CHAPTER 22
CHAPTER 22
Nang sumunod na araw ay hindi ko nakita si Gabe. Nagtext naman siya sa akin na may kailangan silang tapusin kaya sa kaibigan na lang niya siya matutulog. Ang sabi ko pa nga sa kanya ay hindi ko naman tinatanong kung ano man ang ginagawa nila. Pero kahit papaano naman ay napangiti niya ako sa huling reply nito sa akin. "Sige, sungitan mo lang ako. Mamimiss mo rin ako. :)"
***
"Malandi ka rin, e." Nakahalukipkip na tumabi sa akin si Celestine nang nakatayo ako sa may hallway.
"Bakit na naman?" Tinanggal ko ang salamin ko at isinara ang librong binabasa ko.
"Alam mo bang prospect ko siya?"
"Sino?" Nakakunot kong tanong.
"Hindi mo talaga kilala? Alam mo bang ilang araw akong pabalik-balik sa bar para lang makita siya tapos that night nakita ko na siya ulit, and then what? Nilapitan ka niya at naghalikan na lang kayo basta-basta?"
"Ah! Si Gabe?" Ipinatong ko na muna ang libro ko sa may bintana. "Prospect mo si Gabe? Talaga?" Amused kong tanong sa kanya.
"Siguro alam mong engineer siya! Siguro alam mong sa malaking company siya nagtatrabaho. Saka---"
"So, prospect mo siya kasi feeling mo mayaman siya?" Ako man ay humalukipkip na rin dahil hindi ako makapaniwala ngayon sa sinasabi ni Celestine. She's a beauty pero bakit ganito siya? Hindi naman siya mahihirapan sa mga lalaki. At lalong hindi naman ako sanay na kinokompronta ako lalo na kung lalaki ang pinag-uusapan.
"Ikaw, baka alam mong mayaman siya. Gold digger ka, e." Ngumisi ako dahil na rin sa sinabi niyang iyon. Ako pa ang gold digger?
"Seryoso ka ba dyan? Ako talaga?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya halatang nagulat siya sa akin. "Kung tutuusin nga ay kayang-kaya kitang bilhin." Napansin kong napalunok siya nang laway niya dahil sa isinagot ko sa kanya. Hindi ko ugaling pumapatol pero hindi lang talaga ako makapagtimpi ngayon dahil masyado naman niya akong minamaliit. "Alam ko naman na kinakausap mo ako para mapalapit ka kina Kevin. So, ngayong hindi mo sila malapitan ay kay Gabe ka naman?" mariin akong pumikit at huminga nang malalim. "Celestine, maganda ka. Hindi mo kailangang ibandera ang sarili mo. Matalino ka kaya gamitin mo ang utak mo."
"That's not my point, Miru! Nag-effort ako para lang makilala ko siya. Ang tagal ko siyang hinintay na bumalik sa bar. Tapos---"
"Kilala ko siya. Kilala ko ang ex niya. Kilala ko ang kapatid niya. Alam ko kung saan siya nakatira. Kilala ko kung sino ang kaibigan niya. Kaya wala kang karapatan na magalit sa akin ngayon. Hindi ka niya kilala. Wala kang alam sa kanya. Kaya huwag kang manumbat na akala mo kung sino ka sa buhay niya." After kong sabihin iyon sa kanya ay iniwian ko na siya. Ewan ko ba, naiinis akong kinokompronta niya ako dahil kay Gabe. Wala siyang karapatan kay Gabe dahil hindi siya kilala ni Gabe. Ako ang mas nakakakilala sa kanya. Ako ang dapat na naiinis at hindi siya. Goodness! Dahil dito baka hindi na niya ako itawid next time sa kalsada.
"Badtrip ka yata?" Tanong ni Kevin sa akin pagkaupong-pagkaupo ko pa lang. "Next time, huwag ka na makipaghalikan sa harap namin. Walang kaso sa amin 'yon ni Erol pero kay Jonathan meron. Ang insensitive mo kasi Miru. Sinasaktan mo 'yung tao. Kaibigan pa rin naman natin 'yon." Tumango ako dahil totoo naman ang sinabi niya. Hindi ako nag-isip. Naiinis ako kaya ko ginawa 'yon. Gusto kong makita ng lahat na hindi na pwede si Gabe sa iba.
Sht! Ano ba ang iniisip ko?
"Saka huwag kang makipaghalikan ng ganun sa harap ng madaming tao. Ikaw lang din ang mababastos." Muli akong tumango bago ko isinubsob ang ulo ko sa desk. Bakit ba parang ang possessive ko bigla kay Gabe? Hindi ko naman siya pagmamay-ari?
"Miru," Hinaplos ni Kevin ang buhok ko. "Hindi kita maintindihan nitong nakaraan." Tumango ako dahil ako mismo ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. "Kung may problema ka ay magsabi ka, hah?"
"Hindi ko alam kung anong problema ko. But, thanks."
"Baliw ka na talaga. Kung gusto mo 'yung engineer na 'yon at gusto ka rin niya, edi ayos. Basta huwag ka lang niyang paiiyakin."
***
As usual ay may dala na namang pagkain si Gabe ngayong gabi. Actually, hindi ko pa rin siya natanong about sa kiss namin. Feeling ko kasi ang awkward kung magtatanong pa ako. Nakainom ako, nakainom siya. Malamang wala lang 'yun sa kanya. Hindi ko lang kasi maiwasang mag-isip dahil sa sinabi ni Kevin kanina.
Tapos nilalamon pa kami ng katahimikan. Hindi ko rin kasi siya nakita after ng bar. Sobrang naging busy siya at hindi umuuwi.
"mmm... Kumusta ang OJT mo?" Mahinang tanong nito.
"Minamalditahan pa rin ako ng Carol mo." Idiniin ko ang salitang mo saka tinignan ang reaction ni Gabe. Wala lang sa kanya ang sinabi ko.
"Si Ravince?" Lumalakas na ang boses niya. Parang hindi na siya nag-aalangan.
"Pupunta raw siya dito mamaya." Hindi ako makapagconcentrate sa sinasagutan kong problem dahil sa mga tanong ni Gabe. Nope, dahil presensya ni Gabe mismo. Wala naman kwenta ang mga tinatanong niya sa akin. Parang nagsasalita lang siya para hindi awkward at par amay mapag-usapan lang.
"Si---" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatingin sa mga labi niya.
"Sshhh... babatuhin kita ng unan kung hindi ka pa tatahimik dyan."
"Ang sungit. Ganyan ba kahirap 'yan?" Turo niya sa notes ko kaya tumango ako. Mahirap talaga lalo na't nandito ka. Naguguluhan ako.
Dumukmo ako sa table saka bumuntong hininga. I'm starting to get moody because I know my period is coming and I feel bad for everyone. Pero isa rin sa rason si Gabe kung bakit ganito ako ngayon. "Gusto ko ng chocolate." Halos bulong na sabi ko sa kanya. "Gusto ko rin ng ice cream at mangga."
"Naglilihi ka ba?"
"Gago. Nagkicrave ako." Saka hindi naman nakakabuntis ang kiss.
"Mga pagkain kasing sinasabi mo---"
"Akala ko ba nagkagirlfriend ka na? Hindi ba nila sinasabi sayo kapag malapit na silang datnan? Si Carol? Imposibleng hindi niya sinasabi sa'yo. May iba kasi na nagkicrave talaga." Muli ay umupo ako ng tuwid at pinagmasdan ko kung paano mamula ang mukha nya. Ngumiti ako at nagsalumbaba. "Namumula ka. Hindi niyo napag-uusapan? O namumula ka dahil nalaman mong malapit na ang period ko?"
"Nantitrip ka ba?" Inagaw nito ang inaaral ko "Ano ba 'tong ginagawa mo?"
"Wala, hindi mo rin naman maiintindihan. Nag-iiba ka pa ng topic, e." Sagot ko saka muling kinuha ang notebook ko.
"Hindi ka kakain?" Paiba-iba talaga siya ng topic.
"Ayaw ko niyan. Gusto ko ng burger."
"Burger?" Tumango ako bilang sagot at nabigla naman ako nang bigla itong tumayo. "Lalabas lang ako. May ipapabili ka maliban sa burger?"
"Pizza. Fries. Cake. Ice cream. Chocolate."
"Mauubos mo lahat 'yon? Halimaw ka ba?"
"Timang! May bukas pa namang tinatawag. Saka pupunta si Ravince dito." Tumingin ako sa kanya at napansin ko na mukha siyang shock dahil sa sagot ko. "Ano? Hindi ka naniniwala?" Umiling ito tanda na hindi nga siya naniniwala.
"Hindi kaya takawmata ka lang?"
"Sige. Kahit ano na lang. Anything's fine. Actually, okay na ko sa food na dinala mo."
"Hindi. Lalabas din naman ako kaya---"
"Ewan ko sa'yo." Sabi ko sa kanya saka binato ang susi ng unit ko. "baka makatulog ako mamaya kaya bahala ka na kung babalik ka o hindi. Para na rin hindi na ako gisingin ni Ravince."
"Okay boss." Nakangiti nitong sagot sa akin bago siya lumabas. At last! Pakiramdam ko kasi ay pagod na pagod ako ngayong araw. Kahit gusto ko siyang kausapin, tinatamad akong makipag-usap. Gusto ko lang mahiga at matulog. Saka naiinis ako dahil kinompronta ako ni Celestine nang dahil kay Gabe.
Tapos tuwing nagsasalita na lang siya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatingin sa mga labi niya. Hindi ko rin mapigilan ang sarili kong mapatitig sa mga mata niya. Hindi ko mapigilang isipin kung nakapikit din ba siya noong hinalikan niya ako.
Halos sabunutan ko na ang sarili ko pero nabigla ako nang may tumawag sa pangalan ko.
"Miru?"
"Bakit--- diba.. Diba lumabas ka na kanina? Bakit ka bumalik?"
"Ewan. Hindi ko rin alam." Tinitigan ko siya habang palapit siya sa akin. Umupo ito sa harapan ko at mukhang malalim nga ang iniisip niya ngayon kaya medyo nakakapagtaka. "Miru,"
"Oh?" Muli akong nagbasa para makaiwas sa mga titig nito.
"Ikaw ba, nakita mo na ang nakatira sa kabilang unit?"
"Oo pero hindi ko nakita ang mukha niya. Bakit? Importante ba siyang tao? Dadalhan din ba niya ako ng pagkain katulad ng ginagawa mo?" Nakangiti akong tumingin sa kanya kaya napansin ko ang pagpula ng mukha niya. Nagba-blush ba siya?
"Natural hindi niya gagawin. Ako lang ang gagawa nun para sa'yo." Mabilis itong tumayo at ilang sandali pa nga ay kaagad din niyang nabuksan ang pinto ng unit ko. Sakto naman na mukhang kakatok pa lang si Ravince mula sa labas.
Nagsalumbaba ako at pinanood kong umalis si Gabe. Nagtataka namang pumasok ang kapatid ko.
"Anong nangyari doon? Bakit mo siya pinapapasok dito habang wala ako? Huwag mo na ulit siyang papasukin dito."
"Nagdala lang siya ng pagkain. Kain na."
"Yon! Akala ko walang suhol. Kaya kahit papaano pinapalapit ko 'yun sa'yo, e. Laging may pagkain." Siraulo talaga. Ginawa pang restaurant si Gabe.
*******
Ay, ay! Ibabalik ko ang SL pero ewan ko kelan ko matatapos na ayusin yon. VOTE AND COMMENT! MAGCOMMENT! KUNG AYAW NIYONG PAGBANTAAN ULIT KAYO NI JACE SA MGA SUSUNOD NA KABANATA! HAHAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro