Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

12. Be Kind

BASTA na lang siya naghugot ng pambayad sa bulsa. Hindi niya na binilang iyon at pinasan ulit ang walang malay na matanda. He ran inside the hospital calling attentions of whoever doctors or nurses are there. May sumalubong naman sa kaniyang mga nurses na nagtutulak ng de gulong na hihigaan ng pasyente.

"Kami na hong bahala sa kaniya." The nurses assured him pagkalapag niya kay Aling Corazon. Bago ito maitulak ng mga nurses ay naramdaman ni Rant ang nanlalamig na kamay ng ale.

"Aling Corazon! Wag po kayong magalala, gagamutin nila kayo. Magiging okay ka din po." Pinisil niya din ang kamay nito. Nanghihinang nginitian na lang siya ng matanda.

"Si.. Gas. Ikaw na'ng-- bahala sa kaniya- Rant. Maraming salamat." Rant felt a sudden clench on his chest. Hindi niya gusto ang pananalita ng ale ngayon. She's as if.. saying goodbye.

"Wag kang magsalita nang ganiyan, Aling Corazon. Wala pong mangyayari sa inyo." Sumunod din siya sa emergency room. Inihanda ng mga nars ang oxygen at chineck ng doctor ang paghinga ng matanda. Inaabangan niya ang pagkabit ng nurse sa oxygen kay Aling Corazon pero tiningnan lang ito ng doktor saka umiling.

"B-Bakit ho? Bakit hindi niyo pa siya bigyan ng oxygen? Ano ba?!" Nanatiling nakatayo lang ang mga ito at hindi na kumilos. Lahat sila nakayuko lang at ang doktor lang ang humarap sa kaniya.

"I'm sorry, iho. Wala na siya." Binawi ng doktor ang malungkot na tingin sa kaniya saka inanunsyo ang oras ng pagpanaw ng matandang babae. Then they left him staring blankly to the dead woman. Lumapit siya sa tabi nito. Aling Corazon just looks like sleeping. Payapa na parang walang regret sa mukha.

He reached for her hand. The hand of a nice and kind neighbor. Sa dami na ng call na natanggap niya mula sa matanda ay napalapit na ang loob niya dito. Minsan, pakiramdam niya tinatawagan lang siya nito para mabigyan ng pagkain. Hindi siya umaalis na walang pagkaing mula kay Aling Corazon. Mas mabait pa ito sa kaniya kesa sa tiyahin niya.

But then in one snap, the old woman passed away. Kanina lang ang ganda pa ng ngiti nito sa kaniya.

"Aling Corazon naman, kanina lang nagkita pa tayo. Ngayon, ayan natutulog ka na ng panghabangbuhay." Kusang tumulo ang luha niya habang hawak pa din ang kamay ng pumanaw. His chest is so heavy. Masyadong biglaan. Akala niya tinawagan siya nito para sa isa pang trabaho, yun pala huling tawag na yun at para mamaalam.

Tinakpan na ng nurse ng kumot ang katawan nito. Lumabas ng ER si Rant na tuliro at malungkot. He lost a friend. At alam niyang may isang mas malulungkot kesa sa kaniya. His eyes set to the thing people are trying to get a hold sa gitna ng entrance ng ospital. Nagtikwasan ang karamihang dumadaan dahil sa takot na makagat. The askal keeps barking to people. Galit na galit ito at akmang susunggaban pa ang mga nagtatangkang maabot ang tali niya.

"Askal, tayo na." Mahinahong tawag niya sa nagwawalang aso. Bumaling ito sa kaniya nang marinig ang boses niya. Tila bigla itong natigilan habang tinitingnan siya. "Uuwi na tayo." Dugtong niya. Lumagpas ang paningin ng aso sa kaniya. Tumanaw ito sa kung saan dinala ang amo nito kanina. Rant went there with its owner at lumabas siyang nagiisa.

"Wala na siya, Gas. S-Sorry." Naramdaman niya ulit ang paginit ng mga mata. Halong awa at pakikiramay ang nararamdaman niya ngayon para sa naulilang askal. Neither one of them knew that it will happen, such a mournful day it is today. Ramdam niya ang kalungkutan ng aso sa sinabi niya. The animal's feelings are sometimes more genuine than that in human's. Their strong emotions speaks through their eyes. Pero wala na silang magagawa. What's gone will never come back. Loosing someone we got used to be with will take a part of us when they leave. Minsan pa nga, we even loose ourselves with their leaving.

Nakisimpatiya din sa malungkot na ambiance ang mga tao. Tila napagtanto ng mga ito ang mabigat na pinagdadaanan nila. Ilang sandaling tila tuliro ang aso, nakatulala lang sa ER. Sinamantala naman iyon ng guwardiya para makuha sana ang dulo ng tali nito pero mabilis itong nakaramdam at nakatakbo agad bago pa ito mahuli.

The askal ran towards the door. Nagpanic lahat para sa babaeng palabas doon. Everyone is yelling at the woman to go away from the angry dog. Gayle looked back. She saw a dog running angrily to her direction until it jumps over her stomach. Its claws scratched to her arm at dumaplis pa ang ngipin nito sa braso niya as it left her fell sitting on the floor and flee. She heard exaggerated gasps and reactions for her getting bitten.

Rant recognizes her. She's still emotionless despite of the bite. Her face just flinched a bit on seeing her bruises.

"Okay ka lang?" Bumaling ang paningin nito sa kaniya nang lapitan niya ang babae. He knelt one knee and reach her arm checking it. "You made it seem that it doesn't hurt." Komento niya nang bahagyang pinisil niya ang braso nito and he finally saw change of her expression.

"I'm fine." Binawi ni Gayle ang braso mula sa pagkakahawak nito pero katulad ng kinaiinisan niya dito, Rant didn't let go. "Ano ba-" Rant put her arm around his shoulder and carried her up.

"Ano ba! Ibaba mo nga ako! Isa!" Gayle pushed his chest to put her down but he just kept walking to wherever he's taking her.

"Isa, aso ko yung kumagat sa'yo so that makes me responsible for you. Dalawa, alam kong magmamatigas ka at hindi ka sasama so I'm carrying you instead." Seryosong pagsasalita ni Rant na hindi tinitingnan ang babae. He was back to the emergency room at inihiga ang babae sa isa sa mga bakanteng kama.

"Don't act too heroic. Your dog didn't bite me. Its just trying to get to the door. I don't need you to be responsible for this small bruises." Hindi siya tinuunan ng pansin ng lalaki at tumawag lang ito ng nurse habang naglilitanya siya. Lumapit naman agad yung nurse sa kanila.

"Nakagat siya ng aso. Pakiturukan naman siya ng anti rabbies, please." Tumango agad ang lalaking nurse at saglit na umalis para ihanda ang kailangan para sa babae.

"I don't need you to be annoyingly hardheaded. Ayokong makatanggap ng tawag later na sisisihin at sisingilin mo ako dahil sa alaga ko. Ayokong madagdagan ang problema ko." Naiinis na sinagot din siya ni Rant.

"I can deal with myself. Just get lost." Here she is again casting him her spell to get lost. Umupo si Rant sa paanan nito. Gayle folded her knees to prevent physical contact with the irritating guy. Itinukod pa ni Rant ang isang kamay leaning forward to her. Gayle shot him cold glares.

"Someone I know just died a moment ago. You should really be kind to people lady, hindi mo alam kung ano'ng pinagdadaanan nila. Just behave for a second and take your shot. Then I'll let you leave." Napipi si Gayle sa malungkot na mga mata ng lalaki.

She saw the whole scene earlier with him and his dog. She pretended not seeing anything and tried to leave without being seen if the dog hadn't ran to her accidentally.

Lumapit ulit ang nurse sa kanila dala na ang gamit sa pagturok kay Gayle. Rant stood again at binantayan ang paglinis sa sugat ng babae. Maya-mayang napapansin ni Gayle ang pagtitig ng lalaki sa isang bakanteng kama sa loob. His eyes hold pure sadness.

He went twice in the emergency room in just between minutes. He carried two patients para magamot. One with a minor bruises and the other died. He's been accustomed with loneliness and sadness in his entire life. Facing another, it brought the feeling of it freshly.

"Okay na po, sir. Pwede niyo na po siyang ilabas anytime. Diretso na lang po kayong accounting para sa turok." The nurse left them after. Gayle stood immediately. "Sa'n ka pupunta? Pwede ka namang magpahinga muna dito. Aalis na din ako." Rant stops her.

"I'll pay for my own treatment. Just go." Sa kabilang side siya ng kama bumaba para iwasan ang lalaki pero hinabol pa siya nito at pinigilan ulit siya sa braso. Napapagod na si Gayle sa pakikipagpatintero sa lalaki kaya pilit niyang inaalis ang kamay nitong pumipigil sa kaniya.

"Can't you just say 'stop' kung pipigilan mo ako? I strictly limit myself from physical contact, please!" Rant let her go in one snap.

"Bakit? May allergy ka ba sa tao? Namamaga ba ang mukha kapag may hahawak sa'yo? Tss." Pamimilosopo ni Rant dito. She's being unreasonable.

"I just hate it! Respect people's privace space kung alam mo yun." Gayle turned her back from the guy at naglakad patungo sa accounting. Rant made-face.

"Diba nga sabi ko, I'll be responsible from my dog's bite. Ako na'ng magbabayad!" Just how many times would he have to repeat it to her? Tsk.

"I'm not asking you to pay for it. Makonsensya ka lang sapat na yun." Rant stops her hand again nang iaabot niya na ang credit card sa cashier.

"Ako ang may-ari nung aso, ako dapat ang magbayad!" Pagmamatigas din ni Rant at hinugot ng isang kamay niya ang wallet sa bulsa.

Nauubos ang pasensya at lakas ni Gayle sa pakikipagdiskusyon sa lalaki. Lumalagpas na siya sa limit ng pakikipaginteract niya sa ibang tao.

"Miss, I'll pay with this card. Three shot of anti-rabbies vaccine." Pinilit niya pa ding inabot ang kamay sa babaeng naguguluhang nakatitig sa kanilang dalawa. His hand still gripping to her.

"Hindi miss, ako ang magbabayad." Rant snatched her credit card from her hand at inabot ang cash niyang bayad. Kinuha na yun agad ng babaeng cashier bago pa magtalo ulit ang dalawa. Naiipon na kasi ang pila sa likuran nila.

Gayle glared to the man and marched away after he gave back her card. Rant followed after taking care of the bill. Binilisan niya din ang lakad at nakipag-unahan sa babae. Gayle hissed on herself. She's so pissed off!

Diretsong lumabas ng ospital si Rant and Gayle headed the same way too. Then he faced her again in a distance. Huminto din si Gayle nang tumambad ulit ang seryosong mukha ng lalaki sa kaniya. Napabuga pa ito ng hangin. Gayle tries to walk to different way to take her bike but the guy speaks to her again.

"I plan to ignore you at magpanggap na hindi ka nakikita." Gayle was obliged to look back at the talking man. "But why do you keep appearing before my eyes? Sa dami-dami ng tao bakit... ikaw pa?" Rant blurted out. He's annoyed too. He ended his business when he finished the call. He spent all his year in college not knowing her but she's been appearing anywhere, even to his project study.

"Hays!" Then Rant left her dumbfound. Speechless na napatitig na lang si Gayle sa papalayong lalaki. Just what the hell did he meant by that?

The doctor told her not to stress herself. It might cause her a heart problem kapag masyado siyang nag-entertain ng negativities. Inadvise din sa kaniya to do a regular exercise. That guy is one of the things stressing her out that she needs to avoid.

What was he said? That she keeps appearing before him? The guts of that shameless thief. Ito nga ang palaging nangungulit sa kaniya. He told her that he doesn't want to hear anything from her about her getting bitten yet he's the one ranting now about what she hadn't even done. What a real shameless jerk!

Nagbisikleta na siya pauwi ng dormitory. She needs to cocoon now that she spent so much energy talking to a person that she's not supposed to be doing.

NAGLAKAD-LAKAD si Rant checking the surrounding. Hinahanap niya kung saan sumuot ang askal. If people find it hard to cope with a sudden death of the person they love, it's the same to dogs.

"Askal!" He calls for the dog. Inisip niyang hanapin ito kung saan niya laging natatagpuan ang aso tuwing nakakawala, but its not where it usually go. Pinasya niyang bumalik sa tirahan ng yumaong matanda. At doon niya natagpuan ang hinahanap.

Nakaupo sa rocking chair ng matanda ang aso at tahimik na nagmamasid sa kalsada as if waiting for its owner. Ni hindi ito nag-ingay nang lumapit si Rant. He just sat on a long stool near it. Tumanaw din siya sa kalsada katulad ng ginagawa ng aso.

The sun is setting now. Mas naging malungkot ang kulay kahel na langit. Kasabay ng pagpapaalam ng araw, namaalam na din si Aling Corazon. Pero katulad ng araw, alam niyang patuloy na maghihintay si askal sa pagbabalik ng amo sa muling pagsapit ng umaga.

"Sana tao ka na lang din, askal. Para maiintindihan mo agad kung bakit hindi na babalik si Aling Corazon." Rant utters. He stares at its mournful eyes. Walang pinagkaiba ang mata ng tao sa mata ng hayop kapag nasasaktan at nagluluksa. They all held a blank painful stares.

Siguro kung nakakapagsalita ito ngayon, it must be repenting about how it always ran away. Siguro nagsisisi ito na sana hindi na lang siya tumatakbo palayo sa matanda at bumabalik sa lugar na walang nagmamahal sa kaniya. Siguro sinisisi nito ang sarili na dapat ay sinuklian niya na lang ng higit pa ang pagmamahal ni Aling Corazon. Pareho silang nagiisa sa buhay noon until they found each other. Ngayon, it sadden his heart seeing this dog alone again.

"Inihabilin ka sa'kin ni Aling Corazon. Payag naman ako, kaso nakikitira lang din ako sa tiyahin kong masungit. Ayaw nun sa aso eh." Pagkausap ulit ni Rant sa aso na hindi naman siya nililingon. It just curled to the chair of the old woman.

"Hindi ka din pwedeng manatili dito. Nangungupahan lang kasi dito si Aling Corazon. Ngayong wala na siya-" Sandaling sinulyapan ni Rant ang aso. "Baka bakantehin nila itong bahay para sa susunod na uupa." Rant can see a comparison of him to this dog.

He's been in a same situation like this before. Nawalan ng mahal sa buhay, napalayas sa bahay, naiwang nagiisa. He lost sight of everything because of that tragedy.

Nabundol ng pampasaherong bus ang pinapasadang tricycle ng tatay niya sakay ang ama at ina niya. Hindi din nila pagaari ang tinitirahang bahay kaya sa murang edad na sampu, pinalayas siya doon. Kinupkop siya ng tiyuhin pero nang lumala ang pagsusugal at pagiinom nito ay nagumpisa itong bugbugin siya tuwing uuwi.

"Gusto mo ba, ipakupkop kita sa animal rescuer? Pero kung sa barangay ka lang dadalhin, baka ipulutan ka lang ng mga tanod dun eh." Nakita niyang gumalaw ang aso pero binago lang nito ang posisyon at itinago ang mukha sa kaniya. Natawa lang naman si Rant.

"Natakot ka ano? Hayaan mo, magiisip ako kung saan ka puwedeng tumuloy." Sinundan ulit ng katahimikan ang pagkikipagusap niya sa aso. Iniwan niya ito saglit at pumasok ng bahay. Nakita niya ang mga gamit na narinig niyang nahulog kanina sa sahig nang nagawa pa siyang tawagan ng matanda.

He picked everything and put it back to its supposed place. Inikot niya din ang paningin sa buong bahay at nakita ang litrato ng yumao na nakaframe. Walang ibang nasa litrato bukod sa may-ari. Nagiisa sa buhay. The full picture of loneliness. Then one picture differs to the others. Si Rant pa ang kumuha ng litratong kasama na nito ang napulot na askal. The only photo that pictures the feeling of finally finding a company.

Bumalik siya sa labas dala ang litratong iyon. "Tingnan mo askal, mukha kang aso dito." Pinilit niyang matawa to lighten the mood a bit while showing the photo to the dog.

Gas didn't move to look. Hindi naman ito pinilit ni Rant na magrespond at tinutukan niya na lang ang kuwadrado. Binuksan niya ang frame at inalis ang picture. Nagisip siya ng maaaring gawin doon.

"Alam mo, gagawin ko itong espesyal para sa'yo." Kinuha niya ang notebook sa bag at inipit ang picture doon.

"May trabaho ako ngayon. Ayos lang bang dito ka muna?  Wala pa namang magpapalayas sa'yo ngayon dito. Babalikan na lang kita saglit mamaya tapos bukas na ulit." Bumalik sa loob ng bahay si Rant at kumuha ng pagkain para sa aso. Hinanap niya ang kainan nito saka inilagay sa lapag malapit sa rocking chair.

"Wag kang maglalayas ha. Babalik ako." Malinaw na bilin ni Rant sa aso. Ugali kasi nito ang maglayas, though he doubt na umalis ito ng bahay ngayon.

Shelovesrain

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro