Chapter 35
Chapter 35: Confession
Zein's Point of View
"He is fine. Kailangan lang nya ng kaunting pahinga." Bungad sa amin ni Nurse Cha at sa likod nya ay si Supremo na diretso ang tingin sa akin.
Habang ginagamot ay nasa loob din si Supremo para siguraduhin na gagamutin nya talaga si Matt.
"Can we see him?" Tanong ni Jerome.
"Ah. Oo." Gumilid si Nurse Chat at nagpasukan silang lahat maliban sa amin nila Nurse Cha at Supremo.
"Excuse me," Pagpapaalam nito bago nagmadaling lumabas. Bale kami na lang ni Supremo ang narito.
"Salamat." Pagpapasalamat ko sa ginawa nya habang nakatingin sa kanyang mata na nagtatanong.
"Are you okey?" Alalang tanong nya at hinigit ako para suriin ang bawat parte ng katawan ko.
Hindi ko maiwasang mapangiti na ganito pala mag-alala si Supremo. OA.
"Hey! Why are you smiling?! Tell me where it hurts."
Hinawakan ko ang kamay nya para pakalmahin sya sa pag-o-over react. "I am. Matt protected me." Sagot ko.
Tumalikod na ito sa akin para umalis na. "Matt must be so lucky to have you as a friend." Walang buhay nyang sambit at nanatiling nakatalikod sa akin.
Lucky?
"I don't think so." Mapakla kong tugon.
Binigo ko sya. Binigo ko ang pangako kong pagkakatiwalaan ko sya. Sinira ko ang pangako ko.
"Yes he is. Can I also be lucky?"
Kumunot ang aking noo ngunit nanatili syang nakatalikod sa akin.
"Can I have the luck of being with you? Please. Give me a chance, Zein."
Mabilis na naglaho sya sa kadiliman. Ang kaninang nakabagsak kong panga ay napalitan ng isang matamis na ngiti.
You don't need to please. You already have me.
Pumasok na ako sa loob at nadatnan kong tulog pa rin si Matt na may benda sa braso at mga pasa sa katawan. Halos manlambot ako sa nakikita kong kalagayan ni Matt, kalagayan na sana ay wala sya kung pinagkatiwalaan ko lang sana sya.
"Don't blame youself." Mahinang bulong sa akin ni Dave.
Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala silang lahat sa akin. Ang kaninang masikip kong dibdib ay bahagyang lumuwag nang makita ang mga ngiti nila sa akin. I couldn't measure how lucky I am to have them.
Umupo ako sa tabi ni Matt at hinawakan ang kanyang pisngi na may mga sugat. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"I-I'm still sorry, Matt. Sorry. Can you forgive me? Please."
Kumuyom ang kamao ko at napayuko na lang. Hindi ko pa rin maiwasang kamuhian ang sarili ko. I should have believed on him! Damn, Zein!
Naramdaman ko ang paghawak ni Jerome sa aking balikat para patahanin ako. "Stop crying. Hindi pa sya patay." Biro nya kaya binatukan sya ni Vanessa.
"Gusto mong unahin na kitang patayin?" Pagsusungit sa kanya ni Vanessa.
"Ba't ba ang init ng ulo mo sa akin?! Inaano ba ki-Aray!" Piningot ni Vanessa ang tenga nito na ikinatawa namin.
Bugbog sarado si Jerome kay Vanessa pero wala akong makitang kahit na anong balak kay Jerome na gantihan ito. Nakangiti pa nga ito kahit na bugbog sarado na e.
"Manalig ka, Zein." Sambit ni Mia na nakaluhod sa sahig at nakadikit ang mga palad habang nakatingin sa taas.
Sumunod naman sa kanya si Dave. "Manalig tayo." Sambit pa nito habang nakatingin kay Mia. "Magmahalan tayo." Sambit nito habang nakatingin kay Mia na ikinalingon ni Mia.
"H-Huh?"
Biglang nag-iwas ng tingin si Dave at itinuon sa taas. "Manalig tayo." Bawi nya na ikinatawa ko.
Damn! Nakakawala talaga ng lungkot ang mga bruha at bruhong mga ito.
Nagtatawanan kami nang biglang umungol si Matt kaya napatingin kami sa kanya. "Anong masakit sa'yo?! Matt! Ayos ka lang?!" Nag-aalalang tanong ko.
"A-Aray Zein. Yung braso ko, naupuan mo."
Mabilis na napatayo naman ako nang mapagtantong naupuan ko na pala ang braso nyang may sugat pa rin. "S-Sorry." Nahihiya kong sambit.
"Buti naisipan mo ng imulat ang mata mo." Natatawang sambit ni Jerome na gulo-gulo ang buhok.
Mukha syang ginahasa habang si Vanessa ay nagpipigil lang ng tawa na nakatingin sa kanya.
"Huh?" Nalilitong tanong ni Mia.
"Kanina ka pa gising e. Gusto mo lang makatabi pa si Zein kaya hindi ka nagmumulat ng mata." Panunukso ni Dave na humagalpak.
Namumulang binato ng unan ni Matt si Dave na mabilis na inilagan ito. "Ahh!" Atungal nya ng mapwersa ang kanyang braso sa pagbato.
"Huwag ka nga munang gumalaw!" Pagsusungit ko sa kanya bago sya inalalayang makaupo.
Hindi mawala-wala ang ngisi niya sa akin at parang gusto kong hampasin sya ng unan. Anong nakakangiti? Psh.
"Labas muna kami a." Ani Vanessa na tinanguan ako. Nagets ko naman ang sinabi nya kaya ngumiti na lang ako.
"Huh? Ayoko! Dito lan-"
"Huwag ng makulit." Hinila na ni Vanessa si Jerome palabas habang sina Dave at Mia ay sumunod na lang sa kanila.
Ilang minuto nang nakaalis na sila at hindi pa rin kami nag-uusap ni Matt.
"Sorry," Napatingin ako sa kanya nang magsalita sya. "Sorry kasi naglihim ako sa iyo, sa inyo. Sorry kasi kinailangan kong itago ang lahat." Mapait na sambit nya.
Umiiling na umupo ako sa tabi nya. "Hindi. Ako dapat ang humingi ng tawad." Lumunok ako bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Nangako akong magtitiwala sa'yo pero sinira ko. Sorry kung pinagbintangan kita. Sorry kasi sinira -" Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko.
Naramdaman ko ang paggalaw ng kama bago ko naramdaman ang pagbalot ng kamay ni Matt sa aking kamay.
"Naiintindihan ko, Zein. Hindi ako nasaktan. Alam mo kung ano ang masakit?" Napaangat ako ng tingin at napatingin sa mga malungkot nyang mata. "Masakit na makitang umiiyak ang babaeng mahal ko." Dugtong nya.
Sandaling tumigil sa paggalaw ang utak ko at parang may sumagabal na ano roon. Nanatiling nakatingin ang mga mata kong nagtatanong kay Matt.
"A-Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko.
Hindi ko maintindihan kahit na ang ikli lang ng sinabi nya. Hindi ko ba talaga maintindihan o ayaw kong intindihin?
"Pero alam kong may nakapuna na sa puso mo. Alam kong sya." Hinawakan nya ang pisngi ko para punasan ang luha roon. "I am happy for you. Finally." Halos pabulong na dugtong nya.
Matagal ko ng nararamdaman na iba ang trato sa akin ni Matt pero ipinagsawalang bahala ko ang lahat dahil alam kong kaibigan lang 'yon pero--- Shit.
"Ayokong magpakamakasarili para ipaglaban ka gayong alam kong sa huli ay talo pa rin ako. Pero, ipangako mo lang sa akin na hinding-hindi ka na iiyak. Ok na ako."
"Matt."
"Promise me, Zein. Masasaktan lang ako lalo kapag nakita pa kitang umiyak. Ipangako mo, kahit na bilang pinakatamatalik mong kaibigan lang."
Naiiyak na tumango ako bago yumakap kay Matt nang mahigpit. Sorry Matt, hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo pero ipapangako ko namang kahit kailan ay hindi mawawala ang pagkakaibigan natin.
We are forever friends, Matt. Promise.
Ilang araw na ang lumipas nang mangyari 'yon ay wala namang ibang nagbago. We are still the same, the usual us.
"Asan si Supremo?" Tanong ko kay Vice Onel.
Bakante kasi ang lamesa ni Supremo at ilang araw na ring ganito ang nadadatnan ko.
"Pinatawag ni headmistress." Sagot nito.
Tumango na lang ako bago dumiretso sa lamesa ni Supremo at inayos ang mga nakakalat na papel. Kahit kailan talaga burara ang lalaking 'yon. Hindi ko nga alam kung secretary ba talaga ako o personal assistant.
Naramdaman kong may presensya sa likod ko kaya mabilis na tumalikod ako at sumalubong sa akin si Supremo na nakakunot ang noo.
"Why are you here? It's lunch time." Nakakunot noong sambit nito.
Napanguso na lang ako nang maalala na kanina pa ang lunch break ng mga kaibigan ko at nakapasok na sila ngayon.
Ayoko namang kumaing mag-isa dahil ang hirap lumunon. Nasanay na akong kasalo sila sa lahat ng bagay. Hindi ko nga alam at parang dumedepende na ako sa kanila e.
"Hindi pa ako nagugut-" Halos malusaw ako nang kumalam ang sikmura ko.
Umangat ang isang kilay ni Supremo bago ako hinila palabas ng SSG.
"Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom! Kumain ka sa tamang oras!" Parang tatay na sermon nya sa akin.
"Eh waka akong gana e!" Sumbat ko.
"Shut up."
Muli na naman akong napaismid sa kawalan. Kahit kailan talaga at wala akong nakukuhang matinong sagot kay Supremo. Laging napuputol ang lahat sa shut up.
Pinaupo nya ako sa isa sa mga table at umupo naman sya sa tabi ko. Lumapit sa amin ang isang waiter at kinuha ang order namin.
"Bakit puro baboy? Teka! Bakit ikaw ang pumili?!"
"Because I am the President."
"FYI! We are living in a democratic countr-"
"Shut up."
Huh! Fuck you! UGH!
Dumating na ang order namin at halos umatras ako sa mga steak na nakikita ko. Hindi naman sa ayaw ko sa mga ganito pero DUH! I am on diet.
Pinaglagay ako ni Supremo sa plato ko pero pinagmasdan ko lang ito. Eh! Baka naman masira ang pinaghirapan kong shape dahil dito.
"Hindi lalakad ang pagkain papunta sa bibig mo."
"Pero, Supremo! I prefer leafy foods."
"Hindi mo sinabi edi sana pinakain ko na lang sayo ang bermuda grass."
What?!
"Sup-" Naputol ang sasabihin ko ng itapat nya ang kutsara sa bibig ko.
"You are so loud." Hinila nya ang upuan ko at itinapat sa kanya. Kinuha nya ang plato ko at kumuha roon.
Ibinalin ko sa ibang direksyon ang aking paningin nang itinapat na nya sa bibig ko ang kutsara.
"Eat it or else...."
What?
"I'll eat you."
Nanlaki ang mata ko at napaawang ang aking bibig dahil sa sinabi nya. Kinuha naman nya ang chance na yon para isubo sa akin ang laman ng kutsara at halos mapaubo ako sa gulat.
"Liked it?" Pang-aasar nya habang nakangisi pa sa akin.
"Ako na!" Inis na kinuha ko sa kanya ang plato at inayos ang sarili ko.
Pulang-pula ang mukha ko dahil sa mga ginawa nya at sa sinabi nya.
Pero bakit ganon? Parang gusto kong itigil ang pagkain para ituloy nya ang else na sinasabi nya. Ewww, Zein. Yuck.
Pagkatapos naming kumain ay iniwan na rin ako ni Supremo kaya pumasok na ako sa next subject ko.
----
Third Person Point of View
"Supremo. Hindi ako ang gumawa-"
"Siguraduhin mo lang Nazzer Lumia."
Ngumisi si Nazzer sa kanya ngunit nanatiling kalmado si Supremo na nakatingin lang sa kanya.
"How's Supremo? Just one more wrong move. Say goodbye to your position." Pananakot nito.
Wala namang naging reaksyon si Supremo at nanatiling nakatingin kay Nazzer.
"Hindi ka ba natatakot, Supremo? Kapag nawala na sa'yo ang posisyon mo ay hindi mo na sya mapoprotektahan." Mahina itong natawa sa sinabi nya.
Isang ngisi ang kumawala sa labi ni Supremo. "Hindi ako natatakot." Matapang na sagot nito.
"Well dapat matakot ka na. Alam ko na ang sikreto mo, Supremo."
Kumunot ang noo ni Supremo sa sinabi nito na mas ikinalawak ng ngisi ni Nazzer.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ang tahimik ni Raze? Pinatay ko na ang kapatid nya ngunit ang tahimik nya pa rin."
"Why don't you ask him instead?"
Tumalikod na si Supremo at nagsimulang maglakad palayo. Mariing naikuyom ni Nazzer ang kanyang kamao sa galit.
"Nalalapit na ang pagbagsak mo. Supremo. Sige lang, lumapit ka lang kay Zein. Mas napapadali ang lahat."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro