CHAPTER 41
CHAPTER 41
Ilang araw na rin ang nakalipas magmula noong huling kita ko kay Gabe. Like what he said, binigyan niya ako ng oras para mag-isip. Hindi niya ako ginulo pero mas bothered ako lalo dahil hindi siya nagpaparamdam. Hindi rin ako tinanong ni Ravince, basta napansin ko lang na ang bait-bait niya sa akin ngayon.
"Sure ka talagang dito ka na ulit sa apartment mo? Baka mamaya umiyak ka na naman." Tumingin pa si Ravince sa unit ni Gabe. Saka niya ikinuyom ang mga palad.
"I'm fine Ravince."
"Sigurado ka talaga?" Muling tanong niya sa akin and this time ay nakatingin na siya sa mga mata ko.
"Yes, puntahan mo na si Robin." Ngumiti ako para hindi na siya mag-alala sa akin. "You have nothing to worry about."
"That's when I worry the most." Pero kahit ganun ay nag-nod na rin siya. "Call me kapag may kailangan ka o kaya si Oliver. Kahit papaano naman tiwala ako doon." Tumango rin ako bilang tugon.
"I will. Thanks."
After ng isang oras ay tumawag sa akin si Kevin. Mag-aral daw kami para sa compre namin. 3 weeks na lang kasi at compre na. Kailangan naming pumasa para makapag-fifth year sa school na ito. Nagreply ako na dito na lang sa apartment. Ayokong lumabas, e. Kapag sa mga coffeeshop kasi kami hindi rin kami makakapag-aral. Titingin lang sila ng magagandang babaeng labas-pasok sa shop. Ganyan sila. Makakita lang ng legs susundan na nila ng tingin. Maraming distraction kung sa labas kami mag-aaral. Mahirap magfocus.
Lumabas na muna ako ng apartment para bumili ng makakain. Bumilli ako sa isang kainan na malapit lang sa apartment namin. Malinis naman kasi dito at may aircon pa. Nang makabili na ako ay kaagad akong bumalik.
Paakyat na nga ako sa third floor nang makita ako ni Gabe.
"Angel?" Mabilis itong lumapit sa akin at ibinaba ang hawak nitong plastic para mayakap ako. I didn't hug him back. Pero nang kumalas ito ay nginitian ko pa rin siya kahit papaano at nilagpasan siya. "Hinintay ko ang tawag mo." Sabi nito sa akin. "Hihintayin kong kausapin mo ulit ako." I bit my lower lip and faced him. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko, huminga nang malalim at muling tinignan siya.
"Hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko." Tumingin ako sa plastic na muli nitong hinawakan. MILK. Napatango ako pero kumikirot ang dibdib ko.
"Pinalayas si Carissa sa bahay nila." Nakayukong paliwanag niya. Hindi ko alam kung dapat ko pang pakinggan ang mga susunod niyang sasabihin. "Dito siya titira."
"Kasama mo?" Patanong na tuloy ko sa sinasabi niya. "Tama naman, e." Pinilit kong maging kalmado ang boses ko saka ko siya nginitian. "Responsibilidad mo naman kasi siya. Sige, mag-aaral pa kasi ako."
"Miru... huwag naman kasi ganito."
"Paanong hindi? Ibabahay mo na nga, e! Anong gusto mong gawin ko? Maging kabit mo kapag nagpakasal kayo?"
"Bakit ba kasi kasal kaagad ang nasa isip mo? Kung anak ko nga 'yun, pwede ko naman suportahan lang. Hindi mo ba ako tanggap kung may anak ako? Miru naman. Marriage won't work on our situation. You think I can marry her? No for Pete's sake! I can't even see myself marrying her!"
"You're cruel. Hindi mo ba naisip yung magiging anak niyo? Paglaki niya tutuksuhin siya kasi hindi pinakasalan ng ama niya ang ina niya? Gusto mo ba yun?" Naiiyak ako pero pinipigilan ko. "Gabe, naiintindihan ko naman na mahal mo ako. Mahal din naman kita pero naiintindihan ko rin naman si Carissa. Mas kailangan ka nila kaysa sa akin." Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak nang makita kong nauna nang lumandas ang mga luha niya. I cupped his face and wiped his tears. "You didn't do wrong. You were broken and weak. And Carissa was there to comfort you."
"Miru..." Niyakap ko siya at hinayaang umiyak sa akin.
"You know, we can't continue our relationship like this." Mahina kong sabi habang tinatapik ang likuran niya. "I want to win you but I'm resisting myself to fight for us." Unti-unti ay bumibigat na ang katawan ni Gabe. "I can't fight kasi alam kong ako ang pipiliin mo." Mahigpit ko siyang niyakap at hinahayaan ko lang na lumandas ang mga luha ko. "Ayaw kong maging kawawa ang bata."
"Tingin mo... tingin mo sasaya ba yung bata kung hindi ko mahal ang nanay niya? Miru, ayoko. Hinihintay kita, e. Hindi ko naman alam na magkakaganito. Miru..."
"Pwede... pwede naman tayong maging magkaibigan pa rin." I tried my best na hindi maging basag ang boses ko but I failed. Siguro nga'y mukha pa akong tanga ngayon na nakangiti "That's the best thing that I can offer to you, Gabe. That's all I can offer to you. Mabait ka, kaya alam kong gagawin mo ang tama. Iyon kasi ang Gabe na tingin ko ay nagustuhan ko. Kaya please, huwag mong sirain yung Gabe na mahal ko."
***
Pansin ko ang mga titig ng tatlo kong ugok na kaibigan sa akin. Kating-kati na siguro ang mga dila nila na magtanong kung bakit namamaga ang mga mata ko.
"Oo na, umiyak na ako. Mag-aral na nga kayo."
"Kung may hindi ka maintindihan magtanong ka lang sa amin. Huwag mong iyakan," Sabi ni Kevin habang tinatapik pa ang balikat ko.
"May babae kanina sa unit ni Gabe, kaya ka ba umiyak?" Huminga ako nang malalim at isinara ang notes na binabasa ko dahil sa tanong sa akin ni Jonathan. Ang dalawa pa naming kasama ngayon ay tumingin na naman sa akin. Lahat sila iniurong na ang mga binabasa. Mukhang walang group study na magaganap ngayon, hot seat lang.
Dahil mukhang hindi naman nila ako titigilan ay sinabi ko sa kanila ang lahat. Lahat ng alam ko.
"Gago naman pala 'yang Gabe na 'yan, e!" Naiinis na tumayo si Kevin pero pinigilan siya ni Erol. "Erol tangina! Bakit mo ako pinipigilan? Babangasan ko yung hinayupak na 'yun! Pinaiyak niya ang Miru natin! Hindi naman tama 'yun!"
"Hindi ka ba nakikinig sa sinabi ni Miru? Hindi nga nila alam!"
"Hindi e! Ako nga kahit lasing ako alam kong may nakakatalik ako. Tangina naman ng taong 'yan. Hindi fiction ito uy!" Pinigilan ko si Kevin at pinaupo siya. Mas beastmode pa siya kaysa sa akin.
"Pero totoo ang sinabi niya Miru," Pagsang-ayon ni Jonathan. "Hindi pwedeng makalimutan niya 'yun. Baka nasabi niya lang na hindi niya matandaan kasi nga nagulat siya. Kasi nga hindi niya inexpect. Kasi nga nandyan ka." Yumuko ako at tinignan ang mga daliri ko. Alam ko naman.
"Pero tama naman ang ginawa mo." Saad ni Erol. "Mas kailangan naman kasi siya nung babae ngayon. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari pero tingin ko hindi talaga papatali yang si Gabe dyan sa babae."
"Pero mas deserve mo pa rin ang walang responsibilidad na lalaki." Sabi pa ni Kevin sabay tingin kay Jonathan. "Langya pare! May pag-asa ka na ulit!" Tumatawa pa siya ng sabihin niya 'yon
"Gago. Hindi na. Ayaw ko ng masira kami. Diba Miru?" Tumango naman ako sa sinabing iyon ni Jonathan. Saka nakakailang naman kasi kung dahil lang sa ganoon ang nangyari sa amin ni Gabe ay magpaparamdam na ulit siya ng feelings. That's a no, no!
"Ayaw mo? Edi yung Oliver na lang. Taena! Miru! Kapag may game sina Oliver tapos binigyan ka ng ticket, ipanghingi mo rin kami!" Inirapan ko na lang siya at binato ng ballpen dahil kung anu-ano ang iniisip niya.
"Mag-aaral ako. Yun ang top priority ko. May Gabe man o wala, mag-aaral pa rin ako. Erol, paturo na nga lang ako. Dapat talaga tayong dalawa na lang ang nag-aral. Dapat wala na 'tong dalawa, e." Reklamo ko pero binato ako ni Jonathan ng crumpled paper.
"Huwag mo nga ako dinadamay sa kalokohan niyang kaibigan mong si Kevin. Siya ang palayasin mo dito. Wala naman 'yan naitutulong."
"Peste talaga kayo. Pero Miru, kung gusto mong uminom mamayang gabi pagkatapos natin mag-aral, magsabi ka lang."
"Bahala nga kayo." Tumayo ako at kinuha ko ang wallet ko. "Bibili lang ako ng chips sa baba." Tumayo rin naman si Kevin at sinabing sasamahan niya ako.
Pero sa paglagpas namin sa unit ni Gabe ay saktong bumukas ang pinto nito.
"Hindi ko rin naman kasi ginusto 'to, Gabe. Kung alam ko lang na may girlfriend ka, sana hindi ko na lang sinabi. Para sana ako na lang ang magpapalaki sa bata pero ang unfair kasi, e. We both did that!"
"Heto na nga, diba? Sinusuportahan na nga! Ano pa bang gusto mong gawin ko?" Yumuko ako at hinawakan si Kevin. Ayaw ko na kasing marinig pa kung saan patungo ang usapan nila. Mabuti na lang at gets agad iyon ni Kevin kaya ipinagpatuloy na lang namin ang paglalakad palayo sa kanila.
*********************
A/N: dapat lagi talagang pinag-iisipan ang mga ginagawa. Broken man o hindi, badtrip man sa buhay o hindi, dapat hindi mo sinisira ang buhay mo kasi baka future doon lang makikita ang consequences
VOTE AND COMMENT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro