Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43

Chapter 43: Fight

Zein's Point of View

Hindi ko alam kung matutuwa ako o mababahala sa nabalitaan kong parusang ginawa ni Supremo sa mga taong sangkot sa pananakit sa akin.

Matuwa? Oo, aaminin ko na natuwa ako kasi alam kong nagawa nya lang 'yon para mabigyan ng hustisya ang kawalang hiyaang ginawa nila sa akin pero ramdam kong mas nangingibabaw sa akin ang pagkabahala. Nababahala ako na baka lumala pa ang lahat, baka maapektuhan maging kung ano ang meron sya ngayon. Nag-aalala at natatakot akong masira lahat ng pinaghirapan ni Supremo... ng dahil lang sa akin.

"Ms. Shion?"

Tumayo ako at pumunta sa table ni Teacher Kath kung saan inabot nya sa akin ang mga papeles na napakarami.

"Paki lagay sa stock room."

Tumango na lang ako at nilagpasan ang nakakunot na noo ni Supremo na halatang tutol sa inutos ni Teacher Kath. Well, pabor din naman sa akin 'to dahil napakabigat ng presensya sa loob. Halos hindi kami nagkikibuan ni Supremo gaya ng pakiusap ko sa kanya.

Nakiusap ako sa kanya na hangga't maari ay huwag kaming masyadong mag-usap kapag nasa paligid namin si Teacher Kath o Vice Ty. Ayoko ng lumala pa ang lahat.

Kagat-labing tinahak ko ang daan patungo sa stock room.

Inaamin kong nahihirapan na rin ako sa sitwasyon namin. Wala kaming commitments ni Supremo pero dinaig pa namin ang mag-on. Kailangan ba talaga ng commitments? Pakiramdam ko kasi ay wala ring kwenta ang mga salita sa bibig kung hindi sinasabayan ng aksyon. Action is much more powerful than words but action without words is confusing. Ang gulo.

Pinihit ko ang seradula ng pinto at itinulak. Mejo nahirapan akong itulak ito dahil kinakalawang na ang gilid nito. Napaubo ako nang malanghap ang alikabok.

Napakaraming papel at gamit na halatang matagal ng hindi ginagamit dito. Ipinatong ko ang mga papeles sa isang table kaya kumalat ang alikabok sa hangin na ikinaubo ko.

Naramdaman kong may presensya sa likod ko kaya mabilis akong napabalin doon ng tingin.

"A-Angel?"

Ngumisi ito. Napansin ko na putok ng pang-ibabang labi nya at ang braso nya ay may benda. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng awa dahil alam kong isa sa mga gang ang may gawa roon.

"Masaya ka na?" Tanong nito kung saan mababakas ang pakla at gigil. "Ikaw na ang Queen. Rank 4 ka pa." Wika pa nito.

Nanatiling tikom ang aking bibig dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang dapat kong isagot.

Hindi. Hindi dahil don kaya ako masaya. Hindi ako kailanman sasaya sa mga parangal at kapangyarihan. Isang tao lang ang maaring magpasaya sa akin. Siya lang ang kailangan ko para maging masaya. Mawala na sa akin lahat, basta andyan sya mananatili ang ngiti sa aking labi.

Grabe... grabe ang epekto nya sa akin para maging ganito ako.

"Nasa 'yo na ang lahat! Pero, bakit pati si Supremo?!"

Tumitig ako sa mata nya kung saan kitang-kita ko ang hapdi at sakit na nararamdaman nya. May pagtingin sya para kay Supremo... kaya nya nagagawa ito. Kung tatawagin nya mang pagmamahal ito ay tatawanan ko lang sya. Hindi 'to pagmamahal. Isa itong pagmamakasarili.

"Layuan mo na sya."

Wala sa sariling napangiti ako. Bago sunod-sunod na umiling. Nangako ako na hindi ako susunod sa kahit na sino, tanging sa kanya lang. I will only obey an order from him, only from Ace.

"Can't you see?! Habang nasa tabi ka nya ay mas nahihirapan sya. Pinapahirapan mo lang sya. Pahirap ka lang!"

"OO! ALAM KO!"

Nagulat sya sa pagsigaw ko. Nanginginig ang labi ko hindi dahil kay Angel kundi dahil sa katotohanang tama sya. Alam ko naman 'yon e. "Sa tingin mo natutuwa ako?! Huh?! Kung nahihirapan si Supremo mas lalo ako! Nasasaktan akong nakikita syang nahihirapan." Naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa mata ko.

Nanginginig ang buong katawan ko, maging ang puso ko na parang sasabog na. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ko kayang iwan si Supremo, hindi ko rin sya kayang nakikitang nasasaktan. Parang nasa isang silid ako kung saan may dalawang pinto... kahit na anong piliin ko ay masasaktan ako. Parang... parang mas gusto ko na lang makulong sa loob. Natatakot akong mamili.

"Kasalanan mo naman e. Kung hindi ka sana napalapit sa kanya, edi sana hindi ka nahihirapan!"

"This is not my fault! This is a fucking accident.." Humina ang boses ko kung saan kumawala ang sunod-sunod na hikbi. "Hindi ko ginusto na maging ganito ang lahat... aksidente lang lahat." Parang sirang plakang paulit-ulit na lumabas sa bibig ko.

Aksidente naman talaga ang lahat. Hindi ko ginustong makulong dito, hindi ko ginustong magtagpo ang landas namin... biktima lang din ako sa aksisenteng ito. Biktima ako ng mapaglarong kapalaran. Fuck!

"Layuan mo lang sya. Babalik sa dati ang lahat."

Mariin akong napailing. Kailanman ay hindi na maibabalik ang dati. Nangyari na ang dapat nangyari. Hindi ko na kayang ibalik ang dati... ang dati na wala lang sa akin si Supremo... ang dating hindi pa sya importante sa akin... ang dating wala pa akong pagtingin sa kanya. Ang dating kailanman ay hindi na maibabalik pa.

"Sorry..." Ang huling narinig ko sa bibig ni Angel bago nya isinara ang pinto.

Tumakbo ako papunta sa pinto ay pilit na binubukas ito ngunit nakakandado na.

Napahagulgol na lang ako ay hinayaang padausdusin ang sarili pababa.

Niyakap ko ang aking binti habang humahagulgol... nakatingin sa kawalan.

Hindi ako takot sa dilim, mas gusto ko ang dilim kesa sa liwanag dahil sa dilim ko naitatago ang lahat ng hindi ko maitago sa liwanag. I love in the dark pero ngayon hindi ko maiwasang matakot.

Natatakot ako na baka hindi ko na muling makita pa ang liwanag dahil napagtanto ko rin na sa liwanag ko natagpuan ang isang taong pumuna sa pagkatao ko.

I am in the dark and I badly want to see the light. My light... my Supremo. Ace.

Nawalan na ako ng iluluha at hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakaupo roon.

Kailangan ko ng mamili. Hindi ako kailanman maaring manatili sa gitna. Kailangan kong mamili at tanggapin ito ng buo.

It's either to forget or to stay. To hurt or to be hurt.

Ano na, Zein?

Nakarinig ako ang paggalaw ng lock sa labas kaya mabilis na tumayo ako at lumayo sa pinto para hindi matamaan kung sakaling pwersahang buksan 'to.

Napakalakas ng kalabog ng puso ko. Masisilayan ko ng muli ang liwanag sa labas at kailangan ko na namang maging matatag sa harap nila kahit na bumigay na ako sa loob.

Biglang bumukas ang pinto at dalawang tao ang tumambad sa akin.

Sumobra ata sa sikip ang dibdib ko at parang hindi na ako makahinga.

"Zein?! Ok ka lang?!"

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Supremo ngunit nanatili ako sa posisyon ko at nakatingin sa lalaking nasa likod nya.

Kumalas sya sa pagkakayakap at tumitig sa mata ko. Naramdaman ko na naman ang pag-init ng gilid ng mata ko.

"Z-Zein?"

Nalaglag ang panga nya nang hawiin ko sya at lumapit kay Matt. Nagulat si Matt nang yumakap ako sa kanya kasabay ng pagkawala ng hikbi sa bibig ko.

Hindi pa ako nakapili... ayokong mamili. Gusto ko munang lumayo kay Supremo, kailangan kong malinawan dahil kapag nasa tabi nya ako ay tanging makasama sya ang naiisip ko.

"Z-Zein?" Nalilitong wika ni Matt.

Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan sya sa kamay para umalis na roon.

Bawat na hakbang na ginagawa ko kasama si Matt at palayo kay Supremo ay parang tusok sa puso ko.

Ang sakit.

Hindi ko napigilang sumulyap kay Supremo na seryosong nakatingin lang sa amin but there I saw.... pain.

Napapikit ako at binitawan ang kamay ni Matt para tumakbo pabalik kay Supremo.

Sinalubong nya ako ng yakap at ginantihan ko 'yon. Damn! This is fucking wrong but the hell I just can't step away from him.

"Supremo, I can no longer fight."

"Hindi mo kailangang lumaban, ako ang lalaban para sa'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro