Chapter 2 - All About The Brothers
KATE CHANDRIA'S POV
Nagkwentuhan pa kami nang nagkwentuhan ng pinsan kong si Derrick or should I call, Ri-Ri. Sinabi niya sakin yo'ng naging buhay niya dito sa Manila at masaya naman daw. Next time nga daw ipapasyal niya ako pag pareho kaming day-off.
Nagthrowback rin kami no'ng mga bata pa lang kami at nasabi ko sa kanya yo'ng dahilan tungkol do'n sa hindi ko pagsagot sa mga tawag niya at naintindihan niya naman 'yon. Bigla kong naalala na butler pala siya ni tita Elizabeth kaya naging curious ako. Matanong nga.
"Nakakapagtaka lang. Pa'no ka naging butler ni tita Elizabeth?" takang tanong ko sa kanya na kasalukuyang nagd-drive.
"Ganito kase 'yan, naghahanap kase si tita Eliza ng magiging butler niya para may alalay siya kapag may pupuntahan siyang mga business transactions. Kasalukuyan din kase akong naghahanap ng trabaho no'n para makatulong kay Mama at Papa sa mga gastusin ko sa school ko. At alam mo ba? No'ng time rin na 'yon ay bumisita siya sa school namin na pagmamay ari niya pala at nalaman niyang may estudyanteng naghahanap ng trabaho which is ako. Kaya ayon, kinuha niya ako," mahabang salaysay niya kaya napatango ako.
Infairness, ang bait din pala talaga ni tita Elizabeth. Hulog talaga siya ng langit.
At eto ring pinsan ko, napakasipag. Kaya nga idol na idol ko 'to eh. Kase bukod sa sobrang sipag niya ay matulungin at mabait pa. Oh diba sa'n ka pa. Bonus narin ang pagiging gwapo niya.
"Eh pa'no 'yong pag-aaral mo?"
"Walang problema sa'kin 'yon tutal bakasyon pa naman. June pa lang ngayon at may 1 month pa bago ang next school year kaya makakaipon pa ako ng sapat para sa tuition fees sa school." Tumango tango ako sa sinabi niya.
Oo nga pala. Haist. Naalala ko na naman yung mga kapatid ko. Kailangan din nilang makapag aral kaya dapat magpursigi ako sa pagta-trabaho. Si Cyd, coming grade 3 na habang si Sasha coming grade 2. Actually, late na nga sila.
"Oh, bakit ka natahimik dyan? May problema ba Cha-Cha?" biglang tanong ni Ri-Ri kaya napailing lang ako.
"Wala naman Ri-Ri, may naisip lang. Malapit na ba, tayo?"
"Actually...andito na tayo," sagot niya at inihinto ang kotse. Tinanggal niya ang seatbelt niya at tinanggal ko rin yo'ng akin bago kami lumabas.
Pagkalabas ko ay halos malaglag ang panga ko sa nakita ko. Totoo ba ito? Jusko! Akala ko sa TV lang ako makakakita ng ganitong bahay pero ngayon nasa harap ko na. Hindi pala bahay ang tawag dito kundi mansion. Mula sa matataas na black gate at may nakasulat pa na 'HELVERYST' gamit ang silver na bakal.
Wow! Sosyal! Pero may bigla akong naalala kaya binasa ko ulit yo'ng nakasulat sa taas ng gate. Teka? Ba't parang nabasa kona 'to sa kung saan. Saan nga ba 'yon? Ah, naalala ko na. Sa isang article do'n sa probinsya namin. Related pala sila sa nakatira rito?
"Wuy! Kanina kapa tulala. Maganda 'no. Pero mas maganda 'yan kapag nasa loob kana. Dali pasok na tayo, naghihintay na si tita Eliza." Napukaw ang atensyon ko sa sinabi ni Ri-Ri kaya agad kong hinila ang maleta ko at pumasok na sa gate.
"Akin na 'yang maleta mo. Ako na ang magdadala." Hindi naman ako pumalag sa sinabi niya at ibinigay ko na lang ang maleta ko sa kaya siya na ngayon ang naghihila.
Pinagmasdan ko muna ng paligid nang makapasok kami. Naglalakad kami sa hallway na parang pang fairytale dahil sa flower designs ng halls at pati narin 'yong inaapakan naming red carpet. Mala palasyo lang ang peg!
Namangha rin ako sa mga bermuda grass na nakapalibot sa buong mansion at sa gilid nito ay ang iba't ibang klaseng mga bulaklak. Halatang maayos ang pagkakaalaga dahil sa porma nito. Amoy na amoy ko rin 'yong mga scents nila.
Bigla akong napatingin kay Ri-Ri ng bigla niyang buksan ang pinto. Maygad! Eto na ba?! Whoah! Inhale! Exhale! Breathe in! Breathe out! Kaya mo yan Kat! Fight! Fight! Fighting...
"Let's go Cha-Cha," aya niya at nauna nang pumasok dala dala ang maleta ko kaya sumunod na rin ako.
"Tsk, why did you took so long Servantes?! We've been waiting for almost 1 and a half hour!" Napangiwi ako sa sigaw na nagmumula sa loob.
Huh? Sino 'yon? Tsaka bakit niya sinisigawan si Ri-Ri?
"Oh you're here hija." Nabigla ako nang may yumakap sa'kin pagkapasok at pagkapasok ko. Hindi ko naman magawang gumalaw kase kinakabahan talaga ako.
Nakakahiya rin kase sa akin dahil napakabango ni tita Elizabeth tapos ako amoy putok dahil sa mahabang biyahe.
Oops! Naalala kong late pala ako. Gosh! Kailangan kong mag-apologize. Ugh. English speaking here we are.
"I'm sorry if we took too long, tita," paghihingi ko ng paumanhin nang kumalas na siya sa yakapan namin. Actually, siya lang pala yung yumakap hehe.
"Ano ka ba, it's okay. Hindi rin naman ako mainipin at mas lalong hindi ako madaling magalit kaya walang problema," nakangiting sagot niya kaya ngumiti rin ako bilang sagot.
Nawala bigla ang kaba ko dahil sa sinabi ni tita. Ngayon ko lang napansin na nakapaganda at napakaputi niya. Hindi halatang may anak na siya. Parang nagmumukha lang akong ina niya eh. Lol.
"Anong 'it's okay' mom?! Ang tagal nating naghintay pero balewala lang sayo?!" Agad akong napatingin sa sumigaw at halos lumuwa na ang mata ko sa nakita ko.
OMG! Totoo ba 'tong nakikita ko? Pwedeng pasampal ng sampung beses? Pasimple kong kinurot 'yong braso ko at napakagat lang ako sa labi ko dahil sa sakit. Shet! Totoo nga.
Nasa harap ko ngayon ang 'The Five Greek Gods' o pwede ring 'The Five Hot Jerks'. Wah! Ang gwa-gwapo nila mga 'te. Super as in super duper gwapo. Para silang mga model ng kotse o kaya ng pabango, pwede ring sa damit. Gad!
"Ano ka ba Cohen! She's our guest and your new babysitter so don't be mean," saway naman ni tita sa Cohen daw.
Pero ano?! Hindi naman siguro ako namali ng dinig diba? Aware naman ako na babysitter ang trabaho ko pero bakit ang sabi ni tita do'n sa Cohen na magiging babysitter nila ako. Teka nga! Ang gulo.
"Oh hija, what's the problem?" Agad akong napatingin kay tita Elizabeth ng magtanong siya.
Magtanong nalang kaya ako para mas maliwanagan ako. Oo tama.
"Ah tita, alam ko naman pong babysitter ang trabaho ko dito. Pero...sino po ba yung aalagaan ko?" nag aalinlangan kong tanong.
Nakita ko namang nakangiti siya at saka tumingin do'n sa limang gwapong nilalang sa harap namin.
"Sons, meet your new babysitter, Kate Chandria Lyntheria," nakangiting pagpapakilala niya sa'kin naka ikinalaki ng mata ko."Chandria, sila ang aalagaan mo," dagdag pa ni tita.
'Chandria sila ang aalagaan mo'
'Chandria sila ang aalagaan mo'
'Chandria sila ang aalagaan mo'
Pilit pinoproseso ng isip ko ang huling sinabi ni tita Elizabeth. Pa'nong sila? Akala ko ba babysitter ako pero bakit sila ang aalagaan ko? Hindi naman na sila baby ah.
At saka mga anak niya pala ang mga gwapong nilalang na 'yan. Parang mga responsable naman sila ah. Malaki na kaya sila, duh.
"P-Pero tita, malaki na po sila eh. Ang ineexpect ko kase mga babies ang aalagaan ko," nahihiyang sagot ko kay tita pero imbis na madisappoint ay tumawa lang siya.
Mukha bang katatawan ang mukha ko? Wala rin namang nakakatawa sa sinabi ko. May sayad ata tong si tita eh.
"I will tell you everything when we arrived at my office. For now, I will introduce my sons to you."
Kahit na naguguluhan ako ay tumango lang ako at tumingin sa mga anak niyang ubod ng gwapo.
"Meet the 5th son of Helveryst brothers and also the youngest, Akkiro Renz Helveryst but you can call him Akken."
Ngumiti sa'kin 'yong 'Akken' daw kuno. Ngumiti din ako ng pilit sa kanya. Mukha naman siyang mabait eh. At saka ang gwapo niya kapag nakangiti, ang blooming niya. Baka madali kaming magkakasundo.
"Meet the 4th son of Helveryst brothers, Raize Kristoffer Helveryst but you can call him Raizer."
Bored na tumingin sa'kin 'yong 'Raizer' daw at inirapan ako. Aba! Masungit pala 'to. Mukhang mahirap alagaan ang isang 'to. At dahil sa ginawa niya ay napangiwi na lang ako. Alangan naman mag smile din ako sa kanya eh ang sungit. Baka mapahiya lang ako 'no.
"Meet the 3rd son of Helversyt brothers, Colt Henry Helveryst but you can call him Cohen."
Tinaasan lang ako ng kilay nung 'Cohen' at ang sama ng tingin niya sa'kin. Maygad! Mas mahirap pala ang isang 'to kaysa do'n sa Raizer. Napailing nalang ako sa kanya, mukhang mayabang ang dating niya eh. Hindi ata kami magkakasundo neto.
"Meet the 2nd son of Helveryst brothers, Shawn Axcel Helveryst but you can call him Shael."
Napatingin naman ako sa 'Shael' at todo ang ngiti nito sa'kin. Blooming din siya kagaya ni Akken pero 'yong ngiti niya parang iba eh. Hindi naman sa nag iilusyon ako pero parang may pagnanasa ata sakin, mukhang manyak. Si-net aside ko na lang 'yon at tumango nalang.
"And the 1st son of Helveryst brothers and also the oldest, Dale Fyron Herveryst but you can call him Daron."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng tingnan ko yung 'Daron' na pinakamatanda sa kanila. Ang lamig ng tingin nito sa'kin kaya umiwas na lang ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Para kaseng hinihigop niya yung mata ko na ewan...Pero para sa'kin cold siya at tsaka snob.
"At ngayong kilala mo na sila, we will proceed to my office to discuss some details," nakangiting baling ni tita sa'kin kaya pilit akong ngumiti at tumango."Derrick, ilagay mo ang maleta niya sa yellow na kwarto do'n sa 2nd floor. Let's go hija," dagdag niya pa.
Sumunod ako kay tita papunta sa office niya daw. Wow! Ha! Mansion na may office pa. Ang galing. Naglakad kami sa hallway na red and white ang theme. Grabe! Nakakamangha dito.
"Have a sit hija," aya niya sa'kin kaya umupo ako sa harap niya, bale may desk sa pagitan namin at may flower vase din sa gilid.
"Thank you po tita Elizabeth," nakangiti kong sagot.
"So, ngayon sasabihin ko lahat sayo. Kung bakit hindi mga babies ang papaalagaan ko sayo gaya ng inaasahan mo. At pati na rin sa mga rules na kailangan mong malaman at sundin at ang dahilan nito," panimula niya.
Bumalik ulit yun pagtataka ko dahil do'n. Isama niyo na rin ang sinabi niyang mga rules at dahilan pero dahil sinabi niyang sasabihin niya iyon sa'kin ay nanahimik na lang ako.
"Ang sabi ko sa iyong Ina ay 'babysitter' ang magiging trabaho mo pagdating dito sa mansion ko. At totoo ang sinabi ko, 'yon nga lang ay hindi mga babies ang aalagaan mo kundi ang mga anak kong mga binata," sabi niya.
"Pero tita, bakit ko naman po sila aalagaan? Diba po malalaki na sila? 18-20 years old na sila at siguro naman kaya na nila ang mga sarili nila," nakakunot noo kong sambit.
Ngayon pa lang kase ako nakarinig ng babysitter na hindi bata ang inaalagaan kundi binata na. Haler! Sigurado naman akong nasa college na ang mga 'yon.
"Yon na nga, malalaki na sila pero ang isip nila ay nananatiling bata. Dinaig pa nila ang elementary students kung umasta. Kahit pagsabihan ko sila ay hindi sila nakikinig dahil ang titigas ng ulo nila. Palaging gumagawa nang kalokohan, hindi sineseryoso ang pag aaaral, at higit sa lahat walang respeto. Mga bulakbol kumbaga. Kaya nga ikaw ang gusto kong magturo ng leksyon sa kanila," pagpapaliwanag sa'kin ni tita Elizabeth.
Kitang kita ko na nahihirapan talaga siya sa mga anak niya at hindi na niya alam ang gagawin dito. Haist. Kahit naman ako maiistress kapag gano'n ang magiging anak ko. But sad to say, wala pa akong anak. Lol.
"Naiintindihan kopo kayo tita, pero bakit po ako? I mean...marami naman pong iba diyan na mas magaling sa'kin. Taga probinsiya lang po ako at wala po akong ideya kung anong dapat kong gawin sa mga anak niyo. Bakit 'di nalang kayo kumuha ng ibang babysitter o di kaya'y yaya?" nagtatakang tanong ko.
Bumuntong hininga naman siya bago sumagot."I tried Chandria. Marami na akong hinire na babysitter at mga yaya but it doesn't work," malungkot niyang sagot.
Ayan na naman ang kakatawag niya sa'king Chandria. Katria po ang pangalan ko tita o pwede rin namang Kat. Ang panget kaya pakinggan ng Chandria. Aish, bahala na siya.
"Huh? Panong hindi nagwork, tita?"
"Lahat ng hinire kong babysitter ay hindi tumatagal ng isang araw. Lahat sila umaalis at nagrereklamo sa'kin dahil raw sa mga anak ko. Hindi raw nila kayang ihandle sila dahil sa mga ugali nila." Nakinig lang ako sa susunod na sasabihin ni tita."No'ng nagprepare ng breakfast 'yong babysitter nila, tinapon ni Shael lahat ng pagkain sa damit nito at pinagtatawanan hanggang sa hindi na nakayanan ng babysitter nila at umalis na lang. 'Yong isa namang babysitter nila, nilock ni Daron sa sarili nitong kwarto kaya hindi ito nakalabas at sa sobrang pagpanic nito ay nahimatay."
Napatakip ako sa bibig ko dahil sa sinabi ni tita Elizabeth. Kaya pala no'ng pumasok kami kanina sa gate ay parang walang katao tao. Wala man lang kahit isang maid na sumalubong sa'min ni Ri-Ri.
"Yong pangatlo nilang babysitter, binuhusan ni Cohen ng mainit na tubig kaya ayun napaso 'yong dibdib at ako pa ang gumastos para sa pang opera niya. 'Yong pang-apat naman pinagbantaan ni Raizer na papatayin daw niya 'yong pamilya niya kapag hindi siya umalis dito sa mansion kaya dahil sa takot ay umalis na lang din ito. 'Yong panglima, tinakot ni Akken ng multo no'ng kinagabihan kaya ayon nagtatatakbo palabas ng mansion at sumugod sa kompanya kung saan ako nagt-trabaho," dagdag niya pa at tumingin sa'kin.
"Chandria, please. Tanggapin mo ang inaalok kong trabaho." Nagulat ako ng lumuhod si tita Elizabeth sa harap ko kaya pilit ko siyang pinatayo.
"Tita, tumayo napo kayo." Agad naman siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko. Kitang kita ko sa mga mata ang pagmamakaawa sa'kin kaya wala akong nagawa at tumayo.
Hindi ko rin alam ang ginawa ko pero ayokong madismaya si tita kaya pumayag na lang ako...Tama ba 'tong ginagawa ko?
"Thank you Chandria, thank you," ngumiti lang ako sa kanya ng bumalik sa upuan niya at ako naman, eto kinakabahan ng sobra sobra.
Kase naman eh, naalala ko 'yong sinabi niya kanina kaya biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko.
Gad! Okay lang naman sa'kin ang tapunan ng pagkain gaya ng ginawa ni Shael kase di naman ako maarte kagaya ng iba at mas lalong hindi ako iyakin. Pero 'di ba nakakabwisit yung sayangin 'yong pagkain? Grasya kaya 'yon. At kapag ginawa 'yon sa'kin, isasampal ko talaga sa kanya 'yong plato na pinaglagyan ng pagkain. Pwede na rin 'yong tray.
'Yong ilock naman kwarto gaya nang ginawa ni Daron eh talagang magpa-panic ako. Ikaw kaya ang 'di makalabas ng kwarto mo hindi ka ba magpa-panic. Pero kung may bintana naman yung kwartong 'yon edi okay lang. Sanay naman akong tumalon sa bintana gaya nang ginawa ko do'n sa probinsiya namin no'ng nagnakaw ako ng plato. Emergency kase 'yon eh.
Pero ang nakakatakot sa lahat eh 'yong buhusan ng mainit na tubig na ginawa ni Cohen. Ayoko namang madamage ang skin ko 'no kahit hindi ako masyadong maputi. Kapag talaga ginawa 'yon sa'kin hindi rin ako magdadalawang isip na gantihan siya. Duh. Ano ako tanga? Syempre di ako papatalo 'no. Asa pa. Do'n nga sa probinsiya namin kapag nagalit 'yong asawa ng kapitbahay namin eh nambubuhos ng mainit na tubig kaya ayon, nahimatay kase hinambalos ko sa kanya yung thermos. Ang ingat ingay kase eh may regla ako no'n kaya ang init ng ulo ko at nakatikim ng saglit na comatose.
Ang kinakatakot ko lang din eh 'yong ginawa ni Raizer. Pagbantaan ba naman na patayin ang pamilya e 'di talagang nakakaloka! Baka 'pag ako nahimatay na pero naalala kong may mga kaibigan pala ako sa probinsiya namin na mga siga. E 'di ipaabugbog ko na lang kung sino ang gumalaw sa pamilya ko. Tingnan natin kung sinong mananalo. Aba! Madiskarte ako 'no.
Sa kaso din na ginawa ni Akken, 'yong takutin ng multo sa gabi. Tsk, kahit tumambad pa sa'kin ang totoong selendrina o 'yong granny hinding hindi ako matatakot. 'Yong sa probinsiya nga namin naglalakad ako sa kakahuyan namin nang dis oras ng gabi balewala nga lang sa'kin eh. Ang takutin pa kaya ng 'fake ghosts'. Tse! Mukha niya.
Kaya para sa'kin, keri lang ang trabahong 'to.
"Pwede po bang malaman kung anong ugali ng mga anak niyo tita? Para malaman ko kung anong ugali ang ipapakita ko kung sakaling makaharap ko ang isa sa kanila," pilit na ngiti ang ibinigay ko kay tita Elizabeth na siyang ikinatawa niya.
Ayan na naman siya eh! Isa na lang at iisipin kong may sayad na talaga siya. Pero joke lang 'no, mabait kaya si tita.
"Uhm...base sa pagkakakilala ko sa mga anak ko, lahat sila mga pasaway gaya ng sinabi ko pero kung iisa isahin yung ugali nila magulo eh." Nilagay ni tita yung isa niyang daliri sa baba niya na animoy nag iisip."Si Akken ang bunso, napakakulit at sobrang madaldal. 'Yon bang kahit maghapon kayong mag usap ay hindi ka mabo-bored kase hindi siya nauubusan ng topic. Pero mag-ingat ka lang sa kanya dahil sa kanya nanggagaling ang mga ideya ng mga kalokohang pinaggagawa nila," bahagyang natawa si tita na para bang inaaalala ang anak niya.
Para namang mabait talaga si Akken kanina eh. Ngumiti nga siya sa'kin kaya masasabi kong okay nga talaga siya. Kaso nga lang malakas mantrip. Bahala na mag-iisip na lang ako ng plano kung pano ko iiwasan ang mga trip niya.
"Si Raizer naman, ang napakasakit sa ulo sa kanilang lahat. Napakasungit na minsan mapagkakamalan mong may regla. At higit sa lahat napakapilosopo. Lahat ng sasabihin mo sasagutin ng pilosopo hanggang sa mapikon ka na lang."
Ay! Kaya pala kanina bored niya akong tiningnan at parang sinasabi niyang umalis ako. Sabi ko na eh, masungit talaga 'yon at pilosopo pa. Hayaan na, mahilig naman ako mambara kagaya ng ginagawa ko sa probinsiya namin.
"At eto pang si Cohen, halos liparin ka dahil sa kahanginan niya. Sobrang yabang ng batang 'yon at palaging mataas ang tingin sa sarili. Mahilig siyang mangmaliit ng kapwa. Ewan ko ba do'n, nakakasakit ng ulo." Iiling-iling na sambit ni tita.
Ang sama pa nga ng tingin niya sa'kin kanina. Kung nakakamatay lang siguro 'yong titig niya baka buto na lang ako ngayon. Pero wala akong pakialam sa kanya. Duh. Galit kaya ako sa mga mayayabang.
"Isa pa si Shael, ang napakablooming sa kanilang lahat. Siya ang tinatawag na Cassanova dahil napakababaero niya. Araw araw yan nagpapalit ng babae, kung minsan nga tatlong babae ang pinagsasabay niya sa isang araw. Kaya ikaw Chandria, mag-ingat ka sa kanya. Baka paglaruan ka din no'n." Tumango lang ako sa sinabi niya.
May meaning pala talaga 'yong ngiti niya sa'kin kanina. Tama nga ang hinala ko, manyak nga siya. Tsk, at ako? Paglalaruan niya? Baka gusto niyang mabasagan ng bungo.
"Yong panganay naman na si Daron, ang hirap intindihin ng ugali niya. Kapag kinausap mo ang ikli ng sagot at minsan naman snob. Hindi rin siya nakikipag-interact sa ibang tao maliban sa mga kapatid niya at sa'min. Nagtataka nga ako eh, sa'n kaya nagmana ang batang 'yon," buntong hiningang dagdag ni tita.
Tumpak po kayo tita! Halos maihi na nga ako kanina sa kaba no'ng tumingin siya sa'kin. Hay, mabuti na lang at umiwas ako kundi baka na estatwa na ako sa lamig niyang tumingin.
Sinabi na rin ni tita lahat ng tungkol sa magkapatid kaya mas naliwanagan na ako sa dapat kong gawin.
Isa nalang ang hindi pa nasasabi ni tita Elizabeth...
"Tita, diba nabanggit niyo kanina yung rules? Ano po yun?" tanong ko.
"Ah, oo nga pala." May kinuha siya sa drawer na nasa gilid niya at pagtingin ko ay isa itong folder."Basahin mo ito." Binigay niya sa'kin yung folder kaya agad ko naman itong binuksan.
"These are the rules that you'll need to follow everyday," basa ko sa title na nakasulat sa bondpaper.
"Basahin mo kada rule at ako ang mage-explain sa'yo kung ano ang mga 'yan." Tiningnan ko saglit si tita at pagkatapos ay binasa ko ulit 'yong nakasunod.
"Rule #1: You need to wake up at exactly 5:00 o'clock to cook their breakfast. They will wake up at exactly 6:00 o'clock so you have only one hour to cook and prepare. Be sure that you will cook vegetable foods and force them to eat it."
"Ibig sabihin, kailangan mong gumising ng ala singko ng umaga araw araw para magluto ng almusal nila. Okay lang ba sa'yo 'yon Chandria?" tanong ni tita sa'kin kaya tumango ako.
"Wala pong problema sa'kin 'yon tita. Sa probinsiya nga namin alas kwarto pa lang ng madaling araw gising na kami kaya walang wala lang 'yan sa'kin," nakangiting sagot ko.
"That's amazing. But, you'll need to remember na dapat gulay ang lutuin mo para sa breakfast nila at wala nang iba," napakunot ang noo ko sa huling sinabi ni tita.
"Po? Gulay? Bakit po? Wala po bang kanin?" sunod-sunod na tanong ko.
Napatawa si tita at alam ko ang dahilan. Nagiging clown na ako sa paningin niya. Ilang minuto na kaya kaming magkaharap kaya baka nagsasawa na siya sa pagmumukha ko at pinagtawanan niya na lang ako. Hay, kawawang ako.
"Of course, magluluto ka rin ng kanin. At bakit gulay? Because my sons hates vegetables. They always eat pork, meat, chicken, and other foods that has fats. Kaya dapat pilitin mo silang kumain," sagot ni tita.
Ay. Napakaarte naman pala ng mga anak niya. Eh do'n nga sa probinsiya namin, gulay ang paborito ng mga bata lalong lalo na ng mga kapatid ko. Tapos 'yong mga batang ayaw kumain ng gulay ay binibitin patiwatik ng mga mama nila. 'Yon na lang din kaya ang gawin ko sa mga anak ni tita.
"Sige po, tita. Kayang kaya ko po yan," sabi ko at nagthumbs up pa.
"Now, let's proceed to rule no. 2," utos niya kaya binuklat ko ulit yung folder at hinanap ang kasunod na rule.
"Rule #2 : Watch them eagerly and don't let them out of your sight. Follow them secretly wherever they'll go."
"Eto ang kailangan mo rin gawin. Siguraduhin mong babantayan mo sila ng maigi. Kung lalabas sila ay dapat sumama ka, pero kung ayaw ka nilang sumama ay pasikreto mo silang susundan," pagpapaliwanag ni tita.
"Bakit po tita? Mawawala po ba ang mga anak niyo kapag lumabas sila ng mansion? May gagawin po ba silang masama?" sunod-sunod ko namang tanong. Sana lang hindi mairita si tita sa pagkamakulit ko.
"Kapag kase hinayaan silang lumabas ng walang kasamang yaya o babysitter, kung saan saan lang sila pupunta. Minsan hindi uuwi at and pinakadelikado ay aalis sila ng bansa na nagawa na nila ng halos limang beses," sagot ni tita.
Pasaway nga talaga. Daig pa ang mga kapatid ko sa pagkamakulit. Siguro may isang babysitter nang nabaliw dahil sa pagiging pasaway nila.
"Kahit maging spy ako o secret agent tita, gagawin ko po," sagot ko na ikinangiti ni tita.
Happiness yata ako ni tita eh. Yiiee mainggit kayo please. CHAR.
"Sunod naman tayo na rule, Chandria."
"Rule #3 : Don't let them bring any girls inside the mansion. If needed, pretend as his girlfriend."
Nanlaki ang mata ko pagkatapos kong basahin 'yong pangatlong rule. Anak ng tipaklong! Okay lang sa'kin ang maging babysitter na spy o secret agent pero ang maging girlfriend ng isa sa kanila...Diyoskopo! Magba-back out na lang ako.
"Alam ko ang nasa isip mo, Chandria. Well hindi naman talaga ako sigurado kung may pumupunta ritong babae pero mas mabuti nang sigurado tayo. Mahirap na, baka magdala ng babae dito si Shael lalo na't alam nating napakababaero no'n."
Nag-aalinlangan kong tiningnan si tita."Ah, wala po bang ibang paraan tita? Pwede naman pong magpretend akong cousin nila o 'di kaya'y sabihin kong babysitter nila ako," sagot ko pero umiling lang si tita.
"Lahat ng mga babae kilalang kilala ang mga anak ko. Sikat sila sa lahat ng lugar, sa school, sa mall, sa restaurant, sa shop, all over the places in Manila. Halos buong pagkatao ng mga anak ko ay alam na nila. They knew na walang cousins ang mga anak ko dahil ako at ang daddy nila ay both unica hija and unica hijo. At kung magpapanggap ka ding babysitter nila, tiyak pagsasabihan ka ng masasamang salita ng mga babaeng naghahabol sa kanila especially Shael," mahabang salaysay ni tita kaya wala sa sariling napatango ako.
Buhay nga naman...Sana tumanggi na lang ako eh pero wala naman akong magagawa. Kasama 'yon sa trabaho ko.
"Okay, malapit na tayong matapos. Next."
"Rule #4 : If you have a free time, you can have a chitchat with them. But if they say something that can make you pissed or angry, don't hesitate to yell, punch or kick them. Do whatever you want to do with them."
Kahit patayin po sila, pwede? Kase 'yon ang sabi dito eh, 'do whatever you want to do' daw. So kasama na ng patayin do'n. Pero ang trabaho ko alagaan sila at hindi patayin kaya hindi siguro 'yon kasali.
"Pwede kang makipag usap sa kanila kung gusto mo. Pero asahan mong hindi maganda ang pakikisalamuha nila sa'yo epecially Cohen. Parang galit 'yon sa mundo kaya wala siyang pakialam kung makasakit man siya ng tao."
Siguro kung trip kong kausapin sila, gagawin ko. Pero kung hindi, e 'di hindi. Bahala sila sa buhay nila. Hindi naman matatanggal ang ngipin ko kung hindi ko sila kausapin 'no. Duh.
Pero dahil mabait ako ng konti."Sige po tita," sang ayon ko. Ang plastic ko naman.
"Read the last rule, Chandria. And after that, we're done," nakangiting dagdag ni tita.
"Rule #5 : Before you sleep, check them one by one inside their room. Just make sure that they are really sleeping, don't make them fool you.
Inulit ko ulit yung pagbasa ko sa last rule pero kumunot lang din ang noo ko. Fool? Bakit naman? Ano bang gagawin nila?
"Ang ibig sabihin ng last rule, dapat siguraduhin mong natutulog na sila bago ka matulog. The exact time para matulog sila is 10:00 pm. Pero matitigas ang mga ulo nila. Papaniwalain ka nilang natutulog sila at pag nakatulog ka na ay do'n sila gagawa ng mga kalokohan. Mag-vi video games sila o di kaya'y magmo-movie marathon, pwede ding magkalat sila sa buong mansion. Para sa kanila, 12:00 PM is the exact time to sleep."
Pasaway nga talaga tsk. Mabuti na lang dala dala ko 'yong latigo ko na ginagamit kong pampalo sa pwet ng mga kapatid ko kapag mahirap silang patulugin. Kayang kaya ko 'yan!
"Okay po, tita. Kaya ko po 'yon," proud na proud kong sagot kaya ngumiti siya at tumayo kaya tumayo na rin ako. Gaya gaya ako 'no. Wag kayo!
"I'm very glad that you accept this hard work, Chandria. But I will make sure na matatanggap mo ang sweldo mo every Sunday. Okay lang ba sayo ang 200 000?," halos mapanga nga ako sa sinabi ni tita.
Ano daw?!
"Po? Tita? 200 000? Okay lang ho kayo? Sobrang laki naman po no'n! Okay lang sakin yung 1000 per week," di makapaniwalang sagot ko.
"No, hija. It's okay. Alam ko namang magagawa mo nang maayos ang trabahong 'to na hindi nakaya ng iba kaya dapat lang na malaking pera ang ibigay ko sa'yo. No buts, my decision si final," sambit niya na ikinatuwa ko.
Hulog talaga ng langit 'tong si tita. Diyos ko! Salamat po.
"Thank you po tita," masayang sagot ko.
"Thank you din. So pa'no? Sign this contract para maihatid na kita sa magiging kwarto mo. Bukas kana magstart sa trabaho mo. Let's go." Sumunod ako kay tita palabas ng office niya pagkatapos kong mapirmahan ang kontrata.
Alam kong mahirap ang trabaho ko pero gagawin ko ang lahat para sa pamilya ko. Lalo na't ang laki pa ng sweldo ko. Tiyak magiging masaya si Inay sa ibabalita ko. Hay, sana nga magawa ko ng maayos ito.
Fight! Fight! Fighting!
----------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro