CHAPTER 38
CHAPTER 38
Mali, e. Hindi ko dapat siya pinag-promise. Nababali 'yun. Bakit ko naman kasi nasabi 'yun? Masyado ba akong nadala sa mga napapanood ko minsan na kdrama? Hindi, e. Minsan lang naman ako nanonood ng mga drama-drama dahil wala naman akong panahon pero mali talaga, e! Baka masaktan lang ako kung aasa akong aasa sa binitiwan niyang salita.
Bumangon ako at dumiretso sa bathroom. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, plain pa rin ako at medyo magulo pa ang maikli kong buhok. Ano bang nagustuhan ni Gabe sa akin?
Agad akong nag-shower at binasa ang mga text sa akin pagkatapos. Ang isa dito ay galing kay Gabe at sinasabing huwag ko na siyang hintayin ng breakfast dahil may pinuntahan siya. Goodness. Tama bang iwanan ako? Porke't birthday na niya?
Natigilan ako.
Birthday na niya! Dang it! Wala pa akong nabibiling regalo para sa kanya!
Nang makabihis na ako ng shorts at tee ay kumain na muna ako ng breakfast sa baba. Hindi na ganoong kadami ang tao dahil na rin siguro alas nuebe na and thankful ako dahil wala dito ang family ni Gabe. Matapos kong kumain ay lumabas na ako. Namasyal ako sa buong paligid, sa mga nagbibenta ng souvenir at kung anu-ano pang mga kagamitan.
I'm looking for something na pwedeng gamitin ni Gabe araw-araw. Ayaw ko naman siyang bigyan ng damit dahil afford naman niya 'yun. Branded pa.
"Miss, Miss maganda." Tumingin ako sa likod para kumpirmahin kung hindi ako ang kinakausap ng ale. Pero wala, walang ibang miss dito kundi ako lang! Tinuro ko pa ang sarili ko para itanong siya at agad naman siyang tumango bilang tugon. Ngumiti ako at ngumiti din ito sa akin. "Bili ka na ng keychain. Ibigay mo sa nobyo mo pag-uwi mo."
"P-po? Boyfriend po?" Nanlalaking mga mata kong tanong sa kanya.
"Oo. Heto bagay sa'yo" Ipinakita niya sa akin ang isang babasagin na puti at hugis puso na bato. Maganda ito katulad ng sabi niya. Hindi rin kaliitan at hindi naman kalakihan. Sakto lang para sa isang keychain.
"Magkano po kaya 'to?" Tanong ko sa kanya.
"Mura lang apat limang daan." Agad na nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Grabe naman yung apat isang daan! Masyado namang mahal! Saka aanhin ko naman yung tatlo pang natitira? Grabe, a!
"Kapag po dalawa?"
"Three hundred. Lalagyan na rin ng pangalan." Sabi pa niya.
"Pangalan?"
"Uukitan." Nakangiti nitong sinabi sa akin.
"Sige na nga. Pero 280 na lang, ah!" Tawad ko pa pero sabi ng ale dahil maganda naman daw ako ay payag na siya. Nambola pa siya, bibigay din pala!
Agad kong sinabi ang ipapalagay ko. Angel and Gabe. Iniisip ko pa lang na malalagay ay napapangiti na ako. Magugustuhan kaya niya? Masyado kaya niyang iisipin na mapang-angkin ako?
Hinintay kong matapos na mailagay ang pangalan namin. Binayaran ko kaagad nang matapos iyon. I didn't bother checking. Muli na ulit akong naglakad-lakad.
Dumadami na ang taong nandito sa beach. Ang iba sa kanila ay naliligo, naglalakad, nagtatakbuhan at nagtatawanan.
Nawala lang ang tingin ko sa iba nang may biglang humawak sa braso ko. Nagulat ako na dahilan kung bakit agad kong hinila palayo ang braso ko sa kung sino man ang nakahawak sa akin.
"S-sorry miss, hindi namin sinasadyang takutin ka." Tumingin ako sa babae. Mukhang sincere naman siya sa sinasabi niya. "Baka lang kasi gusto mong sumali sa game namin." Turo niya sa ibang nakatayo, may hawak na bola ng volleyball ang isa sa kanila. Obvious naman na beach volleyball ang lalaruin nila. "Kulang kasi kami ng isang player, nakita ka naming mag-isa kaya we assumed na baka wala kang kasama."
"Uhh... sure. Okay lang sa akin." Tumingin ako sa cellphone ko at wala pa naman text sa akin si Gabe. "Wala pa naman akong gagawin." I told her kaya agad na sumilay ang mga ngiti niya sa labi. Sinundan ko siya sa mga kasama niya at nagpakilala sa kanila.
Sa pakikipaglaro ko sa kanila ay hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Akala ng iba kanina ay hindi ako marunong maglaro, ang hindi nila alam kahit na hindi ako katangkaran at kahit pa medyo maliit ang katawan ko ay malakas naman ako tumalon at mag-spike. Walang-wala sa akin ang beach-beach na 'yan! Batak 'to sa ganyan!
"Mine!" Sigaw ko nang papunta sa akin ang bola.
"Oo na! Iyo lang ako!" Imbes na tatamahan ko na ang bola ay napatingin ako sa sumigaw na iyon, isang nakangising Gabe ang nandoon at nakatingin sa akin.
"Fck! Ouch!" napaupo ako at hinawakan ko kaagad ang noo ko. Siomai naman, e!
"Oh my God!" Are you okay? Hindi ko kilala kung sino ang nagtanong na iyon pero sigurado naman akong isa sa mga kalaro ko iyon. Basta nagulat na lang ako nang may biglang bumuhat sa akin at inilagay ako sa may cottage.
"Sht! I'm sorry, Angel. Hindi ko naman alam na mapapatingin ka sa'kin." Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa ulo ko at taimtim niyang tinitigan ang noo ko. "Namumula na. Baka mamaya niyan magkabukol." Sabi nito bago hinalikan ang noo ko.
"Kasalanan mo." Sabi ko saka ko tinakpan ang noo ko ng buhok ko.
"Sorry na." He apologized. "Hindi ko talaga sinadya. Natuwa lang ako na makita kang naglalaro. Ang galing mo kasi tapos hindi mo pa ako napapansin na kanina pa nanonood."
"Pasalamat ka kasi birthday mo na." Medyo lumayo ako sa kanya at kinapa sa bulsa ko ang ireregalo ko sa kanya. "Heto." Inabot ko sa kanya ang binili ko kanina. "kanina ko lang binili 'yan kaya pagpasensyahan mo na. Kung ayaw mong gamitin yang keychain, ayos lang."
Nahihiya akong tumingin sa kanya dahil sobrang titig na titig talaga siya sa maliit na keychain. "Uhmm... Meron din ako. Para tig-isa tayo." I told him pero mas lalo akong nahiya nang ngumiti siya nang napakalawak!
"Angel and Babe." Sabi niya.
Wait, ano ulit? Ilang beses akong kumurap. Babe daw?
"So, you're calling me Babe now?" Hinila ako nito palapit sa kanya. "Babe talaga?"
"H-hindi. Gabe kasi dapat 'yan!" Tutol ko. "Baka mali si ate kanina na pinagbilihan ko. Ipapapalit ko."
"No." Hinawakan niya ako sa braso ko. "Ito ang unang regalong natanggap ko ngayong araw. Walang bawian." Sabi pa nito. "Halika na. Amoy pawis ka na, e. Kailangan mo ng maligo." Sabi pa nito sa akin saka tumawa. Nakakainis talaga siya! "Amoy araw pa."
"Ay! Ewan ko sa'yo!" Nauna akong maglakad pabalik sa hotel dahil nahihiya na ako sa mga sinasabi niya. Mabaho na ba talaga ako?
Pero napahinto ako sa paglalakad dahil sa nakita ko. Na sana ay hindi na lang ako naglaro para kahit papaano ay presentable naman ako at hindi pawisan ngayon. Kutis pa lang kasi niya ay kinabahan na ako. Buhok pa lang niya, walang-wala na ako. Idagdag pa ang maamo at maganda niyang mukha. Siya na naman. Bakit siya nandito?
"Vaughn." Nakangiti nitong tawag kay Gabe. Nagtatakang tumingin ako kay Gabe. Bakas din naman sa mukha niya ang pagkagulat. "Kanina pa kita hinahanap. Ang sabi kasi ng dad mo tawagin na kita para sabay-sabay na tayong kumain." Pakiramdam ko ay biglang may kumirot sa puso ko dahil sa sinabi niyang iyon.
"Miru!" Tawag sa akin ni Gabe "Bakit hindi mo ako hinihintay?" Humawak siya sa bewang ko at iniharap ako sa babae. "Ah, Carissa, si Miru. Angel, si Carissa." Pakilala nito sa amin.
"Ikaw," Kabadong ngumiti sa akin si Carissa. "Ikaw yung neighbor ni Gabe sa apartment." Ramdam kong tumingin sa akin si Gabe pero hindi ko iyon pinansin.
"Ako nga." Matamlay kong sagot. Bakit ba pakiramdam ko ay maagawan ako ng paborito kong pagkain? Bakit pakiramdam ko ay sa kanya ihahain ang lahat?
Dumako ang tingin ni Carissa sa kamay ni Gabe na nakahapit sa bewang ko.
"G-girlfriend?" nakatinging tanong niya kay Gabe. Pero bago pa ito tumugon ay ako na kaagad ang sumagot sa katanungan ni Carissa.
"Yes, girlfriend ako ni Gabe. Ikaw? Pinsan ka ba?" Diretsahan kong tanong at naramdaman ko ang biglang paninigas ni Gabe sa tabi ko. Great. I knew it. Hindi basta-basta ang babaeng nasa harapan ko ngayon.
"N-no... A friend. J-just a friend." Pagkasabi niya iyon ay tinalikuran na niya kami at nauna na siyang bumalik sa hotel. May halos maiiyak na pa lang kaibigan dahil ipinakilala ang girlfriend sa kanya. Great.
******
A/N: Gagawa ako ng Hello, Neighbor Series. Una na ang kay Miru. Kasunod ang kay Ravince. Bakit ganun? Yung gusto kong palabasin sa story, hindi ko magawa. Sa iba tumutungo. :3
VOTE AND COMMENT! :*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro