Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Chapter 40: Blame

Zein's Point of View

Tulalang nakatingin lang ako kay Supremo na mahimbing na natutulog dito sa kama sa clinic.

I can't help it but to blame myself. Tama, ako dapat ang sisihin sa nangyari. Kung hindi ko pinilit si Supremo na kumain ng spinach ay hindi sana sya hinimatay at nagkapantal-pantal. Sobrang pula  ng mukha nya.

Napatayo ako nang biglang pabagsak na binuksan ang pinto at iniluwal nito si Angel na nag-aapoy ang mata. Napaatras ako pero nasampal na nya ako na halos ikabingi ko.

Masakit pero ano pa bang magagawa ko? I deserve more than one slap. I deserve worse than slap.

"You stupid! Nilagay mo sa alanganin ni Supremo!" Sigaw nya sa mukha ko.

"H-Hindi ko sinasady-" Napayuko na lang ako nang muling dumapo ang nangangalaiting palad nya sa mukha.

"Tanga ka kasi sabihin mo!"

"Stop it, Angel!" Pigil ni Nurse Cha kay Angel nang aktong sasampalin na naman nya ako for the third time. "Hindi mo gugustuhing malaman ni Supremo na dumapo ang palad mo sa pisngi ng babaeng 'to." Turo sa akin ni Nurse Cha.

Napakagat na lang ako sa labi nang magbadya ang luha ko. Tangina! Bakit ba masyado akong nagiging emotional? Wala akong kasalanan! Hindi ko sinadya dahil hindi ko alam na allergic pala si Supremo sa spinach.

"Sigurado akong paparusahan ka ni Supremo 'pag nagising sya. Baka sya pa mismo ang pumatay sa kanya." Dinuro-duro nya ako at wala akong nagawa kundi ang yumuko.

"Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo kayang parusahan ni Supremo ang babaeng 'to? Ikaw sa sarili mo alam mo ang sagot." Natatawang pagtatanggol sa akin ni Nurse Cha. "Baka nga ikaw pa ang maparusahan sa pananakit sa kanyang sekretarya." Dugtong pa nito.

Napaismid si Angel. Akala mo kung sinong anghel, demonyo rin pala ang ugali. Unti-unting nabubuhay ang pagkamuhi sa loob ko pero mabilis rin na naglalaho kapag naiisip ko si Supremo. It seems like I can't be a devil whenever I am with Ace.

"Kung hindi sya mapaparusahan ni Supremo, ako ang magpaparusa sa'yo!" Nagmartsa na ito palabas at iniwan kami ni Nurse Cha.

Hinarap ako ni Nurse Cha na nakangiti. "Huwag mo syang intindihin. Hindi mo sinadya." Pagpapatahan nya sa akin.

Hindi pa ako nakakamove on sa pagnanakit ni Angel ay pumasok naman si Teacher Kath at agad na lumapit sa akin.

Muli akong napaatras pero nahablot na nya ang buhok ko na ikanasigaw ko. Parang mapupunit ang anit ko sa sobrang hapdi at tindi ng pagkahawak nya rito at wala akong ibang magawa kundi ay sumigaw at magmakaawang bitawan na nya ang buhok ko.

"Sabi ko na nga ba wala kang magagawang matino e." Nangangalaiting sambit nya at hinila ako palabas ng Clinic.

Pabagsak na itinulak nya ako dahilan ng pagkasalampak ko sa lupa. Napaawang ng konti ang bibig ko sa lakas ng impact na unang tumama sa lupa ang balakang ko. Damn! It hurts.

"Zein!" Naramdaman kong inalalayan ako ni Mia.

"Wala kang karapatang saktan si Zein!" Singhal ni Vanessa sa harap ni Teacher Kath na poker face lang.

Tumayo ako para pigilan si Vanessa. Ayoko ng lumaki pa ang gulo. May kasalanan naman talaga ako, hindi ko nga lang sinadya. Pero sa pananakit pa lang nila, napagbayaran ko na ang nagawa ko, sobra-sobra pa nga.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Mia sa akin.

Tumingin ako sa likod namin pero wala ang mga boys.

"Tinangka nyang patayin si Supremo!"

Tangina! Ang sarap isampal sa mukha nya ang isang spinach at ibuhos ang sama ng loob ko na hindi ko sinadya! Why would I kill him? Why the hell would I kill my life? Fuck it!

I am thinking, paano ako kung mawala si Supremo? Sya lang ang kayang kumontrol sa akin. Magdasal na lang kayo na nasa tabi ko pa rin si Supremo, baka makita nyo kung gaano ba kabagsik ang babaeng inaapi nyo. Subukan nyo ako.

Hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako sa isa sa mga bench sa wide space kasama sina Mia at Vanessa na nakatitig lang sa akin.

"Hindi ka lumaban." It was more like a disappointment than a statement.

Lumaban? Lalaban ako kung hindi ko lang iniisip si Supremo. Fuck! Kating-kati akong lumaban! Kung alam lang nila kung anong klaseng pagpipigil ang ginawa ko.

"Ano ba talagang nangyari?" Isang tanong kay Mia na nagpabalik kung ano ang nagawa ko kay Supremo.

I cursed myself! Kahit na anong gawin kong pag-unawa na hindi ko sinadya ay hindi pa rin mawala na ako ang may kasalanan.

Kinwento ko sa kanila ang nangyari at hindi ko alam kung maiinis ako na kinikilig sila. WTF?! Walang nakakakilig na nangyari.

"Wala kang kasalanan. Kung meron may ay si Supremo 'yon. He should have told you but he remains silent dahil ayaw ka nyang biguin. See? He cares for you than for his health." Nakangiting pagpapaliwanag ni Vanessa sabay hampas sa braso ko.

He cares? Oo, nararamdaman ko. Ano nga ba talaga kami ni Supremo? I am more than just his secretary, more than friends but not a couple. What are we, Ace?

"Gosh! Namumula ang pisngi mo." Puna ni Mia. "Did she also slapped you?" Tanong nya pa.

Napalunok ako. Hindi ko sinabi ang eksena namin ni Angelica dahil alam ko ang maaring gawin ng dalawang ito, especially Vanessa.

"Ahh wala. Blush on." I lied. Oh come on, Zein!  Napakagaling ko talagang gumawa ng dahilan. Super effective kaya nakakunot na ang kilay ng dalawa ngayon.

"Hindi ka magme-make up. Tell us!"

"Oo nga! Sinong gumawa sa iyo nyan?"

Umiling na lang ako. "That's not important. Nagugutom na ako." I tried to divert the topic. Pasimple silang napangiwi pero tumango na lang sila.

Damn, Angelica. You must be thankful, you don't even deserve to be protected because of what you've done to me. You must be really thankful. Swear.

Pagkapasok ko sa Cefeteria ay isang malagkit na likido ang bumuhos sa damit ko. Narinig ko ang pagsinghapan nila Mia at Vanessa.

"Ow! Andito na pala ang babaeng may kasalanan kung bakit nalagay sa alanganin ang buhay ni Supremo."

Just by hearing her voice. Hindi ko na mabakas ang mala anghel na boses nya, napalitan ito ng isang malademonyong boses.

Pagpapakitang tao lang ba ang lahat?

Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Angelica, Roxane at ang dalawa nyang alalay. Nasa likod nila ang mga estudyanteng nanlilisik ang matang nakatingin sa akin.

Gusto kong tumalikod na at tumakbo pero hindi ko magawa.

"Papayag ba kayong patayin ng babaeng 'to ang ating Supremo?" Tanong ni Roxane sa mga estudyante.

Halos takpan ko ang tainga ko dahil sa mga sinabi nilang sobra. As in sobrang sakit na parang hindi na maalis ang mga 'yon sa utak ko.

Ito ba? Ito ba ang mga estudyanteng handa kong tulungan para makalabas sa impyernong ito? Sila ba ang handa kong pag-alayan ng buhay para sa isang napakadelikadong misyon na hanapin ang hidden laboratory? Hindi nila alam ang buong nangyari, malamang lang na nilason nila Angel ang utak ng mga estudyanteng 'to pero ganon ba talaga kakitid ang utak nila para maniwala?

Shit! Nawawalan ako ng ganang lumaban para sa kanila. Huwag lang sanang humantong sa tuluyan na akong mawalan ng gana at tumunganga na lang sa isang sulok at hintaying makumpleto ang formula at manganib ang buhay nila.

Hindi nyo alam kung anong sakripisyo na ang ibinuhos ko para matulungan kayo.

I even accepted to be their Secretary to gain information that is risky.

"Anong gusto nyong gawin sa kanya?" Tanong ni Roxane.

"Itali sa upuan!" Sigaw ng isa.

Nanghina ako nang unti-unti silang lumapit sa akin. Hinarangan ako nila Mia at Vanessa na wala lang nagawa. Hinawakan sila ng sampung estudyante na kahit anong pagpupumiglas nila ay wala silang magawa.

Napapikit ako nang maramdaman ang maraming kamay na humawak sa akin at pwersahan akong iniupo sa isang silya sa gitna ng cafeteria at igapos roon.

"Anong next?" Natatawang tanong ni Angel nang magawa na nila akong igapos.

"Here."

Napalunok ako nang makita kung ano ang hawak ni Roxane. Isang makapal na tubo.

"A-Anong gagawin nyo?" Nakaramdam ako ng takot sa mga oras na ito.

Napakalakas ng tibok ng puso ko. Nanginginig ako. Hindi naman nila siguro ipapalo sa akin 'yon. That would be too much if ever. No. Hindi nila kayang gawin sa akin 'to.

Halos maputol ang litid sa aking lalamunan sa sigaw nang ipalo nila sa binti ko ang tubo. Ramdam ko ang paggalaw ng buto ko. I cried out loud. It fucking hurts.

"Damn! Stop it!" Sigaw ni Mia.

"Sige lang. Saktan nyo sya. Hindi nyo alam kung sino ang binabangga nyo. He is more than one call away. Hintayin nyo lang sya. Parating na sya."

Kahit na naguguluhan ako sa sinabi ni Vanessa ay hindi ko pa rin maiwasang mapasigaw nang ihambalos nilang muli sa tuhod ko ang tubo.

Nakita ko sa hindi kalayuan si Nicky na pinapanood lang ako.

Naramdaman kong may humawak sa mukha ko at pilit na itong iniangat.

"You are so helpless. Masarap ba?" Pang-aasar ni Roxane.

Dinuraan ko sya sa mukha na ikinangiwi nya. Napayuko ako nang hambalusin nya ang likod ko ng tubo. Napaubo ako sa sobrang sakit kasabay ng paglabas ng dugo sa bibig ko.

"Fuck you!" Sigaw ko.

"May gana ka pang lumaban huh?" Nakangising wika ni Angel na kinuha kay Roxane ang tubo. "Paalam, Zein Shion."

Mulat na mulat ang mukha ko habang palapit ng palapit sa akin ang tubo. Parang bumagal ang takbo ng oras. Sobrang bagal na nagawa nang pigilan 'yon ng isang lalaking nakapoker face.

Hindi nya kailangang ipakitang galit sya dahil ramdam na ramdam mo ito. Sobrang dilim ng aura nya. Nakakatakot. Ngayon ko lang syang nakitang ganito.

Damn, Supremo.

Ang kanyang braso ay mas lumapad habang hawak-hawak ang tubo na nabitawan na ni Angel. Kitang-kita ko ang konting crack na nagawa ni Supremo sa makapal na tubo. Sobrang higpit ng hawak nya. Demonyo, muli kong nakikita ang demonyo sa kanya.

"It's doomsday." Sigaw ni Vanessa.

Naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko at pagbigay ng katawan ko. Sobrang sakit.

Bago ako tuluyang nawalan ng malay. Narinig ko ang tinig ng isang demonyong nagpupuyos sa galit. Ang boses nya, parang binalutan ng yelo.

"All of you. Take my command. Go to gymnasium." Isang tinig na nagpatayo sa balahibo ko. "This.is.an.order.from.the.Highest.Supreme.Student.Government. NOW!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro