Chapter 28 - Acquaintance Party
DALE FYRON'S POV
" Is it okay, Daron? If you want, I'll make another one."
Hanz handed me the speech that he wrote. He want me to check his work because it was the task that was assigned to me, to check my classmate's assignments. It's just easy to critic their essay that's why I finished it directly.
" Yeah. You can go now." I arranged the papers that I've finished checking and put it in the table. My teacher accepted it and thanked me before I get out of our room.
" Bro!." I turned around and I saw Jude running towards my direction." The principal wants to talk to you. I bet it's for the acquaintance party tomorrow." He said and tapped my shoulder.
I forgot about the event tomorrow and I'm hesitating if I would come or not. I don't have any plans on attending that kind of event because I don't like socializing with others. Kung gusto nila, ako hindi. People were so annoying and it's just irritating the hell out of me.
" Okay, I'll go." I just nodded on him and walked straight to the principals office. The door was widely open that's why I entered directly and sat on the sofa in front of principal Delfuego.
Tumikhim siya kaya napatigil ako sa paglalaro sa phone ko." Mr. Daron, you have to prepare a speech for tomorrow. We're going to have an opening before we'll start the party. You're the oldest son of Mr. and Mrs. Helveryst that's why I called you."
" What about my brothers?." My brows frowned. Hindi porket ako ang panganay ay ako na lahat, may mga kapatid din naman ako. I guess they know that.
She placed the folder that she's holding in the table." Of course, they're included. Mr. Shael will prepare a dance introduction with his team. I forced Mr. Cohen to help the freshmen to design the stage. Mr. Raizer will be the one to handle the sound system and Mr. Akken will be the host together with another freshmen student."
I let out a sigh and nodded. What should I do? The principal has decided so I couldn't say no. Besides, this would help on my grade and I'm not the only one who will do it. Nakakainis lang dahil magsasalita ako sa harapan ng maraming tao. I hate attentions. Ugh.
" Daron! Babe!."
Fvck. She's here again.
" Hey! Wait for me!."
I walked as fast as I can, ignoring her. I'm stressed right now because I'm tired of my shool works and I have to make a speech for tomorrow. I need to think of it. Tapos dadagdag pa ang bwisit na babaeng 'to.
" Bab----."
" What is it again, Stella?!." I cut her words, throwing her a deadly look. Everyone were afraid of me whenever I'm wearing this kind of look. Sana siya din dahil hindi ko kayang makasama siya kahit isang segundo lang. Fuck it.
She bowed her head and played her fingers."K-kase g-gusto lang naman kitang tulungan. I h-heard that you'll going to make a speech for tom-----."
" So what? I didn't ask for your help and I don't need it. Just go, stop bugging on me." I hissed and started walking away. I'm not in the mood right now, as always. Ewan ko kung bakit parang bumalik ulit ang dating ako.
" Is it because of Katria, huh?! Dahil ba hindi mo na siya nakikita dito nagkakaganyan kana?! Do you love her, Daron?!."
I stopped and faced her, again. Why is she asking me like that?! Is she insane?! Bakit naman nasali si Katria sa usapan?! She's out of it.
" You're out of your mind, Stella. I don't even like you in the first place, you know that. Don't blame others if I'm treating you like this." malamig kong sambit.
She gasped and couldn't look at me in the eye."Why are you like that, Daron?! I gave you everything I've got. Why don't you still like me?! Alam kong may mahal kang iba, kilala kita. If it isn't Katria, then tell me..... Is it Cheska? Siya parin ba?!."
I couldn't talk back. Maybe because I was just shocked or she's right. Do I still love Cheska or it wasn't her. Then who's it?! Don't tell me it's..... No! It's not her.
" Don't mention her name again if you don't want me to say anything bad, Stella. Leave me alone." Finally, I left her in the hallway. She didn't follow me anymore. As what she'd said, she knew me. Alam niya kung ano at paano ako magalit.
My phone rang so I looked at it and saw Ryder's name on it, one of my friends. I immediately answered it and tap the loudspeaker because I'm busy picking clothes. The other line was so noisy and all I could here is the gossips and shouts together with the loud music. Are they in the university right now?!
[ Hey, bro! Where are you now? Sabi ni Jude kailangan kana raw dito para sa preparation ]
I picked my white long sleeves and answered the call." I'm not done yet. Still thinking what to wear."
[ Ano ba naman 'yan?! You're like a girl. Ang bagal mong kumilos ]
I rolled my eyes when I heard Eron's voice. Tsk. They were really complete, instead of me.
" Shut up. I'll be there in 30 mins. no buts and why's. I'll hang up now." I ended the call and went back on my closet. It's 5:45 and seems like the party is starting. Some of the students were already there and they want me to hurry too. Nasa kalagitnaan ako ng pagpili ng tuxedo ng biglang pumasok sa kwarto ko si Shael ng walang katok katok. He's really rude.
" Kuya, alin dito ang mas bagay sa'kin. Choose wisely. I have to boost my charms so that girls would be so attracted on me. 'Yun bang halos mamatay na sila kilig." Shawn showed me his luxury watch and matrix watch. I just picked the first one since it caught my attention. Makakadagdag ba ng charms ang isang relo?! Tsk.
He immediately get out of my room, probably rushing. Napailing nalang ako at bumalik sa ginagawa ko. A big footsteps was coming near on my my room that's why I stopped buttoning my sleeves and looked on it.
Cohen placed the two perfumes in front of me."What do you think should I use, kuya? Calvin Klein's Obsession or Obsession Night? I have to be aromatic for tonight because it's an important event. Maamoy lang nila ako halos hindi na sila makahinga pa'no pa kaya kung makita na nila ang buong mukha ko edi sa kabaong agad ang punta nila." I shook my head because of his arrogance and picked the first one since I like it's smell.
I was about to stand up to get my shoes why Raizer blocked my way with frowned eyebrows. Tumaas ang kilay ko sa itsura niya, kailan pa siya nakapasok rito?! He's holding a black tuxedo and gray tuxedo and looked at it with hesitation.
" I'm confused on which of this should I wear, kuya. If this one or the other one. Could you help me?." I nodded and picked the first one since it's the best that suits on him. He thanked me and ran outside of my room. Why are they in a rush?!
I looked at my physical features in the mirror. I'm fully prepared for tonight so there's nothing to worry about. Not even feeling a little bit nervous nor afraid. I'm born with a lot of confidence to myself. I just did wrong, sometimes. Natigil ako sa ginagawa ko ng biglang kumatok si Akken sa pinto ng kwarto ko kahit nakabukas ito. I saw his reflection in the mirror that's why I asked him why he's here.
" Sorry sa abala kuya, ah." Napakamot naman siya sa batok niya." I'm having a trouble on wearing this necktie. Hindi ko alam kung pa'no." He avoid his gaze on me, as if he's shy. Lumapit ako sa kanya at tinali ang necktie niya. Good thing he's not asking me to pick between things like what his brothers did.
" Uhm kuya....."
" Hmmm?."
" Hindi ba talaga aattend si ate Katria ngayon? I do really miss her. Sayang, party pa naman ngayon." He pouted like a baby. Well, he's not literally a man. Isip-bata parin siya at inosente. He even told us when we were in high school that he wants to have an older sister. That's why he was happy when I got a girlfriend, Cheska. They were both so close to each other because finally his wish came true. But it was just permanent. She did left us... me.
I shook my head." Maybe she wouldn't. Derrick texted me 2 hours ago that the burrial just ended. Katria cried really hard because it was the last time that she could see her father. She maybe upset right now. 'Wag nalang muna natin siyang pilitin." I answered.
" Nakakaawa naman si ate. Masakit talaga 'yun para sa kanya at nasasaktan rin ako para sa kanya, kuya. She's my new ate and I want her to be my sister that's why I'm really worried."
Nagulat ako sa huling sinabi niya. Did he really mean it? How could it be possible that Kat would be her sister. They don't even have the same blood. Maliban nalang kung iba ang iniisip niya. He even said it before.
" What are you thinking, huh?." I raised my eyebrow.
He laughed." Hindi ganun 'yun, kuya. Unless you want it. Bagay naman kayo."
" Tsk. I'm not ready for that kind of thing, Akken." I rolled my eyes.
" Eh? So kung ready kana, okay lang sayo? Yiie. I would tell ate whenever she'll arrive." Tiningnan niya ang sarili sa salamin habang ngiting-ngiti pa.
" Don't you dare. That's not what I meant. Just go downstairs, wait me there."
Nakibit-balikat lang siya." Okay."
I finished my things and after that we went to the university. There were many students when we arrived even though its just 6:15 and it's too early to start. The party will be held in the whole university ground because it's too big and the students would probably fit in. The stage was fully decorated with the freshmen designers to inhance their design concepts. The bench on the corners were also designed with ribbons, red in the left, yellow in the middle, and blue in the right to represent the Philippine flag. They also put a red carpet in the middle where the students would walk when their name is called. It is going to be by course. The spotlights were placed above the stage and there were also food catering that was sponsored by the stockholders. Though, the principal didn't allow the students to eat because the event haven't started yet. They can also drink alcoholics but not too much to prevent vomiting.
'Shocks! Guys they're here'
'Omo! Look oh, si Daron. He's so handsome even though he's wearing a deadly look'
'Gosh! Shael is so damn hot'
'I can smell Cohen's perfume in my place. So attractive'
'Raizer is so cool even if he's not smiling '
'Omg! Akken is such a nice guy. He smiled at me'
I didn't bother those girls who were screaming till death. Kulang nalang maglaway sila dahil sa kakatitig sa'min. Tsk. This is the reason why I don't want to be famous or popular because it's going to be the result. Raizer and I hates it.
" Dudes, we'll see each other after the grand entrance." Shael bid goodbye and we also did the same to each other.
I went to my respective place, on my friends. I don't even know some of my classmates so what's the point of mingling with them. Call me a jerk but I didn't really know all of them. Jude wave his hands on me when he saw me walking around. Eron and Ryder saw my existence that's why I got their attention.
" Uy bro! Here, drink this." Eron gave me a glass of Jamaica and I took a sip on it. This drink was a little bit tang but at the same time bitter. Gumihit sa lalamunan ko ang lasa.
" Hindi pa ba nakauwi yung babysitter niyo?."Ryder chuckled and I just rolled my eyes. Why is that whenever I talk to someone, she'll always be the topic.
" Why did you ask?!." I just played the straw on my glass, not planning to take another sip. Wala akong planong malasing dahil marami pa akong gagawin mamaya.
" Crush niya daw kase 'yun, Dale. He told us earlier." Jude laughed that's why Ryder nudged him.
" Are you planning to play with her, Ryder?." I smirked." You better not. She's not the type of a girl that is easy to get. And most of all, I don't think she would like you." I added.
Humagalpak naman ng tawa si Eron." Weh? Choosy niya naman pala, bro. Our friend is a sort kind of a handsome guy. Kahit hindi ka niya kalevel." Ryder glared on him.
" Well, she's different. Physical features is not her target and she's not ready to enter any kind of relationships." I said seriously.
" You sound like a protective boyfriend." Jude sook his head that make the two morons laugh.
Parang may bumara sa lalamunan ko ng sabihin niya iyon." S-Shut up, I'm not. I-I need to go." I left them in the table, still laughing. I took a deep breathe and went to the backstage to prepare. Even if there are still 2 hours to start the program.
As what I've said, I hate attentions that's why prefer to stay here until the program will start. Babalik lang ako sa mga kaibigan ko kapag nagstart na ang pagtawag sa bawat kurso. I couldn't do anything if it's my turn to talk in front, students would surely scream. As always.
KATE CHANDRIA'S POV
Nakatulala lang ako sa kawalan habang nakasandal ang likod sa headboard ng inuupuan ko. Kakatapos ko lang umiyak at siguro natuyo na lahat ng luha ko sa mukha ko. Mas matagal akong huminto sa pag-iyak kumpara sa mga kapatid ko. Nakatulog sila sa byahe dahil pagod rin sila kakaiyak kanina. Umalis kaagad kami pagkatapos ng libing pero nagpaalam rin kami sa mga kakilala namin doon. Kailangan pa kase namin asikasuhin yung bago naming bahay sa Manila at aayusin pa namin ang mga gamit namin doon. Nauna na nga sina Vera at Ri-Ri para dalhin yung iba naming mga gamit sa bahay. Nabayaran kona kase 'yun dahil nagpadala ako ng pera sa kambal nung isang araw para maging akin na 'yun. Excited narin daw sila na bumalik dahil sigurado silang aattend sa acquaintance party.
Hindi ko nga alam kung aatend ba talaga ako o ano. Sinabihan ko silang dalawa na 'wag sabihin sa iba na pauwi na ako. Baka kase mag-assume sila na makakapunta talaga ako kahit hindi pa talaga ako sigyrado kung tutuloy ba ako. Marami pa akong dapat gawin at iadjust. Hindi pa ako pwedeng magsaya dahil kakalibing lang ng Itay ko. Pagka-walang respeto ang ganoon.
" Anak, alam mo ba ang address ng titirhan natin?."
Tumango ako." Oo naman, Inay. Nakapunta na ako dun ng isang beses at natatandaan ko pa naman. Mga 20 mins. bago tayo makarating doon." Tumingin ako sa labas. Nakasakay na kami ngayon ng taxi at papunta na kami sa lilipatan namin. Gising narin yung mga kapatid ko at naglilikot na si Sasha na para bang ngayon pa nakakita ng ganitong lugar.
" Ang ganda talaga dito, ate. Sayang at hindi natin kasama si Itay na lumipat." Lumungkot ang mukha ni Sasha at yumuko. Inangat naman ni Cyd ang mukha niya at ngumiti.
" He's in the heaven right now, aren't you happy? Just think that he's always with us." sambit ni Cyd. Alam ko namang pinapagaan niya ang loob ng kapatid niya.
Ginulo ko ang buhok nilang dalawa." Hintay lang, makakarating rin tayo maya-maya. At pagdating natin dun, kakain agad kayo bago matulog, okay ba?." Pareho naman silang tumango.
" Anak." Napatingin naman ako kay Inay."Alas otso y medya pa naman magsisimula ang party niyo, makakapunta ka pa. Sayang naman 'yun, mukha pa namang hinihintay kang dumating ng mga kaibigan mo. Sinabi nilang okay lang pero alam kong pinagdadasal nun na makapunta ka." dagdag niya pa.
Huminga ako ng malalim at tumungo nalang. Hindi ko namalayang nahinto na pala ang sinasakyan naming taxi kaya nagsilabasan na kami. Nagbayad ako ng eksaktong 500 pesos dahil apat kaming sumakay, may bayad rin kahit bata. Mabait naman si manong dahil tinulungan niya kami sa mga gamit namin kahit hanggang sa pinto lang ng bahay. Nauna nang pumasok ang mga kapatid ko at naglibot sa buong bahay habang kami naman ni Inay ay nagbubuhat ng mga gamit. Nagpasalamat kami kay manong bago siya umalis kaya nagsimula na kaming maglagay ng mga gamit. Mga bandang 7:30 na ng matapos kaming mag-ayos ni Inay at kakatapos lang namin kumain.
Pumasok ako sa kwarto ko dahil hindi ko pa ito natingnan kanina. Nagulat ako ng may nakitang isang malaking box at may pares ng black sandals sa gilid nito na sa tingin ko ay 4 inches ang heels. May make up kit din at tsaka accessories na ikinataka ko. Sakto namang tumunog ang phone ko at nakitang tumatawag Vera kaya sinagot ko ito.
[ Uy bruha! Sabi nung kambal may binilin raw silang set dyan sa kwarto mo kung sakaling nandyan kana. Hindi namin sinabi ni Derrick na pauwi kana para surprise. Nagtipon-tipon kaming lahat dito sa ground kasama yung lima pero maghihiwalay din kami maya-maya kapag tinawag na ang kurso namin. Nasa'n kana ba kase?! ]
Pabalik-balik akong naglalakad dito sa loob ng kwarto ko, hindi alam ang gagawin. Hindi ko naman ineexpect na magbibilin yung kambal ng gamit dito eh hindi rin naman nila alam kung anong oras ako makakauwi.
" Nandito na ako sa bahay, kakakita ko lang sa binilin nila. Gagi! Hindi ko alam kung anong gagawin. Nags-start na ba dyan?!." kinakabahan kong tanong. Maingay kase sa kabilang linya at malakas rin ang sounds.
[ Hindi pa. Basta suotin mo nalang yang nakahanda dyan tapos search ka sa youtube ng tutorial kung pa'no mag-make up. Makakahabol ka pa niyan basta bilisan mo lang. Go na! ]
Jusko! Ano ba naman 'to?!
" Naman oh! Hintayin niyo ako! Bwisit!." Inend ko na ang tawag at dali daling binuksan ang malaking box.
Bumungad sa'kin ang isang malaking tube black gown na may mga diamonds na nakapalibot dito. Kinuha ko ito ang sinuot, mukhang sakto lang ang size na napili nila dahil nagkasya naman sa'kin. Kumikinang ito sa ganda pero hindi ako kampanteng suotin dahil makikita ang dibdib ko. Gad! Sinunod kong isuot yung silver necklace na nasa box, terno ata sa gown na suot ko dahil parehas ng designs. Yung earings naman ganun din, mukhang isang set talaga toh. Sinubukan ko naman ngayon yung sandals at kasya lang din sa paa ko, pa'no nila nalaman ang size ko?! Binuksan ko yung make up kit at halos malaglag ang panga ko dahil mukhang branded talaga ang make-up na 'to. Nagsearch agad ako sa youtube kung paano 'to gamitin at yung basic lang yung sinunod ko. Wala na akong oras para mag-inarte pa.
Nang matapos ako ay tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Napanganga ako dahil mukhang hindi kona talaga makilala ang sarili ko. Medyo nakapalan ko ata ang paglagay kaya mukha na talaga akong sasabak sa Miss Universe. Char. Tinry kong pakulutin yung buhok kong bagsak para naman makaranas ako kahit ngayon lang dahil ngayon ko lang din naman ito gagawin. Hindi ko kase bet minsan ang kulot na buhok. Medyo wavy style lang din naman ang ginawa ko at hindi yung kulot talaga. Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mata ko ng makitang 8:30 na. Shet na malagkit. Nagsimula na. Pucha.
Nagmamadali akong naglagay ng Victoria's Secret na perfume at kinuha ang shoulder bag kong black para ilagay dun ang mga kailangan ko. Nahihirapan man ang bumaba ako sa hagdan dahil second floor naman ang bahay namin. Nakita ako ni Inay dahil nagpupunas siya ng vase sa baba ang nagulat siya ng makita ang itsura ko.
" Diyos porsanto! Ikaw ba 'yan, anak?!." gulat niyang sabi at napatakip sa bibig niya.
Pilit akong ngumiti at humalik sa pisngi niya." Opo, Inay. Kailangan kona pong umalis. Mag-ingat kayo dito, babalik ako bago mag alas dose. Bye." Agad akong lumabas at nag-abang ng taxi. Mabuti nalang at may dumadaan pa ng mga ganitong oras kaya nakasakay agad ako.
" Manong, sa University Of The East po tayo." sambit ko.
Kinakabahan talaga ako ng makarating na ako sa tapat ng university. Wala nang tao dito sa gate dahil alam kong nasa loob na silang lahat. Rinig ko pa mula dito ang hiyawan ng mga estudyante at tunong ng music. Mabuti nalang at nandito si manong guard kaya agad akong lumapit sa kanya.
" Good evening po, manong. Nagsimula na po ba ang grand entrance?." tanong ko.
Napalingon naman siya sa'kin."Hindi pa po miss. Dance introduction pa po ata 'yan. Pasok na po kayo para makaabot kayo."
Hindi na ako nagsalita at tumango nalang. Nangininig ang kamay ko ng pumasok ako sa loob. Malaki ang school ground kaya ang lawak ng space para sa lahat ng mga estudyante. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil hindi naman nabanggit ni Vera kung saang pwesto sila. Ano kaya kung tawagan ko? Aish. Hindi narin nun maririnig na nagring ang phone niya dahil mukhang nagsisimula na nga.
Ang daming tao dito at ang hirap nilang hanapin. Ewan ko kung saang upuan ba sila, sa red, blue, or yellow. Sana kase tinanong ko muna nung tumawag siya eh. Nakisiksik nalang ako ng konti para makita kung anong nangyayari sa harap. May sumasayaw pala.... si S-Shael?! Amporkchop! Kaya pala todo tili sila. Nang bumaba na sila ay tinawag na naman si Daron. Ano namang gagawin niya? Kakanta ba siya?! Ay mahabagin! Siya ba 'yan?! Ba't parang nadagdagan yung level ng kagwapuhan niya. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiting mag-isa.
Naiinis ako dahil hindi ko marinig yung speech niya. Tili kase ng tili yung mga babaeng katabi ko. Ano bang nakakakilig dyan bukod sa bises?! Mukha lang naman siyang nagm-misa, english nga lang. Ah basta. Ang narinig ko lang ehh yung thank you niya. Kaasar.
" And now let's start the grand entrance." sambit ni Akken, siya pala yung emcee. May kasama rin siyang babaeng freshmen na mukhang maattitude. Bumaba sila ng stage at may pumalit namansa kanila, teacher ata.
" Please welcome the students of Bachelor Of Arts In English Language ( BS EL)." saad nung emcee at naglakad isa-isa yung mga estudyante sa red carpet na nasa gitna. Malaki yung ginawang space para kitang kita sila 'pag naglakad sila. Tapos ang nakakahiya pa ay may kanya-kanya ring spotlight ang bawat isa. Paktay!
Tinawag narin ang marami pang kurso at kasama na dun ang kurso nung lima pati narin kay Vera. Confident silang naglakad nung tawagin ang kurso nila kaya mas bumaba ang confidence ko sa sarili ko. Hindi ko naman kase alam kung anong itsura ko ngayon. Wala kaseng masyadong ilaw rito sa kinatatayuan ko kaya hindi napapansin ng mga katabi ko ang itsura ko.
" Students of Bachelor Of Secondary Education Major in English."
Napalingon ako sa dulo ng carpet at nandun na pala yung mga ka-schoolmates ko. Gosh! Hindi ako nainform na may assemble pala sa likod bago tawagin ang kurso mo. Dali dali ako sumiksik sa mga tao, todo excuse me ako hanggang makarating ako sa dulo. Sumisigaw sila at pumapalakpak sa mga rumarampa kaya napatakip ako sa tenga ko. Nang makarating ako sa dulo ay inayos ang ang gown ko at ang buhok ko. Tatlo nalang pala ang natira at pang-apat ako. Ang layo kase at nasa pinakadulo talaga ito kaya mukhang mataas taas ang paglalakad na gagawin ko. Takte! Sana lang hindi ako madapa. Ayokong maging kahiya-hiya. Itay naman ipagdasal mo ako!
Nung ako na ay nagsimula na akong maglakad. At dahil hindi naman ako sigurado sa itsura ko ay hindi ako nagsmile, kumbaga fierce lang. Ganito kase yung napapanood ko sa mga rampa 'yun bang talagang may confidence ka pero wala ako nun. Sa harap lang talaga ako nakatingin, kita ko pa sa peripheral view ko na nashock sila at nagbubulungan pa. Nang makarating ako sa gitna at malakas na palakpakan ang narinig ko. Mukhang sa mga nauna 'yun at hindi sa'kin. Assuming ko naman kung ganun. Nyeta! Baka naman nakakatakot ang itsura ko ngayon.
Hindi ko mapigilang lumingon sa kaliwa nung malapit na ako sa harapan. Nagulat ako ng makita sila Vera, Ri-Ri, Aira, Jaimie, Aika, Jeric, Doreen, Christophe, Phillip, Lucy, Shin, at yung lima na nakatingin sa'kin. Sa itsura nila parang nakakita sila ng multo kaya umiwas nalang ako ng tingin. Lumingon muna ako ulit sa audience at ngumiti bago tumalikod ulit dahil 'yun naman ang ginagawa nung mga nauna sa'kin. Gaya-gaya si ako, amp.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sa kaliwa ba o sa kanan. Maya-maya ay nagulat ako ng may humila sa'kin at dinala ako kung saan. Muntik pa akong madapa dahil sa lakas ni Vera. Letse! May nakatingin pa nga sa'min..... este sa'kin pala. Nakakahiya na talaga toh.
" Ano bang trip mo, Vera?! Nakakahiya kaya yung ginawa mo! Para kang naghihila ng baka." Napairap nalang ako ng mahila ko ulit yung braso ko.
" KATRIA?!."
Napaigtad ako ng sabay-sabay nila akong tawagin. Tinaasan ko sila ng kilay. Bakit ba dapat sabay tsaka malakas. Pinapahiya talaga ako ng mga 'to. Ang panget pa naman ng itsura ko.
" Ate!." Halos matumba ako ng bigla akong yakapin ng Akken. Nakaawang ang labi ko at nanlaki ang mata, nagulat sa ginawa niya. Ang higpit pa ng pagkakayakap niya kaya hindi talaga ako makagalaw." Namimiss talaga kita ate. Ang sabi mo hindi ka pupunta."
" Hindi naman kase talaga kung hindi lang ako pinilit ni Vera at hindi nagbilin ng susuotin yung kambal." sagot ko at naapiling nalang.
Dinaganan naman ako nung mga babae kaya napapikit ako dahil hindi na ako makahinga."Ganda ng pa-welcome niyo ah. Mukhang may balak kayong patayin ako. Ilang araw lang naman akong nawala."
" Eh? We missed you." Ngumuso naman si Aira.
" Why? Hindi mo ba kami namiss?." Kumunot ang noo ni Jaimie.
" Duhlh. Bakit ko naman kayo mami----Aray! Ano ba?!." Sinamaan ko ng tingin si Aika ng paluin niya ako. Ang brutal niya talaga kahit kailan.
" Well, you're stunning tonight. Sinong nagbihis sa'yo?." tanong ni Lucy.
Ngumiwi ako." Ako, syempre. Sino ba namang magbibihis sa'kin eh walang alam si Inay. Hindi ko nga alam kung sakto ba ang pagkakasuot ko sa mga 'to. Lalo na 'tong make up sa mukha ko." Napairap ulit ako dahil sa pagkairita. Hindi naman ako sanay magsuot ng ganito lalo na ang maglagay ng make up sa mukha. Sagabal talaga, sobra. Malay ko bang ganito talaga ang feeling eh ngayon pa naman ako nakaranas nito.
" Geez. Magaling ka pala magmake-up, Kat. It suits you very well." sambit ni Doreen.
" Yeah. Agree." sang-ayon naman ni Christophe.
" Joke ba 'yan?!." Nagcross-arms ako." Ang kapal nga siguro ng pagkakalagay ko dahil nagp-panic na ako. Pinagloloko niyo ata ako."
" They're right. Haven't you noticed the stares of the students while you were walking on the red carpet. They said that you're so elegant." saad pa ni Phillip.
" Mukhang hindi ka nga ata nakilala nila." sabi naman ni Jeric.
" Woah! Pinsan ko 'yan." Kinurot ko si Ri-Ri sa tagiliran dahil sa sigaw niya. Mabuti nalang at hindi ganun ka lakas.
" Hey." Napalingon ako kay Shin."You're so pretty." puri niya sa'kin. Nagsitawanan naman sila, maliban lang sa lima na medyo malayo ng konti sa'min.
" Bolero.... pero thank you." Ngumiti naman ako.
" Guys pwede na raw kumuha ng pagkain. Sa wakas, kanina pa ako nagugutom." singit ni Vera at nauna na. Natatawa naman silang sumunod sa kanya. Syempre nandun rin 'yung boys para alalayan yung girls dahil naka-gown sila.
Agad naman ako lumapit dun sa lima. Grabe! Ang attractive nilang tingnan. Pareho silang lahat na nakablack tuxedo, magkakapatid ehh. Hindi nila ako napansin dahil may pinag-uusapan sila. Nakatalikod kase sila kaya hindi nila ako napansin na nakatayo sa likuran nila.
" She's so gorgeous. Damn." Tumawa ng mahina si Shael. Nasa counter kase kami ng alcoholic drinks. Umiinom ata sila. Teka.... hindi pa pwedeng uminom si Raizer at Akken, 17 pa sila pareho.
" I didn't know that she would transform like that. Nagulat talaga ako." Mukhang may tinunga si Cohen kaya alam ko umiinom talaga siya.
" What do you expect? She's pretty even without a make up, what's more if she's wearing it." dagdag naman ni Raizer at may tinanggap sa counter.
" Proud brother, here." Napalingon silang lahat kay Akken na nakangiti pa. Kumunot ang noo nila at napailing nalang, si Raizer tumawa.
" I'll ask her to dance with me, later." Kung nagulat sila sa sinabi ni Daron, pa'no pa kaya ako. M-Makikipagsayaw siya sa'kin?! Holy mother of shit! Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Kailang hindi ako magpa-apekto.
" Excuse me?! Are you guys backstabbing me?!." Kunwari mataray ako at nakataas pa ang kilay. Gulat silang napalingon sa'kin at naubo, nabuga pa nga ni Dale ang iniinom niya.
" Kanina ka pa dyan, ate?." Nakangisi si Akken kaya alam kona agad ang iniisip niya.
" No, just arrived. May pinag-uusapan kase ako kaya baka ako 'yun. Assuming ko talaga." Binulong ko yung huling sinabi ko dahil nagpapanggap lang naman akong walang narinig.
" Ah... so you didn't hear it?." Napakagat ng labi si Raize, halatang pinipigilang ngumiti.
" Ha?." Sige maang-maangan pa."Ang alin?." Lumingon pa ako sa mga kapatid niya para tanungin. Mapagkunwari talaga ang ate niyo. Sorna.
" Sabi ni kuya, isasayaw ka raw niya ngayon. If it's okay with you." Ngumiti si Cohen kaya napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Tangeekkk!!
" Pumayag kana, Kate. Kuya naman 'yan, aayaw ka pa ba?." Akmang sasagot ako sa sinabi ni Shawn ng biglang tumayo si Daron at hinila ako.
Nagulat ako at lumingon dun sa apat pero kinawayan lang nila ako at ngumiti pa. Kung hindi lang ako naka-blush on baka halata nga na namumula ang pisngi ko. Hindi naman malakas ang pagkakahila niya at
nagpatiyanod lang ako.
" Wanna dance with me?."
Sasagot sana ako pero tinikom ko nalang ulit ang bibig ko at tumango. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa magkabilang balikat niya habang yung mga kamay niya naman ay nakalagay sa bewang ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko ng gawin niya 'yun. First time ko 'tong sumayaw.... at siya yung nauna. Ang swerte niya.
" Daron."
" Hmmm?."
" Maraming nakatingin." Yumuko ako ng konti dahil parang ayoko sa mga titig nila. Naging Center of Attraction tuloy kaming dalawa.
" Don't mind them. Just go with the flow."
Hindi na ako muling nagsalita pa at sumunod nalang sa sinabi niya. Hindi naman mahirap ang steps kaya kahit papa'no ay nakasabay ako. Marami rami narin ang sumasayaw kasama ang partners nila at pinalitan rin ang kanta ng 'Perfect' by Ed Sheeran.
" Kate?." Inangat ko ang tingin ko sa kanya." I... I-I think I like you." Natigilan ako sa sinabi niya at napahinto sa pagsasayaw, ganun din siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang mawawalan ako ng hininga. Bakit ba ganito ang epekto niya sa'kin?!
Tumango ako." I-I like you too." Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ang mga katagang 'yun. Basta bigla nalang lumabas sa bibig ko. Napatingin ako sa kanya at hindi rin siya makapaniwala sa sagot ko.
Ang awkward na ng atmosphere ngayon! Juicemother!
-----------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro