Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

Chapter 39: Spinach

Zein's Point of View

Staying away on trouble was not that hard, basta ba may dahilan ka para umiwas ay talagang magagawa mo. In my case, ayoko ng muling makagawa ng isang maling galaw na maaring magdulot na naman ng problema. I am so sick on causing trouble.

"Here," Inilapag ko sa table ni Roxane ang kanyang shoulder bag na ipinakuha pa nya sa kabilang building. Nagpaalila ako kay Roxane dahil kung lalaban ako, sa huli ay talo pa rin ako. Marami na akong nagawang mali at ayokong magdagdag na naman.

"Wait," Pigil nya sa akin nang aktong aalis na ako. "Parang may feeling ako na mahuhulog ang bag ko at kakalat ang mga gamit ko sa sahig." Aniya na ginawa naman ng isa nyang alalay.

"I knew it! Malakas talaga ang feeling ko. Pulutin mo nga."

Hindi ko ipinahalatang nagpupuyos na ako sa galit dahil alam kong 'yon naman talaga ang rason nila sa pang-aalila sa akin, ang makitang gumanti ako at gamitin 'yon laban sa akin. Madumi sila maglaro kaya ayokong makipaglaro sa kanila.

Napansin ko ang isang kamay pang tumulong sa akin magpulot habang nasundan pa ito ng isa pa at isa pa. Inangat ko ang aking paningin. Napangiti ako nang makitang tinutulungan akong magpulot nila Mia, Jerome, Dave at Matt samantalang si Vanessa ay nakatayo lang. Alam kong nagpipigil lang 'yan ng galit.

"Thank you," Pagpapasalamat ko sa kanila bago ibinalik ang shoulder bag ni Roxane sa table nila.

Humalakhak silang tatlo na ikinangiwi ko. Tuwang-tuwa silang nakikitang nahihirapan ako. Well, 'yon naman talaga ang laro para sa kanila e. Masaya sila sa larong hindi kaaya-aya sa paningin ng iba.

"Parang may feeling pa akon-"

"Hindi mo ba nararamdaman ang feeling na baka mabigla ka na lang at dumapo na sa pisngi mong binabalutan ng kolorete ang palad ko?" Putol sa kanya ni Vanessa kaya hinawakan ko sya sa balikat para patahanin.

"How dar-"

Isang sampal mula kay Mia ang inabot ni Roxane na ikinatigil naming lahat. "Awts. Sorry, hindi ko napigilan." Inosentang wika ni Mia kaya hinila ko na siya palabas ng cafeteria dahil alam kong gaganti si Roxane.

Humalakhak na sumusunod sa akin ang apat na pinamumunuan ni Dave na proud na proud pa sa ginawa ni Mia. Hindi ko maiwasang mapangiti. Masaya ako para kay Mia na nailalabas na nya ang saloobin nya at hindi na kinikimkim. Mia is as silent as night yet as wild as an innocent tiger.

"Dapat sa magkabilang pisngi," Turo pa ni Vanessa na humalakhak. "Pero infairness, ang lakas non ah. Buti nga sa kanya." Dugtong pa nito.

"Paano kung gantihan ka nya?" Putol ko sa kasiyahan nila. "Paano kung mas malala pa ang gawin nya kesa sa ginawamo?" Hindi ko maiwasang mag-alala.

Knowing that queen bitch. Hinding-hindi sya nagpapatalo kahit kanino at nag-aalala lang ako kay Mia kung ano ang gagawin sa kanya ni Roxane bilang ganti.

"Edi isang sampal pa sa kabila nyang pisngi." Matapang na sagot ni Mia. "Huwag ka ngang mag-alala sa akin. I can handle myself, baka nakakalimutan mong nakapatay na ako." Muli silang humalakhak kaya nahawa na ako sa kasayahan nila.

Ang kasiyahan na 'yon ay may katapusan gaya ng lahat. Pumasok na sila sa kanya-kanya nilang subject habang ako ay naiwan na namang mag-isa.

"Kailan ka ba talaga matatauhan?"

Napatayo ako sa kinauupuan ko nang sumulpot na naman sa harapan ko si Nicky na as usual ay nakapoker face na naman. "If you are going to slap me again, do it quickly." Matabang na sagot ko na mahinang ikinatawa nya.

"Hindi ka naman marunong masaktan e. I am thinking kung paano kita masasaktan." Hinawakan pa nito ang kanyang baba na animo'y nag-isip. "I will hurt you emotionally. The wound inside is far more painful than the wound outside. What do you think?" Isang ngisi ang kumawala sa labi nya na nagpatayo ng balahibo ko.

Anong pinaplano nya?

"Then do it." Matabang na sagot ko pa.

"Ow! I forgot that it is more like hitting two birds at the same stone." Natigilan ako. "Ano ba para sa'yo si Supremo?" Ang tanong na tuluyan ko ng ikinatigil.

Nakaramdam ako ng inis dahil idadamay nya pa ang mga inosenteng tao para lang masaktan ako. "What do you want? Why are you keep on doing this shit?" Mapait na tanong ko.

Gusto ko ng malinawagan kung bakit lagi nya akong binabataan. I know she was hiding something. Isang bagay na hindi ko namamalayang naaapakan ko. Kung ano man 'yon ay wala akong ideya. I am clueless.

"Layuan mo lang si Supremo kapalit ng katahimikan mo."

"Bakit ba ayaw nyo akong nakikitang kasama si Supremo?" Mejo iritanang tanong ko na. Why they can't just explain it to me para malinawagan naman ako at alam ko ang dahilan kung bakit ganon ang nais nila.

"Hindi kayo dapat magkasama. Hindi kayo dapat mapalapit."

"Bakit nga?! Give me a one valid reason!" Maawtoridad kong sambit. "If you can't give me an acceptable reason then there's no way you could stop me." May halong pagbabantang dugtong ko.

"One valid reason? Because you are just a hindrance, a pest in our life, a shit on the way."

Kumunot ang noo ko at handa na sana akong magtanong nang tumalikod na sya at tuluyan akong iniwang mag-isa gaya ng kanina. Shit! Hindi ko talaga maintindihan! Bakit ba isang hadlang ako para sa kanila? Ano ba ang hinahadlangan ko at parang hindi madali para sa kanila na sabihin? May pinaplano ba sila against Supremo? Err--- UGH!

Lunch time na kaya pumunta na ako sa cafeteria para magtake out ng mga pagkain. Sobrang busy kasi ni Supremo na hindi na nya magawang kumain sa tamang oras. Masyado ata syang pinapahirapan nila Madame Violet. Pagkatake out ko ay pumunta na ako sa SSG Office at dinatnang mag-isa si Supremo na hindi man lang ata naramdaman ang pagdating ko. Tutok ito sa mga papeles na isang katutak. Psh.

Nakaramdam ako ng inis na hindi man nya ako nagawang sulyapan kaya kinuha ko ang mga papeles na nasa table nya. "Finally!" sambit ko nang mapatingin na sya sa akin,nakakunot nga lang ang kilay.

Ipinatong ko sa table ko lahat ng papel at inilapag sa table ni Supremo ang mga pagkain na kinuha ko sa cefeteria. "What are you doing?" Tanong nya.

"We're going to eat if you forgot that it is already 12 pm."

Napatingin naman sya sa wrist watch nya.

"Mamaya na lang ako kaka-"

"Shut up," Putol ko na ikinatawa nya.

Galak na galak talaga sya kapag nabibwisit ako sa kanya. Isaksak ko kaya sa lalamunan nya ang mga papeles nang magawa naman syang busugin ng mga ito. Hay naku! Pinapainit na naman nya ang ulo ko.

"Gagawin mo akong hayop?" Hindi makapaniwalang tanong nya habang nakatingin sa mga gulay na nakahain sa harapan nya. Hindi talaga ako kumuha ng mamantikang pagkain at pinlano ko talagang puro gulay ang lahat. "Papakainin mo ako ng bermuda grass at isang-- what's this?" Turo nya sa isang gulay.

"Ampalaya." Maikli kong sagot.

"Eww. Sounds bad."

I rolled my eyes heavenward. "Sounds gay." Sagot ko naman.

"What?! I am not!"

"Then eat, straight boys eat vegetables."

"Does it have a scientific explanation?"

"That's my theory! Damn! Eat now!" Inis na sambit ko sa kaartehan nya at ka-ek-ekan na scientific explanation. It was just a vegetable, hindi sya mamatay where in fact na malaki pa ang magiging benefit sa kanya nito.

Nagsimula na akong kumain habang sya ay nandidiring nakatingin lang sa akin. "Hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang ako." Matabang na wika ko.

"Nakakabusog kaya. Actually busog na busog na ang mata ko sa ganda ng view."

Inis na ibinagsak ko ang kutsara ko at lumapit pa ng konti sa kanya. Kinuha ko ang plato nya at kutsara para subuan na sya. Umatras ito kaya umabante naman ako.

"One wrong move and I will kick your balls," Iritadong pananakotko.

Napangiwi ako nang takpan nya ang pagitan ng hita nya. Namula ako nang mapagtanto ang nasabi ko. OH MY GHAD! Supremos is so fucking hot with that poise with his hand on his—UGH!

"How could I give you a baby if you will kick my balls?" Nakangising sambit nya na halos ikalaglag na ng panga ko.

OH MY GHAD!

"Okey, I won't kick your balls. Just don't move away, again." Wika ko bago muling iinabante ang upuan ko papunta sa kanya.

Hindi tuloy ako makatingin ng maayos sa kanya dahil nakangisi sya. Alam na alam nya talaga kung paano ako inisin. Malapit na talagang bumingo sa akin ang lalaking 'to.

"Kunwari ka pa, takot ka rin namang mabaog ako."

"Fuck you 1 million times!" Inis na hinablot ko ang ulo nya at inilapit sa akin. "Eat it or else.." Pagbabanta ko habang nakatutok sa tikom nyang labi ang kutsara. "I will eat you." Dugtong ko na ginaya ang sinabi nya.

"Oh please eat me, Zein."

Laglag pangang nabitawan ko ang kutsara habang sya ay humahalakhak. Ano raw? Bakit parang iba ang pagkakaintindi ko sa sinabi nya? UGH! I don't know what to do with this guy! Ang hirap nyang talunin. Kapag lumaban naman ako sa kanya ay sa huli aking panga pa rin ang laglag. Ang bawat salitang binibitawan nya ay parang pasabog na nakakalaglag ng panga! UGH! Damn, Ace.

Inis na aktong tatayo na ako nang pigilan nya ako. "O-Okey, Kakain na po ako Ma'am. H-Huwag mo lang akong iiwan." Nauutal na sambit nya at kinuha ang kutsara sa plato ko.

"Ito na lang ang gagamitin ko para may kontra ako sa lasa ng mga damong ito." Inosenteng wika nya pa na ang tinutukoy ang ang kutsarang ginamit ko.

Wala ba syang alam? Hindi ba nya alam na sasabog na ako sa mga pinagsasabi nya? Tangina! Ang sarap ihampas ng lalaking 'to sa pader. UGH!

Pinanuod ko syang nguyain ang ampalaya na halos isuka nya pa. Sobrang pula ng mukha nya na parang kahit na anong segundo ay iluluwa nya na ang ampalaya.

"Pwe! Ang pait naman nito Zein." Aniya na ikinatawa ko. Hindi naman nya iniluwa.

Tumayo sya at may kinuha sa kanyang drawer bago bumalik sa akin. Sa akin? Pwe.

"Aanuhin mo 'yang asukal?" Tanong ko. Napangiwi ako nang isawsaw nya roon ang ampalaya. "Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Sarap na sarap na kinain naman nya 'yon habang ako ay nakangiwi. "Not bad but, parang kulang sa tamis." Aniya pa na nakatingin sa akin.

"Edi kainin mo na ang isang garapong asukal na 'yan." Pabalang na suhestyon ko na ikinatawa nya.

Natutuwa talaga sya sa pang-iinis nya sa akin.

"Kahit na kainin ko ang lahat ng asukal sa buong mundo, sa tingin ko ay wala nang mas tatamis kapag labi mo na ang natikman ko." Seryosong wika nya habang nakatingin sa labi ko.

Heto na naman ang panga kong halos sumayad na sa sahig.

"T-Tigilan mo nga ako." Naiilang kong saway sa kanya.

Tumango lang ito at muling kumuha ng ampalaya at isinawsaw sa asukal. Isinubo nya 'yon habang nakatingin sa labi ko. "Kahit pala tignan ko lang, matamis na." aniya pa.

Supremo naman e! Tiigilan mo na ang pagpapakilig sa akin. Hindi ko na kaya, baka sumabog na lang ako bigla rito.

"Pwedeng patikim?" aniya pa.

"Tigilan mo ako!"

Ngumuso naman ito bago sumubo muli ng ampalaya. "Ang damot mo naman. Alam mo bang mas pinasasabik mo ako?" Tanong pa nya.

Hindi na lang ako kumibo at pinanuod lang syang halos maubos na ang ampalaya pero napansin ko na hindi nya ginagalaw ang spinach na itinabi nya lang sa gilid ng plato nya.

"Masamang nagtitira ng pagkain." Lumapit ako sa kanya at kumuha ng spinach at itinapat sa kanyang bibig.

Natigilan ito at namutla. "I don't eat spinach." Namumula pa nyang sambit.

"Eat it for me, please." Nagpuppy eyes pa ako sa harapan nya.

Lumunok ito bago tinanggap ang spinach nginuya nya ito at halos maduwal muli na ikinahalakhak ko. Napakagat sya sa labi nya.

Halos mapaubos ko na sa kanya ang spinach nang mapatingin ako sa kanyang leeg na namamantal. Kumunot ang aking noo nang makita ang pamumula ng buong katawan nya pero nakangiti pa rin sya sa akin.

"H-Hei? Are you ok?!" Alalang tanong ko at hinawakan ang braso nyang sobrang init. "May lagnat k—Don't tell me." Kumalabog ang dibdib ko nang mapagtanto ang isang bagay.

"A-Allergic ka sa spinach?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Y-Yes."

"P-Pero bakit kinain mo pa rin?" Kinakabahang tanong ko.

"Ayokong suwayin ka. Handa akong isugal maging ang kalusugan ko masunod ka lang. You are my queen, and I am your knight, and I will eat anything you for you."

"Supremo!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro