CHAPTER 12
"Miru."
"Gelene, bakit ka nandito? Gabi na." Kalalabas ko lang sa unit ni Gabe nang datnan ko si Gelene sa harap ng unit ko. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala, siguro nag-aalalang walang dadatnan.
"Akala ko wala ka. Nakapatay kasi 'yung ilaw." See? I'm always right. "Anong ginagawa mo sa kabila?"
Binuksan ko ang pinto sa unit ko at pinapasok ko siya. Nang umupo siya sa sofa ay kumuha na muna ako ng maiinom niya. Alam ko naman na nag-effort na naman siyang pumunta rito.
"May problema ka ba? May nangyari ba?" Kahit papaano naman ay nag-aaalala ako sa sa kanya. Maaring umiiwas nga ako pero kaibigan ko pa rin siya. I miss her so much. At hindi naman ito pupunta dito kung wala talaga siyang pakay.
"Miru." Umupo ako sa kabilang dulo. "Alam ko naman kung bakit ka umiiwas pero mas pinili kong manahimik at hindi pa rin ipaalam sa'yo noon. Alam kong mali, alam kong makasarili ako pero kasi mahal ko na siya noon" Hindi na ako nagtaka nang tumulo ang luha sa mata niya. "Miru, mahal ko si Derek pero hindi ko masabi sa'yo kasi natatakot ako." Matagal kaming nilamon ng katahimikan bago ko tuluyang binasag ito.
"Naging makasarili rin naman ako at hindi ko inintindi yung nararamdaman niyo. Sinabi ko kay Derek na huwag ka niyang ligawan."
"Hindi ko alam kung paano nangyari. Basta nagkaaminan lang kami bigla. Miru, hindi naman namin sinasadya." Halos humagulgol na siya ngayon pero sa totoo lang ay labas naman na talaga ako sa relasyon nila. Kung masaya sila ay dapat maging masaya na lang ako para sa kanila dahil sa totoo lang ay wala naman akong karapatan para magalit.
"Gelene, hindi ko alam kung mahal ko pa siya o iniisip ko na lang na mahal ko siya. Magkaiba 'yon at naguguluhan pa rin ako." Tumingin sa akin si Gelene. "Ang totoo niyan, umiwas ako kasi pagod na akong maikumpara sa'yo. I'm sorry." Ilang beses akong lumunok ng sarili kong laway. "Pakiramdam ko kasi hindi ako magiging si Miru kung lagi kitang kasama. Nai-insecure ako kasi sobrang talino mo tapos maganda ka pa plus talented pa. Ako wala lang, best friend mo lang na laging nasa likod mo. Kahit nga ngayon, ganun pa rin. Naikumpara pa rin ako sa mga naging kaibigan kong babae sa Cress U. Kung hindi naman, lagi akong ginagamit. Para bang wala lang ako sa kanila." Nilaro ko ang mga daliri ko dahil ngayon ko lang nasabi ang mga bagay na ito sa kanya. Siguro kasalanan ko rin kung bakit ako ganito. Kasi wala akong confidence sa sarili.
"Miru, no. Bakit mo ba iniisip 'yan? You know what? I hate the fact that my best friend goes to a different school and she doesn't have a lot of people to hang out with and it makes me want to drop kick everybody there for not realizing that she is better than all of them. Miru, you're cool, great, good-looking, gorgeous, smart and..."
"Gelene, sa totoo lang ayaw pa talaga kitang makita pero nakakainis ka. Now, you're even thinking about drop kicking everybody." Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit. "I'm sorry kung ang childish ko. I'm sorry kung minahal ko si Derek. I'm sorry dahil ang immature ko sobra."
"I'm sorry din. I'm sorry Miru. Hindi ko alam na umabot na sa ganito. Lagi lang akong nag-aassume na okay ka kasi alam kong malakas ka. I'm sorry." Niyakap ko siya hanggang sa kumalma siya. Niyakap ko siya hanggang sa maramdaman kong wala na ang mabigat kong nararamdaman. Niyakap ko siya kasi sobrang namimiss ko na siya.
"ehem." Naghiwalay lang kami ni Gelene dahil sa tumikhim. Si Ravince at nasa likuran nito si Gabe. "Gelene, nandito ka pala. Ayos na kayo ng ate ko? Gusto mo bang kumain?" Alok nito na para bang wala lang sa kanya kung nagkatampuhan kami ni Gelene ng ilang pesteng taon!
"Bakit pati ikaw Gabe ay nandito? Hindi ba dapat nagpapahinga ka?" Tumayo ako at lumapit ako sa kanya. "Tapos ka na bang kumain? Hindi ba binaliktad ni Ravince ang apartment mo?"
"Hindi naman. Tinulungan naman niya ako kahit papaano."
"So, bakit kayo nandito?" Muling tumikhim si Ravince and this time hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yun.
"Too close. Pwede naman kayong mag-usap ng naririnig namin. Para kayong magsyota sa ginagawa niyo." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya kaya agad akong umatras at tinignan si Gelene. Maski siya ay clueless. Ganito naman ako lagi pati sa mga kaibigan ko.
"Don't mind my brother." Ngumiti lang si Gabe na napaka-unusual sa Gabe na nakilala ko. Sinundan ko ang kapatid ko sa may TV dahil parang biglang nanghina ako na bumilis ang tibok ng puso ko.
"Heto 'yung sinasabi ko sayong laro, Gabe." Tumayo ito at lumapit kay Gabe. "Maganda 'to." Pero akin naman ang mga balang ipinapakita ni Ravince. Makapagmayabang akala naman niya kanya.
Lumapit sa akin si Gelene at bigla akong niyakap sa likuran ko. "Boyfriend mo?" May panunukso ang tono ng boses nito. "He's hot but it doesn't mean na I'm drooling over him, okay?"
"Kaibigan ko siya, si Engineer Gabe. Inaalala ko kung nakainom na ba siya ng gamot niya. Masakit kayang mabalian ng buto. Nga pala, hindi ka pa ba uuwi? Gabing-gabi na." Umiling siya saka ipinakita ang bag niya.
"Pinapaalis mo na ba ako? Nagdala pa naman ako ng damit. Matutulog ako dito." Nakangiti pa nitong pahayag sa akin.
"Seryoso? Paano kung hindi pala kita kinausap kanina?"
"Edi, magka-camp ako sa tapat ng unit mo hanggang sa kausapin mo ulit ako. So, manliligaw mo ba siya?" Sinundan niya ako sa kwarto ko at saka nahiga. "Kapitbahay mo siya? Doon ka nanggaling kanina? Mabait ba siya?" Mukhang excited ito sa lahat ng tanong niya. "You look good together." Naglabas ako ng kumot at unan na gagamitin ni Ravince mamaya.
"Gelene, Gabe and I aren't a thing. You see, hindi ko nga alam ang full name niya. Alam ko narinig ko na ang surname pero hindi ko matandaan."
"Ilang taon na siya?" tanong pa nito pero nagkibit balikat lang ako. "You don't know? What about his favorite food? Music?"
"Kinakain naman niya lahat."
"Oh come on, Miru! Dapat alamin mo. I can see that you like him."
"Yuck! Gelene, nakakadiri ka. Hindi nga kasi. Kaibigan ko lang siya. 'yun lang."
"Yun lang? Pero grabe ka mag-alala. Baka naman hindi mo lang alam na gusto mo na siya?"
"Mas gusto ko pa rin si Derek."
"Miru!"
"What?"
"But he's my boyfriend."
"Ouch. Ngayon naman sinasaktan mo na ako. Ipinagmamalaki mo ba sa aking si Derek ang boyfriend mo?" Nagpout pa ako pero seriously, pakiramdam ko talaga ang iniisip ko na lang na mahal ko siya kahit hindi naman na pala talaga. I don't know baka nga gusto ko pa pero maaring hindi na rin.
"Miru naman, e." Ngumiti ako dahil namiss ko talaga siyang asarin. "Naiiyak ako kasi hindi ko alam kung totoo 'yang sinasabi mo."
"Baliw ka na talaga. Natural totoo!"
"Miru!"
"Kahit naman mahal ko pa siya wala naman akong magagawa. Just be happy, okay?"
***
Lumabas ako sa kwarto nang tulog na si Gelene. Masyado siyang clingy ngayon. Ganun naman siya lagi tuwing nagkakabati kami. Tulog na rin sa sofa si Ravince nang datnan ko sila doon. Si Gabe naman ay nanonood pa ng TV.
"Hindi ba dapat natutulog ka na?" Mahina lang ang pagkakatanong ko nito para hindi magising si Ravince.
"Uhm. Pero hindi ako makatayo. Masakit, e."
"O.A ka na yata, e." Nagdududa ako kasi kanina naman ay nakakapaglakad siya nang maayos at saka nakayanan naman niyang mag-isa. Baka hindi naman masyadong masakit katulad nung akin noon?
"Hindi talaga ako makatayo. Masakit kasi. Saka maski naman ang paa ko nasaktan talaga." Aish. Oo na sige na. Lumapit ako sa kanya saka ko siya inalalayang tumayo. "Hindi ko naman magising ang kapatid mo. Pagod yata."
"Bakit kasi nagpunta ka pa rito. 'Yan tuloy." Nagkatitigan kaming dalawa. Para akong nalulunod sa mga mata niya. Ngayon lang ako nakakita ng katulad ng kanya. Ang ganda, ang intense..ewan. It feels like I suddenly want to know how he sees the world.
"I like your eyes." Bulong nito nang maitayo ko na siya. "Ang laki ng mga mata mo. Maganda." Napalunok ako bigla dahil sa sinabi niya. Yung feeling na parang gusto ko siyang layuan pero hindi ko magawa. Yung feeling na gusto kong umiwas ng tingin pero gusto ko pa siyang titigan. I don't know but, I want to know his feelings, his story and what he likes. I want to know the details, the body marks, the habits, the quirks. I want to know everything about him and I don't even know why I suddenly want to know things about him.
"Miru, are you blushing?" He whispered. I like it when he whispers. Dang it! What am I thinking?
"No." I bit my lower lip. Alam kong namumula ako dahil umiinit ang mukha ko pero hindi ko naman kayang i-admit na namumula talaga ako.
"Are you sick?" Pinakiramdaman niya ang noo ko na dahilan kaya nabreak ang eye contact naming dalawa.
"Wala akong sakit." Ipinatong niya ang kaliwanag kamay niya sa balikat ko bilang support habang naglalakad siya. Hindi talaga dapat siya nagkikikilos para mas mabilis na gumaling ang kanyang fracture sa ribs. Ang pasaway kasi.
Tinulungan ko siyang mafreshen up kahit papaano bago ko siya inihiga sa kama niya. Nagpainit rin ako ng tubig para sa hot compress niya.
"Diba dapat nag-aaral ka ngayon?"
"Diba dapat nagpapahinga ka na?"
"Ako na lang maghahawak niyan." Tukoy niya sa hot compress.
"Baka kasi makatulog ka. 20 minutes lang kasi dapat 'to." Ipinikit niya ang mga mata niya saka nagpasalamat. Dapat lang siyang magpahinga, he deserves it dahil mukha siyang pagod lagi nitong nakaraang mga araw.
"Naiinis ako kaninang nakita ko si Carol." Mahina ang pagkakasabi nito. "I don't like her here pero gusto kong magpasalamat sa kanya kasi nagpunta ka kanina." Ngayon lang ako natuwang nakapikit siya dahil hindi ko kailangang itago ang mga ngiti ko. "Maybe..." May sinasabi pa ito pero sobrang hina na para marinig ko. Hindi ko na rin siya tinanong dahil tingin ko ay nakatulog na siya. Rest well, engineer.
***
A/N: Good night! Rest well, peeps!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro