Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

Chapter 33: Supremo

Zein's Point of View

Madilim. Napakadilim. Nasan ako?

Tumakbo ako ng tumakbo kahit na wala naman akong nakikitang humahabol sa akin pero patuloy parin ako sa pagtakbo.

Hingal na hingal na huminto muna ako para habulin ang hininga ko nang may humawak sa braso ko.

Inangat ko ang tingin ko. Hindi ko makita ang mukha nya. Parang hindi ko maaninag ang itsura nya.

Pinilit kong binawi ang braso ko ngunit pilit nya pa ring hinihila. Namalayan ko na lang na may nakahawak na rin sa kabila kong braso. Maging sa paa.

Hinihila nila ako kaya nagpumiglas ako. Sumigaw ako ng sumigaw ngunit walang boses ang lumabas sa bibig ko.

Tumatawa sila habang hinihila ako. Nakakakilabot. Nananayo ang balahibo ko. Patuloy pa rin ako sa pagsigaw ngunit wala talagang lumalabas sa bibig ko.

Naramdaman ko na may yumugyog sa akin kaya naalimpungatan ako. Agad na nakita ko ay si Sir Alvarez na mukhang nag-aalala.

"Ayos ka lang? Kanina ka pa umuungol." Nag-aalalang sambit nya.

That dream. Ano ang ibig sabihin non? Bakit nila ako hinihila? Anong kailangan nila sa akin?

"A-Asan po ako?" Tanong ko nang mapagtanto na hindi familiar sa akin ang lugar na ito.

Mula sa kulay cream na kulay ng wall ay wala ng narito maliban sa isang aparador na sa tingin ko ay ang nagsisilbing silidan ng damit.

"Andito ka sa dorm ko, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong nya bago ako inabutan ng tubig. "Nakita na lang kita malapit sa kakahuyan, walang malay." Dugtong pa nito.

Makikita mo sa mata talaga nya na nag-aalala sya pero ano nga bang nangyari?

"S-Si Celine. Pumasok sya sa loob ng gubat!"

Muli akong binalot ng takot nang unti-unti nang magsink-in sa akin ang mga nangyari kanina. Napatingin ako sa labas ng bintana, madilim na sa labas at sobrang lakas pa rin ng ulan na sinusundan pa ng kidlat at kulog.

"Celine? Hindi ko sya nakita. Ikaw lang ang naroon."

Nabalik kay Sir Alvarez ang aking tingin bago umiling. "May mga tao sa loob ng gubat, marami. Pumasok si Celine doon! I was about about to follow her but..." biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako rito. "Hindi ko na alam. Bigla na lang nagdilim ang lahat." Natulala na lang ako pagkasabi non.

Kung hindi pa nakakalabas ngayon sa gubat si Celine, ano ng nangyari sa kanya?

"Nakita mo ba ang mga taong sinasabi mo?"

"Hindi, pero naramdaman ko."

Bigla ko tuloy naalala ang nangyari sa amin ni Matt dati nang sinamahan nya akong mag cr at naabutan kami ng bloody night. Nang bigla na lang syang tinira ng pako sa binti, malayo pa ang BBG non pero naramdaman kong may nakamasid na sa amin, marami.

"They must be one of the gang..." Naguguluhang konklusyon ni Sir Alvarez. "Either BBG or DGW." Dugtong pa nito.

Napabuntong-hininga na lang ako nang maaalala ang aking mga kaibigan. Sigurado akong nag-aalala na sila.

"I need to go," Inalis ko ang kumot sa akin ay nakabalot at tumayo ngunit bigla akong napaupo dahil sa panghihina. Parang hindi ko pa kayang maglakad.

UGH!

"Pumarito ka na muna, it is no longer safe outside. 8:30 na at malakas pa ang ulan."

Muli akong napatingin sa labas. Bahagya akong napaigtad nang biglang kumidlat nang malakas at panandaliang lumiwanag ang paligid kasabay ng malakas na kulog.

Isinara naman ni Sir Alvarez ang kurtina nang makita ang naging reaksyon ko sa kidlat.

"Samahan mo akong kumain,"

Sumunod na lang ako kay Sir Alvarez. Hindi ko maiwasang mapangiti. Namiss ko tuloy si Daddy sa kanya. Para na syang ama sa akin.

Malaki ang dorm ni Sir Alvarez kung ikukumpara sa amin, siguro ay dahil isa syang guro.

"Kayo lang po ba ang nandito?" Bigla kong tanong baka kasi may iba pa syang teacher na kasama sa dorm.

Sinulyapan nya lang ako ng bahagya bago ngumiti. "Yeah." Maikli nyang tugon.

Pagkarating namin sa kusina ay nakahanda na ang sopas. Naihanda na rin nya siguro ito habang tulog ako. Pinanghila nya ako ng upuan kaya mejo nailang ako. Gentleman.

"You want coffee?" Tanong nya habang nakatalikod sa akin at nakaharap sa lababo para magtimpla.

"Sige po," Sagot ko.

Pinanood ko lang syang magtimpla. Bigla kong naalala ang pinapagawa nya sa akin. Hindi naman nya binabanggit dahil ayaw nya sigurong mapressure ako.

Iniliko ko ang aking mata nang humarap na sya sa akin hawak ang dalawang kape. Ipinatong nya ang isa sa harap ko bago sya umikot sa kabilang table.

"Thanks." Maikli kong sambit.

Sinuklian nya lang ako ng matipid na ngiti bago nag-umpisang kumain. Hindi ko maiwasang mapangiti sa sarap ng sopas.

"Ikaw po ba ang nagluto nito?" Tanong ko na ikinalingon nya.

"Yeah. Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" Alalang tanong nya kaya mabilis akong umiling.

"Masarap nga po e. Nagulat lang po ako na magaling pala kayong magluto." Sambit ko na mahinang ikinatawa nya.

Habang kumakain ako ay kapansin-pansin ang pagsulyap sa akin ni Sir Alvarez kaya nakaramdam ako ng pagkailang.

"M-May problema po ba?" Pagbasag ko sa katahimikan.

Umiling ito sa akin at sumimsim sa kanyang kape. "May naalala lang ako..." Ngumiti sya sa akin kaya ngumiti na rin ako pabalik.

Ano naman kayang naalala nya?

Pabalik na kami sa kwarto na pagtutulugan ko. Sa sofa na raw matutulog si Sir Alvarez.

"Ah Sir? Pasensya na po at hindi ko pa rin nahahanap ang hidden laboratory nila." Nahihiya kong sabi.

Umupo sya sa tabi ko at tinap ang aking ulo. "Okey lang, masyado lang talaga silang maingat sa mga ganitong bagay." Pagpapatahan nya sa konsensyang nararamdaman ko.

Dahil na rin siguro sa kapaguran ko ay agad akong nakatulog. Pagkagising ko ay agad akong bumangon para bumalik na sa dorm namin, hindi na ako nakapagpaalam kay Sir Alvarez dahil mahimbing pa rin ang tulog nya sa sofa.

Pagkarating ko sa dorm ay syempre, sumalang ako sa Q&A, halos mahilo nga ako sa pagbatok sa akin ni Vanessa, pero ganon pa man ay hindi ko maiwasang mapangiti, at least alam kong nag-alala sila.

Last day na ng Foundation Day at last day ko na rin, pero pilit kong iwinawaglit ito. Ayokong mag-isip ng kung ano.

Nakaharap ako sa salamin habang nagsusuklay nang biglang kinuha sa akin ni Mia ang suklay.

"Hei!" Awat ko sa kanya nang may ginagawa sya sa buhok ko.

"Nauumay na kasi ako sa style ng buhok mo!" Pagsusungit nya.

"Nyek?"

Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko na lang sya. Sa aming tatlong babaeng magkakaibigan, si Mia ang fashionista. Lahat ng damit na susuotin nya ay pinaghahandaan nya.

"Woa!" Namangha ako sa ginawa nya sa buhok ko.

Nakatirintas ang ilang bahagi ng buhok ko sa magkabilang gilid tapos muli nya itong itinitintas. Parang nakita ko na ang style ng buhok na ito sa mga barbie na pinanuod namin dati e.

"See? You just need a little transformation."

Nahihiyang lumabas na kami ng kwarto nang marinig na namin ang matinis na sigaw ni Vanessa sa labas.

"Woa! Is that you, Zein? I didn't notice you there!" Biro ni Jerome na tinatapik ang balikat ni Matt na tulala lang sa akin.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng ilang dahil hindi talaga sya kumukurap habang nakatingin sa akin.

"Laway mo!" Biro ni Vanessa kay Matt bago nya ito binatukan at halos magkaumpog na sina Jerome at Matt sa lakas nito.

"A-Ah? Woa! Hindi mo naman kailangan pang magpaganda, matagal ka ng maganda..." Napagitla ako nang hinila nya ako palapit sa kanya at kinawit nya ang braso ko sa braso nya. "Pero mas maganda kung ako ang katabi mo." Dugtong pa nito at halos iumpog ko na ang ulo ko sa sahig sa sobrang hiya.

"Yun oh! Galawang Matthew 101." Natatawang biro ni Dave at nag-apir pa sila nito.

"Ewww... Pero tama ka naman e. Maganda si Zein, kaya dapat gwapo ang katabi nya." Bigla akong hinila ni Vanessa palayo sa kanya at nauna na kaming lumabas.

Napabuga na lang ako ng hangin nang tuluyan na kaming makalabas.

"Gwapo naman ako a!" Nakasunod pala sya sa amin.

"Ipakita mo! Dapat manalo ka!" Sagot ni Vanessa na ikinakunot ng aking noo.

Ano namang sinasabi ng babaeng 'to na ipakita ni Matt?

"Anong meron?" Nagtatakang tanong ko nang makapasok na kami sa Gymnasium.

Napaface palm na lang ako nang maalala na ngayon pala gaganapin ang Mr. And Ms. Face of the Year. "Representative si Matt nang section namin." Bulong sa akin ni Vanessa na ikinalaglag ng panga ko.

Sinulyapan ko si Matt at tinatapik nila Jerome at Dave ang kanyang balikat na animo'y pinapalakas ang loob.

OMG!

Minsan ko ng nakitang lumaban si Matt sa ganitong patimpalak at halos maputol ang litid sa aking lalamunan sa kakasigaw ko. Hindi ako nag-e-exaggerate, Matthew is damn so hot!

Another OMG!

"Bibig mo..." Humahagikgik na bulong sa akin ni Mia na nasa tabi ko na pala.

Mabilis na itinikom ko naman ang aking bibig dahil hindi ko namalayan na nakaawang na pala ito.

"Wala man lang bang good luck kiss?" Halos mapatalon ako sa gulat nang nasa tabi ko na pala si Matthew.

Itinulak ako ni Vanessa at Mia dahilan ng pagkasubsob ko sa dibdib ni Matt. Halos himatayin na ako sa kilig.

"Eh?"

"Isa lang..."

"You don't know the rule in this competition?" Halos mapatalon kami sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ni Supremo sa aming harap.

He is in his usual poker face expression pero ngayon ay parang hindi nya mapigilan ang expression na inis.

"Anong rule?" Nagtatakang tanong ako pero hindi man lang nya ako nagawang sagutin at nanatili ang kanyang masamang titig kay Matt na ngayon ay nakangisi rin sa kanya.

Ano namang rules ang sinasabi nito?

"Walang rules sa patimpalak na ito ah!" Paalala ko nang mapagtanto na ako ang gumawa ng event na ito.

Tinapunan ako ng tingin ni Supremo bago sumilay sa kanyang labi ang isang nakakalokong ngisi.

"Well, ngayon meron na." Muli nitong ibinalik kay Matt ang kanyang tingin. "If you are one of the participant, you are not allowed to have a kiss to anyone... even just a friendly kiss." Tinalikuran nya kami matapos sabihin 'yon.

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nya. What the hell?! Anong klaseng rule 'yon, Supremo?!

"Ang daya talaga ni Supremo... sige hug na lang." Aktong yayakapin na ako ni Matt nang pumagitna sa amin si Supremo.

What the hell?! Akala ko umalis na sya.

"Not even a hug..." Hinigit na ako ni Supremo palayo roon kaya wala akong nagawa kundi senyasan na lang si Matt na galingan nya.

Sinulyapan ko si Supremo na seryosong nakatingin sa kawalan habang hawak-hawak ang braso namin.

"What kind of rule is that?" Nalilitong tanong ko.

Wala naman kasi akong makitang point ng mga rule na ginawa nya.

"Shut up."

Napaismid na lang ako sa hangin. Hindi ko alam kung ano ang problema ni Supremo ba't ang sungit nya ngayon. I mean, lagi naman syang ganito pero alam ko at ramdam kong iba ngayon.

Umupo kami sa harapan. Nasa kaliwa ko si Supremo habang nasa kanan ko si Vice Ty na binigyan lang ako ng tipid na ngiti.

Nagpalakpakan ang lahat ng mag-umpisa na. Isa-isa tinawag ang mga participants ngunit hindi pa tinatawag si Matt.

Maraming sumisipol dahil ang sesexy naman ng mga contestant namin. Sinulyapan ko si Supremo na poker face na nanunuod.

Eh? Ibang klase!

"Ang sexy nila." Wala sa sariling sambit ko.

"Not really." Sagot ni Supremo kaya sa ikalawang pagkakataon ay napaismid na lang ako sa hangin.

"Woa!" Napanganga ako ng biglang naghubad ng damit ang isang lalaking contestant revealing his well-built body.

Nabigla ako ng biglang magdilim, I mean tinakpan ni Supremo ang mata ko.

"Rated SPG, patnubay ni Supremo ang kailangan." Dinig kong bulong ni Supremo.

Marahas na tinanggal ko ang kamay ni Supremo sa aking mata pero pagkaalis ko naman ay nakatayo sya sa harap ko at tinatakpan ang stage.

"Nanunuod ako, Supremo!"

Halos maibato ko na sa kanya ang mono block na inuupuan ko dahil sa inis.

Umupo rin sya nang wala na ang lalaking naghubad. Napangiwi na lang ako dahil nasayangan ako sa magandang view na tinakpan ni Supremo.

"You look pissed.." Sambit ni Supremo. Nakataas na kilay na hinarap ko sya. "You want to watch that fucking guy's body?" Galit na tanong nya.

Ibinalik ko na lang muli sa harap ang aking tingin at kinimkim ang inis na nararamdaman ko. Ano bang problema nya? Kanina pa sya a.

Kumunot ang noo ko nang tinawag na si Matt at ang kanyang magiging partner ngunit walang lumabas.

"Wala raw 'yong partner nya..." Dinig kong bulong ng sa likod namin.

UGH!

Hinawakan ko ang braso ni Supremo nang tumayo sya. "Saan ka pupunta?" Nakakunot-noong tanong ko.

"I will disqualify Matthew Hart."

Napatayo na talaga ako sa kinauupuan ko bago sya sinamaan ng tingin.

"No!" Pagmamatigas ko.

"He doesn't ha-"

"Ako... ako ang papalit."

Mabilis na tumakbo ako papunta sa back stage kung saan naabutan ko na nagkakagulo ang lahat habang si Matt ay nakanguso.

"Ako ang papalit sa kanya."

Halos manlumo ako nang mapatingin silang lahat sa akin. Napanganga pa si Matt nang makita ako.

"Ayon naman pala e!" Dinig kong sambit ng isa sa kanila.

"Are you sure?" Tanong ni Matt kaya tumango na lang ako.

Pinasok nila ako sa dressing room at binihisan ako nang two piece. Hindi naman ako naiilang sa suot ko since sanay na akong magsusuot nito.

Nilagyan nila ng kulorete ang aking mukha ngunit ang aking buhok ay hindi na nila ginalaw dahil maganda na raw ang pagkakaayos.

Hinawakan na ni Matt ang aking braso nang matapos na ang pag-aayos sa akin. He is wearing a short and a plain white shirt.

Nakataas ang buhok nito na magpapadagdag sa appeal ng aura nya.

Tinawag na kami at pagkalabas namin ay nakakabinging sigawan ang umalingawngaw sa paligid.

May choreographer naman na nagtuturo kung ano ang gagawin namin kaya hindi ako nahirapan. Napanganga ako nang higitin ako ni Matt palapit sa kanya.

"Damn so hot." Bulong nya sa tenga ko na mahina kong ikinatawa.

Para sa huling poise na ginawa namin ay nakakawit ang dalawa kong braso sa leeg ni Matt habang nakataas ang isa kong paa. Si Matt naman ay nakangising nakatingin lang sa akin.

"Damn, Zein." Muli nyang sambit.

Tumabi na kami sa mga contestant na tapos na at tinawag na ang susunod.

Napanganga ako at nanlaki rin ang mata ko nang makita kung sino ang dalawang rumarampa ngayon.

Fritzy and Ace.

Halos mapaupo ako sa kinatatayuan ko nang biglang pinunit ni Supremo ang T-shirt niya at halos mabingi na ako sa sobrang ingay ng gymnasium.

What the hell, Supremo.

Humarap sya sa akin habang nakataas ang kilay nya at nakangisi. Napatingin ako sa katawan nya at halos himatayin na ako.

Supremo, is so damn hot as hell! Fuck!

Hindi na talaga ako huminga nang bigla syang pumunta sa harapan ko.

"Ngayon, tumingin ka sa katawan ko hanggang magsawa ka. Sa katawan ko lang, hindi sa iba. This is an order from the highest Supreme Student Government and you can't do anything about it."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro