CHAPTER 20
SUS! GUSTO NIYO LANG MAKITA SI LANCE! WALA BUBURAHIN KO NA SIYA SA MUNDOOOO! MUAHAHAHAHA
CHAPTER 20
"Dad, si Gabe po." Napalunok ako nang sarili kong laway nang tingnan ni daddy si Gabe. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Dati naman tuwing nagpapakilala ako ng kaibigan ay hindi ako kinakabahan.
"Gabriel Vaughn Rodriguez po."
"I know you. You're with Engr. Elisa when I saw you." Elisa?
"Yes, sir." Sir? Agad kong napansin ang pagngisi ni daddy bago ito umupo. Sinenyasan din niya si Gabe na umupo sa harap nito.
"Miru, kumuha ka nga ng tubig."
"Pero dad---"
"Kumuha ka ng tubig."
"May uutusan namang iba---"
"Miru." Ngumuso na lang ako at naglakad papuntang kusina. Ewan ko ba sa daddy ko, minsan hindi ko talaga maintindihan. Ang galing pa naman niyang magtago ng expression sa mukha. Saka hindi naman talaga niya ako inuutusan. Usually ay sina Ravince at Jace lang ang inuutusan niya. Kainis talaga.
Sa kusina ay nadatnan ko si mommy na nagbi-bake ng cake. Probably kay Jace na naman. Mahilig kasi iyon sa cake at dahil siya ang bunso, siya rin ang spoiled sa aming magkakapatid.
"Aalis ka na ba talaga ngayon? Hindi ka pwedeng umabsent muna bukas?"
"Mom, may pasok ako sa ojt bukas. Sayang 'yung mababawas na oras. Saka ayaw ko nang magtagal doon." Makikita ko na naman kasi si Carol, lagi pa naman niya akong pinag-iinitan dahil kaibigan ko ang ex niya.
"Si Gabe talaga ang kasabay mong babalik? Malapit lang ba siya sa apartment mo?"
"Kapitbahay ko siya mommy." Naglabas ako ng tubig sa ref at kumuha ng dalawang baso. "Lagi niya akong dinadalhan ng pagkain tuwing gabi. Ang sabi nga niya ay ang payat ko raw."
"Nililigawan ka ba niya?"
"Hindi po. Ganun din naman ang mga barkada ko sa akin." Kinargahan ko na ng tubig ang mga baso. "Dalhin ko lang 'tong tubig sa kanila."
"He's a good guy, but Miru huwag mong masyadong pinapapasok sa unit mo, ah."
"Hindi naman po." Ako nga ang pasok nang pasok sa unit niya lately. "Saka kilala siya ni Ravince kaya napapadalas ang kapatid ko sa apartment. Huwag kayong mag-alala. Bantay sarado ako ng kapatid ko doon kaya never pa ako nagkakaboyfriend."
"Hindi naman kita binabawalan mag-boyfriend." Nakangiti pa si mommy nang sabihin niya iyon. Yun nga yata ang dahilan kung bakit ayaw kong magboyfriend. Hindi kasi niya ako binabawalan.
Nang dalhin ko na ang tubig sa kanila daddy ay wala na si Gabe. Nadismaya ako nang si daddy na lang ang maabutan ko doon. Malamang, pinauwi niya. Sabi ko nga, e. Dapat talaga hindi ko sila iniwan kanina.
"Nasaan na siya?"
"Pinauwi ko na. Gabi na kaya hindi kita mapapayagang sumama sa kanya pabalik."
"Pero dad!"
"Ihahatid kita."
"Sama ako!" Galing sa kusina si Jace. Ni hindi ko nga alam kung kailan siya pumasok sa kusina para kumuha lang ng cookies. "Ngayon na ba?"
"Oo. Tawagin mo ang mommy mo kung gustong sumama." Kahit kailan talaga ay padalos-dalos sila magdesisyon. Okay, fine. Sige na nga. Basta makabalik lang ako sa apartment ngayon.
Ibinaba ko na ang mga gamit ko at ipinapasok kay Jace sa sasakyan. Ilang oras ang byahe namin papunta sa apartment. Hindi na sumama si mommy dahil may tatapusin pa siya at isa pa, hindi pa tapos ma-bake ang cake kanina.
Buong byahe ay tulog lang ako. Nagising na nga lang ako nang nasa tapat na kami ng apartment.
Pumasok sina dad sa unit ko. Naabutan pa nga namin si Ravince dito. Kainis talaga 'tong lokong 'to. Tama bang hindi sabihin sa akin na dito siya matutulog?
"Miru, bakit ngayon ka lang umu---" Hindi nito tinuloy ang tinatanong sa akin nang makita niyang kasama ko si daddy pati na rin si Kellan Jace. "Dad." Umayos ito ng upo at agad na iniligpit ang kalat niya. "Uuwi ka pala ate. Bakit hindi mo sinabi?"
"Hindi ba dapat nasa condo ka? Hindi ka ba pumapasok?"
"Pumapasok ako dad. Nag-aaalala lang ako kay ate."
"Sus. Edi sana nagtext ka sa akin kung nag-aaalala ka."
"Ganito pala dito sa apartment mo, ate. Ngayon ko lang nakita." Ngayon naman ay binuksan na ni Jace ang lahat ng pwedeng buksan na cabinet. "Nasayo pala 'tong game na 'to! Ang tagal kong hinanap!"
"Miru, huwag mong masyadong pinapapasok dito ang mga kaibigan mong lalaki lalo na kung mag-isa ka lang."
"Opo."
"Huwag ka ring magpapagabi masyado."
"Hindi po maiwasan minsan."
"I'll hire a driver for you."
"Dad. No need, okay? Okay naman ako sa pagko-commute. Pareho naman kami ni Kevin ng pinapasukang company, nagsasabay kaming umuwi tuwing gabi na. Nandito rin si Ravince saka pumupunta rin naman ako sa condo madalas."
"Hindi ka nga nagpapakita masyado." Inirapan ko si Ravince dahil sa sinabi niyang iyon. Mamaya ma-cut na naman ang allowance ko dahil sa kanya.
"I quit smoking. I don't drink anymore. Swear!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko tanda na totoo ang sinasabi ko. Medyo totoo naman kaya walang dapat ika-guilty.
"You smoke?" nanlalaki ang mga mata ni daddy dahil doon sa sinabi ko saka nito sinapo ang noo niya. "Miru."
"Nagtry lang. Pero hindi na talaga."
"Are you sure? Ravince?" Tumingin si dad kay Ravince para kumpirmahin ang sinasabi ko. Agad ko naman siyang tinitigan ng masama.
"Hindi ko pa naman siya nakitang manigarilyo." Si Jace naman ay mukhang gusto nang tumawa dahil sa amin ni Ravince. Alam ko namang kitang-kita pa rin ang senyasan naming dalawa. "Daddy padagdag naman ng allowance."
"Doon ka sa mommy mo manghingi ng allowance. Tara na Jace."
"Pwede naman akong umabsent dad! Dito muna tayo."
"Hindi naman ako bibigyan ni mommy ng allowance, e!" Reklamo pa ni Ravince. Wala na ba akong ibang maririnig kung hindi ang reklamo nilang dalawa?
"Miru."
"Po?"
"Ibigay mo ang kalahati ng allowance mo kay Ravince."
"What? No way! Dad naman---"
"YES! Narinig mo 'yun ate, akin yung kalahati ng allowance mo."
"Dad naman, hindi naman ako maluho pero---"
"Naninigarilyo ka, umiinom ka at nagpapapasok ka ng lalaki sa apartment mo. Kay Ravince ang kalahati sa allowance mo." Aish naman! "Tara na Jace."
"Uuwi na po kayo? Hindi ka magkakape? Baka antukin kayo? Kung gusto niyo po dito na kayo matulog. Ipaglalatag ko kayo, huwag lang yung allowance ko." Please sana effective ang pagkakamabait ko. Hindi pwedeng ma-cut ang allowance ko. Mag-iipon pa ako ng pambilli ng regal okay Gelene.
"Hindi na. Isara mo na lang ang pinto niyo kapag nakalabas na kami. And Ravince, ikaw na nag bahala sa ate mo."
"Basta ba may increase sa allowance dad." Nakangiting sagot naman agad ng hinayupak kong kapatid. Kainis talaga siya.
Hinatid ko sina daddy hanggang sa labas ng building na ito. Hinintay ko rin silang makaalis bago ako muling umakyat. Alam kong nandyan na sa loob ng unit niya si Gabe dahil nandyan na ang sasakyan niya nang makarating kami dito. Pero nakakahiya na kung kakatok pa ako dahil anong oras na rin naman at saka patay na ang ilaw nito. Siguro nagpapahinga na siya. Siguro---
"Anong ginagawa mo sa harap ng unit ko?" Napalunok ako at unti-unti ay humarap ako kay Gabe. Nakangiti ito at may bitbit na plastic. Pansin na pansin ko na mas matangkad talaga siya sa akin. Lalo na ngayong magkalapit kaming dalawa.
Tumabi ako nang buksan nito ang pinto niya. At nang pumasok na ito ay pumasok na rin ako. Umupo na rin ako sa sofa niya at binuksan ang TV nito. Thankful dahil naka-cable siya.
"So, anong pinag-usapan niyo ni dad kanina? Bakit ka niya kilala?" At sino 'yung Elisa? Gusto ko yun itanong pero hindi ko na maituloy. Pakiramdam ko kasi ay nanghihimasok na ako sa private life niya.
"Sinamahan ko ang isang kaibigan na magpasalamat noon sa daddy mo. Isa siya sa natulungan ng parents mo na mag-aral."
"Yun lang?" Si Elisa. Gusto kong malaman kung bakit kayo close ni Elisa? Maganda ba si Elisa? Sexy ba? Girly?
"Yun lang. Ah! Saka ayaw ng daddy mo na isabay kita pabalik baka raw kasi may gawin ako sa'yo." Natatawa nitong sabi kaya medyo nainsulto ako. So wala pala siyang balak gawin? Kahit hawakan ang kamay ko? Wait, what? "Kahit yung paghatid na lang daw saiyo ang iwan namin para sa kanya. Huwag daw masyadong inaagaw ang pag-aalaga sa'yo. You have a great dad, actually."
"Indeed." Iyon na rin ang huling napag-usapan namin about kay dad. At never ko na ngang natanong kung sino nga ba ang Elisa na 'yon.
******************************************************************
A/N: Hala ka. Jelly na ba si Miru? Paano na ang allowance ni Miru? Bad Ravince! Ano na magaganap sa Garu ngayong nasa apartment sila ni Gabe? Rated SPG na ba ito? JOKE! HAHAHA
Ang update ay tuwing sat talaga pero dahil nag-update ako ngayon... uhm baka sa sunday ulit?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro