Chapter 5
Chapter 5: Secret
Zein's Point of View
Sa loob ng ilang oras, mga subjects na lumipas, wala naman kakaibang nangyari. Parang ordinaryong araw, walang gulo, parang ang panatag ng paligid.
"Good Morning class..." Bati sa amin nang kakapasok lang na Physics techer namin na si Teacher Kath.
Walang nag-abalang bumati sa kanya pabalik. Hindi na rin naman ako nag-abala pang ibuka ang bibig ko. Ang boring.
"Before anything else, I have a big announcement." Halata sa mata nito ang excitement.
Mabilis na nakuha nya ang atensyon ng lahat. Masaya sya, pero bakit ganon? Hindi maganda ang pakiramdam ko. Am I just being paranoid o may something talaga sa balita nya?
"It's been a long time since this event happened. But now, we are happy to announce that there will be an Acquaintance Party!"
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng kwartong ito. Ang kaninang malawak na ngisi ng aming guro ay mas lumapad pa.
Acquaintance party. Isa itong announcement na kung saan dapat ay tumatalon na sa excitement ang iba. Pero, sa halip na ganoon ay parang binalot ang bawat isa sa amin ng isang pangamba.
Ngayon, matatawag pa rin ba itong good news?
"Teacher Kath?" Tumayo ang isa sa aming mga kaklase na si Celine, base sa tawag sa kanya ng mga kaklase namin.
Ngayon ko lang din napansin, parang close ang mga kaklase namin sa isa't-isa, pero mailap sa amin. Bakit?
"Yes?"
"Sa tingin ko po ay hindi pa tayo dapat magkaroon ng isang kasiyahan, wala pang isang buwan nang mamatay ang ating latehead master Dominique Valdez." anito sa isang magalang na tono.
"late headmaster?" bulong na tanong ni Jerome.
"I am sorry to say this but we can't do anything about it. Madame Violet had finalized it and it will happen this coming friday at the Wide Space."
"You can do something about it because you have the higher positio-"
"Enough Celine. Okay class, let's start."
Walang nagawa si Celine kundi ang umupo. Tinapik ng babaeng katabi nya ang balikat nito.
Bakit ganon? Parang may kulang? Shit! Ginagawa nila kaming tanga! Anong binabalak nila?
Wala sa sariling napangisi ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam. Iyong pakiramdam na kailangan din nila kaming katakutan. Nagkamali kayo o kung sino man ang nasa likod nito, hindi kami basta-basta. Kung ano man ang pinaplano nyo.
Paghahandaan namin ito.
--**--
Break time. May isang cafeteria lamang ang HU pero ang laki nito ay higit sa triple sa normal na cafeteria. Ang kaibahan lamang sa ordinaryong cafeteria ay parang restaurant ito, may mga waiter na kukuha sa order nyo at hindi mo na rin kailangang tumayo para magbayad dahil sila na mismo ang kukuha sa bayad mo kaya wala kaming ibang ginawa kung umupo. May take out section din ito kung saan do'n naman ay kailangang pumila bago makakuha.
"Matt, ayos na ba ang pakiramdan mo?" Tanong ko kay Matt na kumakain ng spaghetti.
Nagtinginan naman sa kanya sina Mia, Vanessa at Dave habang si Jerome ay nakangising aso sa akin. Alam kasi nya na may crush ako kay Matt. Psh.
"Ahh oo. Sigurado akong namatay na ang lason dahil sa sili." Natatawang sagot nya na ikinatawa ko.
Kumunot naman ang noo nila dahil hindi nila maintindihan ang pinag-uusapan namin.
"Ano na guys? Kailan ba tayo makakalabas dito?" Tanong ni Vanessa na nakangiwi.
"Binalikan namin ni Dave ang daan kung saan tayo dumaan noong pinapasok tayo pero nakakapagtakang wala. Napakataas na pader lang ang naroon." Naguguluhang sambit ni Jerome.
Pinaglalaruan talaga nila kami, hindi lang kami kundi lahat ng estudyante na narito. Ikinulong nila kami sa isang hawla na kung saan ang nag-iisang daan ay nakatago. Pinapaikot nila kami at may pinaplanong hindi ko alam.
"They are planning something.." Wala sa sariling sambit ni Matt.
"Something? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Dave sa kanya.
"Something that I can't explain." malabong sagot nito.
"I have a plan," Sambit ko. Lumingon silang lahat sa akin. Walang nag-abalang magsalita sa kanila o magtanong dahil naghihintay sila na buuin ko ang sinasabi kong plano.
"Hindi nyo ba napapansin? Pinasok natin ang HU nang walang alam. Hindi natin alam ang history nito o kung sino ang mga nagpapatakbo nito. Ginagawa nila tayong tanga.." Pag-uumpisa ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Dave.
"Tama si Matt, they are planning something na maaring tayo ang maging sangkap. Hindi na tayo makakalabas dito kaya ang tanging magagawa na lang natin ay lumaban. Makipagpatayan para mabuhay, kailangan natin silang maunahan sa kanilang plano. We need information." mahaba kong litanya.
Kung hindi kami kikilos at magpapakatanga, maaring buhay namin ang panganib.
"Si Celine. May alam sya." sambit ni Mia na malalim ang iniisip.
Nagtugma ang iniisip namin ni Mia. Base sa nangyari kanina, may alam talaga ang Celine na iyon, kailangan lang namin syang makausap, para makakuha ng ideya.
"How? Mailap sila sa atin na parang kinakatakutan nila tayo. How will we approach her?" ani Vanessa.
"Ako na ang bahala." sambit ko.
"Paano ang mga gang dito? Anong gagawin nating hakbang?" Tanong ni Matt.
Oo nga pala. Ang dalawang nagbabanggaang gang sa HU na Black Blood Gang at Devil God Warrior. Paano nabuo ang grupong ito at ano ang ipinaglalaban nila? Pero isa lang ang alam ko, related ito sa history ng HU.
"Huwag. Huwag nyong papakialaman ang mga gang!" Kumunot ang noo namin sa inasta ni Dave na parang takot na takot sya dahil sa pagsigaw niya.
"Magkarugtong ang mga pangyayaring ito Dave, once nalaman natin ang history ng HU, magdudugtong-dugtong na ang lahat, including the gangs." sabi ko.
"Bakit ang oa mo ata?" Pagsusungit sa kanya ni Mia.
"H-Hindi naman sa ganon." Nauutal na sambit ni Dave. "Pero kasi, dapat natin munang pagtuunan ng pansin ang history ng HU bago natin pasukin ang gang." dugtong nito na somehow ay may point.
Bigla kong naisip si Nicky. Isa siyang BBG member. May alam siya na higit sa nalalaman ng iba pero alam kong imposibleng makakuha ako ng impormasyon sa kanya at baka maging isang malamig na bangkay na ako knowing na mapanganib siyang babae.
Pagkatapos naming mag-usap-usap ay hindi na kami nagsayang ng oras at naghiwa-hiwalay na kami para makakuha ng impormasyon. Sina Mia at Vanessa ay nasa library habang sina Matt, Dave at Jerome naman ay naglakad-lakad at nagbabaka sakaling makakuha ng clue.
Mabilis na tumayo ako sa bench nang makita na si Celine na naglalakad kasama ang isa pang babae. Napaatras sila nang makita ako sa harapan nila.
"Wait! Hindi ko kayo sasaktan o ano pa. We need your help." Pigil ko sa kanila.
"H-Huwag kang lalapit sa amin, madadamay lang kayo." sabi ng babaeng kasama nya na ikinakunot ng noo ko.
"Damay na kami pagkapasok pa lang sa HU. So please, I need your help, Celine." Halos lumuhod na ako sa harap niya para pumayag siya.
Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao na animo'y ay napakabig deal ang pagkausap namin sa kanila.
"Please..." Pilit ko. Bumuntong-hininga si Celine bago sinenyasan na sumunod sa kanya.
Sumunod ako sa kanya at iniwan ang kasama nyang babae na nag-aalala. Pumasok kami sa dormitoryo nila at nilock nya ang mga pinto na animo'y takot na may makarinig sa amin.
Umupo kami sa sofa at magkaharap kami.
"Tatanungin kita Zein, kaya mo bang ipagpalit ang buhay mo para sa impormasyon na ito?" seryosong tanong niya.
Sumikip ang dibdib ko habang iniisip na ang impormasyon na makukuha ko ang tuluyang magkukulong sa akin sa impyernong ito. Ayoko man pero may nagtutulak sa akin na gawin ito.
"Sabihin mo lahat ng nalalaman mo." Matapang na sagot ko.
"Matapang ka Zein, pero katulad ka rin nila. It's just your curiosity."
Hindi ako nakasagot. Oo, inaamin ko na kuryosidad lang ang ngingibabaw sa akin NOON pero alam ko NGAYON na hindi lang. Hindi lang ito puro kuryosidad.
"Hell University, hindi ito ang dating pangalan ng unibersidad na ito kung hindi Philippine High University o mas kilala bilang PHU(fu)," Panimula niya.
Umpisa pa lang ay maraming tanong na agad ang bumulabog sa aking isip.
"Isang kilalang unibersidad na kung saan mayaman lang ang nakakapasok, hanggang sa isang sakim na pinuno ang humawak sa unibersidad na ito, isa siyang baliw na scientist na mayaman, ang kanyang pagkatuso ang naging dahilan para mapasakanya ang kayamanan ng lahat ng nandito. Hanggang isang araw, nagulat na lang ang lahat, wala ng daan balabas, nagawa ng pinuno na itago ang unibersidad na ito sa buong Pilipinas, hindi na kailanman nabanggit sa mga radyo, telebesiyon at pahayagan ang paaralan na ito, walang nagawa ang mga magulang ng lahat. Nakakalungkot isipin na isa ako sa nakulong sa impyernong paaralan na ito."
Hindi ko nagawang ibuka amg bibig ko sa pagkagulat. Ramdam ko ang lungkot at hinagpis ni Celine. Napakasakim na pinuno pero..
"Bakit nya ipinasara ang PHU?" Isang tanong na nagpapakunot sa aking noo.
Anong pinlano nya sa pagsara sa PHU?
"Pagkasara ng PHU ay pinalitan nya ito bilang Hell University. Nagdamdam kami nang husto sa nangyari, maliit pa lamang kami noong nakulong kami sa impyerno na ito hanggang ngayon ay andito pa rin kami. Hindi namin naiwasang magtanim ng sama ng loob sa aming mga magulang namin na hindi man gumawa ng paraan. Maraming nagrebelde, maraming gang ang nabuo, kasama na ang dalawang gang na nagbabanggan ngayon. Ang Black Blood Gang at Devil God Warrior."
Napalunok ako nang marinig iyon. Ang mga myembro sa loob nito ay tanging mga rebelde? Hindi ko naiwasang makaramdam ng inis sa kanila, napakakitid ng mga utak. Psh.
"Ang scientist na iyon ay si Dr. Quizon, sa sobrang talino nya ay nawala na sya sa sarili nya. Bago sya naging pinuno rito ay maraming gamot na syang nagawa na pinagkaguluhan ng buong mundo. Ang sagot sa tanong mo na bakit nya isinara ang HU ay dahil sa ginawa nya kaming lahat na experemento sa isang formula na bago nagtagumpay ay maraming nasayang na buhay. Ang formula na likido na kayang bumuhay sa isang patay."
Nangilabot ako matapos kong marinig ang sinabi nya. Isang formula na kayang bumuhay sa patay? Imposible. Hayop ang nilalang na iyon, hindi makatao ang experemento niya.
"Narinig mo ba ako Zein?! Nagtagumpay si Dr. Quizon! Nagawa nyang kumpletuhin ang formula na iyon."
"Andito pa ba si Dr. Quizon sa HU?" Tanong ko.
Umiling siya.
"Namatay si Dr. Quizon ng hindi nalalaman ng iba ang formula na iyon, hindi nya ito nagamit sa sarili niya pero may isa siyang naging estudyante noon na may alam ng formula na iyon. Subalit walang nakakakilala sa estudyanteng iyon, kaya hanggang ngayon ay nakasara ang HU ay dahil pinaghahanap ng mga opisyal dito ang taong iyon, gusto nilang makuha ang formula na iyon."
Tinitigan ako sa mata ni Celine na animo'y takot na takot.
"Iyon ang lihim ng HU na ayaw nilang makalabas. Ang sigurado ako ay nasa paligid lamang natin ang taong may alam ng formula, Zein, nanganganib ang taong iyon, sigurado ako ngayon na malapit ng malaman ng mga opisyal ang taong iyon. Alam mo ang mas kinakatakutan ko sa lahat? Ang mukuha ng mga demonyo ang taong iyon at malaman ang formula, maaring gamitin nila sa masama."
Tumayo na ako dahil sa ang sakit na ng ulo ko. Ayaw pa rin mag sink in sa aking ang lahat.
"Aalis na ako." Paalam ko. Hinawakan ni Celine ang braso ko at tinitigan ako na animo'y isa akong kriminal.
"Alam mo na ang sikreto ng HU. Hindi ka na makakalabas, mamamatay ka rin." Dahil sa takot ay naitulak ko palayo si Celine na ngayon ay tumatawa na.
"Zein Shion, kilala mo ba ang taong hinahanap nila? Kung kilala mo sya, lumayo ka sa kanya. Madadamay ka."
"Tumigil ka! Hindi ko sya kilala!"
Tumakbo ako palabas ng kwarto nila na dinig na dinig ko ang malakas niyang tawa.
Napaupo ako sa likod ng puno. Parang hinang-hina ang katawan ko. Ang sikreto ng HU ay ayaw nilang may makaaalam na may formula na ganoon na maaring maunahan sila ng iba. Shit!
"Hindi ka talaga marunong makinig."
Biglang sumulpot sa harap ko si Nicky. Nakangisi ito pero alam kong inis iyon. Anong problema nya?
"Alam ko na lahat." Sabi ko na ikinatawa niya.
Umupo siya para magkalevel kami. Inilapit niya ang mukha nya sa akin na animo'y hahalikan ako. Tinitigan niya ako sa mata.
"Hindi pa Zein, kalahati pa lang ang alam mo, hindi ang buo. Malapit ka ng mamatay Zein, ikaw na ang target nila. Humanda ka."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro