Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 53

Chapter 53: Started

Zein's Point of View

Madilim...

Hindi ko alam kung nasan ako. Wala akong makita. Binabalot ako ng takot at pangamba.

Nasan ako?

Naglakad ako... Dahan-dahan. Hindi ko alam kung may hangganan ang dilim na ito hanggang sa biglang nagkaroon ng mga imahe na malabo.

Magulo... Nagtatakbuhan... Nakakabingi ang mga sigawan.

Sa karamihan ng mga nagkakagulong tao ay may dalawang taong katangi-tanging nakaagaw ng atensyon ko.

Sumikip ang dibdib ko habang nakikita ang magkahawak nilang kamay...

Pinagmasdan ko kung paano sila pinalibutan ng maraming tao... Wala akong maintindihan pero pakiramdam ko ay mamamatay na ako.

Napapikit ako nang makitang niyakap niya ang kasama nya. Nakikita ko sa lalaki ang pigura ng taong handa ko ng ipaglaban pero... Sino ang babaeng niyakap nya?

Sino?

Pawis na pawis na namulat ang mata ko sa isang puting silid kung saan walang gamit at gawa sa bakal ang nag-iisang pinto.

Sinubukan kong tumayo ngunit sobrang sakit ng katawan ko. Ramdam ko rin na nanginginig pa ang ibang bahagi ko... malamang na dahil 'yon sa pagkakakuryente sa akin.

Sina Mia... Nakatakas sila.

Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Sana nasa mabuting kalagayan na sila. Kahit man lang ngayon ay may napanindigan ako sa mga pangako ko sa sarili ko.

Nakakalungkot lang na mukhang ang pangako kong babalik ay hindi ko na magagawa. Hindi na nila ako papakawalan. Wala sa sariling napangiti na lang ako at tumitig sa puting kisame.

Bigla ko na namang naalala ang panaginip na 'yon. Anong ibig sabihin no'n? Bakit parang sobra akong naapektuhan? Naguguluhan ako pero mas naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

Supremo? Nasan ka? Sana hindi ka nila sinaktan--- Napapikit ako nang maramdaman ko ang kakaibang pakiramdam habang iniisip na sinaktan nila si Supremo.

Dare me... I'll kill you. Huwag nyo syang sasaktan.

Sinubukan kong tumayo muli at sa pagkakataong ito ay mejo nakayanan ko na kahit na nanghihina pa rin ako. Sinubukan kong buksan ang pinto kahit na alam kong nakakandado 'yon.

Napakagat ako sa aking labi nang kumirot ang likod ko dahil sa pwersang ibinuhos ko sa pagtangkang pagbukas ng pinto.

Napasandal na lang ako sa pader habang hinahabol ang hininga ko. Hindi ko pa talaga kayang kumilos dahil sa panghihina ko.

Shit!

Hindi na ba talaga ako makakatakas? Ito na ba talaga ang katapusan? Hanggang dito na lang ba talaga ako?

Zein... Hanggang dito ka na lang ba?

Sandali akong natigilan nang marinig ang kaluskos galing sa kandado sa labas. Hinintay kong bumukas ito.

Pinanuod ko lang na lapitan ako ng dalawang naka lab gown at hawakan ang dalawang braso ko. Sinubukan kong bawiin ito ngunit hindi kaya ng katawan ko at ang katotohanang malaki ang katawan nila.

"Bitawan nyo ako!"

Hindi sila nagpatinag at dahil sa wala akong lakas manlaban ay madali lang nila akong nahila palabas ng silid na 'yon. Parang lantang gulay na hinayaan kong bitbitin nila ako.

Lumabas kami sa isang building.

Iginala ko ang mata ko sa labas na walang tao. Nakakapanibago na wala akong nakakasalubong na estudyante. Malamang na nakakulong silang lahat ngayon. Lahat ng taong hindi kasama sa plano nila ay bihag nila.

Tahimik na tinahak namin ang daan patungo sa Admin Office kung saan may mga guard ngayon na nakabantay.

Maraming gwardya na sa tingin ko ay tauhan ni Madame Violet ang nakakalat sa buong paligid na parang pinoprotektahan ang lugar na ito.

Napahinto kami sa pagpasok ng lumabas ang ilang naka laboratory gown bitbit ang isang lalaking walang malay.

Fuck! Don't tell me---

Pagkapasok namin sa loob ay naagaw ng pansin ko ang isang pinto pa na ngayon ko lang nakita. Napangiti na lang ako habang unti-unting pumoproseso sa utak ko ang mga ideyang nabubuo.

Napangiwi ako ng biglain nila ang paghila sa akin. Pumasok kami sa isang pinto kung saan may hagdan pababa.

Underground.

Hindi nga ako nagkamali. Ang lugar kung nasan kami ngayon ay walang iba kundi ang Hidden Laboratory.

Napakatago nga talaga nito at sa ilalim pa ng lupa itinayo. Mautak talaga sila. Psh. Kaya pala parang walang kakaiba sa lugar na ito dahil nakakubli sa ilalim ang isang lihim na sila lang ang nakakaalam.

Ibang pakiramdam ang naramdaman ko pagkatapak namin sa loob kung saan napakaraming laboratory gown ang bumungad sa amin. Lahat sila ay may kanya-kanyang ginagawa na animo'y walang pakialam sa paligid.

Nakakasakal ang hangin sa loob.

Napakaraming iba't-ibang kulay na likido ang nasa paligid pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang mga human size incubator kung saan may mga taong nakahiga. Napakaraming aparato at monitor ang nakakalat sa paligid.

Sumikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang isa sa mga nasa loob. Nakapikit ito pero halata mo sa itsura nila ang sobrang paghihirap na dinadanas nila sa loob.

Psh.

Hayop talaga sila. Halang ang kaluluwa nila para magawa sa mga inosenteng tao ang ganitong klaseng kawalang hiyaan. Nasa lupa pa lang sila pero sinusunog na sa impyernong ang kanilang mga kaluluwa.

Hindi ba nila naiisip na hindi na makatao ang ginagawa nila? Ginagawa nilang hayop ang mga inosenteng taong ito. Kasangkapan sa kanilang minimithi.

"Well...Well...Well..."

Nabalin sa isang babae at lalaki ang aking paningin. Si Madame Violet na may takip ang ilong habang nasa likod nya si Liam na walang emosyong nakatingin sa akin.

The evil mother and his son.

"Hello Miss Secretary... How are you?" Nakangiting wika ni Madame Violet na halata ang saya na nakikita ako sa ganitong sitwasyon.

Naramdaman ko naman na binitawan na ang ng mga nakahawak sa aking braso at iniwan ako sa harap nila Madame Violet at Liam.

Tinaasan ko lang sya ng kilay bago ngumisi. "I am better than fine." Nakakalokong sagot ko na mahinang ikinatawa nya.

Iginala nya ang mata nya sa kabuuan ng Laboratory na ito. Halata mo sa kanyang mata at ngiti ang kasiyahan sa nangyayari. Hindi ko na masasabi kong tao pa ba ang babaeng 'to.

"Welcome to our Hidden Laboratory."

"Thank you."

Ngumisi ito at nilapitan ang isang tao na busy sa pagtingin sa mga monitor. Binalingan ko ng tingin si Liam na mabilis nag-iwas ng tingin.

"You must be happy too... Come on."

Hindi ito lumingon sa akin at nanatiling nakaiwas sa akin ang kanyang mga mata. Napailing na lang ako.

"Sorry..."

"For what?"

Tumingin na ito sa akin kung saan mababakas na ngayon sa kanyang mata ang kalungkutan. "Patawarin mo si Mommy." Wika nito sa isang malungkot na tono.

Sorry?

Natawa na lang ako sa sinabi nya. Sa tingin nya ganon lang kadali 'yon? "Sa tingin mo ba maibabalik ng sorry ang mga kahayupang nagawa ng iyong ina? Marami ng buhay ang nawala at patuloy pang nawawala." Mapait kong wika.

Kahit na habang buhay nyang banggitin ang salitang patawad ay kailanman hindi magiging sapat ito para sa walang kapatawarang ginawa ng kanyang ina at ni Francisco.

"Liam! Bring that woman here!" Sigaw ni Madame Violet kay Liam na napatingin din sa kanyang ina.

Napatingin sa akin si Liam na hindi kumilos sa kanyang kinatatayuan. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng awa sa kanya. Alam kong nagiging sunud-sunuran lang sya sa kanyang ina. Wala syang ibang pagpipilian kundi ang sundin ito. Nakakalungkot lang na wala syang lakas ng loob para gawin kung ano ang gusto nya... kung ano ang tama.

Lumapit ako sa kanya at inilahad ang aking braso. "Ibigay mo na ako sa ina mo." Wika ko.

Lumunok ito habang nakatingin sa aking mga mata. Dahan-dahan nyang kinuha ang braso ko kung saan ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay.

Sinalubong kami ni Madame Violet at ang lalaking naka laboratory gown--- Malamang na ito ang pinuno ng pag-aaral na ito.

"M-mom-"

"Ikaw na ang bahala sa kanya..." Putol ni Madame Violet kay Liam na nakaharap sa lalaking nakalab gown bago binalingan ng tingin ang kanyang anak. "Follow me." Matigas na wika ni Madame Violet kay Liam na walang nagawa kundi ang sumunod.

Naiwan kami ng lalaking 'to na nakatingin lang sa akin. "I am Mr. Razon. The head of this operation." Pagpapakilala nya.

"I don't care."

Natawa ito sa isinagot ko. Siya ang lalaking kasama nina Madame Violet at Francisco sa gymnasium, ang lalaking bumungad sa akin sa hidden laboratory nung mga panahong nalagay sa alanganin ang buhay ko.

"You are really look like her. Samantha."

Hindi ako kumibo nang hawakan nya ang aking braso at binuksan ang isang incubator. Napalunok ako habang pinapanuod ang unti-unting pagbukas ng transparent incubator.

Anong gagawin nila sa akin?

"This is for what?" Tanong ko.

Sandali nya akong binalingan ng tingin bago may pinindot sa mga button sa gilid. "For the sake of that formula." Sagot nya.

Tss.

"Ano ba ang sikretong formula?" Hindi ko napigilang magtanong.

Gusto kong malaman kung ano ba ang sikretong formula at kung bakit kailangan pa kaming isalang sa ganito.

"The rarest type of blood." Nakangising wika nito. "Don't worry. Kung hindi ka naman magma-match ay hindi ka na mahihirapan." Wika nito.

Wala akong nagawa nang sapilitan nya akong inihiga sa loob ng incubator. Pakiramdam ko ay napakahina ko para hindi makapalag.

Pinanuod ko lang na lagyan nya ng kung anu-anong aparato ang katawan ko. Walang buhay na hinayaan ko silang gawin ang gusto nila sa akin.

I feel hopeless...

Napasigaw ako sa hapdi nang may tumusok sa braso ko. Parang pinupunit ang buto at laman ko. Nanlabo ang paningin ko pero hindi sapat para mawala ako sa ulirat.

Damn! It fucking hurts like hell!

Nagsara ang incubator kasabay ng pagkawala ng lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay namanhid na ang buo kong katawan. Wala akong ibang marinig kundi ang sobrang lakas na kalabog ng puso ko.

Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay naramdaman kong nag-iisa ako. Hindi ko naramdaman ang ganito dati dahil sa mga kaibigan ko pero ngayon ay nararamdaman ko na. Pakiramdan ko ay wala ng natitira sa akin.

Napapikit ako nang may tumusok na naman sa kabilang braso ko. Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha sa mata ko marka ng sakit.

Pagod na akong sumigaw kaya ang luha ko na lang ang magiging simbolo ng sakit.

Ilang minuto... Nararamdaman ko ang pagbigat ng katawan ko. Nararamdaman ko ang pagbagal ng tibok ng puso ko. Ang pagbigat ng talukap ng mata ko. Pakiramdam ko ay babalutin na ako ng walang hanggang kadiliman.

Natatakot ako. Ayoko pang mamatay pero anong magagawa ko?

Napaawang ang bibig ko para habulin ang kinakapos kong hininga.

Is this the end?

---

Nurse Cha's Point of View

Hindi ko alam kung magiging masaya ako. Masaya ako na ang hinahanap nilanh formula ay isang pambihirang klase ng dugo na hindi basta-basta nahahanap. Imposible ang ganong klaseng dugo kaya mahihirapan silang hanapin 'yon.

Napatingin ako sa isang kulay itim na likido sa pinaka gitna. Isang sangkap na lang at kumpleto na ito.

Malalim ang iniisip ko nang marinig ang isang tunog na nagpatalbog ng puso ko. Hindi lang ako ang natigilan dahil lahat ng tao sa laboratory ay natigilan sa kanilang mga ginagawa habang nakatingin sa isang incubator na umiilaw.

This ain't happening...

Isa lang ang ibig sabihin nito. May nagmatched na sa formula.

Nagtakbuhan kami sa isang incubator at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang makita kung sino ang nasa loob nito.

Zein Shion...

Nanlambot ako habang nakatingin sa kanya na lumuluha.

"Hindi nya kakayanin... Madame. Maaring manganib ang buhay nya." Wika ni Mister Razon kay Madame Violet na nakangisi.

Parang naistatwa naman ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa nakakaawang babae na namumutla.

Zein Shion... Ikaw ang kukumpleto sa formula. Sa dinami-rami ng tao sa lugar na ito... Bakit ikaw pa?

Hindi pwede... Hindi nila maaring gawin ito sa babaeng 'to. Hindi nila alam kung paano magalit ang isang taong ngayon ay kahit na anong oras ay maaari ng sumabog.

Supremo... Zein needs you.

"Kunin nyo lahat ng dugo nya..." Humahalakhak na utos ni Headmistress. "Wala akong pakialam kahit na ikamatay nya ito." Nakangising dugtong pa nito.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Madame Violet na wala kang mababakas na biro. Shit! This aint good. Bumabagal na ang tibok ng puso ni Zein.

Ilang minuto lang at maaring... Shit!

Hindi ko napigilan ang sarili ko at mabilis na lumapit ako sa incubator at pinindot ang stop button. Isang kapangahasan pero kailangan kong kumilos.

Hindi ko hahayaang manganib ang buhay ng babaeng ito.

Sa kanya ko natutunan kung gaano kaimportante ang paglaban. Napakatapang nya... ang labis na hinangaan ko sa kanya. Dahil sa kanya ay nagkalas akong ipaghigante ang kapatid ko. Natutunan ko ang kahalagahan ng paglaban sa katarungan dahil sa kanya.

Salamat... Zein. One of a kind

"Nurse Cha!"

Napahiyaw ako nang may kuryente akong naramdaman sa likod ko kasabay ng paghawak ng dalawang lalaki sa akin. Kahit na nanghihina ay napangiti ako nang makitang bumukas ang incubator.

Napapikit ako sa sampal ni Headmistress. "Ikulong nyo ang traydor na 'yan!" Sigaw nya.

Ngumisi ako sa kanya. "H-Hindi mo sya kilala... Kung ako sa'yo magtago ka na... Parating na sya." Wika ko bago ako kinaladkad ng mga guard.

Supremo...

Hindi pa man kami nakakalabas nang isang napakalakas na pagsabog ang naganap sa labas kasabay ng pagyanig ng paligid.

Wala sa sariling natawa ako.

The bloody ending has finally started...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro