CHAPTER 40
CHAPTER 40
Pinunasan ko kaagad ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko. Pero kahit anong punas ko ay malabo pa rin ng pangingin ko.
"Ma'am okay ka lang?" Tumango ako bilang tugon sa receptionist. "May masakit po ba sa'yo?" Umiling ako at pilit ko pa ring pinupunasan ang mga luha ko. Sumisikip ang dibdib ko. "Gusto mo po bang samahan na po kita sa room niyo?" Muli akong tumango kaya inalalayan niya ako patungo sa loob ng elevator.
Ibinigay ko sa kanya ang cardkey ko para siya na mismo ang magswipe niyon sa elevator.
"Masama po ba ang pakiramdam niyo?" Tumango ako at malalim na huminga. "May asthma po ba kayo?" Umiling ako at pinilit kong sumagot.
"I'm f-fine. Gusto ko na lang makuha ang mga gamit ko." Punas lang ako nang punas ng luha ko. Tumigil lang naman ako sa pagpupunas nang makapasok na ako sa kwarto ko. Agad kong kinuha ang mga gamit kong nagkalat at isiniksik sa bag ko.
"Ma'am, I'll help you pack your things." Concerned na sabi nito sa akin kaya tumango na rin ako. "May kasama po ba kayo ma'am? Para masabihan ko po." Marahas akong umiling at inilabas ang cellphone ko at hinanap ang isang numero. Ibinigay ko ito sa babae.
"P-please call that number. And please tell him to bring R-ravince with him." Pumunta ako sa bathroom para maghilamos pero sadyang hindi tumitigil ang paglandas ng mga luha ko. Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito pero damn!
Carissa is pregnant. Kaya ba lagi niyang inaabangan si Gabe sa unit nito? Hindi ba siya nakahintay kaya mas nauna niyang sbaihin sa ama ni Gabe?
"Hey, bakit mo inaayos ang mga gamit ng girlfriend ko? Nasaan siya?"
"S-sir kasi po. Ang sabi po niya wala siyang kasama at aalis na po siya."
"No one's leaving. Thanks anyway." Napayuko ako nang marinig ko iyong sinabi ni Gabe sa babae. I bit the inside of my cheeks at muling tumingin sa salamin. This is you, Miru. The weak Miru. The crybaby.
Paglabas ko sa bathroom ay nanlaki kaagad ang mga mata ni Gabe nang makita niya ako. This time, hindi ko na pinunasan ang mga luha ko. Kahit naman magsinungaling ako ay mahahalata pa rin niyang umiyak ako.
"Angel, what's wrong?" Lumapit ito sa akin at pilit na pinunasan ang mga luha ko. Napansin ko rin na lumabas na ang babaeng tumulong sa akin.
"G-Gusto ko ng umuwi." Naramdam ko ang mainit niyang yakap sa akin. Gusto ko siyang yakapin pabalik pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay nauubusan ako ng lakas. "Gusto kong umuwi kay mommy. Gusto kong yakapin si mommy."
"Sshh. Ihahatid kita bukas, okay?" marahas akong umiling at itinulak siya.
"Y-yung susi. Kukunin ko yung susi. Uuwi na ako. Ayoko na dito"
"Miru, hindi ba pwedeng bukas na lang? Gagabihin tayo sa daan."
"Ang sabi ko ngayon na! Hindi ka ba makaintindi? Gusto ko ng umuwi!" Natigilan siya dahil sa pagtataas ko ng boses. "Gusto ko na lang umuwi sa bahay. Gusto kong makita ang kapatid ko, ang mommy ko." Nakayuko kong sinabi.
Ilang beses huminga nang malalim si Gabe. Ramdam ko rin ang mga titig niya sa akin.
"Fine. Ihahatid kita ngayon." Hindi na ako sumagot at nagpatianod na lang ako palabas nang hawakan niya ang palapusuan ko at binuhat sa kabilang kamay niya ang bag ko.
Kahit na nakaalis na kami ay hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Tama pa ba? Hahawak pa rin ba ako?
Panakanaka itong sumusulyap sa akin para i-check ako. I'm trying not to cry pero hindi ko talaga mapigilan. This is just too much for me.
"Tell me what's wrong. You're freaking me out, Miru." Hindi nakabukas ang radyo kaya ramdam na ramdam kong hindi na mapakali si Gabe. Gusto ko lang sanang bumyahe ng tahimik at hindi siya kinakausap. "Please, talk to me."
"Bakit kailangan mong magsinungaling sa akin?" Umpisa ko. Tumingin ako sa labas habang pilit na pinupunasan pa rin ang luha ko. Nahihirapan na akong huminga. Nahihirapan na akong kasama siya. "Hindi ba ang sabi ko kanina, sabihin mo na sa akin kung may dapat ba akong malaman? Bakit hindi ka nagsabi?"
Pabagal nang pabagal ang takbo ng sasakyan hanggang sa huminto na ito sa gilid ng kalsada.
"Narinig mo ba?" Tumango ako bilang tugon. Narinig ko rin ang pagbuntong hininga niya. "Sht."
"Sht talaga Gabe. Kasi wala naman akong laban doon, e. Alam mo ba kung ano ang iniisip ko kaninang hinawakan ko ang kamay mo? Na hahawakan ko yun hanggat alam kong may karapatan ako. E, ngayon? Nganga na lang ako? Kung kelan naman mas pinili ko mag take ng risk." Naiinis kong isinuklay ang mga daliri ko sa buhok ko. "Alam kong masasaktan ako but not like this!" Muli na naman lumandas ang mga luha ko. Tanginang luha 'yan. Pati sila hindi nakikisama sa akin. "Gustong-gusto kong magalit sa'yo pero hindi ko kaya. Alam mo kung bakit?" Tumawa ako at tumingin na sa kanya. "Kasi you never cheated on me. Kung nabuntis mo man siya, hindi pa tayo noon, wala pa sa isip mo na girlfriend mo ako noon! Ilang buwan na?"
"Three months." Mas lalo akong tumawa dahil sa sagot niya. Fcking three months! "Pero Miru, hindi ko alam kung akin 'yon." Hahawakan sana niya ako sa kamay pero tinapik ko iyon.
"See? Three months! Gabe, yun 'yong panahong kakikilala ko lang sa'yo. Yun yung panahong nakikipagsex ka pa sa kahit kanino! Tangina diba? Paano ako magagalit sa'yo? Paano ko sasabihin na you cheated on me? Bigyan mo naman ako ng rason para magalit ako sa'yo." Halos makiusap na ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang pwede kong maramdaman. Gusto kong magalit pero paano? Sa anong rason? Dahil nakabuntis siya? Fck!
"Miru, hindi ko nga alam kung akin yun! Oo nagising ako sa bahay niya but that was it! Wala na akong maalala. Kasama ko siya noong nagpakalasing ako, oo. Kasama ko siya noong panahong nalaman kong may iba na si Carol pero Miru, wala akong matandaan na ginalaw ko siya!"
"Gabe, ginalaw mo man o hindi nandyan pa rin yung possibility na ikaw nga yung ama. Naiintindihan mo ba? Ilang beses ko siyang nakitang nagpabalik-balik sa unit mo pero binalewala ko 'yun kasi akala ko isa na naman siya sa mga babaeng may gusto lang sayo. Pero sana pala dapat kinausap ko na siya noong una ko siyang nakita."
"Miru---"
"Hindi naman kasi excuse yung sasabihin mong hindi mo alam kung may nangyari sa inyo, e. Ang sa akin lang, tinanong naman kita bakit hindi ka nagsabi?"
"Kasi kanina ko lang din nalaman. Miru, ako ang sumundo kay Carissa kaninang umaga pero wala siyang sinabi sa akin. Maybe she tried but I didn't let her talk. Kasi Miru, I kissed her that night. Iyon lang ang alam ko. Pero nagsisi ako kaagad kasi nga halos pamilya na rin ang tuwing sa kanya nina daddy! Magkaibigan ang dad niya at ang daddy ko. That's why i don't want to lead her on! Hindi ko na siya kinausap simula noon! Kaya mas nauna niyang sinabi sa pamilya ko except Yvette."
"You should have at least told me that! Hindi yung mukha akong tanga sa harap ng pamilya mo. Kitang-kita ko naman kasi na gustong-gusto nilang lahat si Carissa! Sa mata nila, you still fcked her. Kaya kahit maniwala ako sa'yo. Wala naman akong magagawa kasi nandyan na yung bata." Mapait akong ngumiti at tumingin sa labas. "Iwan mo muna ako, please."
"W-what?"
"I said get out! Uuwi akong mag-isa. Get out!" Makitid na kung makitid ang utak pero hindi ko kayang makipag-usap ngayon sa kanya.
"Angel naman..." Alam kong gusto niyang makiusap. "Miru... please trust me."
"Paano kasi kita panghahawakan? Love alone is bullshit."
"Please hear me out, Angel."
"Gabe naman. Ano pa bang sasabihin mo? That you love me? That you won't hurt me? That you didn't impregnate her?" Basag na basag na ang boses ko nang sinasabi ko ang mga iyon lalong-lalo na ang huling linyang binitiwan ko. There was a hint of hurt plastered on his face. "Gabe, naniniwala naman akong sincere ka sa akin. Ang problema kasi, buntis si Carissa at ikaw ang tinuturo niyang ama." Huminga ako nang malalim at pinunasan ko ang luha ko.
Kitang-kita ko rin na may luhang pumatak mula sa mga mata niya.
"Please, give me time to think. Pakiusap iwan mo na muna ako." Umiling ito at pilit niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"Miru, tignan mo ako please." I didn't. I closed my eyes instead. "Please?" pinunasan niya ang mga luha ko hanggang sa maramdaman kong binitiwan na niya ako. Narinig ko na rin ang pagsara ng pinto kaya iminulat ko na ang mga mata ko.
Nakita ko siyang naglalakad na palayo at hindi ko na malaman pa kung ano ang gagawin ko. Did i do the right thing?
Lumabas ako at lumipat sa driver's seat. Nanginginig kong ibinaba ang handbreak at tinapakan ang clutch and shifted to gear 1. Mahina kong tinapakan ang gas at naramdaman ko na kaagad ang pag-andar ng sasakyan.
Natatakot ako. Diretso ang tingin ko sa daan pero agad akong napahinto at matagal na pinindot ang busina dahil nakita ko ang imahe ng bata.
Paulit-ulit akong bumubusina. Please. Please kahit ngayon lang. Gusto ko ng umuwi. Please mawala ka muna sa isip ko. Please. Please!
Sumigaw ako dahil sa sobrang pagkainis sa sarili ko. Bakit ba napakauseless ko?
"Sht! Angel, I'm sorry." Tulala akong tumingin kay Gabe. Nakabukas na ang pinto ng sasakyan at niyakap niya ako. "I'm sorry." He told me. Unti-unti kong itinigil ang pagbusina. "Hindi dapat kita hinayaan na magmaneho. I'm sorry."
Pinatay nito ang makina ng sasakyan at muli niya akong niyakap. Paulit-ulit niyang sinabi ang mga katagang I'm sorry.
Paulit-ulit hanggang sa nakaramdam na ako ng pagod at dinalaw na ng antok.
***
"Gago ka ba? Diba ang sabi ko huwag mong hahayaang humawak ng manibela ang ate ko?" Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Kahit madilim na ay kita ko kaagad ang likuran ni Ravince habang kausap niya si Gabe. "Paano kung napahamak siya? Ipinagkatiwala ko sa'yo yung ate ko. Pumayag ako. Ipinahiram ko pa nga yung sasakyan ko para alam kong iuuwi mo siya sa akin ng hindi nasasaktan. Gago ka ba? At bakit siya umiyak? Imposibleng umiiyak yan dahil lang sa dengue ni Jace!"
"Ravince, tama na."
"Alexa, hindi e. Pinaiyak niya ang ate ko." Muli akong pumikit. Narinig ko ang pagbukas sara ng pinto sa gilid ko at naramdaman ko ang telang lumapat sa balat ko. Agad kong hinawakan ang kamay ng nag-aayos nito.
"Miru, gising ka na?" Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Oliver. "Sorry, ngayon lang kami. Naghintay ka ba ng matagal?" hindi ko siya sinagot. Tinitigan ko lang siya. "Si Ravince na ang magmamaneho sa inyo pauwi. Ako na lang maghahatid sa kasama niya pabalik." Tumango na lang ako at muling tumingin kina Ravince at Gabe.
"Gabe umayos ka. Kahit mas matanda ka sa akin, wala akong pakialam. Kapag nalaman ko talaga ang dahilan, tangina lang talaga. Humanda ka sakin."
"He didn't do wrong." Sabi ko kay Oliver. "He was clueless like me." Binigyan lang ako ni Oliver ng isang kalmadong ngiti. "I drove the car." Pilit akong ngumiti. "2 meters."
"Magpahinga ka na, Miru. You did great today." Tumango ako pero still, lumabas ako. Agad kong napukaw ang atensyon ng nag-uusap.
"Ate, pumasok ka na sa loob. Uuwi na tayo." Lumapit ako kay Gabe at napansin kong hinila ni Robin ang kapatid kong si Ravince. Narinig ko siyang nagmura pero kinausap na siya kaagad ni Robin.
"Angel," Hinawakan nito ang magkabila kong kamay at pilit na tinitigan sa mga mata.
"Thank you for giving me that small blip of happiness. It was fun while it lasted" Mahina kong sabi sa kanya. Hinawakan ko ang kanang pisngi nito at nginitian ko siya. "It's amazing how fast my happiness can disappear."
"Are you... are you breaking up with me?" Pabulong ngunit halos basag na nitong tanong sa akin.
"I don't know... M-maybe?" Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.
"But Angel, I don't want to let you go. I'll give you time just please don't shut me down. I can't afford to lose you."
"Gabe," Sinubukan ko siyang itulak pero wala na akong lakas para itulak pa siya. Doon ko rin napansin na basa na ang leeg ko dahil sa iyak nito.
Please don't do this. Please don't make this harder for me.
"Sorry that I'm not what you expected. Sorry that I'm not what you wanted. Sorry that I'm not perfect enough for you. But please, don't ask me to let you go, Angel. Please."
*****
A/N: Naku naku naku! Ano kaya mangyayari sa mga susunod pang kabanata? jeske. Nai-stress ako sa kanila.
Vote and Comment! Labyu. wahahahahaah
I-murder na natin daddy ni Gabe saka si Carissa? hahahaha
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro