Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 26

Sinisipag ako mag-update kasi natutuwa ako sa comments. kaya magcomment kayo nang magcomment nang ganahan naman ang mga author sa wattpad! haha


CHAPTER 26

"HOY GABRIEL VAUGHN RODRIGUEZ!" Ibinato ko sa kanya ang slippers ko at nasapul ko naman ang ulo niya. Kainis kasi! Kanina ko pa siya tinatawag pero ang bilis pa rin niya maglakad. Mahirap kayang maglakad sa buhangin!

"Miru, ano ba?" Ang grumpy, akala mo naman may karapatan mainis.

"Bigla kang umalis, e." Nagmadali akong lumapit sa kanya habang nakahinto pa siya. Umupo ito at pinulot nito ang slippers ko saka nito isinuot sa akin. Humalukipkip ako at tumingin sa kanya.

"Huwag mong tatanggalin yan. Paano kung makatapak ka ng bubog o ng basag na shell?" Lihim akong napangiti dahil sa sinabi niya.

"Bubuhatin mo naman siguro ako." Sagot ko sa kanya dahilan kaya napaangat siya ng tingin at tumayo na.

"Mabigat ka kaya huwag kang umasa."

"Kapal ng mukha nito! Ang sabi mo payat ako." Nagpamaywang ako nang sabihin ko iyon.

Pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko na dahilan kung bakit bigla akong na-conscious. "You're not that skinny anymore, kaya sigurado akong bumigat ka." Ginulo nito ang buhok ko bago niya ako inakbayan. "Huwag ka ng sumama sa mga kaibigan mo."

"Sira! Outing nga namin ito, e. Teka, kumain ka na ba? Hindi ka bumaba kanina."

"Natulog ako kanina. Pinuyat mo kasi ako." My eyes widen in an instant dahil sa sinabi niya! Ako pa ang nagpuyat sa kanya? Siya nga 'tong madaling araw nang nakarating! Hinintay ko siya kaya ako ang puyat at hindi siya!

"B-bakit? Anong ginawa ko? Hinarass ba kita?" Ugh! Pero nakatulog ako. Alam kong nakatulog ako!

"Pinagmasdan kasi kitang matulog. Tapos nung matutulog na ako bigla kang naghilik ng malalakas." Mahina itong tumawa habang sinasabi niya iyon!

"What? Oi ang kapal mo. Sinungaling ka! Hindi naman ako naghihilik, sinubukan ko kayang i-record noon ang sarili ko."

"Huwag ka ngang nagrerecord kapag tulog ka. Mamaya niyan may bigla kang makita sa video." Tinaasan ako ng balahibo dahil sa sinabi niya. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi ko na pinanood yung iba kong video na tulog. Nakakatakot kaya. Sige, never na ulit ako magvivideo.

Tahimik kaming naglalakad na dalawa hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa mga kamay ko. Iyan na naman ang holding hands namin. Nahihiya pa rin ako kasi baka mamaya ay basa na ang kamay ko. Madali pa naman itong pagpawisan.

"Magtu two-piece ka ba?" out-of-nowhere na tanong sa akin ni Gabe kaya bigla kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Hindi. Ganito na ako." Sabi ko bago ako humalukipkip. Feeling ko nag-init ang mukha ko dahil sa tanong niya pero kahit ganoon ay hindi ako nag-iwas ng tingin.

"Ganyan na?" Hindi naman nito makapaniwalang tanong sa akin. Huminto pa nga ito sa paglalakad kaya maski ako ay napahinto rin. Muli pa nga niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Shirt at shorts? Seryoso ka?" napangiwi ako.

"Manyak ka. Alam mo yun?" Sabi ko pa habang umiirap. Gusto ko na nga siyang batuhin ulit, e!

"Ang boring mo kasi! Akala ko pa naman makikita ko ng nakaswimsuit ka." Natatawa pa siya nang sabihin niya iyon. Ugh! Ang sarap niyang hatawin ng kahoy! "Nag-alala pala ako sa wala." Sabi pa niya.

"Wow! So nagpunta ka rito kasi akala mo makikita mo akong nakaswimsuit? Mandiri ka nga! Hindi maganda ang katawan ko para doon. Maumay pa mga tao sa'kin, no!"

"Bakit ba ganyan ka mag-isip? Maganda ka naman. Saka ano bang pakialam nila kung payat o mataba ang isang tao? Hindi ko talaga maintindihan." Hindi naman kasi 'yun.

May malaki akong tahi sa likuran ko dahil sa nangyaring aksidente sa akin noon. Kahit may pera kami para ipatanggal 'yun, hindi ko kaya. Hindi ko kayang kalimutan ang aksidenteng iyon.

"Nakikinig ka ba? Kanina pa kita kinakausap." Bakas sa boses nito ang pag-aalala.

"Sorry, hindi ako nakikinig." Ngumiti na lang siya na dahilan ng paglabas ng dimple niya sa kanang pisngi niya.

Nagpunta kami sa isang cottage para sumilong. Sobrang init pa kasi ngayon, parang gusto ko ay mamayang gabi na lang ako maligo.

"Gabe," Tinignan ko sina Gelene at Derek na nagtatawanan sa malayo.

"Uhm?" Nakasandal ito habang nakapikit ang mga mata niya. Opportunity na naman tuloy ito para sa akin para mapagmasdan ang buong mukha niya.

"What's the difference between love and in-love?" Itinaas ko ang mga paa ko habang hinihintay ang sagot niya.

Gusto ko lang malaman kung ano ba ang tingin niya sa love. Masyadong malawak kasi ang salitang ito para sa akin. Oo, nagmahal na ako pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin gets. Bakit ko siya minahal? Dahil ba mabait siya sa akin? Dahil ba gwapo siya? Dahil ba matalino siya? O dahil ba siya ang taong malapit sa akin noong mga oras na yon?

Muli akong tumingin sa mga naliligo sa beach. Nandoon pa rin siya kasama si Gelene. Bakit ko nga ba siya minahal noon? Dahil ba nakikita ko kung gaano siya nag-aalala noon kay Gelene? Dahil ba gusto ko ring maranasan ang ganoon?

"Someone told me that being in-love is a decision, a reaction beyond logic and reason." Tumingin ito sa akin bago ngumiti. Napayuko ako dahil nahihiya akong baka mapansin niyang kanina ko pa siya tinititigan.

"So, hindi 'yun feeling?" Mahina kong tanong. Iniangat ko ang ulo ko para makita ko siya. Katulad ko ay nakatingin siya sa akin.

"It's frequently painful."

"So, it's a feeling?" Ngumiti lang siya sa akin na para bang sinasabi niyang sinasagot ko naman ang sarili kong tanong. "Ano naman ang love?" Niyakap ko ang mga tuhod ko habang nakatingin sa kanya. Iniexpect ko na love is like a rosary ang isagot niya. Pero nagkamali ako.

"You can love everyone. But, it is still a decision."

"Panay ka naman desisyon. Hindi mo naman yata masagot ang tanong ko." Ngumuso ako at tumingin sa sa paa ko. Hindi pa ko nakapagkuko. Nakakahiya naman kay Gabe kung mapapansin niya.

"You can love everyone but, you can be in-love with only one. Miru, love and in love is like I enjoy your company, maybe, for a while and for eternity."

"E, si Carol? Anong naramdaman mo sa kanya noon?" Napalunok ako dahil biglang naging seryoso si Gabe.

"I was in love with her."

"Do you still love her? I meant, do you still uhm..." sht! Bakit ba kasi nagtatanong pa ako about kay Carol? Dapat hindi na!

"I still care for her."

"Ah." Was all I could say. Nag-aalala pa rin siya kay Carol. Kung sabagay ay may pinagsamahan naman kasi talaga sila. Ilang taon din yun. Dapat nga hinahabol pa rin niya ito, e.

"But, I care for you more." Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa sinabi niya. Hindi ko na nga rin itinago sa kanya ang mukha ko. Dahil sa sinabi niyang iyon, feeling ko mapapangiti na ako ng buong araw. "Kaya nga gusto kong nakikitang kumakain ka lagi. Kaya nga hinila kita noong nakikipagsayaw ka. And I followed you here because they might see you in swimsuit. I don't like the idea."

"What idea?" Medyo hindi ko naabsorb ang sinasabi niya dahil pa rin sa hangover ko sa i care for you more niya.

"You, wearing a damn two-piece while I'm at work. Iniisip ko pa lang na tinitignan ka nila, baka masuntok ko na si Bautista. "

"Bakit naman nasama si Engineer Bautista? Baliw ka talaga." Natatawa na ako sa kanya dahil napunta na naman sa swimsuit tapos napunta pa kay Engineer Bautista. Parang bata 'tong si Gabe.

"Kasi siya yung kasama ko sa trabaho. Tapos mang-aasar lang 'yun kaya baka masuntok ko siya."

"I won't wear a damn two-piece." Nginitian ko siya matapos kong ipagdiinan ang word na damn. "Kahit gusto ko naman, naco- conscoius ako."

"Bakit ba ang baba ng self-esteem mo? Maganda ka naman. Saka lahat naman kayong babae pwedeng-pwede magswimsuit kung gusto niyo."

"Akala ko ba ayaw mo akong magsuot?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"I never said that. Ang sabi ko lang ayaw kong makita ka nila. You're beautiful, Miru. Remember that." Tipid akong ngumiti dahil sa sinabi niya. Natutuwa akong pinupuri niya ako pero hindi naman kasi sa self-esteem ang problema ko.

"Kaso may malaki akong peklat sa likod, Gabe. Ayaw kong ipakita sa kanila na apektado pa rin ako sa kapabayaan ko. Sa naging kasalanan ko. Anyway, let's stop talking about swimsuits." Pinilit kong ngitian siya at kalimutan ang usapan. Hindi naman sa swimsuit 'yun. Ayaw ko lang na may makaalala pa.

********

A/N: PANG ISANG BUONG TAON NA YUNG UPDATE KO! SUNOD-SUNOD, E! SA IBANG STORY KO MGA ISA KADA ISANG TAON ANG UPDATE KO! WAHAHAHA

VOTE AND COMMENT! LABYU! :*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: