CHAPTER 27
Ano kayang mangyayari? mehehehe :3
CHAPTER 27
Nahalikan na ako ni Gabe, nayakap at nahawakan na rin niya ang kamay ko. We cuddled! Kung cuddling man ang naganap na 'yon. Pero biglang parang may kumirot sa puso ko dahil may naalala ako. Naalala ko ang sinabi niya noon. May babae siyang nagugustuhan at hindi ako 'yun.
Tandang-tanda ko pa 'yung gabing nangako siyang ipapakilala niya sa akin kung sino ang babaeng iyon. Yung mahilig din manood ng basketball. Yung babaeng inosente. Yung babaeng kaibigan niya na.
Tinititigan ko si Gabe habang payapa siyang natutulog dito sa cottage. Ang daya niya. Pinaglalaruan ba niya ako? Sobrang easy ko ba dahil nagpapadala ako sa kanya?
"Playboy. Baka di ka pa nakakamove on kay Carol kaya ka ganyan. Baka naghahanap ka lang ng rebound." Bulong ko saka ko siya iniwan. Lamukin sana siya mamaya.
"Miru!" Patakbong lumapit sa akin si Oliver suot ang kanyang mga ngiti. "Sabi na makikita kita, e. Kumusta?"
"Okay naman ako, Oliver." Sinusuportahan ko si Oliver bilang kaibigan pero hindi pa rin pala talaga mawawala ang pagkailang kapag kasama ko siya.
"Hanggang ngayon ba ay iiwasan mo pa rin ako?" Naglakad-lakad kaming dalawa hanggang sa nagpasya na lang akong umupo sa dalampasigan.
"Nanonood nga ako ng mga laro mo, e." Umupo rin ito sa tabi ko. Naka-unat ang mga paa niya at inaabutan na siya ng tubig dagat.
"Pero hindi ka nagpapakita sa'kin. Nagulat talaga ako noong nakita kita sa labas ng unit ko." Humiga siya kaya nakita kong nakangiti ito. Ipinikit din niya ang mga mata niya.
Gusto ko sanang mapag-isa dahil sa naalala ko pero mukhang imposibleng mangyari dahil mukhang hindi naman ako iiwanan ni Oliver.
"Naiilang ka pa rin ba dahil sinabi kong gusto kitang maging girlfriend noon?" Tumango ako bilang sagot. Sikat si Oliver noong high school kami. Senior na siya noong 2nd year pa lang ako. Nakakatakot kaya yung ibang senior na babae noon dahil lagi akong sinasamahan ni Oliver kapag wala si Gelene. "Ang daming nagbago sa'yo. Hindi na mahaba yung buhok mo. Tapos gumanda ka pa lalo." Umiling ako dahil hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. "Napapansin ka na nga rin ng ibang lalaki. Dati ako lang."
"Edi sana napansin na rin ako ni Derek?" Natatawa kong sagot dahilan kung bakit nag-iba ang hitsura niya.
"Siya na naman. Siya na nga ang dahilan kung bakit ayaw mong ligawan kita noon. Siya pa rin ba hanggang ngayon?"
"Hindi na. Naiilang ako sa kanya pero hindi na. Hindi na siya." Nagdrawing ako sa buhangin ng araw at bundok.
"May iba na?" Tumango ako bilang sagot. Nagdrawing pa ako ng puso.
"Gusto ko na siya pero i don't know. Madali pa naman siguro makalimot." I gave him my half smile. Madali pa naman sigurong malimutan si Gabe. Baka na-attach lang ako sa kanya.
"Bakit mo siya kakalimutan? Yung lalaki ba sa kabilang unit?" Ginawa niyang unan niya ang mga kamay niya.
"Paano kung may gusto siyang iba tapos bigla kasi akong umentrada sa picture? Tapos yung babaeng yun nagkataon pang gusto rin niya ang team niyo. Saka anong laban ko doon? Ang sabi niya kinakabahan siya tuwing tinititigan siya nung babae sa mga mata niya. Parang ako lang sa kanya."
"Ang problema kasi sayo, hindi ka nagbibigay ng chance. Iniisip mo kaagad ang iisipin ng iba. You didn't even give me a change before. You turned me down in a blink. Kaya siguro hindi kita nakalimutan."
"Oliver."
"Oo na. Hindi na, iiwasan mo na naman ako, e." Ngumiti ako dahil kahit papaano naman ay naiintindihan niya ako. "I had girlfriends but I broke their hearts... and it's your fault." Sabi ko nga hindi niya ako naiintindihan, e! Tapos nakuha pa nitong tumawa kaya binato ko siya ng buhangin. Wala akong pakialam kung mapuwing pa siya o makain niya 'yon. "Hey you're my first love and you're doing this to me? I'm Oliver Alec Fabian, a star!"
"Hay naku! Lumayo ka nga sakin! Baka mamaya i-bash pa ako ng netizens kapag may kumalat na picture natin. Alis!" Umupo ito at laking gulat ko nang hilain niya ako at yakapin.
"I still like you afterall these years. I don't want a bittersweet memory with you anymore. I missed you."
"H-hey." Sinusubukan ko siyang itulak palayo sa akin pero mahigpit ang pagkakayakap niya.
"Hindi ko alam kung anong meron sa inyo ng lalaki sa kabilang unit pero kung hindi pa ako huli, sana pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang." Hindi na ako komportable sa posisyon namin lalo pa't nakita kong papalapit si Gabe sa amin. Sht! Bakit ba bumibilis na naman ang heartbeat ko?
"Oliver." Itinulak ko na siya palayo sa akin. "I'm sorry." Tumayo na ako at aalis na pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Kahit isang chance lang?"
"Pero kasi," Muli akong tumingin kay Gabe. Malapit na siya sa amin at hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon sa nakikita niya at sa naririnig niya. "May gusto na akong iba." Sabi ko habang nakatingin pa rin kay Gabe. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Nakatingin lang ito sa akin na para bang hinihintay ang susunod kong sasabihin. "Kaya nga sana ay gusto kong malaman kung sino ang taong nagugustuhan niya, kasi kung wala na akong pag-asa sa kanya..." Napalunok ako. "Ipagpipilitan ko pa rin 'yung sarili ko para makalimutan niya 'yung babae. Nasubukan ko ng magparaya ng isang beses, tama na yun." Miru! Akala ko ba madali mo langs iyang makakalimutan? Bakit ganito ang lumalabas sa bibig ko ngayon? Bakit gusto kong marinig lahat ni Gabe ang sinasabi ko?
Binitiwan ni Oliver ang kamay ko at tumayo na. Magkaharap na ngayon sila ni Gabe at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bumibilis lang nang bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Gabe." Iniabot ni Gabe ang kamay niya kay Oliver. Kinamayan naman siya ni Oliver.
"Oliver."
"Tapos na ba kayong mag-usap?" Nakatinging tanong sa akin ni Gabe. Kinakabahan ako dahil para akong nahuling nag-cheat sa exam kahit hindi naman!
Hindi na niya kami hinintay na magsalita pa, hinawakan na ni Gabe ang kamay ko at hinila palayo kay Oliver. At hindi ko alam kung saan kami papunta.
"T-teka, saan ba tayo pupunta?"
"Gusto mo siyang makilala?" Para akong naestatwa dahil sa tanong niyang iyon. Dahilan kung bakit ako napatigil sa paglalakad. Alam ba niya kaagad na gusto ko siya? "Gusto mong makilala kung sino yung taong gusto ko?" Gusto kong tumango pero hindi ko magawa. Natatakot ako na baka maganda ang babaeng 'yun. Natatakot ako kasi baka wala akong laban.
"N-nandito ba siya?" tumango si Gabe at muli itong naglakad. Kung ganun ay niyakap niya ako kahit alam niyang nandito yung babae? Sinabi niyang mas may pakialam siya sa akin kahit nandito yung babaeng gusto niya?
"Miru! Engineer!" masiglang tawag ni Gelene sa amin pero tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad si Gabe at tila walang narinig.
"G-Gabe. Tinatawag na ako."
"Hindi. Ipapakilala kita sa kanya." Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi na ba niya kayang ipagpaliban? Naiiyak na ako. Hindi ba pwedeng mas pahalagahan na muna ako ni Gabe bago niya ako ipakilala? Hindi ba pwedeng mas angat muna ako sa iba bago niya ako ipakilala sa kanya? Hindi ba pwedeng hayaan muna niyang mas magustuhan niya muna ako?
"Gabe... Hindi na! Ayaw ko siyang makilala." Sabi ko sa kanya at halos magmakaawa na nang pumasok kami sa elevator. "Gabe naman." Naiiyak na ako dahil hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko hanggang sa magsara na nga ang elevator at pindutin ang 3rd floor. "G-Gabe." Ewan ko, bigla na lang akong naiyak dahil sa ginagawa niya. Hindi ako handing makilala yung babae and to think nasa kwarto pa yata niya! This is insane! Kaya ba ayaw niyang libre ang room niya kasi may susunod sa kanyang babae?
Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at iniharap sa salamin ng elevator.
"Ayan, nakikita mo ba?"
"H-hah?"
"Nakikita mo ba yang magandang babae dyan sa harap mo?" Tulala akong tumingin sa salamin. Kitang-kita kong umiiyak ako at nakakahiya na. Kitang-kita ko sa reflection ang pagbukas ng elevator. "Siya 'yan." Halos pabulong niyang sabi sa akin. "Siya yung babaeng nagpapakaba sa akin tuwing tinititigan niya ako sa mga mata. Hindi lang siya inosente, manhid din." Gamit ang mga kamay ko ay napatakip ako ng bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
Muli ay nagsara ang elevator. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at pinagsalikop sa kamay niya
"I like her so damn much, Miru. Tingin mo ba gusto rin niya ako?" Dali-dali akong tumango ng ilang beses dahil baka bawiin niya ang sinabi niya. Muli ay iniharap niya ako sa kanya. Nakangiti siya at iniipit niya ang magulo kong buhok sa tenga ko. "I like you at ang manhid mo dahil hindi mo napapansin 'yun."
"Gusto kita..." Pinunasan ko ang luha ko. "Pero kasi, kagabi ko lang narealize." Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at paghaplos niya sa balikat ko. "Kasi natuwa ako nung nalaman kong susunod ka." Pahina nang pahina ang boses ko dahil sa hiya. "Kasi gusto kong tiititigan ang mukha mo." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi and he gave me a peck on my lips.
"Good Lord Miru! I like you so damn much!" Muli pa niya akong niyakap hanggang sa magbukas ulit ang elevator.
"Siopao... Miru!" Agad kaming naghiwalay ni Gabe sa yakapan dahil sa tinig na narinig namin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makumpirma ko kung sino siya.
"D-dad." Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil kay daddy. Sht! Sht!
"What the hell did you do to my daughter? Why is she crying?"
Siomai naman dad, e. Hindi pa nga sukdulan yung kilig na tinatamasa ko, dumating ka na? Kastress ka po! Mas nakakaiyak pa 'to kesa kaninang akala ko may ibang babaeng nagugustuhan si Gabe!
***
A/N: BOOM HULI! Yakap pa sa elevator! Landi niyo kasi! XD
Next month na ang update. Seryoso ako this time. Busy busy. 11/7/2015 ngayon so sa December 7 na ulit. Ulit-ulitin niyo na lang basahin. hahaha
Labyu guys. :* XD
Bili kayo ng books ko ah! Sadist Lover at Picture of You. wahahaha
Promote-promote din pag may time :>
VOTE AND COMMENT! :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro