailangan.

" Hindi na ako makahinga guys. Nangangamoy narin kayo kaya bitaw na." Kinalas ko ang pagkakayakap nila kaya hindi nakasali si Daron. Mukhang wala rin naman siyang planong sumali pero okay lang. Hindi rin naman ako nag-eexpect eh.

" Just let her rest for now. She'll be leaving with me tomorrow." pagpapaalala ni tita sa kanila.

" Hindi ko kukunin yung mga gamit ko rito, tita. Besides, I'll be back here." sambit ko kaya napangiti sila.

" Where are you going, mom?." biglang tanong ni Daron.

Ngumiti naman si tita." I gave her a new condominium. Ipapakita ko sa kanya 'yun bukas. She'll going to live there whenever she's busy on her studies."

" Mommy naman! Ba't siya lang?! Nasa'n yung akin?! Kung ayaw mo makikitira nalang ako dun kay Katria. Kasya naman siguro 'yun sa'ming dala----Aray!." Napakamot sa ulo si Shael ng batukan siya ni Cohen.

" Pinagsasasabi mo?! What do you want to do with her, jerk?!." inis na singhal sa kanya ni Cohen kaya nag-aaway na naman sila.

Napangiwi naman ako." Sige lang mag-away kayo. Hindi na pala ako babalik rito." Pinagkrus ko ang braso ko at akmang tatalikod ng biglang may apat na braso ang humigit sa'kin pabalik.

" Kuya, magsorry kayo kay ate. Dali na!." Tinulak-tulak pa ni Akken yung dalawa palapit sa'kin.

" If she won't come back, you two are the reason." dagdag naman ni Raizer.

Tumaas naman ang kilay ko." 'Wag niyo silang pilitin kung ayaw nila. I didn't ask for it. I have something to do, aalis na ako."

" Kat, sorry na oh." Hinawakan ni Shael ang braso ko at ngumuso.

" I'm sorry too. Hindi na mauulit, Kat." Napaiwas ng tingin si Cohen kaya napabuntong hininga lang ako.

" Aalis na nga ako't lahat lahat pero nag-aaway parin kayong dalawa. Ayusin niyo yang sarili niyo kung ayaw niyong pag-untugin ko kayo." Inirapan ko sila bago tumalikod pero bago pa man ako makakalayo ay may sinabi ako." Okay lang 'yun, atleast natuto na kayong magkaayos."

Nakabihis na ako dahil ngayon na ang araw ng alis ko. Loose croptop at highwaist jeans lang ang suot ko. Medyo hindi ako komportable dahil hindi naman akong sanay magsuot ng kita ang puson. Gad! Kung hindi lang sinabi ni tita hindi naman ako magsusuot ng ganito ehh. Nagdala lang ako ng maliit na bag at ang laman nun ay ang mga importanteng gamit ko lang. Nasa loob na ng sasakyan sina tita at Ri-Ri dahil siya ang magd-drive. Nilingon ko muna sila at binigyan ng isa-isang yakap. Tinanguan ko lang si Daron at aalis na sana ng bigla niyang hilahin ang braso ko at niyakap ako, hindi naman mahigpit. Tinapik niya ang balikat ko kaya hindi ako makagalaw, pati paghinga ko pinipigilan ko. Susmaryosep! Pagkakalas niya sa yakap ay hindi na ulit ako tumingin sa kanya at dumeretso na papasok sa kotse.

Napahawak ako sa dibdib ko at pumikit. Huminga ako ng malalim para maibsan ang kabang nararamdaman ko ngayon. B-Bakit niya ba ako niyakap?! Hindi na tuloy ako mapakali kaya wala naman siyang sinabi. Nang mapatingin ako sa side mirror mg kotse ay nakita kong napangisi si Ri-Ri. Mas lalo pa akong nahiya ng maisip na baka nakita niya ang lahat. Nyeta!

" Here is your condo, Chandria. Did you like it?."

Nilibot ko ang paningin ko sa loob. Nagulat talaga ako dahil mukha talaga siyang bahay sa laki ng space sa loob at kumpleto pa lahat. Gamit nalang ang kulang at okay na. May mga furnitures na naman pero pwede paring lagyan kung gusto ko.

" Supper thank you talaga, tita." Niyakap ko si tita sa sobrang saya ko. Sobra na talaga ang natanggap ko galing sa kanya.

" Nah. You deserve it. I need to go in our company today, are you okay here?."

Tumango naman ako." Opo, tita. Ingat po kayo."

" You too, take care hija."

Huminga ako sa malambot kong kama dito sa condo. Gusto ko munang magrelax ngayon since two days na walang pasok sa university dahil may seminar lahat ng teachers sa ibang school, UST ata 'yun ewan ko. Dinukot ko sa bulsa ko ang phone ko ng mag-vibrate ito. Akala ko si tita ang nagtext pero para akong naestatwa sa nabasa ko.

To : Katria

Can we talk.... next time?

From : Daron

Shemay! Anong isasagot ko?! Bakit gusto niyang makipag-usap sa'kin?! Wala naman siguro siya sasabihing hindi maganda, diba?! Kaasar. Nawala na sana yung kaba ko kaso bumalik na naman. Shet.




----------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro