Chapter 42
Chapter 42: I miss you
Zein's Point of View
Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko habang nakatingin sa mga taong may kung anu-anong nilalagay sa akin. Malabo ang lahat at hindi ko makita ang mga mukha nila, basta ang alam ko lang ay naka surgical mask sila at mga nakaputing damit. Naramdaman ko ang muling pag-ikot ng paningin ko.
Nagising ako sa isang malawak na puting kwarto. Iginala ko ang mata ko sa kabuuan ng hindi familiar na silid na ito. Walang ibang gamit kundi ang hinihigaan kong puting kama, wala ring bintana ang tanging ang fluorescent lamp lang ang nagbibigay liwanag sa paligid at nakasara ang nag-iisang pinto.
Napatingin ako sa suot ko. Naka school uniform pa rin ako. I tried to move my legs expecting a severe pain, pero wala. Wala akong maramdamang sakit o bakas man lang na pinuruhan ako ng makapal na tubo. Kumunot ang noo ko at inalalayan ang sariling makaupo.
Hinawakan ko ang likod ko pero wala rin akong maramdamang hapdi. Imposible namang patay na ako dahil alam kong humihinga pa ako, ano bang nangyari? Asan ako?
Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isang lalaking naka laboratory suit na may surgical mask pa. Sandali nya akong sinulyapan bago lumapit sa akin at hinawakan ang aking binti at ni-check ito.
"May nararamdaman ka bang sakit o hapdi man lang?" Tanong nya habang patuloy pa rin sa pag-scan sa binti ko na animo'y naghahanap ng kung ano roon.
"W-Wala po." Malalim na sagot ko.
Kahit na wala akong nararamdamang sakit ay ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko at ang pahirapang pagsinghap ng hangin. Pakiramdam ko ay nasasakal ako sa lugar na ito kahit na malawak naman.
"Good. No scar nor bruise."
"Sandali po!" Pigil ko nang aktong aalis na sya.
Tumigil naman sya sa pagtangkang pagpihit ng seradula ng pitno at binalingan ako ng tingin habang nakataas pa ang isang kilay. Lumunok ako. "Where am I? Sino ka?" Tanong ko.
"Sorry binibini, hindi ko masasagot ang katanungan mo." Lumabas na sya at iniwan akong tulala.
Napabuga na lang ako ng hangin at ginalaw muli ang binti ko. Hindi ko maiwasang mapangiti, ano kayang klaseng paggamot ang ginawa nila sa akin at parang isang himala na hindi ako nalumpo?
Naalala ko na naman ang ginawa nila sa akin kaya hindi ko maiwasang mapangisi. Hintayin nyo ako mga mapagpanggap na tao, matagal na rin akong nagpapanggap at isang galaw ko lang ay makakatakas na ako at magiging malaya na. Hintayin nyo ako, malapit na akong makawala.
Nawala lahat ng pagkamuhi ko nang makita kung sino ngayon ang nakatayo sa pinto. Ang malalim na mata nito na tinatakpan ng salamin ay nakatitig sa akin, may halong pananabik at pag-aalala. Ang pagsikip ng dibdib ko ay mas lumala habang sumasabay ako sa mga titig nya.
"G-Gising ka na." Ang unang katagang kumawala sa labi nya bago sumilay ang isang ngiting nagpaluwag sa paghinga ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto sa akin ng lalaking 'to, nakakabaliw.
Pinagmasdan ko syang lumapit sa akin. Bawat hakbang na ginagawa nya ay parang talbog sa puso ko na gustong kumawala at pumunta sa kanya. Hindi ko na napigilang mapatayo at mapatakbo sa kanya.
Napasinghap ako nang magtama ang katawan namin at nang pumulupot ang braso nya sa likod ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ilang araw din kaming hindi nagkita para makaramdam ng ganitong klaseng pangungulila. God! I badly missed this guy and I don't know why.
"Damn! Gising ka na nga!" Malutong na mura nya bago mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa sobrang higpit ng yakap nya na sinasabayan ko. Parang gusto ko na lang itali ang sarili ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay sa kanya lang ako mabubuo. Pakiramdam ko ay si Supremo lang ang makakapuna sa napakalaking bakante sa pagkatao ko. Masama ba 'to? Masama bang dumepende ako sa kanya? Pero kasi hindi ko mapigilan, bawat araw ay mas lumalala ang lahat. Masama nga 'to.
Kahit na ayokong kumawala pa sa kapit namin ay napilitan akong gawin. Hinarap nya ako at kitang-kita ko pa rin sa mga inosente nyang mata ang pag-aalala, labis na pag-aalala.
"T-Tinakot mo ako." Nauutal na wika nito. "Tinakot mo ako ng sobra-sobra, Zein. Takot na takot ako." Paulit-ulit na katagang binitawan nito.
Si Supremo Ace Craige, natakot? Sa pagkakaalam ko ay sa pusa lang sya takot pero hindi ko alam na nakatakot ko rin pala sya sa akin. Dapat ba akong matuwa?
"K-Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko.
Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa nagawa ko sa kanya. Umiling ito at inalalayan akong makaupo sa kama. "Makita lang kita, ayos na ako. So please, huwag kang magtatanong kung ayos lang ako habang andyan ka." Wika nito.
Heto na naman sya sa pagbibitaw ng mga katagang tumutunaw sa akin.
"S-Supremo. Bakit ang gwapo mo?"
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tanong na 'yon at bigla na lang kumawala sa labi ko. Damn! Ano ba 'tong sinabi ko?! Parang nahypnotized nya kasi ako. GOD! Nakakahiya ka, Zein. Kakagising mo lang kung anu-ano na agad ang nasasabi mo.
"Hindi ko alam, hindi ko alam na gwapo pala ako. Sa pagkakaalam ko ay si Matthew ang gwapo para sa'yo." Natatawa nyang sagot.
"Gwapo sya, oo pero iba ka e. Hindi ko alam kung bakit pero kakaiba ang sa'yo."
"Tigilan mo nga ako, Zein Shion! Pinapakilig mo ba ako?!" Mejo irita nyang tanong na ikinahalakhak ko.
Halos kurutin ko ang pisngi nya sa gigil na hindi pa rin naaalis sa kanya ang pagiging high blood at ang pagkunot ng kanyang noo at kilay sa tuwing iniinis ko sya. I missed teasing him!
"Bakit, kinikilig ka naman?" Birong tanong ko.
"Oo! Kinikilig ako. Masaya ka na?"
Laglag pangang napatingin ako sa kanya. Huh? Bakit parang andaling aminin na kinikilig sya? Grabe! Hindi man lang nagdeny, well Supremo is Supremo. Pero, kinikilig sya? UGH!
"Pero binabalaan kita, kapag ako nagpakilig, hinding-hindi mo na ako papakawalan."
Ang yabang talaga nito kahit kailan. Kahit naman hindi nya ako pakiligin, nakikita ko pa lang sya kinikilig na ako. Effortless. Hindi nya ba alam 'yon? Lalo na kapag nagbitaw sya ng salita na halos iumpog ko na ang sarili ko sa dibdib nya. Psh.
"Zein?"
"Hmmm?"
"I miss you."
"Fuck you!"
"I really miss you. Can I hug you, again?"
Hindi pa man ako nakakasagot ay muli na naman nya akong nabalot. Kagat-labing gumanti ako ng yakap at halos sumabog na ako sa sobrang pagpipigil na tumili. Heto na ba ang sinasabi mong pagpapapakilig? Huh? Supremo? Congrats! Super effective.
Nahuhulog na naman ako. Nakakainis ka, Supremo.
"Ngayon ko lang naramdaman ito, ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam na masarap palang pumatay... lalo na kung ikaw ang dahilan." Bulong nya habang hinahaplos ang buhok ko. Napapikit ako sa ginawa nya at sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya. "Handa akong maging makasalanan para sa'yo." Dugtong pa nito.
Naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa mata ko. Handa rin akong pumatay para sa'yo, Supremo. Handa akong magpakademonyo para sa'yo.
Iniharap nya ako sa kanya at pinunasan ang luha ko. "Akin ka lang ah? Mangako ka sa akin, Zein. Natatakot na talaga ako sa mga posible pang mangyari. Dito ka lang please... dito ka lang sa 'king tabi, Zein." Wika nito sa mata ko na tumagos sa diwa ko.
Hindi ko maipapangako, pero susubukan ko. Susubukan kong yumakap sa'yo hanggat kaya ko.
"Supremo, lagi mo akong nasa tabi. Ako lang ang maaaring tumabi sa'yo. Tandaan mo 'yan, makikipagpatayan ako para sa pwesto dito." Turo ko sa dibdib nya.
"Ikaw lang naman ang nararapat dyan, ikaw lang ang una at huling nararapat dito." Turo nya sa dibdib nya. "Sa'yo lang nakalaan ang puso ko. Natatandaan mo pa ba nong sinabi ko sa'yong may lugar sa impyernong ito kung saan ligtas ka?" Tanong nya.
Naalala ko nung sinabi nya sa akin 'yon. Nung last day of bloody week.
"As long as I am breathing, you are safe. I am Ace Craige, your shield, your bulletproof, your knight... my queen."
Isinandal nya ako sa balikat nya at panandalian kaming kinain ng katahimikan. Hindi ko alam na kaya kong mahulog nang ganito sa isang tao, hindi ko alam na sa impyernong ito ko pala mahahanap ang langit. Kailanman, hindi ko pagsisisihan ang pagpapakatangang pumasok sa impyernong ito. I just so love this damn hell.
Napaayos kami ng upo nang may biglang pumasok. Umakyat lahat ng dugo sa ulo ko nang makita ang pagdapo ng palad nya sa pisngi ni Supremo.
Pakiramdam ko ay makakapatay ako, ngayon mismo.
"You are such a disappointment." Gigil na wika ni Madame Violet. "This is the last warning, Supremo." Dugtong pa nito.
"Do what you want, I finally found my happiness and there is no hell I will let this feeling fade."
"Katulad ka rin ni Lux. Pareho rin kayo ng tadhana ng dating Supremo."
Tumayo si Supremo sa harapan nya at nakita kong natigilan si Madame Violet. Nakita ko ang pagdaan ng takot sa mata nya nang makita si Supremo'ng nakangisi pero nag-aalab ang mata.
"Sa tingin nyo papayag akong gawin nyo ang ginawa nyo dati?" Tanong ni Supremo. "Nagkakamali ka. Subukan nyo lang galawin ang babaeng nasa tabi ko, ipapatikim ko sa inyo ang totoong impyerno." Babala ni Supremo sa kanya na maging ako ay nangilabot.
Wala kang mababakas ng biro sa sinabi nya. Puro ito at alam mong totoo. Hindi ko maiwasang matakot sa maaaring gawin ni Supremo. Hindi ko pa lubusang nakikita ang demonyong nakakubli sa kanya at parang ayokong makita.
"T-Tinatakot mo ba ako?" Nauutal na tanong ni Headmistress na halatang nasindak.
Damn this guy!
"Hindi pero kung gagawin nyo ang pinaplano nyo. Dapat lang na matakot na kayo."
Inis na lumabas ng silid si Madame Violet. Hinawakan ko si Supremo na nag-aapoy pa rin para pakalmahin. Tumingin sya sa akin ng nakangiti.
"Ikaw ang ipinaglalaban ko kaya sinisiguro kong mas madugo."
Napatingin kami nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang lalaking naka-surgical mask. Tumingin ako kay Supremo na nakangiti lang sa akin.
"It's ok." Ang huling katagang narinig ko bago ako nawalan ng malay.
Nagising ako na nasa kwarto na ako namin, pinalilibutan ng mga kaibigan ko. Naramdaman kong may yumakap sa akin at humagulgol.
"Zein! Sa wakas, gising ka na!" Humahagulgol na wika ni Mia.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Inalaayan nila akong makaupo at inabutan ako ni Dave ng tubig.
"May masakit pa ba sa'yo?" Tanong sa akin ni Matt.
Umiling ako bilang sagot.
"God! Tatlong araw ka ng nakaratay dito." Wika ni Vanessa na hinahaplos ang buhok ko.
Kumunot ang noo ko at tinitigan sila kung totoo ba ang sinabi ni Vanessa.
"Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanog ko.
"Mukha ba akong nagbibiro? But thanks God! Gising ka na rin." Wika pa ni Vanessa.
Tatlong araw akong tulog? Ganon katagal?
"Iwan na muna natin sya at nang makapagpahinga na muna sya." Suhestyon ni Jerome na hinihila si Vanessa na nagpupumiglas.
"Eh? Naman eh! Namiss ko nga si Zein! Gusto ko pa syang makatabi!" Parang batang wika ni Vanessa.
"As if naman namiss ka nya." Biro ni Jerome kaya si Vanessa na ngayon ang humila sa kanya palabas at narinig ko ang pagdaing ni Jerome.
Tumango sa akin si Matt at inayos ang unan sa likod ko. "Pahinga ka muna, Queen Zein." Wika nito bago ako hinalikan sa noo at sumunod sa kanila.
Ano daw?
Naiwan ako sa katahimikan at inalala ang lahat.
Kumunot ang noo ko nang mapagtanto ang isang bagay. 'Yong mga naka laboratory suits at naka surgical mask, posible kayang pinasok ako ni Supremo sa loob ng hidden laboratory? Kaya ba galit na galit si Madame Violet? Kaya ba parang himala ang mabilis kong paggaling?
Damn! Bakit ba hindi ko agad naisip 'yon?
"Meow."
Napatalon ako sa gulat nang biglang tumalon sa kama ko si Hoy na umupo pa sa lap ko. "Hoy!" Bulalas ko at mabilis itong binatukan.
"Kahit kailan talaga ang hilig mong manggulat!" natatawa kong wika.
"Meow."
"Yeah, I miss you too." Sagot ko na ikinatawa ko.
Kinuha ko ito at hinaplos ang kanyang balahibo. Bigla kong naaalala sa kanya si Supremo. Damn! Miss ko na naman sya. I miss him!
Binitbit ko si Hoy at sumilip sa pinto. Wala na sila, malamang na pumasok na sa kanya-kanya nilang klase.
Humarap ako sa salamin at inayos ang damit ko. Damn! Hindi ako mapapakali hanggat hindi ko nakikita si Supremo. Wala lang, gusto ko lang syang makita.
"Meow."
"Tama ka Hoy, pupuntahan natin si Daddy Ace." Sagot ko kay Hoy dahil pakiramdam ko ay tinatanong nya ako kung bakit ako nag-aayos ng buhok. "Miss mo na sya alam ko." Dugtong ko pa.
"Meow."
Nang makuntento na ako ay lumabas na ako ng dorm at naglakad. Buhat-buhat ko si Hoy na tahimik lang.
Madaling kumunot ang noo ko nang mapansin na pinang-iilagan ako ng mga estudyante. Kapag may nakasalubong ako ay yuyuko sila or mabilis na aalis sa daan.
Pakiramdam ko tuloy reyna ako.
"Meow."
"Manahimik ka nga, Hoy. Hindi kita maiintindihan. Basta, good boy ka ah? Huwag mong gugulatin si Supremo, babatukan talaga kita."
Parang tangang kinakausap ko si Hoy na tumahimik naman. Nagring na ang bell at hudyat na oras na ng klase kaya mabilis na naglaho ang mga estudyante sa paligid.
Takot talaga silang mahuli ni Supremo. Nakakatakot naman talaga ang isang 'yon. Bigla kong naaalala nong una ko syang nakita. Nerd na demonyo. Halos balian nya ako ng braso at nilagyan ng Supreme Mark Warning Number 1.
"Wala kang pasok?"
Napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang isang boses sa likuran ko na nagpalundag sa puso ko. Unti-unti akong humarap sa kanya.
Nakapoker face ito habang nakatingin sa akin. As usual ay hawak nya pa rin ang logbook nya kung saan nakatala ang mga bagay-bagay.
"W-Wala?" Hindi siguradong tanong ko. "Hindi ba ako excuse? I mean, 'di ba? May nangyari sa akin?" Pagpapaliwanag ko na ikinataas ng kilay nya.
"Meow."
Nabalin kay Hoy ang kanyang tingin kaya tumikhim sya.
"You are not excuse."
Lumunok ako habang sinasabayan ang malalim nyang titig. "You don't need an excuse. You are the Queen, after all." Bigla syang ngumiti na ikinatigil ko.
Aktong hahawakan na nya ang braso ko nang makita nya si Hoy na nakatingin sa kanya. "Shit." Mahinang bulong nya bago muling tumikhim.
"Follow me." Utos nito na sinunod ko naman.
Nakangiting sumunod ako sa kanya. Parang nong una lang kaming nagkita, napakalamig nya ngayon at hindi ko alam pero kinikilig ako. Psh.
Pumasok kami sa Gymnasium kung saan walang tao. Umupo kami sa isang upuan. Ipinatong ko si Hoy sa lap ko.
"Kamusta na pakiramdam mo?" Panimula nito na hindi makatingin sa akin.
"Ayos naman. Tatlong araw pala akong tulog?!"
Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya kong matulog sa ganong katagal na araw.
"Sinadya ko 'yon." Wika nya. Bumalin sya sa akin ng tingin. "Dahil may bago kang responsibilidad bilang Queen of Hell University." Tumaas ang isang sulok ng labi nya habang kumunot naman ang noo ko.
"Queen of--What are you talking about?" Naguguluhang tanong ko.
"Roxane Allister is no longer the Queen of HU. It is you now."
"Weh?"
"Mukha ba akong nagbibiro?" Mejo irita nyang tanong.
"Hindi nga?!" Hindi makapaniwala kong tanong.
"I am dead serious. And Matthew is the new King."
Pagkasabi nya non ay biglang kumutitap ang mga mata ko. Kahit naman kaibigan lang ang turing ko kay Matt ay crush ko pa rin naman sya kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkakilig.
"You seem happy with that huh?" Mejo irita nyang sambit.
"Lumuhod ka sa harap ko." Utos ko na ikinalaglag ng panga nya.
Kumunot muli ang kilay nito.
"Bakit naman kita susundin?"
"Because I am the Queen and you are just a President." Mataas kong sagot na mahinang ikinatawa nya.
"I am still higher than you, Queen Zein. You are just in the 4th place while I am leading the H10." Ngayon ay sya na naman ang nagmayabang.
Hindi ko maiwasang matuwa.
"Ikaw na ang number 1?" Tanong ko pa. Tumikhim ito bago taas noong tumango. "Waah! I am so proud of you!" Masaya kong sambit na ikinangiti pa nya. "Si Matt? Kasama ba sya?" Sunod kong tanong.
"Y-Yeah? Rank 7--"
"Ang galing talaga nya!" Wika ko na napatayo pa sa tuwa. "Sandali lang Supremo ah? Kailangan kong mabati si Matt." Pagpapaaalam ko pero mabilis na nahawakan nya ang braso ko.
"Hindi ka aalis." Matabang na wika nito.
"I am the Queen!" Pagpupumiglas ko na ikinangisi nya.
"And you know that I do not give a damn." Muli nya akong pinaupo kaya wala akong nagawa kundi sundin sya.
"Oo nga pala Supremo, miss kana ni Baby Hoy." Inilapit ko sa kanya si Supremo kaya mabilis na umatras sya na halos ma-out-of-balance pa.
"Ilayo mo nga sa akin 'yan!"
"Buti pa si Matt, gusto nya si Hoy." Kunwaring malungkot kong saad.
Muli itong tumikhim.
"Bakit ba puro ka na lang Matt?" Mejo irita nyang tanong.
"DUH! Syempre kaibigan ko sya. Ang unang lalaking bumihag sa mata ko." Pabalang na sagot ko.
"Ako naman ang bumihag sa puso mo."
"Sure ka?" Tanong ko pa na ikinainis nya.
"Bakit, Zein? Hindi ba?" Mejo irita nyang tanong.
"Ewan ko sa'yo."
Napatayo ako nang makita si Angelica na humahangos papunta sa amin. May dugo ang kaliwang binti nito kung saan may nakaturok na pako.
"S-Supremo. Tulungan mo ako."
Napaupo ito sa sahig at hindi na maikilos ang kanyang binti. Pawis na pawis din ito. Kahit na hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari ay hindi ko pa rin maiwasang mag-aalala.
"Anong nangyari sa'yo?" Alalang tanong ko.
Nagulat ako nang itulak nya ako palayo kaya tumama ang likod ko sa upuan at nabitawan ko si Hoy.
"Damn!" Naramdaman kong hinawakan ako ni Supremo.
Tumingin ako kay Angel na nakatingin ng masama sa akin.
"Ahh!" Muli itong napasigaw at biglang may bumaon na naman na pako sa kaliwa nyang binti.
Napatingin ako sa isang babae sa hindi kalayuan. Nakangisi ito sa akin habang pinaglalaruan ang pako sa kanyang daliri. Nicky.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Supremo sa akin.
"Meow."
"Si Angel. Kailangan nyang malunasan." Wika ko.
Tumingin si Supremo kay Angel na umiiyak. "Don't worry. Ipinatanggal ko ang lason sa mga pako kaya pamamanhid lang ang mararamdaman mo. Hindi ka pa mamamatay, not yet." Sabi sa kanya ni Supremo.
Umangat ako sa ere at napahawak sa braso ni Supremo. "Kagagaling mo lang sinaktan ka na naman. Nakakainis." Wika nya pa sa akin.
Bumalin ako sa likod kung saan nagsisisigaw si Angel nang sabunutan sya ni Nicky.
Hindi pa rin nakatakas sa akin ang masamang titig ni Angelica na animo'y may binabalak na namang masama.
Psh.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro