Chapter 47
Chapter 47: Favor
Zein's Point of View
Seems right feels wrong. I only have two choices still I chose the most painful one. Kahit masakit ay kailangan kong tanggapin na hindi kami maaari.
I know, we'll never be the same again.
Nakakalungkot lang na nangyari ang lahat sa gabi ng kaarawan nya. The pain will always be remembered and the scar will always be inside us. I am sorry, I had to give you up. Hoping someday, the pain would fade together with the feelings.
Hindi ko alam kung paano ako nakaligo at ngayon ay nakabihis na. Alam kong late na ako para sa next subject ko dahil late na rin naman akong nagising. Hindi na nila ako ginising dahil alam kong gusto rin nila akong makapagpahinga nang maayos.
Mabilis din akong nakatulog kagabi dahil sa kakaiyak. I cried every scene in every moments we had. Moments that will always remain inside of me. Hindi ko naman kailangang kalimutan ang lahat, hindi ko kailanman kakalimutan lahat ng pinagsamahan namin. That's already embeded inside my heart.
Muling sumikip ang dibdib ko kaya minabuti kong iwaksi na lang lahat. I am so tired of tears.
Kapag kalabas ko ng dorm ay kakaibang aura sa buong campus ang bumungad sa akin. Sobrang dilim ng paligid. Kinakabahan man ay nagpatuloy ako sa paglalakad nang may humawak sa braso ko.
"Huwag ka munang lalabas ng dorm."
Naguguluhan man ay nagawa kong pigilan si Mia sa pagtangka nyang paghila sa akin pabalik sa dorm.
"Please,"
"What's going on?" Naguguluhang tanong ko.
Napalitan ng pag-aalala ang kaninang seryosong mata ni Mia. Naramdaman ko na lang na may mga nakapalibot na pala sa amin. Damn!
"Where are you taking that bitch?" Nakahalukipkip na wika ni Roxane kay Mia.
Hindi nag-abalang sumagot si Mia bagkus ay hinigpitan nya pa ang pagkakahawak sa braso ko. Gusto kong magtanong ngunit hindi ko alam kung paano uumpisahan. Ano na naman bang nangyari? Akala ko tapos na lahat pagkatapos ng nangyari kagabi? Bakit tila iba ang tingin nila ngayon sa akin? Parang nandidiri sila na nangangalaiti.
"Come on, Zein." Tinangka akong hilain muli ni Mia ngunit hinarangan sya ng ilang estudyante.
Nanatiling tikom ang aking bibig.
"Seems confused huh?" Nakangising sabi ni Roxane na animo'y nabasa ang iniisip ko. "Well, alam naman na ng buong campus ang namagitan sa inyo ni Supremo. Ang exemption na ginawa nya sa paglabag mo sa rule." Humalakhak ako.
Napangisi na lang ako bago napailing. "Then, congrats." Sagot ko na ikinangiwi nya.
"Such a slut. I am sure she seduced our Supremo."
Napaatras ang babaeng nagsalita nang binalingan ko sya ng tingin. Tinaasan ko sya ng kilay. "I will accept that as a compliment. At least, nagawa kong akitin ang Supremo... ikaw ba? Kaya mo?" Natatawa kong wika na ikinalaglag ng panga nya.
"See? She seduced our Supremo! Papalampasin nyo ba 'to?" Wika naman ni Roxane na natuwa nang makuha ang simpatya nya mga tao.
Pathetic. Nakakaawang hindi nya ako kayang kalabaning mag-isa kaya humihingi sya ng simpatya sa iba. Well, alam naman na nila lahat bakit pa ako magpipigil?
Humakbang ang ilan palapit sa akin at nakahandang sabay-sabay sumugod. Nanatiling nakatayo ako at hindi nagpatinag kahit na nanginginig ang kamay ni Mia na nakakapit sa braso ko.
"Wait..." Pigil ko sa kanila. "May itatanong lang ako." Mahina akong tumawa. "Alam nyo ba ang magiging kaparusahan kapag sinaktan nyo ako?" Tanong ko na ikinatigil nilang lahat.
Napangiwi si Roxane na parang hindi inaasahan ang lumabas sa bibig ko.
"I am the Queen of this University. The current 4th Highest. The Supreme Student Government Secretary. Ano bang gusto nyong parusa?"
Napayuko ang iba at ang iba naman ay napaatras na lang. What is the purpose of the power I have if I won't use it? They treat me as a disgusting whore when in fact I am one of the highest in this hell? I could even be one of the devil on their nightmares.
"Huwag kayong matakot!" Sigaw ni Roxane.
"M-Mali 'to. Hindi natin sya maaaring saktan."
"Hindi ko rin kaya."
"Ayoko na."
Sa isang iglap ay naglaho lahat ng estudyante na nakapalibot sa amin. Tanging kaming tatlo na lang nila Mia at Roxane ang natira. Nanginginig ito sa galit pero nakakalungkot lang na hindi nya ako magawang masaktan.
"I am sorry to tell this, but you will never be an exemption to the rule."
Ngumisi ito sa akin bago unti-unting humalakhak. Hindi ko alam kung bakit pero biglang nawala ang masamang aura na nakabalot sa kanya.
"Samantha,"
Natigilan ako nang marinig na naman ang pangalan na 'yon.
"You know what? Naiinis ako sa'yo. Simula pa lang ay galit na ako sa'yo."
Nanatiling tikom ang aking bibig at nakatuon ang atensyon ko sa kanya. "Because you are insecure." Wika ni Mia.
Mahina itong natawa. "Siguro nga pero naiinis ako na nakikita ko sya sa'yo. Naiinis ako na sa tuwing nakikita kita ay sya ang naaalala ko. Nakikita ko sa'yo ang isa sa mga itinuring kong kaibigan sa impyernong 'to." Wika nya.
Hindi ko ipinahalatang nagulat ako sa sinabi nya. Kilala ko kung sino ang tinutukoy nyang nakikita sa akin, Samantha pero nakakagulat na naging magkaibigan pala sila. Naiinis sya sa akin dahil nakikita nya ang dati nyang kaibigan.
"Isang kaibigan na iniwan lang din ako sa impyernong 'to. Akala ko, hindi nya ako iiwan pero mali ako." Mabilis na pinahid nya ang luhang lumandas sa mata nya.
"H-Hindi ka nya iniwan, pinatay nil-"
"I don't care! Iniwan nya pa rin akong mag-isa. I hate her! I hate you! Kinamumuhian ko kayong lahat!"
Tumakbo ito palayo sa amin at naiwan kaming dalawa ni Mia na tulala. Hindi ko alam na ganon pala ang nararamdaman nya. Kahit papaano ay naiintindihan ko na sya ngayon, parang nagrerebelde sya. Siguro nga, hindi muna dapat tayo manghusga base sa nakikita natin dahil hindi natin alam kung ano ang nasa loob nila, katulad na lang ng kay Roxane.
Pero hindi pa rin ibig sabihin non na magiging angel na ang turing ko sa kanya. Psh.
Naghiwalay na rin kami ni Mia dahil may pasok pa sya at ako naman dahil mamaya pa ang pasok ko ay minabuti kong pumunta na muna sa SSG Office.
Malayo pa lang ay nakita ko na agad si Supremo na nakatayo sa pinto ng SSG Office. Mabilis na kinain ako ng kaba ngunit tinatagan ko ang loob ko.
Hindi ko pa rin sya kayang harapin pero hindi ko naman sya maaaring takbuhan. Kailangan kong harapin ang ginawa ko at patunayan na kaya kong paninidigan ang desisyon na ginawa ko.
Nakatayo na ako ngayon sa gilid nya ngunit nanatili sa malayo ang tingin nya na animo'y wala sa sarili. Hindi ko naman magawang pumasok dahil nakaharang sya sa daan.
Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nya. Hindi naman ako nabigo dahil bumalik na sya sa realidad.
"Pinapatawag tayo sa Admin Office." Wika ni Supremo.
Nauna na syang naglakad habang ako ay nanatiling nakatingin sa kanyang likod. Inaasahan kong magiging malamig ang pakikitungo nya sa akin pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Hindi ako sanay.
Humugot ako ng lakas nang loob bago sumunod sa kanya. Pagkarating namin sa Admin Office ay naroon si Madame Violet, Francisco, Teacher Kath at Vice Ty.
May dalawang bakanteng upuan na halatang nakalaan para sa amin ni Supremo. Nauna na akong umupo sa kanya bago sya umupo.
Halos kapusin ako ng hininga. Nakakasakal ang hangin sa loob at sobrang sikip. Idagdag pa ang mga tingin nila sa aming dalawa ni Supremo. Bahagya kong niyuko ang ulo ko para maiwasan ang mga tingin nila habang ramdam kong bale wala lahat ng 'yon kay Supremo na presenteng nakasandal lang sa upuan.
"Naulit na naman ang dati," Paunang wika ni Francisco. "Binalaan na kita Supremo." Dugtong pa nito.
"Hindi ko na papahabain ito, ipinatawag ko kayo para sabihing.... Tinatanggalan ko na ng kapangyarihan si Supremo Ace Craige." Wika ni Madame Violet.
Mabilis na umangat ang aking tingin at umawang ng konti ang bibig ko. Gusto kong tumutol ngunit hindi ko alam kung paaano uumpisahan lahat.
"T-That's too much!" Wika ni Teacher Kath.
"You know the rules! An SSG President shouldn't be involved to anyone! An emotion will just be an hindrance and President Ace broke that rule!"
"Wala tayong sapat na ebidensya na may namagitan nga sa kanilang dalawa. Malay ba natin na haka-haka lang lahat." Patuloy na pagtutol ni Teacher Kath.
Malaki ang pasasalamat ko kay Teacher Kath dahil sa pagsalo nya sa amin ni Supremo. Parang umurong naman ang aking dila dahil nabigla pa rin ako sa sinabi ni Madame Violet. Tinuldukan ko na ang namagitan sa amin ni Supremo kaya hindi nila maaaring gawin 'to.
"Haka-haka?" Mejo natawa si Francisco na nakatingin sa amin. "Totoo ba?" Tanong naman sa amin nito.
Napatingin silang lahat sa amin, lalo na sa akin. Muling sumikip ang dibdib ko. Hindi haka-haka lahat, totoong minahal namin ni Supremo ang isa't-isa pero hindi ko naman maaaring ipagsigawan 'yon sa harap nila dahil mawawalan ng saysay lahat ng sakit at sakripisyo ko.
Hindi ko hahayaang masira ang lahat.
"Nakita ko ang tinginan nyo, alam kong may namamagitan sa inyo." Giit ni Madame Violet.
Nanginginig na ang buong katawan ko.
"Nakita mo naman pala e. There's no sense of hiding the trut-"
"Stop it!"
Nagulat sila sa pagsigaw ko at batid ko rin na napatingin sa akin si Supremo dahilan kung bakit parang hindi na talaga ako makahinga. Suminghap ako para kumuha ng hangin.
Nakatingin silang lahat sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang sabayan ang mga titig nila.
I will do anything for you even if I have to hurt you over and over again, I will. Supremo, I know you will hate me for this but sorry. You can't stop me.
"Hindi naging kami ni Supremo. Walang namagitan sa aming dalawa."
Napayuko ako matapos banggitin 'yon. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng silid na ito matapos kong sabihin 'yon. Sobrang sikip na ng dibdib ko.
I lied.
"T-That can't be! Lagi ko kayong nakikitang magk-"
"Because I am his secretary. A fucking secretary of this hell!"
Sa ginagawa kong pagkaila ay alam kong nasasaktan na naman sya. Alam kong hindi magagawang pahilumin ng isang patawad lahat ng ito pero patawad pa rin.
Patawarin mo ako, mahal ko. Mahal kita, sobra. Hindi na kailangang malaman ng iba 'yon dahil sapat na, na alam kong sa sarili ko na totoo lahat.
"Isang tanong, isang sagot... Ni minsan, minahal mo ba si Ace Craige?" Isang tanong mula kay Francisco.
FUCK!
"No."
Napapikit na lang ako nang marinig ang pagbagsak ng upuan sa tabi ko at ang pabagsak na pagbukas at sara ng pinto. Wala sa sariling napangiti ako.
Ipinagkaila ko lahat.
Gusto ko syang habulin at humingi ng patawad pero hindi ko na magawa. Gustuhin ko man ay hindi talaga pwede.
"Sapat na siguro 'yon para sabihin nating walang katotohanan ang lahat." Wika ni Teacher Kath.
Wala na akong maintindihan at tanging pagkagat lang sa labi ko ang ginagawa ko para pigilan ang pagbuhos ng luha sa mata ko.
Bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat? Siguro nga, maling umusbong ang pag-ibig sa lugar na ito.
"Alright!" Tumayo na si Madame Violet. "Still, Supremo Ace Craige is suspended for a week." Sabi nito.
Mas maganda na rin 'yon. At least, one week lang. Mabilis na kumaripas ako ng takbo palabas ng Admin Office.
Iginala ko ang mata ko sa paligid, nagbabakasakaling makita ko sya at makahingi man lang ng sorry pero wala.
I hate myself. I know you, too.
Lutang na pumunta ako sa secret garden at umupo sa ugat ng malaking puno roon. Niyakap ko ang binti ko at niyuko ang ulo ko.
Nakakapagod na. Gusto ko ng sumuko pero hindi maaari.
"You know what hurts the most than being left alone?"
Nanatiling nakayuko ako sa mga binti ko at hindi inangat ang aking paningin. Hearing his voice makes my heart shuttered into pieces.
"Being denied by the girl I am willing to scream the most."
Napapikit na lang ako nang pumatak na ang luha ko. Pinilit kong pigilan ang paghikbi ko ngunit hindi ko napigilan ang panginginig ng katawan ko. Pakiramdam ko ay babagsak na lang ako sa lupa ngayon.
Kahit na nanginginig ay pilit pa rin akong nagsalita. "Just leave me alone. I don't wanna hear your voice anymore." Wika ko.
Sorry, I have to hurt you for you to wake up on this nightmare.
"Ganon na lang ba lahat?"
"OO!"
Tumayo ako at sinabayan ang tingin nya. Dapat pala ay hindi ko na lang ginawa, hindi ngayon na nakikita ko ang walang patid ng pagtulo ng luha sa mata nya na mabilis din nyang pinapahid.
"M-Minahal mo ba talaga ako?"
"Minahal?" Natawa ako kahit na parang pinupunit na ang puso ko. "Sino bang magmamahal sa'yo? You are such a poor pathetic heartless man. How can you expect someone to love you? You are a devil!" I scream out of my lungs.
Nanginginig man ay pinilit kong magpakatatag pero parang bibigay na talaga ang tuhod ko matapos makita ang ngiti nya--- Mapait na ngiti.
OH.MY.GHAD! Should I now nominate myself as the world's most notorious liar, ever?
Narinig ko ang mapakla nyang tawa. Ang bawat halakhak na halatang pilit galing sa kanya ay parang matulis na bagay na tumatagos sa akin.
Madiin akong napapikit. "Stop it, Ace. You are just a pain in the ass." Suminghap ako bago sabihin ang isang bagay. "I am contentedly happy without you." Wika ko.
Walang kumibo sa amin matapos kong sabihin 'yon. Tanging malakas na pintig ng puso ko lang ang naririnig ko, at ang sakit na binalot na ang buong sistema ko.
"Can you do me a favor?" Tanong nya. "Just this one." Dugtong pa nito.
Nanatiling tikom ang aking bibig dahil alam kong wala na akong lakas para magsalita pa. Hinihintay ko na lang ang sasabihin nya.
In just a one swift move. Tumigil ang pagtibok ng puso ko and all I can feel right now is my shaking body, mind, soul and heart.
He kissed me.
"Fight, Zein. I want you to fight, not for me but for your friends and most especially, fight for yourself. Don't worry, I am still breathing and a promise is a promise. I am still your knight, your bulletproof and no matter what happens, you are still my Queen."
Tumalikod na sya sa akin habang ako ay walang nagawa kundi ang pagmasdan lang sya hanggang sa nawala na sya sa paningin ko.
I'll fight, but not just for myself or for my friends. I'll also shed every blood I have for you until I drown, and until I die, my King.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro