CHAPTER 28
MARAMI PA DI NAKABASA NG CHAP 27. WALA YUNG MGA INAABANGAN KO LAGI NG COMMENTS. YUNG HUMAHAGALPAK AKO. NAGTOPAK KASI SI WATTY NOONG SAT, HINDI LUMITAW YUNG UPDATE SA KARAMIHAN TToTT
Anyway, here's the update.
CHAPTER 28
Ilang araw ko ng iniisip kung ano ang pinag-usapan nina dad at Gabe. Sinubukan kong tawagan si daddy pero lagi niyang sinasabing busy siya. Kapag si Gabe naman ngingiti lang siya! I hate them! I really hate them!
Natakot talaga ako noong nakita kami ni daddy pero pinasunod lang niya si Gabe sa kanya at huwag daw akong magkakamaling sumama. Nagalit nga yata dahil hindi na niya ako kinita pa. Umalis din kaagad si dad, e. Si Gabe naman, wala ring kwenta. Hindi niya naman ako sinasagot.
Kakatapos lang ng klase namin at papunta kami ngayon sa isang kainan dahil gutom na kami. Lalo na kami ni Kevin dahil nanggaling pa kami sa OJT kanina. Nasa tapat na nga kami ng site kung saan yung project nina Gabe.
"Engineer!" Tawag ni Kevin. Kasama rin nito si Engineer Bautista at mukhang aalis din sila sa site ngayon.
Lumapit sa amin si Gabe at pinisil ang kamay ko. Napangiti ako pero agad ko ring binawi ang kamay ko sa kanya dahil naiinis pa rin ako. Ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin niya sinasabi sa akin kung ano ang napag-usapan nila ni dad! Ilang gabi na akong hindi nakakatulog dail doon!
"Saan kayo pupunta?" Tanong sa akin ni Gabe.
"Magse-SEx kami." Sagot agad ni Erol.
"What the hell?" Napatingin sa akin si Gabe at mukhang clueless sa sinabi ni Erol.
"Oi! gusto ko 'yan!" Nakangiting sabi ni Engineer Bautista.
"Sama kayo?" Yaya naman ni Kevin at mukhang alam ko na kung saan patungo ang usapan na ito. Inaasar nila si Gabe dahil mukhang si Gabe lang ang hindi naka-gets.
"Miru, sigurado ka bang kaibigan mo ang mga 'yan?" Hinila niya ako palayo kina Kevin pero tinanggal ko ang pagkakahawak sa akin ni Gabe.
"Relax dude. Masarap kaya 'yon. Tara na't mag-SEx." Saad ni Engineer Bautista. Mukhang clueless si Engineer Bautista na clueless ang kasama niya about sa SEx. Kaya pala gusto siyang suntukin ni Gabe. Ngayon ay gets ko na.
"Tara." Yaya ko rin sa kanila. Hindi namin kasama si Jonathan dahil may gagawin pa sila ng mga ka-org niya.
"Pakipaliwanag naman sa akin kung bakit kayo magsesex?" Halos nakatingin na sa amin ang ibang naglalakad dahil panay SEx na ang lumalabas sa mga bibig namin at dahil mag-isa kong babae ngayon.
"Kasi masarap?" Ngumisi si Kevin at isinuksok ang mga kamay sa magkabila niyang bulsa.
"Goodness! Kumain ka na ba, Gabe?" Hinawakan ko ang sentido ko dahil sumasakit na ang ulo ko sa kakatingin sa nakakunot niyang noo. "Gusto mo bang sumama?"
"Kain? You'll have sex as lunch? Are you fcking kidding me? With them? Tangina." Nanlilisik ang mga mata nitong tanong kaya tumango ako kasi totoo namang masarap, e. Iniisip ko pa lang ay naglalaway na ako. Nagki-crave ako.
"Wala namang masama." Sagot ko. Mukhang mamamatay na sa pagpipigil ng tawa yung tatlong nauna nang magalakad. "Saka masarap naman." Dugtong ko kaya halos bumagsak na ang panga ni Gabe sa mga sinasabi ko.
"Gees! Sisig Express kasi 'yun. SEx for short. Ano bang ipinapasok mo sa utak mo at ganyan karumi? Nasinghot mo ba lahat ng alikabok dyan?" Natatawa kong sabi saka ko hinabol sina Erol. Iyan ang napapala niya dahil hindi niya pa rin sinasabi sa akin kung ano ang pinag-usapan nila ni daddy! "Hey wait lang!"
Sumama sa amin sina Gabe at Engineer Baustista sa super duper late lunch slash early dinner na rin. Nagkataon na kakain pa rin lang sila kaya mabuti na lang. Magkatabi kami ng upuan ni Gabe at pinagtitinginan kami ng iba naming kaklase na nandito rin. Paborito kasi ito ng klase namin kaya hindi na ako nagtakang nandito rin yung iba para kumain.
"Anong tinitingin-tingin niyo dyan?" Tinapik ko si Kevin dahil sa inasal niya. Siraulo talaga. "Di yata sila sanay na may kalandian ka, Miru." Inirapan ko siya saka ko nilagyan ng sisig ang plato niya.
"Hindi ako kumakain ng sisig, Miru." Natatawang sabi ni Gabe. Sumimangot ako dahil spam with egg lang ang kanya. Para siyang bata.
"Kainin mo 'yan." Sabi ko pa.
"Pinaparusahan mo ba ako?" Humawak siya sa sandalan ng upuan ko na tila ba nakaakbay na siya sa akin. Inilapit din niya ang mukha niya sa tenga ko. "Kasi gusto mong malaman ang sinabi ng dad mo?" Nakakaliti nitong bulong.
Agad naman akong lumayo dahil nakatingin na sina Kevin at Engineer Bautista sa amin. Si Erol naman ay walang pakialam at kumakain lang.
"Hoy, hoy! Baka kung anong kamanyakan ang sinasabi mo sa Miru namin. Medyo inosente pa yan di lang halata." Babatuhin ko sana nang tinidor si Kevin pero pinigilan ako ni Gabe.
"Tsk. Huwag ganyan." Sabi ni Gabe sa akin.
"Oo nga, Miru. Huwag ganyan." Nakangising sabi pa ni Kevin. Kainis talaga siya dahil halatang nang-aasar talaga.
Tahimik ko na lang na inubos ang pagkain ko at saka naunang maglakad pagkatapos. Hindi ko na sila hihintayin pa dahil inaantok na ako. Ang aga ko kaninang pumasok sa OJT tapos pumasok pa kami ni Kevin kaninang 2 pm kaya nga five na kami nakakain ng lunch. Buti nga't nakakasagot pa ko sa recitation namin.
Medyo magulo lang ngayon ang sched ko kasi ang daming ginagawang cases pero napagsasabay pa naman sa OJT. Dapat talaga ay bakasyon pinapagawa ang OJT bago maging senior! Sobra na sila, e. Sinabay talaga sa madaming gagawin. Tapos kapag bumagsak pa sa subject automatic nang hindi makakapagboard exam.
Ang hirap pero kailangan mag-aral ng mabuti. Araw-araw may recitation. Tapos may feasib pa sa management accounting. Hindi na naman ako makakatulog ng ilang araw. Goodness! Sana matapos na ako sa paghihirap kong ito.
Agad akong hinabol ni Gabe at sinamahan sa paglalakad pauwi. Nang tatawid na kami ay ako na mismo ang humawak sa kamay niya. Nginitian naman niya ako at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Ewan ko ba, bigla na lang akong natakot sa pagtawid noong bata ako. Wala naman akong maalala kung nabunggo ba ako noong bata ako.
"nakahawak ka na ulit sa akin. Natatandaan mo ba na ganito rin noong una tayong magkita?"
"Alam mo bang napagkamalan kitang masamang tao noon? Akala ko sinusundan mo ako hanggang sa apartment. Akala ko manyak ka talaga."
"Ang sungit mo nga noon, e."
"Hindi rin." Magkahawak pa rin kami nang kami kahit pa nakatawid na kami ng kalsada. Kahit talaga may traffic light ay natatakot pa rin ako. "Alam mo bang hindi ko alam kung maaawa ako sayo noong hinahanap mo si Carol sa unit ko? Saka sa dami ng unit, sa unit ko pa talaga hinanap."
"We used to be neighbors, too. Sinadya naming magkatabing unit ang kinuhang apartment noon para mas madali magkita."
"Aah." Ayaw ko ng marinig yung ibang details about doon. Feeling ko may kumikirot sa dibdib ko. Sobrang minahal niya si Carol at halata naman 'yun.
Papasok na ako sa building ng apartment nang huminto ito sa paglalakad.
"Hindi na ako aakyat. Babalikan ko pa si Kyron doon."
"Kyron?"
"Si Bautista." Nakangiti nitong sagot. "May kukunin lang ako sa kanya tapos punta ako sa unit mo mamaya."
"Mag-aaral ako."
"Hindi ako manggugulo. May tatapusin din ako. Gusto ko lang kasama kita." Sabi nito saka niya pinisil ang kamay ko. "Akyat ka na." Walang kiss? Pisil lang ng kamay? Sige na nga.
"Ingat ka." Disappointed kong sabi saka ako tumalikod. Wala talagang kiss! Grabe siya! Pero sabagay, hindi naman niya sinabi kung kami na ba o hindi. Labo. Ayoko naman magtanong.
***
Katulad nga ng sabi niya ay hindi niya ako ginugulo. May ginagawa siya. Ang sabi niya ay autocad daw yung software na kinakalikot niya ngayon. Parang ako nga yata ang nakakagulo sa amin dahil bigla ko siya kinakausap. Seryosong-seryoso naman kasi siya doon.
Nagpasa lang ako sa mga kagroup ko nung in-assign sa akin na task. Tapos maaga kami bukas para i-point out pa ang mga mali para maayos namin kaagad. Kaya ngayon ang gagawin ko na lang ay mag review para sa mga recitation namin bukas at quizzes. Oh well, araw-araw naman recitation. Sanayan lang talagang huwag matulog.
Muli akong napatingin kay Gabe pero nakadukmo na siya sa table at nakatulog na. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang tasang ginamit niya para sa kape. Inilagay ko ito sa sink at hinugasan bago muling umupo sa tabi niya. Hindi naman pala talab sa kanya ang kape. Kawawa naman siya.
"Anong gusto mong pagkain" Awtomatikong napangiti ako dahil sa sinabi niya. Kahit sa pagtulog ay pagkain ang nasa isip niya.
Isinandal ko ang mga braso ko sa lamesa at tinitigan pa siya. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang taong ito ay may gusto sa akin. Ano na lang sasabihin ni Carol kapag nalaman niya ito? Iniisip ko pa lang ay napapangiti na ako. Gusto kong makita ang reaksyon ni Carol. Siguro ay pahihirapan pa ako niyon. Bibigyan pa ako ng maraming clerical works. Mabuti talaga ilang oras na lang ako sa OJT ko.
"Ang daya mo talaga. Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung pwede mo akong maging girlfriend?" Pinalobo ko ang mga pisngi ko at isinubsob ang ulo ko sa lamesa. "I'm not wishing for a lover, anyway. Kailangan kong magtapos." Sabi ko pa saka ko ipiniling ang ulo ko sa bandang kanan para tignan siya. "Hindi ako pwedeng bumaksak."
***
Nagising ako sa isang komportableng higaan. Unti-unti ay iminulat ko ang mga mata ko. Matagal kong tinitigan ang kisame ng kwarto ko bago umupo at nag inat ng katawan. Sobrang sarap ng tulog ko. Hindi ako gininaw sa aircon...
Aircon... kwarto...
Agad akong tumingin sa katabi ko at anak ng malanding kabayo! Bakit ko katabi si Gabe? Tulog na tulog ito at nakatanggal ang kanyang pantaas. Anak ng patatas! NAKA AIRCON TAPOS WALA SIYANG PANTAAS! Aba! Mapupulmunya siya niyan!
Nagmadali akong itaklob sa kanya ang kumot ko. Ay wait... Bakit ko ba siya kinumutan kaagad? Hindi ko pa nga nasisilip ulit yung katawan niya. *o*
Dahan-dahan kong hinawakan ulit ang kumot at dahan-dahan na tinanggal. Napalunok ako. Nakadapa kasi siya kaya kitang-kita ko na naman ang kabuuan ng likod niya. Tulog naman siya kaya malaya akong pagmasdan ang likuran niya. Likod lang naman, hindi naman abs. Sapat na 'to.
Nabitiwan ko lang ang kumot na hawak-hawak ko dahil sa gulat ko. Parang may kinakapa siya sa side ko. Kumunot ang noo niya nang parang hindi niya makapa ang kinakapa niya.
Buti pala hindi ako nakahiga ngayon doon. Baka kung ano ang makapa niya sa harap ko. Maliit yun! Nakakahiya!
At nang hindi na niya talaga makapa ang kinakapa niya ay iminulat na niya ang mga mata niya. Awtomatikong nagngitian kami. Ewan ko nga, e. Para kaming mga tanga.
"Akala ko iniwan mo na ako. Huwag mo akong iiwan. Ayokong naiiwan." Tumango ako bilang sagot kaya mas lalo pa siyang napangiti kahit pa halatang antok na antok pa siya. Ang isang mata lang niya ang nakamulat at parang nasisilaw dahil parang nasisilaw siya sa liwanag. Tumingin ako sa orasan at may dalawang oras pa naman bago ang klase ko. Nasanay na akong matulog nang late pero nasanay din naman akong gumising nang maaga.
Tumayo na ako at kumuha ng damit sa drawer ko. Aware na aware na tinititigan ni Gabe ang bawat galaw ko. Nag-iinit ang mukha ko kahit na malamig ang aircon.
"I'm starting to like this, Angel."
"Ang? Please, stop calling me Angel." Kumuha ako ng undies ko at sinugurado kong hindi makikita ni Gabe 'yun. Nakakahiya kasi talaga pero kailangan ko na kasing maligo.
"This. I'll still call you Angel." Tumingin ako sa kanya at nakangiti naman ito sa akin. "Makikitulog ulit ako mamaya." Sabi nito saka bumangon na siya. "Maligo ka na. Saka huwag yang red na panty ang gamitin mo." Naramdaman ko ang pag-angat ng dugo sa buong katawan ko dahil sa sinabi niya.
"BASTOS KA TALAGA!" Ibinato ko sa kanya ang unang nakapa ko sa drawer!
Tumatawa ito nang masalo niya ang inihagis ko sa kanya.
"Iuuwi ko na ba 'tong bra mo?"
"Gago mo talagang hayop ka! Ibalik mo nga 'yan!" Tumatawa pa rin ito nang ilapag niya sa kama yung bra ko. Inis talaga! Bakit ba naman kasi hagis ako nang hagis!
****
AN: Yung kainan na yun totoo, yun. search niyo pa. Noong kumakain kami sa isang kainan nagulat kami na pinag-uusapan nila ganern. Yun pala, kainan yun. SEx tayo. sabi pa kasi nung lalaki sa babae. Shocked ang lola niyo. Sisig Express pala. XD
VOTE AND COMMENT! LABYU! Next month na talaga update. Trust me, I'm Lying. *o*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro