Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 24

Dahil mabait ako at may nagawa pa naman akong update para sa Sat, ayan na. Update for you guys. :*


CHAPTER 24

Nagmamadali akong pumunta sa lobby ng hotel nang mag-text sa akin si Gabe nang madaling araw. Yes! Madaling araw! Pero hindi niya alam na gising pa ako. Nadatnan ko pa nga siyang kinakausap ang nasa front desk.

"Uhm, Gabe." Mahinang tawag ko sa kanya. Agad namang tumingin sa akin ang babaeng nasa front desk at nginitian ako.

"Good Morning po Ms. Miru." Bati nito sa akin kaya nginitian ko na lang din siya. "Sir, VIP guest po kayong lahat. Hindi po pinapabayaran ni Sir ang---"

"No." Nabigla ako sa sinabing iyon ni Gabe. "Miru, ano ba 'to?"

"I'm giving you a damn room to sleep?" Inosente kong sagot kasi totoo naman. Bibigyan ko naman talaga siya ng kwartong tutulugan niya. Ipinahanda ko iyon kanina nang malaman kong susunod siya sa amin. Saka ayaw ni dad na magbayad ang friends ko.

"Here." Abot niya ng credit card sa babae. Hesitant pa nga ang babae kung kukunin niya iyon dahil mukhang hinihintay niya ang sasabihin ko. Kautus-utusan kasi ng daddy na libre ang rooms ng mga kaibigan ko na kasama ko. "Oh Saints! Kunin mo na." Gigil nitong sabi. Ang grumpy na niya dahil sa byahe.

"But sir, bilin po ni Sir Mariano na---"

"Isipin mo na lang hindi ako kilala ni Miru." Naiinis pa nitong sabi. Naguguluhan ako dahil ang iba nga gustong-gusto ng libre pero siya mukhang ni isa ay wala pa siyang natatanggap sa akin. Laging ako lang yung tumatanggap ng kung anu-ano sa kanya. Unfair.

"Sir kapag may kailangan lang po sila dial zero na lang po." Hinayaan ko si Gabe na maunang maglakad dahil nagpapaiwan talaga ako para makausap ang nasa front desk.

"Ms. Miru, pasensya na po. Mukhang hindi po kasi siya papayag kung free po yung room na gagamitin niya."

"Ipapabawas ko yung sweldo mo."

"Pero ma'am---" Ngumiti ako ng malapad at binigyan siya ng sandwich. Ibibigay ko dapat iyon kay Gabe dahil baka nagugutom siya pero dahil hinarap niya ang isang naiinis na Gabe, sige... kanya na lang.

"Joke lang. Kainin mo 'yan, ah. May lason yan."

"Ms Miru naman." Ngumiti ulit ako sa kanya bago ko tuluyang sinundan si Gabe. Hinihintay niya nga ako sa elevator ngayon dahil mukhang nabasa niya talaga ang nasa utak ko na susundan ko siya hanggang sa kwarto niya.

"Next time, don't do that." Sabi ni Gabe sa akin. Pinindot na niya ang floor kung saan room niya. Mas mataas lang kami ng dalawang palapag ni Gelene.

"Ang alin?"

"May pera ako, Miru. May pambayad naman ako. Saka hindi naman ako invited dito. Pumunta lang ako." Yumuko ako at naramdaman kong bumukas na ang elevator.

Nauna siyang lumabas at hinold lang nito ang open at hinihintay akong lumabas.

"Kaya nga ipinaayos ko kaagad yung room kasi nga darating ka. Kasi nga ikaw dapat ang sasabihan kong gusto kong magbakasyon kaso ayaw kong abalahin ka. Natuwa lang naman ako kaya nireserve ko na agad yung room para sa'yo. Kung ayaw mo, edi fine." Sa inis ko ay pinindot ko na 5th floor.

"Miru, galit ka ba?" I'm upset and disappointed. Alam kong walang effort yung ginawa ko dahil nang-utos lang ako. Pero, can't he at least accept it? Pagod na nga siya, nag-inarte pa.

Nakahawak pa rin siya sa hold button kaya hindi pa rin nagsasarado ang elevator.

"Gabe, bitiwan mo nga 'yan. Matutulog na ako. Pagod ako." Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil mukhang hindi siya makapaniwala sa inaasta ko. Ako rin naman hindi rin ako makapaniwala sa inaasta ko. Hindi ko nga gets kung bakit naiinis ako.

"Miru," hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap niya ako. "Huwag ka nang magalit, hah?" Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. "I'm sorry." Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko na dahilan naman kung bakit kaagad bumilis ang tibok ng puso ko. "Anong gusto mong gawin ko para hindi ka na magalit sa akin?"

"Gusto kong makita yung kwarto mo. Ayaw mo kasi ng pinareserve ko." Humiwalay siya sa akin saka ko nasilayan ang mga ngiti niya.

"Okay." Sabi nito bago niya hinawakan ang kamay ko at naglakad na.

Magkahawak kami ng kamay. Naglalakad kami sa pasilyo habang magkahawak ang aming mga kamay! Maaring mamukhaan ako ng ilang empleyado dito at sabihin kay daddy na may kahawak ako ng kamay pero parang wala na akong pakialam kung sabihin nila iyon sa kanya. Basta ang alam ko ay malaki ang kamay niya at mainit. Halata ring palatrabaho ito dahil magaspang ang palad niya.

Tahimik lang kaming naglalakad at napapansin kong napapatingin siya sa akin. Ganun din naman ako sa kanya, pasulyap-sulyap. Madalas nga ay nagkakasabay kami ng tingin kaya madalas din niya akong ngitian. Ganun kaming dalawa hanggang sa marating namin ang kwarto niya.

"Nandito na tayo." Sabi nito saka binuksan ang kwarto gamit ang card key niya.

Pinagmasdan ko ang buong silid saka ako pumasok at umupo sa kama. Inilapag naman niya kaagad ang bag nito sa table at binuksan ang TV.

"So, bakit ka pumunta?" Umpisa ko. Pinilit ko ring i-focus ang mga mata ko sa TV kahit na hindi ko maintindihan ang palabas. Ibang lengwahe kasi, e.

"Gusto kitang makita." Nakatingin na siya sa akin nang tumingin ako sa kanya.

"Bakit gusto mo akong makita?" Hindi ako umiwas sa titigan namin. Seryoso ang mukha nito at mukhang pagod na siya dahil sa byahe. Pero ewan ko ba, gusto ko pa rin siyang guluhin. Ayaw kong pang umakyat. Gusto ko pa siyang makita. Gusto kong tinititigan ang gwapo niyang mukha.

Tinapik ko ang mukha ko dahil sa naisip kong iyon. Si Gabe? Gwapo? Gee! Ano ba iyong naiisip ko?

"Anong nangyari sa'yo?" Natatawa nitong tanong.

"W-wala, bakit gusto mo akong makita?"

"Ano ba ang gusto mong malaman?" Nakangiti pa rin siya.

"K-kung bakit gusto mo akong makita." Ulit ko saka ko nilaro ang mga daliri. Nararamdaman ko na ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Para kasi akong natutunaw kung makatitig siya.

"Anong gusto mong marinig?" Ngumisi ito saka hinila ang upuan at umupo sa harapan ko. Ang lapit niya. Sa sobrang lapit ay naamoy ko na ang cologne nito. Ang sarap sa amuyin. Hindi masangsang.

"U-uhm, bakit ang kulit mo?" Kinagat ko ang labi ko saka ako yumuko. Alas tres na nang madaling araw pero gising na gising ako ngayon dahil sa kanya.

"Yan na ba ang tanong mo ngayon? And Miru, don't bite your lips. Kasi kung hindi ka pa titigil, ako na ang kakagat niyan." Agad ko namang tinakpan ang bibig ko na dahilan kung bakit siya natawa. "Seriously, Miru! We kissed already and you're giving me that reaction?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Aware na aware siyang naghalikan kami. Nasabi niya ang hindi ko masabi! Bakit niya ba pinaalala?

"Hey, you're blushing." Hinawakan niya ang baba ko para tumingin ako sa kanya ng diretso. But I'm stubborn kaya ipinikit ko ang mga mata ko para hindi ko siya makita. "Sigurado kang pipikit ka?" Nanunukso niyang tanong pero tumango pa rin ako bilang tugon. "Mas madali kita mahahalikan kung ganyan ka."

Nakasimangot akong dumilat dahil sa sinabi niya. Kinakabahan ako pero tingin ko ay pulang-pula na ako ngayon dahil sa mga sinasabi niya.

"I've missed you that's why I'm here." Halos malaglag yata ang panga ko dahil sa sinabi niya. Namiss niya ako? Pero magkatabi lang ang mga unit namin!

"Yung bibig mo." Nakangiti nitong sabi saka niya isinara ang bibig ko. Oo! Siya na naman ang nagsara ng bibig ko. Damn him! Ginugulat niya ako sa mga sinasabi niya!

"K-Kailan lang tayo nagkita, e!" Hindi ko napansin na napalakas pala ang pagkakasabi ko niyon. Marahil kasi sa sobrang kaba ko. Sa sobrang pagkabigla.

"Hindi kita nakita ng buong araw tapos hindi mo sinasabi sa akin na aalis ka. Hindi ko nga alam kung kumain ka na, e. Paano kung noodles na naman ang kainin mo?"

"Kumain ako. Steak." Bigla ko na lang iyong nasabi. Tapos bigla na naman siyang ngumiti na dahilan kung bakit ngumiti rin ako.

"Tapos ano pa?"

"Cake. Tapos ice cream."

"Kasama mo sila? Sinong katabi mo? Katapat mo?"

"Katabi ko si Gelene tapos katapat ko si Erol."

"ah." Aniya saka tumango-tango pa.

"Uhmm..." Wala na akong masabi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Kung bumalik na kaya ako sa kwarto namin ni Gelene? Nagwawala na ang utak ko sa kakaisip kung ano ang pwedeng sabihin. Pagpahingain ko na ba? "Balik na ako sa kwarto." Akmang tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. Nakahawak lang ito sa dalawa kong kamay habang nakatitig sa akin.

"Stay here."

"H-hah?" Ramdam ko ang paghaplos ng thumb niya sa kamay ko. Ang init talaga ng kamay niya. Ang sarap hawakan lalo na't lumalamig na dito sa kwarto niya dahil sa aircon.

"Stay here and sleep with me." Tuluyan na ngang nalaglag ang panga ko at pakiramdam ko ay huminto na rin ang puso ko dahil sa walanjo niyang request! Hindi ba siya natatakot sa daddy ko? Teritoryo 'to ni daddy! Lahat ng galaw ko ay malalaman niya tapos gusto niya akong.. kaming... "Kung ano man 'yang iniisip mo, itigil mo. Baka totohanin ko." Pagkatapos niya akong ngitian ay nagulat na lang ako sa sumunod niyang ginawa. Bigla na lang ako nitong hinalikan sa noo pagkatapos ay tumayo na at dumiretso sa bathroom. What the hell happened? Damn it!

****


Wehehehe. SPG na sunod. Charot. HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA

Lagot kayo kay daddy bah! Teritoryo niya 'yan *q*

Anong hula niyo sa next chap? :>

Labyuguys!

VOTE AND COMMENT!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: