Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 46

LAST CHAPTER! :)

CHAPTER 46

Ilang araw na ang lumilipas simula noong nakita ko si Gabe. Hindi mawala sa isip ko ang hitsura ng babaeng kasama niya noon sa coffee shop. Ang ganda naman kasi niya tapos bagay na bagay pa sa kanya ang pagkamorena niya. Mabuti nga't naglipat na ako ng unit kaya kahit papaano naman ay nakalimutan ko 'yon. Bakit ba kasi laging sa magaganda nadidikit si Gabe? Bakit ba kailangan lagi akong manliit kapag nakikita ko ang mga babaeng kasama niya?

"Sure kang ayaw mong magpatulong sa akin baby?" Tanong pa ulit ni mommy sa akin. Kanina ko pa siya kausap sa call at parang ayaw naman niya akong patapusin maglinis ng unit ko para may malinis pa siya. Gusto kasi niya ay hands on siya tuwing naglilipat ako.

"Mommy, okay na. I got this." Nakangiti kong sabi sa kanya. "And besides, nagtatampo pa si daddy sa'yo. Hindi raw kayo natuloy sa bakasyon niyong dalawa, e."

"Hayaan mo ang daddy mo. Kumukulot lang ang buhok ko kapag siya ang kasama ko, e. Anyway, yung bilin sa'yo ni Ravince. Ang sabi niya mukhang hindi raw mapagkakatiwalaan yung nasa kabilang unit." Lahat naman sa kanya ay hindi mapagkakatiwalaan, e.

"Kapag narinig yan ni daddy bah, lagot kayo ni Ravince. Pinaghihinalaan niyo lahat, e. Maglilinis pa ako ma. Huwag ka nang makulit," Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya pati na rin ang biglang pagsulpot ni daddy doon kaya naman ibinaba ko na para hindi na nila ako magulong dalawa. Marami pa kasi akong lilinisin.

Tinignan ko ang kabuuan ng condo ko. May mga gamit akong nakabox pa. Karamihan naman niyon ay mga libro ko noong college. Hindi ko kasi binibenta ang mga iyon dahil tuwing may nakakalimutan akong topic ay inaaral ko ulit. Hindi ko rin ipapamigaw ang mga 'yun.

Agad kong iniligpit ang mga natitirang gamit na hindi ko pa naaayos. At nang matapos na nga ako ay nag inat-inat na ako at agad na tinignan ang orasan. Lagpas alas kwatro na at hindi ko man lang namalayan. Hindi pa nga ako kumakain ng lunch!

Mabilis akong nagshower para mawala ang lagkit sa katawan ko. Matapos kong maglagay ng kung anu-ano sa katawan, na natutunan ko sa officemate ko, ay lumabas na ako para maghanap ng pwedeng makainan. Ikinandado ko na ang pinto ko.

Napangiti ako nang makita ko ang keychain na nakasabit sa susi ko. 'Angel' ang keychain na binili ko noong kaarawan ni Gabe. Kahit siguro makita ko pa siya kasama ang ibang babae, baka hindi ko pa rin mapapalitan ang keychain na 'to. Ewan ko ba. May pinakain sigurong gayuma sa akin ang lalaking iyon noon?

Lumapit ako ng tirahan kasi masyado akong nalalayuan sa office. Kaya naman ngayon ay isang sakay na lang ng jeep magmula sa unit ko hanggang sa office. Kahit papaano naman ay safe naman sa lugar na ito. Pwera na lang siguro kung biglang may alien invasion na maganap dito.

Nang makalabas ako sa building ay kaagad akong tumingala sa langit. Mukhang uulan pa yata mamaya. Ayaw ko naman nang bumalik sa taas para lang kumuha ng payong.

Ang ayaw ko lang dito sa nilipatan ko ay malayo ang mga pwedeng kainan. Kailangan ko pang maglakad ng malayo at tumawid sa kalsada para lang makalapit sa lugar kung saan may pwedeng pagpilian ng mga pwedeng makainan.

Habang naglalakad ay pinagmamasdaan ko na ring maagi ang mga nadadaanan ko. May mga shop din kasi na pwede kong bilihan ng mga gamit. Ang ibang building ay mga condominium at apartments din naman.

Huminto ako nang maabot ko ang pedestrian lane. Naka-go pa ang mga sasakyan kaya naman huminto ako. Ang hindi talaga mawala sa akin ay ang takot ko sa mga tawiran. Hindi talaga ako nasanay-sanay kahit ilang beses pa akong tumawid mag-isa.

Habit ko na ngang hawakan ang sarili kong kamay para hindi na ako makahawak ng kung sinu-sino. Nakakahiya na kasi minsan. Minsan nga may manyak akong nakapitan. Ugh! Ayaw ko na talagang maalala yun. Nakakahiya pa dahil may nakapitan din akong matanda. Tawang-tawa siya sa akin dahil imbes na siya ang tinutulungan kong tumawid, ako pa ang tinulungan niyang tumawid.

Matagal kong pinagmasdan ang traffic light hanggang sa ito ay maging green na at mukhang naglalakad na tao ang sign. Hudyat na pwede na kaming tumawid.

Napangiti ako dahil kahit papaano ay may mga kasabay naman akong maglakad. Naging panatag ako kaya binitiwan ko na ang mga kamay ko.

Nasa gitna na ako ng kalsada nang may motorsiklong mabilis ang andar ang biglang dumaan sa harapan namin. Dahilan naman kaya bigla akong napakapit sa taong katabi ko.

"Sht!" He cursed. "Okay ka lang?" Tanong nito sa akin. Pakiramdam ko ay ayaw humupa ng kabang nararamdaman ko dahil sa motorsiklo.

"I... I'm fine. Thank y---" Inangat ko ang ulo ko para makita siya pero napahinto ako sa pagpapasalamat sa kanya nang sinalubong ako ng mga matang kilalang-kilala ko.

Napakagat ako ng labi ko at mas tinitigan ko pa siyang maigi. Nanlaki ang mga mata nito pero agad iyong nawala dahil umiwas siya ng tingin. Nagulat din ako dahil bigla nitong pinagsalikop ang mga kamay namin at hinila patawid sa kalsada. Saktong nagsiandaran na naman ang mga sasakyan nang nasa sidewalk na kami.

"Uhm..." Napatingin ako sa mga magkasalikop pa rin naming mga kamay. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit niya biglang binitiwan ang kamay ko.

"Huwag kang yumuko." Bigla ay nakaramdam na naman ako ng kaba. "Pwede ba kitang titigan?" napalunok ako dahil sa biglang request nito. Sht! Hindi ko na makalma pa ang puso ko na sobrang bilis ang tibok ngayon!

Hinawakan nito ang baba ko at inangat ang tingin ko.

"There." Ngumiti ito kaya muli ko na namang nasilayan ang dimple sa kanang pisngi nito. "Nakita na kita sa coffee shop noong nakaraan. Sorry miss kung pagmamasdan kita. Pwede bang i-clip mo 'yang bangs mo?"

"Wait." Hinawakan ko mga kamay niya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa pisngi ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi ako makapaniwalang tinawag niya akong miss!

"Sorry, hindi ko naman sinasadyang hawakan ka. Hindi naman ako manyak, promise!" Itinaas nito ang kanyang kanang kamay at umatras. May nahulog siyang susi at ako na mismo ang pumulot nito dahil mukhang hindi niya napansin.

Napangiti ako nang makita ko ang keychain na binigay ko sa kanya. Katulad ng akin ay nakasabit din dito ang isang susi niya.

"Babe." Nakangiting bulong ko sa sarili ko saka tumayo. "Seriously Gabe? Hindi mo ba ako namukhaan?" Ilang beses itong kumurap at parang hindi makapaniwala nang banggitin ko ang pangalan niya.

Inilabas ko ang susi ng unit ko at ipinakita sa kanya ang keychain ko.

"Angel." Mahinang sabi ko sa kanya. "Nathalie Miru 'Angel' Mariano." Nakangiti ko pang sabi rito. "May kasama kang babae sa coffee shop noong nakaraan kaya hindi kita inabala." Naglakad na ako at pansin ko namang sinabayan na niya ako.

"She's a... She's Bautista's wife." Aniya. "Wait? Ikaw ba talaga ang Miru ko?" halos matawa ako dahil sa tanong niyang iyon.

"Tinatawag mo akong 'Miru ko' pero hindi mo ako nakilala." Itinali ko ang basa ko pang buhok. "Pero pinapatawad na kita sa kasalanan mong iyon. Alam ko namang gumanda ako ng sobra, e." Muli ay humarap ako sa kanya. Parang hindi nito alam ang gagawin niya ngayon. Pero ako? Alam na alam ko ang gagawin ko.

Niyakap ko siya at naramdaman kong niyakap din niya ako makalipas ang ilang segundo. Naramdaman ko rin ang paghinga nito sa leeg ko. Wala na akong pakialam kung maraming tao na ang nakatingin sa amin ngayon.

"I'm sorry dahil iniwan kita noon."

"Ssshh, no. Don't say sorry. Nakatulong yun sa'yo, Angel." Mahinang sabi nito. "God! I missed you so much. I waited for you. Hinintay kitang maka-graduate. Nagbabad ako sa trabaho para lang mapigilan ang sarili kong puntahan ka. Nirespeto ko ang desisyon mo dahil ayaw kitang mawala ulit kapag nakita na kita. Because I won't let you go again, Angel." Humiwalay ako sa kanya ng yakap. Pinagmasdan ko siyang maigi saka ako ngumiti.

"Good kasi wala rin sa plano ko na pakawalan ulit kita, Engineer. Natupad na ang gusto kong maging CPA. At sinabi ko sa sarili ko na kapag nakita kita ulit ay lalapitan kita kaagad. Hindi lang natupad yun nung una dahil may kasama kang babae---"

"Asawa nga yun ni Bautis---" Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil tumingkayad na ako at siniil siya ng halik.

"I love you, Gabriel Vaughn Rodriguez." Hinaplos ko ang labi nito at napakunot ang noo ko nang mapansin kong may sugat ang labi niya. "Where did you get this?"

"Kay Ravince. Nakita ko siya sa tapat ng unit ko kahapon tapos bigla na lang niya akong sinuntok." Nagkibit balikat pa ito na parang wala lang ang ginawa ni Ravince sa kanya. "Hindi ko nga alam kung anong ginagawa niya sa tapat ng unit ko kahapon may mga dala pa nga siyang kahon." Ilang beses akong napakurap dahil sa sinabi niya. "Pwede mo bang ulitin yung sinabi mo kanina? Sabihin mo ulit." Nakangiti pa siya nang sabihin niya iyon sa akin.

"Unit 838?" Tanong ko rito dahil nasa unit 839 lang ako. Binalaan kasi ako ni Ravince kahapon na huwag daw akong makikipagkilala sa tao sa 838. Tapat lang yun ng unit ko.

Tumango ito at parang na-gets na niya kaagad kung ano ang gusto kong ipahiwatig. "So, ikaw ang magiging kapitbahay ko?" nakangiti pa nitong tinanong. "Naniniwala na talaga ako sa destiny." Lalo pang lumaki ang mga ngiti niya. "Thank you." Napakunot na naman ang noo ko dahil sa biglang pagpapasalamat niya.

"For what?"

"Kasi naging magkapitbahay tayo noon, kasi ikaw na naman ang kapitbahay ko ngayon. At hindi na ulit kita hahayaang lumipat pa. I love you, Angel."

Muli niya akong niyakap nang mahigpit.

This time, I can finally say that there's no turning back. Naghintay na kaming pareho kaya dapat lang na wala na talagang atrasan.

"Then treat me dinner again, Babe."

=END=

**********************************

A/N: Sabi ko naman kasi sa inyo huwag niyo ko madaliin mag-update, e. Matatapos agad! Ending na yan! Ang kasunod na update na lang ay ang EPILOGUE. lol

By January magpopost siguro ako ng new story. Not sure pa kung yung scifi ko na RUNAWAY ASIA o yung kay RAVINCE MARIANO na JUST BETWEEN ME AND YOU.

Siguro naman hindi ko na kailangan ipaliwanag kung bakit hindi proposal/kasalanan ang ending ano? Hindi naman kasi kelangan laging ganun.

Anyway, THANK YOU SA MGA NAGBASA NG HELLO,NEIGHBOR. Sana talaga marami tayong natutunan. Kasi kapag nagbabasa ako ng comments niyo, natututo rin ako. <3

LABYU GUYS! VOTE AND COMMENT! Follow me on twitter aril_daine


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: