CHAPTER 2
Kakauwi ko lang at patulog na ako nang biglang may narinig akong kumalabog sa kabilang unit. Nakakainis! Ilang araw ng ganyan sa kabila at ilang araw ko na nga itong pinalalagpas! Nakakamiss noong si ate Yvette pa ang nasa kabilang unit dahil tahimik lang. Ang sabi pa naman niya ay laging wala ang kapatid niya dyan pero mukhang kabaliktaran naman.
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto sa kabila at doon pa lang naging payapa ang gabi ko. Gumising ako ng bandang alas dose ng hating gabi para gawin ang thesis ko.
Nasa kalagitnaan na ako ng ginagawa ko nang may marinig akong lalaki na nagsasalita.
"Carol please." Bakas sa boses nito na basag siya at mukhang marami ngang nainom. "Please, Carol open the door!" Baka Carol ang pangalan ng isa pang bagong lipat sa kabilang unit. Ang hirap pala ng ganito kapag dalawa ang bagong lipat sa mga katabing unit. Nakakainis naman.
Isinalaksak ko ang earphones ko para wala akong marinig pero hindi naman ako makapagconcentrate lalo dahil sa ingay ng music. Tinanggal ko rin ang earphones sa tenga ko saka sinubukan magconcentrate ulit sa paggawa na lang nitong paper ko. Mabuti pa sina Jonathan at Erol ay tapos na samantalang kami ni Kevin ay nagpapakamatay pa sa kanya-kanya naming thesis paper.
"Carol! Open the door! Let's talk. Please, I'm begging you." Guni-guni ko lang ba na nasa tapat siya ng unit ko? "Let's fix this. I swear to God that I won't make mistakes this time." Mukha siyang miserable. Kailan ba niya mapagtatanto na nakakagulo na siya sa mga nasa ibang unit? Sana pagbuksan na siya ni Carol.
"Just one last chance, please." Halos basag na ang boses nito nang sabihin niya iyon pero laking gulat ko lang talaga nang bigla itong kumatok sa pinto ko. Damn! Akala ba niya ay dito nakatira si Carol?
"Walang Carol dito!" Sigaw ko, nagbabakasakaling narinig niya. Itinuloy ko nalang ulit ang ginagawa ko pero mukhang hindi ako narinig ng lalaki dahil patuloy nitong kinakatok ang pintuan ko. Tinolang manok naman kasi talaga, oh!
Napilitan akong tumayo kahit na gulo-gulo pa ang maikli kong buhok para lang buksan ang pinto. Katulad ng inaasahan ko ay lasing nga ito dahil amoy na amoy ko pa ang ininom niya.
"I'm not Carol kaya kung pwede lang po ay tumahimik ka na at hanapin mo na sa iba ang Carol mo."
"Carol please, don't do this." Pinakatitigan ko siyang mabuti dahil hindi ako makapaniwala sa inaasal niya. Hindi ba niya makilala ang Carol niya?
"Hindi nga kasi ako si Carol. Hindi nga kita kilala, e!" Isasara ko na ang pinto pero iniharang niya ang mga paa niya saka itinulak ang pinto. Sht! Doon ko lang napansin na siya yung lalaking sumusunod kanina sa akin! Siya yung lalaki sa daan kanina! Bigla akong naalarma dahil baka kasapi siya sa mga sindikato o baka rapist o magnanakaw!
"Wala na akong laman loob!" Agad kong sabi para hindi na niya ako kidnapin. "Wala ka rin makukuhang mahalagang gamit dito."
"Goddamnit Carol! Don't kid around." Tuluyan na nga akong napairap dahil sa inasal niya. Naka-high yata ang isang ito. "Isang linggo pa lang ang lumipas pero ganito ka na sa akin." Namumula na ang mga mata nito at para bang nagbabadya ng pumatak ang mga luha nito.
"Alam mo, mag-usap kayo ng Carol mo kapag hindi ka na lasing. Nakakaabala ka, e. Kung gusto mo ay tulungan pa kita sa paghahanap basta huwag ngayon. May thesis akong tinatapos." Talagang lasing na ito dahil hindi na niya makilala kung sino ang kinakausap niya. Tingin ko tuloy ay nasakal ang girlfriend niya kaya siya hiniwalayan.
"Promise? You will really talk to me when I'm sober?"
"Pero hindi nga kasi ako si Carol." Nakakaubos na ng oras ang ginagawa naming ito. Ang dami ko ng nasayang na oras na dapat ay sa thesis ko nakalaan! Malapit na ang mock defense namin at kailangan kong pagbutihan iyon dahil doon ko malalaman kung may pag-asa ba itong ginagawa ko at kung kaya ko ngang idefend ito. Kainis.
"Kung hindi ka pa aalis ay tatawag na ako ng security." Nanlaki ang mga mata nito dahil sa sinabi ko at tuluyan na nga niyang binitiwan ang pinto. Good. "Don't bother me again, okay? Bukas hanapin mo ang Carol mo at mag-usap kayo ng matino..."
"Miru!" Nagmamadaling pumunta sa tabi ko si Kevin kasama sina Erol at Jonathan. "Sino siya?" Nagtatakang tanong pa nito. Madaling araw na pero talagang nagpunta pa ang mga 'to dito. Manggugulo lang naman sila sa ginagawa ko.
"Kanina pa niya ako tinatawag na carol." Sumbong ko sa kanila. "Hindi ko tuloy matapos ang thesis ko dahil sa kanya."
"Sus nagdahilan pa. 'Di mo lang talaga kaya." What a friend talaga 'tong si Erol.
"Pare, hindi Carol ang pangalan ng Miru namin." Tumango ako. "Ang layo ng C sa M, oh!" Muli akong tumango. "Isa pa pare sana pumili ka naman ng mukhang babae." Tatango na sana ulit ako nang mapagtanto ko na binubwisit na naman pala ako ni Jonathan. Kainis talaga siya.
"kaya huwag mo siyang tatawagin sa pangalan ng ibang babae. Baka maoffend siya. Nakakaoffend na nga ang ipinangalan sa kanya." Segunda pa ni Kevin. Bwisit talaga sila.
Tinulak ni Jonathan papalayo ang lalaki para makapasok na sila ng tuluyan sa unit ko. Minsan talaga hindi ko malaman kung tinutulungan ba nila ako o bubwisitin lang.
"Miru halika na! Tulungan ka na namin sa thesis mo." Tawag pa ni Erol sa akin.
"Hindi ako si Carol." Iyon ang huling nasabi ko sa lalaki bago ako tuluyang pumasok sa unit ko. Kung sino man si Carol, hindi ko alam kung swerte ba siya dahil mahal na mahal siya ng lalaki o ang malas niya dahil parang nakakasal ang lalaking iyon.
***
"Next time huwag kang magbubukas ng pinto kung hindi mo naman kilala 'yung tao. Babae ka pa rin kahit hindi ka mukhang babae. Paano kung rapist 'yun? Madaling araw na 'oh. Walang pinipili mga 'yun. Lasing pa naman." Nag-umpisa na naman mangaral ang kaibigan naming si Kevin. Sa katunayan ay siya ang masasabi kong best friend ko sa grupo. Siya talaga 'yung maalaga kahit hindi halata at kahit papaano ay siya rin ang nagreremind sa dalawa na babae pa rin ako.
Pero kahit naman iremind niya sila na magdahan-dahan sa sinasabi ay sanay na ako. Sanay na ako marinig ang sex life nila. Sanay na ako sa mga pinag-uusapan nila. Maski nga porn sites ay alam ko na lahat dahil sa kanila.
Lalaki sila at kahit na panay kalibugan minsan ang kadalasang pinag-uusapan nila ay masasabi ko naman na matitino silang mga kaibigan. Seryoso silang tao at mataas ang mga pangarap nila. Kung ikukumpara sila sa iba, masasabi ko na sila ang pinaka the best na kaibigang meron ako ngayon.
Simula noong college ay sila na ang nakasama ko. Simula noong hindi ko na kasama sina Gelene ay sila na talaga ang mga naituring kong kaibigan at kung may babae man na makikipagkaibigan sa akin ay nakatitiyak akong hindi naman ako ang gusto nilang maka-close.
Kaya kahit magmukha na akong lalaki, ayos lang. Masaya naman ako sa barkada namin.
***
A/N: Tuwing saturday at sunday ang update! :)))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro