Chapter 25 - Good News, Bad News
KATE CHANDRIA'S POV
Tatlong araw na ang nakalipas at sa wakas ay nakalabas na rin ako ng hospital. Pinayuhan lang ako ng doktor na huwag muna masyadong mapagod sa paglalakad dahil hindi pa gumagaling ang hiwa sa tuhod ko at mag-ingat raw ako palagi para hindi na ako mapagtripan ulit. Kahit naman nag-iingat ako wala namang nagbabago, lumalapit parin ang malas sa'kin. Supposedly I'm going to take a rest at home but I forced them that I can go back to the university. Marami pa akong dapat tapusin at dapat habulin.
" Here's your new phone. I saved our numbers here so that you can text or call us if needed." Binigay sa'kin ni Daron ang isang box ng realme Y11 at mas malaki ito kumpara sa dati kong phone. Nasira daw kase talaga dahil sobrang ng impact nung madapa ako sabi ni Cohen. Hindi niya rin maayos kahit anong gawin niya dahil sirang sira na ang screen ng phone ko at hindi naman siya professional para magawa 'yun.
" Sinong bumili niyan? Hindi ko 'yan matatanggap." sagot ko habang hindi siya tinitingnan. Busy ako kakaayos ng mga gamit konsa bag dahil aalis na kami ni Ri-Ri ngayon.
" Mom bought this for you. We told her everything that happened to you and she got mad. She said that she's going to fire Stella's mom."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya." Ano? Ba't niyo naman sinabi? Kailangan kong makausap si tita."
" Then accept this and call her."
Wala akong nagawa kung tanggapin iyon at icheck ang laman. Hindi naman ako sanay sa ganitong klaseng phone, okay na ako dun sa dati ko. Mukhang kompleto naman ang mga apps kaya sinign in ko yung mga account ko. Akalain mo 'yun ang daming notifications at messages, mapa-facebook, instagram, o twitter man.
Maaga kaming nakarating sa university kaya konti pa yung mga estudyante na nandito. Napapatingin sa'kin yung iba ang parang may sinasabi, pinag-uusapan yata ako. Hindi ko naman alam kung bakit. Hindi naman siguro naissue yung pagka-trap ko sa stock room, diba? Wala naman daw tao na nun dahil mag-aala sais na nang makita nila ako. O baka naman may nagpakalat. Aba! Ewan ko!
" Katria! I miss you!." Halos hindi na ako makahinga dahil sa higpit ng yakap ni Aika. Nakisama pa sina Aira, Lucy, Doreen, at Jaimie. May balak na ata silang tuluyan ako. Akala mo naman ang tagal naming nagkita eh dumalaw nga ulit sila sa'kin kahapon sa hospital dahil lalabas na raw ako. Sumama pa sila sa mansion, pinasama ni Akken dahil nasobrahan sa bait. Para tuloy silang inasinan dahil tili ng tili nung makapasok kami. Sina Jeric at Christophe ayun nakabugsangot hanggang ngayon dahil kilig na kilig raw si Aika kay Shael tapos si Doreen naman kay Cohen. Hindi tuloy lumapit sa'kin hanggang sa makaupo ako sa upuan ko.
" Psssttt, Shin." Gulat siyang napalingon sa'kin. Nginuso ko sina Jeric at Christophe na parehong nakacross arms at nakatingin lang sa blackboard. Take note, ang sama ng tingin nila dun na para bang mabubutas.
" They're mad. They didn't even join our conversations. Maybe because Aika and Doreen didn't talk to them since we've got to the mansion yesterday. Nagtatampo ata kaya hindi nalang din sila namamansin." bulong niya rin pabalik. Nasa second row kase siya tapos third row naman ako. Hindi naman kami napapansin ng mga kaklase namin dahil may kanya kanya silang ginagawa.
" Lika may plano ako." Lumapit naman siya sa'kin at umupo sa tabi ko, sa pwesto ni Aika. Nandun kase siya nakikipagchikahan kina Doreen kaya pwedeng umupo si Shin dito. Si Aira din wala kase pinatawag ng adviser namin sa office dahil may notes daw na ipapasulat, kasama niya si Lucy since siya ang secretary namin. Napaiwan lang si Shin dito dahil siya ang President at para bantayan ang mga kaklase namin.
" What is it?."
" We already know that Chris and Reen have a feelings for each other yet they don't have confidence to confess their feelings. While Aika and Jeric were always been enemies but deep inside they really like each other." Tumango naman siya sa sinabi ko." So our plan is we're going to make the girls jealous."
Pinagplanuhan namin ng mabuti ang gagawin namin. Hindi rin namin pinaalam yung mga lalake sa gagawin namin, like secret lang talaga namin 'yun. Ang plano namin ay maghanap ng babaeng may crush dun sa dalawa tapos aayain naming makipaglunch kasama sila. Ang sabi ni Shin dapat raw sa ibang section kami maghanap para daw hindi nila kilala. Tutal magc-copy lang naman ng notes ay lumabas kami at manghihiram lang kami ng copy sa mga kaklase namin.
" Uy copy muna bago date. Kayo ah." panunukso sa'min ni Phillip. Napairap nalang ako dahil ganyan naman siya kapag may nakitang babae at lalaki na magkasama, date agad.
" Saang section ba tayo maghahanap?." tanong ko.
Hinila niya ako papunta dun sa section na maingay." Here. Vacant sila kaya makakapagtanong tayo."
Hindi kami pumasok at naghintay lang sa labas. Nahihiya kase kaming dalawa dahil baka anong isipin ng mga estudyante sa loob. Maya maya ay may tumabi sa'kin na babae. Dalawa sila at maganda, maputi rin. Mukhang hindi nila kami napansin dahil may kinukulikot sila sa phone nila. Hindi ko sinasadyang makita ang picture ni Christophe sa wallpaper niya nung bumalik siya sa homepage kaya nagulat ako at kinurot si Shin dahilan na mapaingay siya. Napatingin sa'min yung dalawang babae at nagulat, pero mas nagulat sila ng makita si Shin.
" Hi! Kilala niyo ba si Jeric Zurich at Christophe Cyndi? Yung mga classmates namin." diretso kong tanong sa kanila. Napatakip naman sila sa bibig nila at agad na tumalikod, nahihiya ata.
" Do you think it would work out?." bulong sa'kin ni Shin kaya tumango ako.
" Yeah. A-Actually Christophe is my crush. And my bestfriend also likes Jeric." Kinikilig yung babaeng katabi ko kanina." Diba kagrupo mo sila, Shin?." baling niya naman dito.
" Ah yeah. They're my friends. Wanna have a lunch with them? Kami na ang bahala." sagot naman ni Shin.
" Really? You would do that? What do you want in return?." Napatingin kami dun sa bestfriend niya.
" Nope. Just talk to them nicely, open a topic and be sweet." sambit ko at ngumiti sa kanila.
" Yup. Thankies!."
Pagkabalik namin ni Shin sa room ay ngiting ngiti kami. Syempre, wala na kaming problema sa babae. Ang kulang nalang ay dapat magselos talaga sina Doreen at Aika. Pero bago 'yun, sasabihin muna namin sa dalawa na may gustong makipag-lunch sa kanila. Pinuntahan namin sila ni Shin sa second row, magkatabi sila at ganun parin ang posisyon nila simula kanina.
" Hey guys! Guess what?!." Umupo kami sa harap nila kaya napatingin sila sa'min at umayos ng upo.
" Ano?." sabay nilang tanong.
" There are 2 girls who wants to have a lunch with you. We met them in the hallway and they said that they really admire you the most. Ayaw niyo naman sigurong tanggihan sila, diba?." saad ni Shin.
Kumunot naman ang noo nila at nagkatinginan." Bakit naman kami papayag?." tanong ni Jeric.
" Dali na. Maganda naman 'yun tapos maputi pa bagay na bagay kayong apat. Tsaka wallpaper ka nga nung isa Chris, ang gwapo mo pa naman dun. Sige na ba, lunch lang naman kaya pagbigyan niyo na." Niyuyugyog ko ang balikat niya at sinadya kong lakasan ng konti yung boses ko para marinig nung dalawa. Nasa first row kase sila at isang linya lang ang pagitan sa inuupuan nila Chris at Jeric kaya alam kong naririnig nila.
" Ah... sige." Napakamot nalang si Christophe sa batok niya. Alam ko naman talagang papayag siya dahil mabait naman ang isang 'to. Si Jeric nalang ang hindi pa.
" Friendly lunch lang, Jeric. Don't want to interact with your admirers?." Lumingon siya kay Shin at nagdadalawang isip pa.
" Okay, fine. Payag na'ko."
" Basta, tandaan niyo ha! Talk to them nicely, don't be such a snobber. Dapat with smiling face ganun." Naguguluhan man ay tumango sila sa sinabi ko kaya malaya kaming nakabalik ni Shin sa inuupuan namin.
Gaya ng pinag-usapan ay ganun nga ang nangyari. Kasama ko ang kambal at sina Jaimie, Lucy, at Doreen dito sa table habang si Shin ay si Phillip lang yung kasama sa table nila. Tinatanguan lang namin ang isa't-isa kapag nagtatama ang paningin namin. Sina Christophe at Jeric nakaupo na dun sa table habang hinihintay yung dalawang babae na nakipag-deal sa'min.
" Let's eat. Giginaw ang pagkain natin." paalala ni Jaimie kaya nagsimula na kaming kumain.
Napatingin ako sa kinaroroonan ng target namin nang dumating na sila. Nakapag-order naman na yung mga lalaki kaya ready to eat na yung girls. Nag-usap pa sila at hindi pa kumain, nagpapakilala ata sa isa't isa dahil may shake hands na naganap.
" Sino ba yang tinitingnan mo, Kat?." Lumingon si Lucy sa tinitingnan ko at agad na nanlaki ang mata." Omg! Who's that girls?!."
Napalingon naman silang lahat dun habang ako kina Aika at Doreen na nakatingin. Nakita kong tumaas ang kilay ni Aika habang bumugsangot naman ang mukha ni Doreen kaya palihim ako natawa. Tiningnan ko si Shin at ganun din ang reaksyon niya. Mukhang gumagana ang plano.
" Hala! Pa'no na 'yan twinny? Ikaw kase eh, ang taas ng pride mo, hindi mo kinausap. He might choose that girl. Look, seems like they're enjoying their conversation." sambit ni Aira kaya napairap ang kambal niya.
" So what? I don't even like him." pagmamatigas niya pa.
" Eh ikaw Reen? Ayaw mong puntahan si Chris? Maybe he was just mad because you're not talking with him. Isang kausap mo lang dyan maiiwan yang mga babae na 'yan sa ere." suhestiyon naman ni Jaimie. Ayos ah! Dami kong kakampi.
" But he didn't talk to me too. Patas lang kami! Why would I do the first move?." inis niyang tanong.
" Minsan, hindi lang lalake ang gumagawa ng first move. Kailangan mo ring gumawa ng paraan para magkaayos kayo. I know you two have feelings for them, why don't you confess it before it's over? Malay niyo, baka maghihintay lang din sila sa inyo." singit ko. Natahimik sila at nakatitig lang sa pagkain nila.
" I think you guys should go before that girls would steal your boys." Sinipsip ni Lucy ang juice niya at saka tumingin sa kanila. Bilang tumayo si Aika at sumunod naman si Doreen. Sinundan namin sila ng tingin habang papalapit sa table nila Jeric at Christophe na busy sa pakikipag-usap sa dalawang babae. Sana lang walang sampalan na magaganap dito. Jusko! Ang brutal pa naman nung si Aika.
Nilingon ko saglit ang direksyon ni Shin at napansin niya rin ang paglapit nila sa kabilang table kaya napalingon siya sa'kin. He laughed and gave me a 'what's that' look. Tinaasan ko lang siya ng kilay at binalik ang tingin sa scenario na mapapanood namin ngayon.
" Geez. I'm afraid my twin might pull that girls hair." Napatawa nalang kami sa sinabi ni Aira.
Nakita naming biglang hinila ni Aika si Jeric patayo. Syempre nagulat kami, pati na rin ang ibang estudyanteng nakakita sa eksena. Sinamaan ni Aika ng tingin yung babaeng kausap ni Jeric bago siya marahas na hinila palabas ng cafeteria.
" Whoah! Ang harsh ni girl ah." komento ko naman.
Si Doreen naman agad na umupo sa pwesto ni Jeric kanina at seryosong humarap kay Christophe na gulat parin sa presensya ni Reen.
" Babe, ano ba?! Why aren't you answering my calls and texts! Want a break up?."
Humagalpak kami ng tawa dito sa table dahil sa malakas na pagkakasabi niya nun. Pati sina Shin at Phillip nakitawa rin. Yung ibang estudyante nalilito kung anong nangyayari habang yung dalawang babae sa harap nila, ayun nganga.
" N-No b-babe. I'm sorry."
Mas lalo pa kaming natawa dahil sa itsura ni Chris. Mukha siyang kinakabahan at namumutla na nakatingin kay Reen na ngayon ay nakacross arms. Humarap siya doon sa dalawang babae kaya napaigtad sila bigla.
" Sorry, we just have a friendly lunch. We didn't know that they already have girlfriends. Sorry." Nagmamadaling umalis yung dalawang babae palabas ng cafeteria. Agad din naman tumayo si Chris at hinila si Reen kaya nagpatiyanod lang siya.
" I don't believe what's exactly happening right now." 'Dii makapaniwalang sambit ni Jaimie.
" It's our plan. Shin and I planned for it. Alam naming hindi sila magkasundo kaya 'yun ang naisip naming paraan. It really worked."
Gulat naman silang napatingin sa'kin." What?! So it was because of the two of you?! Baka sa susunod kayo ring dalawa ni Shin ang magkatuluyan." Umiling ako sa sinabi ni Aira.
" Nah. We're just friends. Yes, he's almost perfect but I don't see myself on him. At saka hindi ako pumapatol sa classmate 'no!." Lahat kami natawa sa sinabi ko. Shin? Hindi naman imposibleng magkagusto ako sa kanya pero kase..... hindi ko alam. Mukha yatang may gusto na'kong iba.
Pagkatapos ng nangyari kanina ay naging okay na yung apat. Mukhang sila na nga yata dahil ang sweet na sa isa't isa. Char sanaol. Hindi pa nga natatapos ang first semester at may jowa na sila. Ang sipag nila ah. Nagsorry na rin kami ng Shin dun sa dalawang babae dahil sa nangyari. Mabuti nalang at mababait kaya hindi nagalit.
Naalala kong ngayong hapon pala ang retake ko sa tatlong subjects kaya nagmamadali akong naglakad. Excuse na ako sa classes ko ngayon dahil alam na 'yun ng subject teachers ko. Yung adviser ko nalang na si Mrs. Dismal ang magh-handle ng exams ko tutal wala naman siya pasok sa oras na toh. Hindi na ako nakapagreview ulit simula nung ma-hospital ako. Pero sariwa pa naman sa utak ko yung mga nireview ko.
Huminga ako ng malalim bago kumatok sa office ng adviser namin. Sumagot siya kaya pinihit ko ang doornob at dahan dahang pumasok sa loob. Nakaupo siya sa swivel chair at nakaharap sa laptop niya habang nagt-type. May ginagawa ata siya.
" Am I disturbing you, maam?." magalang kong tanong. Tinanggal niya naman ang eyeglasses niya at ngumiti.
" No. Come here, I'll give you your test papers." Lumapit naman kaagad ako sa kanya habang tinitingnan niya laman ng isang brown envelope." Give me your bag. You shouldn't place it beside you to avoid cheating. I need to check your ballpen and paper to know if you placed any code there. No cellphone or calculator allowed. I'll give you 1 hour and 30 mins. to answer those three subjects." dagdag niya pa. Kinapa niya rin ang uniform ko para masiguradong wala talaga akong kodigo. Hindi naman ako nagreklamo dahil wala naman talaga akong nilagay. Kahit tingnan pa niya sa panty ko. Chos!
Nang matapos ako ay agad kong binigay sa kanya ang mga papel ko. Siya na daw ang magc-check dahil binigay naman sa kanya ang answer keys. Pinaupo niya ulit ako sa upuan ko at binigay niya na ulit sa'kin ang bag ko. Kinakabahan ako ng konti pero keri lang naman. Think positive lang.
" Okay. You can see the result." Binigay niya sa'kin ang answer sheet ko at dahan dahan ko itong tiningnan. Nanlaki ang mata ko ng makitang pasado ako sa tatlong subjects ko. Naperfect ko yung dalawa at isa lang yung mali kondun sa isa.
" Congratulations, Ms. Lyntheria. You've passed on your preliminary exam." Nakipagshake hands pa si maam sa'kin kaya hindi ko mapigilang matuwa. Sobrang saya ko ngayon.... sobra. Hindi ko inaakalang nakakapasa parin ako kahit na nagka-absent ako.
Masaya akong bumalik sa classroom namin sa last subject. Konting discuss lang naman at iniwan narin kami dahil may seatwork na binilin sa'min si maam. Nagsilapitan naman 'yung mga kaibigan ko sa'kin kaya alam ko na agad kung ano ang pakay nila.
" How was your exam? Did you pass?." nakangiting tanong ni Lucy. Naisipan ko bigla na iprank sila kaya kinagat ko ang labi ko at tumahimik. Hindi sila nagsalita at parang nagets naman nila kung anong ibig kong sabihin.
" Okay lang na-----."
" I passed. Nakapasa ako sa tatlong subjects ko!." Nanlaki naman ang mata nila at niyakap ako bigla.
" Talaga? Akala namin hindi dahil sa reaksyon mo. Congrats!." Pumapalakpak pa si Jaimie na parang bata.
" How about we celebrate tomorrow? Hindi pwedeng hindi dahil nakapasa ka." saad naman ni Aika habang nakaakbay sa kanya si Jeric.
" Yup! My treat dahil pumasa rin tayong lahat." sabi rin ni Doreen at nakahawak din sa kamay niya si Christophe.
" Oo na. But you guys are too clingy. Nakakasakit sa mata. Alam niyo 'yun?!." Napairap ako pero tinawanan lang nila ako. Kesyo humanap raw ako o di kaya'y kami nalang ni Shin. Todo deny naman kaming dalawa dahil ship raw nila kami.
" Alam niyo papatok ang chemistry sa inyong dalawa. Yung alam niyo, team KaShin. Ohh diba bagay?." Napailing nalang kami dahil sa kagaguhan ni Chris. Anong klaseng team 'yun?! Ang baduy!
" 'Wag niyo nang pilitin yang dalawang 'yan. Baka may iba na silang gusto. Hayaan nalang natin." Tumawa naman si Jeric.
Oo nga. Mabuti pa siya nakakaintindi.... na hindi na nila kami dapat pang pilitin si bagay na ayaw namin o hindi namin gusto. Hindi naman pinipilit 'yun diba? Dapat kusa 'yun o bigla mo nalang mararamdaman. Feel ko lang.
Nang makarating ako sa parking lot ay nandun na silang lahat, pwera lang kay Vera at Ri-Ri. Ngayon pa kase ang prelim nila at baka hindi pa tapos. Ewan ko ba kung bakit nahuli sila. Yung pinsan ko naman baka pinuntahan pa si Aira sa room namin dahil Vice President 'yun kaya nahuli. Kinuha ko yung phone sa bulsa ko at saka ko lang naalala na nakalimutan ko palang tawagan si tita kanina. Busy kase ako kakagawa ng paraan para mapag-ayos yung apat.
" Ano, ate? Kamusta? Have you take the exam of the subjects that you've missed?." biglang tanong ni Akken.
" Oo, kanina lang." nakangiti kong sagot.
" Then what? Did you pass?." Lumapit sa'min si Shael at hinihintay ang sagot ko.
" Don't tell me you didn't. Psh. Hindi ka talaga matalino." Binatukan ko naman si Cohen dahil sa pangmamaliit niya sa'kin.
" You have a sharp memory, don't you?! I'm sure you passed." Sumadal si Raizer sa balikat ni Shawn.
" Of course you did. You're a smart. Engot ka nga lang." Okay na sana yung una niyang sinabi kaso panira lang yung panghuli. Bwisit ka talaga Daron kahit kailan! Sinabi niya pa talaga yung nickname niya sa'kin noon. Argh, kairita.
" I'm known as the queen of the universe. What do you expect?! Syempre pumasa ako!." proud kong sagot.
Lumiwanag naman ang mukha nila at nakipag-apir sa kanila isa-isa. Si Daron inirapan ko pero marahan ko naman siyang tinulak sa balikat. Kahit naman nakakainis siya minsan----este palagi, close pa din naman kami.
" Katria! Yung mama mo tumatawag sa'kin. Hindi ka raw niya macontact." Agad kaming napalingon kay Vera ng bigla siyang sumulpot kasama si Ri-Ri. Humihingal pa sila kaya alam kong galing sila sa pagtakbo.
" Oo eh. Alam niyo namang nasira yung dati kong phone diba? Bago na ang meron sa'kin ngayon at wala pa akong number sa kanya. Akin na! Sasabihin kong napasa ang kyut niyang anak." Hindi ko alam kung bakit nag-aalangan siyang sumagot o kahit ngumiti man lang. May problema ba siya?
" Sige. May sasabihin rin ang mama mo sa'yo." mahina niyang sambit at binigay sa'kin ang phone niya. Niloud speaker ko iyon para marinig nila ang sasabihin ni Inay, excited pa naman ako.
" Hello, nay?."
[ A-Anak.....n-nasa skwelahan ka pa ba ngayon? ]
" Pauwi na po kami. Bakit po? Ba't ganyan yung boses niyo? May nangyari ba?." Sunod sunod kong tanong. Hindi ko alam kung bakit kinabahan nalang ako bigla ng tumahimik ang kabilang linya.
[ Y-Yung tatay mo.......s-sinugod sa hospital. Inatake sa puso ang tatay mo kanina, anak. Hindi namin alam ang gagawin ]
Nabitawan ko ang bag ko at biglang nanghina ang tuhod ko. Mabuti nalang at nahawakan nila ako kaya hindi ako natumba. Hindi ko namalayang tumulo na pala yung luha ko. Bakit? Bakit ganun? Linggo linggo naman ako nagpapadala ng pera pampagamot kay Itay, ah. Ang sabi ni Inay okay na daw siya. Ano 'to?!
" Cha-Cha, okay ka lang?." Hindi ko pinansin si Ri-Ri at huminga ng malalim bago nagsalita.
" A-Akala ko ba okay na siya? 'Yun yung sabi niyo nung nakaraan 'di ba?." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilang mautal. Ayokong malaman niyang umiiyak ako.
[ Hindi ko din alam. Umiinom naman siya ng gamot at sumusunod din kami sa bilin ng doktor. Nagulat nalang kami nang may biglang kumalabog sa kwarto niya at nang pumasok ako ay nakahiga na siya sa sahig. Hindi raw siya makahinga at kahit anong gawin namin ay hindi parin gumagaan ang pakiramdam niya ]
Napatakip ako sa bibig ko ng marinig ang malakas na iyak ni Sasha. Rinig ko ang boses ni Cyd na pinapatahan siya pero mas lalo lang lumakas ang iyak niya.
" N-Nay, pakibigay yung phone kay Sasha. K-Kakausapin ko lang." Hindi ko na talaga mapigilang mautal. Naiiyak na kase talaga ako.
[ Anak tahan na.... gusto ka daw makausap ni ate.... Ate? *sob* uwi kana dito *sob* kailangan *sob* ka namin ate *sob*. Si tatay kase *sob* ayaw gumising *sob* eh ]
" O-Oo sige, t-tahan na. Uuwi na si ate bukas kaya 'wag kanang umiyak. Iiyak rin si ate, sige ka." Hinahagod nila ang likod ko dahil humahagulhol na ako. Hindi ko na talaga kaya. Nasasaktan kase ako kapag naririnig kong umiiyak ang kapatid ko. Lalo na't wala ako sa tabi nila para pagaanin ang loob nila.
[ How about your studies ate? ]
" Magpapaalam naman si ate, Cyd. Ang importante makuwi ako dyan. Hintayin niyo lang ako, mag-iimpake lang si ate."
[ Anak, sigurado ka ba dyan? ]
" Oo, nay. Kailangan makauwi ako dyan para may makatulong sa inyo sa pag-aasikaso. Kapag hindi nila naasikaso si Itay, ipapatransfer ko siya dito sa Manila." sambit ko at pinunasan ang luha ko. Kumakalma na ako ng konti ngayon.
[ Sige, tawagan mo lang ulit kami kapag papunta kana. Tinatawag narin ako ng doktor mukhang may sasabihin ]
Pagkatapos ma-end ang tawag ay napahilamos nalang ako sa buong mukha ko. Bakit ba nangyayari ang mga 'to?! Kakalabas ko nga lang ng hospital at unti-unti nang nagiging okay ang lahat pero bakit.... bakit si Itay na naman ngayon?! Ganun ba talaga kamalas ang buhay ko?!
" Are you okay now? If not, then we can stay here for a few minutes."
Ngumiti ako ng pilit at umiling sa sinabi ni Cohen." Hindi, okay na ako. Kailangan kong magmadali para makauwi ako agad."
" You're going home? Iiwan mo kami?." tanong ni Raizer.
" No, it's not like that. Kailangan ako ng pamilya ko ngayon. Babalik din naman ako.... kapag okay na ang lahat. Sana maintindihan niyo." sambit ko.
" Don't worry, we understand you. You need to be there since you're the eldest." saad naman ni Shael.
Napatingin ako kay Akken ng bumugsangot siya." Bukas pa naman ang alis ko, Akki. Aayusin ko lang ang problema ko sa probinsya tapos babalik agad ako." Ginulo ko ang buhok niya.
" I'll tell mom about it. I know she would let you because it's an emergency. I will be the one to give you permission to go." Ngumiti naman ako kay Daron at tumango.
" Salamat."
" Sasama ako sayo. Magbibigay lang rin ako ng excuse letter kapag natagalan tayo since tapos na naman ang prelim namin. Gusto ko narin makita ang pamilya ko. At saka tutulong ako sa pag-aasikaso ng mga kapatid mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Vera.
" Hindi mona kailangang gawin 'yun. Pwede ka namang umuwi sa sembreak kung namimiss mo ang pamilya mo, 'wag muna ngayon. Kaya ko naman ang sarili ko." pagtutol ko.
" Magkasama tayo mula pagkabata, Kat. Alam kong kailangan mo ng karamay dun kaya sasama ako sa'yo. Sa ayaw at sa gusto mo."
Napabuntong hininga nalang ako at lumingon kay Ri-Ri." Alam kong gusto mo ring sumama pwero hindi pwede. Baka magalit sina tita at tito sa'yo. At saka si Aira, hindi kayo magkikita."
" Alam mong hindi marunong magalit si moma, Cha-Cha. Papayag 'yun kapag nagpaalam ako, sigurado ako dun. May phone naman ako kaya magkakausap parin kami ni Ai, maiintindihan din ako nun." Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang balikat ko."Ilang taon ko ding hindi nakita yung pamilya mo, Cha-Cha. Huling kita namin nung birthday mo tapos isang araw lang din. Pabigyan mona ako oh." dagdag niya pa.
Hindi nalang ako tumingin sa kanya at tumango. May rason din naman pala siya. Baka nga hanapin rin siya ni Itay dun kaya mas mabuti sigurong isama kona din siya.
" Tara, uwi na tayo. Pumunta kayo bukas ng alas 4:00 ng madaling araw. Kailangan maaga tayo para hindi tayo maiwan ng bus."
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Malungkot syempre kase first time na maiiwan ko yung lima dito ng sila lang. Alam kong mga ilang araw din ako dun bago makabalik. Sana lang maging okay sila dito. Nanghihinayang din ako kase bukas dapat magc-celebrate kami dahil Sabado. Pasado kaming lahat sa prelim....'yun nga lang akala ko magiging masaya na ako, may kapalit din pala. Kaakibat ng saya ko ay sakit ng malamang nasa ganoong sitwasyon ang Itay ko. Kaya nga ako nalang ang nagt-trabaho dahil ayokong nahihirapan siya. Mahal na mahal ko 'yun eh. He's the best father in the world even if he couldn't give us everything we want. Hindi rin naman kami nanghahangad ng mga bagay bagay. Ang importante lang sa'min may makain at malakas ang pangangatawan.
Nung malaman kong sinugod si Itay sa hospital, paiyak na kaagad ako. Sino ba namang hindi maiiyak kung ang ama mo ay may sakit at hindi nila alam kung ano ang gagawin. Kahit alam nilang sobrang lakas ko dahil kahit anong problema ay kaya kong harapin simula palang nung una akong tumuntong sa kolehiyo. Pero hindi nila alam na may kahinaan rin ako. Every person has their weaknesses, so am I. Ang pamilya ko ang kahinaan ko dahil sila ang kayamanan ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin, sa buhay ko kung wala sila. Kaya kong tiisin lahat ng sakit at paghihirap, mabigyan lang sila ng maayos ng buhay. Kahit 'yun lang, masaya na ako. Ni minsan hindi ko inisip ang sarili ko dahil ang iniisip ko lang ay para sa pamilya ko ang ginagawa ko.
Gustong gusto kong sabihin kay Inay na nakapasa ako sa preliminary namin. Pero naisip kong 'wag nalang dahil hindi naman 'yun ang mas importante ngayon. Kahit bumagsak ako okay lang basta maayos ang lagay ng Itay ko. Aanhin ko ang grado kung nag-aagaw buhay ang ama ko. Nandito lang naman ako para magtrabaho para sa kanila at hindi mag-aral. Dahil ang pag-aaral, nandyan lang 'yan. Pwede kang mag-aral kahit matanda kana, wala yang pinipiling edad. Pero ang ama ko? Hindi ko alam kung kailan siya mawawala sa mundo kaya habang nandito pa siya, gusto kong iparamdam sa kanya na may nagmamahal sa kanya. Na hindi siya itataboy ng anak niya kahit kailan. Isang sabi lang ni Itay na tumigil ako sa pag-aaral, gagawin ko. Kung 'yun ang gusto niya para maalagaan ko siya.
Wala na akong ibang hiling o hihilingin kundi ang mapabuti ang kalagayan niya. Kahit 'yun lang....
-------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro