Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 17


Ang tagal ko ng nakatingin sa salamin. Hindi ko nga alam kung bakit pinaghahandaan ko itong event na ito kahit hindi naman dapat. Bakit ba kasi may dress code pa?

"Baby." Yumakap sa akin si mommy mula sa likuran ko. "You look great. Aww, dalaga na talaga ang anak ko. So, may boyfriend ka bang susundo?"

"Mom! No, hindi ko naman boyfriend 'yung susundo sa akin."

"Sus! Pasalamat ka wala ang dad mo kung hindi lagot 'yung lalaking susundo sa'yo. How's school?"

"Halos OJT na lang ang inaasikaso. May finals pa naman pero ngayon pa lang ay nag-uumpisa na akong mag-aral para hindi hassle."

"That'd good. Ay wait, may magandang heels na babagay sa damit mo."

"Pero mom, hindi ako sanay magheels."

"Hindi naman mataas. Saka natutuwa ako tuwing ganyan ang suot mo." Agad na kinuha ni mommy ang heels na sinasabi nito at ipinasuot sa akin. Hindi naman mataas ito katulad ng sinabi niya. Bagay din sa pulang dress na suot ko ngayon. "Huwag kang iinom ng marami." Saka alam kong matutuwa talaga siya dahil bata pa lang ako ay hindi na niya ako halos mapagsuot ng mga dress. Kaya natutuwa siya kapag nasa mood ako noon na magbestida.

"Mommy naman anong akala mo sa akin?"

"Alam kong umiinom ka. Pero limitahan mo dahil kapag ikaw ay umuwi ng lasing wala akong kasalanan kung magalit ang dad mo."

"Siya nga nagturo sa aking uminom, e." Ngumuso pa ako dahil totoo naman. Si daddy ang ang unang nagpainom sa akin ng alak. "Pero mommy, promise hindi naman ako iinom ng marami. Saka if ever magkayayaan naman kasama ko naman si Gelene."

"Tumawag ka kapag pauwi ka na."

"Opo. Kapag nalaman ni bunso na binibaby mo ako, naku, patay ka sa kanya." Nginitian lang ako ni mommy saka niya ako niyakap.

"Alam mo namang ikaw lang ang babae sa inyo kaya maski sila over protective sa'yo."

***

"Gabirel Vaughn Rodriguez po." Nakipagkamay pa ito sa mommy ko nang magpakilala siya.

"Take care of my daughter, okay? Hindi yan pinapadapuan ng lamok ng dad niya." Ngumiti si Gabe bago ito sumagot.

"Opo."

Matapos nga niya akong ipagpaalam sa mommy ko at makapagpakilala na rin ay pumasok na kami sa sasakyan niya. At nasabi ko na ba kung gaano siya kagwapo ngayong araw? Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nag-appreciate ng gwapong nilalang. Sa totoo lang ay ayaw ko siyang titigan ng matagal kanina dahil kay mommy pero ngayong nasa sasakyan na kami wala ng makakapigil sa akin para pagmasdan siya.

Bawat galaw nito ngayon ay pinagmamasdan ko. Matagal ko ring tinitigan ang mukha niya ngayon. Na-amaze din talaga ako sa kulay abong mga mata nila ng kapatid niya. Bakit ba ngayon ko lang tinitigan ng matagal?

"Why?"

"H-hah? Anong what?"

"Ang sabi ko why at hindi what." Umiling ito pero nakangiti pa rin siya. "Hindi ba okay ang hitsura ko? Nakakahiya bang ako ang makakasama mo?"

"No!" Agad kong sagot sa kanya. "O-okay ka naman." Itinuon ko na muna ang aking atensyon sa labas. "Magdrive ka na lang nga."

"Sa mommy mo pala nakuha ang mga mata mo, ano? Saka mas maganda ka sa mommy mo."

"As if naman."

"But you really look great tonight. You're gorgeous."

"Huwag ka ngang ganyan. Mamaya niyan maniwala ako tapos magkagusto ako sa'yo kasi lagi mo akong pinupuri."

"You want me to stop complimenting you?" Parang amused pa nitong tanong dahil sa sinabi ko. I even heard him chuckle. Guys. They're more complicated than girls. "But Miru, you're really gorgeous. Sa'yo lang yata bumabagay ang ganyang buhok."

"Will you please stop?" Humalukipkip ako at tumingin na lang ako sa labas. Nahihiya ako dahil sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung paano ako aakto ngayon sa harap niya dahil sa sinabi niya. Nakakainis talaga siya.

"Bakit? Namumula ka na ba?" May halong panunukso talaga ang boses nito ngayon! Parang tuwang-tuwa pa siya sa nakikita niyang reaction ko.

"Gabe,"

"Warning sign?" Tumingin ako sa kanya at napansin kong nakangiti ito.

"Yes Gabe, warning sign." Mas lalo pa itong ngumiti matapos kong sagutin ang tanong niya. "Anong nakakatawa?"

"Nothing. I like it."

"Ang weird mo rin, e." I like it, i like it pang nalalaman. Hindi na lang siya magdrive. Dahil sa sinasabi niya napapangiti ako ng hindi ko namamalayan. "Gabriel... Gabriel Vaughn."

"Mukhang trip na trip mo ang pangalan ko, Nathalie Miru."

"Paano mo nalaman yung pangalan ko? Hindi ko naman sinabi sa'yo." Nakakapagkata lang na alam niya ang pangalan ko. At least ako narinig ko lang naman sa maldita nitong ex yung pangalan niya.

"Sa kapatid mo. Sht! Wala na yatang parking space." Reklamo nito medyo nahihirapan na kasi kaming maghanap kung saan pwedeng magpark. Marami na kasing sasakyan ngayon dito nang dumating kami. "Sa tingin ko ibababa na lang kita sa entrance. Kung gusto mo ay mauna ka na sa loob. Medyo sa malayo na yata tayo magpapark. Okay lang?" Napaisip ako sandali sa tanong niya. Ayaw ko naman mauna sa loob nang mag-isa lang. Pero ayaw ko rin naman maglakad ng napakalayo na ganito ang hitsura.

"Okay."

Katulad nga ng sinabi nito ay ibinaba niya ako sa may entrance. Gustuhin ko man siyang hintayin sa entrance pero tingin ko mas okay kung papasok na lang akong mag-isa. Ayaw ko rin naman makaagaw ng atensyon dahil may kasama akong lalaki na hindi nila kilala. It's too much to handle. Nakakairitang matanong nang matanong. Kapag sinabi namang hindi boyfriend hindi sila maniniwala. Ang sarap sabihing wow! Nagtanong ka pa! Iniisip mo rin naman kung anong gusto mong isipin!

Ilang beses akong huminga nang malalim bago pumasok sa hotel.

Agad naman akong napangiti nang makita ko pa lang ang likod ni Gelene. At least, nandito na siya at hindi na ako maiilang. Ang tagal ko rin kasing hindi nakita ang iba. Agad akong lumapit sa kinauupuan nila at sobrang lapit ko na nang marinig ko ang pinag-uusapan nila. Ako.

"Hindi 'yun pupunta! Pustahan tayo." Tumalikod ako agad dahil mukhang wala naman nakapansin sa akin. Kunwari'y nilabas ko rin ang cellphone ko para may ginagawa ako.

"Bakit mo naman nasabi?"

"Ilang taong hindi nagpakita 'yon sa atin. Tingin mo magpapakita pa yun? Tama bang mahalin ang boyfriend ng kaibigan niya?"

"Gina! Hindi ganun 'yon!" pagtatanggol ni Gelene sa akin. Pero ganun naman kasi talaga 'yon. Guilty naman ako sa sinabing iyon at hindi ko naman itatago.

"Ganun 'yon Gelene. Huwag mo na ngang ipagtanggol ang kaibigan mo. Tignan mo nga! Hindi pa siya nag-eeffort na makita ka. Tinapon ka niya basta-basta. Para ano? Sa mga bago niiyang kaibigan? Na ano? Mga lalaki? Nangangati na ba siya dahil walang nagkakagusto sa kanya?" Doon pa lang ako talagang nainis dahil sa sinabi ng isang tao. Huminga ako nang malalim at humarap sa kanila.

"Hey." Tawag ko sa atensyon nila. Halata naman sa mukha nilang nagulat sila sa pagdating ko pero si Gina, mukhang hindi natinag sa pagdating ko. Mukhang wala nga itong pakialam kung narinig ko ang sinabi niya.

"Nandito na pala 'yung higad." Umirap pa ito kaya mas lalo akong nainis. Alam kong maraming naiinis sa akin pero hindi ko naman inaasahan na hanggang ngayon ay ugaling bata pa rin ang karamihan sa kanila. "Ano? Hindi ka makapagsalita kasi totoo?"

"Gina, awat na." Sabi pa nung iba.

"No, bakit ako titigil? Alam niyo ba kung bakit ako galit na galit sa kanya? Kasi mas gugustuhin pang sumama ng boyfriend ko sa kanya kaysa sa akin. Dahil ano? Magkaibigan sila?" Wala akong alam sa sinasabi niya at mas lalong hindi ko kilala kung sinong boyfriend ang tinutukoy niya. "Malandi ka kasi."

"Miru." Naramdaman ko ang paghawak ni Gabe sa kamay ko. "Kanina pa kita hinahanap." Lahat ng mga mata nila ngayon sa table ay nakatingin kay Gabe at sa kamay naming magkahawak. "Ganito ka ba i-welcome ng mga dati mong kaklase?" Yumuko ako dahil sa hiya. Nahihiya akong malaman ni Gabe na ganito ako itrato ng iba sa kanila. "Halika na. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." Hindi ako sumagot pero mas lalo kong naramdaman ang kamay nito nang mas humigpit ang hawak niya sa akin. "Hindi ka bagay mapasama sa mga basurang tao." Hinawakan pa nito ang mukha ko para iangat para tignan ko naman siya. "Huwag kang umiyak ng dahil sa kanila." Pinunasan nito ang luha ko. "They're not worth it. Well, except sa kaibigan mong si Gelene." Muli pang lumingon si Gabe sa table ng dati kong kaklase.

"Babae rin kayo tulad niya kaya dapat ay mas alam niyo kung gaano kasakit ang sinasabi niyo sa kanya."

***

"Tahan na." Nakaupo kami ngayon sa tabi ng pool ng hotel. Pumunta kami rito nang mapansin niyang hindi ako tumitigil sa pag-iyak. Alam kong hindi ko dapat sila iniiyakan. Alam kong dapat matuwa ako kasi kahit na may nangungutya sa akin ay may kaibigan pa rin akong nagtatanggol.

Pagod lang ako kaya hindi ko kinayang ipagtanggol ang sarili ko kanina. Stressed lang ako kaya hindi ko magawang maging matapang kanina. Pagod na akong ganoon na lang lagi ang naririnig mula sa iba sa kanila. Pagod na rin akong ipakitang matapang ako.

"Listen Miru." Iniharap niya ako sa kanya at pinilit na iangat ko ang ulo ko para tignan siya. Pinunasan din nito ang luha ko sa pisngi at saka ako nginitian. "Hindi naman totoo ang sinabi nung babae kaya huwag kang umiyak." Hinawakan ko ang dalawang kamay nitong nakahawak pa rin sa magkabila kong pisngi. Thankful dahil walang taong nakakasaksi sa amin ngayon.

"Pero totoo namang minahal ko si Derek."

"Mahal mo pa rin ba? Kung oo, hindi na katulad ng dati, tama?" Tumango ako saka nito muling pinunasan ang luha ko.

"Alam mo ba ang gagawin ko para mapatigil ka sa pag-iyak?" Iiling pa lang sana ako nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. "Ayan." Ngumiti pa ito at hindi pa rin tinatanggal ang mga kamay niyang nakahawak sa mga pisngi ko. Malapit pa rin ang mukha niya sa akin at unti-unti ay bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

"That's my first..." I told him, almost a whisper. Pero nagulat ako nang bigla na naman nitong inangkin ang mga labi ko.

"Second." Sabi nito habang nakangiti. Napalunok ako at unti-unti ay lumuluwag ang pagkahawak ko sa mga kamay niya.

"Bakit?" I asked him.

"Kasi ang tapang mo para ipakita sa akin na nasasaktan ka. I like it."


***

A/N: Anube joke lang yung 500 comments pero mahilig ako magbasa ng comments. Kaya magcomment kayo! kahit mga wantawsan ganun! hahaha

Anyway, wala si daddy bah. Paano ba 'yan? Next update kaya siya? Si Bunso wala paaaaaa!!! Kailan siya lilitaw? Sa next update din baaaaa?

Ang Miriel/Garu tandem kaya mag i-improve rin sa next ud? Okay, saka na ulit ako mag-update mga after 2 weeks. *o*

Dedic eniwan?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: