Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12 - Her Birthday

KATE CHANDRIA'S POV

"Hmm...Inay, ba't napatawag ka? Ang aga-aga pa oh." Pumikit ulit ako habang yung phone ko ay nasa tenga ko. Inaantok pa kase talaga ako at iniistorbo ni Inay ang tulog ko.

"HAPPY BIRTHDAY ANAK!" Napabangon ako nang wala sa oras ng sumigaw si Inay. Jusko. Nagising ata lahat ng organs sa katawan ko.

"Nay naman, 'wag ka ngang sumigaw naririnig naman kita eh. At saka anong bi----"

Kinusot kusot ko ang mata ko at tiningnan ng maigi ang alarm clock sa gilid ng kama ko. Alas dose pa ng madaling araw at tiningnan ko ang phone ko kung anong date ngayon...July 19,2020....Shocks! Birthday ko nga pala ngayon.

"Katria...Anak! And'yan ka pa ba?" Bumalik ang atensyon ko sa phone ko at humiga ulit.

"Opo nay! Ba't ngayon kayo tumawag eh pwede namang mamayang umaga nalang." Rinig ko pa ang ingay sa kabilang linya at alam kong ang mga kapatid ko iyon."Anong ginagawa niyo? Ang ingay niyo naman ata baka magising ang mga kapitbahay natin," sabi ko.

"Aysus! Palalagpasin ba namin ang birthday mo, anak. Nineteen ka na ngayon, diba. At saka nagluto kami ng Itay at mga kapatid mo para i-celebrate ang birthday mo." Bigla akong natigilan at napahigpit ang hawak sa kumot ko. Nakalimutan ko palang sabihin sa kanila na hindi ako makakauwi sa birthday ko.

"Nay, si ate Kate ba 'yan?!." Rinig kong sigaw ni Sasha sa kabilang linya.

"Oo anak."

"I want to talk to, Ate," Si Cyd naman.

"Hello, ate." Sa tingin ko inagaw ni Sasha ang telepono kay Inay."Happy 19th birthday ate, matanda ka na kaya 'wag ka nang makulit." Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Thank you, Sasha. Pero hindi naman ako yung makulit kundi ikaw." Alam kong nakabugsangot na ang mukha niya ngayon kahit hindi ko siya nakikita.

"Hi, Ate. Happy 19th birthday. I miss you." Inagaw naman ni Cyd ang telepono.

"Thank you, Cyd. I miss you too."

"Oh sya bumalik na kayo sa ginagawa niyo. May pag-uusapan pa kami ng ate niyo," sambit ni Inay sa kabilang linya.

"Ah...Nay....k-kase po..ah..Hindi po ako makakauwi ngayon eh. Marami pa kase akong trabaho ngayon kaya sayang kung uuwi ako para lang sa birthday ko. 'Wag niyo na lang pong ituloy yang hinahanda niyo. Pasensya na po talaga," malungkot kong sagot. Bigla nalang tumahimik ang kabilang linya kaya alam kong narinig nilang lahat iyon.

"O-Okay lang anak. May next time pa naman. Sige matulog ka na ulit dyan, alam kong pagod ka kaya kailangan mo ng sapat na pahinga." Sasagot na sana ako ng bigla niyang inend ang tawag.

Napabuntong hininga na lang ako at nilagay sa gilid ang phone ko. Humiga ako ulit at tinitigan ang ceiling. Ano kaya kung magpaalam ako kay tita Elizabeth na umuwi muna ako tutal birthday ko naman, siguro papayag siya. Pero kase, ayokong iwan 'yong lima dito. Ano na lang ang gagawin no'n kung nay ihire si tita na sub, edi kawawa din. At saka marami pa akong trabahong gagawin. Aish. Birthday ko pa naman tapos magtra-trabaho ako. Bahala na nga.

Nagising ako ng mga bandang ala singko na kaya agad akong bumangon at nag-ayos bago bumaba. Nakatulog pala ako kaninang madaling araw kakaisip kung uuwi ba talaga ako o hindi na lang. Pagkadating ko sa kusina ay hindi na ako nagulat ng makita ko sina Shael at Akken dahil halos palagi na silang gumigising ng maaga at nauuna na dito sa kusina. Pero nagulat ako nang makitang nandito rin si Raizer.

"Oh Raizer napaaga ata ang gising mo. Ayos ha! Dalawa lang 'yong nangungulit sa'kin kapag nagluluto ako tapos nadagdagan pa ng isa. Galing." Ngumisi lang ang loko kaya dumeretso na ako sa ref para tingnan kung anong lulutuin ko.

"Why? Ayaw mo no'n nadagdagan ang fans mo." Sinara ko ang ref pagkakuha ko sa ham at hotdog at tinaasan siya ng kilay.

"Kailan pa ako nagkaroon ng fans? 'Wag mong sabihing ginawan mo ako ng fan group sa facebook?!"

"Eh? Friends kayo sa facebook ate Katria? Hindi mo nga sinabi sa'kin kung ano ang fb name mo. Ang daya," pagmamaktol naman ni Akken at ngumuso pa. Pinisil ko naman ang pisngi niya at tumungo sa lababo para hugasan ang mga hotdog.

"Hindi mo naman tinanong eh. At saka kahapon ko lang sinabi sa kanya 'yong facebook ko. Mamaya add mo'ko." Pagkatapos kong hugasan lahat ay nilagay ko sa plato pati narin 'yong ham. Magluluto na lang rin siguro ako ng itlog mamaya pagkatapos ko dito.

"Ako rin sugar cube ah. 'Wag mong kalimutan ang baby mo." Binelatan ko si Shael ng maglagay ako ng mga hotdog sa frying pan.

Sanay na rin naman ako sa tawag niyang 'baby'.Wala rin namang malisya 'yon dahil magkaibigan lang naman kami.

"Ayoko nga. Paghirapan mong malaman, ano ka pa-special?" sambit ko kaya nagtawan 'yong dalawa habang siya nakabugsangot ang mukha.

Eh bakit, hindi ba ako special para sayo?" nakapout niyang tanong.

"Special ka, syempre. Special child." Humagalpak naman ulit ng tawa 'yong dalawa habang si Shael ay mukhang napipikon na.

"Boom sapol."

"It really hurts."

Sinayawan pa ni Akken sa harap si Shael kaya binato siya nito ng plastic bottle na kaagad namang nailagan ni Akken. Si Raizer naman panay ang tawa dahil sa pag-aasaran ng dalawa. Tinapos ko kaagad ang niluluto ko pagkatapos at umupo sa harap nila na katabi ni Akken.

"I almost forgot about our shopping. Mom will be home at exactly 10:00 o'clock so we need to buy something in the mall after we eat breakfast." Napatayo ako nang wala sa oras dahil sa sinabi ni Raizer kaya naatingin sila sa'kin.

"Ano kamo?! Uuwi si tita ngayon? Ba't hindi niyo sinabi agad?! Jusmeyo marimar! Hindi pa nga ako nakakapaglinis ng buong mansion tapos 'yong garden hindi ko pa nadiligan. Kailangan ko pang mag-mop sa buong living room at i-arrange ang lahat ng gamit dito. Gad!" Napahilamos ako dahil sa kaba.

Pa'no kung dumating bigla si tita tapos ang kalat pa ng buong mansion. Mase-sesante ata ako nito at ito ang pinakamagandang birthday gift na matatanggap ko sa buong buhay ko.

"Chill Ate, kakalinis mo lang kahapon at hindi naman kami nagkalat kaya malinis pa rin. Tsaka yung garden, nadiligan na ni Kuya Shael kanina paggising niya. At kaka-mop mo lang din kahapon kaya wala ka nang dapat ipag-alala. Arrange na rin lahat ng gamit sa buong mansion. 'Wag kang paranoid. Hindi naman gano'n ka-strict si mommy eh," saad ni Akken.

"Sigurado kayo? At saka bakit wala akong kaalam alam sa shopping na sinasabi niyo?" tanong ko.

"It's already midnight when mom texted us so we didn't tell you because you're already sleeping that time. Besides, maaga pa naman kaya makakapamili pa tayo," sagot ni Shael.

"Ano bang bibilhin natin?"

"I have the list and it's a secret so I can't tell you." Binigyan ako ng nakakalokong tingin ni Raizer na ikinangiwi ko.

Okay lang din naman siguro 'yon. Makakapamili din ako ng mga gusto ko since birthday ko naman ngayon. Ayos! Perfect timing naman ng shopping na 'to. Makakasama ko rin sila kaya best memories na din kahit hindi ko kasama ang pamilya ko.

"Sasama ba 'yong dalawa?"

"Yes, mom told them to," sagot naman ni Akken.

Kung hindi nila gustong sumama, pwede namang hindi na lang. Kaya ko pa din namang dalhin ang mga ipapabili ni tita at saka kasama ko naman tong tatlo.

"'Wag niyo na lang silang pilitin kung ayaw nilang sumama. Kasama ko naman kayong tatlo at saka hindi naman siguro marami ang ipapabili ng mom niyo." Sasagot pa sana si Shael ng biglang pumasok 'yong dalawa na shirtless at nakaboxer lang.

Agad naman ako umiwas ng tingin, alangan naman titigan ko diba?! Duh. I'm not malandi like Kimeniah. Chos.

"Ano ba naman kayong dalawa! May babae dito oh kala niyo naman may abs kayo eh wala naman." Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi ko. Apakasinungaling mo selp.

"Tsk. Bakit wala ba? Titigan mo pa ng buong araw." Nagtawanan naman silang lahat kaya sa inis ko at nilingon ko sila ni Daron. Take note, sa mukha ako nakatingin at hindi sa rib cage nila.

"Kapal mo rin eh 'no. Ano namang tititigan ko dyan? Rib cage? Bilbil?" Nagtawanan ulit sila at si Daron naman umupo sa tabi ni Akken habang si Cohen ay sa tabi ni Shael.

May binulong pa siya pero hindi ko narinig basta ang alam ko siniko siya ni Shael kaya sinamaan niya ito ng tingin. Kakatapos lang namin magdasal at kukuha na sana ng pagkain sina Cohen at Daron ng pareho kong hinampas ang kamay nila. Tiningnan naman nila ako ng nakakunot ang noo.

"Magbihis kayo," utos ko. Meron namang nakasampay na tshirt sa likuran nila kaya iyon na lang ang kinuha nila at isinuot.

"Why do we need to wear our shirts? Nahihiya kapa rin bang tumingin sa'min," sabi niya at nag-smirk pa. Inirapan ko naman siya at kinurot ang tagiliran niya sa gilid ni Akken na ikinangiwi niya.

"Tangek! Bastos kumain kapag walang suot na damit." Inirapan ko siya ulit at kumain na lang.

Kakatapos ko lang maligo kaya agad akong pumili ng damit na masusuot. Gusto ko 'yong pormal na damit dahil birthday ko ngayon at eto ang first time na lalabas kami ng limang alaga ko. May regalo sa'kin si Ri-Ri na off-shoulder dress na color sky blue at hapit sa katawan ko. Huhubadin ko na sana dahil hindi naman ako komportable pero wala akong choice kase puro luma naman ang mga damit ko. Hindi naman siguro masama dahil bagay naman sa'kin at maputi pa ako. Sinuot ko 'yong pares ng doll shoes na binigay rin sa'kin ni Ri-Ri kasama tong dress. Kulay sky blue rin siya at terno sa dress ko. Nilugay ko na lang ang buhok ko at nilagyan ng hairclip ang kabilang gilid para maging kyut ako. Charot. Kyut naman talaga ako.

"Ate Kat, tapos kana dyan? Aalis na daw tayo," sigaw ni Akken sa labas ng pinto kaya dali dali kong kinuha ang shoulder bag ko at binuksan ang pinto.

"Ano tara na?" nakangiti kong tanong sa kanya pero nanatili pa rin siyang tulala. Iniwagayway ko ang kamay ko sa harap ng mukha niya pero wa epek pa rin.

Isa na lang ang hindi ko pa nagagawa.

"AKKEN 'YONG BRIEF MO NAHULOG!." Wala pang isang segundo ay napatingin siya sa baba niya kaya tawa ako ng tawa. Pinanliitan niya naman ako ng mata kaya napa-peace sign na lang ako.

"Ang epic ng mukha mo Akken," natatawa ko paring sambit habang bumababa kami ng hagdan.

"Ate naman eh. Hindi kaya magandang biro 'yon," nakasimangot niyang sagot kaya pinisil ko ang magkabilang pisnge niya.

"Tulala ka kase eh. Para kang nakakita ng kababalaghan." Napailing na lang siya at napakamit sa batok niya.

"Naninibago lang kase ako sa suot mo. Hindi kase ako sanay na ganyan ka manamit." Napatingin naman ako sa suot ko at huminto.

"Bakit? Panget ba, Akken? Hindi ba bagay sa'kin? Sabi ko na----"

"Hindi naman sa gano'n, ate. Bagay nga sayo eh, nashock lang ako. Alam ko namang gano'n din ang magiging reaksyon ng mga kapatid ko," saad niya.

Nakarating kami sa living room at lahat sila ay nakatalikod samin. Magkatabi sila sa isang mahabang sofa at malalaman mo talagang magkakapatid sila base sa katawan nila. Halos magkakapareho sila pero kilala ko parin ang bawat isa sa kanila dahil matagal ko na silang nakakasama.

"Mga kuya, andito na kami." Sabay sabay silang lumingon kaya ngumiti ako sa kanila.

Pare-pareho lang sila ng reaksiyon ni Akken kanina ng makita niya ako. Ganito ba talaga ang epekto sa kanila kapag ganito ang ayos ko?

"B-Ba't ang tagal niyo?" tanong ni Cohen ng makarecover sila sa tulala session nila.

Grabe. Inabot ata 'yon ng 5 mins nang hindi sila pumipiyok.

"Ah..sorry...Natagalan kase ako sa pagligo," nahihiya kong sagot at pinaglaruan ang daliri ko.

"We should go." Napatingin kami kay Daron ng bigla siyang magsalita. Tiningnan niya muna ako bago nanunang lumabas kaya sumunod kami sa kanya.

"Sasama ba sa'tin si Ri-Ri?" tanong ko nang makapasok kami sa kotse ni Daron. Nasa passenger seat ako habang siya naman sa driver seat at 'yong apat sa likod.

"Hindi raw siya makakasama dahil marami pa siya gagawin. Babawi na lang daw siya next time," sagot naman ni Raizer kaya bigla akong nakaramdam ng lungkot.

"Don't be sad. Lalabas tayo tapos ganyan ang mukha mo." Ngumiti na lang ako sa sinabi ni Shael at tumingin sa labas.

Birthday ko ngayon tapos wala siya. Nagpromise pa naman siya sa'kin no'ng nagbonding kami na dadating siya sa 19th birthday ko tapos hindi niya tinupad. Hmp. I hate you Ri-Ri.

COLT HENRY'S POV

I was looking at her the whole ride. She's looking outside so she didn't notice that I was looking at her. My brothers were even taking a glance on her every minute. Naninibago lang kase talaga kami sa kanya ngayon. I hate to admit it but she looks so...gorgeous even though she's just wearing a simple dress, doll shoes, and loose hair.

"We're here." Pagkahinto agad ni Kuya Daron sa kotse niya ay agad na bumaba si Katria. I bet she's so excited because she didn't even wait for us outside. Nauna na siyang pumasok sa loob ng mall.

"That girl. She may be lost inside," rinig naming sabi ni kuya Daron.

Tsk. Hindi ko rin naman siya hahanapin kung mawala siya. It's her fault, anyway.

"Hindi na siguro. She's smart and she won't let herself lost inside. At saka ilang beses silang nakapasok ni Derrick dyan," Shael said.

We started walking inside the mall and all of the girls suddenly came to us to take a picture. We owned this ROBINSONS MALL so we're definitely popular wherever we go. Hindi kami makalabas dahil sa kumpulan ng mga babae na nakapalibot sa'min. Ugh. I hate annoying.

'WAH DARON ANG GWAPO MO'

'OMG! SHAEL ANG HOT MO'

'GAD! COHEN SOBRANG COOL MO TALAGA'

'ACCKK! RAIZER AKIN KA NA LANG'

'ANG CUTE MO AKKEN, PAKISS NGA'

"Hoy mga impaktang feelingera 'pag hindi niyo pinadaan yang lima sisiguraduhin kong mawawalan kayo ng mukha. 'Wag niyong subukan ang kyut na si Kate Chandria!" A loud voice interrupted so all of the girls around us stopped screaming our names and looked at their back.

We saw Katria standing at the middle when the girls moved on their way. She's throwing a deadly look to all of the girls around us. What is she doing? Is she making a scene?

"Who are you ba? Why are you so paepal while we were cheering the Helveryst brothers?!" A girl from the left side asked her while crossing her arms. Kat walked towards the girl and raised her eyebrow.

"Why would I tell you my name? Are we close? And as far as I know, they didn't play any sports so why would you cheer them? Asking for their attention? I felt so pity to all of you." She smirked that made us amazed. She didn't did that before, even us.

Straight english, huh. I didn't expect that she would say like that.

"Kung makapagsalita ka akala mo naman maganda ka. Baka nga muchacha ka lang ng mga gwapong lalaking 'yan eh." Another girl intrude. Napatingin siya saglit sa'min at binalik ang tingin do'n sa babaeng mukhang palaka.

"Bago ka manlait ng kapwa mo, siguraduhin mong mas maganda ka pa dito sa kuko ko sa paa. Abot nga dito yang hininga mong kasing baho ng kana," she said and rolled her eyes. Almost all of the girls in the crowd laughed at her statement.

Nagagalit pa siya sa'kin kapag nilalait ko siya eh gano'n din naman pala siya sa iba. Well, may point naman siya totoo naman ang sinabi niya.

"She's really awesome." Nilingon ko si Raizer at nakangiti siya. W-Wait..

Since when did they became close? May hindi ba ako alam?

"I haven't seen her like that before" Shael commented.

He really admires that girl from the start. Hindi ko nga alam kung anong nakakamangha sa kanya.

"I want her to be my sister someday." We all looked at Akken while he's looking at Katria who is busy talking shits with our fangirls.

"What did you say?" kuya Daron asked. Confused.

"I want her to be my sister someday," ulit niya pa.

Didn't he get what's our point?

"We mean...how? We're not blood related. We don't have cousins, either," I said. He shrugged his shoulders.

" She can be my sister in law in the future. Malay niyo, one of the four of you could be her boyfriend or fiancee." I rolled my eyes while Raizer bit his lip to avoid laughing. Shael faked his laugh while kuya Daron frowned his eyebrows.

"Look kuya's, we don't know what will happen in the future. Trust me, one of you will fall inlove with her. Pwede ring kayong apat," he laughed.

"Anong silang apat?" Napaigtad kami nang biglang magsalita sa harap namin si Kat. H-how could she get there? Pa'no yong mga babae?

I looked at the place where she and the girls stand earlier and found no one is there. All of them are nowhere to be found. What happen?

"Anong ginawa mo do'n sa mga babae, ate?" Akken asked. Probably avoiding her question.

" Wala lang. Ewan ko nga sa mga 'yon, nanghahamon tapos aalis lang din bigla. Natakot ata sa'kin." She laughed that made us stare at her for a minute.

"Teka nga...alam niyo bang kanina ko pa kayo hinahanap tapos malalaman ko lang na nagpa-papicture pala kayo sa mga babaeng 'yon.  Hindi naman ako nainform na may photoshoot palang nangyayari edi sana sumali ako," pagtataas niya ng boses.

Eh siya nga 'tong naunang pumasok ng mall tapos hindi kami hinintay. Tapos ngayon, kami ang binibintangan niya. How great!

"Chillax, sugar cube. Picture lang 'yon, pwedeng mabura. Nandito lang naman ako sa tabi mo, kahit habangbuhay mo pa akong titigan hindi ako mabubura," Raizer and Akken laughed on what he said. Habang kami naman ni kuya Daron ay napailing na lang dahil sa ka-cornyhan niya.

"Asa ka namang tititigan kita. Mas gugustuhin ko pang titigan yung lamok kesa sa'yo 'no. Assuming ka masyado. Sumunod na nga kayo sa'kin, anong oras na oh." Padabog niyang sambit at agad kaming tinalikuran.

We don't have a choice but to follow her. Marami pang ipinapabili si mom and we need to hurry up para makauwi kami sa oras. Besides, they will prepare everything while waiting for us.

"Sa'n kayo pupunta? Eto na lahat ng pinapabili ng mom niyo 'di ba?" Napalingon kami kay Kat na nakatayo pa rin sa labas ng food store. She's holding a paperbag that has a silver necklace inside while the 5 of us are carrying 2 plastics full of groceries.

Ang swerte nga niya at hindi siya ang pinagbuhat namin kahit na nagpupumilit siyang siya na lang ang magdala dahil kaya niya naman.

"We're going to the dress shop. Bibili lang tayo ng damit," Raizer answered.

"Kaninong damit?" tanong niya pa.

Bakit ba ang dami niyang tanong?! If it wasn't...Ugh...

"Sumama ka na lang ate." Tumakbo na agad si Akken kahit na may dala dala siyang dalawang plastic bag. I think it's not that heavy because it's just chocolates and juices.

"Wow! And dami namang damit dito at ang ganda pa," she said in amusement.

"Ano bang akala mo sa mall namin? Cheap?" I asked in a sarcastic tone. Ramdam ko ang mga titig ng mga kapatid ko sa'kin pero binalewala ko lang.

I know they would just throw me a deadly look.

"I didn't say anything like that. I'm just amazed, you know. Like duh. It's my first time to enter a dress shop. I don't have interest on dresses." she answered in a bored tone. I raised my eyebrow and looked at her from head to foot.

"What are you wearing, then? A sky-blue dress and a pair of sky-blue doll shoes. Ngayon mo sabihing hindi mo taste ang mga dress," I smirked that made her roll her eyes.

"For your information, I just wore this because my cousin Ri-Ri told me to wear this today with this doll shoes. At first, I hesitated to agree but it's a very special day to me so I agreed." She crossed her arms as she walked away from us.

"Dude, ba't mo naman inaway?" I turned my gaze to Shael when he asked me.

"I didn't," pagtanggi ko at nagsimula nang pumili ng damit.

"Mom told us to be good at her just this day. We promised, Cohen," I sighed when Kuya Daron approached me.

Fine. But...just this day.

"Ate! Ate! Isukat mo 'to dali! I'm sure that it would suit you the best." Akken was holding a black dress that has diamonds in every part of it. Kat took it and looked at Akken with a confused reaction.

"Ayoko nito, Akken. Masyadong makinang at ma-dyamante. Hindi bagay sa'kin 'yan at saka ang mahal oh. 'Wag na, hindi ko rin naman magagamit 'yan." She disagreed that makes Akken pout.

"Isukat mo na kase! Ako naman ang magbabayad niyan eh! At saka gift ko 'yan sa'yo." Hindi na nakapalag si Katria dahil tinulak na siya ni Akken sa dressing room.

After a few minutes, she get out from the dressing room while wearing the dress that Akken gave her. For the second time, I felt surprised. The dress suits her well. It makes her look...more attractive. Damn. What am I saying?

"Akken was right. Bagay nga sa'yo ang damit na 'yan. Tara dalhin na natin sa counter para mabayaran na at ng makauwi na tayo," singit ni Shael at nauna na sa counter.

"Teka, sandali. Eto lang ba ang bibilhin? Akala ko ba bibili kayo?!" Napatingin kaming lahat sa kanya ng makalabas siya ulit sa dressing room. Wearing her sky-blue dress again.

"Akken told us to accompany her to buy a dress for you so this is it. Let's go to the counter so we can pay that," Kuya Daron answered as he walked away.

"Picture muna tayo." My brows frowned when Shael suddenly appeared infront of me. Bababa na kase kami ng 2nd floor dahil tapos na kaming mamili.

"Tsk. Stop that nonsense." Akmang bababa ako ng higitin niya ako pabalik.

"Ngayon lang naman eh. 'Wag na nga kayong mag-inarte. Ngayon lang nagsuot ng maganda si Kat kaya dapat may picture tayong lahat. First bonding kaya natin 'to," he said smilingly.

"Bonding? Nag-grocery tayo kuya, hindi nagbonding. Galing mo rin eh 'no," Raizer interrupted.

"Tama naman si Kuya Shael eh. Special tong araw na 'to kaya dapat lang na may picture tayo," sabi naman ni Akken at naghigh five pa sila ni Shael.

"Anong special?" Natahimik naman kami ng magsalita si Kat.

" It's because mom will go home." We let a deep sigh when kuya Daron save us. Muntik na....

"Ah...Sige na dalian niyo. Baka nakauwi na ang mom niyo tapos ang tagal natin dito. Isang pic lang ah." Bumaba naman si Kat sa ikatlong palapag ng hagdan at saka umupo.

"Anong ginagawa mo dyan?" I asked while raising my eyebrows.

"Obvious ba? Edi nakaupo. Duh. Pagod ako kakalakad kaya uupo na lang ako sa picture," sagot niya naman.

"Sige, d'yan ka lang. Ay, sinong magp-picture sa'tin?!" Napatingin kami kay Shael ng magtanong siya."Hindi. Hindi pwede, sasali ako. Wait lang, tatawagin ko yang babaeng dadaan. Siya na lang ang uutusan ko." Dali dali siyang bumaba at lumapit dun sa babeng unang nakaaway ni Katria kanina. She smiled at Shael and put her hair at the back of her ear. Probably flirting.

Such a flirt and a playboy. Seems like his mission is success because the girl get his phone and came to us. Her smile faded when she saw Kat and raise her eyebrows.

"Teka babe, kasama siya?" Biglang nasamid sa sariling laway si Kat ng magtanong yung babae kay Shael who bit his lip because of embarrasment.

"Seriouly, kuya? Sa lahat ng babae siya pa ang napili mong landiin. Ang baba ng type mo, dude," nakangiwing sambit ni Raizer.

"I don't have a choice, dude. Sinakyan ko na lang pero yuck! Hindi ko siya type 'no. Mamatay man."

"Babe? Ang sagwa naman ng tawagan niyo! Ano kayo baboy?" We turned our gaze to Katria and the girl infront of her.

"Ang sabihin mo, naiinggit ka lang," pagtataray naman ng babae sa kanya.

"Ako? Naiinggit? Kanino? Sa'yo? Jusme! Sa lahat pa ng kaiinggitan ko, 'yon pang nangangamoy kilikili at hininga?" Nagsign of cross pa siya na siyang ikinahagikhik ni Akken at mahinang pagtawa ni Shael.

"Inuumpisahan mo ba ako, ha?!" The girl was ready to grab her hair when I hold her hand and gave her a bad look.

"Shael told you to take a picture of us and not to hurt that girl. Am I right?" Nagulat naman ang babae at dahan dahang tumango."Then do it." Agad naman siyang bumalik sa pwesto niya kanina and so am I.

We took 3 pictures before the girl walked away so we already enter Kuya Daron's car and drove us home. Napatingin naman ako kina Shael, Raizer, at Akken na nagkukulitan sa phone ni Shael.

"What's that?" I asked.

"Yong picture natin kanina. Ayaw mong papasa?" tanong ni Shael.

Ayoko sanang tingnan kase hindi naman ako mahilig sa mga picture at napilitan lang talaga ako but I got curious on Kat's reaction on the picture so the result is, nagpapasa ako.

"Ate Kat, ang cute mo dito oh. Ipopost ko 'to sa instagram ko." Napatingin agad si Kat kay Akken at ngumuso.

"'Wag! Ang ganda ng kuha niyo tapos ang panget ng mukha ko. Nakakahiya kaya!" reklamo niya.

"Tsk. Pa-humble ka pa eh pinagmamalaki mo ngang maganda ka dun sa mga babaeng nakaaway mo." Hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita. I'm not looking for a fight, swear. I'm just teasing her.

"May sinabi ba akong gano'n ha?! Narinig mo?! Narinig mo?! Paepal ka talaga!" saad niya.

"Yes, I heard it why? You want a proof?! You said 'Mas maganda pa kaya ako sa'yo. Like duh. Ang panget panget mo kaya'. Panggagaya ko sa boses niya." All of them laughed while she is mocking me.

Actually, she didn't say that. I just say it to made her pissed but I think she wasn't.

"Nye nye nye. At kailan ko 'yon sinabi, aber?!" Nakapameywang siya habang nakaharap sa'kin. She's in the passenger seat while I was on her back.

"Maybe earlier, yesterday, or last day. Basta sinabi mo 'yon," I lied that make her think of it. I hide my smile because I found her cute while doing that.

"Ah basta. Hindi ko sinabi 'yon."

"We're here." Nakuha ni Kuya Daron ang atensyon namin kaya agad kaming nagsibaba. Kinuha namin ang mga binili namin sa likod ng kotse at nauna na si Katria na maglakad.

"Mas excited ka pa atang makita si mom kesa sa'min," I said while carrying the 2 plastics that I carry earlier.

"Syempre naman. Excited yata akong ireport yung mga kalokohang pinaggagawa niyo no'ng wala siya," nakangising sambit niya at naunang pumasok sa loob.

"Ate naman eh. Secret lang natin 'yon please," singit ni Akken at nagpuppy eyes pa sa harapan niya.

"Bleh. Ayoko nga." Nilagpasan niya si Akken dahilan ng pagbagsak ng balikat niya.

"Katria naman eh. Joke lang naman natin 'yon eh," malumanay na saad ni Shael at sinundan siya.

"Joke mong mukha mo!"

"Hey, Ate Katria. Just don't tell mom. Mag-grounded na naman kami for sure," sabi naman ni Raizer.

Why do they need to beg her? Ano naman ngayon kung magrounded kami? Sanay naman na kami.

"In one condition." Nagkatinginan kaming lahat at inisip kung papayag ba kami sa gusto niya.

"What is it?" tanong ko. She gave us a smirk that made us feel uncomfortable.

"Tutulong kayo sa'kin sa mga gawaing bahay simula bukas."

Sabi ko na nga ba at hindi madali ang ipapagawa niya sa'min. But we can still say no. We haven't agreed yet.

"Until when?" Nanlaki ang mata ko at binaling ang tingin kay Kuya Daron. Is he saying that he agreed?!

"Hanggang matapos ang month of July," sagot niya habang ngiting ngiti."So ano na? Agree or disagree?" Nagkatinginan silang lahat at dahan dahang tumango, except me.

Why would I? Pagpapawisan lang ako no'n. Besides, its her work not us. She's the babysitter and we're the one whom she babysit.

"Eh ikaw Cohen? Ayaw mo?" tanong niya sa'kin.

"No."

"Sigurado ka?" paninigurado niya pa.

"Yes. It's a no."

"Okay, fine. Madali naman ako kausap eh. Sasabihin ko na lang kay tita na sinigawan mo'ko sa library tapos pinaiyak mo'ko. Hmm. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko 'yon." I pursed my lips because of what she'd said. Shit. I would be a dead ball if ever.

"Binablackmail mo ba ako?" I asked.

"Hindi ah. May condition nga ako diba? Nasa sa'yo lang kung papayag ka ba o hindi." Napairap ako dahil sa sinabi niya. It's just easy for me, though.

"Ano na?!" irita niyang tanong.

"Umo-o ka na lang, dude. Ang laki pa naman ng kasalanan mo. Hindi lang grounded ang aabutin mo, worst than that," bulong sa'kin ni Shael.

"Fine. I agree." Siya naman ngayon ay nakangiting aso. She's really enjoying what she's doing.

"Seems like I made a best choice to hire you as their babysitter, Chandria." All of us looked at mom who appeared in front of us.

"Hi, tita. I miss you, po. I'm glad that you visit your jerk sons," nakangiting sagot niya kay mom. We looked at each other with a shocked reaction.

How could she say that in front of us. God. This girl!

"I miss you too, Chandria. And before I forgot, happy 19th birthday hija. Dalagang dalaga kana talaga." She was a little bit shocked but still smiled.

"Thank you po, tita. How did you know?" she asked in amused tone.

"Of course, I'm you're mother's bestfriend. I thought you would go home in your province because its your day. You should celebrate it with your family," mom said.

"Ah, kase po tita..maiiwan 'tong lima dito nang walang kasama. Baka kung anong kalokohan ang gawin nila kaya dapat nandito ako para bantayan sila. At isa pa, nakapagpaalam naman po ako sa mga magulang ko," Katria answered.

Birthday niya tapos kami pa ang inaalala niya. What a caring babysitter.

"I admire you a lot, Chandria. You're so responsible. Eh yung parents mo? Pumayag ba sila?" She bit her lower lip at yumuko.

"I think they're sad, tita. Well, its my first birthday that I'm not with them. I-Its j-just..h-hard for me to think that I-I'm not with them on my 19th birthday." She smiled bitterly. Mom hugged her tight that made her smile a little.

"I have a surprise for you." Napatingin si mom sa'min kaya napatingin din si Kat sa'min.

Sabay kaming napatingin sa isang babaeng lumabas mula sa kusina, probably her mom. She's at the age like mom and Kat really looks like her.

Kat looked us confused and slowly turned at her back. Her eyes widened when she saw the woman looking at her with her teary eyes.

"K-Katria...a-anak."

"N-Nay?! T-Teka...p-panong.."

"You can hug you mom, Chandria." Mom told her. She immediately run towards her mom and gave her a tight hug.

"Nay! Nakakainis ka alam mo ba 'yon?! May pa-acting acting kapang nalalaman kaninang umaga tapos pupunta ka pala dito pano ka naman kumuha ng pamasahe papunta dito?!" Humiwalay si Kat sa mama niya habang pareho silang naluluha. I looked at Shael when I heard him sobbing.

"What the heck are you doing?!" I asked in disbelief.

"Umiiyak, obvious ba?!" balik niyang tanong sa'kin. Nakakahawa ba ang ugali ni Kat?!

"Are you a gay?! Why are you crying?! You're not in a movie, you jerk!" I hissed.

"Bakit ba? Ehh sa nato-touch ako sa muling pagkikita ni Kat ng mama niya eh." Umiling nalang ako dahil sa ka-oahan niya. Akala mo naman babae, tsk.

"Eh nasa'n si Sasha at Cyd?" I heard Kat asked.

Who is she pertaining to?

"Akala ko si Inay lang yung namimiss mo, Ate." Napatingin kami sa lumabas sa pinto and we saw a little girl and a boy older than the girl.

I admire his brother's physical features and also the cuteness of her sister.

"Sasha! Cyd!" Katria hugged them tight that makes the little girl named Sasha cry while his brother Cyd stayed silent.

"Happy birthday Ate, I miss you." They both said in chorus.

"Aw, thank you. I miss you too."

"Anak." She immediately stood up and ran towards her father."Maligayang kaarawan."

"Tay. Namiss po talaga kita. Ba't po kayo nandito? Pa'no po 'yong sakit niyo? Nakainom na po ba kayo ng gamot?" sunod-sunod niyang tanong sa papa niya.

"She's a good daughter. Ang sama mo do'n sa part na inaway mo siya do'n sa library, Kuya Cohen," Raizer whispered to me.

Instead of getting mad, I realize what I've done to her. She's a great babysitter and a good daughter.

"Bakit? Ayaw mo bang nandito ako? Sige, uuwi na lang ako." Akmang aalis ng papa niya ng pigilan niya ito.

"Sandali lang naman, tay. Hindi naman sa gano'n. Syempre, gusto ko. Lab kaya kita." Nag-flying kiss pa siya dahilan ng mahinang pagtawa namin.

Ganyan ba talaga siya?

"Eh pano ako? You don't miss me?" Napakunot naman ang noo ko ng may isa pang babae na lumabas mula sa pinto.

Don't tell me she's also her sister. Well, baka anak siya sa labas dahil hindi naman sila magkamukha.

"VERA?! Punyemas! Ba't ka nandito?" pasigaw na tanong sa kanya ni Kate.

What does she mean, why? Aren't they siblings?!

"Bakit hindi ba pwede, ha?! Sa'yo ba tong buong mansyon?! Hindi 'di ba?" The girl also shouted at her.

They're just the same. I bet they were friends or bestfriends. Kung makapagsigawan sila akala mo sila lang yung tao dito.

"May sinabi ba akong gano'n, hah?! Gaga ka! Ba't sumama ka dito? Pa'no 'yong tsismosa mong nanay do'n sa probinsya? Baka magbigti 'yon dahil iniwan mo siya." Katria rolled her eyes on her.

Wait...Tsismosang nanay? Magkaano-ano ba  talaga sila? Nalilito na ako sa dalawang 'to.

"Gaga ka rin! 'Wag mo ngang tawaging ganyan ang mommy ko. At saka day-off ni daddy ngayon kaya magkasama sila ngayon sa bahay. Hindi naman 'yon loka-loka kagaya mo para magbigti," mataray nitong sagot.

"Maypa-mommy at daddy ka pang nalalamang bruha ka! Baka pag-uwi mo may sorpresa na 'yon sa'yo."

"Ano naman 'yon?"

"Bata."

Napahalakhak si Shael at Akken sa sinagot ni Kat. Raizer let out a small laugh while Kuya Daron and me bit our lips to avoid laughing.

" Hi pogi. Ba't ka tumatawa?." nakangiting tanong nito kay Shael kaya hinila ni Kat ang buhok niya.

" Aray! Ano ba?! Baliw kaba Kat?! Ang sakit ng anit ko dahil sa pagkakahila mo." she hissed.

" Makakita lang ng pogi nagapapakyut agad. Ulol." Kat shouted at her.

" Ulol ka rin. Hindi ko naman tinatanong. At saka break na kami ni Joel 'no. Ang panget niya pala." That Vera answered and looked at Shael." Ipakilala mo nga ako sa poging 'to." she added.

" Nakakahiya ka talaga VeraMundo! Jusko."

I think celebrating Katria's birthday with her family and friend is not bad at all.

----------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro