Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

13. Lonely Sunrise

GAYLE keeps tossing side by side on her bed. Ayaw niyang alalahanin ang sinabi ng lalaki kanina but her brain just don't listen to her. Sa pagkabalisa ay napilitan siyang bumangon at tumungo sa maliit na fridge para uminom.

Hindi niya sinasadyang makita ang lalaki kanina sa ospital. Her check up just ended when she saw the rushing guy carrying an old woman on his back. Tumatawag ng tulong until nurses attend to him.  The old woman regained conscious for a short moment.

Iniwas niya ang tingin sa mga ito. She knew she felt bad for that guy, a little bit. She just refuse to care a lot to other human beings. She couldn't care enough for herself, ibang tao pa kaya. Napadaan din siya sa ER kaya nakita niya itong umiiyak doon.

"You should really be kind to people lady, hindi mo alam kung ano'ng pinagdadaanan nila." Naalala ni Gayle ang sinabi ng lalaki sa kaniya. Just because she's a snob, jinudge na agad siya nito. She smirks. Be kind to people daw eh judgemental din naman ito.

Ibinalik niya sa fridge ang tumbler saka humiga ulit sa kama niya. She hugs her long pillow and take another attempt to sleep. Nang hindi pa din ito umepekto ay bumangon ulit siya at kinuha ang scented candle sa cabinet at sinindihan malapit sa kaniya. Humiga ulit siya nang tuwid facing the ceiling. She stares above her until minutes have passed and she's still awake.

She sat surrendering kaya hinablot niya na lang ang libro sa may lampshade. Komportableng sumandal siya sa isang unan at nagbasa na lang ulit. She's been reading the book an hour ago and she already finished half of it. Ngayon naman inumpisahan niya ulit basahin ang kalahati. Hopefully matapos niya ulit ang isang libro bago antukin. Tsk.

She had collected books because of her sleeping disorder. She's not much to reading ever since but it makes her fall asleep every night. Type niya sa hindi ang libro, kahit hindi niya naiintindihan, she's just reading it dahil no choice siya. Whatever book it is. Kahit encyclopedia binabasa niya. She's just plainly reading. Hindi niya kailangang maiyak o matawa sa mga nababasa. Ang kailangan niya lang ay makatulog. Dumami nang dumami ang mga librong nakatambak sa sulok ng kwarto niya.

Hindi niya namalayan na nakatitig na lang siya sa huling pahina ng libro habang nagrereplay ang mga pinagsasabi ng lalaki kanina. She closed the book. "I plan to ignore you at magpanggap na hindi ka nakikita. But why do you keep appearing before my eyes? Sa dami ng tao.. bakit ikaw pa?" Napahinga nang malalim si Gayle. Her chest tightened again. Naiistress na naman siya.

Natatakot siyang baka guluhin na naman siya ng lalaki now that she expected him to stay quiet after she ditched his invitation of meeting up twice. Ano bang klaseng rejection ang makakapagpatigil dun? More cruel?

Humiga na siya ulit. It's past midnight at may konting antok na siyang nararamdaman. Nagpahid pa siya ng stress-reliever na massage oil para mas makatulog ng maayos. She rubs it on her nape, sa likod ng tenga at sa pressure points sa gilid ng mga mata niya gently massaging it. She also put pressure on her pinky. May pressure point din dun na pwedeng diinan para sa good sleep. She reads a lot and tries a lot to have a proper sleep at hindi niya na nga alam kung alin ba dun ang umepekto sa kaniya. Nagigising na lang siya ng umaga thankful she atleast had enough sleep to go on for a day.

"ASKAL!" Excited na tawag ni Rant sa aso pagkabalik sa bahay ni Aling Corazon ng umaga galing sa pagbantay niya sa lugawan. Nakita niyang nasa rocking chair pa din ito at hindi ginalaw ang iniwan niyang pagkain kagabi. Natutulog lang ito doon.

"Tada! Tingnan mo ang regalo ko sa'yo!" Rant proudly shows the thing he spent doing all night trying to get the dog's attention.

Sumaglit pa siya sa isang computer shop at nagpaprint ng maliit na size ng picture na kinuha niya kahapon. Gumawa siya ng maliit na kuwadrado mula sa maliliit na kahoy tapos sa halip na salamin ay makapal na plastic cover ang ipinalit niya para hindi mabasa ang picture. Bumili siya ng keychain at doon sinabit ang mini picture frame ng askal at ni aling Corazon. That should be enough to keep Aling Corazon close to the lonely askal even if she's already gone.

But the askal isn't moving to see what he exerted efforts to do. Rant surrender at nilapitan na ang aso. "Hoy, askal. Kapag nagmukmok ka lang diyan mahihirapang umakyat sa langit si Aling Corazon. Magiging multo yun at nakakatakot. Dali na!" Tinapik niya pa ang katawan nito pero hindi pa din kumibo ang kawawang alaga.

"Askal? Hoy, okay ka lang?" Tiningnan niya ang mukha nito at nakamulat naman kaso halos pumikit ang mga mata nito. Tila nanghihina. "Hoy! Wag ka nang madepressed dyan. Nandito pa naman ako. Masaya na yun si Aling Corazon sa langit. Nasa paraiso na siya. Hoy!" Tinapik niya nang isa pa ang aso at nag-angat naman na ito ng ulo. Tumanaw ito ulit sa kalsada.

"Ano bang gagawin ko sa'yo?" Sobra siyang naaawa sa aso. Sa bagay, hindi madaling magmove on. It takes time to accept the reality of being alone again.

Sumaglit na siya sa bahay ng tiyahin niya kanina at nakapagayos na din siya sa pagpasok nang bumalik siya para sa askal. Mahaba pa ang oras at gusto niyang samahan muna ito.

The askal jumps off the chair at naglakad paalis ng bahay. Nagtatakang sinundan ito ni Rant. Pinagmamasdan niya lang kung saan papunta ang aso. Ni hindi nito pinapansin ang mga tropa niyang asong kalye na lagi nitong sinasamahan tuwing nakakatakas. Then he figured out what the dog is doing. It's taking a morning walk katulad ng hininging pabor kahapon ni Aling Corazon sa kaniya. Nakarating ulit sila sa parke. He stops when the askal halt and looks around saka muling naglakad.

Huminto ito sa isang bench at sumampa doon now watching the sun completely risen. Tumayo lang sa di kalayuan si Rant watching the dog as if reminiscing the times it spent with the old woman. He sat on the other bench near the one where the askal stays silent.

There's no word to console a lonely soul. They will feel better once they are finally ready to be happy again. Once they got tired of the darkness they nurtured to hide themselves.

Sinamahan niya ang aso doon hanggang dumating ang oras na kailangan niya nang pumasok. "Papasok na ulit ako sa school. Kailangan mo nang umuwi askal. Halika, sasamahan na muna kita." Hindi siya ulit nito kinibo.

"Dali na, baka mahuli ako." He repeated trying to convince the dog. Still, it didn't respond. "Bahala ka, iiwan kita dito." He tried scaring the dog pero wa epek pa din. Napabuntong-hininga na lang siya.

"Fine. I'll leave you alone. Alam kong gusto mong mapagisa. Alam mo naman ang pauwi sa inyo ano? Nakauwi ka ng solo kahapon." Saglit na bumaling lang ng tingin sa kaniya ang aso at binawi din naman agad.

"Iisipin kong oo yang pagtingin mo. Kapag natapos kang magemote dito umuwi ka kaagad ha. Sige ka, baka matiyempuhan ka ng mga nagrorondang tanod at hulihin ka. Diretso ka nun sa plato."  Pananakot niya pa para siguradong umuwi ito.

"Aalis na ako. Aalis na talaga ako." Tumayo na siya at lumapit pa sa harapan nito para kung sakaling pumayag na itong umuwi. Nang wala pa din itong reaksyon, tuluyan nang naglakad si Rant paalis with a heavy heart. Ayaw niyang iwan doon ang aso pero paano naman ang klase niya. Pareho lang sila ng sitwasyon. Ang pinagkaiba lang, Rant is moving on with his life trying to get a stable and decent status. Hahayaan niya munang mag-isa ang askal na yun. It needs space and time to accept what was gone.

BUMABA ng bisikleta si Gayle nang makarating sa park. Naglakad-lakad lang siya doon getting a morning fresh air. Wala naman siyang first class period kaya hindi pa siya male-late. Napabagal siya sa paglakad nang mapansin ang asong nakatuntong sa bench. Kasunod lang nito ang palagi niyang inuupuan. Natatandaan niya ito. The dog who bit her yesterday at the hospital.

She halt glancing around. Baka nasa malapit na naman ang nakakairitang lalaki since he claimed yesterday that it was his dog. May nakatapal pang bandage sa braso niyang nadaplisan ng ngipin nito but it doesn't hurt at all. Just a little sting but its fine.

Marahan siyang humahakbang papalagpas sa puwesto ng aso. Steady lang ito roon at tila nakatanaw sa malayo. Napatingin lang ito sa kaniya at siya naman ay dumiretso lang din. She occupied her usual bench. Nagmuni-muni lang din siya doon habang tuwid lang din ang paningin niya. Medyo gumuguhit na ang init sa mga puno pero presko pa din ang bahagyang hangin na umiihip.

She glanced to the dog again. Kita niya ang lungkot sa mga mata ng aso. Hindi niya alam kung ano'ng kuwento sa likod ng mga nangyari kahapon but she could guess it must be mourning for the old woman who died. Ilang minuto ang lumipas, they both stayed there keeping their spots. Gayle took out the blank small pad of sticky notes.

Sa maliit na makulay na papel na yun, iginuhit niya ang aso sa mismong posisyon nito. She wrote a caption there too. Pagkatapos ay tumayo na siya sa kinauupuan dala ang gamit niya at lumapit sa puwesto ng aso.

Nung una ay nananantiya pa siya dahil baka maging agresibo ito kapag nilapitan niya pero walang naging reaksyon ang aso nang tumayo siya sa tapat ng espasyo sa tabi nito. Idinikit niya ang sticky note sa sandalan ng bench.

"Don't wander around. Not all people are good to lost pets. As long as you stay here, this note will protect you if you're not going home yet." She said to the silent dog. Saglit niya pa itong tinitigan saka na siya sumakay ng bike ulit para pumasok.

Lumipas ang mga oras, the dog remains sitting there. People are passing by trying to shoo the dog away for the seat pero hindi tinutuloy ng mga ito sa tuwing nababasa ang nakadikit na note sa upuan. Then they always leave the dog alone. Some leaves food for the poor one sympathizing with it.

Until class hours ended. Rant quickly grabbed his things and ran out of the University. Ni hindi niya na hinintay ang pinsan dahil maghapon siyang nagaalala kung nakauwi ba ng ligtas ang aso.

When he reached the park, napatigil siya sa pagtakbo nang matanaw na naroon pa din ang askal kung saan niya iniwan kaninang umaga. Just sitting there pitiful.

"Nandito ka pa din? Hindi ka man lang ba umuwi? Baliw ka ba? Paano kung--" Rant cut his words nang mapansin ang nakadikit na stickynote sa tabi nito. He took the note to read it. This just looks familiar to him.

Dear people:
      If you happen to see this dog sitting here, please be good to it. No one knows what its going through so be kind. Its waiting for its owner.

Rant smiles. Parang pamilyar sa kaniya ang linyang ito. Whoever it is who owns the sticky note must have a good heart. Nakadrawing pa sa maliit na note ang itsura ng aso.

"Hoy, wala bang nagpalayas sa'yo dahil dito?" Pagtatanong niya sa aso. It just opened its mouth to stretch. Natawa naman lalo si Rant.

"Ano? Natuyuan ka na ba ng laway? Tahol-tahol din kasi pag may time, askal. Walang mangyayari sa'yo kung magmumukmok at sisisihin mo sarili mo. Listen to the expert. Dumaan din ako sa ganiyan. Walang may gustong mawala si Aling Corazon. Lahat tayo, balang araw lilisanin din itong malupit na mundo. Kaya kung ako sa'yo, palayain mo na sa isip mo si Aling Corazon." May dinukot sa bulsa si Rant.

"Isipin mo na lang kahit wala na si Aling Corazon, lagi pa din siyang nasa tabi mo." Isinabit niya sa collar nito ang ginawa niyang maliit na picture frame para sa aso.

"Ayan, lagi pa din siyang malapit sa puso mo. Katawan lang naman natin ang namamatay, hindi yung pagmamahal nila. Naiiwan yun sa puso natin kahit wala na sila. Gets mo?" Tinapik-tapik niya pa ang parteng katapat ng puso nito.

"Hay, nagiging makata ako dahil sa'yo. Itigil na nga natin ito. Tara na. Umuwi na tayo." Akala niya ay matagalang pilitan na naman ang gagawin niya para makumbinsi itong umuwi pero tumalon agad pababa ng upuan ang askal at nauna nang naglakad sa kaniya.

"Teka, assuming lang ba ako o hinintay mo lang ako dito? Hoy, askal!" Natutuwang sinundan na ito ni Rant pero binalikan niya pa ang mga pagkaing iniwan ng kung sino para sa askal. Mukhang maraming nakisimpatiya dito dahil sa sulat.

Gayle watches the annoying guy leaving that bench with the dog. She's not happy that she did something for that guy. She's happy for the dog. She could somehow relate herself with it. Alam niyang may pangungulila sa mga mata nito. Just like her longingness for the persons she loves. And she knows how hopeless it feels to the point that she isolate herself to people katulad ng pagiisa at hindi pagtugon nung aso sa mga tao.

She's happy for that dog that it slowly opening itself again for that guy. Sana dumating din yung time na mabubuksan na ulit ni Gayle ang sarili sa iba. Yung magiging masaya siya ulit na makihalubilo sa ibang tao. If only she had that courage again.

WEEKDAYS ended so weekend arrives. Rant is packing some of his clothes para sa paguwi sa bahay ng tiyuhin niya. Iniwan na kasi ito ng pamilya dahil sa bisyo at bilang pagtanaw ng utang na loob, binibisita niya ito tuwing walang pasok. Kung hindi naman kasi siya nito kinupkop noon, baka napariwara din siya at nagpalaboy-laboy.

But before he leaves, abala siya sa naisip na ideya para sa askal. Natutuwa siya dahil mukhang natauhan- este nahayupan- ano bang term ang bagay sa asong ito? Basta! Natutuwa siya dahil napagtanto nitong walang patutunguhan ang paggutom nito sa sarili. Siguro nakapagisip-isip ito kahapon sa park na ayaw pang mamatay. Kaya ayun, magana na ulit sa pagkain ang loko.

"Tapos na! Ano sa tingin mo, askal?" Iniharap ni Rant ang malaking karatulang ginawa niya sa nakaupong aso. Hindi ito umaalis sa rocking chair ni Aling Corazon. Tamad na tinapunan lang ito ng tingin ng askal at tumahol ng isa. Yung tahol bang parang nagdi-disagree.

"Wag ka nang choosy. Kapag inuwi kita kila tiyang baka hampasin ka nun ng tambo at palayasin. Kapag dun naman kita dinala kila tiyong, panigurado a-adobohin ka nun agad. Maigi nang sa matinong tao ka mapunta. Kung may sarili akong bahay hindi naman ako mageeffort pa nang ganito noh. Magtiya-tiyaga na lang akong makisama sa'yo. Pero wala akong bahay. Pareho lang tayong homeless naintindihan mo?" Mahabang paglilitanya niya kaya naman humiga na lang ulit ang aso at inisnab ang mga sinabi niya.

"Wag ka ngang tamad diyan. Wag ka nang makisama-sama sa mga pagala-gala mong tropa. Masuwerte lang yung mga yun dahil hindi pa sila nahuhuli ng mga kumakain ng aso. Bumangon ka diyan. Tuturuan kita ng style para may matuwang mag-ampon sa'yo." Iniwan ni Rant ang karatula sa upuan at lumapit sa natutulog na aso. Inangat niya ang ulo nito para mapilitang bumangon.

"Ang tamad-tamad mo! Lets see." Pinagmasdan ni Rant ang kabuuan nito. "Try mo nga magpuppy eyes? Magaling kayo dun diba? Kahit hindi ka na puppy siguro naman marunong ka nun. Dali." But the askal just blink in sleepiness.

"Hmm.. Siguro pwede na yan. Yung lungkot-lungkotan na mata para maawa sa'yo ang mga tao. Tsaka, may tricks ka bang alam?" The dog just yawns loosing interest to what Rant wants him to do.

"Shake hands? Marunong ka ba nun?" Sinubukang iabot ni Rant ang isang kamay para makipagkamay sa aso. "Ganito." Nang hindi ito kumibo ay siya na ang kumuha sa isang paa nito at iminuwestra niya kung paano iyon.

"Ayan. Subukan mo." Hinintay niya ulit na gayahin siya ng aso pero hindi pa din ito gumalaw. "Naman askal eh! Cooperation naman. Ang dali-dali lang ng tinuturo ko sa'yo eh. Napaka-basic kaya focus!" Then askal groans nang tangkain niyang turuan pa ito.

"Hoy! Wag kang judgemental! Hindi naman kita binebenta no. Sana Dog for sale ang sinulat ko dun sa karatula. Mahilig ako sa pera pero hindi naman ako mukhang pera. Ang gusto ko lang makahanap ka ng bagong magaalaga sayo." Depensa ni Rant sa iniisip ng aso. Hindi niya nagustuhan ang mga tingin nito sa kaniyang nagdududa na parang pagsasamantalahan niya ito.

"Magtiwala ka lang sa'kin. Makakahanap din tayo ng mabait at mapagkalingang tao. Basta magpakabait ka lang. Patingin nga ng ngiti mo. Dapat marunong kang ngumiti para mas nakakaakit." Pilit na iniiwas ng aso ang ulo sa paghawak ni Rant trying to make the dog smile. Tumigil lang siya nang akmang kakagatin ng aso ang kamay niya. Nainis na ito sa pagpipilit niya.

"Alam mo, ang daya mo. Bahala ka nga. Ngumiti ka na lang pag gusto mo." Bumalik sa kinauupuan si Rant at nakatanggap naman siya ng tawag.

"Oh, newbie. Napatawag ka? May call ka para sa'kin?" Rant glanced to the napping dog. "Ano kasi, hindi ako pwede ngayon eh. Pasensya na. May.. importante kasi akong inaasikaso. Hindi ka naman magpapabugbog ulit ano?" Paniniguro ni Rant recalling how Dalmatian beat Klarens last time.

"Ah sige. Mabuti naman. Hayaan mo, next time kahit ano'ng klaseng trabaho pa yan hindi na kita bibiguin. Abala lang talaga ako ngayon eh. Sige. Salamat." Rant put down his phone but another call rings his phone again.

Shelovesrain

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro