14. Short Comfort
BUMABA ng taxi si Klarens after ending the call to his savior last time. Perfect timing sana para ipagmalaki niya ito kay ate Lee niya. May truck siyang natanaw sa tapat ng dorm ng kaibigan. May mga lalaki nang naghahakot ng mga gamit. Siguro wala namang ibang maglilipat ngayong araw bukod kay ate Lee niya.
"Ahm, excuse me kuya. Kaninong mga gamit 'to?" Pagkalabit niya sa driver na nasa loob ng truck. "Kay Ms. Riad ho. Bakit?" The driver answered.
"Ah, kaibigan niya po ako. Sige ho." Iniwan ni Klarens ang truck saka pumasok ng gate pero hinarang naman siya ng may-aring lalaki na nakaupo sa labas ng bahay nito at pinapanuod ang dalawang lalaking nagbabalik-balik sa paghahakot ng gamit ng tenant nito.
"Bawal diyan sa dorm ang lalaki, totoy. Sino bang pupuntahan mo dyan?" Tawag nito sa kaniya at nakaturo pa sa kaniya ang hawak nitong stick.
"Ahm.. Kaibigan po ako ni Riad. Tutulong po sana ako." Magalang na sagot niya habang lumalapit sa kinauupuan ng lalaki.
"Ganun ba? Hintayin mo na lang siya dito. Bababa na din yun. Tsaka tingin ko wala ka nang maitutulong dun. Kaya na yan ng dalawang baggage boy." Nakinuod na lang si Klarens sa paghahakot ng mga gamit.
Maya-maya ay nakita niya nang lumabas ang hinihintay. She is talking to her phone while carrying a handbag on her shoulder.
"Ate Lee!" Napatingin naman sa kaniya agad ang babae at lumapit. "Kanina ka pa? Pasensya na. Dad hired these men to get my things moved." Umiling lang si Klarens.
"Okay lang. Kakarating ko lang din. Nahihiya nga ako hindi din ako nakatulong." Sa matandang lalaki na bumaling si Gayle para magpaalam.
"Ahm, thank you po. You've been good to me kahit.. hindi po ako nakikisama minsan sa celebrations niyo ng ibang tenants. Pasensya na po." Gayle apologized. She looks somewhat bothered on how Klarens sees her.
"Ano ka ba, iha. Wala yun. Iba-iba naman tayo ng hilig. Salamat din. Ingat na lang sa pagbyahe niyo. Tsaka good luck."
"Sige po. Thank you po ulit." Muling pagpapaalam na ni Gayle at inaya na si Klarens palabas nang mahakot na ang huli niyang gamit sa loob. Pati ang bike niya ay nasa truck na para ibyahe sa bago niyang bahay.
"Kuya, nasa bahay yung secretary ng dad ko. Siya na lang ang maga-assist sa inyo dun." Bilin niya sa mga lalaki.
"Sige ma'am. Kami na ho ang bahala. May address naman na po kami. Alis na po kami." Pumasok na ang isang lalaki sa loob ng sasakyan. Ang isa ay tumayo sa likuran ng truck para alalayan ang mga gamit niya.
"May iba ka bang lakad ngayon ate Lee?" Klarens now asks seeing her somewhat problematic. "Oo eh. Pasensya na. May emergency sa bahay."
"Sasamahan na lang kita. Wala naman akong ibang lakad ngayon. Plano ko lang talaga na makipagkita sayo." He volunteered. Gayle didn't argue at tumawag na agad ng taxi. Klarens hurriedly went in to the other side para hindi maiwan.
"RANT!" Tawag agad sa kaniya ng tiyuhin nang makita agad siyang dumating. Rant is embarrassed enough for his uncle yet he even added one to his illegal acts. Walang ganang lumapit siya sa kinauupuan nito katapat ng isang ginang na nagpapaliwanag sa isa pang officer.
"Ano na naman ba ito, tsong? Kakagaling niyo lang dito nung nakaraan dahil hindi kayo nagbayad ng alak sa tindahan ni Aling Gloria ah. Ngayon nandito na naman kayo." Nakita niyang napailing na lang yung pulis na naghahandle sa reklamo sa tiyuhin niya. Siya na ang nahihiya para sa kamag-anak dahil sa dalas nitong makaharap ang mga pulis.
"Pasensya na, Rant. Wala na akong magagawa dito. Nahuli siya sa akto na nanloloob ng bahay ng mga Riad. Nakita siya mismo ng may-bahay. Baka this time makulong na talaga itong tito mo." The police officer informed him. Napataas naman ang isang kilay ni Rant dahil sa nabanggit na apelyido.
"P-Po? Sigurado po ba kayo? Baka naman--"
"I am sure it's him, young man. Ang lakas ng loob niyang kamaganak mo na akyatin ang bahay ko nang umaga." Sumulpot ang isang sopistikadang ginang at pinagbintangan ang tuyuhin niya.
"M-Ma'am sigurado po ba kayo?" Pagkokonpirma pa ni Rant. Kapag nadiin ang tiyuhin niya baka makulong na ito nang tuluyan.
"My eyesight is fine. I was alone at home and he almost stab me with my own kitchen knife. Kung hindi ko nahablot ang vase I must be dead by now! I want to file robbery and attempted murder for that thug, officer!" Mukhang desidido ang babae sa pagsampa ng kaso.
"Ma'am, baka po pwede nating pagusapan to. Kasi-" Rant tried to negotiate pero natigilan siya nang may dumating para sa ginang.
"Mom, are you alright?" Pinagmasdan niya ang paglapit ng nagaalalang babae sa ginang na tinawag nitong mom. "I'm fine. Just a little bit shocked but I'm fine." Niyakap ng ina ang dumating na anak. Nang maghiwalay ang dalawang babae ay napatingin din ito sa kaniya.
Not this time. Napaiwas ng tingin si Rant dahil sa hiya. No one at school knows his background at hindi niya ipinagmamalaki na siraulo ang tiyuhin niya getting involved with crimes. He sighs. Halo-halong hiya at galit ang nararamdaman niya para sa kamaganak. He owe him a lot but he could never tolerate his wrong doings.
"Nagaaral ka ba, iho?" Napabalik ng tingin si Rant sa pagtatanong ng ginang pero pinilit niyang iiwas ang mga mata sa babaeng katabi nito.
"O-opo." Naiilang niyang sagot na may kahalong pagtango. "Are you living with this man?" Dugtong pa ng mommy ni Gayle.
"H-Hindi po. Bumibisita lang po ako tuwing weekend. Sa iba po ako nakikitira malapit sa pinapasukan ko." Rant said honestly. Nakayuko na lang siya. He couldn't have the guts to look them in the eyes.
"You shouldn't be living like him kung ayaw mong mabulok din sa kulungan. Just seeing how this man lives, siguradong wala kayong pambayad ng pangpiyansa. Just leave him and study well. Dapat lang na pinaparusahan ang mga ganitong klase ng tao." Rant glanced to his uncle. Nakakuyom ang nakaposas na mga kamay nito. Namumula ang mga mata at amoy alak pa. He shut his eyes in shame. Nanliliit siya sa mga kaharap.
Pero kahit masama ang loob niya sa tiyuhin dahil sa mga pangbubugbog nito sa kaniya, hindi niya naman kayang tiisin itong makitang nakakulong. Kahit pa sumasangayon siya sa mga sinabi ng ginang.
Gayle silently watches the annoying guy infront of them. She doesn't like seeing him in this kind of situation. Not being involved on her parents' home robbery attempt. Hanggang sa pati siya ay nagulat nang lumuhod sa harapan nila ang lalaki.
"Alam ko pong mali si tsong sa ginawa niya. Pero sana po ma'am iconsider niyo pa po nang isa pa ang pagsasampa ng kaso sa kaniya. May pinagdadaanan lang po--" Pinutol ulit ng ginang ang sinserong paghihingi niya ng pakiusap dito.
"Kung lahat ng may pinagdadaanan ay pinapatawad kapag gumawa ng krimen, ano na lang sa tingin mo ang mangyayari sa lipunan natin? Nasabi ng mga pulis sakin na walang pamilyang binubuhay yang tiyuhin mo. So mas maigi nang nasa kulungan siya kesa naman gumagawa ng kung ano-anong labag sa batas. I'm not being hypocrite here. Ang gusto ko lang magtino yang taong yan." Wala nang nasabi pa si Rant. He can't argue to the fact that he himself believes that's the right thing to do, ang maparusahan ang tiyuhin. Maybe this time, kailangan na talagang magtanda ng tiyuhin niya at magbagong-buhay.
"Sige na officer. Ikulong niyo na ho yan. I can't believe I almost die today." Nagpaypay pa sa sarili ang ginang.
Rant looks to his uncle getting taken to the cell. Napatingin din ito sa kaniya pero walang sinabi hanggang sa mawala na ito sa harapan nila.
"Kung ganun po ma'am, humihingi na lang po ako ng tawad sa nagawa ni tsong sa inyo. Pasensya na po. Patawarin niyo po sana siya." Rant remains kneeling to apologize. Iyon na lang ang magagawa niya.
"You're one loyal nephew. Pwede ka nang tumayo." Somehow, hanga si Gayle sa pagiging mapagkumbaba ng lalaki kahit na hindi naman ito mismo ang may sala.
"Siya po kasi ang nagpalaki sa'kin nung naulila ako. Kaya malaki din po ang utang na loob ko sa kaniya. Pasensya na po ulit." Pagpapaliwanag ni Rant nang makatayo at muling nagsalubong ang paningin nila ng babaeng tahimik lang sa tabi ng ginang. He just exposed himself to the girl. Tsk.
A moment after, dumating din ang daddy ni Gayle nang papaalis na din sana sila ng mommy niya.
"What happened? Manang called me that our house was robbed. How the hell--" Lumaki ang mata ni Rant sa pagkabigla nang sampalin ng mommy ni Gayle ang dumating na asawa nito. Rant worriedly look to the girl na umiwas ng tingin sa eksena ng magulang. Bilang anak, siguradong nagulat din ito.
"What the hell was that for?" Bulyaw ng daddy ni Gayle to her mom.
"What was that for? If you just went home last night.. if only you're at home! Hindi sana mangyayari ito. I almost die because my husband spent bigger time outside playing with whoever girls!" Gayle looks around to people watching them. She bit her lips in nervous. She wants to disappear. They shouldn't be arguing in this public place.
"Pwede ba! Bigyan mo naman ng kahihiyan ang anak mo! Dito ka pa talaga gagawa ng eksena? For petes sake! I'm not having an affair! Kahit sumumpa pa ako sa lahat ng judge kahit sa panginoon pa!" Gayle felt an elephant on her chest. The elephant keeps stomping to her heart. Mabigat.
"Sabihin mo, if Gayle is our real child, magkakaganito kaya tayo? Makakaisip ka kayang tumingin sa iba kung naibigay ko yung pangarap mong sariling anak? Uuwi ka kaya lagi kung ganun?" Lumuluhang panunumbat ng mommy ni Gayle. Gayle shut her eyes. Rant keeps his eyes to the rude girl and not to her parents arguing. He's also confused sa mga sinabi ng mommy nito tungkol sa kaniya.
"What the hell are you saying? Is this what this arguments had been all about? Anak ko si Gayle, natin! So stop this nonesense! You're just embarassing her!" Gayle couldn't keep it cool anymore. She's hearing the fact that pains her. She walks out of the presinct.
Natatarantang napatanaw lang sa babae si Rant. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin. This.. this isn't what he expected to know about that woman.
"Ate Lee--" Napatayo agad si Klarens na naghihintay sa labas nang makitang lumabas si Gayle. Dire-diretso lang ito at hindi siya tiningnan. He also heard her parents' argument inside. She must be really hurt. Its been a long time issue to their family. Even his parents felt bad for Gayle dahil sa tension ng mga magulang nito. Susundan niya sana ito pero napatigil siya sa taong sunod na lumabas.
"K-Kuya Rant? Anong.. ginagawa mo dito?" Nagtatakang napatingin ulit sa loob si Klarens sa di inaasahang paglabas mula doon ni Rant.
"Klarens? S-Saka na tayo magusap. Nagmamadali ako eh." Nagmamadaling iniwan siya nito at parang may hinahanap pa.
"Gayle!" Then Gayle's parents went out after. "Klarens? You're here too?" Bati ng ninang niya nang mapansin siya sa labas. "Kasama ko po si ate Lee na pumunta dito."
"Ganun ba? Where did she go?" Hinanap nila ng tingin si Gayle. Her dad checks if she's in the car. Nang hindi makita doon ang anak ay galit na binalingan nito ang asawa na nagaalala din.
"Bakit kasi kailangan mo pang ungkatin yun! You shouldn't have mentioned about that adoption! Are you dumb?" Gayle's dad cussed under his breath and her mom just felt apologetic. Hindi niya intensyong saktan ang anak. She's just too shocked and afraid that she admit she spouts nonesense back there.
Sumakay na sila ng kotse looking around hanggang sa nagpasya silang umuwi hoping she's at home already.
Napatanaw na lang si Rant sa kotseng dumaan sa gilid niya. Naglalakad-lakad siya trying to find the woman. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang hanapin iyon but he felt bad for her. Lumiko siya sa gilid ng kalsada. Susuko na sana siya at iiisang tabi na lang ang concern para sa babae nang may natanaw siyang playground sa di kalayuan. Tumingin muna siya sa kaliwa't kanan saka tumawid at mabilis ang lakad na tinungo ang lugar.
There are children playing out there with parents but no image of that woman. Still, he tried walking around the playground. Wala ito sa swing. Wala sa benches. Wala sa seesaw. Nang pakiramdam niya ay nagsasayang na lang siya ng oras doon ay tumalikod na siya. Only to notice the askal sitting facing at the back of a car parked on a parking lot of a hotel at the other side of the road.
Ngayon niya lang naalala na naisama niya nga pala ang aso sa pagmamadaling mapuntahan ang tiyuhin. Umalis siya ng playground at tinungo ang kinaroroonan ng askal. Hahayaan niya na lang ang babae. Tutal hindi naman siya dapat makialam dito. They are just mere strangers.
"Askal!" Tawag niya habang papatawid pero hindi siya nilingon. Binging askal. Hindi siya narinig. Nagmadali siyang malapitan ito para pagalitan. But as he gets closer, he halt on his step seeing a part of a fabric close to the askal. In curiousity, he gets closer quietly and slowly peeking at whoever it is.
Ngayon ay natigilan siya nang makita ang babaeng hinahanap sa likod ng nakaparkeng sasakyan. Her face buried in her knees while the askal is just there by her side watching her silently sobs. Rant looks away and turns his back. This is where he should just let a woman cry until she gets tired.
Damn, hindi niya alam na marunong palang umiyak ang masungit na babae. Pasimpleng nilingon niya ito ulit not trying to bother her self-pitying. Napabuntong-hininga na lang siya at umupo din sa pavement distancing himself a bit from her and the askal. Ni hindi man lang siya pinapansin ng aso at nakafocus lang sa babae as if dinadamayan niya ito.
Ilang sandali siyang naupo doon not speaking a word. He's trying to keep his presence unnoticed. Ayaw niyang abalahin ito. Pinapanuod niya lang ang nakayukong babae. Mas nagtataka pa siya kung bakit narito ang askal. Its as if guarding her.
Maya-maya ay nakita niyang nag-angat na ng ulo ang babae. Her eyes a bit swollen but she still have her emotionless expressions. She stretches her one hand to pet the askal. Nagulat pa siya nang hindi man lang umiwas ang aso niya. Did he saw it right? Ang mailap na aso just lets the woman touches him!
Then her eyes caught him. Pareho silang natigilan nang mapatitig sa isa't isa. Awkward na napatayo siya trying not to scare her.
"Ahm.. I, I'm just--" He's scratching his nape trying to think of excuse but the woman stood right away after seeng him. "S-Sandali!" Hinabol niya agad ito nang dumaan sa kabilang side ng kotse ang babae para umalis. Gayle was halt by a grip on her wrist. Inis niyang tiningnan ang kamay ng lalaki saka ito tinapunan ng tingin.
"H-Hinahanap ko lang yung aso ko. I didn't.. intend to see you." Gayle tried pulling her hand. Sa tuwing susulpot ang lalaki, lagi na lang siya nitong hinihila sa kamay!
"M-May.. luha ka pa." Itinuro pa ni Rant ang gilid ng mata ng babae at inilagay niya sa kamay nito ang panyong dala niya. "Punasan mo." He said despite her glares.
Nang bitawan ng lalaki ang kamay ni Gayle ay saglit niya pang tinitigan ito nang masama. To make sure na hindi siya nito sundan, pabagsak na inilapag ni Gayle ang panyong binigay nito sa ibabaw ng kotse at sinipa niya pa ito. The car went noisy.
"Mind your own business." Gayle left. Napanganga naman si Rant sa ginawa nito. Hindi niya alam kung paano patatahimikin ang kotseng nag-iingay. The girl was gone already at iniwanan pa siya ng problema. Maya-maya pa ay lumabas ang guwardiya ng hotel at nakita siyang malapit sa kotse.
"Hoy!" Mabilis na nilapitan siya nito. He's about to get accussed of what he hasn't done! Just what the hell did he deserved this?
"That girl is.. ugh! Wala po akong ginagawa boss! Yung girlfriend ko po kasi nagaway kami tapos sisipain niya sana ako kaso dito sa kotse tumama. Pasensya na po talaga! Hindi po ako masamang tao." Pagdepensa niya agad sa sarili at ginawaan na lang ng sariling kuwento ang nangyari. "Kahit tingnan niyo pa po sir sa cctv!" Naituro agad ni Rant ang camerang nakatutok sa pwesto nila. Dahil dun, sinama siya sa loob ng hotel para magpaliwanag.
Naisip niya na sanang may soft spot ang babae but she's still rude and arrogant and stubborn!
Shelovesrain❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro