Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13


Nagising ako nang maramdaman kong nilalaro ang mga daliri ko. At nang iminulat ko ang mga mata ko ay nakita kong nakatitig sa akin si Gabe. Umupo ako nang maayos pero hindi ko pa rin binabawi ang kamay ko. Gusto ko yung pakiramdam na hinahawakan niya ang kamay ko.

"Gising ka na." Sabi nito saka binitiwan ang kamay ko. "6am na. Baka hanapin ka ng kapatid mo." Shoot! Sina Ravince at Gelene ay nasa kabila lang! Oh God, oh God!

Nagmamadali akong tumayo. "Kaya mo na ba? Sasabihan ko na lang si Ravince na pumunta dito. Uhh Yung food, okay lang kung egg?" Tumingin ako sa oras at kung magmamabagal pa ako ay maaaring ma-late na ako sa first class ko.

"I'm fine, Miru. Magmadali ka na lang dahil baka ma-late ka."

"You sure?"

"Oo naman. Ilang taon din naman akong mag-isa lang."

"Aalis na ako. Uhm, mag-uuwi na lang ako ng pagkain mamayang gabi."

"Huwag----" Hindi ko na siya pinakinggan dahil nilayasan ko na siya kaagad. I won't take no as an answer. Siya nga laging pinipilit na kumain ako kaya dapat lang na gawin ko rin ang mga trip ko.

Pagpasok ko sa unit ay tulog pa rin si Ravince pero si Gelene ay gising na gising na. Makahulugan ang tingin na ibinibigay nito ngayon sa akin.

"Not now, Gelene." Sabi ko sa kanya saka ako dumiretso sa kwarto ko para kumuha ng damit.

"Wala naman akong sinabi." Ngumiti pa ito. "Pero hindi ka bumalik dito buong gabi."

"Huwag kang maingay. Mamaya, iba na naman ang isipin ni Ravince."

"Uuwi na ako mamaya. Pero ipagluluto ko muna ang kapatid mo saka yung lalaki mo sa kabila." Halatang nanunukso lang siya pero kahit ganoon ay nginingitian ko na lang din siya. At least may magluluto at hindi na ako mahahassle.

***

"Nood tayong sine mamaya." Umupo sa tabi ko si Jonathan at kinuha ang librong nakapatong sa desk ko.

"Hindi ako pwede."

"Bakit?"

"Si Gabe kasi nabalian ng buto."

"Anong kinalaman naman niya?"

"Inaalagaan ko siya."

"Pakshet? Seryoso?"

"Oo."

"Miru naman. Bakit mo ginagawa 'yun? Hindi naman kayo close. Ilang weeks mo pa lang ba siya kasama?"

"Mabait naman siya sa akin kaya---"

"Hindi mo siya responsibilidad." Natahimik ako dahil sa sinabing iyon ni Jonathan. Kaagad naman na lumapit pa ang dalawa naming kaibigan sa amin.

"Anong nangyayari? Bakit parang nagagalit ka kay Miru?" Umupo rin sa tabi ko si Kevin samantalang si Erol naman ay iniharap sa amin ang isa pang upuan na uupuan niya.

"Si Miru kasi... Pagsabihan niyo nga." Naiirita nitong sabi bago tuluyang tumayo at iniwan kaming tatlo.

"Ano bang nangyari? Bakit galit na galit 'yun?"

"Masama ba na inaalagaan ko si Gabe? Nabalian siya ng buto saka masakit ang paa niya. Alam ko kung gaano kasakit 'yun kasi diba nga naaksidente ako noon?"

"Miru, kasi si Gabe kailan mo lang nakilala." Huminga nang malalim si Kevin. "Hindi naman masama 'yun pero kasi babae ka pa rin tapos lalaki pa rin 'yun. Nag-aalala lang sa'yo si Jonathan."

"Baka naman nagseselos si Jonathan." Sabi ni Erol kaya binatukan ko siya.

"Siraulo. Kung anu-ano ang pinagsasabi mo dyan."

"Totoo naman, e. Yung titig na lang niya sa'yo tuwing hindi ka nakatingin."

"Erol. Tumigil ka na nga." Sita ni Kevin sa kanya at saka tinignan ng masama. "Hindi ka nakakatuwa."

"Edi hindi." Sabi naman nito bago siya umalis at sinundan na si Jonathan.

"Kevin, tingin mo mali? Kasi tingin ko hindi naman. Saka naging mabait naman sakin si Gabe at saka---"

"Kahit naman yata pigilan ka namin marami ka pa rin rason para alagaan siya, tama ba?" Nanahimik ako sa sinabi niyang iyon. Sumandal din siya sa upuan saka inayos ang isa pang librong nakapatong sa desk ko. "Hindi mo naman kailangan ng permiso namin sa gagawin mo. Kung gusto mong gawin, edi gawin mo lang. Pero nandito lang naman kasi kami para paalalahanan ka. Unless may isa nga sa grupo na may gusto na sa'yo."

"Ikaw ba? Gusto mo ba ako?" Tumawa ng malakas ang kumag kong katabi. Nakakainsulto siya.

"Miru naman, edi sana niligawan na kita."

"Yun na nga mismo. Ikaw lang naman ang tumuturing sakin na babae kadalasan sa inyo, e. Kaya malabong may gusto sakin yung isa sa dalawa. Sabay na tayong pumunta sa company mamaya. Para iwas ako kay Ms. Carol."

"Bakit ka nga ba niya pinatawag kahapon?"

"Dahil kay Gabe." Nagsalumbaba ako at siya naman ay nagfocus na sa akin. "Ex ni Gabe si Ms. Carol. Pinatawag ako ni Ms. Carol kasi alam ko kung saan nakatira si Gabe dahil ayaw sabihin ni Gabe sa kanya kung saan."

"Third party ka?"

"I'm not. Baliw ka ba?" Hindi na namin naituloy ang pinag-uusapan namin dahil dumating na ang prof namin. Sa byahe naman ay natulog lang siya, sa company naman masyado na kaming busy dahil ang daming pinapagawa ni Carol sa amin.

Pansin na pansin kong pinag-iinitin ako ni Carol pero wala naman akong magagawa. Nasa company kami. At kapag prinovoke ko pa siya sa labas, mas lalo lang niya akong pahihirapan.

"Kumusta si Gabriel?" nasa powder room kaming dalawa nang tanungin niya iyon sa akin. Nagreretouch pa siya ng makeup samantalang naghuhugas naman ako ng kamay.

"Gabriel? Gabe?" Tanong ko dahil hindi ko naman alam na Gabriel pala ang pangalan ni Gabe.

"Yeah. As in Engr. Gabriel Vaughn Rodriguez, hindi mo ba alam ang pangalan niya?" Tinaasan niya ako ng kilay na parang ang laking kasalanan na hindi ko inalam ang buong pangalan ni Gabriel Vaughn Rodriquez.

"Okay naman siya." Yun lang ang sinabi ko para mainis pa siya lalo sa akin. Sa totoo lang ay ayaw kong magsabi ng kahit anong detalye sa kanya. Bahala siyang mainis. Hindi ko naman kasalanan na kapitbahay ko ang ex niya. Basta bahala na lang siyang alamin kung kumusta ang ex niya. Hindi naman nila ako messenger.

"Okay naman siya? That's it? He didn't look for me? What about---"

"Ms. Carol, maayos po si Gabe. Masakit lang yung braso niya pati na rin yung ribs niya. Saka 'yung paa niya nasaktan din. Ngayon, nandoon po ang kapatid kong lalaki para alagaan siya. Pwede na po ba 'yung sagot ko?" after kong sabihin iyon ay kumuha na ako ng madaming tissue at pinunasan ang kamay ko para mas mabilis itong matuyo nang makaalis na ako ka agad.

"Miru, do you like him?"

"Si Gabe? Hindi ko alam." Iyon na lang ang huling sinabi ko sa kanya at saka lumabas na sa powder room. Totoong hindi ko alam kung gusto ko si Gabe. Masyadong mahirap intindihin ang salitang gusto kapag tao na ang pinag-uusapan. Ni hindi ko nga rin alam kung gusto ko siyang kaibigan.

Nasa labas ng company si Jonathan nang mag-out kami ni Kevin.

"Sinusundo mo na ba ako pare?" Nang-aasar na tanong ni Kevin kay Jonathan. "Hindi mo naman ako sinabihan edi sana nakapag-ayos ako."

"Tumahimik ka nga. Miru." Tinignan ko lang siya dahil hindi ko alam kung paano ko siya kauusapin ngayon. Hindi ko naman kasi alam kung ano ba talaga ang ikinagalit niya sa akin kanina. "I'm sorry. Hindi ko alam kung bakit ako nainis kanina."

"Ayos lang 'yun. As long as hindi ka na galit sa akin." Bago kami sumakay sa jeep ay binasa ko na muna ang text sa akin ni Ravince. Huwag na raw ako bumili ng pagkain dahil nakabili na siya. Lumabas na lang daw ako kasama ng mga kaibigan ko. "Jonathan, nagsabi ka ba sa kapatid ko na aalis tayo?" Naalala ko kasing nagyaya siyang manood kanina. Kadalasan ay sinasabi nila kay Ravince tuwing nirereject ko sila sa mga plano nilang lumabas.

"Oo. Ang sabi niya okay lang na lumabas-labas ka." Tumingin ako kay Kevin pero nagkibit-balikat lang ito.

"Dito na ako mga brad. Ikaw na maghatid kay Miru ngayon." Hinawakan ko ang kamay ni Kevin para pigilan siya pero tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya saka ito umiling. "Mag-usap kayo." Bulong pa nito sa akin. "Boss! Para!"

Tahimik lang kami ni Jonathan at kung minsan naman ay nagpapalitan lang ng ngiti. Awkward kasi talaga ngayon at hindi ko malaman kung bakit. Usually, awkward talaga akong kasama si Jonathan. Maingay lang naman siya at lagi akong inaasar tuwing kasama namin 'yung dalawa pa.

Sa Cress University kami bumaba. Alas siete pa lang naman ng gabi kaya marami pang estudyanteng nagkalat ngayon.

"Kumain muna tayo." Isang statement kaya wala akong choice kung hindi umuo na lang.

Siya ang nagbayad ng lahat ng inorder namin ngayon which is unusual din dahil wala naman nanlilibre sa aming apat. Ang pera namin ay sa amin lang. Walang garapalan.

Tahimik lang din kaming kumaing dalawa. Minsan nagkakatitigan kaya umiinom na lang ako ng tubig para lang mabreak ang eye contact. Nang matapos kaming kumain ay naglabas na ako ng wallet. Hindi ko talaga maimagine na nililibre niya ako. May pera naman ako saka pareho pa naman kaming estudyante kaya hindi dapat na nililibre niya ako. Pera pa 'yun ng mga magulang niya. Buti sana kung kanya.

"Huwag mong sabihing magbabayad ka sa akin? Keep that."

"Pero Jonathan..."

"I said keep it. Masyado ba talagang awkward tuwing tayo lang ang magkasama?" Tumingin ako sa paligid para siguraduhing walang nakatingin sa amin. May ibang napatingin dahil medyo napalakas ang boses niya pero hindi naman ito marami.

"Ang weird lang kasi. Okay naman tayo kapag kasama natin 'yung iba pero kasi nag-iiba ka tuwing tayo lang ang magkasama. Hindi ba weird?"

"Natatakot ka ba sa'kin?" Umiling ako bilang sagot. "Kung ganun, okay lang sa'yo na ihatid kita?" Muli akong tumingin sa mga mata niya. This time ay ngumiti na siya. Yung ngiting lagi niyang ipinapakita tuwing kasama namin ang iba.

"Okay."

Tahimik kaming naglalakad patungo sa apartment ko. Marami pa rin namang naglalakad-lakad ngayon katulad namin. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ang bagal namin ngayon kahit usually naman ay sobrang bilis nila maglakad at kadalasan akong iniiwan.

"Miru..." Huminto siya sa paglalakad kaya maski ako ay huminto rin.

"Bakit?" Nakatingin na siya sa akin nang tumingin ako sa kanya.

"Pwede ba kitang ihatid gabi-gabi?"

"Bakit naman? Kaya ko naman umuwi mag-isa. Maliban na lang kung tawiran ang pinag-uusapan." Pinilit kong magpakawala ng tawa pero halatang pilit ito kaya agad din akong tumigil. Napakamot na lang tuloy siya ng ulo dahil na rin siguro sa awkwardness sa pagitan namin ngayon.

Humakbang pa ito palapit sa akin. "Kasi gusto ko lang. Gusto kong makita kang nakauwi ng maayos."

"Ah." Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Yung tipong gusto kong magsalita pero wala naman akong masabi. Para akong may mental block.

"Is that a yes?" Nakatingin lang ako sa kanya at blanko pa rin ang utak ko. Confused dahil na rin sa biglang pag-iiba ng ugali niya. "No?" Umiling ako. "So, yes?" Tanong pa ulit nito pero muli rin akong umiling. "Naguguluhan ka ba?" Parang nahihiya ngunit nananatiling nakangiti niyang tanong bigla. "Hindi ka sumagot. Naguguluhan ka nga?" Tumango ako. Nag-uumpisa na ring bumilis ang tibok ng puso ko. Sht!

Tumingin ako sa ibaba at saka ko inayos ang buhok ko. At laking gulat ko na lang nang biglang hawakan ni Jonathan ang kanang kamay ko. Malamig ang kamay niya pero mas nakatuon ang isip ko ngayon sa pinagpapawisan kong kamay.

"Miru," Muli ay inangat ko ang tingin ko para titigan siya sa mga mata niya. Napansin ko rin na ilang beses bumuka ang bibig niya para magsalita pero hindi naman niya itinutuloy. "Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa 'to."

"Ang alin?" Huminga ito nang malalim bago tuluyang ituloy ang sinasabi niya. "I like you, Miru. Noong una ayos lang naman sa akin na kaibigan lang kita kasi lagi kitang nakakasama. Ayos lang sa akin tuwing inaakbayan ka nina Erol at Kevin kasi kaibigan mo rin sila. Pero tuwing gusto kong sabihin na gusto kita, natotorpe ako at natatahimik lang kapag tayo lang ang magkasama. " Literal na hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi niya. Hindi ko rin inaasahan sa sarili ko na babawiin ko ang kamay kong hawak niya. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nito pero tila ayaw niyang ipakita sa akin 'yun dahil agad din na bumalik ang kalmado niyang ekspresyon.

"Hindi naman kita pipiliting sumagot ngayon."

"Hindi ko naman talaga alam kung ano ang irereact ko sa sinabi mo." Naiilang na ako ngayon matapos kong marinig ang lahat ng iyon. Hindi ko alam kung paano niya ako nagustuhan. Wala namang kagusto-gusto sa akin. "Kasi sa totoo lang, hindi naman ako attractive kaya hindi ko alam kung bakit mo ako..." Hindi ko masabi ang salitang gusto. Pakiramdam ko talaga ang kapal-kapal ng mukha ko. Isang Jonathan Ventura 'yan! Gustong-gusto nila sa klase pati na rin sa ibang course.

"Look, I'm sorry kung nabigla ka. Ang tagal ko na kasing gustong sabihin sa'yo na gusto kita. Pero nakampante ako kasi nga wala namang lumalapit sa'yo dahil na rin siguro kami ang lagi mong kasama." Tama naman siya. Kung may lalapit man, ituturing lang din nila akong isa sa barkada nila. "Kaya lang kanina, kung kailan naglalakas loob akong yayain ka bigla mong sasabihing busy ka dahil may inaalagaan kang iba." Muli akong yumuko. Hindi ako naiiyak. Hindi rin naman ako nahihiya. Naiilang ako dahil kaibigan ko siya. Pero may magkaibigan bang awkward tuwing naiiwan silang dalawa? "Noong una akala ko wala lang 'yun. Pero Miru---"

"Jonathan," Sinadya kong hindi siya patapusin sa pagsasalita. "Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga sinasabi mo. Kung ano ang sasabihin ko. Bago kasi lahat sa akin 'to, e." Hinawakan ko ang dibdib ko para maramdaman ko ang puso kong mabilis pa yata sa kabayo kung tumibok ngayon. "Kinakabahan kasi ako."

"Is that a good sign?" Nag-aalinlangan niyang tanong.

"Not sure. Kasi kung good sign nga 'to para sa'yo, bad sign ba sa akin na dalawa kayong nagpapakaba sa'kin? Jonathan, hindi ko kasi talaga alam kung bakit ako kinakabahan. Hindi ko rin naman sinasabi 'to kasi may iba akong gusto. Hindi ko alam kung may gusto ako. Kailan lang kasi nakita ko yung taong minahal ko ng ilang taon tapos nitong nakaraan ang daming weird na nangyayari. Kaya sana maintindihan mo kung magmula bukas, hindi ko na alam kung paano ka kausapin. Hindi ko alam kung iiwasan ba kita, hindi ko alam kung magpi-pretend ba akong hindi ko narinig ang mga sinabi mo. Kaya Jonathan, I'm sorry."

*************************************************************************************************


A/N: YO! baka kasi Matagalan na ako mag-update. baka once a week na lang talaga kasi busy na ako. Ginagabi kasi ako tuwing galing sa work. Vote and Comment! :)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: