Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10. Count Me One

NAKASUNOD ang mga mata ng classmate ni Gayle na mga babae sa kaniya pagkapasok niya ng classroom. Ito yung grupo ng babaeng nagtanong sa kaniya about that shameless thief. They're watching her sits to her usual spot.

"Sinipot niya kaya?" Bulong ng mga ito. Gayle activates her earphones. "Hindi ko talaga siya feel noon pa. Paano kung sinagot niya si Rant? What are you going to do Gemini?" Nababahalang kuwestiyon pa ng mga ito sa babaeng nakaupo at pinapalibutan nila.

The girl's eyes set down to the calling card on her hands after glancing to the loner at the back.

RANT humms and happily sat on the bench he slept this morning. Nagbibilang siya ng kinita mula sa natapos na mga call ngayong araw. Ang pinakamalaki niyang kinita ay dun sa call ni Dalmatian. Hindi niya alam kung ano'ng nangyari pero nagpapasalamat siyang natapos na yun. Inabot man ng ilang araw atleast tumupad ito sa tamang bayad.

"Teka, paano yung future work ko sa kumpanya nila? Wala silang nabanggit tungkol dun. Hay! Uungkatin ko na lang kapag nakasalubong ko siya. Hoho!" Isinilid niya ulit ang pera sa wallet at sineal ng goma. Then he breathed in the fresh air. Nice!

Natapos na naman ang isang araw. He'll be off to his work in a minute. Dadamahin niya muna ang sandaling peace of mind. Ipinikit niya saglit ang mga mata habang nakasandal sa bench. Ipinasok niya ang isang kamay sa loob ng bag at dumukot doon ng pandecoco. He chews with closed eyes.

Nang mag-alarm ang phone niya ay oras na para umalis siya. Isinuot niya na ulit ang bag saka tumayo. Pinagpagan niya ang pantalon only to notice a note sticking on the sole of his old sneaker. He lifted  his foot and took it.

It was another note just like what he saw the other day. Same color, same handwriting. He looks around to find someone and when there's none, he read what was written. The last time he found a note, he replied to its hopeless call telling that someone that there might be people who cares.

Dear No One;
        There won't.

"Teka, reply ba 'to?" Sinagot niya na nga ito na may pwedeng mag-care to console the person, tapos pinipilit pa ding wala. Makulit din. Umupo siya ulit at at kumuha ng ballpen sa bag. "Hmm.." Nagisip siya ng maaaring maisagot. What words does he needs to say just to relieve that person's sadness.

Dear Someone;
         Count me one.

Kumuha din siya ulit ng bandaid at idinikit din ulit sa parehong pwestong pinagiwanan niya sa naunang sticky note. Nang maidikit niya iyon nang maayos ay umalis na din siya pagkatapos.

"OKAY class, I've already  announced your stations on where you'll be practicing your profession. The moa will be released by next week so keep updated. Ipunin niyo na ang lakas ng loob because that'll be your final steps for you to graduate. Class dismissed!" Their adviser left the room.

Seeing that Rant didn't attend their class at nakiseat-in, the girls are all worried and was sure Gayle met that guy. "Pa'no na? Nakipagkita nga siya. Tingnan mo hindi nagpakita sa kahit saang klase natin ngayong hapon si Rant. She never bother to meet up anyone before. Exempted na kaya si--" Gemini stood annoyed.

"She must have rejected him and warned him not to bother her anymore. Don't overthink things." Inis niyang sinulyapan ang babaeng nagliligpit na ng gamit. They left the classroom before her.

Napasulyap din naman si Gayle sa katabing upuan niya. Gladly, she's at peace the whole time. Siguro ay natauhan na ang lalaki kaya hindi na siya ginulo.

"Ate Lee!" Nilingon niya ang tumawag habang patungo na siya sa may hagdanan. Pinanuod niyang makalapit ang pinsan sa kinatatayuan niya. It's Klarens, godson ng mommy niya at kababata niya. "Kumusta ate Gayle?" Masayang bati nito sa kaniya. Medyo close siya sa lalaki dahil kalaro niya ito simula pagkabata.

"Just.. like always. Ikaw?" She smiles a bit. She never had talked to him when her family started having issues during her high school days. Hindi niya na rin ito nakikita after that. She knew he's also studying here on his first year. They just don't meet often.

"Ahm.. okay lang din. May bago akong kaibigan. He's nice and cool. May boyfriend ka na ba, Ate Lee? Gusto mo siyang makilala?" Sabay na silang naglakad ulit.

"No. You know, I don't date." Pagtanggi naman niya sa alok ng kaibigan. Napahinto lang siya ulit nang mawala sa tabi niya ang lalaki. Klarens looks bothered staring somewhere kaya sinundan niya ang paningin nito. Maging ang tatlong lalaki ay napahinto nang makita sila. Klarens oddly stood from her right to her left side still looking at those guys. Yung mga lalaking pamilyar din sa kaniya.

"You know them?" Gayle asks him. Hindi naman agad nakatango o iling si Klarens dahil sa takot sa lalaki. "Ahm.. K-kinda. Tara na ate Lee. Alis na tayo." Sinubukang hindi ipahalata ni Klarens ang kaba sa babae at pilit na nginitian lang ito at inaya na.

Dalmatian saw how that idiot pulled his woman by hand downstairs. Naalala niyang tinawag niyang Ate Lee ang babae nang makita siya sa library. "Ha! He's not lying after all. He must really knew her personally." Pagsasalita ni Tian sa sarili.

"Sino? Yung lampang yun?" Tian just shrugged his shoulders.. "Kung kilala niya yun, tingin mo siraan ka niya kay Riad? Alam mo na, baka gumanti."

"Hindi niya yun gagawin unless ayaw niya nang mabuhay." They just continued on their way.

"Talaga? Binilihan ka ni ninong ng bahay? Wow!" Nasa park na sila nagpapalipas ng oras at nagkukuwentuhan. Gayle nodded. "I'm moving in this weekend." Sabay pa silang sumipsip ng chocolate milk na libre ni Klarens.

"Ngayong weekend na? I'll help you move your things, Ate Lee." Klarens volunteered and eagerly waited her to say yes. Gayle hesitates for a second. She rejects a lot of men but this one's not. "O-okay. Thanks." Napatayo naman sa tuwa si Klarens sa pagpayag niya.

"Then I'll be there at morning, Ate Lee. Wait for me bago ka maglipat ha. Una na din ako. Baka hinahanap na ako ni mommy sa bahay. See ya around at school!" Kinawayan niya na lang ang binatilyo sa pagalis nito. Gayle was now alone on the bench kaya hinugot niya ang sticky note na inupuan niya.

Hindi nakita ni Klarens ang note dahil kinuha niya agad ito mula sa pagkakadikit sa sandalan, just like how it was pasted for everyone to see. It's another reply.

Not because she's leaving sticky notes mean she's liking the fact that someone is replying to it. Lalo na at idinidikit nito ang note sa nakikita ng lahat. Kaya nga sa ilalim niya ng bench idinikit ito para walang makakita.

Inipit niya na lang ulit ang sticky note na may bandaid sa notebook niya. It's the same design of the first bandaid, colorful stripes. Is it even recommendable for covering wounds?

Another day ends but it's just another tiring night to both Gayle and Rant. Gayle spends hours just lying on her bed trying to get some sleep. Rant spends hour sitting and waiting for costumers and trying to stay awake.

Her brain keeps bugging her and dives to deeper thinking routine. She's thinking about her parents. She's thinking of ways to help mend their marriage. She's already imagining herself making a living for her own. It'll be just another lonesome life.

RANT yawns, arms stretched in the air. Bumabagsak na ang talukap ng mata niya kaya tumayo siya para magunat-unat. He stretched his legs and bent his back. Tumayo siya sa labas ng lugawan. The streets are quiet. The wind is cold. People are deep asleep, only him.

He threw punches in the air to fully wake himself. Naluluha pa ang mata niya sa antok kaya bumalik siya sa loob at nagtimpla ng kape. A bittersweet coffee surely makes him feel alive. Namimiss niya na ang pakiramdam ng kutson sa likuran niya. Hindi na siya nakakatulog sa maayos na higaan. He couldn't even remember the last time he slept on bed. Ang tanging nagbibigay na lang sa kaniya ng comfort sa panandaliang pagidlip ay ang neck pillow na binigay sa kaniya ni Garry.

May inaabangan din siyang dumating. Later, a kid came carrying a year old boy in her arms. Gunit-gunit ang damit ng batang babae at malaking t-shirt lang ang suot ng buhat nitong kapatid.

"Nandiyan na pala kayo. Maupo ka na dyan. Wala namang costumer. Oh ito, ubusin mo na ang kape ko para mainitan ka muna." Rant puts his mug on a table and calls the kid. Pinaupo ng bata ang maliit na kapatid sa upuan at hinintay siyang bumalik. Rant took a bowl of warm porridge. Ipinagbalat niya pa ito ng nilagang itlog at inilagay sa ibabaw ng aroz caldo. Nagpalaman din siya ng isang bun saka ito dinala sa bata.

"Oh eto, kumain ka. Pakainin mo din ang kapatid mo. Hay.. Kawawa naman kayo." Inokupa niya ang katapat nitong upuan at pinanuod ang batang babae na pinapakain ang kapatid nitong maliit. They're homeless at palaboy-laboy lang sa daan. Natutulog sa tabi-tabi.

Unang beses niya itong nakita ay nang palayasin ito ng may-ari ng lugawan dahil natutulog sa labas. Unang gabi niya sa trabaho noon. Simula nun, kapag siya na lang ang bantay ng lugawan ay tinatawag niya ang batang babae. Pinapakain niya ito at ang kapatid. Siya naman ang nagbabayad kaya hindi siya masusumbatan ng amo. Parehong buto't balat ang dalawang bata lalo na ang isang taong gulang pa lang na lalaki.

He felt bad for the poor children. Malapit ang puso niya sa mga ito maybe because he's also nothing but a homeless boy raising himself.

"Pabili ngang lugaw. Yung may itlog." Napatayo agad si Rant nang may costumer na dumating. Papasok na sana ito pero huminto nang makita ang dalawang pulubi sa loob. Nabahala si Rant sa reaksyon ng lalaki.

"Wag na pala. Sa iba na lang ako kakain." Tumalikod agad ang lalaki at binawi ang order. " Wait lang, sir! Saglit! Hindi naman sila nananakit!" Pero hindi na lumingon pa sa kaniya ang lalaki at sa ibang lugawan na pumasok. Hindi lang kasi ang binabantayan niya ang lugawan sa hilera. May dalawa pa sa unahan niya.

"Ang arte! Hindi naman siya lilimusan eh." Hinarap niya na lang ulit ang mga bata na tumayo na at tapos nang kumain. "Oh, tapos na kayo? Inubos niyo ba?" Tumango ang bata at kinarga na ulit ang bunsong kapatid.

"Salamat po, kuya. Baka po pagalitan na kayo dahil sa'min. Inaalisan po kasi kayo ng costumer kapag nandito kami." Malungkot na sabi ng bata. Rant knelt on one knee to the kid.

"Wala yun. Wag mo na lang intindihin. Tsaka natiyempuhan lang na maarte yung costumer ko. Basta hangga't nandito ako,  wag mong kalimutang pumunta dito ha. Sige na. Magingat kayo. Dun kayo sa ligtas magpahinga ha. Hintayin ko kayo ulit bukas." Hinayaan niya na ang bata na makalabas. He cleans the used dishes. Pagkatapos na wala na naman ulit siyang ginagawa ay binuklat niya ang libro para magaral para sa klase niya kinabukasan.

"Rant!" Napabalikwas si Rant mula sa pagkakayuko sa libro. Dumating na ang may-ari at mukhang hindi maganda ang unang bungad nito ngayong umaga. Alas singko na ng umaga.

"P-Po?" Natatarantang inayos at niligpit niya na ang libro at notebook habang nakapamewang ang boss niyang babae. "Ano'ng po?! Nagsumbong sa'kin si pareng Kanor! Nagpapakain ka daw dito ng mga pulubi? Kaya pala humuhina ang benta mo tuwing gabi! Gusto mong sisantehin kita?" Galit na panenermon sa kaniya. The owner is the first to nag him everyday early in the morning. Kaya sirang-sira ang araw niya agad kapag nati-tiyempuhan pa ang bungangera ding tiyahin niya sa bahay. Tsk.

"S-Sorry po. Naawa lang po ako sa kanila. Tsaka, ako naman ho ang nagbabayad. Hindi naman yun bigay." Nakayukong pagpapaliwanag ni Rant. Hinampas naman siya nito ng pangyaw-yaw ng mga langaw sa braso.

"Wala akong pakialam kung binabayaran mo o kung libre yun! Malas ang mga pulubing yun sa negosyo kaya kapag inulit mo pa yang pinaggagagawa mo, sisante ka na! Naintindihan mo?" Yumuko lang naman si Rant. Hindi naman yung mga pulubi ang malas sa lugawan eh. Kaya naman kasi talaga konti na lang ang kumakain sa kanila eh dahil tinipid na sa rekado yung lugaw na binebenta. Hindi na nasasarapan ang mga tao.

"Ano? Hindi ka ba mangangako? Kapag nahuli ko yang mga pulubi dito sa lugawan ko, pare-pareho ko kayong sisipain palabas dito! Dun ka sa mga nagpa-public service mag-aaply! Dun sa mga nagpapakain ng libre sa mga tao! Naghahanap-buhay lang din ako. Hindi ako mayaman! Pare-pareho lang tayong naghihirap dito, dadagdagan mo pa ang problema ko!" Tahimik na kinuha na lang ni Rant ang gamit para umalis na. Rinig niya pa sa kusina ang patuloy na pagbubunganga ng may-ari sa kapalitan niya.

"Wala naman sa financial stability ang pagtulong sa kapwa. Kung gusto mong tumulong kung ano'ng kaya mo, ibabahagi mo sa iba. Maliit man o malaki. Damot!" Rant hissed on himself nang makalabas na ng lugawan. Pati siya tinuturuan pang magdamot sa iba. Tss.. Nakapamulsang nilisan niya na ang lugar going home to his cousin's house.

Nadaanan niya ulit ang bakuran na hindi na katulad ng dating masukal na lagi niyang pinupuntahan. He checks the surroundings saka patalong tumawid ng bakod invading the private lot. He observes the new designed front yard where his mango tree stood. May mga hanging flower plot sa wooden fences. He walks to the tree. They even put landscape on the foot of the tree at tinaniman ng iba pang makulay na namumulaklak na halaman. On the huge stem was a hammock tied to it. May outdoor steel table. The setup of it was a bit familiar to him.

Hindi na siya nagubos pa ng maraming minuto sa pagpasyal sa bakuran at inakyat na ang puno ng mangga. Tumayo siya sa malaking sanga at inabot ang mga hinog. Diretso sa loob ng bag niya ang mga napipitas then he jumps down after getting enough.

Tinalon niya ulit ang bakod. No one saw him trespassing. Tsaka mukhang hindi pa lumilipat ang nakatira kaya wala pang sumasaway sa kaniya.

Shelovesrain

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro