Chapter 52
Chapter 52: Battle
Zein's Point of View
Nagising ako sa isang selda at nakagapos. Hindi lang ako nag-iisa dahil marami kami rito. Nakatulala ang iba habang ang iba ay mahimbing pa rin na natutulog.
"Z-Zein..."
Nabalin sa gilid ko ang aking mata kung saan nakagapos din sa aking tabi si Mia na halatang nanghihina pa rin.
Nakaramdam ako ng awa at the same time ay inis. Naaawa ako sa kalagayan ni Mia. Sa aming magkakaibigan, masasabi kong si Mia ang mabilis panghinaan ng loob. Naiinis ako sa sarili ko na lahat ng ipinangako ko ay parang napako.
Ipinangako ko na lalaban ako, na ilalabas ko sila, na hindi ko hahayaang masaktan sila pero anong nangyari? Wala. Binigo ko sila. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko. Shit! Hindi dito magtatapos ang lahat.
Hindi ako basta-basta susuko... susuko lang ako kung wala na akong ipinaglalaban pero hanggat nariyan sila... I won't give up... kahit wala akong laban, lalaban ako.
Nakarinig ako ng ipit na hagulgol at parang gusto kong takpan ang aking tainga ngunit hindi ko magawa dahil maging ang aking mga kamay ay nakagapos.
Ayokong makarinig ng iyak.
"Asan ang iba?" Tanong ko.
Kinabahan ako nang mapagtanto na kami lang ni Mia ang narito. Asan sila Vanessa? Matt? Jerome? Dave? Asan ang mga kaibigan ko?
"H-Hindi ko alam... Zein. Natatakot ako."
Umusod ako ng konti papunta kay Mia para harapin sya. Sumikip ang dibdib ko nang makita ang pagdausdos ng luha mula sa kanyang mga mata.
"Sshh. Matatapos din 'to. Makakalabas tayo."
"P-Pero, paano?"
Hindi ako nakasagot dahil maging ako ay hindi alam ang sagot doon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong plano pero wala rin akong planong sumuko.
Napapikit ako nang humagulgol na ito.
"K-Kasalanan ko ang lahat ng ito..."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Naguguluhan man ay pilit ko itong pinapatahan. "A-Ano bang sinasabi mo? Wala kang kasalanan at kung meron man... Lahat tayo 'yon." Paliwanag ko ngunit umiling ito at umiwas ng tingin.
Tumahan na ito bago ngumisi. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa inaasta nya.
"H-Hindi mo alam kung gaano kalaki ang nagawa kong kasalanan..."
"Wala kang kasalanan." Pagtatama ko na mahina nyang ikinatawa.
Shit!
"Hindi aksidente ang lahat... Ang mapa papunta dit-"
Natigilan sya nang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang dalawang naka surgical mask.
Sinamaan ko sila ng tingin nang dumapo sa akin ang tingin nila ngunit binalewala nila 'yon bagkus ay nilapitan nila ang isang babaeng kanina ko pa naririnig umiiyak.
Napaatras ang babae at bakas ang sobrang takot sa kanyang mata. "A-Anong kailangan nyo?" Nanginginig na tanong nito.
Sinenyasan ng isang naka surgical mask ang kanyang kasama na tinanggal ang pagkakagapos ng babae.
Nagsisigaw ang babae at pilit na nagpumiglas nang sapilitan itong itinayo ng dalawa. Napangiwi ako at kumuyom ang kamao ko nang sikmuraan nila 'to kaya nawalan ng malay.
Siguraduhin nyo lang na hindi ako makakawala rito.
Sinubukan kong igalaw ang kamay at paa ko ngunit hindi ko magawa. Sobrang higpit ng pagkakatali nito sa aking kamay.
"Sorry... Patawad... Zein, patawarin nyo ako."
Hindi ako kumibo at ayoko ring marinig kung ano man ang sasabihin pa ni Mia dahil kinakabahan ako. Bakit ba kasi sya humihingi ng patawad?
Nakakainis! Wala syang kasalanan! Wala nga ba? Damn!
Pumikit ako at nag-ipon ng lakas ng loob para harapin si Mia na ngayon ay nakayuko na lang at mahinang umiiyak.
"Kung ano man ang kasalanan mo... Wala akong pakialam... Mia. Wala kang kasalanan."
"Salamat..." Mapait na wika nito bago umangat ang kanyang ulo at sinabayan ang mga titig ko. "Salamat, Zein kahit na ikaw man lang mapatawad mo ako dahil hindi ko na mapapatawad ang sarili ko." Mapait na wika nito.
"B-Bakit?" Kinakabahang tanong ko.
Tumingin ito sa malayo. "H-Hindi ko lang basta-basta napulot ang mapa patungo rito." Walang emosyong wika nito.
Hindi ako nag-abalang sumagot at nanatili ang aking mata sa kanya.
"I stole it..."
"H-Huh?"
"Narinig ko na may kausap si Ate Allison... Hindi ko sinadyang marinig ang usapan nila pero huli na." Tumingin ito sa akin. Kinagat nito ang pang-ibabang labi nya na animo'y may pinipigilang emosyon. "Ang Hell University ay isa sa mission ni Ate Allison." Dugtong nito.
Si Ate Allison ay isang secret agent. Bata pa lang kami ay lagi na nyang ikinukwento sa aking ang tungkol sa kanyang kagustuhan doon. Hindi sya nabigo... My devil sister that could kill you even in just a snap. Sya na ang pinakasikat na babaeng secret agent and maybe an assasin also sa buong mundo. Marami ang kumukuha sa kanya at nagkakandarapa. They would pay any amount just to have her service.
Napangiti ako nang maaalala kung gaano katakot sina Jerome, Dave at Matt sa kanya. Nakikita pa lang nila sya nagtatago na sila sa likod ko. Maging si Vanessa ay tiklop pagdating sa kanya.
Bigla kong namiss ang ate ko. Kamusta na kaya sya?
"Narinig ko na tinanggihan nya ang offer sa mission na 'to. Nagtaka ako dahil sinabi nyang napakadelikado no'n. Kilala mo naman si Ate Allison, 'di ba? Wala syang kinakatakutan pero natakot sya sa mission na 'to."
Sumikip ang dibdib ko dahil parang alam ko na kung saan patungo ang usapan na 'to.
"Hindi nya alam... Pinuslit ko ang mapa na ibinigay sa kanya. Ang mapa papunta sa impyernong 'to."
Napapikit ako nang humagulgol na naman 'to. Maging si Ate Allison ay nasindak pasukin ang impyernong 'to.
Pero naisip ko...
Wala akong pagsisisi. Hindi ko pinagsisihan ang pagpasok namin dito. Hindi ako magiging kung sino man ako ngayon kung hindi dahil sa impyernong 'to. Hindi ko sana sya makikilala kung wala kami ngayon dito.
"Thank you..."
Kumunot ang noo nito nang marinig ang sinabi ko. Ngumiti ako sa kanya. "Salamat kasi dinala mo kami rito. Wala kang dapat pagsisihan pero hindi rito natatapos ang lahat..." Ngumisi ako bago itinaas ang kilay ko. "Nag-uumpisa pa lang." Bulong ko.
Ngumiti ito sa akin at isinandal ang kanyang ulo sa balikat ko. Katahimikan ang namayani sa paligid.
There's no regret. Natawa na lang ako nang maisip na ang tapang ni Mia. Buong akala nya ay kasalanan nya ngunit pinahanga nya ako sa tapang nya. Alam nya na grabe ang lugar na 'to pero isinama nya pa rin kami. It is not just a curiousity.
Naalimpungatan ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Dalawang nakasurgical mask na naman ang pumasok.
Napaayos ako ng upo at naalimpungatan din si Mia.
Pinanuod namin silang ibinalik ang babaeng dinala nila kanina na ngayon ay mahimhing pa rin ang tulog.
"Mahihirapan tayo nito..."
"Napaka rare naman kasi no'n... Baka nga kahit maubos natin silang lahat wala sa kanila e."
Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila pero alam kong tungkol 'yon sa sikretong formula. Psh.
Naalarma ako nang lumapit sila kay Mia na ngayon ay sobrang kapit na sa akin. Kinain din ako ng pangamba ngunit hindi ko ipinahalata.
Hindi nagpumiglas si Mia nang umpisahan nilang tanggalin ang kanyang pagkakagapos. Napatingin sa akin si Mia na mapait na nakangiti.
"Z-Zein--"
"Isama nyo na rin ako..."
Natigilan ang dalawang lalaki nang marinig ang sinabi ko. Maging si Mia ay kumunot ang noo.
"Are you sure?" Natatawang wika ng isa sa kanila.
"Yes."
Nagkatitigan ang dalawa na animo'y nag-uusap bago tumango ang isa at sinimulan na ring tanggalin ang pagkakagapos sa akin.
Napangisi ako nang maalis na ang pagkakagapos sa akin. In just a one swift move ay mabilis na tumayo ako at sinikmuraan ang lalaking nag-alis ng pagkakagapos sa akin.
Sinunod ko ang isa. Buong pwesang itinulak ko ang ulo nya sa bakal kasunod ng pagkawala ng malay nito.
"Zein..."
"Sshhh..."
Hinawakan ko ang kamay nito na nanginginig. "S-Saan tayo pupunta?" Kinakabahang tanong nya.
Hindi ko rin alam kung saan dahil hindi ko alam kung nasan kami basta kailangan naming makatakas dito at hanapin ang iba.
"Teka---" Awat nya sa akin nang aktong aalis na kami. "H-Hindi ba natin sila tutulungan?" Tanong nya sa iba.
Napatingin naman ako sa iba na nakatingin sa amin. "Babalikan natin sila... Pangako." Wika ko dahil maari kaming mahuli kung magtatagal pa kami.
Kung mahuhuli kami ay mawawala na kami ng pagkakataon at baka mas lalong hindi namin sila matulungan.
Kumunot ang noo ko nang nagpumiglas si Mia sa pagkakahawak ko. "M-Mia." Kinakabahan kong wika.
"H-Hindi natin sila maaaring iwan..."
"Hindi natin sila iiwan... Ililigtas natin silang lahat. Kailangan lang nating mahanap ang iba para makabuo tayo ng pwersa."
Napangiwi ako nang bumalik sa loob si Mia at inumpisahang alisin ang pagkakagapos ng iba. Shit! Bakit ba hindi nya ako maintindihan?! Hindi namin sila papabayaan!
Napapikit ako bago sumunod sa kanya. Nasa kalagitnaan kami nang pagkakalag sa mga gapos nang marinig ang mga boses sa labas.
Nagkatitigan kami ni Mia.
Hinawakan ko sya sa kamay at ang ibang nakakalag na ay nasa likod lang namin. Mabilis na pumuslit kami palabas sa selda na 'yon.
"May nakatakas!"
Kumaliwa kami nang may mga bantay sa kanan. Nakahawak ako sa kamay ni Mia habang nasa likod namin ang ilan sa napalaya namin.
Shit!
"Zein... Hindi natin sila matatakasan!" Wika ni Mia.
Bumalin ako sa likod namin. Shit! Ang bilis nila. Hindi nga kami makakatakas nito maliban na lang kung--- "Mia... Listen. Ilabas mo sila rito." Wika ko na ang tinutukoy ay ang mga kasama namin sa selda na ngayon ay kasama rin naming tumatakas.
"H-Huh? Ano bang sinasabi mo?!"
"Kailangang may maiwan para pigilan sila! Damn! Wala na tayong oras!"
Lumuwag ang pagkakahawak ko sa kamay nya ngunit sya naman ngayon ang humawak sa akin.
"A-ayoko. Hindi kita hahayaan-"
"Damn! Wala na tayong oras!" Sigaw ko dahil konti na lang at maaabutan na nila kami.
Napangiti ako nang makita na ang labasan. "Mia... Babalik ako. Please." Pagsusumamo ko.
"Z-Zei-"
"Pangako."
Mabilis na inalis ko ang pagkakahawak nya sa aking kamay at huminto sa pagtakbo. Napangiti na lang ako nang makita ang pagbagsak ng luha sa mata nya.
Mia... Mag-iingat kayo.
Binalingan ko ng tingin ang mga humahabol sa amin. Natawa na lang ako na ang dami nila. Hindi ko sila kayang labanan pero kailangan ko silang pigilan.
Tumakbo na rin ako palapit sa kanila. Nagawa kong labanan ang iba nang maramdaman kong may nagturok ng kung ano sa akin.
Napangiwi ako pero nagawa ko pa rin itong patumbahin. Naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko kasabay ng pagsikmura sa akin.
Napaluhod ako kasabay ng pagtulo ng dugo sa bibig ko. Ang sakit no'n ah.
Napangisi ako at sinubukan ulit tumayo. Hindi pa man ako nakakatayo ng husto nang maramdaman ang napakalakas na boltahe ng kuryente na tumama sa likod ko.
Bumagsak ako sa sahig at nanlabo na ang paningin ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa lakas ng kuryenteng 'yon na halos maging ang paghinga ko ay sumikip.
"Ang tapang mo talaga... Katulad ka rin ni Samantha." Wika ni Madame Violet na nakangisi.
"F-Fuck you."
Napasigaw ako nang maramdaman na naman ang kuryente sa likod ko. Nanlalabo na ang paningin ko ngunit nagawa ko pa ring balingan ng tingin ang daan palabas na tinahak nila Mia.
Patawad...
---
Someone's Point of View
Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang kanyang litrato. "Magsasama na ulit tayo." Mapait na wika ko bago ibinalik sa aking bulsa ang kanyang litrato.
Tumingin ako sa mga taong tumatakbo palabas ng isang building kung saan ikinulong ang lahat...
"Let the battle begin and the victory will be mine..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro