Chapter 9
Chapter 9: Siya
Zein's Point of View
Ang huli kong naaalala bago ako tuluyang mawalan ng malay ay bago pa man ako bumagsak, may umalalay na sa akin. Malabo na ang lahat kaya hindi ko na makita ito. Ang sakit na rin ng aking ulo na parang binibiyak na ito.
"Salamat at walang nangyaring masama sa'yo. Buti na lang talaga at dumating ang misteryosong babae. 'Yon nga lang ay lalagyan ka pa nya ng peklat sa dibdib." Sabi ni Mia.
Hindi ko napigilang mapangiti. Nakaramdam ako ng hapdi kanina na parang may napunit sa akin kasabay ng kung anong likido na pinainom nila sa akin na walang lasa. Para lang itong tubig.
"Iyong blue elixir. Sino ang sa tingin nyo ang nagbigay non?" Tanong ni Vanessa.
Walang nagtangkang sumagot dahil walang nakakaalam ng sagot. Kung sino man ang mga misteryosong tao na tumulong sa amin, utang namin sa kanila ang aming buhay.
Sabay-sabay kaming napalingon nang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Nurse Cha na malawak ang ngiti. Nawala rin ang ngiti nito nang mapansin ang basag na bintana bago lumipat sa amin ang kanyang tingin.
"G-Gising na pala kayo." Halata ang gulat sa mata nito pero sinusubukan nyang takpan ng ngiti.
"Bitch." Dinig kong bulong ni Vanessa kaya hinawakan ko ang kanyang kamay para pakalmahin.
"Yes, salamat sa tulong Nurse Cha." Ani Matt na mababakas ang galit pero mukhang hindi naman nakahalata si Nurse Cha dahil mas lumawak ang ngiti niya.
"You are welcome. Tungkulin naming sumagip ng buhay."
Hindi ko naiwasan ang pagngisi. Really Nurse Cha? Sagipin ang buhay? O tuluyan ang buhay namin? How dare you bitch.
"Bumilib nga ako sa iyo Nurse Cha eh." Lumapit si Mia sa kanya na nakangisi. "Nagawa mong iligtas ang buhay nila ng sandaling minuto. Magaling ka talaga pala." Puri ni Mia.
Ngumiti itong muli. Tanga ba sya? Bakit hindi sya marunong makiramdam? Ang katangahan mo Nurse Cha ang magpapahamak sa'yo. Sunod-sunuran ka lang nila at sa huli, wala ring kwenta ang buhay mo sa kanila.
Kinabukasan ay balik sa dati ang lahat. Matapos ang insidente kagabi ay walang nagchismisan tungkol dito, parang sanay na sila na laging may ganong insidente.
"Good morning class." Bati sa amin ni Sir Alvarez.
As usual ay walang nag-abalang batiin sya pabalik. Gusto ko sanang bumati pero tinatamad ako. Psh.
Nag-umpisa na itong magturo. Nakatingin lang ako sa kanya habang ang aking isip ay lumilipad sa kung saan.
"Tignan mo ang paligid." Bulong sa akin ni Celine na katabi ko.
Nagkaroon na kasi kami ng seating arrangement at bilang Shion ay katabi ko si Celine Samonte. Pinansin ko naman ang paligid gaya ng sinabi nya.
Tahimik ang lahat na nakikinig. Parang ordinaryong estudyante na nakikinig para matuto at makakuha ng mataas na marka, to make their parents proud.
"Sa tingin mo. Sinong kalaban sa kanila?" Tanong nya na ikinalingon ko sa kanya.
Nakatingin ito kay Sir Alvarez.
Anong sinasabi nyang kalaban? Sa mga kaklase namin may kalaban? Sino? Paano nya nalaman?
"Anong sinasabi mo?" Tanong ko.
Nanatili ang tingin nya kay Sir Alvarez na nagsusulat ng equation sa black board. Unti-unting lumapad ang kanyang labi hanggang sa mahinang tumawa na ito.
Ang weird.
"Too innocent and numb. Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Hindi lahat ng nalaman mo ay katotohanan. Hindi lahat ng kaibigan mo ay kaibigan din ang turing sa iyo. Sa huli, sarili pa rin nila ang iisipin nila."
Lumingon sya sa akin at hindi ko alam kung bakit napayuko ako. Tama sya, sa loob ng impyernong ito, hindi mo talaga alam kung sino ba ang dapat pagkatiwalaan sa dapat iwasan, kung sino ba ang dapat pakisamahan sa dapat layuan.
"Sa bawat inosenteng ngiti, may kinukubling lihim, huwag kang yayakap ng mahigpit sa kahit na sino dahil hindi mo alam kung sino ang may hawak ng kutsilyo. Mamamalayan mo na lang na may dugo ka na."
Gusto kong takpan ang aking tainga ngunit ayaw gumalaw ng aking kamay. Ayokong isipin na maaring may makagawa ng ganon sa aking mga kaibigan. Ayokong mag-isip ng kahit na masama sa kanila. Ayokong masira ang tiwala.
"Ikaw, Zein? Kaya mo bang talikuran ang mga kaibigan mo para mailigtas ang iyong sarili?"
Nangilabot ako sa tanong nya at namalayan ko na lang na tumayo na pala ako sa aking kinauupuan.
"Yes Ms. Shion?" Tanong sa akin ni Sir Alvarez.
"May I go out?" Ang tanging lumabas sa aking bibig. Hindi ko na sya hinintay na sumagot at lumabas na ako.
Hingal na hingal ako pagkarating sa CR. Itinukod ko ang aking kamay sa lababo dahil pakiramdam ko ay bibigay ang aking tuhod. Shit!
Hindi. Hindi ko magagawang talikuran ang mga kaibigan ko. Magkamatayan na, hindi ko sila ipagkakalulo.
Alam kong hindi rin nila ako tatalikuran.
Naghugas na lang ako ng kamay bago lumabas. Nawalan na ako ng ganang pumasok at ayoko ring makita si Celine. Kinikilabutan ako sa kanya.
Napagpasyahan ko na lang na pumunta sa gymnasium kung saan walang tao dahil oras ng klase. Papasok na sana ako nang may kumalbit sa akin.
Humarap ako sa tao sa likuran ko. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto na ito ang babaeng nakabunggo namin ni Matt na takot na takot sa amin.
"B-Bakit?" Tanong ko.
Hindi ito nagsalita pero bigla na lang may lumabas na luha sa mata nya. Gulo-gulo ang kanyang buhok at gusot din ang kanyang blouse.
Umungol-ungol ito na hindi man lang binubuksan ang bibig. Halatang nanginginig ito sa takot at may gustong sabihin sa akin.
"Hey! Ayos ka lang?!" Alalang tanong ko habang hinahawakan ang kanyang braso para pakalmahin.
Umiling-iling ito.
"Bakit ayaw mong magsalita?! May humahabol ba sa'yo?" Tanong ko.
Pinunasan nya ang kanyang mata bago tumakbo palayo. Tumingin-tingin ito sa paligid na animo'y may pinagtataguan.
"Sandali!"
Tumakbo ako palapit sa kanya ngunit hindi pa man ako lubusang nakakalapit nang bumagsak na ito sa sahig. Nanlaki ang mata ko sa takot at gulat.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya kasabay ng panlalaki ng mata ko. Napatakip din ako sa aking bibig.
Nakalabas na ang dila nito na may tatak na pako. Katulad ng nangyari dati ay halatang pinaso din ito gamit ng mainit na bakal. Sumiritsit ang dugo sa leeg nya kung saan may nakatarak na pako.
"Tulong! Tulong!" Sumigaw ako ng sumigaw para may makarinig sa amin.
Nahihirapan na itong huminga at halos lumuwa na ang mata. Pinipilit nyang magsalita ngunit walang lumalabas na tinig sa kanyang bibig.
Posible kayang may gusto syang sabihin sa akin?
"Zein!"
"OH MY GOD!"
Naramdaman ko na lang na inilayo na ako nila Matt at Dave sa ngayon ay walang buhay na babae. Nakamulagat ang kanyang mata habang parang nakatingin sa akin, ang kanyang daliri ay nakaturo rin sa akin.
Ano bang gusto nyang sabihin?
"Zein! Ayos ka lang?!" Tanong sa akin ni Mia.
Inabutan naman ako ni Jerome ng mineral water ngunit hindi ko ito nakuhang inumin. Sinong gumawa nito?
Paanong may nakatusok na sa kanyang pako? Hindi ko nakita ito kanina. Posibleng may tumira nito sa kalayuan.
"Shit! Zein! Ayos ka lang?" Alalang tanong sa akin ni Matt.
Tumango na lang ako bago lumagok sa bote ng mineral water. Nagsidatingan na din ang mga guard at binuhat ang bangkay na babae.
"Sinong gumawa nito Zein? Nakita mo ba?" Tanong ni Dave.
Umiling ako. "Hindi ko nakita. Napakabilis ng pangyayari." Pagsasabi ko ng totoo.
"Pero parang may gusto syang sabihin sa akin. Kaso hindi nya nasabi dahil ang kanyang dila.." lumunok ako matapos maalala kung bakit ungol lang ang nagagawa nya. "May tatak na ng pako." Sambit ko.
"Ms. Zein Shion, maari ba kitang maimbitahan sa aking office?" Tanong ng isang babae na sa tingin ay ang principal ng HU dahil sa ID nito.
"Teka! Walang kinalaman si Zein sa nangyari!" Giit ni Jerome.
"Gusto lang namin sya makausap. Hindi namin sya pinagbibintangan." Mahinhin na sagot ng principal.
"Sasama kami." Ani Matt.
"Hindi na. Sige na, mauna na kayo sa dorm. Susunod na lang ako." Pigil ko.
Ramdam ko ang pagtutol nila sa kanilang mata pero wala rin silang nagawa. Sumunod ako kay Madame Principal. Hindi ko maiwasang mapayuko dahil sa klase ng tingin na ipinupukol sa akin ng mga makakasalubong namin na animo'y ako ang may kasalanan kung bakit namatay ang babaeng 'yon.
Pagkapasok namin ay tumambad sa amin si Ace na presenteng nakaupo sa swivel chair ni madame principal.
"Oh Madame Carmie, buti naman at dumating ka na agad. Inip na inip na ako." Bungad nito.
Humingi naman ng paumanhin ang principal na ikinakunot ng aking noo. Bakit ganon? Parang takot sa kanya ang principal? Psh.
"Maupo ka." Tumayo si Ace sa swivel chair ni Principal Carmie at umupo sa sofa kung saan ako nakaupo.
Umupo naman doon ang principal bago pinagsalikop ang kanyang kamay sa ibabaw ng lamesa nya.
"Anong gusto nyo?" Tanong ko. "Kung pagbibintangan nyo ako tungkol sa nangyari kanina ay paumanhin pero hindi ako ang may gawa no'n." Dugtong ko.
"How rude Ms. Shion, baka nakakalimutan mong kaharap mo ang Principal at ang SSG President. Learn to respect." Mahina ngunit may diin na sambit ni Ace.
I rolled my eyes at hindi na sumagot pa.
"This is about you, Ms. Shion as the newest secretary." Pag-uumpisa ni Principal Carmie.
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako interesado sa posisyon na 'yon." Inis na sambit ko.
Akala ko tatanungin nila ako tungkol sa insidente kanina pero tungkol pala ito sa pagiging secretary ko. Geez.
"As if you have a choice. I chose you personally and that's final. Period."
"A.yo.ko!"
Tumayo si Ace at umupo sa table ni Madame Principal. Pakitang tao lang pala ang isang ito na animo'y masunurin pero isa palang demonyo, oh well demonyo na pala siya dati pa.
"Ms. Shion. You will also benefit from this. Malalaman mo lahat ng gusto mong malaman once na tanggapin mo ang posisyon. Makokontrol mo ang mabababang tao. Kakatakutan ka nila." Mahina itong tumawa.
Halos matawa ako sa sinabi nya. Sa tingin nya ba kukunin ko ang posisyon na 'yon para lang maging superior sa iba? Ganon ba talaga ang mga may posisyon? Pakiramdam nila kaya nilang paikutin ang lahat gamit ang kapangyarihan nila?
"Pag-iisipan ko." Pagsuko ko.
Pagod na akong makipagtalo sa kanila at alam kong wala akong laban. I hate him!
"Fine. Anyway, how are you? I've heard what happened to you last night."
"Thanks for the concern but I am fine."
Tumayo na ako at pinagpagan ang aking sarili. Mahinang tumawa si Ace. This guy is getting into my nerves.
"Alam ko kung sino ang gumawa sa'yo no'n."
Natigilan ako bago tumingin sa kanya. Tumalon siya mula sa pagkakaupo sa table ni Principal Carmie at naunang pumunta sa pinto.
"Tsk tsk. Huwag mong gawing tanga ang sarili mo. Alam kong may napapansin ka na, tama ang hinala mo. SIYA ang gumawa non."
Iniwan nya akong tulala. Hindi, mali ang iniisip ko. Hindi ako dapat magbintang, hindi SIYA ang may kasalanan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro