Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

Chapter 49: Raze

Zein's Point of View

Ang hirap na kailangan mong magpanggap sa iba na ok ka lang kahit na alam mo sa sarili mong hindi. Mapapaniwala ko ang iba pero hindi ko kailanman madadaya ang sarili ko.

Pakiramdam ko ay may nawawalang parte ko na kailanman ay hindi na mapupuna. Shit! Ayoko ng ganito.

"Gabi na ah..."

Hindi ako nag-abalang lingunin si Matt bagkus ay muli lang ako nagtungga ng alak sa baso at diretsong nilagok ito. Napapikit ako sa pait nang lumagak ito sa aking lalamunan.

Aktong magsasalin na naman ako ng alak sa baso nang naunahan na ako ni Matt. Pinanuod ko syang lagyan ng laman ang baso at inabot ito sa akin. Ngumiti lang ako bago ito kinuha at nilagok.

Napasandal ako sa upuan nang maramdaman ko ang pag-ikot ng paligid. Kailan pa ba ako huling nakainom? UGH! Ang init sa pakiramdam.

Hindi ko magawang lingunin muli si Matt dahil ramdam ko ang titig nya sa akin.

"Ok lang ako." Parang tangang wika ko kahit na hindi naman sya nagtatanong.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya kaya kinunutan ko sya ng noo. "Anong nakakatawa?" Tanong ko.

Umiling ito sa akin kaya napanguso na lang ako. Mas lasing pa yata sya sa akin e.

"You are not ok. You don't need to make a smile if you can't."

Pinanuod ko syang muling magsalin ng alak sa baso pero sya naman ang lumagok nito ngayon. Hindi man ito napapikit sa hapdi bagkus ay nakatingin pa sya sa akin habang sinisimot ang laman ng baso.

Habang nakatingin ako sa mata nya ay parang nakikita ko na hindi lang ako ang nasasaktan. Shit! Nasasaktan din sya... Hindi man nya aminin ay nararamdaman ko ito sa mga sandali ngayon.

"Ang swerte nya sa'yo... sobra."

Parang naubusan ako ng hangin at salitang maibabato. Hindi ako makakalap ng tamang sagot na isasagot roon bagkus ay natulala na lang ako.

"Nagseselos ako."

"M-Matt."

"Shh... Ok lang ako."

Nanginig ang labi ko nang makita ko sa kanya ang pagpapanggap na ginawa ko kanina. Hindi ko alam kung paano nalagpasan ni Matt ang sakit na idinulot ko. Hindi ko kayang masuklian ang pagmamahal na ibinibigay nya.

Muli itong nagsalin ng alak sa baso at inabot sa akin. Mapait akong ngumiti bago ito kinuha at ininom. Napangiwi ako nang umikot na naman ang paningin ko. Sandali akong napapikit para pakalmahin ang sarili ko.

"I know you are in deep pain... If I could only do something to ease your pain... I would be glad to take it all."

"I can't love you... stop loving me." Madiin kong wika.

I know that words suck and painful but I just want to be honest. Ayoko sa ginagawa nya.

Napangiti ito pero alam kong peke 'yon. Gusto ko syang sampalin para magising sya sa kahibangan nya na hindi nya kailangan gawin ito. Huwag na nyang saktan ang sarili nya. Shit! Matt, wake up! Hindi kita kayang saluhin... tama na.

"I tried to stop this feeling, Zein... but I always end up with I can't... Failed."

Namula ang gilid ng mata nito at parang gusto ko nang pumikit para hindi sya makita. Tangina! Nasasaktan ko na naman sya. Ang dami ko ng nasaktan. Ganito ba talaga pagnagmahal? Kailangang may masaktan? Kailangan mo munang lumuha? Kailangan munang danasin ang ganito?

"But... why didn't you fight for me?"

I know it is so insesitive to ask that but I want to know his side. I am also curious about his feeling for me.

"Wala tayo sa isang laro kung saan ikaw ang premyo ng nanalo... You have your own decisions in life and I don't want you to choose between I and him.  Zein... umpisa pa lang malinaw na sa akin."

Damn this Matthew Hart! Kung hindi ko lang siguro nakilala si Ace malamang na sa kanya ako ngayon pero wala e... pinaglaruan kami ng tadhana. Ang saklap.

"Matulog ka na."

Pinanuod ko syang linisin ang lamesa. Hindi ko napigilan ang mapatayo at yakapin sya nang mahigpit. Natigilan sya sa pagkilos kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.

"Matt... Makakahanap ka rin ng higit sa akin... mamahalin mo ng higit sa pagmamahal mo sa akin... You deserve to be love more than you can."

"May ibang Zein Shion pa ba sa mundo?" Biro nya na mahina kong ikinatawa.

"Wala na... pero may hihigit pa kay Zein Shion."

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi matapos ng lahat ng pag-uusap namin ni Matt. Inaamin ko na kahit papaano ay gumanaan na ang pakiramdam ko lalo na't naramdaman ko na ang mga nararamdaman nya. Pareho lang kaming nasasaktan.

Nang matanaw ko na si Sir Alvarez ay mabilis ko syang nilapitan. Mejo nagulat pa sya sa biglang pagsulpot ko.

"Oh Zein, ikaw pala. May kailangan ka ba?" Tanong nya habang nakangiti.

"Maaari po ba tayong mag-usap?"

Nakita ko ang pag-alinlangan at alala sa mata nya pero tumango rin sya agad. Pumunta kami sa kanyang office at sinabi ko na sa kanya lahat ng nalaman ko.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa biglaang pagtahimik ni Sir Alvarez. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya at gustuhin ko mang magtanong ay hinayaan ko na muna syang mag-isip.

Alam kong nabigla rin sya, gaya ko pero mabuti na rin 'to.

"Huli na tayo..."

Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin pero alam kong hindi magiging maganda ang kahahantungan ng pag-uusap namin na ito.

"A-Ano pong ibig nyong sabihin?"

"Alam na nila ang formula... sooner or later... makukumpleto na 'to. Wala na tayong magagawa."

"So... hahayaan na lang natin silang magtagumpay?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Sinabayan ko ang malalim nyang titig sa akin dahil ayokong makita nyang pinanghihinaan na rin ako ng loob. No! Hindi pa huli ang lahat... may magagawa pa kami para hindi sila magtagumpay.

"Listen..." Malalim nyang wika. "I want you to stop what you are doing." Seryosong wika nito.

Kumunot ang noo ko at pasimpleng kumuyom ang kamao ko. "Gusto mo ng ihinto ko ang paghanap sa hidden laboratory?" Paglilinaw tanong ko kung saan mababakas ang pakla sa boses ko.

Sumandal ito sa swivel chair nya at animo'y sinusuri kung ano ang nararamdaman ko. Gusto kong malaman nya na hindi pa huli ang lahat... na may magagawa pa kami kung kikilos kami. Ayokong sumuko... Hindi ako kailanman susuko.

"This is not for me... para rin 'to sa'yo. Zein, hindi ka na iba sa akin." Napangiti ito pero hindi ko man lang nagawang suklian. "A-ayokong may mangyaring masama sa'yo dahil sa akin... Zein, ayokong mapahamak ka. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko." Sinserong wika nito na may halong lungkot.

Hindi na rin naman iba sa akin si Sir Alvarez. Pero kung inaalala nya lang ay ang kapakanan ko ay masasabi kong kaya ko ang sarili ko. Marami na rin akong nakaharap na peligro... minsan ko na ring kinalaban si Kamatayan. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko hahayaang habang buhay na makulong rito. Lalaban ako para sa kanila... hindi para sa akin.

"Sir... Hayaan nyo na po akong makatulong. Pakiusap po... Gusto kong makatulong." Pakiusap ko.

Napangiti ito at lumapit sa akin. Sumikip ang dibdib ko nang yakapin nya ako. Bigla ko tuloy namiss si Daddy. Shit! Ayoko pang mamatay... gusto ko pa silang makasama. Si mommy... si ate Allison. Damn!

"Zein... Delikado." Wika nya habang nakayakap pa rin sa akin. "Please.. " Dugtong pa nito.

Naramdaman ko ang pag-init ng mata ko kaya mabilis akong kumawala sa pagkakayakap sa kanya at tumayo na. Matatag na tinitigan ko sya.

"Kung suko ka na... ako hindi pa. Kung ayaw mo na... gusto ko pa. Huli na? Nag-uumpisa pa lang." Suminghap ako. "I will do everything to stop them." Tumalikod na ako sa kanya. "Sorry but you can't do anything about it." Dugtong ko bago tuluyang nilisan ang lugar na 'yon.

Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa o kung paano ko paninindigan ang mga sinabi ko. Bahala na, basta hindi ako susuko.

Sandali akong natigilan nang mapagtanto kung saan ako dinadala ng aking mga paa. Ngayon ko lang napansin na ang tinatahak ko ay ang opisina ng admins.

Lumunok ako bago nagpatuloy sa paglalakad nang may humigit sa braso ko. Mabilis na kinain ako ng kaba at hindi na nakapalag.

Gustuhin ko mang bawiin ang braso ko ay parang hindi ko kaya at hinayaan ko na lang syang hilain ako.

"Hindi ko alam na minsan ay tanga ka rin pala." Wika nya nang bitawan na nya ako.

Narito kami ngayon sa mapunong bahagi ng HU at ang taong kaharap ko ngayon ay walang duda na ang leader ng DGW.

Nanatiling tulala ako sa kanya. Buong mukha nito ay natatakpan ng pulang maskara at ang isang kulay pulang mata lang nito ang nakikita ko pero sapat na para kakilabutan.

"Alam kong naiipit ka lang sa mahirap na sitwasyon pero hindi sapat 'yon para magpadalos-dalos ka ng desisyon. Kung gusto mong mamatay, sabihin mo lang. I will grant your wish right here... right now, Darling."

Nanindig ang balahibo ko hindi dahil sa pagbabanta nya kundi dahil sa pagbanggit nya sa isang salita na muling nagpanumbalik sa mga alala na pilit kong ibinabaon sa limot.

"Don't you dare..."

"What?" Mejo natawa ito na mas lalong nagpapangitngit ng ngipin ko. "Tell me darling... what's wrong?" Pangungutya nya pa.

"Stop saying that damn word! Fuck you!"

Humagalpak ito ng tawa na mas nagpadagdag sa inis na nararamdaman ko. Alam kong inaasar nya lang ako.

"Why? Does it hurts hearing those words?" Tanong nya. "But he is in deep pain compare to you." Dugtong pa nito kung saan may halo ng pakla.

Hindi ko alam kung bakit nya ginagawa ito pero nasasaktan ako. Nasasaktan ako na pinapaaalala nya lahat ng ginawa ko. Tangina! Ayoko ng maramdaman 'to.

"You gave up so easily. You know why? Because you didn't really loved him."

"Who the hell are you to doubt my feelings for him?" Nakataas na kilay tanong ko sa kanya. "Wala kang alam." Dugtong ko pa.

Wala syang alam sa nararamdaman ko kaya madali lang para sa kanya sabihin 'yon. Hindi nya alam kung anong sakrispisyo ang ginawa ko dahil hindi sya ako. If you would try to step into my shoes... you will feel the deadly pain I am feeling.

"Ni minsan inisip mo ba ang nararamdaman nya?"

Sandali akong natigilan at naubusan ng salitang isasampal sa kanya. Inisip ko nga ba ang nararamdaman nya? O kapakanan nya lang? Ano ba ang mas matimbang?

"Walang halaga sa kanya lahat ng meron sya kung wala rin naman sa kanya ang babaeng mahal nya."

"Stop it."

Bahagya kong iniyuko ang ulo ko nang magbadya na ang luha sa mata ko. I know his point and I hate that I am starting to doubt if my decision was really for the better or just for the deep worst.

Supremo?

Tumalikod na ako at aktong tatakbo na palayo nang maramdaman ko ang pagpulupot ng braso nya sa katawan ko.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay si Supremo ang nakayakap sa akin. Ano 'to?

"May pinapasabi pala si Supremo. Gusto mong malaman?"

Hindi ko alam kung paano sasagot dahil ang sikip ng dibdib ko na parang sinasakal ako ng yakap nya.

"Ayaw mo?"

"T-Tell me." Halos pabulong ko na lang na sagot.

Naramdaman kong lumuwag ang pagkakayakap nya sa akin hanggang sa nakawala na talaga ako sa kanya.

Humarap ako sa kanya at sya naman ngayon ang tumalikod sa akin.

"Ano ang pinapasabi ni Supremo?"

"Why would I tell you? Wala naman sya para sa'yo, hindi ba?"

Natahimik ako at parang sinaksak ng patalim para masaktan nang ganito. Oo nga pala.

"Paki sabi na lang sa kanya... Huwag nyang pabayaan ang sarili nya. Kalimutan na nya ak-"

Nanlaki ang mata ko nang halikan nya ako sa gilid ng labi ko. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko na nagawang magsalita at kumilos pa. Mabilis na ibinaba nya rin ang kanyang maskara na itinaas nya ng bahagya kanina para mahalikan ako.

"Darling, please come back..." Wika nya. "Pinapasabi ni Supremo." Dugtong pa nito.

Kinindatan nya pa ako bago nawala sa kawalan.

WHAT THE HELL!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro