Chapter 1 - Welcome To Manila
HER POV
Umalis ako do'n at naglakad papunta sa kwarto naming magkakapatid para makapag isip. Inaamin ko, gusto ko ang alok na trabaho sakin ni tita Elizabeth. Isa sa pangarap ko ang makapunta ng Maynila. Sabi kase no'ng ibang mga kapitbahay ko na minsan nang nakapunta do'n, sobrang ganda daw nang tanawin do'n at marami pang pagkain na wala dito samin. Marami din daw'ng mga matataas na gusali kagaya ng mga building, hotel, restaurant, mall, at marami pang iba na hinding hindi mo makikita dito saamin. Kaya nga sinabi ko sa sarili ko na magsusumikap akong mabuti para makapunta do'n eh. At sabi ko pa na isasama ko ang buong pamilya ko.
Pero iba ata ang dahilan nang pagpunta ko do'n. Pupunta ako do'n para magtrabaho at higit sa lahat, hindi ko makakasama ang pamilya ko kapag pumunta ako do'n. Gusto ko munang magpahinga para makapag isip ako ng maayos. Haist. Papasok na sana ako sa kwarto naming makakapatid ng makita kong nakaawang ang pinto at nakita kong nag uusap ang dalawa kong kapatid.
"Kuya Cyd, ang ganda pala nung bagong laruan ni Ariel 'no? Ang sabi niya, binili raw yun ng Papa niya na nagt-trabaho sa Manila. Pinadalhan nga raw sila ng mga masasarap na pagkain. Eh tayo kuya, kailan natin mararanasan ang gano'n."
"Sasha, alam kong gusto mo rin makabili ng gano'ng laruan. Pangarap mo na 'yon simula nung 3 years old ka palang diba? Ako nga rin gusto kong makabili ng coloring book tsaka mga krayola kase pangarap kong maging architect paglaki ko. Pero alam mo naman ang sitwasyon natin ngayon diba? Mahirap lang tayo at hindi natin kayang bumili ng mga gano'n. May sakit si Itay kaya hindi niya kayang magtrabaho, si Inay hindi tayo maiwan iwan dahil ayaw niyang pabayaan tayo, at si ate Katria naman naghahanap ng trabaho para magkapera tayo. Tanggapin na lang natin na hanggang inggit lang tayo, Sasha."
"Alam ko naman 'yon, kuya."
"Sshh, wag kang mag alala. Pag nagkaroon naman tayo ng pera sasabihan ko si ate na bilhan ka ng mga gusto mo. Kahit ikaw na lang muna bago ako. Alam mo namang love na love ka ni kuya diba."
Biglang sumikip ang dibdib ko sa narinig ko. Matagal na nilang hinihingi ang mga gano'ng bagay kay Itay no'ng nakapagt-trabaho pa siya kaso hindi ni Itay nabili ang mga gusto nila dahil biglaan siyang nagkasakit. Hindi naman pwedeng unahin ang mga ganoong bagay dahil mas importante ang mga gamot ni Itay. Alam kong lungkot na lungkot sila no'n kase nangako sa kanila si Itay pero sinabi nilang naiintindihan daw nila kase mas mahalaga ang kalusugan ni Itay.
No'ng nakapagtrabaho naman ako sa kabilang baranggay bilang BANTAY BATA 163 hiniling din nilang bilhan ko sila kapag nakaluwag luwag na ako. Pero sa kamalas malasan ay naubos na ang bigas namin at sumabay din ang bayarin ng kuryente at tubig at kapag hindi kami nakapagbayad ay puputulan kami pareho. Labag man sa kalooban ko ay hindi ko sila nabilhan dahil mas kailangan namin ng makakain, tubig, at kuryente kesa sa mga bagay na hinihingi nila.
Kahit naman ako noong bata pa ako ay gusto ko ring bilhan ang ng mga bagay katulad ng hinihingi ng mga kapatid ko. Nakita ko sila sa akin noong bata pa ako at kagaya ng sitwasyon namin ngayon ay wala rin kaming gaanong pera. Kailangan kase naming ipunin ang pera na kinikita ni Itay noon dahil kabuwanan na si Inay sa kapatid kong si Cyd at nag aaral pa ako noon. Naisip ko na wag na lang sabihin kay Inay at Itay ang gusto ko lalo na't mas kailangan ni Inay ang pera para sa panganganak niya.
Lumaki ako na hindi nararanasan makatanggap ng mga ganoong bagay. Pero kahit kailan hindi ako nagtampo o nagalit man lang sa mga magulang ko. Maintindihin kase ako tao at hindi marunong magalit. Pwera na lang kung hamunin na naman ako ni VeraMundo. Aba! Syempre magagalit talaga ako 'no, palaban din kaya ako pero marunong din ako matimpi. Lol. So 'yon na nga, ayokong maranasan din ng mga kapatid ko ang naranasan ko noon kaya parang gusto ko naring tanggapin ang alok saakin ni tita Elizabeth. Gustuhin ko man o hindi pero kailangan.
"Gusto niyo ba talagang magkaroon ng laruan at coloring book tsaka krayola?" Napatingin sakin ang mga kapatid ko at halatang halata na nagulat sila sa pagsasalita ko. Pumasok ako sa kwarto naming hindi naman gaano kalaki at tumabi sa kanila.
"Narinig mo pala kaming nag uusap ate?" tanong ni Sasha kaya tumango ako.
"Don't mind it ate. Okay lang naman samin kahit hindi kami magkaroon ng mga bagay na 'yon. Ang importante, may makain tayo at walang magkakasakit sa'tin." Napangiti ako sa sinabi ni Cyd.
Bilib na bilib talaga ako sa batang 'to. Parang siyang ako noong bata pa ako. Ganyan na ganyan din ako noon. At matalino rin siya kagaya ko, napa english sa first sentence eh.
"Gusto niyo bang bilhan kayo ni ate Kat nang gano'n? At promise ko sa inyo, bibilhan ko na talaga kayo," nakangiti kong sambit at nakita ko namang nagliwanag ang mukha ni Sasha.
Napatingin ako kay Cyd at ngumiti lang siya ng pilit. Hindi ko naman siya masisisi. Pangatlong pangako na namin 'to kaya baka hindi na siya maniwala.
"Talaga ate? Totoo? Bibilhan mo na talaga kami? San ka naman kukuha ng pera? Diba papaubos na ang mga ipon mo?" Napatawa ako sa sunod sunod na tanong ni Sasha. Halatang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Oo Sasha, totoo. Bibilhan ko na talaga kayo at promise ni ate na tutuparin talaga ni ate. Wag na kayong mag alala sa pera, gagawa si ate ng paraan."
"Cross my heart?" sabay na tanong ng dalawa.
"Cross my heart," sagot ko at niyakap silang dalawa.
Hindi pa naman ako siguradong sigurado sa plano ko. Pero ayoko nang pakuin ulit ang mga pangako ko sa kanila. Nakita ko kung gaano sila kasaya no'ng sinabi kong bibilhan ko na talaga sila kaya baka kailangan ko na talagang tanggapin ang alok sakin ni tita Elizabeth. Kailangan na rin naming mapagamot si Itay sa lalong madaling panahon. Nagdadalawang isip rin ako kung sasabihin ko sa kanila na aalis ako bukas kung matutuloy man pero napagdesisyunan kong 'wag na lang. Baka kase umiyak sila at hindi ko makayanan at hindi ako makapagbiyahe bukas.
Gabi na at tulog na ang mga kapatid ko, ako na lang ang hindi pa. Iniisip ko pa kase kung buo na ba talaga ang desisyon kong pumunta ng Manila. Iniisip ko rin kung ano 'yong maiiwan ko dito kung sakali mang umalis talaga ako. Kung ano ang magiging trabaho ko do'n at kung magiging maayos ba ang trato nila sakin. Napatingin ako sa orasan at 7:55 na kaya may 5 minutes pa ako para pag isipan ulit kung tutuloy ba talaga ako o hindi.
Kung tutuloy ako, mapapalayo ako sa pamilya ko at hindi ako sigurado kung hanggang kailan ako mananatili do'n. Pero mabibigyan ko ng magandang buhay ang pamilya ko at mararanasan nilang magkaroon ng mga bagay na hirap kaming bilhin. Makakakain rin sila ng mga paborito nilang pagkain, 'yong mga masasarap. At kung hindi naman ako tutuloy, makakasama ko ang pamilya ko at hindi ko sila mamimiss. Pero hindi nila mararanasan ang anumang bagay na hinahangad nila. Hindi rin namin maipapagamot si Itay at hindi ko matutupad ang mga pangarap ng mga kapatid ko.
"Ano, Kat? Nakapagdesisyon kana ba?" Napatingin ako sa kakapasok lang na si Inay. Hindi ko siya napansin dahil sa lalim ng iniisip ko.
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot."Alam kong mahirap para sakin 'to, Inay. Pero para sa inyo, lalong lalo na sa mga kapatid ko. Gagawin ko." malungkot kong sagot. Niyakap ako ni Inay kaya napaiyak ako.
"Kung gusto ko lang na ako na lang ang pumunta ng Manila para hindi kana mahirapan, anak. Pero alam mo namang walang mag aalaga sa Itay mo kung sakaling ako ang umalis. Maraming trabaho at responsibilidad ang maiiwan sayo. At isa pa, ikaw ang inalok ng tita Elizabeth mo. Alam ko namang hindi ka niya pababayaan do'n." Hinahagod ni Inay ang likod ko kaya mas lalo akong humikbi.
Ayokong iwan sila. Ayokong ayoko.
Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko at hinarap si Inay."Ano po bang magiging trabaho ko dun, Inay?" matamlay kong tanong.
"Babysitter, anak."
Teka? Wala bang mga babysitter sa Manila? O di kaya'y mga yaya. Sigurado naman akong meron. Sa napakalaki ba namang syudad ng Manila at napakayaman pa nila tita Elizabeth, alam kong may mahahanap sila na hindi probinsyana katulad ko diba?
"Eh Inay, kung babysitter lang naman pala eh bakit ako pa ang pinili ni tita Elizabeth?" naguguluhan kong tanong.
"Si tita Elizabeth mo na lang ang magpapaliwanag sa'yo," nakangiti niyang sagot.
Ba't gano'n? Ba't parang ang saya saya pa ni Inay? Gusto niya ba talaga akong umalis o baka naman masamang trabaho ang ibibigay sakin do'n. Aish. Ano ba 'tong pinag iisip ko.
"Oh sya, mag impake kana. Bilisan mo para makatulog kana. Maaga kapa bukas," sabi ni Inay at hinalikan ang noo ko bago lumabas ng kwarto namin.
Tulad ng sinabi ni Inay ay nag impake na ako. Kinuha ko 'yong lumang maleta sa gilid ng aming aparador. Pinagpagan ko ito dahil medyo maalikabok na dahil hindi naman ito nagagamit. Nang masigurado kong malinis na ito ay kinuha ko 'yong mga gamit ko sa loob ng aparador at isa isang nilagay sa loob ng maleta. Pinag-kasya ko talaga lahat ng damit ko dahil sobrang bigat na kung dalawa ang dadalhin ko. Bandang alas nyebe na ng matapos ako at napagdesisyunan ko matulog na.
Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Agad akong napabangon ng wala sa oras at napatingin sa orasan. Nakahinga naman ako nang maluwag ng makitang ala sais e medya pa lang ng umaga. Napatingin ako sa mga kapatid ko at ang himbing pa ng tulog nila kaya hindi ko na sila ginising tutal wala rin naman silang gagawin.
Bigla kong naalala na ngayon na pala ang alis ko papunta Manila. Halo halong emosyon ang nararamdan ko, excited kase first time kong pumunta ng Manila, malungkot kase ngayon ko iiwan ang pamilya ko, at kaba dahil hindi ko alam kung anong magiging kapalaran ko doon.
Bumaba na lang ako at pumunta ng kusina. Nadatnan ko si Inay na kakatapos lang magsaing at mukhang magluluto na naman siya. Lalapit na sana ako sa kanya ng mapansin niya kaagad ako kaya napangiti siya.
Masayang masaya pa si Inay eh, 'no? Parang excited na siyang lumayas ako sa bahay na 'to. JOKE. Alam kong mahal ako ni Inay no.
"Ano, anak? Nakapagpaalam kana ba sa mga kapatid mo?" biglang tanong ni Inay kaya umiling ako bilang sagot.
"Balak kong sabihin sa kanila sa eksaktong pag alis ko. Alam ko po kaseng iiyak sila kaya baka hindi ko matuloy ang pag alis ko. Eh si Itay, nay? Nakalimutan kong magpaalam sa kanya kahapon." May kinuha si Inay sa loob ng malaking kaldero at saka ko napansing puto pala iyon. "Teka, nagluto pala kayo ng puto, Inay?" di makapaniwalang sambit ko.
Favorite ko kase iyon.
"Wag kang mag alala, nasabihan ko na ang iyong Itay kagabi. No'ng una, hindi rin siya pumayag pero ng sinabi kong pumayag ka ay pumayag na rin siya." sagot ni Inay at nilagay ang sampung piraso ng puto sa loob ng plastic."At saka oo, nagluto ako kaninang ala singko ng puto para pambaon mo sa biyahe. Baka gutumin ka kaya naisipan kong magbaon ka nalang nito." dagdag niya pa.
"Ah, Inay."
" Oh, bakit?" tanong niya.
"Mabait po ba si tita Elizabeth?" Napatigil si Inay sa pagluluto ng ulam naming gulay at napatingin sakin.
Ngumiti siya bago sumagot."Oo naman. Sobrang bait niyang si Beth. Matulungin din siya at magalang." Nakangiti si Inay habang sinasabi ang mga ito. 'Yong parang inaalala niya yung pinagsamahan nila. Nabawasan rin ang kaba ko dahil sa sinabi ni Inay.
"Sige, Inay. Maliligo lang po ako at pagkatapos kakain na po tayo."
"Sige."
Umakyat ako sa kwarto naming magkakapatid at pagbukas ko pa lamang sa pinto ay bumungad agad sakin ang kakagising lang na mga kapatid ko. Halatang bubuksan rin sana nila yung pinto ng maunahan ko sila.
"Goodmorning ate Kat." sabay na bati nilang dalawa.
Hay. Mamimiss ko ang 'goodmorning' nila kapag nando'n na ako sa Manila.
"Goodmorning Sasha, Cyd," nakangiting sagot ko."Nasa baba si Inay, nagluluto ng ulam. Puntahan niyo na lang." Tumango sila at bumaba na kaya pumasok na ako at nilock ang pinto. Katabi lang kase ng kwarto namin ang maliit naming CR kaya kumuha na ako ng tuwalya at pumasok na sa CR.
Nang matapos na akong maligo ay kinuha ko yung damit kong susuotin ko mamaya pag alis. Isa lang itong simpleng black jeans at blue fitted shirt at saka isang pares ng black rubber shoes. Lahat ng ito ay binili ko lang sa ukay ukay no'ng nakaraang piyesta dito saamin. Matagal ko rin itong pinag ipunan at sinusuot ko lamang ito kapag may mahahalaga akong pupuntahan. Sinuklay ko ang mataas kong buhok at tinali ito ng mabuti. Nang masiguradong okay na ang lahat ay kinuha ko ang maleta ko at lumabas sa kwarto. May narinig akong ingay sa kusina kaya alam kong nando'n sila. Pati tawa ni Itay ay narinig ko, hayst. Nilagay ko sa gilid ng maliit naming sofa ang aking maleta bago pumasok sa kusina.
"Oh ate, ang ayos ng suot mo ah. Nagmumukha ka ng tao, pft. Sa'n punta mo?" Imbis na mainis sa tanong ni Cyd ay ngumiti lang ako sakanya bago umupo sa pagitan nilang dalawa ni Sasha.
"Aalis kase si ate Kate ngayon. 'Di ba sabi ko sa inyo kahapon, bibilhin ko ang mga gusto niyo? Kaya aalis si ate para bumili." Pinilit kong huwag malungkot ng sabihin mo iyon.
Pumalakpak pa sila at tumalon talon dahil sa sinabi ko. Sobrang saya nila kaya pinilit ko na lang ngumiti para sa kanila.
"Yehey! Narinig niyo yung sinabi ni ate Katria, Inay, Itay?" masayang tanong ni Sasha kina Inay at Itay.
Ngumiti lang sila ng pilit at tumango bago tumingin sakin ng mag bahid na pagkalungkot.
Nagsimula na rin akong kumain kahit na wala akong gana. Iniisip ko pa lang na aalis na ako sa lugar na kung saan ako lumaki at kung nasaan ang pamilya ko ay parang nanghihina ako. Hindi ko parin kase matanggap na ngayon na ang alis ko. Kung pwede lang sana bumagal ang oras para makasama ko pa ang pamilya ko.
Tumayo na ako senyales na tapos na akong kumain. Lalabas na sana ako ng kusina ng biglang tumayo si Inay at hinila ako sa lababo. Ibinigay niya sa'kin yung supot ng puto na binalot niya kanina kaya agad ko itong tinanggap. Sinulyapan naman kami ni Itay habang 'yong dalawa kong kapatid ay hindi man lang kami napansin ni Inay dahil nakafocus sila sa pagkain.
"Ilagay mo na yan sa maleta mo. Maya maya matatapos nang kumain ang mga kapatid mo kaya ihanda mo na ang sarili mo." Tumango sa ako sa bilin ni Inay at lumabas na ng kusina.
Nagtungo ako sa salas at umupo sa sofa katabi ng maleta ko. Binuksan ko ito at nilagay ang supot ng puto sa bulsa ng maleta bago ito isinara.
"Inay, ano po ba ang sasabihin ni ate Kat?" Agad akong napalingon kay Sasha at Cyd na kakalabas lang kasunod sina Inay at Itay.
"Ah...si ate Katria na lang ang mage-explain sainyo," sagot naman ni Inay at tumingin sakin kaya napatingin din ang mga kapatid ko at tumakbo papunta sa'kin.
"Ate, do you have something to tell us?" Muntik na akong maiyak dahil sa tanong ni Cyd.
Mamimiss ko yang English niya na correct grammar. 'Yong hindi kagaya ni VeraMundo magsalita, isama niyo na rin si Inay kase nahawaan na siya. Lol.
Umupo ako para pumantay sa ka nilang dalawa." May sasabihin sana sa inyo si ate Kat. Sana wag kayong magalit at..umiyak." Pinilit kong ngumiti ng tipid sa kanila kahit garalgal na ang boses ko.
Syet lang. Hindi ko to kaya. Alam kong isang salita ko lang, maiiyak na ako. Handa na rin naman ako kase nakareserba na yung luha ko para sa sitwasyong ito. Pero ayoko talagang magpaalam sa kanila kase alam kong iiyak rin sila, at 'yon ang kahinaan ko. Baka hindi talaga ako makaalis kapag nangyari iyon kaya kailangang kontrolin ko ang sarili ko.
"Ate bakit parang naiiyak k ana? May masama bang nangyari? Ate 'wag kanang umiyak oh, naiiyak na rin ako eh," naiiyak na sambit ni Sasha.
Eto na nga bang sinasabi ko eh, iiyak sila. Hindi ko na napigilan ang sariling kong umiyak rin. Si Cyd naman namumula na ang mga mata.
"Sshh...'wag na kayong umiyak, 'di ba sabi ni ate bibilhan ko kayo ng kung anong gusto niyo? Kaya ngayon aalis si ate para bumili," nakangiting sagot ko at pinunasan ang mga luha nila.
"Eh ate, why are you crying? Bakit parang nagpapaalam ka saamin na parang matagal kang mawawala? Iiwan mo ba kami ate Katria?" Eto ang pinakamahirap kay Cyd eh.
Masyado siyang matalino kaya minsan hindi ako nakakasagot sa mga tanong niya.
"Naiiyak lang si ate kase ayoko kayong iwan, gusto ko sana kayong isama para kayo ang pumili ng gusto niyo kaso hindi pwede eh. Malayo kase ang pupuntahan ko kaya baka mawala kayo. At saka hindi naman si ate magtatagal, babalik din ako kapag nabili ko na yung mga pinabibili niyo." pagpapaliwanag ko sa kanila pero mas lalo lang silang umiyak.
"Eh bakit may dala kang maleta? Siguro mga damit mo ang laman niyan 'no? Ate, please wag ka nang umalis oh. Bahala na kung hindi mo kami mabilhan ng mga gusto namin basta nandito ka." Napaiyak talaga ako ng todo sa sinabi ni Sasha. Tagos sa bones ko ang mga sinabi niya.
Jusmeyo! Lord naman oh! Parang nagbibigay ka ng signs na hindi ko ituloy ang pag alis ko. Please lord..Kailangan ko po talaga ng pera para sa pamilya ko, para makaahon po kami sa hirap. Promise ko po na magpapakabait ako do'n. Hindi ako gagawa ng ikasasakit ng ulo ng amo ko. Aalagaan kopo ng mabuti yung bata na papaalagaan sakin. Kaya please...
"Yes, ate. Ayaw po namin. na mahiwalay ka samin. Ayaw namin na mawalan ng ate. Dito ka na lang, Ate please." Tumayo na ako at pinunasan ang luha ko. Kailangan ko na talagang umalis at baka maiwanan ako ng bus.
"Tandaan niyo. Kapag umalis na si ate, aalagaan niyo sina Itay at Inay ah. Wag kayong magbibigay ng sakit sa ulo sa kanila. Ikaw Cyd, ikaw ang mas matanda kaya dapat protektahan mo si Sasha. At ikaw naman Sasha, 'wag matigas ang ulo okay? Hindi naman magtatagal si ate eh. Kailangan kase ni ate ng trabaho para umahon tayo sa hirap, ayaw niyo ba no'n?" Umiling sila habang umiiyak kaya pinagpatuloy ko ang sinabi ko."Oh, yo'n naman pala eh. Kaya wag na kayong malungkot. At isa pa, kapag nagkasweldo na ako ipapadala ko agad sa inyo ang pinapabili niyo pati mga masasarap na pagkain do'n. Si Itay rin, mapapagamot na natin kung nagkataon." Ngumiti ako sa kanila sa huling pagkakataon at ginulo ang buhok nila.
Ibinaling ko ang tingin ko kina Itay at Inay na umiiyak na rin kaya lumapit ako sa kanila."Oh Inay, ba't kayo umiiyak? Siguro mamimiss niyo ang kagandahan ko 'no?" Nakuha ko pang tumawa kahit sobrang sikip na ng dibdib ko."Ikaw rin Itay, baka isipin kong bakla talaga kayo. Wag na kayong umiyak oh." Tumutulo parin ang luha kong sobrang dami at anytime babaha na ng luha 'tong bahay namin. Chos!
"Mag-iingat ka do'n anak ah. Wag kang magpapaloko sa mga nando'n. Kung kailangan, gamitin mo yung self defense na tinuro ko sa iyo," paalala sakin ni Itay kaya ngumiti ako at niyakap si Itay.
"Mamimiss ka namin, Kat," sabi naman ni Inay at niyakap rin ako.
Pagkakalas namin sa yakapan namin ay kinuha ko na ang maleta ko at hinila palabas ng bahay habang umiiyak parin. Hindi pa man ako nakakalabas sa bakuran namin ay may humawak sakin kaya agad akong napatingin dito.
"Ate 'wag mo kaming iwan!" iyak na sigaw ni Sasha habang nakahawak sa kamay kong hawak hawak ang maleta ko kaya napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang paghagulhol.
"Ate!" iyak rin ni Cyd habang nakahawak sa laylayan ng damit ko.
"Mga anak, aalis na si Ate. Late na siya sa biyahe niya." Pagpipigil ni Inay sa dalawa kong kapatid at hinila sila palayo sakin.
"Sige na Katria, umalis ka na. Anong oras na." Naiiyak ako tumango sa sinabi ni Itay at tuluyan ng nilisan ang bahay namin.
"ATE!"
Napapikit ako sa lakas ng sigaw nila. Parang may nag uudyok sakin na bumalik at pero may malaking parte sakin na nagsasabing tumuloy ako. Kahit labag sa kalooban kong iwan sila, kailangan na kailangan para sa kinabukasan ng mga kapatid ko at sa kalusugan ni Itay.
Pinunasan ko ang mga luhang patuloy paring umaagos sa pisngi ko habang naglalakad palayo sa aming bahay. Sumisilang na ang sikat ng araw at natitiyak kong alas otso na talaga. Sa tagal ba naman ng iyakan at dramahan namin, imposibleng hindi yo'n umabot ng isang oras.
"Mommy is saying me the true. Aalis ka pala talaga papuntang Manila." Napahawak ako sa dibdib ko ng sumulpot na naman si Vera sa harap ko.
Ano ba 'to, parang kabute. Tapos and'yan na naman ang English niyang siya lang ang nakakaintindi. Pero hindi ko magawang mainis sa kanya. Bagkus ay mamimiss ko siya kapag umalis na ako.
Pilit akong ngumiti."Oo eh. Kailangan kase para sa pamilya ko. At saka ano 'yang nasa mukha mo? Ba't sobrang puti at napakapula naman ng pisnge mo, pati yang labi mo parang hinalikan ng aso." Ngayon ko lang napansin ang nasa mukha niya.
Para bang ninudnod sa harina yung mukha niya at sinampal ng blush on ang pisnge niya, idagdag mo pa 'yong labi niyang punong puno ng lipstick at lumagpas na sa labi niya. Jusko! Kung ano anong kababalaghan ang ginagawa ng babaeng 'to.
"Tse! Wala ka kaseng make up skills kaya hindi mo alam tong nasa mukha ko. At isa pa, maganda kaya ang pagkakalagay ng make up sa mukha ko. Sobrang ganda ko na." nakangiting sagot niya kaya nag aalangan akong tumango.
Hahaba lang ang usapan kapag sumagot pa ako ehh sobrang late na nga ako---HALA! SHIT! LATE NA TALAGA ANG ATE NIYO!"
"Oh ano--."
"Late na ako VeraMundo. Mamaya na tayo mag usap kapag nakarating na ako sa pupuntahan ko. Diba friends tayo sa facebook?" Nakakunot noo naman siyang tumango."Do'n na lang tayo magchat, okay? Kailangan ko nang umalis. Sige, babye. See you in hell----este soon pala," nagmamadali kong sambit at patakbong hinila ang maleta papunta sa highway kung saan ako papara ng bus.
Lechee naman oh! Alas nyebe treynta na, sana lang hindi magalit si tita Elizabeth pagdating ko.
Naghintay pa ako ng mahigit 5 minutes hanggang sa may humintong bus sa harap ko kaya agad akong sumakay. Sa pinakalikuran ang may bakante kaya lumakad pa ako dala dala ang mabigat kong maleta. Nang makaupo na ako sa pwesto ko ay hindi na ako nag abalang ilagay sa taas ang maleta ko dahil bukod sa sobrang bigat eh wala naman akong katabi kaya keri lang. Kinuha ko 'yong isang supot ng puto sa loob ng maleta ko at kinain 'yon habang nagbi-byahe.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga tanawin na matagal tagal pa bago ko makitang muli. Naisip ko tuloy kung meron din bang mga matataas na puno ng niyog sa Manila, o di kaya'y palayan, tapos mga bundok.
Ay shunga lang?! Syudad 'yun dai, SYUDAD! Malamang walang gano'n do'n kase puro matataas na building lang ang nando'n, mga park na siguro sobrang ganda, at pati na rin mga bahay. Naagaw ng atensyon ko ang isang malaking sign sa gilid na may nakasulat na 'YOU'RE LEAVING SANTA CLARA'. Napabuntong hininga na lang ako, iniwan ko na ang probinsya kung saan ako nanggaling. Haist mahaba haba pa ang biyahe ko kaya mas mabuting umidlip muna ako.
Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas. Ano ba yan! Ang ingay! Kitang may natutulog di---teka? Ba't ang daming sasakyan? Tapos ang traffic pa. Napatingin ako sa mga kasama ko dito sa bus pero tatlo na lang kaming naiwan dito sa loob kaya dali dali akong tumayo at kinuha ang maleta sa gilid ko.
Nasa Manila naba ako? Napansin ko yung pababa na ale kaya agad kong hinila ang maleta ko at lumapit sa kanya.
Kinalabit ko siya kaya agad siyang napatingin sa'kin."Ate, magtatanong lang po. Nasa Manila na po ba tayo?" tanong ko.
"Oo, hija. Mga limang minuto na ng makarating tayo dito," sagot naman niya.
"Ah sige po, salamat."
Nakababa na ako ng bus at sobrang namangha ako sa tanawin dito. As in sobra! Ang taas pala talaga ng mga gusali dito tapos ang daming tao pati na rin mga sasakyan. Halos malalaglag na ang panga ko sa sobrang pagkamangha lalo na ng makakita ako ng mall na ang pangalan ay 'ROBINSONS MALL'. Grabe naman, parang milyonaryo ang may ari. Pano ba naman kase eh dinaig niya ang laki ng ibang mga buildings. Nasa mga 15th floor ata o mas malaki pa.
Napaigtad ako ng tumunog ang phone ko sa bulsa ko kaya agad ko itong kinuha. Napakunot ang noo ko ng makitang 'unknown' ang nakasulat dito. Sino naman 'to? At saka pano niya nakuha ang number ko.
"Hello?" patanong na sagot ko dito.
[Hija, where are you now? It's your tita Elizabeth. I've been calling you for almost 10 times but you didn't picked it up. I'm worried about you]
Napatakip ako sa bibig ko at tiningnan ulit ang phone ko. Anak ng tilapia! Nakakahiya! Ang tanga tanga ko talaga. Bwisit.
"Uhm...T-Tita Elizabeth, I'm sorry If I didn't answer you calls. I fell asleep in the bus earlier so I didn't manage to answer you Tita."
Potek! Napa-English ako ng maaga. Buti na lang wala lang sakin kase kahit papano may silbi ang pagiging Valedictorian ko no'ng high school ako.
[It's okay hija. I'm not mad. By the way, where are you now? I have a service there in the terminal, he is waiting for you]
"I just arrive at the terminal, tita. I don't know what service are you reffering to. There are many vehicles here," sagot ko at palinga linga para hanapin ang service na sinasabi ni tita Elizabeth pero kahit naman anong gawin ko ay hindi ko malalaman kung alin sa mga sasakyan dito.
[I've texted Butler Derrick. Try to search for him, he's wearing a black suit and a shades. He is looking for you too]
Nagpalinga linga ulit ako hanggang sa may namukhaan ako ng gaya ng dinescribe ni tita Elizabeth kaya agad akong lumapit dito.
"I think I've found him tita Elizabeth. And I think he found me too," sagot ko sa kabilang linya habang papalapit sa Butler Derrick na tinutukoy ni tita.
[Okay, I'll hang up now. Enjoy the ride. I'm very excited to see you hija]
"Me too tita. Babye po."
Nang makalapit na ako kay Butler Derrick ay agad niyang tinanggal ang shades niya at napakagat ako sa pang ibabang labi ko dahil sa nasilayan ko.
Holly Shet! Ang wafu niya mga 'te. At saka ngumiti siya sakin. Whoah! Kalma self, nandito ka para magtrabaho at hindi para lumandi kaya chill ka lang. Dapat mataray ka at masungit, 'yong ma-attitude ba.
"Hey, you must be Ms. Kate Chandria Lynteria. Am I right?" nakangiting sambit nito sakin kaya hindi ko mapigilang kiligin.
Duh. Halos magka edad lang kaya kami sa itsura niya.
At saka, ngayon ko lang napansin na parang familiar siya. Parang nakita ko na siya dati pero hindi ko lang maalala, aish. Ang hina na talaga ng sense of memory ko! Meganon?!
Hello?! Taga Manila 'yan 'te, first time mo pang makapunta ng Manila kaya imposibleng nakita mo na siya.
"Yes, I am," mataray kong sagot na ikinatawa niya.
Punyeta! Ba't ka tumawang timang ka?! Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong kurutin yang mataba mong pisnge. Sige ka.
"Hindi ka parin nagbabago Cha-Cha. Ikaw parin yung pinsan kong masungit at mataray."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. W-Wait...Pinoproseso pa ng utak ko ang mga sinabi niya. Cha-Cha? Isa lang 'yong tumatawag sakin ng ganyang pangalan.
"P-Pinsan? ANAK NG PALAKA! Ri-Ri?! Ikaw ba yan?!" di makapaniwalang sigaw ko sa kanya kaya napatakip siya ng tenga niya.
Napatingin tuloy sa'kin 'yong mga taong dumadaan. Wah! Nakakahiya ka Katria!
"Pft. Oh tingnan mo, kung hindi ko sinabi yung nickname ko sayo hindi mo'ko maaalala. Nakakatampo ka Cha-Cha, alam mo ba yo'n?" nakapout niyang sabi kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinurot kona ang pisnge niya. Kanina pa ako nanggigigil dito eh.
"Sensya na Ri-Ri. Hindi ko talaga alam na ikaw yan eh. Ang laki kaya ng pinagbago ng mukha mo pati katawan mo. Pero yung ugali mo ganyan parin. Hoy! Ikwento mo naman sa'kin 'yong buhay mo dito oh."
Masyado ko talagang namimiss ang pinsan kong ito. Ang tagal na kaya simula no'ng umalis siya sa probinsya namin. Mga 11 years na ata yo'n. Kinuha kase siya nila tita Anya, yo'ng mama niya. Para raw dito na patirahin at pag aralin. Sobrang lungkot ko no'n at iyak ako ng iyak buong magdamag. Minsan tumatawag siya para kamustahin ako at pagkatapos iiyak na naman ako kaya napagdesisyunan ni Inay na huwag nalang sagutin ang mga tawag niya para hindi na ako malungkot at umiyak. Hanggang sa lumaki ako ay hindi na kami nagkita pang muli. Wala na rin akong balita sa kanya kase tumigil narin siya sa pagtawag saamin. Pero ngayon, eto na siya nasa harap ko. Kaya sobra sobrang saya ko talaga.
" Pumasok ka na muna sa kotse at saka kona ikukwento sa'yo pagbiyahe natin. Kanina pa naghihintay sina Maam Elizabeth sa'yo. Mabuti nalang napakabait niya at hindi marunong magalit. Pero yung mga anak niya, inip na inip nang maghintay sa'yo." natatawa niyang sagot kaya napatango ako at dali daling pumasok sa kotse. Nilagay niya sa backseat ang maleta ko at pagkatapos ay sumakay na siya sa driver's seat.
Maygad! First time kong makasakay sa isang kotseng magara. Ang komportable dito sa loob tapos ang bango pa. Naalala ko tuloy yung sinabi niya kanina. Mga anak? So ibig sabihin maraming bata ang aalagaan ko? Jusmeyo! Sana naman hindi makukulit ang mga iyon kundi baka mabaliw na ako! Goodluck na lang sayo Katria...
----------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro