Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37

Chapter 37: Order

Zein's Point of View

Gumising ako nang nakangiti. Pumasok sa mga next subject na nakangiti. Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng pakiramdam ko. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Baka nga tama si Supremo na isa akong bipolar?

"Look who's here?" Napatigil ako sa paglalakad patungo sana sa SSG Office nang harangin na naman ako ni Roxane kasama ang kanyang dalawang alalay.

"What do you want, Queen Roxane?"

Ang kaninang nakangiwing labi ay napalitan ng isang ngiti just by hearing the 'queen' word. Reyna naman talaga sya, para sa kanila at gagaya na lang ako, ayoko ng madamay sa kahit na anong gulo. Ayoko nang makagawa na naman ng isang maling galaw na makakasakit na naman, hindi lang sa akin kundi sa iba rin.

"Tutal binanggit mo na rin ang Queen. Ikuha mo nga ako ng Juice sa cafeteria."

"Ako sandwhich." Sabi ng babae sa kaliwa. "Ako pizza." Wika naman ng nasa kanan.

Wala namang kaso kung 'yon lang ang ipagagawa nila makaiwas lang ako sa gulo pero ang kaso ay ang layo ng cafeteria kung nasan kami ngayon, idagdag pa ang tirik na tirik na araw. Baka mahimatay na lang ako bigla.

"Sorry..." aktong lalagpasan ko na sila nang maramdaman ko ang dalawang kamay na nakahawak sa magkabila kong braso.

Mariin akong napapikit bago padabog na inalis ang kanilang mga kamay. "Fine!" Narinig ko ang tawanan nila kahit na mejo malayo na ako sa kanila.

You should be thankul, I am in control of myself bitches.

Halos takbuhin ko na ang cafeteria para lang mapabilis at nakasunog ang sikat ng araw dahil wala pang cover ang itaas dahil nasa quandrangle ako.

"UGH!" I frowned for the nth time.

Kung hindi ko lang sana inaalala ang mangyayari kapag kinalaban ko kayo baka lupasay na kayo ngayon sa lupa. Smirk.

Napahinto ako at napahawak sa tuhod ko dahil sa sobrang layo at init na mas nagpapadoble ng pagod na nararamdaman ko. Naramdaman ko ang isang anino sa likod ko kaya mabilis akong napalingon.

Pinayungan nya ako na ikinakunot ng aking noo. "Ang init naglalakad ka sa ilalim ng araw." Aniya.

"And so what, Liam?"

Ngumisi ito bago umiling. "Saan ka ba kasi pupunta at parang nagmamadali ka?" Tanong nya.

Hinablot ko ang payong nya at naglakad na palayo. Marami na akong nakilala sa HU at ayoko nang may dumagdag pa.

"Wait!"

Naramdaman kong nakisilong sya sa akin. Hindi na lang ako nagreklamo dahil sa kanya naman ang payong na ginagamit namin.

Pagkarating namin sa cafeteria ay binitawan ko na lang bigla ang payong at pumunta sa counter para mag-take out ng mga inutos sa akin. Huh.

"Ang dami naman nyan. Ikaw ang kakain?"

Hindi ko sinulyapan si Liam at hinintay ko na lang ang order ko.

"Ang sungit mo."

"You know what?" Humalukipkip ako sa harap nya. Nakakabadtrip kasi at dumagdag pa sya. "Kung ayaw mong masungitan, lubayan mo ako." Kinuha ko na ng order ko at kinuha muli ang payong nya at nagmadaling lumabas ng cafeteria.

Buti na lang at hindi na nya ako sinundan pero ang payong nya--- Di bale, isasauli ko na lang ulit sa kanya baka magkautang na loob pa ako dahil sa payong na ito.

"Here!"

Parang mga patay-gutom na nag-unahan sila sa mga inutos nila sa akin kaya hindi ko maiwasang mapangisi. "Kanina pa kayo nagugutom at nauuhaw pero tiniis nyo dahil tamad kayong maglakad papunta sa cafeteria sa ilalim ng naghaharing araw. Tama?" Mejo nainis na ako dahil sa katamaran nila at gagamitin pa nila ang power kuno nila para lang makuha ang gusto nila nang hindi pinagpapawisan.

Huh!

"Umalis ka na. Nakakarindi ka."

"Huh! Sabi mo e." Aktong aalis na ako pero binalingan ko pa sila ng tingin. I raised my middle finger. "Fuck you." I murmured.

Ang malapit na SSG Office ay parang sobrang layo dahil sa kanina pa ako naglalakad at nauuhaw na rin ako. Dapat pala sumimsim na ako kanina sa juice. Geez.

Pagkarating ko sa SSG Office ay agad na napatayo si Supremo at inalalayan akong makaupo.

"Hey! Are you ok?" Alalang tanong nya.

Itinodo nya pa ang aircon at isinara ang pinto bago muling lumapit sa akin.

"T-Tubig." Uhaw na sambit ko.

Kinuha naman ni Supremo ang isang bottle ng mineral water na  nakapatong sa kanyang table at ibinigay sa akin.

"Bawas na?"

"Syempre! Ikaw lang ba ang may karapatang mauhaw? Uminom ka na bago ka pa mamatay."

Inis na uminom ako sa mineral water at nang masatisfy na ako ay ibinuga ko sa mukha nya ang sobra.

"Ms. Shion!" Inis na pinahid nya ang tubig sa mukha nya at sinamaan ako ng tingin.

Kinuha nya ang bote ng mineral na wala ng laman at pinukpok sa ulo ko. Napakamot naman ako sa sakit kahit na mahina lang.

"Ano bang ginagawa mo sa labas ng ganitong oras?! Ang init-init! Gusto mong masunog ang balat mo?! Sige! Magbilad ka pa para masunog ka na at pumangit-"

"At wala ng magkagusto sa akin maliban sa'yo?" Pang-aasar ko at as usual ay namula na naman sya.

Ilang araw ko na rin syang inaasar tungkol sa pagkagusto nya sa akin at hindi naman ako nabibigo. Kung sakali ata ay first girlfriend nya ako samantalang ako ay pang 24th na ata sya if ever. Hindi ko na matandaan kung sinu-sino ang naging bf ko.

Ano ba itong sinasabi ko?! Psh.

"Umayos ka nga!" Singhal nya sa akin at bumalik sa table nya.

Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala sa amin sina Vice Ty at Teacher Kath na nakataas ang kilay? Uh oh. Hindi ko sila napansin.

"President Ac-"

"Crap it. Ayokong marinig ang sasabihin mo." Putol ni Supremo kay Teacher Kath.

"I am still higher among the three of you. Ipapaalala ko lang sa'yo na lagi ko namang ginagawa na hindi kayo maaring maging sweet ni Secretar-"

"I know..." Binalingan nya ng tingin si Teacher Kath. "And I don't care." Dugtong nya bago lumapit sa akin at hinila ang kamay ko.

Hindi ako umimik at hinayaan ko na lang na hilain nya ako. Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait. Anong kailangan kong gawin, Supremo? Hindi ko alam kung paano ba lusutan ito?

Dinala nya ako sa secret place kung tawagin ko dahil sa hindi ito gaanong pinupuntahan ng mga estudyante, alam rin pala ito ni Supremo? Sabagay, matagal na sya rito at malamang na minsan ay gusto nya rin ng katahimikan. Nakakatuwa lang na pareho pa namin itong lugar na ito ang nagustuhan.

Inalalayan nya ako makaupo sa ugat ng higanteng puno. Umupo sya sa tabi ko. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko. Paano ba sisimulan ang gusto kong sabihin na hindi ko naman maintindihan?

"Gusto kong takpan ang tainga mo sa tuwing sasabihin nila 'yon..." Mahinang bulong ni Supremo. "Ayokong baka sumunod ka sa gusto nila..." Parang pinupunit ang puso ko habang pinapakinggan ang malungkot nyang tono. "Ayokong lumayo ka sa akin." Dugtong pa nito.

Sumikip ang dibdib ko, sa sobrang sikip ay parang gusto kong sumigaw. Bakit ba kasi sa tuwing masaya ay kailangan din ng lungkot? Hindi ba pwedeng masaya ka tapos masaya ka pa rin mamaya tapos... tapos... walang katapusang saya?

Nababaliw na ako.

Naramdaman ko ang kamay nya na nakapatong sa kamay ko kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Nakangiti ito pero sa likod non ay alam kong nagtatago ang isang lungkot.

"Paano ba Ace? Ano ba ang dapat kong gawin? Utusan mo ako, susundin kita. Please, give me an order, Supremo." Wika ko sa hangin.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nya sa kamay ko at ang init na nanggagaling doon ang nagpapainit sa malamig kong puso.

Damn!

"Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat gawin, basta ang makasama ka ay ang nais ko lang. I am so into something only you can give. I am so damn much crazy, you can call it insanity but the hell yes, Baliw ako sa'yo."

"Bakit ako?" Wala sa sariling tanong ko.

Nagtataka rin ako, bakit ako pa ang nagustuhan nya sa dinami rami ng babae. He could have any girl he wants.

Natawa ito sa tanong ko ngunit hindi nya pa rin binibitawan ang kamay ko. "Yan nga din ang lagi kong tinatanong sa sarili ko. Ayoko sa'yo, ayoko talaga sayo simula pa lang. Ginayuma mo ata ako at naging ganito ako. Ang gusto ko sa babae ay simple, mala anghel kahit na demonyo ako." Aniya.

"Si Angel?"

"Angelica? Oo, naatract ako sa kanya ngunit kapag lumalapit ka ay mabilis na nakakawala ako at sa'yo ang bagsak ko. Parang ako ang north pole ng isang magnet at kayo ang south pole, ang nakakatawa lang ay sobrang lakas ng magnet mo. I am so attract with you. You are so damn attactive."

"Nagustuhan mo rin si Angel?" Malamig na tanong ko.

Natawa itong muli. "Oo naman. Who wouldn't be? She is simple yet attractive." Nakangiting sagot nya.

"Eh kung ganon bakit andito ka?! Doon ka na kay Angel na attractive!" Inalis ko ang pagkakahawak nya sa akin at humalukipkip.

Attractive rin pala para sa kanya si Angel edi doon na sya! Ewan ko pero gusto ko ako lang. Ayokong may kahati. Suwapang ako. Inaamin ko.

Hinila nya ang kamay ko at ikinulong sa kanyang dalawang malaking  kamay.

"Because I chose you over her, isnt't it obvious?"

Hindi pa rin ako umiikit na ikinatawa nya. Damn! Ano bang nakakatawa? Natatawa ba sya dahil naiinis ako? Pwes inis na inis na ako. Sa sobrang inis ko ay baka halikan na kita.

Err.

"Ayokong nakikitang nakasimangot ka pero kung ang dahilan ay dahil nagseselos ka ay parang gusto ko na lang na nakasimangot ka."

Taksil! Napangiti nya ako! Ito ang ayoko kay Supremo, hindi nya alam na simple lang ang mga sinasabi nya sy sobrang naapektuhan ako na umaabot pa sa mga lamang loob ko.

"You are smiling."

"Heh!"

Bigla syang sumeryoso kaya napalunok ako. Nagalit ba sya sa heh ko? Sorry na! Ih! Nakakainis! Bakit ba ang seryoso nya?! Sya ata ang mas bipolar sa aming dalawa e.

"S-Sorry na..." Halos pabulong na sambit ko ngunit nanatiling seryoso ang kanyang mukha na nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung galit ba sya o ano.

Bigla syang tumayo at naglakad palayo kaya mabilis akong sumunod sa kanya. Hinila ko ang damit nya kaya huminto sya pero nanatili syang nakatalikod sa akin.

"Supremo naman e."

Nagulat ako kasabay ng panlalaki ng mata ko nang sa isang iglap ay lumingon sya. Sandaling tumigil ang paligid nang mapagtanto ko na isang maling galaw ko lang ay mahahalikan ko na sya.

Lumapad ang labi nya at ngumisi bago inilayo sa akin kanyang mukha. "That's why. Nagpipigil lang talaga ako, baka kapag hindi ko napigilan ang sarili ko,  maangkin ko ang labi mo." Nakangisi niyang sambit.

Nanatiling tikom ang aking bibig at hindi pa rin makaget-over sa ginawa nya. As in halos maramdaman ko na ang labi nya pero hindi pa talaga naglalapat and I felt bad. Dapat gumalaw ako.

Hinawakan nya ang pisngi ko gamit ang dalawa nyang kamay at nilapit ng konti ang kanyang mukha sa akin.

"Gusto mo ng order? Fine." Sumilay muli sa kanyang labi ang isang ngiti. Ngiting nagpapatunaw sa akin. "You must not obey an order from anyone, sa akin ka lang sumunod. And.... This is an order from the highest Supreme Student Government..." Napapikit ako nang maramdaman ang malamig at malambot nyang labi sa noo ko. "And you can't do anything about it."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro