Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13 - His Assistant

KATE CHANDRIA'S POV

Maganda ang gising ko ngayon dahil sobrang ganda din tulog ko kagabi. Ewan ko ba. Kahapon pa naman natapos ng birthday ko pero parang abot hanggang ngayon. Ngiting ngiti ako habang nagluluto ng umagahan namin. Sa totoo lang, kanin lang ang niluto ko dahil ang daming tirang pagkain kahapon. Sobrang dami kase naming niluto at may dala pang mga pizza, chocolates, at lechong manok si Ri-Ri. Na-late kase siya kase nalilito daw siya kung ano ang susuotin niya. Baliw talaga. Pero nagpapasalamat parin ako dahil dumating siya.

Yesterday was the best birthday ever!

"Goodmorning ate." Agad akong napalingon ng biglang sumulpot si Cyd dito sa kusina. 

"Oh, ba't ang aga mong gumising?Alas otso kana natulog kagabi ah." Pagkatapos kong magluto ng kanin ay umupo ako sa upuan katabi niya.

"Nagising lang ako na wala ka sa tabi ko kaya bumangon ako. I just left Sasha in the bed and didn't wake her up because I know that she's tired last night," sabi niya.

Oo. Dito sila nagpalipas dahil gabi na ng matapos ang pagc-celebrate ng birthday ko. Pero uuwi rin sila ngayon kaya malulungkot ulit ako. Si Sasha at Cyd ang tumabi sa'kin habang sina Inay at Itay naman sa bakanteng guest room. Si Vera?! Do'n ko pinatulog sa CR kaya baka nalublob na yung ulo no'n sa inidoro o baka nakahalik na 'yon sa sahig. Lol.

"Nagugutom ka na ba? Gusto mong mauna nang kumain?" tanong ko pero umiling lang siya.

"I'm not that hungry ate. Let's just wait for the others to come." Napailing na lang ako dahil sa page-english niya.

Ba't parang sa iba nagmana ang isang 'to?! Feeling ko siya ang ikaanim na kapatid ng Helveryst brothers.

"Sure po kayo? Ginawa 'yon ng ate ko?" Sabay kaming napatingin ni Cyd sa pinto nang pumasok si Sasha habang nakapajama ng hello kitty at gulo gulo pa ang buhok.

Kasabay niyang pumasok ang lima na nakashorts at naka-tshirt pati narin ang yagit na si Vera. Joke.

"Oo baby. At saka alam mo ba? Palagi kaming sinasabunutan ng ate mo kahit wala naman kaming ginagawa. Ang bad niya, diba?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Shael at ng mapatingin siya sa'kin ay binelatan niya ako.

"Talaga pogi? Ginawa 'yon ng panget na si Katria?!" singit naman ng yagit na si Vera.

Ano kamo?! Panget ako?! Ha!

"Kung panget ako eh anong tawag sa'yo?! Yagit?!" Tumabi naman ang gaga sa'kin at hinarap ako ng walang mukha. Chos.

"Hoy! Etong yagit na tinatawag mo, 3 na ang naging ex. Eh ikaw? Ultimo manliligaw nga wala," pagmamayabang niya na siyang ikinatawa ko ng malakas.

"Ako? Walang manliligaw? Eh kung ihampas ko kaya sa yagit mong mukha 'yong mga bulaklak sa basurahan namin do'n sa probinsya na binigay sa'kin ni Joel, Roy, Tomas, Rafael, Joselito, George, at Mike. Isama na natin pati 'yong love letters ha?! Ngayon, sinong walang manliligaw sa'ting dalawa?!" malakas kong sambit.

Kita ko naman ang pagnganga nilang lahat habang sina Sasha at Cyd ay napahagikhik lang.

"Ano ba kayong dalawa?! Ganyan ba talaga kayo? Hindi na kayo nahiya sa mga batang katabi niyo." Napalingon naman kami kay Cohen ng magsakita siya. Nakakunot noo pa siya habang nakatingin sa'ming dalawa.

"Don't bother them, Kuya. They're just acting like kids even if they're already a lady," saad naman ni Cyd kaya tiningnan ko siya habang nanlaki ang mata.

Nilalaglag ba ako ng sarili kong kapatid?

"Good job, young man," nakangiting sabi naman ni Raizer at nagthumbs up pa sa kapatid ko.

"Nilalason niyo ba ang isip ng mga kapatid ko?" Pinanliitan ko silang lahat ng mata. Baka sina-sabotage nila ang mga kapatid ko para siraan ako.

"Naku! Hindi ate ah," mabilis na tanggi ni Akken at umiiling pa.

"Ate, totoo bang palagi mo daw sinsabunutan sila Kuya? Hala ka! Isusumbong kita kay tita Beth mamaya. Hindi dapat ginagayan ang mga alaga mo, ate," singit naman ni Sasha.

"Oo nga, Katria. Kawawa naman ang mga poging 'to palagi mong sinasaktan," dagdag naman ni Vera.

"At sino namang santo ang nagsabing sinasaktan ko sila at nang maputulan ko ng dila." Nakapameywang na sabi ko.

"Kuya Shael," sabay na sagot nila kaya mabilis kong napatingin kay Shael at malakas na inapakan ang paa niya sa ilalim ng mesa.

"ARAY!" Napapikit kaming lahat dahil sa lakas ng sigaw niya.

"What happened?" Biglang sumulpot si tita Elizabeth kasama sina Inay at Itay.

"Mom, Kat---"

"Ah tita, nakakita lang po ng ipis si Shael kaya sumigaw siya." Nginitian ko si tita na para bang walang nangyari.

Tumawa naman siya at saka umupo sa gitna ni Daron at Shael habang sina Inay at Itay ay sa tabi ni Sasha at Cyd.

"Shael is really afraid of cockroaches," natatawang sambit ni tita na ikinasimangot ni Shael.

Actually, silang lahat po hehe.

"Mommy! Ba't ako lang?! Kaming lima 'yon eh." Sabay sabay na napalingon sa kanya ang mga kapatid at tinaasan siya ng kilay.

"Ba't ka nandadamay?!" nakataas kilay na tanong ni Daron.

"Eh totoo naman ah. Tumalon ka nga do'n sa CR no'ng sumigaw ako ng 'ipis'." Ako ang unang natawa ng sinabi 'yon ni Shael kaya napatingin silang lahat sa'kin.

"Why are you laughing?"

"Oh bakit? Masama ba?" Pinagkrus ko ang mga braso ko at tiningnan siya ng nanghahamong tingin.

"Did I say something?" Nakacross arms niya ring tanong.

"Wala. Bakit may sinabi ba kong meron?" irap kong sagot.

"Tsk."

"Ano ka ba Kat?! Ganyan ba ng trato mo sa mga anak ng tita mo?!" Biglang sulpot ni Inay at inilapag ang kanin pati 'yong mga ulam bago umupo.

"Oo, tita Sheryl. Palagi niya po kaming sinisigawan at kapag nagtatanong naman kami sa kanya, namimilosopa siya," nakangusong sabi ni Akken.

Tiningnan ko naman siya ng hindi makapaniwala at ibinalik ang tingin kay Inay na masama ang tingin sa'kin.

"Nay, 'wag po kayong maniwala dyan." Sinamaan ko naman ng tingin si Akken na nagpipigil ng tawa pati narin ang mga kapatid niya. Nakatanggap naman ako ng malakas na pingot sa tenga na ikinasigaw ko.

"Walangya ka talagang bata ka! Pa'no mo nagawa 'yon sa mga gwapong batang 'to. Ano bang tinuro ko sa'yo ha?!" sermon niya sa'kin.

"Ano ka ba mare! Normal lang na gawin 'yon ni Chandria kase trabaho niya 'yon. I'm also aware of my sons atittude so it's not impossible if they pissed Chandria," pagtatanggol naman ni tita Elizabeth na ikinatango tango ko.

Good job tita! Ayan, ipagtanggol mo ako. Savior na talaga kita from now on.

"Nay, naman eh. Hindi ko nga 'yon ginawa. At saka eh ano naman kung gwapo sila eh kyut naman ako." Inirapan ko si Inay kaya hindi siya nagapatalo at inirapan din ako.

"Alam kong ginawa mo 'yon bruha ka!" bulong sa'kin ni Vera kaya kinurot ko siya sa tagiliran dahilan para mahampas niya ang mesa ng malakas.

"Ano ba kayo?! Para kayong mga bata! Nasa harap tayo ng hapagkainan pero ganyan kayo umasta." Napatikom kami ng bibig ni Inay ng mgsalita si Itay.

Rinig ko pa ang hagikhik ng lima kaya hindi ko mapigilang hindi mainis. Humanda kayo sa'kin mamaya. Kayo talaga ang palilinisin ko ng buong mansion. Makikita niyo. Tawa now, reklamo later. 

Naghihintay kaming dito sa living room dahil sina Inay, Itay, Sasha, at Cyd ay nag-iimpake pa ng mga konting gamit nila pati narin si Vera. Si tita Elizabeth naman ay nag-iimpake rin dahil may pupuntahan daw siyang business trip. Nakatitig lang ako ng masama sa isa isa sa kanila. Sila naman binabalewala ako na para bang wala ako sa harap nila.

Ano, takot na kayo sa'kin ngayon?!

"Ate naman, 'wag ka naman ganyan makatingin. Seems like you'll going to eat us anytime," nakangiwing sambit ni Akken.

"Pinagpapantasyahan lang tayo niyan," confident na sagot ni Cohen.

Like duh. Kaog balas uy!

"Asa! Mas gusto ko pang pagpantasyahan 'yong asong gala kesa sa'yo," sagot ko na siya ring pagdating ng pamilya ko at ni tita.

"Anak, aalis na kami. Mag-iingat ka dito." Hinalikan ko si Inay sa pisngi pati narin si Itay at ang mga kapatid ko.

"Oo, kayo rin. Mag-iingat kayo. May pamasahe na ba kayo pauwi? Teka lang kuku---"

"'Wag ka nang mag-abala pa anak. May pera naman kaming dala. Kakapadala mo lang saamin no'ng linggo. Marami pa namang natira." paliwanag naman ni Itay na ikintango ko.

"Kayo? Nabili niyo na ba 'yong gusto niyong laruan?" tanong ko sa mga kapatid ko kaya mabilis silang tumango.

"I brought a sketch pad and coloring materials, Ate. Actually, I'm starting to draw our future house, soon," nakangiting sabi ni Cyd kaya ginulo ko ang buhok niya.

"Eh ikaw?" baling ko kay Sasha.

"Nakabili na po ako ng dalawang barbie doll, Ate. Nakakapaglaro na nga po ako do'n sa mga kapitbahay natin eh." Pinisil ko naman ang pisngi niya dahil sobrang cute niya.

"Oh sya, baka mahuli kami sa byahe," saad ni Inay."Mare, alis na kami. Salamat sa pag-iimbita sa'min dito."

Nagyakapan pa sila saglit ni tita Elizabeth bago namin sila ihatid sa labas ng gate. Si Ri-Ri ang maghahatid sa kanila sa airport at pagbalik niya, susunduin niya naman si tita.

"Ingat po! Pakisabi po kina mommy at daddy. Here is me okey." Napakunot ang noo ko ng tumabi sa'kin si Vera. Nakabihis lang siya ng pambahay at nakangiting nakatingin sa pamilya ko.

"Ano pang ginagawa mo dito? Hindi ka ba sasbay sa kanila? 'Pag ikaw naligaw sa airport walang tutulong sa'yo," irap kong sabi.

Nilingon niya naman akont tinaasan ng kilay."Sino namang nagsabing uuwi ako? Haler! May trabaho na din ako dito 'no. Akala mo ikaw lang," pagmamayabang niya pa.

"Anong sabi mo, VERAMUNDO?! At sa'n ka naman magt-trabaho? Dito?" gulat kong tanong.

Jusko! Hindi ata kakayanin ng budhi ko ang makasama siya dito.

"Hindi 'no! Feelingera ka din. Sa katapat ng mansyong 'to ako magtra-trabaho. Naghahanap rin kase sila ng yaya do'n sa unica hija nila kaya nag-apply ako," paliwanag niya.

Akala ko pa naman magkakasama kami dito. Ang arte pa naman ng isang 'to. Baka pati siya masama sa aalagaan ko.

"Eh pano yung mga damit mo?"

Nilingon niya ako at nginitian ng sobrang tamis, 'yong kita pati maitim niyang gilagid."Manghihiram ako sa'yo."

" lPa'no yung mga underwear at bra mo, ha?! 'Wag mong sabihing maghihiram ka rin sa'kin?!" Nilingon ko 'yong pamilya ko ng twagin nila ako kaya nginitian ko sila at kinawayan.

"Oo naman. Ano 'yon, magbibihis ako nang walang suot na panty at bra? Eh pa'no kung may makita akong gwapo o di kaya'y tsinoy, nakakahiya kaya 'yon." Nagpapadyak padyak pa siya at ngumuso dahilan para hilahin ko 'yong nguso niya.

"Natuto ka pang mahiya, gaga ka! Unahin mo muna yang sarili mo bago lande." Inirapan ko siya at nauna nang pumasok sa loob. Agad naman siya sumunod sa'kin hila hila ang braso ko na pilit ko namang winawaksi.

"Pahiramin mo na kase ako. Damot mo naman eh."

"Ayoko nga. Kung gusto mo manghiram ka ng brief ni Akken o di kaya ni Shael kase mukhang papatol naman 'yon sa'yo," inis ko namang sagot.

"Oh Chandria. Nakaalis na ba ang pamilya mo?" bungad sa'kin ni tita ng makarating ako sa living room.

"Opo, tita. Kakaalis lang po nila," sagot ko at tumango.

" Mabuti naman. Come here, I want to tell you something," saad niya at sinenyasan akong lumapit na ginawa ko naman. Si Vera naman buntot ng buntot sa'kin.

"Ano po 'yon, tita?"

"As what I've said earlier, I'm going to have a business trip in London for just 1 day so I want Daron to substitute me since he's the oldest in the 5 of you. And also, Chandria will be your assistant." Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang tiningnan si tita at binaling ang tingin kay Daron.

"Po? Eh tita, hindi po ako marunong sa mga ganyan. Baka magkamali lang po ako," pagtutol ko naman sa kanya.

"Yes mom. She's right. She doesn't have an experience on it. What about your secretary? Bakit hindi na lang siya?" dagdag naman ni Daron.

Halata naman sa boses at reaksyon niyang ayaw niya akong maging assistant niya. Eh kahit naman ako 'no, baka mapahiya lang ako.

"Olivia just went back home yesterday. Day-off niya for 3 days so she won't be there in the company. Besides, Chandria is an intellegent girl. I know she would handle her position on being your assistant. Trust me," nakangiting sabi ni tita.

Napapikit na lang ako at huminga ng malalim. Syet. Ano naman ang gagawin ko do'n? Alam ko namang matalino ako pero like duh, hindi ako sanay na magtabaho sa isang kompanya. At saka hindi rin sapat ang kaalaman ko para do'n, highschool graduate lang kaya ako for pete's sake.

"C'mon mom. Being an assistant was never easy. You'll need to have enough knowledge on the company. And in her case, I bet she can't. She's just an highschool graduate." Eto na nga bang sinasabi ko. Alam ko naman talagang sisingit si Cohen eh.

Totoo rin naman ang sinabi niya.

"Watch your words, Cohen. Don't underestimate, Chandria. I know she's just an highschool graduate but she knows a lot more than you know. Maybe she came from a poor family and in a place where she can't study well but she has a potential in everything." Napatikom ako ng bibig ng sumeryoso si tita. Mukhang galit ata siya. At inaamin ko, nakakatakot siya.

"Stop comparing me to her mom. She's a girl and I'm a boy."

"It doesn't matter on your gender, Cohen. In fact, you should be the one who has a better knowledge because you studied in a private school. Mas marami ang matututunan mo dahil advance ang mga lesson na tinuturo sa inyo. It's just---"

"Then why won't you chose me as Kuya Daron's assistant?" nakataas kilay na tanong ni Cohen sa mommy niya.

" Seriously, dude? Lalaki ka, babae lang ng dapat maging assistant," singit naman ni Shael.

"Kakasabi lang ni mom, diba. It doesn't matter on the gender."

"Cut that crap, Kuya's. Mom has decided and Katria will going to be Kuya Daron's assistant. Meeting adjourned," saad naman ni Raizer at tinaas pa ang kamay niya.

"Gago ka kuya. Wala tayo sa meeting." Binatukan naman siya ng kapatid niyang si Akken kaya nakibit balikat lang siya.

"Then, it's decided. Daron will manage the company for this day and Chandria will be her assistant. Period." Tumingin naman sa'kin si tita kaya wala kong nagawa kundi ngumiti ng pilit. Mahirap na, baka maging dragon ulit siya.

"Ok lang naman 'yon. Alam ko namang magaling siya. Diba sugar cube?" Gusto ko mang sampalin ng kaliwa't kanan si Shael pero nakatingin parin sa'kin si tita at mukhang natatawa sa sinabi niya kaya wala akong nagawa kundi ngumiti ng peke sa kanya.  Pagkatalikod agad ni tita ay binigyan ko ng ultramega-irap na ikinatawa naman niya.

"By the way, Chandria." Lumapit naman sa'kin si tita at nilagay ang kamay niya sa magkabilang balikat ko."You will wear a formal attire and it is on your room. Take care hija, okay? 'Wag mong masyadong istress ang sarili mo sa mga anak ko. Goodluck." Hinalikan niya ako sa pisngi bago bumaling sa katabi kong patay na. Chos.

"Hi, Vera. I hope that you would enjoy here. I heard that you are hired as a babysitter to our neighbors daughter. Well, goodluck to you too," nakangiti niyang sabi kay Vera na halos mapunit ang labi sa kakangiti.

Pustahan tayo, hindi niya naintindihan ang sinabi ni tita sa kanya. 'Yan pa? Eh baka kung anong tinuro ng magaling niyang syota---este ex boypren.

"Ah....me tita? I am not a hope and me is enjoy. I doesn't thank a beybisiter in a daughter. I don't see a well but goodluck," sagot niya kay tita na nakanganga dahil sa sinabi niya.

Ako naman ay kinagat ang pang ibabang labi para iwasang matawa. Shocks. Anong kahihiyan ba naman to VeraMundo?!

"Pfftt. Laughtrip!" Sabay naghagalpakan ng tawa ang lima kaya napalingon sa kanila si tita at sinamaan sila ng tingin.

Si Vera naman at tinaasan ako ng kilay na para bang tinatanong kung ano ang nakakatawa. Napailing na lang ako at umiwas ng tingin. Baka mas malakas pa ang tawa ko kesa sa lima.

"Shut up. Where's your manners?" Agad naman sila natahimik ng magsalita si tita gamit ang pagbabantang tono.

"Uhm...don't mind them, hija. They're just being crazy. I gotta go na baka malate na ako sa flight ko. Take care." Hinalikan siya ni tita sa pisngi na ikinatuwa niya naman. Feel na feel ng gaga.

"Okeh tita. My mind is here and yeah, aym crazy. Go mag-care po kayo sa Wondo," sabi niya pa. Akmang tatawa ulit sila ng lingonin sila ni tita kaya hindi natuloy.

"Anong Wondo?" nakakunot noo kong tanong sa kanya.

"Wondo. Do'n sa pupuntahan ni tita." Napasapo ako sa noo ko dahil sa sagot niya. Jusmeyo marimar!

"London 'yon VeraMundo. London. Pati lugar hindi mo matandaan. Jusko naman!"

"No, it's okay. Bye girls." Lumapit siya sa mga anak niya at may sinabi saglit bago sila binigyan ng isa isang halik sa pisngi.

"Mag-iingat po kayo tita."

"Take care mom."

"Yes I will." Sumakay siya sa pink na kotseng Lambhorghini at pinaharurot paalis. Mukhang nagmamadali nga talaga siya.

"Hoy bruha ka! Alam mo bang nakakahiya ang pinagsasabi mo kanina?!" sermon ko sa kanya habang paakyat kami sa kwarto ko.

"Ano namang nakakahiya do'n, aber?"

"Yong pinagsasabi mo, dai. Okay lang sana kung ako lang 'yong nakarinig ng english mo kaso pati si Tita at 'yong mg anak niya narinig 'yon. Alam mo bang tumawa sila dahil sa wrong grammar mo," sambit ko ng makapasok sa kwarto ko. Sumunod naman siya papasok at prenteng umupo sa couch ko.

"Ah, dahil pala do'n. Pero okay lang, wala naman akong naramdamang hiya kahit konti. Parang sanay na ako, gano'n." Napailing na lang ako at sinukat sukat ang binigay ni Tita na black pants at white long sleeves na may kasamang orange na blazer.

"Ang init naman ata nito. Ba't may kasama pang blazer?!" bulong ko sa sarili ko.

"Alangan naman maglong sleeves ka lang, edi bakat 'yong bra mo 'te. At saka naka-aircon do'n malamang. Sikat na kompanya kaya ang pupuntahan mo. Utak mo nga!" Nagulat naman ako at napaisip sa sinabi niya.

"Aba! Galing mo ah. First time atang gumana yang kinalawang mong utak. Baka nagkapalit ang kaluluwa natin ng isang minuto," sabi ko kaya inirapan niya ako.

Kinuha ko na 'yong mga damit na susuotin ko at pumasok na ng CR para magbihis. Baka kapag nagtagal ako ay iwan ako ni Daron. Walang puso pa naman ang isang 'yon.

"Gora na girl! Baka naghihintay na si fafa Daron sa'yo sa baba," pagmamadali niya at talagang tinulak tulak pa ako sa may hagdanan.

"Naku talaga! 'Pag ako nahulog Vera ah, ipapalunok ko talaga tong heels sa'yo," pananakot ko.

Akala ko kase magsasapatos lang ako o baka magtsinelas na lang para simple pero naalala kong kompanya pala ang pupuntahan ko at hindi ordinaryong lugar lang. At saka may binilin rin si tita'ng heels, mga 4 inches ata.

"Oh, and'yan na pala si ate Kat. Pwede na kayong umalis," saad ni Akken pagkarating ko sa living room.

Nasa gitna nila si Daron na nakasuot na ng black tuxedo at handa nang umalis. Kanina pa ba siya diyan? Gustuhin ko mang magtanong pero alam ko namang iisnobin lang niya ko kaya mas mabuti pang 'wag na lang. Aaminin ko ang gwapo niya ngayon, mas mature siya tingnan sa suot niya.

"What? Magtititigan na lang tayo dito? Are we not going to the company?" Napabalik naman ako saglit sa katinuan at inirapan siya para ipakitang hindi ako apektado sa sinabi niya.

Tinitigan ko ba siya? Mukhang hindi naman ah.

"Assuming mo. Sinong may sabing tinititigan kita?" lakas loob kong tanong.

"Tsk. Stop denying." Napatawa naman ako ng pagak sa sinabi niya.

"I'm not denying, Mr. Kupal. I'm just stating the fact. If you won't believe me then don't. I won't die."

"Dai, mali 'yong english mo. Dinayd 'yon tsaka stocking, pati rin bilib. At anong dye? Tina? Pampakulay ng buhok?" Inis kong nilingon si Vera dahil sa paninira niya. Pinitik ko 'yong tenga niya at pinameywangan siya.

"Isa kapa eh. Sisingit ka na nga lang wala pang silbi ang sinasabi mo. Sa'n ka ba galing at parang ikaw lang ang nakakaintindi ng pinagsasabi mo. Alien ka ata galing sa Jupiter." Sinamaan niya naman ako ng tingin."Akin na nga ang shoulder bag ko," utos ko sa kanya.

Siya kase ang nagdala no'n no'ng pababa kami. Hinablot ba naman ng gaga. Pwedeng pwede na siyang maging holdaper.

"Ano mo'ko yaya? Luh. Asa ka."

"Ibibigay mo o ibibigay mo?" nanghahamong sabi ko.

Magsasalita pa sana siya pero tinikom niya nalang ang bibig niya at padabog na nilagay sa kamay ko ang shoulder bag ko.

"Let's go." Agad kong napalingon kay Daron ng bigla siyang tumayo at naglakad palabas. Sinundan ko muna siya ng tingin bago lumapit sa apat.

"Wag na 'wag kayong gagawa ng anumang ikagagalit ko kung ayaw niyong magalit ako, okay?" Nginitian ko sila kaya dahan dahan silang tumango maliban kay Cohen. Inilapit ko pa ng maigi ang mukha ko sa kanya kaya agaran siyang napaiwas.

"Aalis na ako. Baka iwan ako ng bipolar niyong kuya. Tandaan niyo 'yong sinabi ko," huling sambit ko bago lumabas. Naramdaman kong nakasunod pa rin sa'kin si Vera kaya kunot noo ko siyang nilingon.

"Ano, sasama ka rin?"

"Feelingera mo talaga. D'yan na ako sa tapat 'no, baka gising na 'yong alaga ko. Babush. Goodluck sa date niyo ni fafa Daron." Hihilahin ko sana 'yong buhok niya kaso nakatakbo na ang bruha. Napailing na lang ako at hinanap kung saan dito 'yong kotse niya.

"Ba't ba kase ang daming kotse dito," bulong ko habang tinitingnan ang kada kotse kung nando'n ba siya o wala.

"AY BALIW NA GWAPO!" Napahawak ako sa dibdib kong flat habang nakanganga ang bibig dahil sa gulat.

Tiningnan ko ng sobrang sama si Daron na bored na nakatingin sa'kin. Marahas kong binuksan ang passenger seat ng kotse niyang Mercedes SLS at umupo.

"Fudge. We're late," inis niyang saad habang nagd-drive.

"Anong oras ba dapat magstart?"

"It's 8:30 and it's now 9:10. We're late for almost 40 mins. Damn. Ang tagal mo kase magbihis tapos nakikipagsagutan ka pa sa babaeng kasama mo." Agad naman ako napalingon sa kanya.

"Sorry po mister ah. Binilang ko pa po kase 'yong buhok ko kaya ako natagalan." Napairap naman siya."Eh 15 mins. nga lang 'yon," bulong ko pa.

"We haven't attend the first meeting which is the house project in Camarines Sur. It is from dad's close friend and I think he's disappointed because we didn't showed up on the meeting," paliwanag niya pa.

Nakaramdam naman ako bigla nang hiya. Ba't ba kase ang bagal bagal ko. Baka dumating kay tita ang balitang 'yon at pati siya madisappointed din.

"'Yon lang ba 'yong meeting ngayon?" tanong ko.

"There's one more in the afternoon. That's the only chance we've got." Pinark niya ang kotse sa garahe ng isang malaking building. Nasa mga 10th floor ata 'to."Just act normal when we get inside. Don't mind them," dagdag niya.

Tumango lang ako at saka bumaba na sa kotse niya dala dala ang shoulder bag ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago sumunod sa kanya. Medyo nakalayo na siya kaya ng papasok pa lang ako ay hinarangan na ako ng guard.

"You're not allowed to enter the HELVERYST INCORPORATION unless you're an applicant or one of the business partners of the owners," sabi niya. Mukhang bigatin ang mga bodyguard dito, ume-english na din.

"I'm Dale Fyron Helveryst's assistant for today. Mrs. Helveryst invited me here," kaswal kong sagot.

"She just left to London."

"We've met at their house earlier."

Ano ba naman 'to. Ang dami naman niyang sinasabi. Baka hinahanap na ako ni Daron ngayon.

"I'm sorry miss, but----."

"She's with me. Let her enter." Agad naman yumuko ang guard ng makita si Daron. Mukhang ginagalang nga talaga siya dito.

"I'm sorry Mr. Helveryst, Ms.---"

"Katria," putol ko at ngumiti sa kanya."It's okay."

Sumunod ako kay Daron papasok at unang pagtapak ko pa lang sa loob ay ramdam ko na ang kakaibang tingin ng mga tao sa'kin.

Gosh. Ganito ba talaga 'pag bago ka lang dito. Pinilit ko ang sarili kong 'wag silang tingnan at diretso lang ang tingin sa daan. Gamit ko ang aking mataray na reaksyon habang naglalakad at umaktong propesyonal. 'Yan ang dapat gawin ng isang assistant.

"Goodmorning sir Daron. Long time no see," bati ng isang babae sa kanya ng makasakay kami sa elevator.

Hindi lang siya umimik at tumango lang dahil nga snob siya at cold. Nanatili lang ako tahimik sa tabi niya at nakatingin ng diretso sa pintuan ng elevator na hinihintay na bumukas iyon.

"You. Who are you?" Hindi ko na nilingon pa siya kahit na alam kong ako ang kausap niya. Kaming tatlo lang naman ang tao dito sa loob ng elevator kaya ang tanga niya naman kung ang sahig ang kausap niya, diba?

Ramdam kong napalingon sa'kin si Daron kaya nilingon ko siya saglit at binalik ang tingin sa harap. Gagayahin ko ang pagiging snob niya.

"Ehem." Lihim akong napairap ng maarteng tumikhim ang babae. Kaya para hindi siya magmukhang uhaw sa atensyon ko ay binalingan ko siya ng tingin.

"I thought you would still ignore me," maarteng sabi niya.

"I would rather not. I just make sure that I'm far from you. You know, virus," sarkastikong sagot ko at nauna nang lumabas ng elevator pagkabukas nito.

"Sa'n ang office mo?"

"Number 1, blue door." Mabilis kong nilakad ang daan patungo sa office niya at may iilan pa rin na nakatingin sa'kin at tiyak na naniinibago sa presensya ko.

Pagkapasok ko ay bumungad sa'kin ang black and white theme na silid. Amoy na amoy ko ang pabango ng mga gamit niya dito sa loob. Magkasing-bango lang sila ng mga ito kaya kung hahawakan mo ang isa nito ay para na ring nahawakan mo si Daron. Punyemas. Ayoko namang hawakan ang mga gamit niya 'no. Sa sobrang mamahalin, nahiya bigla ang kamay ko.

"Why did you say that to Lilian?" tanong niya ng makapasok siya sa office niya. Agad naman siyang sumalampak sa swivel chair niya at nilaro laro ang ballpen na nasa table.

"You told me to act like a real assistant in your company. An assistant should act like a professional because it's working on a big and famous company. And as far as I know, she's just a staff here, right? An assistant has a higher position than a staff so it's not that bad after all. Besides, I don't want others to know my name. Maybe they know the word privacy," mahaba kong sagot.

Alam ko namang nagulat siya sa sinabi ko. Kahit naman ako, hindi ko alam basta lumabas lang 'yon sa bibig ko.

"You know a lot, huh? How did you know that she's a staff here? And privacy? Do you have that one?" sunod-sunod niyang tanong.

Ba't ba napaka-chismoso nito?!

"Yeah. I just know it. Almost all of the wears the same uniform so I called them staffs. Everyone has a privacy Mr. Helveryst, I bet you don't want others to know that the son of the businessman has a babysitter. Am I right?" page-english ko pa.

"Ugh. Fine. Pumunta ka sa 7th floor. Get the schedule for today from Ms. Dimalanta," utos niya sa'kin.

Halos mapatawa naman ako sa apelyido na binaggit niya."Okay sir," natatawa kong sagot.

Kumunot naman ang noo niya pero tinalikuran ko na siya at inayos ang sarili ko sa paglabas.

Paglabas ko, halos gano'n pa rin. Medyo lumakas nga lang ang bulungan dahil alam ko namang hindi sila takot na marinig ko. Napaka-tsismosa naman ata nila. Asan na ba ang respeto ng mga toh. Akala ko ba staffs sila?

'Sino ba 'yan?'

'Ewan ko. Ngayon ko lang siya nakita'

'Baka girlfriend ni sir'

"No. It's impossible, mas maganda naman ako sa kanya'

Napairap na lang ako nang makapasok ako sa loob ng elevator. Nasa 9th floor kase ang office ni Daron kay bababa lang ako ng 5 minuto at nasa 7th floor na kaagad ako. Mabuti na lang at wala akong nakasabay sa elevator kundi baka ako na naman ang pag-usapan. Hindi naman siguro ako model o di kaya sikat para pagpyestahan nila, diba?

Naglakad ako sa hallway hanggang sa makarating ako sa isang napakalaking opisina. Siguro opisina ito ng mga staffs base sa pagkasunod sunod ng mga upuan, laptop, printer at iba pang gamit. Napabalik lang ako sa wisyo ng may lumapit sa'king isang babae na mukha namang mabait dahil nginitian niya ako.

"Hi maam. May I know what's yours?"

" Ahm. Do you know Ms. Dimalanta? I need to ask her something," nakangiti kong sagot.

Mabait naman talaga ako eh. 'Yon nga lang do'n lang din sa mga taong mababait.

"Ah si Lilian po? Wait lang tatawagin ko," sabi niya at dali daling umalis.

Teka lang...Lilian? Diba 'yon 'yong---

"Oh hi, there. What do you want?" Napatigil ako sa pag-iisip ng nasa harap ko na ang Lilian na sinasabi no'ng babae.

"I need the schedule for today," diretsa kong sagot.

Ayoko nang magpaligoy ligoy pa. Mukha pa namang warfreak ang isang 'to.

"Ah 'yon bang sadya mo dito? Wait, let me ask your name first. Who are you?" Yong mga ibang kasamahan niya ay nakiusyoso na rin. Ngayon alam ko na kung saan sila nagmana.

"I'm not used to tell my name to strangers, Ms. Dimalanta. So please, give me the schedule. Mr. Helveryst might get angry if I didn't bring it now," kalmado kong sagot.

"What's your relation between sir Daron?" tanong niya ulit. Napapikit na lang ako at bumuntong hininga.

Masasampal ko ata 'to.

"Maam Lilian, ibigay niyo na po 'yong schedule. Baka magalit na si sir, nakakatakot pa naman siya," singit no'ng babaeng lumapit sa'kin kanina.

"Shut up, Arianne. I'm the staff leader here so you don't have the right to demand me," matigas na sagot ng Lilian.

"Don't be so strict to your members, Ms. Dimalanta. She's just stating her opinion," suhestiyon ko kaya nakatanggap ako ng masamang tingin galing sa kanya na ikinataas ng kilay ko.

Mataray mode on.

"And you?! Who are you to talk to me like that?" mataray niyang tanong habang dinuro duro pa ako.

"I'm Mr. Helveryst's assistant." Napatawa naman siya sa sagot ko na ikinakunot ng noo ko.

"Assistant? Then you should know your place." Ako naman ngayon ang natawa sa sinabi niya.

"Me? Know my place? Is that a joke? Aren't informed that an assistant has the higher position than a cheap staff leader," pang-iinsulto ko.

Sorry siya. Nasira ang controller ng bibig ko kaya hindi ko na napigilan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.

"Can anyone give me the schedule?" tanong ko sa iba.

"Don't give it to her," pigil naman sa'kin ng babaeng mukhang palaka na nasa harap ko.

"It's all up to you. All of you might be dead if I told him that you didn't give me the schedule." Akmang tatalikod ako ng biglang nasa harap ko na si Arianne habang hawak 'yong schedule.

"Eto na po maam. Pasensya na po." Yumuko pa siya ng konti kaya nginitian ko siya at hinawakan ang balikat niya.

"I admire your kindness. Thank you." Umalis na ako sa impyernong 'yon at agad na bumalik sa office ni Daron.

Pagkapasok ko ay agad kong nilapag ang schedule sa table niya kaya kinunotan niya ako ng noo.

"What took you so long?" tanong niya.

"Blame that stupid staff leader of yours. Because of her, we are running out of time. The second meeting is about to start within 10 minutes. I think we should go now," sagot ko naman.

"Kakapadeliver ko lang ng lunch. We're not eating lunch yet," reklamo niya naman.

"What do you want? Attend the meeting and make your parents proud of what you've done or eat your lunch but miss the first and second meeting with matching sermon from your parents. Choose." Nakacross arms kong sagot kaya napairap siya at nauna nang lumabas.

"What's our meeting all about?"

" A wedding proposal," maikli kong sagot.

"Hayst. Nakakapagod. Gutom na gutom na ako," reklamo ko ng makabalik kami sa office niya.

Umupo naman ako sa sofa niya at nasa harap ko ang mga pagkaing inorder niya. Dinala siguro 'to dito kanina.

"Gano'n talaga." Umupo naman siya sa sofa na kaharap ko.

Nakaramdam bigla ako ng init kaya tinanggal ko ang butones ng orange blazer ko.

"What are you doing?" tanong niya habang nanlaki ang mga mata.

"Maghuhubad."

--------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro